APAT na buwang itinago ni Marigold Harrington sa pamilya niya na buntis siya. She had a one-night stand with a man she didn’t know. Tradisyon ng pamilyang Harrington na ibigay ang sarili sa araw lang mismo ng kasal. Ngayon, ang kapatid niyang si Vina lang ang nakakaalam tungkol sa pagbubuntis niya.
Kasama ni Mari sa kuwarto niya si Vina. Di siya mapakali at panay lakad niya dahil palaki nang palaki na ang tiyan niya. Baka mahalata ng mga magulang niyang buntis siya.
Huminto siya sa ginagawa niya at hinarap si Vina.
“Ipalaglag ko na lang kaya ‘to, Ate Vina?” nababahalang sabi ni Mari.
Nanlaki ang mata ni Vina. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay.
“What are you thinking, Mari? Papatayin mo ang bata? Maawa ka naman sa anak mo. Di bale na, magagawan natin ‘yan ng paraan.”
“Paano?” kunot-noong tanong ni Mari. Hindi makasagot si Vina. Walang ni isang plano na pumasok sa isip niya.
“Basta, gagawa ako ng paraan, Mari.”
Huminga nang malalim si Mari. Takot sila pareho sa daddy nila. At mas nakakatakot kung ipagpapatuloy nila ito. Siguradong kamumuhian si Mari ng pamilya niya kapag malaman ang katotohanan.
Biglang narinig ni Silvana—their step-mother ang pag-uusap ng dalawa. Nanlaki ang mata niya sa gulat pagpasok niya ng kuwarto. Nakabukas pala ang kuwarto, kaya narinig nito.
“Vina, is it true? Did I hear you both correctly?” Nanginginig na di makapaniwala ang boses ni Silvana habang papalapit sa kanila. Bakas sa mukha niya ang gulat.
Napatingin si Vina kay Mari. Nag-aalala siya sa kapatid niya pero wala siyang magawa kundi sabihin na ang totoo. Malungkot siyang tumango. “Yes, Mommy,” pag-amin niya. Biglang nguminig ang boses niya dahil sa sitwasyon ng kapatid. “Mari is pregnant.”
Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Silvana—disbelief, disappointment pero higit sa lahat ay masaya siya. Sa una pa lang kasi ay hindi na sila magkasundo ni Mari. But this time, masaya siya sa nangyari dito. Mapapaalis na niya si Mari.
“Buntis? Mari, how could you let this happen? You know our family’s traditions and values. You’ve brought disgrace to us!”
Maya-maya pa, bumukas muli ang pinto, pumasok si Robert Harrington— their father. Namumula ang mukha nito sa galit dahil narinig niya ang usapan.
“What is going on here? Disgrace? Vina, ano ibig sabihin nito?”
Saglit na nag-alinlangan si Vina. Napatingin muli siya kay Mari, mukhang wala na siyang ibang choice kundi sabihin ito. She finally spoke with a heavy heart. “Dad, Mari had a one-night stand and became pregnant. Hindi naman niya ito sinasadya. So, please, let her stay in our mansion,” pakiusap niya.
Tila bang nagdalim ang mukha ni Robert. “Pregnant from a one-night stand? Dinungisan mo pangalan natin, Mari. You’ve gone against everything we stand for.”
Sumikip ang dibdib ni Mari. Nasaktan siya sa hindi pagsang-ayon ng mga magulang niya. Biglang bumuhos ang luha niya. Nanginginig siya sa takot kasabay ng paglambot ng mga tuhod niya. Napaluhod siya sa harap ng daddy niya. Nagmamakaawang matatanggap pa siya nito.
“I’m sorry, Mom, Dad. I never wanted any of this. I’m willing to take responsibility for my actions.”
Napatingin si Silvana sa asawa. “Robert, we cannot let this stand. Our family’s honor is at stake.” Pilyong ngiti ang ginawa ni Silvana nang makitang tumango ang asawa.
Mabigat man sa loob ni Robert, he made a decision, one that would shatter Mari’s world. Biglang hinawakan ni Mari ang kamay ni Robert. Umiiyak siya habang umiiling.
“Dad, please. Let me stay.”
“I’m sorry, Mari. I can’t let you stay. Ano na lang sasabihin ng relatives natin? Bibigyan kita ng isang milyong piso to leave and start a new life away from here. You are no longer part of this family.”
Biglang gumuho ang mundo ni Mari. Natulala na lang siya. Hindi lang pamilya ang nawala sa kaniya kundi pati na rin ang masarap na buhay na kinasanayan niya.
Mabigat sa damdamin ni Mari habang nagiimpake siya ng gamit sa kuwarto niya. Hindi niya makalimutan no’ng araw na nawasak ang puso niya dahil sa panloloko ng ex-boyfriend niya. Kung naging matino lang si Estefan, di sana siya naglasing no’ng gabing ‘yon.
Isang araw bago ang kasal nila ni Estefan ay naabutan niya sa kama kasama ang matalik niyang kaibigan na si Bella. Ang rason kung bakit nangaliwa ang boyfriend niya dahil hindi na ito makatiis. Estefan had needs at si Bella lang nakapag-satisfy dito. Buong puso sinunod ni Mari ang tradisyon ng pamilya niya. Sagrado kasi ‘yon dahil sumisimbolo ito ng kalinisan at swerte sa negosyo nila. Hindi niya alam na dumating ‘yong araw na itatakwil siya ng pamilya niya dahil sa isang pagkakamali.
Dahil sa sakit na dinanas niya kay Estefan ay nagpunta siya sa bar. First time niya uminom no’n, kaya isang shot lang ng vodka, hilong-hilo na siya. Do’n niya napatunayan na totoo pala na makakalimutan ang sakit kapag umiinom. Isang gabi, habang lasing siya ay nakasalubong niya ang isang lalaki. Hindi niya masyadong makita ang mukha dahil sa kalasingan, at tanging mga labi lang ang nakikita niya. That guy has kissable lips. Hindi niya maiwasan ang mapangiti rito nang tumabi ito sa kaniya. “So, I don’t usually do this, but you seemed interesting. What’s your name?”The guy's lips curled into a killer smile. “I don’t give my name to a stranger, but you can call me ‘baby’ instead.”Marahang natawa si Mari. “Bakit naman? Ang weird mo.”Nakaramdam ng init si Mari dahil sa sunod-sunod niyang paglagok ng alak. Pinaypay niya ang sarili gamit ang kamay. “Ang init. Naka-aircon naman.” Palinga-linga siya sa paligid.
Nilapag ng lalaki ang baso sa bar table. Lumapit siya kay Mari at binulungan ito. “Yeah, too hot, that you can’t handle, right?”Napalingon si Mari, kaya naman nagtama ang mata nila. Sa sobrang lapit nila sa isa’t isa ay hindi niya mamukhaan ito. Naghalo na rin ang hininga nila, at amoy niya ang alak na binubuga ng lalaki. Mari hated alcohol scent before, nasusuka siya kapag naamoy niya ‘yon. Pero ibang-iba ang naging epekto sa kaniya ngayon—nakakaakit at nakakaadik.Ngumisi si Mari. “Well, hotness is in my eyes, I guess? Kaya mainit.” Tinitigan niya ito habang iniinom ang isa pang shot ng vodka. “Oh? Really?” Malagkit na tingin ang ginawa ng lalaki. “I get even hotter when I’m in bed. How about that?”Nanlaki ang mata ni Mari. Parang gusto nito makipaglaro sa kanya. She’s not into a flirty conversation. Hindi niya ito ginagawa sa ex-boyfriend niyang si Estefan noon kasi alam niyang papunta ito sa maling direksyon. Iwinaksi ni Mari sa isip ang naging impresyon niya sa lalaki. Ayaw niyang mabalewala ang pagsunod niya sa tradisyon ng pamilya niya. Ibibigay niya lang ang sarili niya sa araw lang mismo ng kasal. But despite her best efforts to resist, she found herself drawn to his gaze. His eyes had a magnetic effect that made her heart race. Parang gusto niyang tikman ang mga labi ng lalaki.‘Oh, God, please help me!’Hindi niya alam pero nilapat niya ang bibig niya sa tenga nito. “Is that so? Well, maybe we should test that someday?” aniya saka humiwalay siya.Napangiwi ang lalaki. “Bakit hindi na lang ngayon?”Pinasadahan niya ng tingin ito mula sa paa paakyat hanggang sa mukha nito. Mari is wearing a sexy backless red dress. Sinimulan niyang titigan ang malulusog na boobs nito. Nangibabaw ang kulay gatas na balat ni Mari dahil sa suot. She got a beautiful body.
