Tradisyon na ng pamilyang Harrington na ibibigay lang ang sarili sa araw mismo ng kasal, dahil sumisimbolo ito ng kalinisan at swerte sa negosyo nila. Ikakasal na sana si Marigold kay Estefan, but she found out he cheated on her with her best friend, Bella. Ang dahilan? Sex. Hindi na raw kasi matiis ni Estefan na hintayin pa ang kasal. Di matanggap ni Marigold ang nangyari. Nagpunta siya sa bar, uminom hanggang sa di lang puso ang nawasak kundi ang pagkababae niya. She had a one night stand with a man she didn't know. Ang masaklap pa ay nabuntis siya nito. She kept her pregnancy for four months. But her father disowned her after knowing the truth, giving her a one-million pesos to leave the mansion. After six years, she decided to apply to a newly opened hotel as a concierge. Nalaman niya na lang ang married status niya no’ng kumuha siya ng cenomar— requirement for a single mom assistance ng bagong kompanyang pinasok niya. Bigla na lang niya naalala that she signed a marriage contract that night. Ang hindi niya alam na kinasal pala siya sa isang bilyonaryo!
Lihat lebih banyakHAWAK ni Mari ang tablet niya nang maupo siya sa sala. Pinapanuod niya mula rito ang video na nakuha ng dalawang hidden camera; ang sa opisina niya at sa apartment ni Bitsy. Naikuyom ni Mari ang kaniyang kamay kasabay ng pag gilid ng luha niya nang makita kung paanong sinaksak ng tauhan ni Kate ang walang kalaban-labang Bitsy. Napalunok siya upang pigilan ang h’wag humikbi.Halos tatlong araw na walang maayos na tulog sina Clarence at Mari dahil sinamahan nila ang technician habang inaayos ang laptop at ma-restore ang video. “Stop it, Mari,” sabi ni Clarence. Kinuha niya ang tablet kay Mari at nilagay ito sa center table saka siya tumabi rito.“I don’t get the point, Clarence. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasama si Kate. Na bakit kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mari. “H’wag mo na isipin iyon, Mari. Basta alam na nating masamang tao si Kate.” Napabuntong-hininga si Clarence at sa mukha niya ay may halong pag-aalala ay pagkadismaya
HULING araw na ni Bitsy nang bumisita si Mari sa chapel. Mabuti na lang ay nakahabol siya pagkatapos ng limang araw na pagpapahinga niya sa ospital. Umuwi na rin ang mga kaibigan niya sa Baguio. Hindi na niya sinama pa ang mga kaibigan at pamilya niya sa lamay dahil gusto niyang mapag-isa.Pagpasok ni Mari sa loob ay dinig niya hikbi ng pamilya sa pagkawala ng sekretarya niya. Sa bawat paghakbang niya patungo sa kabaong ni Bitsy ay unti-unti niyang nararamdaman ang matinding bigat at panghihinayang. “I’m sorry, Bitsy.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig niya at saka tumulo ang kanyang luha. Pagkatapos niyang tingnan ang labi ng sekretarya ay lumapit siya sa ina nito upang makiramay. “I am sorry for your loss, M’am Merideth. Nakikiramay ako,” malungkot niyang sabi sa ina ni Bitsy. Hahawakan niya sana ang balikat nito nang bigla siyang tinulak palayo. “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!” sigaw ng nanay ni Bitsy na may halong pagbibintang. Nagdulot ng malak
HABANG busy ang mga tauhan ni Inspector Cruz sa paghahanap ng mga hidden camera sa loob ng apartment ay naroon si Bogart, nagpapanggap ito biglang isang parte ng team. Isang bulalas ang bumasag sa katahimikan nang matagumpay na itinaas ng isang pulis ang isang maliit na camera na nakita niya mula sa tv. “May nahanap akong hidden camera!” anunsyo niya. Napatingin ang lahat sa pulis na iyon at saka lumapit si Bogart dala ang ziplock na ang laman ay mga nakolektang hidden cameras ng apartment. Binuksan niya ang ziplock at ipinasok ng pulis camera.Malalim na ang gabi at pagod na pagod na ang mga pulis dahil umabot ng alas dos ng madaling araw ang imbestigasyon.Sa wakas ay nagsalita na si Inspector Cruz upang tapusin na ang operasyon. “Alright, let’s wrap up!” sabi niya.Bumaling ang tingin ni Inspector Cruz kay Bogart na nakatayo pa rin habang hawak ang ziplock. Nakaramdam siya ng lamig at napalunok. Nanlilisik ang mga mata ng inspektor na may halong panghihinala. May kung anong likid
TAHIMIK na nakahiga si Mari sa kama nang pumasok bigla si Clarence sa kwarto niya. Napansin ni Mari ang pagod at paghahabol hininga nito. Kunot ang noong pinagmasdan niya ang asawa. “Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya. Huminga nang malalim si Clarence. “Bitsy is dead. Someone killed her!” nginig ang boses niyang sinabi iyon. Napasinghap si Mari. Pumasok sa loob ang mga kasama niya nang marinig iyon. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa balita.Pagod at pinagpapawisan si Clarence dahil sa kamamadali niyang bumalik sa ospital. Umupo siya sa tabi ni Mari upang magpahinga.“And how about the video?” tanong ni Mari.“Inspector Cruz is trying to locate Bitsy's corporate laptop. They might call any moment. They're still investigating,” tugon niya.Napatingin sa malayo si Mari at biglang gumilid ang luha niya. Hindi niya inakalang madadamay ang secretary niya rito. Malaking responsibilidad din ito sa kanya at kasabay no’n ay nakokonsensya siya.“This is all my fault,” ani Mari sa sarili.
One hour ago… Madilim ang kalye habang naglalakad si Bitsy pabalik sa apartment niya. Wala na kasi siyang oras magluto kaya sa convenience store na lang siya bumili ng dinner. Habang naglalakad sa pasilyo patungong apartment ay may nakita siyang anino at yapak na tantya niyang isang lalaki na parang sinusundan siya. Nagmadali siyang lumakad hanggang sa nakabalik siya. Pagdating niya sa loob ay agad siyang dumiretso sa kusina. Nahagip ng kanyang mata ang mahinang liwanag mula sa nakabukas na corporate laptop ng Harrington sa ibabaw ng lamesa. Hindi pa kasi niya nai-su-surrender ito dahil may mga importanteng files pa siyang kailangan kunin upang matulungan niya ang boss niyang si Mari. Umupo siya sa lamesa at sinuri ang laptop niya. May mga nakatagong footage ang laptop niya galing sa hidden camera at kailangan niya i-upload ito sa email at maipadala kay Mari. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa progress bar sa screen. “Sixty five percent pa lang?” reklamo niya rito haban
KUNOT ang noo at palakad-lakad si Kate sa gilid ng pool habang hawak niya ang red wine glass. Patuloy na ginugulo ang isip niya nang dahil sa sinabi ni Mari tungkol sa hidden camera sa opisina nito. Napahinto siya sa ginagawa niya nang magsitindig ang mga balahibong ma-realize na baka iyon ang magpapabagsak sa kanya. “What’s the problem, Kate?” tanong ni Silvana na kanina pa nakaupo sa foldable lounge chair habang pinagmamasdan ang anak. Nang pagod na ang mga paa ni Kate ay umupo siya katabi ng mommy niya. “I have a big problem, Mom. May hidden camera sa opisina ni Mari at kailangan ko iyon mabura,” nababahalang sabi ni Kate. Ngumisi lang si Silvana. Kinuha niya ang kanyang kape sa side table saka niya sinimsim iyon. Napatingin si Kate sa mommy niya habang inaabangan ang sunod nitong sasabihin. “Malaki ang posibilidad na ang secretary ni Mari ang may hawak no’n. Nabalitaan kong naaksidente si Mari at sinugod sa ospital.” Nanlaki ang mata ni Kate. Natuwa siya nang marinig iyon.
