Nakasakay si Ariella sa taxi nang bi*la niyang nari i* ang tunog ng kanyang cdllphone. Agad niya itong kinuha mula sa kanyang bulsa at tini*nan kung sino ang tumatawag. Nang makilala niya ang tu.atawag, agad niya itong sinagot.
"Nasaan ka ngayon, Ariella?" tanong ng babaeng nasa kabilang linya, ang kanyang pinakamatalik na kaibigan, si Zaina.
"Pauwi na ako sa bahay nila Alexander, bakit?" sagot ni Ariella sa kanya.
"Magkita naman tayo. Matagal na tayong hindi nagkakausap, eh!" sabi ni Zaina sa kanya.
"Walang problema sa akin. Wala naman akong ibang gagawin ngayon," sagot ni Ariella sa kanya.
"Sige, papunta ako ngayon sa mall kaya doon ka na lang dumeretso. Magkita na lang tayo sa harap ng mall," pagbibigay niya ng impormasyon kay Ariella.
Pagkatapos sabihin ni Zaina iyon, pinatay na niya ang kanyang cellphone. Ibinulsa ni Ariella ang janyang Cellphone at sinabi sa taxi driver na sa mall na siya pupunta.
Tahimik lang na nakaupo si Ariella sa loob ng taxi nang muling may tumawag sa kanya, si Gladiola.
"Hindi ko inaprobahan ang presentasyon ni Drake Si gson, Seniora Ariella," pagbibigay niya ng balita kay Ariella.
"Mabuti naman kung ganoon, Gladiola. Kapag ipinilit nila na makipag-ugnayan sa AD Group, agad mo silang ipagtabuyan!" utos ni Ariella sa kanya.
"Masusunod, Seniora Ariella," sagot ni Gladiola.
Nang makarating si Ariella sa mall, bumaba siya ng taxi pagkatapos niyang magbayad. Naglakad siya papunta sa harap ng mall at agad niyang nakita ang kanyang kaibigan na iniikot ang kanyang paningin.
Nang makita siya ng kangyang kaibigan, mabilis niya iyong nilapitan at niyakap.
"Kailan ka pa du.atin, Zaina?" agad na tanong ni Ariella sa kanyang kaibigan.
"Noong isang araw pa, Ariella!" sagot ni Zaina.
Isang taon nang magtapos sila ng kolehiyo, nagpunta si Zaina sa Europa para mag-aral ulit ng Fasion Designing, at ngayon, bumalik na siya.
"Magbabakasyon ka lang ba dito?" tanong pa ni Ariella sa kanya.
"Hindi, mananatili na ako dito! Magpapatayo ako ng sarili kong clothing line!" excited niyang sagot kay Ariella.
"Mabuti naman at magagawa mo na ang talagang hilig mo," sabi ni Ariella sa kanya.
"Oo. Kahit na ayaw nila Dad at Mom na mag-aral ako ng Fasion Designing, pinilit ko pa rin ang sarili ko kasi alam ko na doon ako magiging masaya!" sabi ni Zaina sa kanya.
"Tama iyan, sundin mo kung ano ang gusto mo dahil sa huli, ikaw lang ang nakakaala kung saan ka magiging masaya," nakangiting sambit ni Ariella sa kanya.
"Itinanim ko 'yan sa isipan ko, Ariella, gaya ng paulit-ulit mong sinasabi sa akin noon!" sagot niya.
"Halika, mamasyal na muna tayo sa loob," anyaya ni Zaina sa kanya.
Pu.asok silang dalawa sa loob ng mall at namasyal. Marami silang napag-usapan na bagay-bagay tulad na lang kung ano ang naging buhay niya sa Europe.
Bumili rin sila ng mga damit iba pang mga gamit. Binilhan ni Zaina si Ariella. Kahit na tumanggi si Ariella, wala din siyang nagawa kundi ang tanggapin ang binili ng kanyang kaibigan para sa kanya.