THEY ended up at a five-star hotel. Dumiretso kaagad sila sa kuwarto. Pagdating nila ay napatingin siya sa lalaki. Medyo madilim ang kuwarto, hindi pa rin niya kita ang mukha nito, lalo na’t lasing siya. Tinitigan siya ng lalaki saka ito ngumisi. “You know what captures my attention? Your beautiful dress. It gives me the desire to see behind that.” Namula ang pisngi ni Mari. Hindi pa nga siya hinahawakan at tila bang nakaramdam na siya ng sensasyon sa buo niyang katawan. Lumapit ang lalaki sa kaniya. Hinawakan niya ang baba ni Mari. Pagkatapos, hinalikan niya ang mga labi nito. Nag-iinit ang buong katawan ni Mari sa ginawa ng lalaki. Kaya naman, ginantihan niya ng marahas na halik. Nang mapansin ito ng lalaki, mas lalo niyang diniinan ito. Itinulak niya si Mari sa malambot na kama. Gumapang siya rito habang nakatitig kay Mari. Napadilat na lang ang dalaga nang hubarin ng lalaki ang damit nito. Napakagat siya ng ibabang labi nang makita ang abs nito. Nag-wo-workout siguro ito a
ANIM na taon na ang nakalipas simula ng itinakwil si Mari ng daddy niya. Marami nang nagbago sa buhay niya. She now lives in Baguio with her 70-year-old grandma, Epiphania de Flores. Malakas pa ang lola niya kahit matanda na ito. May sarili silang ukay-ukay sa night market. May araw din na naglalako ito ng strawberry taho sa mga turista. Payapa ang buhay niya sa Baguio. Ang maganda dito sa lugar na ‘to, kahit summer, malamig pa rin. At hindi na kailangan ng aircon sa loob ng bahay nila. Nakapundar na rin ng maliit na grocery store si Mari, pero kulang pa rin ito para sa future ng anak niya. Gianni Harrington, her five-year-old son, had recently started attending grade school. Dumagdag ang responsibilidad niya habang lumalaki ito. She even stopped searching her son’s father, mauubos lang pera niya kahahanap dito. Pinubaya niya na lang sa Diyos ‘yon, basta ang importante ay kasama niya ang anak at lola niya. Her son’s future is on the top of her priority list. Busy siya sa pagliligp
SA BAWAT minutong nagdaan, mas lalo siyang naguguluhan. Sinusubukan niyang intindihin ang sitwasyon, but for her it doesn’t make any sense. “Ma’am, I’m sorry, pero sa record namin ay naka-married status ka na,” the staff reiterated. “Pero hindi ko maalala na kinasal ako. Paano nangyari ‘yon? Pwede ko bang malaman kung sino ang asawa ko? Nandyan ba ang marriage certificate ko?” sunod-sunod niyang tanong. “Naku, Ma’am, pasensya na. Down pa kasi ang system namin ngayon sa mga kukuha ng marriage certificate. Siguro mga five working days pa.” “So, meaning, next week pa kasi Thursday ngayon, e?” “Opo, Ma’am. Pwede kayong bumalik. . . o di kaya mag-iwan na lang kayo ng contact number, tawagan ko kayo once na ready na ang marriage certificate niyo” Tumango si Mari at sinulat niya sa papel ang numero niya. Paglabas niya ng PSA ay tulalang naglakad siya sa kalye. Wala siyang maalala na pumirma siya ng marriage contract o dumalo man sa anumang seremonya sa kasal. Her mind was flooded wi
NATAPOS na ang ribbon cutting at saka naman pinakilala ni Manager Patricia ang mga staffs niya kay Clarence. Nakayuko lang si Mari at panay iwas ang tingin niya kay Clarence habang nagsasalita ito. “So, I hope na maging consistent tayo sa mga gagawin natin. Kailangan galingan natin sa customer service, okay?” seryosong sabi ni Clarence. “Opo, Sir Clarence,” ani ng staffs saka yumuko ang mga ito. Umayos na ng pagtayo ang mga conceirge ngunit naiwang nakayuko si Mari. Kinalabit ng kasamahan nilang babae si Mari nang mapansin nila ito. “Kanina ka pa nakayuko, uy? Tapos na.” Nanlaki ang mata ni Mari saka agad siyang napatindig ng maayos. Tumikhim siya habang inaayos ang buhok niya, nakatingin pa rin siya sa malayo at pilit na iniiwasan si Clarence. Napatingin si Clarence sa direksyon ni Mari. Feeling niya familiar ang mukha ng babaeng ‘to, ang hindi niya alam ay ito ang kasama niya sa convenience store.
“STOP the car, Mike,” utos ni Clarence sa secretary niya. Napatingin na lang ito sa rearview mirror, tila naguguluhan ito sa sinabi ng boss niya. “Po? Bakit naman, Sir Clarence?” Binaling ni Clarence ang tingin niya kay Mari at napansin niyang nakayuko lang ito na pilit iniiwasan ang mga titig ng binata. Wala din ideya si Mari sa kung anong dahilan kung bakit pinapahinto ang sasakyan. Malapit na sila sa Hotel de Sinclair, bakit papahintuin si Mike? “I don’t want her to be seen by the people getting out of my car sa tapat mismo ng hotel. Baka kung anong isipin nila. Please stop the car, Mike,”
HINDI pa rin makapaniwala si Mari sa natanggap niyang marriage certificate. Nakasaad do’n na si Clarence Sinclair, ang boss niya sa hotel ang naging asawa niya. Stunned and confused. How could the man she knew as her boss also be her husband? Paano nangyari ‘yon? May arranged marriage ba na hindi niya alam? O baka naman, ginamit lang siya ng pamilyang Sinclair? Pero imposible mangyari ‘yon. Ni hindi niya pamilyar ang pangalang Sinclair no’ng panahong nasa mansyon pa siya. Napatingin siya muli sa marriage certificate. Mas lalo siyang kinahaban nang makita ang pirma niya sa ibabang ng pangalan niya. Hinawakan niya ito at napagtantong kuhang-kuha nito ang pirma. Napahawak na lang ng ulo si Mari. Naguguluhan siya lalo sa mga katunungan niya sa isip. Mas maiintindihan pa niya kung kagagawan ito ng step-mother niya. Pero si Clarence Sinclair? Paano niya naging asawa ang antipatikong ito? Napabuga na lang ng hangin nang maalala ni Mari ang nangyari kanina sa kotse. Hindi niya mata
NAGING tensyonado ang paligid nang magkatinginan sina Mari at Kate. Anim na taon na ang lumipas simula no’ng umalis si Mari sa mansyon, at nasaksihan ni Kate ang nangyaring pagtakwil ng ama nila kay Mari. She was happy that her stepsister is no longer a part of the Harrington family. Mas nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Lahat ng atensyon at pabor ay nasa kanya na. Ang pagkagulat ni Kate ay napalitan ng mapanuksong ngiti nang lapitan ang kapatid. “Well, look who showed up after all this time,” sarkastikong sabi ni Kate. Inihanda ni Mari ang sarili nang harapin niya ‘to. “Surprised to see me, Kate?” Marahang tumawa si Kate sabay tinakpan ang bibig. “Surprised? Leaving and breaking our family’s tradition was a real shocker. Para mo na lang din inabandona ang pamilya mo.” Nanatiling kalmado si Mari. “I didn’t abandon anyone. Kayong lahat, except Ate Vina, ang nag-abandon sa akin. Pinili ko na lang magpakasaya.” “Happiness?” Ngumisi si Kate. “Does breaking a tradition make y
“ARE YOU sure you wanna marry Kate Harrington?” naguguluhang tanong ni Mike kay Clarence. Nasa office silang pareho at katatapos lang ng meeting kanina sa mga board of directors. Si Clarence Sinclair ang nag-iisang anak ng mag-asawang sina Timothy Sinclair at Rosemary Sinclair. At dahil do’n ay siya lang ang tagapagmana ng Sinclair Group. Napatingin si Clarence sa family picture na nasa mesa at tinitigan niya ang mukha ng mommy niya. Her mother is beaming with happiness habang nakaharap sila sa kamera. Pero ‘yon na ang huling litrato na kasama niya ito. As he started at the photo, bigla na lang naalala ni Clarence ang masasayang alaala sa mommy niya. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagkamatay nito. “I know it might seem sudden, Mike, but there’s a reason behind my decision.” Sumandal si Clarence sa upuan niya at pinatunog niya ang mesa gamit ang mga daliri bago niya isiwalat ang bagay na matagal na niyang pinag-isipan. “It’s not about Kate, it’s about the Har
HAWAK ni Mari ang tablet niya nang maupo siya sa sala. Pinapanuod niya mula rito ang video na nakuha ng dalawang hidden camera; ang sa opisina niya at sa apartment ni Bitsy. Naikuyom ni Mari ang kaniyang kamay kasabay ng pag gilid ng luha niya nang makita kung paanong sinaksak ng tauhan ni Kate ang walang kalaban-labang Bitsy. Napalunok siya upang pigilan ang h’wag humikbi.Halos tatlong araw na walang maayos na tulog sina Clarence at Mari dahil sinamahan nila ang technician habang inaayos ang laptop at ma-restore ang video. “Stop it, Mari,” sabi ni Clarence. Kinuha niya ang tablet kay Mari at nilagay ito sa center table saka siya tumabi rito.“I don’t get the point, Clarence. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasama si Kate. Na bakit kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mari. “H’wag mo na isipin iyon, Mari. Basta alam na nating masamang tao si Kate.” Napabuntong-hininga si Clarence at sa mukha niya ay may halong pag-aalala ay pagkadismaya
HULING araw na ni Bitsy nang bumisita si Mari sa chapel. Mabuti na lang ay nakahabol siya pagkatapos ng limang araw na pagpapahinga niya sa ospital. Umuwi na rin ang mga kaibigan niya sa Baguio. Hindi na niya sinama pa ang mga kaibigan at pamilya niya sa lamay dahil gusto niyang mapag-isa.Pagpasok ni Mari sa loob ay dinig niya hikbi ng pamilya sa pagkawala ng sekretarya niya. Sa bawat paghakbang niya patungo sa kabaong ni Bitsy ay unti-unti niyang nararamdaman ang matinding bigat at panghihinayang. “I’m sorry, Bitsy.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig niya at saka tumulo ang kanyang luha. Pagkatapos niyang tingnan ang labi ng sekretarya ay lumapit siya sa ina nito upang makiramay. “I am sorry for your loss, M’am Merideth. Nakikiramay ako,” malungkot niyang sabi sa ina ni Bitsy. Hahawakan niya sana ang balikat nito nang bigla siyang tinulak palayo. “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!” sigaw ng nanay ni Bitsy na may halong pagbibintang. Nagdulot ng malak
HABANG busy ang mga tauhan ni Inspector Cruz sa paghahanap ng mga hidden camera sa loob ng apartment ay naroon si Bogart, nagpapanggap ito biglang isang parte ng team. Isang bulalas ang bumasag sa katahimikan nang matagumpay na itinaas ng isang pulis ang isang maliit na camera na nakita niya mula sa tv. “May nahanap akong hidden camera!” anunsyo niya. Napatingin ang lahat sa pulis na iyon at saka lumapit si Bogart dala ang ziplock na ang laman ay mga nakolektang hidden cameras ng apartment. Binuksan niya ang ziplock at ipinasok ng pulis camera.Malalim na ang gabi at pagod na pagod na ang mga pulis dahil umabot ng alas dos ng madaling araw ang imbestigasyon.Sa wakas ay nagsalita na si Inspector Cruz upang tapusin na ang operasyon. “Alright, let’s wrap up!” sabi niya.Bumaling ang tingin ni Inspector Cruz kay Bogart na nakatayo pa rin habang hawak ang ziplock. Nakaramdam siya ng lamig at napalunok. Nanlilisik ang mga mata ng inspektor na may halong panghihinala. May kung anong likid
TAHIMIK na nakahiga si Mari sa kama nang pumasok bigla si Clarence sa kwarto niya. Napansin ni Mari ang pagod at paghahabol hininga nito. Kunot ang noong pinagmasdan niya ang asawa. “Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya. Huminga nang malalim si Clarence. “Bitsy is dead. Someone killed her!” nginig ang boses niyang sinabi iyon. Napasinghap si Mari. Pumasok sa loob ang mga kasama niya nang marinig iyon. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa balita.Pagod at pinagpapawisan si Clarence dahil sa kamamadali niyang bumalik sa ospital. Umupo siya sa tabi ni Mari upang magpahinga.“And how about the video?” tanong ni Mari.“Inspector Cruz is trying to locate Bitsy's corporate laptop. They might call any moment. They're still investigating,” tugon niya.Napatingin sa malayo si Mari at biglang gumilid ang luha niya. Hindi niya inakalang madadamay ang secretary niya rito. Malaking responsibilidad din ito sa kanya at kasabay no’n ay nakokonsensya siya.“This is all my fault,” ani Mari sa sarili.
One hour ago… Madilim ang kalye habang naglalakad si Bitsy pabalik sa apartment niya. Wala na kasi siyang oras magluto kaya sa convenience store na lang siya bumili ng dinner. Habang naglalakad sa pasilyo patungong apartment ay may nakita siyang anino at yapak na tantya niyang isang lalaki na parang sinusundan siya. Nagmadali siyang lumakad hanggang sa nakabalik siya. Pagdating niya sa loob ay agad siyang dumiretso sa kusina. Nahagip ng kanyang mata ang mahinang liwanag mula sa nakabukas na corporate laptop ng Harrington sa ibabaw ng lamesa. Hindi pa kasi niya nai-su-surrender ito dahil may mga importanteng files pa siyang kailangan kunin upang matulungan niya ang boss niyang si Mari. Umupo siya sa lamesa at sinuri ang laptop niya. May mga nakatagong footage ang laptop niya galing sa hidden camera at kailangan niya i-upload ito sa email at maipadala kay Mari. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa progress bar sa screen. “Sixty five percent pa lang?” reklamo niya rito haban
KUNOT ang noo at palakad-lakad si Kate sa gilid ng pool habang hawak niya ang red wine glass. Patuloy na ginugulo ang isip niya nang dahil sa sinabi ni Mari tungkol sa hidden camera sa opisina nito. Napahinto siya sa ginagawa niya nang magsitindig ang mga balahibong ma-realize na baka iyon ang magpapabagsak sa kanya. “What’s the problem, Kate?” tanong ni Silvana na kanina pa nakaupo sa foldable lounge chair habang pinagmamasdan ang anak. Nang pagod na ang mga paa ni Kate ay umupo siya katabi ng mommy niya. “I have a big problem, Mom. May hidden camera sa opisina ni Mari at kailangan ko iyon mabura,” nababahalang sabi ni Kate. Ngumisi lang si Silvana. Kinuha niya ang kanyang kape sa side table saka niya sinimsim iyon. Napatingin si Kate sa mommy niya habang inaabangan ang sunod nitong sasabihin. “Malaki ang posibilidad na ang secretary ni Mari ang may hawak no’n. Nabalitaan kong naaksidente si Mari at sinugod sa ospital.” Nanlaki ang mata ni Kate. Natuwa siya nang marinig iyon.
NASA mansyon na si Clarence at halos mag-iisang oras na siyang naghihintay ngunit wala pa ang asawa niya. Panay lakad niya sa sala at patuloy ang pag-usisa niya sa labas nagbabakasakaling nakaparada na ang sasakyan ni Mari. Nakailang tawag na siya sa kanyang cell phone pero hindi siya nito sinasagot. Napansin ni Epiphania ang bawat galaw ni Clarence. Pati siya ay nababahala na rin dahil wala na siyang balita kay Mari. “Wala pa rin ba ang apo ko?” tanong niya nang lapitan niya ito. Umiling si Clarence. “Hindi po siya sumasagot.” Nginig ang kamay ni Clarence. At sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo siyang kinakabahan. Binalik niya ang kanyang isip kanina nang pumasok siya sa opisina. Dala-dala ni Mike ang tablet niya habang nagmamadaling pumasok ito sa opisina ni Clarence. Kunot ang noo niyang binigay iyon sa boss. “Sir, trending ngayon si Mari sa social media,” wika ni Mike nang ipakita ang article. Hinawakan ni Clarence ang tablet at napahinto siya nang bumungad sa k
MATAGUMPAY na ngiti ang ginawa ni Kate. Masaya siyang makitang nababalisa na si Mari. “See? Ang DNA na mismo ang nasabi na hindi ka parte ng pamilyang ito, Mari,” sabi ni Kate na may halong pangungutyang boses. "You've caused enough trouble, Mari. Leave this house and never come back," utos ni Silvana rito. Ilang segundo ang nakalipas ay kumunot ang noo ni Silvana. Hindi pa rin kasi umaalis ito. “Ano? Hindi ka pa aalis sa mansyon?” Nilakasan ni Silvana ang boses niya. “Guard!” Agad na pumasok sa sala ang gwardya nila. “Yes po, Ma’am?” “Kaladkarin niyo nga palabas itong kutong lupa. Siguraduhin niyo lang na hindi na siya makakaapak pa sa mansyong ito!” inis na sabi ni Silvana. Agad na hinawakan ng gwardya ang braso ni Mari. “Bitawan mo ako! Kaya kong maglakad palabas ng mansyon!” pagpumiglas na sabi ni Mari kaya agad naman siyang binitawan ng gwardya. Bago umalis si Mari ay lumingon muna siya sa kanila. "Someday, you'll regret treating me like this. And I'll make sure of it.
NGINIG ang kamay at halos mabitawan ni Mari ang cell phone niya at napaupo siya muli sa kanyang kama. Hindi siya makapaniwala sa balitang si Kate pala ang tunay na Harrington at hindi siya. Nag-trending pa sa social media ang nangyari sa kanila ni Estefan. Umiling si Mari. “That’s not true. Ako ang totoong Harrington, hindi si Kate,” aniya habang nakatingin siya sa malayo.Naguguluhan siya. Paano nalaman ni Estefan ang tungkol kay Mr. X? May kinalaman ba si Kate rito? Ilang sandali pa ay muling bumalik si Epiphania sa kwarto. “Mari,” malungkot na sabi ng matanda saka hinagkan ang apo. “Narinig ko ang balita sa TV tungkol sa nangyari. Alam kong na-frame up ka. Alam kong hindi totoo ang sinasabi nila. Hindi totoong hindi ikaw ang Harrington. Mabait si Sharon, hindi niya magagawa ang lokohin ang pamilya niya lalo na si Robert.” Tulalang bumagsak ang mga luha ni Mari habang yakap siya ni Epiphania. May takot na bumabalot sa isipan niya. Nag-aalala siya sa kung ano ang iisipin ng mga