Desired by the Billionaire Heir

Desired by the Billionaire Heir

last updateLast Updated : 2024-07-17
By:  Miss ThinzCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
28 ratings. 28 reviews
83Chapters
55.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nagimbal si Farah Jimenez nang masaksihan niya kung paano patayin ang isang ‘di kilalang babae. Ang lalaking nagpapatay dito ay walang iba kung hindi si Lance Dominguez, isang napakayaman at maimpluwensiyang businessman hindi lang sa bansa kung ‘di maging sa buong Asya. Pinagbantaan siya nitong papa

View More

Chapter 1

Chapter 1: Gabing Malagim

Farah’s POV

            Hindi ako magkandaugaga sa pagse-serve sa mga customer namin ngayon sa restaurant. Summer, vacation ngayon kaya maraming turista ang bumibisita sa lugar namin kaya maging ang mga kainan ay punuan din.

            “Farah, table six. Pakihatid na itong order nila,” tawag sa akin ng manager. Napalingon ako sa kaniya at ngumiti bago mabilis na lumapit sa gilid ng counter kung saan kinukuha ang mga orders na ready na for serving. Maingat kong binuhat ang tray na may lamang pagkain at dinala ito sa lamesang may nakalagay na number 6.

            “Enjoy your meal sir, ma’am. May kailangan pa po ba kayo?” nakangiting bati at tanong ko sa mga customer na nasa table 6. Isang buong pamilya ito. Mag-asawang may kasamang dalawang anak nila.

            “Thank you, miss, but we’re good,” sagot niyong lalaki. Tumango at ngumiti rin sa akin iyong asawa niya habang iyong dalawang bata ay excited na sa mga pagkain nila. Magalang akong nagpaalam sa kanila upang linisin ang mga lamesang wala ng tao at magamit naman ng iba pang nagsisidatingan na customer.

            Mag-aalas tres na ng hapon noong kumonti ang daloy ng mga taong pumapasok kaya naupo muna ako. Talagang nangangawit na ang likod ko at masakit na masakit na rin ang mga binti ko.

            “Ano, kaya mo pa ba?” napa-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Lea. Siya ang kaibigan ko na nagpasok sa akin dito sa restaurant. Gaya ko ay nagpa-part time job din siya para matulungan ang mga magulang sa pag-aaral niya. Pareho kaming fourth year college na at kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Science in Secondary Education. Napilitan lang din akong mag-part time job simula noong magkasakit ang daddy ko at unti-unting bumagsak ang negosyo namin. Sa ngayon kasi ay may cancer sa dugo si daddy kaya sa gamot at check-up pa lang niya ay kulang na ang kinikita ni mommy bilang manager sa isang bangko. Si kuya naman ay nakatutulong din pero hindi naman gaano dahil may sarili na itong pamilya at buntis pa ang asawa niya ngayon. Ang nakababata ko namang kapatid ay grade 9 pa lang sa high school. Gusto ko rin sanang huminto muna kaya lang ayaw ni mommy dahil sayang naman daw. Six months na lang kasi ay ga-graduate na rin ako. At siyempre nga naman, mas makakakuha ako ng maayos na trabaho kung may tinapos akong degree.

            “Kaya pa naman. Medyo nakakapagod lang talaga ngayon dahil halos hindi maubos-ubos ang mga customer natin mula kaninang alas-nuwebe ng umaga,” sagot ko saka marahang minasahe ang mga binti kong nangangalay.

            “Hindi bale, konting tiis na lang at makararaos din tayo. Kaya lang nag-aalala lang ako sa iyo kasi hindi ka naman sanay sa trabahong ganito, pero ngayon napipilitan ka dahil nga kailangan,” may pag-aalalang pang-aalo ng kaibigan ko. Bumuntong-hininga ako saka yumuko at kapagdaka’y ngumiti rin sa kaniya.

            “Naku, wala iyon. Madali ko lang din naman natutuhan ang maraming bagay. At iyan ay dahil sa tulong mo. Salamat talaga, ha?” nakangiting turan ko sa kaniya.

            “Siyempre, ikaw pa ba naman? Mas marami ka ring naitulong sa akin noon lalo na sa usaping financial. Saka mula pa noon kahit anak mayaman ka, hindi ka maarte at nangmamaliit ng tao. Hindi ko nga akalaing magiging magkaibigan tayo kasi nga sa layo ng agwat ng estado natin sa buhay,” saad ni Lea. Noong magsimula kaming maghirap ay doon ko napagtanto kung sino talaga ang mga totoo kong kaibigan at kung sino ang mga nagpapanggap lang. Sa ngayon ay halos hindi na ako pinapansin ng mga dati kong barkada na dikit nang dikit sa akin lalo na kapag nanlilibre ako noon. Masakit din pero ano pa nga bang magagawa ko.

            “Huwag na nga nating pag-usapan ang mga iyan. Mabuti pa bumalik na tayo roon at baka kailangan na tayo,” turan ko at saka unti-unting tumayo. Nang magsalubong ang mga mata namin ay nagtawanan pa kami. Muntik na naman kasing mauwi sa dramahan ang usapan namin. Nailing na lamang akong sumunod sa kaniya.

             Sabado ngayon kaya hanggang alas singko ang duty ko rito. Sabay na sana kaming uuwi ni Lea kaya lang may date daw sila ng boyfriend niya. Ako naman ay medyo heartbroken pa rin hanggang ngayon dahil iyong boyfriend ko for two years hiniwalayan ko na dahil sa pambabae. At sa akin pa nga isinisi kung bakit siya nambabae dahil nga raw hindi ko siya pinagbibigyan sa gusto niya. Dahil nga sa ayaw kong makipagtalik sa kaniya ay nag-umpisa na siyang manlamig sa akin. Hindi ko raw siya mahal dahil hindi ko maibigay ang gusto niya na natural lang naman daw na ginagawa ng mga magkasintahan. Mahal ko rin iyong si Tyron pero kung katawan ko lang ang habol niya eh, malamang hindi pagmamahal ang nararamdaman niya para sa akin.

            Naisipan kong dumaan muna sa grocery store bago umuwi. Marami na rin kasing kulang ngayon sa bahay kaya kailangan na ring mamili. Madilim na nang maisipan kong umuwi. At dahil malapit lang sa amin ay naisipan ko na lang maglakad para makatipid din sa pamasahe. Noong malapit na ako sa bakanteng lote ay may narinig akong tila mga boses ng kalalakihan. Parang may nagsasalitang galit habang mayroon namang umiiyak. Kahit kinakabahan ay ginusto kong sumilip upang alamin kung ano ang nangyayari. Mabuti na lang at may malaking puno sa bandang malapit sa naririnig kong boses kaya doon ako nagtago para makiusyoso. At gano’n na lamang ang pagkagulat ko nang makita ang isang babaeng nakaluhod sa lupa habang nakikiusap sa lalaking nasa harapan niya at may hawak na baril na nakatutok sa noo niya.

            Agad nanginig ang buong katawan ko sa nakita. Ninais kong tumakbo papalayo ngunit parang natuod na ako sa kinatatayuan at hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Napatakip din ang isang kamay ko sa bibig ko para hindi makalikha ng kahit anumang ingay. Maliban doon sa may hawak na baril ay may tatlo pang ibang lalaki na nakapaligid doon sa babaeng umiiyak at nagmamakaawa. Hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya dahil medyo malayo sila sa kinaroroonan ko.

            Halos halikan na ng babae ang paa noong lalaking may hawak ng baril. Pilit namang umiiwas ang lalaki ngunit paluhod pa ring nagmamakaawa ang babae sa kaniya hanggang ilang saglit pa ay pumutok na ang baril at sapul ang noo ng babae na agad namang tumimbuwang mula sa pagkakaluhod. Ako naman ay nabitiwan ang lahat ng hawak ko at wala sa sariling napatili sa nasaksihan. Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis na lumingon sa kinaroroonan ko ang lalaking nakabaril sa babae. Dala ng matinding takot at pagkabigla ay napaatras ako at dali-daling nagtatakbo. Hinahabol na ako ngayon noong lalaking may baril at mga kasama niya. Hindi ko namalayan ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa matinding takot. Binilisan ko pa ang pagtakbo kahit naninikip na ang dibdib ko at lalong tumitindi ang panginginig ng buong katawan ko. Ngunit sa kasamaang palad ay nadapa ako sa madilim na bahagi ng lugar at bago pa ako makabangon ay nasa harapan ko na iyong lalaking may hawak ng baril.

            “M-maawa p-po k-kayo sa a-akin. H-huwag ni’yo p-po a-akong s-sasaktan…” pakiusap ko habang umiiyak. Maging ang pangangatog ng mga labi ko ay hindi ko maiwasan. At bago ko pa man marinig ang sasabihin ng lalaking nasa harapan ko ay lalong nanikip ang dibdib ko at tuluyan nang umikot ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(28)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
28 ratings · 28 reviews
Write a review
user avatar
Jessa Ybañez Masamloc
highly recommend
2024-11-30 14:21:59
0
user avatar
Isabelle Harrison
Bihira aq magrecommend pero nagustuhan ko itong isang ito. Kaya try niyo na rin. Kakaadik lang xa ......
2022-12-23 13:41:39
4
user avatar
Lolita Rodriguez
It's a beautiful story. Love the plot and the characters.
2022-12-23 08:21:41
1
user avatar
Carlota Dela Cruz
Ganda po. Katatapos ko lang basahin. Puyatan is real...
2022-12-23 08:16:05
1
user avatar
Elaine Veloso
Yung hindi pa rin aq maka-move on grabe ito ......... highly recommended po sa mga Pinoy readers ......
2022-12-23 08:11:57
0
user avatar
Trisha Valdez
Ganda ng story sobrang nakaka-inlove. Marami rin akong natutuhan dito. Nakakaiyak pa huhuness
2022-12-23 08:09:13
0
user avatar
Jessica Valiente
Bago pa lang ba ang story na ito? Saan pwede mabasa yung ibang series? Kasi ang ganda nito.
2022-12-22 16:09:47
0
user avatar
Norieta Velarde
Grabe, nahook aku dito ah ... Kahit 7 star pwede dito eh. Ang tindi at ang ganda ng serye. One of the best. Basahin nio na .........
2022-12-22 13:11:20
0
user avatar
Chelsea Fernandez
Isa lang story mo Miss A? O may ibang story ka pa sa ibang platform? Ganda kasi nito kaya gusto ko pa sana magbasa ng ibang gawa mo.
2022-12-22 13:07:05
0
user avatar
Teressa Calibos
Dito na lang aq magcomment. Sa sobrang pagka-absorb q magbasa nakalimutan ko na magcomment sa mga chapters. Lalo doon sa nags*x sila sa sasakyan. Inulit ko pa basahin kasi ang intense. Tawang-tawa talaga aq hahahha
2022-12-22 12:55:02
0
user avatar
Teressa Calibos
Pinagpuyatan ko talaga hanggat hindi ko natapos ...
2022-12-22 12:53:34
0
user avatar
Teressa Calibos
da best ang ganda ng buong story ...
2022-12-22 12:53:01
0
user avatar
Pamela Santos
Bihira aq magbasa ng mga malulupit na stories kasi I hate violence. Pero itong story na ito ang ganda ng pagkakagawa. Ramdam mo yung pinagdadaanan ng mga karakter kaya sila naging ganon. Highly recommended ko po ito!!!
2022-12-22 12:38:37
0
user avatar
Edelita Dumaro
Akala q di ko kakayanin tapusin ... Sobrang nakakakaba yung part na sobrang nagalit si Lance dahil sa selos huhu Pero ang ganda halo-halo talaga yung emosyon q. Kudos sa author ......
2022-12-22 09:53:11
0
user avatar
Naneth Cristobal
Salamat po sa magandang kwento. Waiting sa susunod na story nio Miss A
2022-12-22 09:28:32
0
  • 1
  • 2
83 Chapters
Chapter 1: Gabing Malagim
Farah’s POV Hindi ako magkandaugaga sa pagse-serve sa mga customer namin ngayon sa restaurant. Summer, vacation ngayon kaya maraming turista ang bumibisita sa lugar namin kaya maging ang mga kainan ay punuan din. “Farah, table six. Pakihatid na itong order nila,” tawag sa akin ng manager. Napalingon ako sa kaniya at ngumiti bago mabilis na lumapit sa gilid ng counter kung saan kinukuha ang mga orders na ready na for serving. Maingat kong binuhat ang tray na may lamang pagkain at dinala ito sa lamesang may nakalagay na number 6. “Enjoy your meal sir, ma’am. May kailangan pa po ba kayo?” nakangiting bati at tanong ko sa mga customer na nasa table 6. Isang buong pamilya ito. Mag-asawang may kasamang dalawang anak nila. “Thank you, miss, but we’re good,” sagot niyong lalaki. Tumango at ngumiti rin sa akin iyong asawa niya habang iyong dalawang bata ay excited na sa mga pagkain nila. Magalang akong nagpaalam sa kanila upang linisin ang mga
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more
Chapter 2: The Deal with the Devil
Mabigat ang talukap ng mga mata ko habang pilit kong idinidilat ang mga ito. Nang ganap na akong makamulat ay kinailangan kong pumikit muli dahil sa matinding liwanag na nagmumula sa malaking ilaw ng kuwartong kinaroroonan ko. At bigla akong napabailkwas nang makita ang hindi pamilyar na kuwartong kinaroroonan ko ngayon. Pagkatapos ay parang agos ng tubig na biglang nanumbalik ang lahat sa akin. Ang alaala ng mga nangyari mula sa pagkarinig ko ng mga tinig hanggang sa masaksihan ko ang pagpatay sa isang babae. Nanumbalik din ang takot sa akin nang maalalang naabutan pala ako ng mga lalaking humahabol sa akin bago pa nagdilim ang lahat. “I see you’re awake,” isang malalim na boses ang nagpalingon sa akin sa kanang bahagi ng kuwarto kung saan may isang set ng mga itim na sofa. Ngayon ko lang din napansin na napakaganda at napakaelegante ng kuwartong kinaroroonan ko ngayon. Combination ng gray at milky white ang pintura at ang interior design ay talagang nakamamangha dahil ha
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more
Chapter 3: Lust Attraction
Lance’s POV Nagulantang ang sistema ko nang marinig ang sigaw ng isang babae mula sa likod ng malaking puno pagkatapos kong aksidenteng makalabit ang gatilyo. Mabilis akong napalingon sa kinaroroonan ng babaeng ngayon ay nanginginig na sa takot dahil sa pagtatama ng aming mga paningin. “Fuck! Akala ko ba malinis at ligtas ang lugar na ito?” galit na tanong ko sa mga tauhan ko. Naalerto ako nang akmang tatakbo ang babae. Hindi puwedeng may ibang makaalam sa nangyari ngayon kaya mabilis akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng babae. Lalong nanlaki ang mga mata nito at tuluyan na ngang tumakbo palayo. Hinabol ko siya habang ang dalawa ko pang tauhan ay nasa likuran ko. Dahil sa matinding nerbyos ay hindi napansin no’ng babae iyong malaking bato sa daraanan niya kaya nadapa ito. Mabilis ang mga kilos ko na lalo pang binilisan ang pagtakbo papalapit sa kaniya. At bago pa man ito tuluyang makabangon ay nasa harapan na niya ako kasunod ang mga tao ko. “
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more
Chapter 4: The Agreement
Farah’s POV “You want to negotiate with me?” tanong ni Lance habang nakangisi. Hindi ko na tinapos na basahin ang nilalaman ng kontrata dahil kinikilabutan ako sa mga nilalaman niyon. Halos magkabuhol-buhol ang paghinga ko sa kaba habang binabasa iyon. Ngayon ay naiiyak na naman ako dahil hindi ako makapaniwalang mapapasok ako sa ganitong sitwasyon. Pero hindi ako puwedeng tumanggi dahil ayokong mangyari sa akin ang sinapit noong sa babaeng pinatay ni Lance kanina. Pero paano kung magsawa na siya sa akin at wala na akong pakinabang sa kaniya? Paano kung…? Napapikit ako sa tinutungo ng isipan ko dahil siguradong malagim ang kasasapitan ko kung sakali. “Y-yes. I want to negotiate,” lakas-loob kong sambit. Kailangan kong maging matatag dahil hindi madali ang papasukin kong sitwasyon. Nanayo ang lahat ng mga balahibo sa katawan ko sa uri ng tinging ipinupukol niya sa akin. “What is it, baby?” Titig na titig ito sa akin kaya lalo akong naa
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more
Chapter 5 Confusion
Alas onse na pala ng gabi nang matapos kaming mag-dinner. Sa totoo lang halos hindi ko rin naman malunok iyong kinakain ko kanina dahil kinakabahan ako sa presensiya ni Lance. Panaka-naka ay may mga tinatanong siya sa akin at sa awa ng Diyos ay nasagot ko naman ng maayos. Ngayon ay papunta kami sa sinasabi niyang kuwartong tutulugan ko ngayong gabi. So, ibig kayang sabihin nito ay hindi pa niya ako gagalawin? Mabuti naman kung ganon dahil talagang hindi pa ako handa. Isa pa lang ang naging boyfriend ko at maliban sa halikan ay wala pa kaming ginawang lumampas doon. Kaya nga kami naghiwalay dahil habang tumatagal noon ay halos iyon na lang ang pinag-aawayan namin. “So, this will be your room,” narinig kong sabi niya kaya naputol ang pag-iisip ko. Pumasok kami at agad kong iginala ang mata sa loob nito. Maganda at maluwang ang kuwarto. May maliit na lamesang may dalawang upuan na malapit sa glass wall at ang malaking kama ay may puti at beige na kobre at mga unan. Simple lan
last updateLast Updated : 2022-03-02
Read more
Chapter 6 Meeting a Wicked
Napahinto ako sa may hagdan dahil hindi ako sigurado kung saan ako pupunta. Mabuti na lang at may paakyat na isang kasambahay at sinabihan akong pumunta na ngayon sa dining room dahil naghihintay na raw doon si Lance. Hindi kagaya noong may edad na maid kagabi, parang medyo masungit ang isang ito. Ni hindi man lang ako binati tapos nakasimangot pa na tila naiimbyernang makita ako. Pero masiyado na akong maraming iniisip para dumagdag pa siya kaya binalewala ko na lang. Siguro ay may pinagdadaanan ito o kaya baka may period. Pagkatapos namin mag-almusal ay nagtungo na kami sa mall. Isang store for branded and high-end apparels ang pinuntahan namin. Halatang kilala ng mga staff si Lance base sa klase ng ngiti at pagbati ng mga ito sa kaniya. Siguro ay dito niya ipinamimili ang lahat ng mga babae niya kaya sanay na sanay na sila sa kaniya. Pagkatapos ay may lumabas na isang babae sa may pinto sa tabi ng counter. Sa itsura nito ay mukhang siya ang may-ari ng store.
last updateLast Updated : 2022-03-07
Read more
Chapter 7 The Kiss
Pumunta kami sa isang Japanese restaurant dahil gusto raw niyang kumain ng mga pagkaing hapon ngayon. Nagpatianod na lang ako dahil sa nararamdaman kong gutom na rin ako at ayoko nang pumili pa ng kakainin. Basta kung ano’ng mayroon na malinis at maayos kainin, iyon na. “I saw the apparels you bought, and I’m impressed. I think I like your choice of clothing,” komento nito matapos makuha noong crew ang orders namin. Medyo naiilang lang ako dahil titig na titig siya sa akin habang nakangiti. Sa totoo lang ang guwapo-guwapo ni Lance. Napakaamo ng mukha niya at kahit sinong babae ay talagang maaakit sa kaniya. Hindi mo talaga iisiping kayang-kaya niyang pumatay ng tao, lalo na ng isang babaeng walang kalaban-laban. Hindi mawala-wala sa puso ko ang matinding takot sa kaniya. Natatakot ako na kapag magalit siya sa akin ay baka patayin niya rin ako. “Thanks!” tipid na sagot ko. “Actually, mahilig din ako sa mga magagandang gamit lalo na noong malakas pang kumita si
last updateLast Updated : 2022-03-10
Read more
Chapter 8 Hotness
“Sino iyong ka-text mo at para kang biglang nawala sa sarili mo?” usisa ni Lea. Nakalimutan ko na rin na katabi ko lang pala siya. Mabuti na lang at hindi niya nabasa ang laman ng convo namin ni Lance. “Iyong bagong boss ko. Pinaalalahanan lang ako na mag-resign na sa mga dati kong trabaho para makapagsimula na raw ako sa kanila,” pagsisinungaling ko. Tumango-tango ito at bahagyang nalungkot ang mukha. Ako man ay nalulungkot na hindi ko na siya makakasama sa trabaho araw-araw. “Sayang naman. Kasi hindi na tayo madalas magkikita niyan,” malungkot na sambit nito. Ngumiti lang din ako nang malungkot sa kaniya. “Kailangan e. Saka puwede naman tayo mag-chat anytime ‘di ba? Basta kapag may problema ka at makatutulong naman ako, huwag kang mag-atubiling magsabi, okay?” paalala ko sa kaniya. Huminga ito nana malalim at hindi inalis ang tingin sa mga mata ko. “Sabagay. Pero kapag may opening diyan sa bago mong work irekomenda mo ako ha?” nakan
last updateLast Updated : 2022-03-17
Read more
Chapter 9 Giving in
Ngayong araw ang uwi ni Lance at hindi ko malaman kung bakit excited ako. Dapat ay galit ako sa kaniya dahil sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon ngunit hindi ko maunawaan ang sarili ko. Inulit namin kagabi ang ginawa namin noong isang araw at pakiramdam ko ay inihahanda na niya ako sa maaari pa naming gawin nang totohanan. Ngunit sinikap kong alisin muna iyon sa isip ko dahil may exam kami ngayong araw. Hanggang bandang hapon ay isa ako sa mga pinakahuling lumabas ng classroom dahil sadyang naglaan ako ng sapat na oras para magkaroon ng mataas na iskor sa lahat ng mga test ko ngayon araw. Kinahapunan ay tumatawag na sa akin si Lance. Mabuti na lang at nakapagpaalam na ako sa mommy ko na hindi ako makakauwi ngayon dahil sa trabaho. Huminto ako sa paglalakad upang sagutin ang tawag. “Hi, where are you?” bungad niya nang sagutin ko na ang tawag. Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ang malalim niyang boses. Tumikhim ako bago sumagot.
last updateLast Updated : 2022-03-30
Read more
Chapter 10 Surrender
“Kanina ka pa ba?” mahinang tanong ko. Tinanggal niya ang suot na salamin at isinuksok sa harapan ng t-shirt niya.“Maybe ten or fifteen minutes,” aniya at tinungo ang kabilang bahagi ng sasakyan upang buksan ang pintuan nito. Sinenyasan na niya akong sumakay kaya mabilis akong sumunod.“Thanks,” nasabi ko pa bago niya isinara ang pinto saka patakbong tinungo ang driver’s seat. Tinulungan pa niya akong ayusin ang seatbelt ko kahit kaya ko naman. Bakit ang gentleman niya? Balak niya yata talagang baliwin ako.Tahimik lang kami habang nagbibiyahe. Gustong-gusto kong itanong kung saan kami pupunta pero naunahan naman ako ng hiya. Hahayaan ko na lang kung saan man kami pupunta.Pumasok kami sa isang underground parking lot ng isang sikat na residential area. Nang maayos na mai-park ang sasakyan niya ay mabilis siyang bumaba. Nabuksan ko na rin ang pintuan sa tabi ko kaya wala na siyang nagawa nang makababa na ako. Ipagbubukas ba sana niya ako ng pinto? Hindi siguro. Assuming lang ako.Ngun
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status