Tumigil sila sa paglalakad at umupo para nagpahinga. Habang nakaupo silang dalawa, biglang may tumawag kay Zaina na agad naman niyang sinagot para kausapin ang tumawag.
"Nasaan ka ba?" tanong ni Zaina sa kausap niya.
"Nandito ako sa Diamond Resto. Pumunta kayo dito para may kasama ako," sagot ng kausap ni Zaina.
"Sige, pero ilibre mo kami, ah!" sabi ni Zaina sa kanya.
"Walang problema. Bilisan niyo!" nagmamadali niyang utos.
Nang ibinaba ni Zaina ang kanyang cellphone, hi arap niya si Ariella.
"Pumunta tayo sa Diamond Resto. Nandoon ang isa kong pinsan at nag-aayang mag-lunch," sabi ni Zaina kay Ariella.
"Ikaw ang bahala," sabi na lang ni Ariella.
Wala naman siyang gagawin sa bahay nila ni Alexander, at si Alexander ay nasa kompanya ng pamilya Singson, ang mga magulang niya ay lumabas rin.
Lumabas sina Zaina at Ariella sa mall para pumunta sa Diamond Resro, isang five star restaurant sa Arkan City.
Pagdating nila, agad silang pumasok sa loob at hinanap ang pinsan ni Zaina.
Nang makita ni Zaina ang kanyang pinsan, mabilis nila itong nilapitan.
"Kumusta na ang pinagwapo kong pinsan?" tanong ni Zaina nang makalapit silang dalawa ni Ariella.
Napatingin ang pinsan ni Zaina sa kanila, at nang makita niya si Ariella ay para siyang nakakita ng isang anghel na bumaba sa lupa.
"Kaizer, para kang tanga diyan!" pagtawag ni Zaina sa kanyang pinsan na si Kaizer.
Napabalik naman sa ulirat si Kaizer at agad na napatayo mula sa pagkakaupo.
"Maupo kayong dalawa. Naka-order na ako ng ating pagkain," nauutal na sambit ni Kaizer sa kanila.
Napailing na lang si Zaina dahil sa naging reaksyon ni Kaizer.
Alam niya na matagal ng may gusto ito kay Ariella. Sa katunayan, balak niya sanang ligawan ito noon matapos ang kanilang pag-aaral, pero bigla na lang naikasal si Ariella kay Alexander kaya hindi na natuloy. Pero sa nagiging reaksyon niya, hindi pa rin nawawala ang pagtingin ni Kaizer kay Ariella kahit a tatlong taon nang kasal ito.
Nang dumating ang inorder ni Kaizer, nagsimula na silang kumaing tatlo. Nag-uusap si Kaizer at Zaina, habang si Ariella ay tahimik lang na kumakain at nakikinig.
Hindi napapansin ni Ariella ang tingin na ibinibigay ni Kaizer sa kanya. Napapalunok si Kaizer kapag nakikita niya ang maamong at magandang mukha ni Ariella. Ang kanyang mga mata, ang matangos njyang ilong at ang mapupula niyang labi ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.
Habang kumakain sila, biglang tumunog ang cellphone ni Ariella. Agad niya itong kinuha.
"Excuse me, sasagutin ko lang ito," paalam ni Ariella sa mga kasama niya.
"Hello, Alexander?" pagsagot ni Ariella.
"Nasaan ka ngayon? Biglang nagpatawag si Lola! Kailangan nating pumunta ng mansyon!" tanong ni Alexander sa kanya.
"Sige, pupunta na ako doon," sagot na lang ni Ariella.
Nang pinatay niya ang tawag, agad siyang nagpaalam kay Zaina at Kaizer na aalis na siya.
"Ihahatid na kita, Ariella?" pag-alok ni Kaizer sa kanya.
"Oo nga, mulhang nagmamadali ka pa naman, Ariella," paggatong ni Zaina sa kanya.
"Kung hindi naman ako abala, kailangan ko talagang magmadali," pagtanggap ni Ariella sa alok ni Kaizer.
Agad na napatayo si Kaizer sa kanyang upuan at tumingin kay Zaina. Kumindat si Zaina kay Kaizer at pagkatapos ay sabay na lumabas si Ariella at Kaizer papunta sa parking lot.
"Salamat sa paghatid," pasasalamat ni Ariella kay Kaizer nang makarating sila sa mansyon ng mga Singson.
"Walang anuman, Ariella," nauutal sagot ni Kaizer sa kanya.
Lumabas na si Ariella sa sasakyan at mabilis siyang pumasok ng mansyon.
Pagpasok niya, narinig niya ang galit na galit na boses ni Amanda habang nakaharap si Drake at Cedie sa kanya.
"Sabihin ninyo! Bakit hi di tinanggap ng AD ang design ninyo!" sigaw ni Amanda sa kanilang dalawa.
"Hindi namin alam. Pagkatapos naming mag-present ay agad niya kaming pinagtabuhayan!" sagot ni Cedie kay Amanda.
"Ang sabihin mo, hi di ginawa nang maayos ni Drake ang trabaho niya kaya hindi nila tinaggap ang design!"
Napayuko si Drake at Cedie dahil sa sinabi ni Amanda.
"Kung hindi natin ito makukuha, mawawala ang oportunidad na makipag-ugnayan sa AD Group! At ang balita ko ay kalahating milyon ang budget ng proyektong iyon! Isipin niyo na lang kung tayo ang makakakuha ng proyekto, maliban sa pag-angat ng kompanya, magkakaroon pa tayo ng malaking pera!" sigaw ni Amanda sa lahat.
"Pero kung hindi nakuha ni Drake ang proyekto, mahirap na sa atin ang makakuha, Mom," sabi ni Cedie sa kanya.
"Walang madali sa buhay, Cedie, ang lahat ay pinaghihirapan!" sabi ni Amanda sa kanya.
"Kung sino man ang makakakuha ng proyekto sa AD Group, magkakaroon ng mataas na posisyon sa kompanya!" anunsyo ni Amanda.
Napalaki ng mga mata ang lahat ng Singson dahil sa sinabi ni Amanda.
Alam ni Amanda na kapag may ugnayan ang kompanya nila sa SD, lalaki ito at papasok ang malaking pera. Makikilala rin ang kompanya sa buong bansa kaya desidido siyang makipag-ugnayan dito.
"Bakit hindi si Alexander ang pumunta?" biglang sabat ni Ariella.
Napatingin ang lahat ng miyembro ng Singson kay Ariella.
"Si Alexander? Kung hindi ko napapayag ang AD Group, mas lalong hindi sila papayag kapag si Alexander, Ariella!" sabi ni Drake sa kanya.
Napatingin si Ariella kay Alexander na nakatingin na rin pala sa kanya.
"Ano ba ang pinagsasabi mo, Ariella? Hindi nga pumasa si Drake, ako pa kaya?" tanong ni Alexander sa kanya.
"Wala namang masama kung susubok ka, Alexander, at alam kong kaya mong makipag-ugnayan sa AD Group," sagot ni Ariella sa kanya.
Napalunok siya ng kanyang laway. Hindi niya alam sa kanyang sarili pero bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa sinabi ni Ariella.
"Tatanungin kita, Alexander, kaya at gusto mo bang gumawa ng plano para sa AD Group?" tanong ni Amanda sa kanyang apo.
May pagdadalawang-isip si Amanda kay Alexander. Kung hindi nakuha ni Drake ang kasunduan, mahirap na makuha ni Alexander iyon, pero wala na siyang magagawa pa kundi ang subukan.
Malaking halaga ang maipapasok at makikilala ng lahat ang kanilang kompanya kung magkakaroon sila ng ugnayan sa AD Group.
"Susubukan ko po ang lahat ng makakaya ko, lola!" sagot ni Alexander sa kanya.
Napangiti si Ariella dahil sa sinabi ni Alexander.
"Huwag mong subukan, gawin mo!" sabi ni Amanda sa kanya.
"Opo, Lola. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya!" pagbabago ni Alexander sa kanyang sinabi.
Napuno ng bulungan ang lahat ng miyembro ng pamilya Singson maliban kay Amanda dahil sa sinabi ni Alexander. Seryosong nakatingin si Amanda kay Alexander, habang ang iba pang miyembro ng pamilya ay pinag-uusapan ang naging desisyon ni Alexander. "Kung hindi nakuha ni Drake ang kontrata at loob ng AD Group, imposible na makuha iyon ni Alexander!""Pero, kung walang gagalaw at susubok, siguradong hindi magiging maganda ang pakikitungo ni Lola sa lahat.""Ano ba ang magagawa ni Alexander? Malayo ang agwat ni Drake sa kanya, sa galing at talino, lamang na lamang si Drake!" Ilang lamang sa mga bulong-bulungan na naririnig ni Alexander at Ariella mula sa ibang miyembro ng pamilya Singson. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Alexander? Hindi kaya masyado nang mataas ang tingin mo sa iyong sarili?" tanong ni Drake kay Alexander na may pang-iinsulto. "Kausapin mo nga ang anak mo, Joseph. Mukhang hindi na maayos ang utak at pag-iisp niya.
"Kung ano-ano kasi ang sinabi mo kanina, Ariella! Kapag hindi nakuha ni Alexander ang kontrata sa AD Group, palalayasin kita sa pamamahay namin!" nanggagalaiting sambit ni Clara, ang ina ni Alexander. "Kung itatakwil kami sa pamilya Singson, paano na lang kami mabubuhay? Mawawalan ng trabaho si Alexander sa family company at siguradong ititigil na ni lola ang pagbibigay sa amin ng allowances!" dagdag pa niya. "Wala ka ngang kwentang manugang, wala pang laman ang utak mo! Napakabobo mo para gumawa ng kasunduan!" pagpapatuloy niya. Napapikit na lang ng mga mata si Ariella dahil sa mga sinasabi ng kanyang biyanan. Sanay na siyang nakakarinig ng mga reklamo kay Clara. Noong bago pa lang ang kasal nila ni Alexander, katakot-takot na mga salita, ng pang-aalispusta, at pangmamaliit ang narinig ni Ariella, pero tiniis niya ang lahat ng iyon. Napatingin si Ariella kay Alexander na nakatingin sa labas ng bintana ng kanilang sasakyan. Tahimik l
Hindi makapagsalita si Ariella dahil sa mga sinabi ni Kaizer sa kanya. Nakatitig lang siya sa kanya at kitang-kita niya ang senseridad sa kanyang mukha. Alam niya na totoo ang lahat na sinabi ni Kaizer sa kanya, dalisay ang bawat salita na kumabas sa bibig niya, pero hi di niya alam kung ano ang iisipin niya. Biglaan ang pag-amin ni Kaizer sa kanya, at wala sa lugar. Naipaliwanag naman ni Kaizer ang dahilan niya kung bakit niya nasabi ngayon ang mga nararamdaman niya, pero masyado siyang mabilis. "Alam kong nagulat ka dahil sa mga sinabi ko sa iyo, Ariella. Naiinti dihan kita, pero sasabihin ko na sa iyo ngayon, ipagpapatuloy ko kung ano ang gusto ng puso ko, ipagpapatuloy ko ang pagmamahal ko sa iyo sa ayaw mo man o sa hindi," sabi ni Kaizer sa kanya. Dahil sa hindi siya makapagsalita, iniwas na lang ni Ariella ang tingin niya kay Kaizer. Alam ni Kaizer na nagulat si Ariella at naiintindihan niya ang dalaga. Pero desidido siya na hi
Hating-gabi nang makaramdam ngbpagkauhaw si Ariella. Lumabas siya ng kanyang kwarto para uminim ng tubig. Habang naglalakad siya, napansin niya na maliwanag ang kwarto ni Alexander kaya kinatok niya ito. Hindi ito nakasarado kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nang sumilip siya sa loob, nakita niya na abala si Alexander na nakaupo sa harap ng kanyang table, tinatapos ang ipapakitang design para sa AD Group. Pumasok si Ariella sa loob ng kwarto. Narinig ni Alexander ang pagpasok niya, pero hindi niya ito tinignan. "Malalim na ang gabi, Alexander. Hindi ka ba pwedeng magpahinga?" tanong ni Ariella sa kanya. "Kailangan kong tapusin ito. Kailan kong makuha ang kontrata para sa Singson Firm ipahawak ng AD Group ang plano nilang subdivission," sagot ni Alexander na hindi tinatanggal ang mga tingin sa kanyang ginagawa. Nakuha ni Alexander ang location kung saan ipapatayo ang subdivision ng AD Group sa mga detalye na nalaman niya. Ka
Matapos makapag-present ni Drake sa harapan ni Miss Alvarez, sumunod naman si Alexander. "Kitang-kita mo naman ang mukha ni Miss Alvarez, Alexander, manghang-mangha siya sa ipinakita ko sa kanya. Sigurado na ako ang pipiliin niya at hindi iyong ginawa mong basura!" bulong ni Drake kay Alexander nang magsalubong sila. Napabuntong hininga at napapikit na lang ng mga mata si Alexander. Narinig at nakita niya ang presentasyon ni Drake, at masasabi niyang maganda at kaaya-aya ang planong ipinakita niya, pero kahit na ganoon, malaki ang tiwala ni Alexander sa kanyang gawa, at gagawin niya ang kanyang makakaya para siya ang makakuha ng kontrata. Nag-ayos si Alexander ng kanyang presentasyon, at pagkatapos ay humugot siya nang malalim na hininga bago siya ngumiting humarap kay Gladiola. "Magsimula ka na, Mr. Alexander Singson," serysosong utos ni Miss Alvarez sa kanya. Nakatingin naman si Drake at ang kanyang ama na si Cedie kay Alexander, h
Iniangat ni Ariella ang kanyang kamay at hinawakan niya ang katawan nito. Bahagya niyang itinulak pero dahil sa medyo mahigpit na pagkakayakap ni Alexander ay medyo hindi niya magawang itulak ng tuluyan ang hinata. "Alexander," pagtawag ni Ariella sa pangalan niya. Napahiwalay si Alexander nang pagkakayakap kay Ariella at tumingin siya sa kanyang mga mata. Nagkatitigan silang dalawa. Kitang-kita ni Alexander ang maamong mata ni Ariella. Alam ni Alexander na may ibubuga si Ariella pagdating sa kagandahan, maamo ang kanyang mukha, maganda ang kanyang mga mata, matangos ang kanyang ilong at ang mapula niyang labi. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, nakikita naman ni Alexander ang katangian ni Ariella, pero ngayon lang niya ito natitigan nang malapitan. Napalunok si Alexander. Naramdaman niyang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso habang nakatitig siya kay Ariella. Ngayon niya lang itong naramdaman sa tagal nilang magkasama, at hi
"Tara na, Ariella?" anyaya ni Kaizer kay Ariella, habang nakalahad ang kanang kamay niya sa harapan ng dalaga. Napatingin si Ariella kay Alexander. Blanko ang mukha ni Alexander na nakatingin kay Kaizer, kaya nagsalita na siya. "Bago maghapunan ay nandito na ako, Alexander," sabi ni Ariella kay Alexander. Lumapit si Ariella kay Zania, at sabay silang naglakad papasok sa kanilang sasakyan. Tumingin naman si Kaizer kay Alexander, at nagpalaam. "Paano? Alis na kami. Ihahatid ko na lang si Ariella mamaya," paalam ni Kaizer kay Alexander na hi di pa rin nagsasalita. Tu.alikod na lang si Alexander sa kanya at naglakad papasok ng kanilang bahay. Samantala, sa loob ng sasakyan, magkatabi Zania at Ariella habang nag-uusap. "Kaya pala walang sumasagot kanina dahil wala kayo. Saan ba kayo nagpunta?" tanong ni Zania sa kanyang kaibigan. "Galing kami sa mansyon ng mga Singson. Nakuha kasi ni Alexander ang proyekto ng
Nang nakapasok si Alexander sa loob ng bahay nila, dumeretso siya sa kanyang kwarto at binuksan ang kanyang laptop. Habang hinihintay niya ang pagbukas ng kanyang laptop, kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan ang kakilala niya para humingi ng tulong. Nakakatatlong ring pa lang ay sinagot na niya ito. "Napatawag ka, Alexander?" pagsagot ng lalaki sa kabilang linya. "Hindi ba, nagtatrabaho ka sa Marcos Engineering Firm, Sean? Hihingin ko sana ang e-mail kung saan ako pwede magpadala ng mensahe," sagot ni Alexander sa kanya. Si Sean ay ka-team ni Alexander noon sa basketball team ng Arkan University. Apat na taon din silang nagsama at nagkaroon na sila ng samahan. Hindi man sila gaano nagkikita o nagkakausap, mahigpit pa rin ang kanilang pagkakaibigan."Ganoon ba? Bakit hindi mo na lang kunin sa pinsan mong si Drake? Siya ang nakipag-ugnayan noon sa amin, ah," ani ni Sean. "Alam mo naman kung ano ang relasyon namin ng
"Damian no ang lulutuin mo ng hapunan, Ariella, bibisita ang mga kaibigan ko!" utos ni Clara sa kanya. "Sarapan mo rin para hindi ako mapapahiya!" Dagdag pa niya. Hindi sumagot si Ariella sa mga sinabi ni Clara sa kanya. Ipinagpatuloy na lang niya ang paghiwa sa mga sangkap na kanyang lulutoin. Mahigit isang oras pa bago mag-alas-sais ng gabi, kaya may oras pa siya para magluto. Kaninang umaga, maagang umalis si Alexander sa kanilang bahay dahil sa biglaang pagtawag ni Amanda sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dahilan, pero alam may ideya na siya kung bakit siya pinatawag ng kanyang lola. "Ariella! Dalhan mo nga ako ng malamig na maiinom dito!" narinig na sigaw ni Clara kay Ariella. Napailing na lang siya at itinigil saglit ang kanyang ginagawa. Kung hindi lang niya kailangang manatili dito ay matagal na siyang umalis, pero para hindi siya mahanap ng kanyang lolo na walang malay ngayon, napagtyagaan niya ito. Habang naglalakad si Ariella dala ang isang baso ng orange juice,
'Kung inaakala mo na magtatagumpay ka, isang malaking kalokohan ang bagay na iyan!' sabi ni Ariella sa kanyang sarili. Bago siya pumunta dito, nakausap na niya si Gladiola at nagplano kung ano ang gagawin nila. May mga tao na nasa kabilang silid na handang pumasok kung may masama mang mangyari sa kanya. Nilapitan ni Arthure si Ariella. Hinawakan niya ang balikat nito kaya napatingin si Ariella sa kanya. "Bakit hindi na nating simulan ngayon, Ariella?" bulong ni Arthure na punong-puno ng pagnanasa sa kanyang boses. "Bitawan mo ako!" direkta at malamig na utos ni Ariella sa kanya. "Akala ko ba ay papahirapan mo ako? Simulan mo na ngayon dahil nangangati na ako!" tanong at sambit ni Arthure sa kanya. Hinawakan ni Ariella ang kamay ni Arthure, at malakas niya itong pinisil. Hindi natinag si Arthure sa ginawa ni Ariella. Gamit ang isa pa niyang kamay, hinawakan niya rin ang isa pa niyang balikat. Iniharap ni Arthure si Ariella sa kanya. Nagkaharap silang dalawa, nakangisi si Arthure
Chapter 19: Secret of His WifeTahimik lang na nakaupo si Ariella sa likod ng sasakyaj ni Alexander. Papunta silang dalawa sa Arkan Hotel and Resto kung saan sila maghahapunan ni Arthure Marcos. Nakatingin si Ariella sa labas ng bintana ng sasakyan, pinapanood ang mga taong naglalakad sa kalsada, mga sasakyan na nakakasabay nila, at ang mga gusali na nalalagpasan nila. Napatingin si Alexander kay Ariella. Alam niya na ayaw ni Ariella na makipaghapunan kay Mr. Arthure Marcos. Alam niya ang dahilan, pero kailangan nilang makausap ang negosyante para sa pagpapatayo ng subdivision ng AD group. Hindi nagtagal, nakarating silang dalawa Arkan Hotel and Resto. Pinagbuksan ni Alexander si Ariella ng pinto nang sasakyan. Bago bumaba si Ariella, tumingin siya sa kanyang asawa. Napayuko si Alexander, hindi niya alam kung bakit, pero may iba siyang nararamdaman ngayon. Guilty? Pwede dahil pwedeng may mangyaring masama kay Ariella sa pagkikita nilang dalawa ni Mr. Arthure Marcos. "Tawagan mo na
Abala si Ariella sa paghahanda ng meryenda ng kanyang mga manugan at ang kanilang mga bisita sa kusina. Lingid sa kanyang kaalaman, pinagmamasdan siya ni Alexander mula sa labas ng kusina. Mabilis na umalis si Alexander sa kanyang kinatatayuan nang matapos ni Ariella ang paghahanda ng pagkain. Naglakad siya papunta sa sala para dalhin ang meryenda nila. Habang papalapit si Ariella sa mga bisita, napansin niya si Alexander na nakatingin sa kanya. Sinenyasan siya ni Alexander na nakuha naman ni Ariella. Nang maibigay niya ang mga pagkain para sa kanyang manugang at mga bisita, umalis si Alexander at nagtungo siya sa garden sa likod ng bahay. Sinundan siya ni Ariella ng tingin at alam niyang may nais itong sabihin sa kanya kaya sumunod siya. Nang makarating si Ariella sa garden, nakita niya si Alexander na naghihintay sa kanya. Nilapitan niya ito at humarap sa kanya. "May kailangan ka ba sa akin, Alexander?" tanong ni Ariella kay Alexan
Tahimik lang na nakikinig si Ariella sa usapan ni Alexander at Mr. Aethure Marcos. Pinag-usapan nila ang design na inaprobahan ng AD Group, at sinabi na rin ni Alexander kung ano ang kanyang dahilan kung bakit siya nakipagkita sa kanya. "Maganda nga ang plano na ginawa mo, Mr. Singson, kakaiba ito sa iba naming nahawakang proyekto, pero sa palagay ko, malaking halaga ang kakailanganin para matapos ang subdivission," pagbibigay ng opinyon ni Aethure kay Alexander. "Iyan din ang problema ko, kaya ako lumalapit sa iyo, Mr. Marcos," sambit ni Alexander sa kanya. Napangisi si Arthure habang nakatingin kay Alexander, at pagkatapos ay tumingin siya kay Ariella na tahimik lang na nakaupo. Kanina pa napapansin ni Ariella ang mga tingin ni Arthure sa kanya. Hindi lang siya nagsasalita, pero nakakaramdam na siya ng kakaiba sa kaharap nilang dalawa ni Alexander. "Matagal na kaming nagkakasama ng lola mo na si Donya Amanda, Mr. Singson, kaya kung
"Maghanda ka, magbihis ka ng maganda, may pupuntahan tayo mamaya," utos ni Alexander kay Ariella habang nagluluto siya ng agahan. Napatigil si Ariella sa kanyang pagluluto at nilingin si Alexander na umiinom ng tubig. "May pupuntahan tayo?" tanong ni Ariella kay Alexander. Nang matapos uminom ng tubig si Alexander, tumingin siya kay Ariella, "Ngayon ako makikipagkita kay Mr. Arthure Marcos, Ariella, at isasama kita," sagot ni Ariella sa kanya. Napasingkit ng mga mata si Ariella dahil sa sinabi ni Alexander sa kanya. Ngayon lang niya ito isasama sa isang meeting. Palagi lang siyang nasa loob ng bahay at gumagawa ng mga gawain. Kapag tapos na ang mga gawain ay pupunta siya sa kanyang kwarto para magpahinga. "Bakit ako sasama sa iyo?" tanong ni Ariella sa kanya. Naningkit ang mga mata ni Alexander. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanya habang hawak ang baso na pinag-inuman niya. Humarap siya kay Ariella, "Dah
"Totoo naman ang sinabi ko, hindi ba? Kasal lang kayo sa papel, at hanggang doon lang," may diing sagot ni Kaizer kay Alexander. Napasingkit ng mga mata at napakuyom ng kamao si Alexander. Hindi niya nagugustuhan ang tono ng boses ni Kaizer, at para bang may tumusok sa kanyang dibdib sa mga salitang binitawan niya. "Hindi ba, kahit kailan ay hindi mo itinuring si Ariella na asawa kundi itinuring mo siyang isang kasambahay kasama ang mga magulang mo! Tagaluto, tagalaba, tagalinis, at tagapamalengke, iyan ang ginagawa ni Ariella sa bahay niyo, kasi hindi niyo siya matanggap dahil isa siyang ulila, wala siyang maipagmamalaki, at isang sampid lang sa pamilya niyo!" dagdag pa ni Kaizer. "Kaya huwag kang umakto na para kang isang mapagmahal na asawa, dahil alam naman natin lahat kung ano ang tingin niyo kay Ariella!" pagtatapos ni Kaizer. Hindi napigilan ni Alexander ang kanyang sarili. Mabilis niyang nilapitan si Kaizer at hinawakan ang kwelyo ng k
Nakasunod si Ariella at Kaizer sa lalaking nasa harapan. Ang lalaking ito ay isang waiter na siyang magdadala sa kanila kung saan ang reservation ni Kaizer. Habang naglalakad sila, bihlang tumugtog ang isang pang romantikong musika. Napakunot ng nuo at napatingin si Ariella kay Kaizer. Hindi pa ring nawawala ang ngiti sa kanyang labi, at alam ni Ariella na may iba pang inihanda si Kaizer para sa kanya. Hindi nagtagal, tumigil ang waiter sa paglalakad. Inilibot ni Ariella ang kanyang paningin sa buong ligar at doon niya nakita si Zania na nakangiting kumakaway sa kanya. "Ano ito, Kaizer?" seryoso at nagtatakang tanong ni Ariella sa kanya. Halatang pinaghandaan ang lugar na ito. Maraming mga pula at pink na mga rosas na nagkalat sa bawat bahagi ng lugar. Sa maliit na entablado, nandoon ang isang grupo ng musikerong nakahawak sa iba't ibang instrumento na siya nagpapatugtog ng romantikong musika. May nag-iisang lamesa sa gitna na preskong bulakla
Nang nakapasok si Alexander sa loob ng bahay nila, dumeretso siya sa kanyang kwarto at binuksan ang kanyang laptop. Habang hinihintay niya ang pagbukas ng kanyang laptop, kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan ang kakilala niya para humingi ng tulong. Nakakatatlong ring pa lang ay sinagot na niya ito. "Napatawag ka, Alexander?" pagsagot ng lalaki sa kabilang linya. "Hindi ba, nagtatrabaho ka sa Marcos Engineering Firm, Sean? Hihingin ko sana ang e-mail kung saan ako pwede magpadala ng mensahe," sagot ni Alexander sa kanya. Si Sean ay ka-team ni Alexander noon sa basketball team ng Arkan University. Apat na taon din silang nagsama at nagkaroon na sila ng samahan. Hindi man sila gaano nagkikita o nagkakausap, mahigpit pa rin ang kanilang pagkakaibigan."Ganoon ba? Bakit hindi mo na lang kunin sa pinsan mong si Drake? Siya ang nakipag-ugnayan noon sa amin, ah," ani ni Sean. "Alam mo naman kung ano ang relasyon namin ng