Mabigat ang talukap ng mga mata ko habang pilit kong idinidilat ang mga ito. Nang ganap na akong makamulat ay kinailangan kong pumikit muli dahil sa matinding liwanag na nagmumula sa malaking ilaw ng kuwartong kinaroroonan ko. At bigla akong napabailkwas nang makita ang hindi pamilyar na kuwartong kinaroroonan ko ngayon. Pagkatapos ay parang agos ng tubig na biglang nanumbalik ang lahat sa akin. Ang alaala ng mga nangyari mula sa pagkarinig ko ng mga tinig hanggang sa masaksihan ko ang pagpatay sa isang babae. Nanumbalik din ang takot sa akin nang maalalang naabutan pala ako ng mga lalaking humahabol sa akin bago pa nagdilim ang lahat.
“I see you’re awake,” isang malalim na boses ang nagpalingon sa akin sa kanang bahagi ng kuwarto kung saan may isang set ng mga itim na sofa. Ngayon ko lang din napansin na napakaganda at napakaelegante ng kuwartong kinaroroonan ko ngayon. Combination ng gray at milky white ang pintura at ang interior design ay talagang nakamamangha dahil halatang hindi basta-basta ito at sigurado akong mayaman ang nakatira rito.
“Are you done examining my room?” muli ay nagsalita ang lalaki. Napalunok ako nang maalalang ito iyong lalaking bumaril doon sa babae. Ano’ng mangyayari sa akin ngayon? Ako na ba ang susunod na mamamatay? Hindi puwede, kailangan ako ng pamilya ko ngayon. Kaya kung kinakailangan kong lumuhod at magmakaawa sa kaniya ay gagawin ko para lang huwag niya akong patayin.
“S-sir, bakit po ako nandito?” kabadong tanong ko. Hindi ito agad sumagot at seryosong nakatitig lang sa akin. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko at nanubig na naman ang mga mata ko.
“Nakita mo ang lahat hindi ba? Pero bago tayo pumunta riyan, tumawag nga pala ang mommy mo. Ang sabi ko lang hindi ka makakauwi ngayon dahil may importanteng research project na kailangan mong tapusin,” aniya na hindi man lang tuminag mula sa pagkakaupo. Malamang ay halang ang kaluluwa ng lalaking ito dahil parang wala lang sa kaniya na nakapatay siya ng tao. Ngunit sa pagkakabanggit niya sa mommy ko ay lalo akong kinabahan. Paano kung idamay niya ang pamilya ko dahil sa mga nakita ko?
“N-nakausap mo si mommy? S-sir, please huwag ni’yo pong idamay ang pamilya ko. A-ako na lang po ang pagbuntunan ninyo ng galit,” naiiyak na pagsusumamo ko sa kaniya.
“Well, you have a point. Pero kung hindi ka sana pakialamera at nakikitingin sa mga bagay na wala ka namang kinalaman, eh, ‘di sana ay wala ka ngayon sa harapan ko?” may halong galit at pagkadismaya ang mga pahayag niya kaya dumagundong na naman ang dibdib ko. Madilim ang awra ng mukha niya at base sa pagkakakunot ng noo niya ay halatang galit talaga siya.
“Sir, huwag po kayong mag-alala, wala po akong pagsasabihan ng mga nakita ko. Maniwala po kayo! Ililihim ko ang lahat hanggang sa kamatayan ko!” umiiyak na pagsamo ko sa kaniya. Nagulat ako nang bigla itong ngumisi na tila may iniisip na hindi maganda. Lalo pang dumoble ang takot ko dahil doon.
“At bakit naman ako maniniwala sa iyo? Muntik mo nang sirain ang lahat ng plano ko at ngayon, imbes na malinis ang lahat ay nagkaproblema pa ako dahil may isang witness na kailangan kong patahimikin,” galit na sagot nito. Kinapos ako ng hininga dahil sa sinabi niya. Patahimikin? Ibig bang sabihin noon ay patayin?
“S-sir please po… may sakit ang daddy ko ngayon at ako na lang ang inaasahan ng mga magulang ko para makatulong sa pamilya. Pangako pong ititikom ko ang bibig ko sa lahat ng nasaksihan ko. Pangako po iyan. Maniwala po kayo!” halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa sa kaniya. Nakita kong tila lumambot ang mukha niya ngunit hindi sapat iyon upang masiguro ko ang kaligtasan ko ngayon.