NASA mansyon na si Clarence at halos mag-iisang oras na siyang naghihintay ngunit wala pa ang asawa niya. Panay lakad niya sa sala at patuloy ang pag-usisa niya sa labas nagbabakasakaling nakaparada na ang sasakyan ni Mari. Nakailang tawag na siya sa kanyang cell phone pero hindi siya nito sinasagot. Napansin ni Epiphania ang bawat galaw ni Clarence. Pati siya ay nababahala na rin dahil wala na siyang balita kay Mari. “Wala pa rin ba ang apo ko?” tanong niya nang lapitan niya ito. Umiling si Clarence. “Hindi po siya sumasagot.” Nginig ang kamay ni Clarence. At sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo siyang kinakabahan. Binalik niya ang kanyang isip kanina nang pumasok siya sa opisina. Dala-dala ni Mike ang tablet niya habang nagmamadaling pumasok ito sa opisina ni Clarence. Kunot ang noo niyang binigay iyon sa boss. “Sir, trending ngayon si Mari sa social media,” wika ni Mike nang ipakita ang article. Hinawakan ni Clarence ang tablet at napahinto siya nang bumungad sa k
MATAGUMPAY na ngiti ang ginawa ni Kate. Masaya siyang makitang nababalisa na si Mari. “See? Ang DNA na mismo ang nasabi na hindi ka parte ng pamilyang ito, Mari,” sabi ni Kate na may halong pangungutyang boses. "You've caused enough trouble, Mari. Leave this house and never come back," utos ni Silvana rito. Ilang segundo ang nakalipas ay kumunot ang noo ni Silvana. Hindi pa rin kasi umaalis ito. “Ano? Hindi ka pa aalis sa mansyon?” Nilakasan ni Silvana ang boses niya. “Guard!” Agad na pumasok sa sala ang gwardya nila. “Yes po, Ma’am?” “Kaladkarin niyo nga palabas itong kutong lupa. Siguraduhin niyo lang na hindi na siya makakaapak pa sa mansyong ito!” inis na sabi ni Silvana. Agad na hinawakan ng gwardya ang braso ni Mari. “Bitawan mo ako! Kaya kong maglakad palabas ng mansyon!” pagpumiglas na sabi ni Mari kaya agad naman siyang binitawan ng gwardya. Bago umalis si Mari ay lumingon muna siya sa kanila. "Someday, you'll regret treating me like this. And I'll make sure of it.
NGINIG ang kamay at halos mabitawan ni Mari ang cell phone niya at napaupo siya muli sa kanyang kama. Hindi siya makapaniwala sa balitang si Kate pala ang tunay na Harrington at hindi siya. Nag-trending pa sa social media ang nangyari sa kanila ni Estefan. Umiling si Mari. “That’s not true. Ako ang totoong Harrington, hindi si Kate,” aniya habang nakatingin siya sa malayo.Naguguluhan siya. Paano nalaman ni Estefan ang tungkol kay Mr. X? May kinalaman ba si Kate rito? Ilang sandali pa ay muling bumalik si Epiphania sa kwarto. “Mari,” malungkot na sabi ng matanda saka hinagkan ang apo. “Narinig ko ang balita sa TV tungkol sa nangyari. Alam kong na-frame up ka. Alam kong hindi totoo ang sinasabi nila. Hindi totoong hindi ikaw ang Harrington. Mabait si Sharon, hindi niya magagawa ang lokohin ang pamilya niya lalo na si Robert.” Tulalang bumagsak ang mga luha ni Mari habang yakap siya ni Epiphania. May takot na bumabalot sa isipan niya. Nag-aalala siya sa kung ano ang iisipin ng mga
APAT na buwang itinago ni Marigold Harrington sa pamilya niya na buntis siya. She had a one-night stand with a man she didn’t know. Tradisyon ng pamilyang Harrington na ibigay ang sarili sa araw lang mismo ng kasal. Ngayon, ang kapatid niyang si Vina lang ang nakakaalam tungkol sa pagbubuntis niya. Kasama ni Mari sa kuwarto niya si Vina. Di siya mapakali at panay lakad niya dahil palaki nang palaki na ang tiyan niya. Baka mahalata ng mga magulang niyang buntis siya. Huminto siya sa ginagawa niya at hinarap si Vina. “Ipalaglag ko na lang kaya ‘to, Ate Vina?” nababahalang sabi ni Mari. Nanlaki ang mata ni Vina. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay. “What are you thinking, Mari? Papatayin mo ang bata? Maawa ka naman sa anak mo. Di bale na, magagawan natin ‘yan ng paraan.” “Paano?” kunot-noong tanong ni Mari. Hindi makasagot si Vina. Walang ni isang plano na pumasok sa isip niya. “Basta, gagawa ako ng paraan, Mari.” Huminga nang malalim si Mari. Takot sila pareho sa dad...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen