Alas onse na pala ng gabi nang matapos kaming mag-dinner. Sa totoo lang halos hindi ko rin naman malunok iyong kinakain ko kanina dahil kinakabahan ako sa presensiya ni Lance. Panaka-naka ay may mga tinatanong siya sa akin at sa awa ng Diyos ay nasagot ko naman ng maayos. Ngayon ay papunta kami sa sinasabi niyang kuwartong tutulugan ko ngayong gabi. So, ibig kayang sabihin nito ay hindi pa niya ako gagalawin? Mabuti naman kung ganon dahil talagang hindi pa ako handa. Isa pa lang ang naging boyfriend ko at maliban sa halikan ay wala pa kaming ginawang lumampas doon. Kaya nga kami naghiwalay dahil habang tumatagal noon ay halos iyon na lang ang pinag-aawayan namin.
“So, this will be your room,” narinig kong sabi niya kaya naputol ang pag-iisip ko. Pumasok kami at agad kong iginala ang mata sa loob nito. Maganda at maluwang ang kuwarto. May maliit na lamesang may dalawang upuan na malapit sa glass wall at ang malaking kama ay may puti at beige na kobre at mga unan. Simple lang ang itsura ng kuwarto pero ang mga nakasabit na paintings at mga gamit sa loob ay halatang mamahalin.
“Do you like it? As I have said, you can redecorate it all you want. Just tell me what you need,” sabi nito kaya nilingon ko siya. Mataman lang itong nakatitig sa akin at parang kinakabisado ang bawat sulok ng mukha ko.
“S-salamat. Pero bakit kailangang dito pa ako matulog ngayon? Are you… going to–”
“To what?” putol nito sa akin na bahagya pang lumapit at makahulugang ngumisi sa akin. Napalunok ako at tumahip ang dibdib ko.
“K-kasi… ano…” makikipag-sex ka na ba sa akin ngayon? Gusto ko sanang itanong kaya lang halos mautal ako dahil hindi ko masabi ang talagang gusto kong sabihin.
“Don’t worry, Farah, alam kong may trauma ka pa sa nangyari kanina kaya I will let you rest for tonight. And since tomorrow is Sunday we will go shopping,” sabi nito. Nabawasan ang kaba ko sa sinabi niya. Pero shopping daw?
“Shopping? Ano bang kailangan mong bilhin at dapat kasama pa ako?” alanganing tanong ko sa kaniya. Saglit itong natigilan sa tanong ko saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Sinundan ko pa ang tingin niya at sa palagay ko ay wala namang problema sa itsura ko.
“If you’re going to be my woman, you should dress and act properly,” bigla tuloy akong napatingin ulit sa sarili ko. Bakit may masama ba sa ayos ko?
“Ibibili mo ako ng damit? But why?” tanong ko sa kaniya. Tumaas pa ang kilay nito bago sumagot. Hindi ko alam pero mukha siyang napapantastikuhan na ewan. Bakit kailangan pa niya akong ipamili eh huhubaran lang naman niya ako kapag gabi? Huwag niyang sabihing may iba pa siyang pakay sa akin? Wala yatang napag-usapang gano’n sa kontrata.
“Well, I want you to dress according to what I want you to. Aside from dress you also need other things, and we will buy everything tomorrow,” dagdag pa niya. Ano ba’ng balak niyang gawin sa akin at kailangan pa niya akong bihisan? Well kung mga magaganda at branded na damit marami pa naman akong natitira sa bahay dahil sagana naman kami sa maraming bagay noon bago nagkasakit ang daddy ko. Pero ayoko nang kontrahin siya at baka magalit pa. At isa pa, pagod na rin ako at talagang gusto ko na ring magpahinga at mapag-isa para naman makapag-isip isip.
“O-okay…” sabi ko na lang. Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay lumabas na siya at nagulat pa ako dahil bumalik din siya agad.
“Heto. Ito muna ang gamitin mo habang hindi pa tayo nakakabili ng mga gamit mo,” sabi niya at iniabot sa akin ang isang pares ng jogging pants at white shirt. Sa tantiya ko ay sa kaniya ito. Alanganing tinanggap ko iyon at matamag tumingin sa kaniya.
“Salamat,” sabi ko at saka tipid na ngumiti.
Akala ko ay lalabas na siya pero mabilis niyang tinawid ang pagitan namin at saka ako hinalikan. Ang isang kamay niya ay umikot sa likuran ko at hinapit niya ako papalapit sa kaniya habang ang isang kamay niya ay nasa ulo ko. Hindi ako agad nakagalaw sa ginawa niya. Pero natunaw ang lahat ng agam-agam ko nang lalo pa niyang palalimin ang halik at talagang natatangay ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Natatakot ako sa kaniya pero sa tuwing naglalapat ang mga labi namin ay para akong nalalasing sa mga halik niya. Hindi ko namalayang napakapit na pala ang dalawang kamay ko sa batok niya at nabitiwan ang mga damit na hawak ko kanina.
I let him enter my mouth and let our tongues dance in a very sweet rhythm. Bakit ang lakas ng epekto niya sa akin? Bakit para akong nag-iinit sa bawat hagod ng mga labi niya?
Napasinghap ako nang damhin niya ang dibdib ko at gumapang ang halik niya sa leeg ko. Hindi ko namalayan kung paano pero nakasandal na ako sa pader habang ang mga labi niya ay palipat-lipat na naglalakbay sa panga, leeg at balikat ko. Hanggang sa bumalik ang mga labi niya sa bibig ko at muli kaming nagsalo sa ubos-hininga at mainit na halikan. Pakiramdam ko nga ay namamaga na yata ang mga labi ko. Ang tindi naman niya kasing humalik. Parang gigil na gigil at uhaw na uhaw. Ganito kaya talaga siya sa lahat ng mga babaeng natitipuhan niya?
“Fuck! I just can’t stop kissing you…” he murmured as he sniffed my left cheek. Ilang minutong make out sessions pa ang naganap bago niya ako tuluyang pinakawalan. Hindi ko maipaliwanag ang init na bumabalot sa buong katawan ko at parang halos ayaw ko na ring tumigil siya sa ginagawa niya sa akin kanina. Nababaliw na yata ako.
Mabilis akong nagtungo sa banyo at naghubad. Itinapat ko agad ang katawan ko sa shower para maibsan ang init na nararamdaman ko. I felt a bit relieved as the water cooled my whole body. I spent almost an hour taking a bath and wore the clothes he gave me. Ang bango nitong suot kong damit. Lalaking-lalaki ang amoy. Pakiramdam ko tuloy ngayong suot ko ang damit niya ay para rin siyang nakayakap sa akin.
Marahil dahil sa pagod at stress kaya nakatulog din ako agad matapos kong patuyuin ang buhok ko at mahiga na.
Kinabukasan ay medyo late akong nagising. Although nasanay na akong gumigising nang maaga, nahuli ako ngayon. kinuha ko agad ang cellphone at tinawagan ang mommy ko. Kailangan ko pa ring ipaalam sa kaniya na baka hindi rin ako makauwi agad ngayong araw dahil nga mamimili raw kami ni Lance.
“Hello, mommy, good morning po!” bungad ko nang sagutin niya ang tawag.
“O, hija ano’ng oras ka uuwi ngayon? O didiretso ka na ba sa trabaho mo?” tanong nito. Iyon pa pala ang isang problema ko. Kailangan ko na pa lang mag-resign dahil iyon ang utos ni Lance.
“Opo, mommy didiretso na po ako sa trabaho. Pero baka po magbitiw na rin ako kasi po may ina-apply-an ako ngayon na medyo mas malaki ang kita,” sagot ko. Nakakuyom ang kamao ko dahil kinakalma ko ang sarili ko. Hindi ako sanay magsinungaling kaya kailangang mapaniwala ko si mommy. Mas maigi nang masabi ko ito ngayon kaysa naman mabigla pa siya.
“Gano’n ba? E, ano’ng trabaho naman iyan anak? Baka lalo ka namang mahirapan? Lalo na ngayon at papasok ka na sa second semester para sa huling taon mo sa kolehiyo?” puno ng pag-aalalang tanong nito. Napabuntong hininga ako. Pero bago ako natulog kagabi ay nag-isip na ako ng mga idadahilan kay mommy para rito sa pinasok ko.
“Mom, magiging secretary po ako ng isang CEO. Bale parttime lang kasi mayroon naman siyang fulltime executive secretary. Kumbaga, iyong mga hindi na kayang i-handle nong ES sa akin ibibigay gano’n,” paliwanag ko. Dinig ko ang malalim na paghinga ni mommy. Labag sa kalooban niya ang pagtatrabaho ko pero wala naman kaming magawa. Kailangan namin ng pera at hindi naman kakasya kung sa kinikita lang ni mommy kami aasa.
“Pasensiya ka na anak. Pati ikaw ay nahihirapan dahil sa kalagayan natin ngayon. Sana nga ay malampasan na natin ang lahat ng ito. Bumubuti na rin naman ang kalagayan ng daddy mo kaya sana nga ay magtulo-tuloy na,” malungkot na hinging paumanhin ni mommy. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko para pigilan ang paghikbi. Hindi ko kasi namalayang tumulo na pala ang luha ko. Kung alam lang ni mommy ang kalagayang pinasok ko siguradong lalo itong masasaktan. Kaya gagawin ko ang lahat para hindi nila ito malaman. Mayaman si Lance at sigurado akong sanay siyang napapaligiran ng magagandang babae kaya madali lang siguro siyang magsasawa sa akin. At kapag nagyari iyon, malaya na ako at makababalik sa dati kong tahimik ng buhay.
“Mom, don’t worry about me. I am okay po. I am a fighter like you and dad, so I will remain this way!” sabi ko upang palakasin ang loob niya. I need to act and look strong, so my parents won’t be worried about me. Ayokong dumagdag pa sa iisipin nila.
“Okay, hija. Thank you so much. Napakasuwerte talaga namin ng daddy mo dahil lahat kayo ay lumaking mabubuti at matitinong bata.”
Ramdam ko kung gaano ka-proud si mommy sa amin dahil sa tono ng pananalita niya kaya napangiti ako. Kahit paano ay naibsan ang bigat ng kalooban ko.
“Sige po, mommy ba-bye na po at baka mahuli pa ako,” pamamaalam ko sa kaniya.
“Take care, sweetie…” malambing na tugon nito.
“I love you, mom. Tell dad I love him, too…” madamdaming sabi ko bago muling nagpaalam at tapusin ang tawag. I heaved a deep sigh before fixing myself and going out of the room.
Hi guys, feel free na magbigay ng comments niyo regarding this story. HAPPY READING!!!
Napahinto ako sa may hagdan dahil hindi ako sigurado kung saan ako pupunta. Mabuti na lang at may paakyat na isang kasambahay at sinabihan akong pumunta na ngayon sa dining room dahil naghihintay na raw doon si Lance. Hindi kagaya noong may edad na maid kagabi, parang medyo masungit ang isang ito. Ni hindi man lang ako binati tapos nakasimangot pa na tila naiimbyernang makita ako. Pero masiyado na akong maraming iniisip para dumagdag pa siya kaya binalewala ko na lang. Siguro ay may pinagdadaanan ito o kaya baka may period. Pagkatapos namin mag-almusal ay nagtungo na kami sa mall. Isang store for branded and high-end apparels ang pinuntahan namin. Halatang kilala ng mga staff si Lance base sa klase ng ngiti at pagbati ng mga ito sa kaniya. Siguro ay dito niya ipinamimili ang lahat ng mga babae niya kaya sanay na sanay na sila sa kaniya. Pagkatapos ay may lumabas na isang babae sa may pinto sa tabi ng counter. Sa itsura nito ay mukhang siya ang may-ari ng store.
Pumunta kami sa isang Japanese restaurant dahil gusto raw niyang kumain ng mga pagkaing hapon ngayon. Nagpatianod na lang ako dahil sa nararamdaman kong gutom na rin ako at ayoko nang pumili pa ng kakainin. Basta kung ano’ng mayroon na malinis at maayos kainin, iyon na. “I saw the apparels you bought, and I’m impressed. I think I like your choice of clothing,” komento nito matapos makuha noong crew ang orders namin. Medyo naiilang lang ako dahil titig na titig siya sa akin habang nakangiti. Sa totoo lang ang guwapo-guwapo ni Lance. Napakaamo ng mukha niya at kahit sinong babae ay talagang maaakit sa kaniya. Hindi mo talaga iisiping kayang-kaya niyang pumatay ng tao, lalo na ng isang babaeng walang kalaban-laban. Hindi mawala-wala sa puso ko ang matinding takot sa kaniya. Natatakot ako na kapag magalit siya sa akin ay baka patayin niya rin ako. “Thanks!” tipid na sagot ko. “Actually, mahilig din ako sa mga magagandang gamit lalo na noong malakas pang kumita si
“Sino iyong ka-text mo at para kang biglang nawala sa sarili mo?” usisa ni Lea. Nakalimutan ko na rin na katabi ko lang pala siya. Mabuti na lang at hindi niya nabasa ang laman ng convo namin ni Lance. “Iyong bagong boss ko. Pinaalalahanan lang ako na mag-resign na sa mga dati kong trabaho para makapagsimula na raw ako sa kanila,” pagsisinungaling ko. Tumango-tango ito at bahagyang nalungkot ang mukha. Ako man ay nalulungkot na hindi ko na siya makakasama sa trabaho araw-araw. “Sayang naman. Kasi hindi na tayo madalas magkikita niyan,” malungkot na sambit nito. Ngumiti lang din ako nang malungkot sa kaniya. “Kailangan e. Saka puwede naman tayo mag-chat anytime ‘di ba? Basta kapag may problema ka at makatutulong naman ako, huwag kang mag-atubiling magsabi, okay?” paalala ko sa kaniya. Huminga ito nana malalim at hindi inalis ang tingin sa mga mata ko. “Sabagay. Pero kapag may opening diyan sa bago mong work irekomenda mo ako ha?” nakan
Ngayong araw ang uwi ni Lance at hindi ko malaman kung bakit excited ako. Dapat ay galit ako sa kaniya dahil sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon ngunit hindi ko maunawaan ang sarili ko. Inulit namin kagabi ang ginawa namin noong isang araw at pakiramdam ko ay inihahanda na niya ako sa maaari pa naming gawin nang totohanan. Ngunit sinikap kong alisin muna iyon sa isip ko dahil may exam kami ngayong araw. Hanggang bandang hapon ay isa ako sa mga pinakahuling lumabas ng classroom dahil sadyang naglaan ako ng sapat na oras para magkaroon ng mataas na iskor sa lahat ng mga test ko ngayon araw. Kinahapunan ay tumatawag na sa akin si Lance. Mabuti na lang at nakapagpaalam na ako sa mommy ko na hindi ako makakauwi ngayon dahil sa trabaho. Huminto ako sa paglalakad upang sagutin ang tawag. “Hi, where are you?” bungad niya nang sagutin ko na ang tawag. Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ang malalim niyang boses. Tumikhim ako bago sumagot.
“Kanina ka pa ba?” mahinang tanong ko. Tinanggal niya ang suot na salamin at isinuksok sa harapan ng t-shirt niya.“Maybe ten or fifteen minutes,” aniya at tinungo ang kabilang bahagi ng sasakyan upang buksan ang pintuan nito. Sinenyasan na niya akong sumakay kaya mabilis akong sumunod.“Thanks,” nasabi ko pa bago niya isinara ang pinto saka patakbong tinungo ang driver’s seat. Tinulungan pa niya akong ayusin ang seatbelt ko kahit kaya ko naman. Bakit ang gentleman niya? Balak niya yata talagang baliwin ako.Tahimik lang kami habang nagbibiyahe. Gustong-gusto kong itanong kung saan kami pupunta pero naunahan naman ako ng hiya. Hahayaan ko na lang kung saan man kami pupunta.Pumasok kami sa isang underground parking lot ng isang sikat na residential area. Nang maayos na mai-park ang sasakyan niya ay mabilis siyang bumaba. Nabuksan ko na rin ang pintuan sa tabi ko kaya wala na siyang nagawa nang makababa na ako. Ipagbubukas ba sana niya ako ng pinto? Hindi siguro. Assuming lang ako.Ngun
Kinabukasan ay hindi ako makagalaw sa bigat ng katawan ko. Nananakit ang bawat bahagi nito, lalo na ang ibabang bahagi. Isang beses lang namin ginawa iyon pero para akong binugbog sa pananakit ng buong katawan ko. Nilingon ko ang kama at napagtantong nag-iisa na lang pala ako rito. Hindi ko na naalala ang sumunod na nangyari dahil pagkatapos niyang makapagpalabas kagabi ay hinila na agad ako ng matinding antok at nakatulog. Bakit doon sa mga kuwentong nabasa ko, ilang beses pa nilang ginagawa ang sex kahit first time noong babae. Pero ako, kulang na lang maiyak ako sa sobrang hapdi ng pagitan ng mga hita ako. Pakiramdam ko nga ay may sugat iyon at namamaga. Ang laki ba naman ng ipinasok ni Lance doon at halos isang oras na binayo, sino’ng hindi susuko? Ganito kaya palagi pagkatapos o ngayon lang dahil first time? Mukhang hindi ko kakayanin kung palaging ganito kahirap ang dadanasin ko sa tuwing matatapos. Ang sakit at ang hirap. Masarap lang habang ginagawa, pero kapag tapos na pala a
“Hoy, girl, may good news ako sa iyo!” patiling salubong sa akin ni Leah pagkatapos ng huling klase namin ng hapon. May isa pa sana kaming subject kaya lang may faculty meeting daw ang lahat ng mga instructors namin. Nangniningning ang mga mata ng kaibigan ko at halatang excited siya. Kulang na nga lang ay mamilipit na siya sa tindi ng kilig niya kaya hindi ko maiwasang matawa sa hitsura niya. “Ano namang good news iyan at kulang na lang mangisay ka na sa tuwa riyan?” natatawang tanong ko. Naupo kami sa isang bench na nalililiman ng malaking puno. Hindi ko alam kung anong puno ito pero natutuwa ako dahil mayabong at makapal ang mga dahon. “Naaalala mo pa ba si Terrence La Cuesta? Iyong ultimate crush mo noong high school na biglang nag-transfer sa ibang bansa dahil doon na tumira iyong buong pamilya niya? Natatandaan mo?” kinikilig na tanong niya. Saglit akong natigilan at nag-isip. Oo, naalala ko si Terrence. Paano ko ba naman makakalimutan iyon, eh, sa kaniya lang talaga ako totoon
“Luhod!” narinig kong utos niya. Napadilat ako ng mga mata at nagtatakang tumingin sa kaniya. Punong-puno ng pagnanasa ang mga mata niya habang nakangisi naman ang mga labi niya.“Lumuhod ka,” muling utos niya kaya lalong kumunot ang noo ko. Naningkit ang mga mata niya at nabahiran ng galit ang mukha niya nang hindi ako sumunod sa utos niya.“A-anong ibig m-mong s-sabihin?” nagkakandautal na tanong ko. Nakakapangilabot ang ngising namutawi sa bibig niya. Napalunok ako at tila nanlamig. Ngayon ay biglang nanoot sa katawan ko ang lamig ng hangin na nanggagaling sa aircon.“Hindi naman puwedeng ikaw lang ang maligayahan, ‘di ba? Kailangan mo rin akong paligayahin. Kaya lumuhod ka na bago pa kita parusahan!” pamuling utos nito. Dahil sa paglukob ng takot sa dibdib ko ay mabilis akong lumuhod. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang ari niya at itutok iyon sa mukha ko.“Isubo mo!” utos niya at halos masuka ako sa gusto niyang ipagawa sa akin. Nanginig ang buong katawan ko sa matinding
Farah’s POVHindi ako nakatulog buong magdamag dahil sa matinding pag-aalala kay Lance. Mula noong umalis ito kahapon ay hindi pa ito bumabalik at hindi ko rin naman siya makontak. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero hindi ko naman ito mapigilan dahil hindi mawala-wala ang matinding kaba sa dibdib ko.Lumipas pa ang buong maghapon ay wala pa rin akong anumang balita mula kay Lance. Kahit ano pang pangungulit ko sa mga naiwan niyang tauhan dito ay ayaw naman nilang magsalita. Ni hindi nga rin ako makakain ng maayos dahil sa matinding pag-aalala.“Ma’am, magandang gabi po, gusto daw po kayong makausap ng tauhan ni Sir,” tawag-pansin sa akin ni Butler Jimmy. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement.“Nasaan po siya?” may pagmamadaling tanong ko. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil baka may balita na ito tungkol kay Lance.“Naroroon po sa sala, Ma’am,” magalang na tugon ni Jimmy. Mabilis akong tumango at nagpaalam na sa kaniya para puntahan ang sinasabi niyang naghihintay sa akin.
“Bakit? Bakit mo iyon nagawa kay Papa? Alam mo bang nag-aagaw buhay si Mama Angela sa ospital ngayon? Dahil hindi siya makapaniwalang ang batang minahal at inalagaan niya ay hindi pala tao kun‘di isang demonyo!” malakas kong sigaw sa kaniya. Pero ipinagpatuloy lang niya ang pagtungga ng alak mula sa boteng hawak niya. “Bakit? Dahil epal ka! Lahat na lang, gusto mo sa iyo! Lahat na lang, dapat ikaw ang bida! Pero okay na sana, eh. Okay na sana kung kahit konti may inilaan si Papa para sa akin. Ako ang nasa tabi niya sa lahat ng oras, habang ikaw, nagpapakakasarap sa buhay mo. Maging ang pagpasok niya sa illegal na negosyo at sindikato, sinuportahan ko. Pero ano ang ending? Lahat ng kayamanan, pera at posisyon niya, sa iyo lang pala niya iiwan! Ulol ba siya? Ako ang pinahirapan niya tapos lahat ng pakinabang sa iyo mapupunta? Hell, no!” parang nahihibang na sabi niya. Para siyang wala sa sariling katinuan habang nagsasalita. “Papatay ka dahil lang sa pera? Napaka
The next day, I spent almost the whole day sleeping and whining about my whole body being sore. Kinailangan ko pang uminom ng gamot para lang kahit papaano ay maibsan ang pananakit ng buong katawan ko. Bigla tuloy akong nakonsensya sa baby ko. “Sorry, baby, na-diet kasi nang husto si Daddy, kaya iyon ayaw paawat!” hinging paumanhin ko sa anak ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Madilim na sa labas at katatapos ko pa lamang maligo. Ilang beses akong napapangiwi habang nagsasabon at nagbabanlaw kanina dahil sa hapdi ng pagkababae ko. Parang namamaga na nga yata iyon at maging ang pag-ihi ay isang malaking pagsubok! Napaangat ako ng paningin nang biglang bumukas nag pintuan ng kuwarto. Inaasahan kong si Lance ang papasok pero bumagsak ang balikat ko nang dalawang katulong na parehong may dalang tray ng pagkain at mga prutas ang pumasok. “Nasaan ang Sir ni’yo?” nakangiting tanong ko nang maupo na ako sa harap ng mga nakahaing pagkain. “Um
“Ha? Bakit? May nangyari ba sa kanila?” nahihintakutang tanong ko. Bigla kasi akong kinabahan sa ibinalita niya sa akin. “Nagsiguro lang ako dahil alam ko kung gaano na kadesperado si Darwin na mahanap ka. At alam kong ikaw ang gagamitin niya para mapasunod ako sa anumang iba pang binabalak niya. Kaya inunahan ko na siya bago pa niya maidamay ang pamilya mo. Kahit ang mga kaibigan mo ay pinababantayan ko na rin. Konting-konti na lang ay mahuhuli na rin namin ang hayop na iyon!” asar na tukoy ni Lance kay Darwin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. “Salamat, Lance. Salamat at hindi mo sila pinabayaan.” “Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako pa nga ang dapat humingi ng dispensa dahil nadadamay kayo sa gulo ng pamilya ko,” may lungkot niyang sabi. “Hindi ka nag-iisa, Lance. Nandito lang ako. Magkasama nating harapin ang lahat ng problema,” sinserong sambit ko sa kaniya. “Hirap ka ba sa paglilihi? O kaya ay may mga gusto ka
“Lance, ano ba kasing klaseng buhay ito? Mabuti nga at ‘yang braso lang ang tinamaan sa iyo. Paano kung sa susunod ang ulo mo na o iyong parte ng katawan mo na pwede mong ikamatay?!” may pag-aalalang panunumbat ko. Nasubukan ko nang maranasan ang mapaulanan ng bala at pasabugan pa ang sinasakyan. Doon ko rin nakita kung gaano kagaling makipagbarilan ni Lance. Maliksi siya at sigurado ang bawat kilos nito. Pero kasabay din noon ang katotohanang napakadelikado ng mga ganoong sitwasiyon. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap nang mahigpit. Noong una ay nalito ako kung ano ang gagawin pero parang kusa namang umangat ang mga kamay ko para tugunin ang yakap niya. “I’m very sorry for putting you in danger, Farah. Akala ko, matatapos ko ang lahat ng ito bago ko maipagtapat sa iyo na hindi totoong nakalimutan kita. Pero sakim si Darwin. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napapatay. At natatakot ako dahil pati ikaw ay gusto niyang idamay,” madamdaming saa
“Hindi mo naman kasalanan iyon dahil may sakit ka. Kaya naiintindihan ko kung hindi ka naniniwala sa ak–” “I never lost my memory, or any memory at all!” naagaw ang atensiyon ko at napatunganga ako sa pagputol niya sa pagsasalita ko. “What?” naguguluhang tanong ko. “I was just pretending that time,” mababa ang boses na pag-amin niya. Doon na tuluyang umawang ang bibig ko. Para bang sa isang segundo lang pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminto sa pagtibok ang puso ko. Ang kalituhan ko ay biglang napalitan ng galit at paghihinakit. Matalim ko siyang tiningnan at doon ko napansin ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng kaniyang Adam’s apple. “Why?” may diin at nagtatagis ang mga ngiping tanong ko. Kagyat na nanubig ang mga mata ko dahil isa-isang nagbalik sa isip ko ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin. Ang mga pang-iinsultong halos pumatay na sa akin at dumurog sa lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa pag-ibig at mga p
Dahil sa nangyari sa nagdaang gabi ay halos hindi ako nakatulog. Bigla-bigla na lang akong nagugulat at kinakabahan. Kahit konting ingay lang ay madali akong naaalimpungatan mula sa pagkakaidlip ko. Kaya hanggang ngayon, kahit mag-aalas- nuwebe na ay naririto pa rin ako sa kuwarto at tulala. Naagaw lang ang atensiyon ko nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. “Ate, gising ka na daw ba? Tinatawag ka na nina Mommy at Daddy. Kumain ka na raw po!” narinig kong tawag sa akin ng kapatid ko. Huminga ako ng malalim at napilitang bumangon na rin. “Oo, sige. Pakisabi susunod na ako,” sagot ko. Pilit kong pinasisigla ang boses ko para hindi siya makahalata. Naligo ako at nagbihis bago lumabas ng silid ko. Naabutan ko sa sala sina Mommy at Daddy. Seryoso ang pag-uusap ng dalawa kaya hindi nila napansin ang paglapit ko. “Mom, Dad, good morning po!” bati ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sa akin at ngumiti. “Anak, tinanghali ka, ah? Hindi ka rin kumain kagabi. Akala ko nga ay may s
Tumikhim si Darwin na umagaw sa atensiyon ng dalawa. Si Lance lang ang lumingon habang si Hailey ay patuloy lang sa paghalik sa kaniya. Pinigil niya ito at kunot’noong tumingin sa akin.“Ano na namang ginagawa ng babaeng iyan dito?” mataray na tanong ni Hailey. Pero hindi ko siya tiningnan dahil nanatiling nakapako ang paningin ko kay Lance.Inilabas ko ang kaheta mula sa bag ko at walang imik na lumapit sa kinanaroroonan niya.“Huwag kayong mag-aalala, hindi ko kayo guguluhin. Pasensya na sa abala,” buong katatagan kong saad kahit parang sinusuntok ang puso ko sa sakit.“Kung gano’n, bakit ka nandito?” malamig na tanong ni Lance.Iniabot ko sa kaniya ang kaheta at may pagtataka niya iyong tiningnan.“Ibabalik ko lang ito, sa iyo. Nakalimutan kong ibigay noong huling palayasin mo ako rito,” walang-buhay na sabi ko. Inabot naman niya iyon kaya agad na akong tumalikod upang lumabas.“Sana nga hindi na kita makitang muli,” nanunuyang saad ni Lance. Napapikit ako at marahang pinagdikit an
“Lance… hindi mo ba talaga ako naaalala?” halos pumiyok nang tanong ko. Muli akong napalunok upang pigilan ang sariling maiyak dahil bahagya na ring nanginig ang mga labi ko. Gusto kong maging matapang sa kabila nang paghilab ng dibdib ko dahil sa malamig na trato niya sa akin.“Makulit ka rin talaga, eh, ano? Ilang beses ko nang sinagot iyang tanong mo! Ikaw lang itong hindi makaintindi dahil ipinipilit mo ang sarili mo sa akin! Bakit? Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo na ako?” nang-iinsultong tanong niya. Napanganga ako sa sinabi niya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pa ang maiyak.“Lance, buntis ako…” umiiyak kong sambit. “Miss na miss na kita…” pagpapatuloy ko pa. Pero hindi nagbago ang malamig na tingin nito sa akin. Dahil doon ay lalo akong napahikbi sa sobrang sakit na dinaranas ng puso ko. Para itong patuloy na dinudurog at tinatapakan pa nang paulit-ulit.“Ah… iyon naman pala! Buntis ka rin at gusto mong ipaako sa akin?” nagulat ako nang pagak siyang