Dahil sa lolo ni Alexander, naikasal siya sa isang babae na galing sa ampunan, walang maipagmamalaki, at ang tingin ng lahat sa kanya ay walang silbi, si Ariella. Sa tatlong taon nilang pagsasama, hindi kinilala ni Alexander si Ariella bilang asawa. Magkahiwalay sila ng kwarto, walang nararamdaman na kahit na ano, dahil si Alexander ay may mahal na iba, at si Ariella ay may itinatagong lihim. Paano kung isang araw ay may magpakita kay Ariella na siyang gugulo sa kanyang plano? Paano kung malaman ni Alexander at ng buo niyang pamilya ang totoo niyang pagkatao? Paano kung isang araw, magkaroon ng pagmamahal sa pagitan nilang dalawa, pero biglang bumalik ang babaeng mahal ni Alexander? Lalabanan ba nila ang lahat ng pagsubok na darating sa kanila o masisira ang kanilang kasal?
View More"Damian no ang lulutuin mo ng hapunan, Ariella, bibisita ang mga kaibigan ko!" utos ni Clara sa kanya. "Sarapan mo rin para hindi ako mapapahiya!" Dagdag pa niya. Hindi sumagot si Ariella sa mga sinabi ni Clara sa kanya. Ipinagpatuloy na lang niya ang paghiwa sa mga sangkap na kanyang lulutoin. Mahigit isang oras pa bago mag-alas-sais ng gabi, kaya may oras pa siya para magluto. Kaninang umaga, maagang umalis si Alexander sa kanilang bahay dahil sa biglaang pagtawag ni Amanda sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dahilan, pero alam may ideya na siya kung bakit siya pinatawag ng kanyang lola. "Ariella! Dalhan mo nga ako ng malamig na maiinom dito!" narinig na sigaw ni Clara kay Ariella. Napailing na lang siya at itinigil saglit ang kanyang ginagawa. Kung hindi lang niya kailangang manatili dito ay matagal na siyang umalis, pero para hindi siya mahanap ng kanyang lolo na walang malay ngayon, napagtyagaan niya ito. Habang naglalakad si Ariella dala ang isang baso ng orange juice,
'Kung inaakala mo na magtatagumpay ka, isang malaking kalokohan ang bagay na iyan!' sabi ni Ariella sa kanyang sarili. Bago siya pumunta dito, nakausap na niya si Gladiola at nagplano kung ano ang gagawin nila. May mga tao na nasa kabilang silid na handang pumasok kung may masama mang mangyari sa kanya. Nilapitan ni Arthure si Ariella. Hinawakan niya ang balikat nito kaya napatingin si Ariella sa kanya. "Bakit hindi na nating simulan ngayon, Ariella?" bulong ni Arthure na punong-puno ng pagnanasa sa kanyang boses. "Bitawan mo ako!" direkta at malamig na utos ni Ariella sa kanya. "Akala ko ba ay papahirapan mo ako? Simulan mo na ngayon dahil nangangati na ako!" tanong at sambit ni Arthure sa kanya. Hinawakan ni Ariella ang kamay ni Arthure, at malakas niya itong pinisil. Hindi natinag si Arthure sa ginawa ni Ariella. Gamit ang isa pa niyang kamay, hinawakan niya rin ang isa pa niyang balikat. Iniharap ni Arthure si Ariella sa kanya. Nagkaharap silang dalawa, nakangisi si Arthure
Chapter 19: Secret of His WifeTahimik lang na nakaupo si Ariella sa likod ng sasakyaj ni Alexander. Papunta silang dalawa sa Arkan Hotel and Resto kung saan sila maghahapunan ni Arthure Marcos. Nakatingin si Ariella sa labas ng bintana ng sasakyan, pinapanood ang mga taong naglalakad sa kalsada, mga sasakyan na nakakasabay nila, at ang mga gusali na nalalagpasan nila. Napatingin si Alexander kay Ariella. Alam niya na ayaw ni Ariella na makipaghapunan kay Mr. Arthure Marcos. Alam niya ang dahilan, pero kailangan nilang makausap ang negosyante para sa pagpapatayo ng subdivision ng AD group. Hindi nagtagal, nakarating silang dalawa Arkan Hotel and Resto. Pinagbuksan ni Alexander si Ariella ng pinto nang sasakyan. Bago bumaba si Ariella, tumingin siya sa kanyang asawa. Napayuko si Alexander, hindi niya alam kung bakit, pero may iba siyang nararamdaman ngayon. Guilty? Pwede dahil pwedeng may mangyaring masama kay Ariella sa pagkikita nilang dalawa ni Mr. Arthure Marcos. "Tawagan mo na
Abala si Ariella sa paghahanda ng meryenda ng kanyang mga manugan at ang kanilang mga bisita sa kusina. Lingid sa kanyang kaalaman, pinagmamasdan siya ni Alexander mula sa labas ng kusina. Mabilis na umalis si Alexander sa kanyang kinatatayuan nang matapos ni Ariella ang paghahanda ng pagkain. Naglakad siya papunta sa sala para dalhin ang meryenda nila. Habang papalapit si Ariella sa mga bisita, napansin niya si Alexander na nakatingin sa kanya. Sinenyasan siya ni Alexander na nakuha naman ni Ariella. Nang maibigay niya ang mga pagkain para sa kanyang manugang at mga bisita, umalis si Alexander at nagtungo siya sa garden sa likod ng bahay. Sinundan siya ni Ariella ng tingin at alam niyang may nais itong sabihin sa kanya kaya sumunod siya. Nang makarating si Ariella sa garden, nakita niya si Alexander na naghihintay sa kanya. Nilapitan niya ito at humarap sa kanya. "May kailangan ka ba sa akin, Alexander?" tanong ni Ariella kay Alexan
Tahimik lang na nakikinig si Ariella sa usapan ni Alexander at Mr. Aethure Marcos. Pinag-usapan nila ang design na inaprobahan ng AD Group, at sinabi na rin ni Alexander kung ano ang kanyang dahilan kung bakit siya nakipagkita sa kanya. "Maganda nga ang plano na ginawa mo, Mr. Singson, kakaiba ito sa iba naming nahawakang proyekto, pero sa palagay ko, malaking halaga ang kakailanganin para matapos ang subdivission," pagbibigay ng opinyon ni Aethure kay Alexander. "Iyan din ang problema ko, kaya ako lumalapit sa iyo, Mr. Marcos," sambit ni Alexander sa kanya. Napangisi si Arthure habang nakatingin kay Alexander, at pagkatapos ay tumingin siya kay Ariella na tahimik lang na nakaupo. Kanina pa napapansin ni Ariella ang mga tingin ni Arthure sa kanya. Hindi lang siya nagsasalita, pero nakakaramdam na siya ng kakaiba sa kaharap nilang dalawa ni Alexander. "Matagal na kaming nagkakasama ng lola mo na si Donya Amanda, Mr. Singson, kaya kung
"Maghanda ka, magbihis ka ng maganda, may pupuntahan tayo mamaya," utos ni Alexander kay Ariella habang nagluluto siya ng agahan. Napatigil si Ariella sa kanyang pagluluto at nilingin si Alexander na umiinom ng tubig. "May pupuntahan tayo?" tanong ni Ariella kay Alexander. Nang matapos uminom ng tubig si Alexander, tumingin siya kay Ariella, "Ngayon ako makikipagkita kay Mr. Arthure Marcos, Ariella, at isasama kita," sagot ni Ariella sa kanya. Napasingkit ng mga mata si Ariella dahil sa sinabi ni Alexander sa kanya. Ngayon lang niya ito isasama sa isang meeting. Palagi lang siyang nasa loob ng bahay at gumagawa ng mga gawain. Kapag tapos na ang mga gawain ay pupunta siya sa kanyang kwarto para magpahinga. "Bakit ako sasama sa iyo?" tanong ni Ariella sa kanya. Naningkit ang mga mata ni Alexander. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanya habang hawak ang baso na pinag-inuman niya. Humarap siya kay Ariella, "Dah