Ilang sandali itong tumitig sa akinat animo’y pinag-aaralan ang bawat detalye ng mukha ko. Nanlamig ang buong katawan ko sa uri ng pagtinging iyon. Iyon iyong uri ng tinging hindi mapagkakatiwalaan at walang gagawing mabuti.
“Well then, I have two conditions…” sabi nito. Naguguluhan man ay nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.
“Gagawin ko po ang lahat ng gusto ninyo, sir. Basta hayaan ni’yo lang po akong mabuhay at makauwi ng maayos sa amin,” paniniguro ko sa kaniya.
“Are you sure na kahit ano?” nakangising tanong nito sa akin. Mabilis akong tumango at inayos ang pagkakatayo ko. Pinunasan ko rin ang mga luha sa mukha ko at bahagyang inayos ang nagulong buhok ko. Taas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kabang nararamdaman ko.
“My first condition will be, you will not say anything about last night to anyone. Because if you do, I will kill your father and send you to the club to become a prostitute,” he stated seriously. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Mariin akong napalunok at pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Miyembro ba ng sindikato ang lalaking ito? Sayang naman, kasi ang guwapo pa naman niya. Kulang na lang ay batukan ko ang sarili sa pagsagi ng bagay na iyon sa isip ko gayung nasa gitna ako ng kamatayan.
“Yes, sir. Wala pong problema. Ano po iyong pangalawa?” mahinang tanong ko. Kahit gawin pa niya akong katulong o alila ay papayag ako basta huwag lang niya akong papatayin o sasaktan ang mga mahal ko sa buhay. Wala silang kinalaman sa gulong pinasok ko kaya hindi sila dapat madamay.
“I want you to become my personal woman. At gagawin mo ang lahat ng gusto ko!” napakantural nang pagkakasabi niya at tila naubusan yata ng hangin ang dibdib ko. Literal na huminto ang paghinga ko at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Parang isang bombang sumabog sa harap ko ang bawat salitang pinakawalan niya. Natulala ako dahil hindi agad rumehistro sa isip ko ang ibig niyang ipakahulugan.
“Don’t worry, I will pay you handsomely especially if your performance will be excellent!” dagdag pa nito nang hindi ako makapagsalita agad.
“A-ano pong ibig ninyong sabihin, sir?” naguguluhang tanong ko. Gagawin ba niya akong personal niyang alalay o sekretarya? Sabagay sabi niya pasu-suwelduhin naman niya ako ng malaki. Kung gano’n ay maganda rin iyon dahil magkakaroon ako ng dagdag na kita.
“I want you to become my personal bedwarmer. And I will have rules that you have to follow,” nakangiti na ito ngayon habang nagsasalita. Iyong ngiting demonyo. At kinilabutan ako dahil tiningnan niya ako ng may pagnanasa habang sinasabi ang salitang bedwarmer. So, iyon ang ibig niyang sabihin? Gagawin niya akong babae niya para gawing parausan. Nababaliw ba siya?
“Sir, sandali lang po. Hindi ho ako p****k para sa sinasabi ni’yo. Maaaring sinabi kong susundin ko ang lahat ng gusto ninyo pero hindi naman po hanggnag sa ganiyang bagay. Please po, sir… kahit gawin ni’yo na lang po akong katulong huwag lang po iyan…” naiiyak na pakiusap ko. Hindi ko na naman naiwasang lumuha dahil sa takot. At lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang dumilim ang mukha nito at mabilis na lumapit sa akin. Napaatras ako hanggang sa maramdaman ko ang pagdikit ng likod ko sa malamig na pader ng kuwarto. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko at inilapit ang mukha sa akin. Nalanghap ko pa nga ang mabango niyang hininga na tila nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa akin. Tila ako nalalasing na ewan.
“Take it or leave it,” paos ang boses na sabi niya.
“P-pero, sir–”
Nalunod na sa lalamunan ko ang iba ko pang sasabihin nang biglang niya akong siilin ng halik. Ang mga kamay niya na kanina ay nakasandal sa pader ay mahigpit nang nakahawak sa magkabilang gilid ng ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla at tinangkang magpumiglas mula sa kaniya ngunit sadyang napakalakas nito. Halos higupin ng niya ang buong bibig ko sa ginagawa niyang paghalik at ni hindi ko maibaling ang ulo ko dahil kontrolado niya ito.
Nawala ako sa sarili nang maramdaman ang pagpupumilit ng dila niyang makapasok sa bibig ko. Sinubukan kong muling iiwas ang ulo ko pero bigo ako. Naramdaman ko ang paggapang ng isang kamay niya sa dibdib ko at marahan nitong pisilin. Napanganga ako sa ginawa niya kaya tagumpay siyang nakapasok sa bibig ko. At doon ay nilaro-laro niya ang dila ko. Kakaibang kiliti ang idinulot niyon sa akin kaya hindi ko namalayang tinutugon ko na pala ang halik niya. Ramdam kong ngumiti siya sa paggalaw ng mga labi ko bilang pagtugon sa kaniya. Hanggang sa magmakaawa na ako dahil naubusan na talaga ako ng hangin sa dibdib.
“Fuck! You taste so sweet…” tila hirap na hirap na sabi nito habang ang mga mata ay mapupungay na nakatitig sa akin. Ako naman ay hingal na hingal at naghahabol ng hininga. This is not my first kiss pero kakaiba ang idinulot ng mga halik na ito sa akin. Nagugulo ang isipan ko at parang nagugustuhan ng katawan ko ang paghaplos niya sa akin kanina.
“Do you agree with my conditions? Or, you want me to force myself to you and discard you after?” he warned in a dangerous tone. Sinagilihan na naman ako ng matinding takot at wala sa sariling napatango. Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at ngumiti sa akin.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at napapayag niya ako sa gusto niya. Ngunit isa lang ang sigurado sa akin, handa akong magsakripisyo para mapanatili ang kaligtasan ng pamilya ko mula sa estrangherong ito.
“Come here, baby so you could sign our contract…” yaya nito sa akin nang bumalik ito sa sofa na kinauupuan kanina.
“Contract?” takang tanong ko saka lumapit sa kinaroroonan niya.
Lance’s POV Nagulantang ang sistema ko nang marinig ang sigaw ng isang babae mula sa likod ng malaking puno pagkatapos kong aksidenteng makalabit ang gatilyo. Mabilis akong napalingon sa kinaroroonan ng babaeng ngayon ay nanginginig na sa takot dahil sa pagtatama ng aming mga paningin. “Fuck! Akala ko ba malinis at ligtas ang lugar na ito?” galit na tanong ko sa mga tauhan ko. Naalerto ako nang akmang tatakbo ang babae. Hindi puwedeng may ibang makaalam sa nangyari ngayon kaya mabilis akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng babae. Lalong nanlaki ang mga mata nito at tuluyan na ngang tumakbo palayo. Hinabol ko siya habang ang dalawa ko pang tauhan ay nasa likuran ko. Dahil sa matinding nerbyos ay hindi napansin no’ng babae iyong malaking bato sa daraanan niya kaya nadapa ito. Mabilis ang mga kilos ko na lalo pang binilisan ang pagtakbo papalapit sa kaniya. At bago pa man ito tuluyang makabangon ay nasa harapan na niya ako kasunod ang mga tao ko. “
Farah’s POV “You want to negotiate with me?” tanong ni Lance habang nakangisi. Hindi ko na tinapos na basahin ang nilalaman ng kontrata dahil kinikilabutan ako sa mga nilalaman niyon. Halos magkabuhol-buhol ang paghinga ko sa kaba habang binabasa iyon. Ngayon ay naiiyak na naman ako dahil hindi ako makapaniwalang mapapasok ako sa ganitong sitwasyon. Pero hindi ako puwedeng tumanggi dahil ayokong mangyari sa akin ang sinapit noong sa babaeng pinatay ni Lance kanina. Pero paano kung magsawa na siya sa akin at wala na akong pakinabang sa kaniya? Paano kung…? Napapikit ako sa tinutungo ng isipan ko dahil siguradong malagim ang kasasapitan ko kung sakali. “Y-yes. I want to negotiate,” lakas-loob kong sambit. Kailangan kong maging matatag dahil hindi madali ang papasukin kong sitwasyon. Nanayo ang lahat ng mga balahibo sa katawan ko sa uri ng tinging ipinupukol niya sa akin. “What is it, baby?” Titig na titig ito sa akin kaya lalo akong naa
Alas onse na pala ng gabi nang matapos kaming mag-dinner. Sa totoo lang halos hindi ko rin naman malunok iyong kinakain ko kanina dahil kinakabahan ako sa presensiya ni Lance. Panaka-naka ay may mga tinatanong siya sa akin at sa awa ng Diyos ay nasagot ko naman ng maayos. Ngayon ay papunta kami sa sinasabi niyang kuwartong tutulugan ko ngayong gabi. So, ibig kayang sabihin nito ay hindi pa niya ako gagalawin? Mabuti naman kung ganon dahil talagang hindi pa ako handa. Isa pa lang ang naging boyfriend ko at maliban sa halikan ay wala pa kaming ginawang lumampas doon. Kaya nga kami naghiwalay dahil habang tumatagal noon ay halos iyon na lang ang pinag-aawayan namin. “So, this will be your room,” narinig kong sabi niya kaya naputol ang pag-iisip ko. Pumasok kami at agad kong iginala ang mata sa loob nito. Maganda at maluwang ang kuwarto. May maliit na lamesang may dalawang upuan na malapit sa glass wall at ang malaking kama ay may puti at beige na kobre at mga unan. Simple lan
Napahinto ako sa may hagdan dahil hindi ako sigurado kung saan ako pupunta. Mabuti na lang at may paakyat na isang kasambahay at sinabihan akong pumunta na ngayon sa dining room dahil naghihintay na raw doon si Lance. Hindi kagaya noong may edad na maid kagabi, parang medyo masungit ang isang ito. Ni hindi man lang ako binati tapos nakasimangot pa na tila naiimbyernang makita ako. Pero masiyado na akong maraming iniisip para dumagdag pa siya kaya binalewala ko na lang. Siguro ay may pinagdadaanan ito o kaya baka may period. Pagkatapos namin mag-almusal ay nagtungo na kami sa mall. Isang store for branded and high-end apparels ang pinuntahan namin. Halatang kilala ng mga staff si Lance base sa klase ng ngiti at pagbati ng mga ito sa kaniya. Siguro ay dito niya ipinamimili ang lahat ng mga babae niya kaya sanay na sanay na sila sa kaniya. Pagkatapos ay may lumabas na isang babae sa may pinto sa tabi ng counter. Sa itsura nito ay mukhang siya ang may-ari ng store.
Pumunta kami sa isang Japanese restaurant dahil gusto raw niyang kumain ng mga pagkaing hapon ngayon. Nagpatianod na lang ako dahil sa nararamdaman kong gutom na rin ako at ayoko nang pumili pa ng kakainin. Basta kung ano’ng mayroon na malinis at maayos kainin, iyon na. “I saw the apparels you bought, and I’m impressed. I think I like your choice of clothing,” komento nito matapos makuha noong crew ang orders namin. Medyo naiilang lang ako dahil titig na titig siya sa akin habang nakangiti. Sa totoo lang ang guwapo-guwapo ni Lance. Napakaamo ng mukha niya at kahit sinong babae ay talagang maaakit sa kaniya. Hindi mo talaga iisiping kayang-kaya niyang pumatay ng tao, lalo na ng isang babaeng walang kalaban-laban. Hindi mawala-wala sa puso ko ang matinding takot sa kaniya. Natatakot ako na kapag magalit siya sa akin ay baka patayin niya rin ako. “Thanks!” tipid na sagot ko. “Actually, mahilig din ako sa mga magagandang gamit lalo na noong malakas pang kumita si
“Sino iyong ka-text mo at para kang biglang nawala sa sarili mo?” usisa ni Lea. Nakalimutan ko na rin na katabi ko lang pala siya. Mabuti na lang at hindi niya nabasa ang laman ng convo namin ni Lance. “Iyong bagong boss ko. Pinaalalahanan lang ako na mag-resign na sa mga dati kong trabaho para makapagsimula na raw ako sa kanila,” pagsisinungaling ko. Tumango-tango ito at bahagyang nalungkot ang mukha. Ako man ay nalulungkot na hindi ko na siya makakasama sa trabaho araw-araw. “Sayang naman. Kasi hindi na tayo madalas magkikita niyan,” malungkot na sambit nito. Ngumiti lang din ako nang malungkot sa kaniya. “Kailangan e. Saka puwede naman tayo mag-chat anytime ‘di ba? Basta kapag may problema ka at makatutulong naman ako, huwag kang mag-atubiling magsabi, okay?” paalala ko sa kaniya. Huminga ito nana malalim at hindi inalis ang tingin sa mga mata ko. “Sabagay. Pero kapag may opening diyan sa bago mong work irekomenda mo ako ha?” nakan
Ngayong araw ang uwi ni Lance at hindi ko malaman kung bakit excited ako. Dapat ay galit ako sa kaniya dahil sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon ngunit hindi ko maunawaan ang sarili ko. Inulit namin kagabi ang ginawa namin noong isang araw at pakiramdam ko ay inihahanda na niya ako sa maaari pa naming gawin nang totohanan. Ngunit sinikap kong alisin muna iyon sa isip ko dahil may exam kami ngayong araw. Hanggang bandang hapon ay isa ako sa mga pinakahuling lumabas ng classroom dahil sadyang naglaan ako ng sapat na oras para magkaroon ng mataas na iskor sa lahat ng mga test ko ngayon araw. Kinahapunan ay tumatawag na sa akin si Lance. Mabuti na lang at nakapagpaalam na ako sa mommy ko na hindi ako makakauwi ngayon dahil sa trabaho. Huminto ako sa paglalakad upang sagutin ang tawag. “Hi, where are you?” bungad niya nang sagutin ko na ang tawag. Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ang malalim niyang boses. Tumikhim ako bago sumagot.
“Kanina ka pa ba?” mahinang tanong ko. Tinanggal niya ang suot na salamin at isinuksok sa harapan ng t-shirt niya.“Maybe ten or fifteen minutes,” aniya at tinungo ang kabilang bahagi ng sasakyan upang buksan ang pintuan nito. Sinenyasan na niya akong sumakay kaya mabilis akong sumunod.“Thanks,” nasabi ko pa bago niya isinara ang pinto saka patakbong tinungo ang driver’s seat. Tinulungan pa niya akong ayusin ang seatbelt ko kahit kaya ko naman. Bakit ang gentleman niya? Balak niya yata talagang baliwin ako.Tahimik lang kami habang nagbibiyahe. Gustong-gusto kong itanong kung saan kami pupunta pero naunahan naman ako ng hiya. Hahayaan ko na lang kung saan man kami pupunta.Pumasok kami sa isang underground parking lot ng isang sikat na residential area. Nang maayos na mai-park ang sasakyan niya ay mabilis siyang bumaba. Nabuksan ko na rin ang pintuan sa tabi ko kaya wala na siyang nagawa nang makababa na ako. Ipagbubukas ba sana niya ako ng pinto? Hindi siguro. Assuming lang ako.Ngun
Farah’s POVHindi ako nakatulog buong magdamag dahil sa matinding pag-aalala kay Lance. Mula noong umalis ito kahapon ay hindi pa ito bumabalik at hindi ko rin naman siya makontak. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero hindi ko naman ito mapigilan dahil hindi mawala-wala ang matinding kaba sa dibdib ko.Lumipas pa ang buong maghapon ay wala pa rin akong anumang balita mula kay Lance. Kahit ano pang pangungulit ko sa mga naiwan niyang tauhan dito ay ayaw naman nilang magsalita. Ni hindi nga rin ako makakain ng maayos dahil sa matinding pag-aalala.“Ma’am, magandang gabi po, gusto daw po kayong makausap ng tauhan ni Sir,” tawag-pansin sa akin ni Butler Jimmy. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement.“Nasaan po siya?” may pagmamadaling tanong ko. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil baka may balita na ito tungkol kay Lance.“Naroroon po sa sala, Ma’am,” magalang na tugon ni Jimmy. Mabilis akong tumango at nagpaalam na sa kaniya para puntahan ang sinasabi niyang naghihintay sa akin.
“Bakit? Bakit mo iyon nagawa kay Papa? Alam mo bang nag-aagaw buhay si Mama Angela sa ospital ngayon? Dahil hindi siya makapaniwalang ang batang minahal at inalagaan niya ay hindi pala tao kun‘di isang demonyo!” malakas kong sigaw sa kaniya. Pero ipinagpatuloy lang niya ang pagtungga ng alak mula sa boteng hawak niya. “Bakit? Dahil epal ka! Lahat na lang, gusto mo sa iyo! Lahat na lang, dapat ikaw ang bida! Pero okay na sana, eh. Okay na sana kung kahit konti may inilaan si Papa para sa akin. Ako ang nasa tabi niya sa lahat ng oras, habang ikaw, nagpapakakasarap sa buhay mo. Maging ang pagpasok niya sa illegal na negosyo at sindikato, sinuportahan ko. Pero ano ang ending? Lahat ng kayamanan, pera at posisyon niya, sa iyo lang pala niya iiwan! Ulol ba siya? Ako ang pinahirapan niya tapos lahat ng pakinabang sa iyo mapupunta? Hell, no!” parang nahihibang na sabi niya. Para siyang wala sa sariling katinuan habang nagsasalita. “Papatay ka dahil lang sa pera? Napaka
The next day, I spent almost the whole day sleeping and whining about my whole body being sore. Kinailangan ko pang uminom ng gamot para lang kahit papaano ay maibsan ang pananakit ng buong katawan ko. Bigla tuloy akong nakonsensya sa baby ko. “Sorry, baby, na-diet kasi nang husto si Daddy, kaya iyon ayaw paawat!” hinging paumanhin ko sa anak ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Madilim na sa labas at katatapos ko pa lamang maligo. Ilang beses akong napapangiwi habang nagsasabon at nagbabanlaw kanina dahil sa hapdi ng pagkababae ko. Parang namamaga na nga yata iyon at maging ang pag-ihi ay isang malaking pagsubok! Napaangat ako ng paningin nang biglang bumukas nag pintuan ng kuwarto. Inaasahan kong si Lance ang papasok pero bumagsak ang balikat ko nang dalawang katulong na parehong may dalang tray ng pagkain at mga prutas ang pumasok. “Nasaan ang Sir ni’yo?” nakangiting tanong ko nang maupo na ako sa harap ng mga nakahaing pagkain. “Um
“Ha? Bakit? May nangyari ba sa kanila?” nahihintakutang tanong ko. Bigla kasi akong kinabahan sa ibinalita niya sa akin. “Nagsiguro lang ako dahil alam ko kung gaano na kadesperado si Darwin na mahanap ka. At alam kong ikaw ang gagamitin niya para mapasunod ako sa anumang iba pang binabalak niya. Kaya inunahan ko na siya bago pa niya maidamay ang pamilya mo. Kahit ang mga kaibigan mo ay pinababantayan ko na rin. Konting-konti na lang ay mahuhuli na rin namin ang hayop na iyon!” asar na tukoy ni Lance kay Darwin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. “Salamat, Lance. Salamat at hindi mo sila pinabayaan.” “Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako pa nga ang dapat humingi ng dispensa dahil nadadamay kayo sa gulo ng pamilya ko,” may lungkot niyang sabi. “Hindi ka nag-iisa, Lance. Nandito lang ako. Magkasama nating harapin ang lahat ng problema,” sinserong sambit ko sa kaniya. “Hirap ka ba sa paglilihi? O kaya ay may mga gusto ka
“Lance, ano ba kasing klaseng buhay ito? Mabuti nga at ‘yang braso lang ang tinamaan sa iyo. Paano kung sa susunod ang ulo mo na o iyong parte ng katawan mo na pwede mong ikamatay?!” may pag-aalalang panunumbat ko. Nasubukan ko nang maranasan ang mapaulanan ng bala at pasabugan pa ang sinasakyan. Doon ko rin nakita kung gaano kagaling makipagbarilan ni Lance. Maliksi siya at sigurado ang bawat kilos nito. Pero kasabay din noon ang katotohanang napakadelikado ng mga ganoong sitwasiyon. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap nang mahigpit. Noong una ay nalito ako kung ano ang gagawin pero parang kusa namang umangat ang mga kamay ko para tugunin ang yakap niya. “I’m very sorry for putting you in danger, Farah. Akala ko, matatapos ko ang lahat ng ito bago ko maipagtapat sa iyo na hindi totoong nakalimutan kita. Pero sakim si Darwin. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napapatay. At natatakot ako dahil pati ikaw ay gusto niyang idamay,” madamdaming saa
“Hindi mo naman kasalanan iyon dahil may sakit ka. Kaya naiintindihan ko kung hindi ka naniniwala sa ak–” “I never lost my memory, or any memory at all!” naagaw ang atensiyon ko at napatunganga ako sa pagputol niya sa pagsasalita ko. “What?” naguguluhang tanong ko. “I was just pretending that time,” mababa ang boses na pag-amin niya. Doon na tuluyang umawang ang bibig ko. Para bang sa isang segundo lang pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminto sa pagtibok ang puso ko. Ang kalituhan ko ay biglang napalitan ng galit at paghihinakit. Matalim ko siyang tiningnan at doon ko napansin ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng kaniyang Adam’s apple. “Why?” may diin at nagtatagis ang mga ngiping tanong ko. Kagyat na nanubig ang mga mata ko dahil isa-isang nagbalik sa isip ko ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin. Ang mga pang-iinsultong halos pumatay na sa akin at dumurog sa lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa pag-ibig at mga p
Dahil sa nangyari sa nagdaang gabi ay halos hindi ako nakatulog. Bigla-bigla na lang akong nagugulat at kinakabahan. Kahit konting ingay lang ay madali akong naaalimpungatan mula sa pagkakaidlip ko. Kaya hanggang ngayon, kahit mag-aalas- nuwebe na ay naririto pa rin ako sa kuwarto at tulala. Naagaw lang ang atensiyon ko nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. “Ate, gising ka na daw ba? Tinatawag ka na nina Mommy at Daddy. Kumain ka na raw po!” narinig kong tawag sa akin ng kapatid ko. Huminga ako ng malalim at napilitang bumangon na rin. “Oo, sige. Pakisabi susunod na ako,” sagot ko. Pilit kong pinasisigla ang boses ko para hindi siya makahalata. Naligo ako at nagbihis bago lumabas ng silid ko. Naabutan ko sa sala sina Mommy at Daddy. Seryoso ang pag-uusap ng dalawa kaya hindi nila napansin ang paglapit ko. “Mom, Dad, good morning po!” bati ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sa akin at ngumiti. “Anak, tinanghali ka, ah? Hindi ka rin kumain kagabi. Akala ko nga ay may s
Tumikhim si Darwin na umagaw sa atensiyon ng dalawa. Si Lance lang ang lumingon habang si Hailey ay patuloy lang sa paghalik sa kaniya. Pinigil niya ito at kunot’noong tumingin sa akin.“Ano na namang ginagawa ng babaeng iyan dito?” mataray na tanong ni Hailey. Pero hindi ko siya tiningnan dahil nanatiling nakapako ang paningin ko kay Lance.Inilabas ko ang kaheta mula sa bag ko at walang imik na lumapit sa kinanaroroonan niya.“Huwag kayong mag-aalala, hindi ko kayo guguluhin. Pasensya na sa abala,” buong katatagan kong saad kahit parang sinusuntok ang puso ko sa sakit.“Kung gano’n, bakit ka nandito?” malamig na tanong ni Lance.Iniabot ko sa kaniya ang kaheta at may pagtataka niya iyong tiningnan.“Ibabalik ko lang ito, sa iyo. Nakalimutan kong ibigay noong huling palayasin mo ako rito,” walang-buhay na sabi ko. Inabot naman niya iyon kaya agad na akong tumalikod upang lumabas.“Sana nga hindi na kita makitang muli,” nanunuyang saad ni Lance. Napapikit ako at marahang pinagdikit an
“Lance… hindi mo ba talaga ako naaalala?” halos pumiyok nang tanong ko. Muli akong napalunok upang pigilan ang sariling maiyak dahil bahagya na ring nanginig ang mga labi ko. Gusto kong maging matapang sa kabila nang paghilab ng dibdib ko dahil sa malamig na trato niya sa akin.“Makulit ka rin talaga, eh, ano? Ilang beses ko nang sinagot iyang tanong mo! Ikaw lang itong hindi makaintindi dahil ipinipilit mo ang sarili mo sa akin! Bakit? Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo na ako?” nang-iinsultong tanong niya. Napanganga ako sa sinabi niya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pa ang maiyak.“Lance, buntis ako…” umiiyak kong sambit. “Miss na miss na kita…” pagpapatuloy ko pa. Pero hindi nagbago ang malamig na tingin nito sa akin. Dahil doon ay lalo akong napahikbi sa sobrang sakit na dinaranas ng puso ko. Para itong patuloy na dinudurog at tinatapakan pa nang paulit-ulit.“Ah… iyon naman pala! Buntis ka rin at gusto mong ipaako sa akin?” nagulat ako nang pagak siyang