"Totoo naman ang sinabi ko, hindi ba? Kasal lang kayo sa papel, at hanggang doon lang," may diing sagot ni Kaizer kay Alexander. Napasingkit ng mga mata at napakuyom ng kamao si Alexander. Hindi niya nagugustuhan ang tono ng boses ni Kaizer, at para bang may tumusok sa kanyang dibdib sa mga salitang binitawan niya. "Hindi ba, kahit kailan ay hindi mo itinuring si Ariella na asawa kundi itinuring mo siyang isang kasambahay kasama ang mga magulang mo! Tagaluto, tagalaba, tagalinis, at tagapamalengke, iyan ang ginagawa ni Ariella sa bahay niyo, kasi hindi niyo siya matanggap dahil isa siyang ulila, wala siyang maipagmamalaki, at isang sampid lang sa pamilya niyo!" dagdag pa ni Kaizer. "Kaya huwag kang umakto na para kang isang mapagmahal na asawa, dahil alam naman natin lahat kung ano ang tingin niyo kay Ariella!" pagtatapos ni Kaizer. Hindi napigilan ni Alexander ang kanyang sarili. Mabilis niyang nilapitan si Kaizer at hinawakan ang kwelyo ng k
Nakasunod si Ariella at Kaizer sa lalaking nasa harapan. Ang lalaking ito ay isang waiter na siyang magdadala sa kanila kung saan ang reservation ni Kaizer. Habang naglalakad sila, bihlang tumugtog ang isang pang romantikong musika. Napakunot ng nuo at napatingin si Ariella kay Kaizer. Hindi pa ring nawawala ang ngiti sa kanyang labi, at alam ni Ariella na may iba pang inihanda si Kaizer para sa kanya. Hindi nagtagal, tumigil ang waiter sa paglalakad. Inilibot ni Ariella ang kanyang paningin sa buong ligar at doon niya nakita si Zania na nakangiting kumakaway sa kanya. "Ano ito, Kaizer?" seryoso at nagtatakang tanong ni Ariella sa kanya. Halatang pinaghandaan ang lugar na ito. Maraming mga pula at pink na mga rosas na nagkalat sa bawat bahagi ng lugar. Sa maliit na entablado, nandoon ang isang grupo ng musikerong nakahawak sa iba't ibang instrumento na siya nagpapatugtog ng romantikong musika. May nag-iisang lamesa sa gitna na preskong bulakla
Nang nakapasok si Alexander sa loob ng bahay nila, dumeretso siya sa kanyang kwarto at binuksan ang kanyang laptop. Habang hinihintay niya ang pagbukas ng kanyang laptop, kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan ang kakilala niya para humingi ng tulong. Nakakatatlong ring pa lang ay sinagot na niya ito. "Napatawag ka, Alexander?" pagsagot ng lalaki sa kabilang linya. "Hindi ba, nagtatrabaho ka sa Marcos Engineering Firm, Sean? Hihingin ko sana ang e-mail kung saan ako pwede magpadala ng mensahe," sagot ni Alexander sa kanya. Si Sean ay ka-team ni Alexander noon sa basketball team ng Arkan University. Apat na taon din silang nagsama at nagkaroon na sila ng samahan. Hindi man sila gaano nagkikita o nagkakausap, mahigpit pa rin ang kanilang pagkakaibigan."Ganoon ba? Bakit hindi mo na lang kunin sa pinsan mong si Drake? Siya ang nakipag-ugnayan noon sa amin, ah," ani ni Sean. "Alam mo naman kung ano ang relasyon namin ng
Maraming mga mamahalaing sasakyan ang nagsisidatingan papunta sa parking lot ng gusali ng AD Group, ang isa sa pinakamalaking kompanya sa buong bansa.Ngayon ang pagbubukas ng branch ng AD Group dito sa Arkan City, pinakamalaking syudad sa hilagang bahagi ng bansa.Ang mga dumadalo ay nakasuot ng mamahalin at magagarbong kasuotan. May mga kunikinang na alahas na nakasabit sa kanilang leeg, sa kanilang mga kamay at tainga. Galing ang mga ito sa iba't ibang makapangyarihang pamilya tulad na lang ng mga politiko at mga negosyante dito sa Arkan City para tunghayan ang pagbubukas ng AD Group.Samantala, nakasakay si Alexander at Ariella sa isang itim na kotse. Nakaupo sila sa likod habang sa harapan naman ay nandoon ang ama at ina ni Alexander. Nagmamaneho ang ama ni Alexander habang ang ka...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments