Farah’s POV
“You want to negotiate with me?” tanong ni Lance habang nakangisi. Hindi ko na tinapos na basahin ang nilalaman ng kontrata dahil kinikilabutan ako sa mga nilalaman niyon. Halos magkabuhol-buhol ang paghinga ko sa kaba habang binabasa iyon. Ngayon ay naiiyak na naman ako dahil hindi ako makapaniwalang mapapasok ako sa ganitong sitwasyon. Pero hindi ako puwedeng tumanggi dahil ayokong mangyari sa akin ang sinapit noong sa babaeng pinatay ni Lance kanina. Pero paano kung magsawa na siya sa akin at wala na akong pakinabang sa kaniya? Paano kung…? Napapikit ako sa tinutungo ng isipan ko dahil siguradong malagim ang kasasapitan ko kung sakali.
“Y-yes. I want to negotiate,” lakas-loob kong sambit. Kailangan kong maging matatag dahil hindi madali ang papasukin kong sitwasyon. Nanayo ang lahat ng mga balahibo sa katawan ko sa uri ng tinging ipinupukol niya sa akin.
“What is it, baby?”
Titig na titig ito sa akin kaya lalo akong naasiwa. Napalunok ako bago muling nagsalita.
“Puwede mo bang idagdag diyan na kapag nagsawa ka na sa akin ay pakakawalan mo na ako at hindi na guguluhin kahit kailan?” garalgal ang boses na pakiusap ko. Hindi ako sigurado kung papayag siya sa hiling ko pero kailangan ko pa ring subukan. Marahan itong tumawa kaya natakot na naman ako.
“Fine! Any more you want to add?” he stated and asked. Hindi ko maiwasang makahinga ng maluwag sa pagpayag niya. At least, my safety pin pa rin ako kung sakali.
“No more. I just want to ensure my safety and my family’s,” mabilis na sagot ko.
“Just remember that there will be punishment for every rule you break,” saad nito. Napakagat ako sa pang-ibabang labi bago tumango. Iisipin ko na lang na ito lang ang tanging paraan at pasalamat na lang akong hindi niya ako pinatay.
Pagkatapos niyang iayos ang kontrata ay iprinenta na niya ito sa tatlong kopya at saka kami nagpirmahan. Naginginig ang kamay ko habang pumipirma dahil hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng pinasok kong ito. Bahala na. Ang mahalaga ay ligtas ako at walang masamang mangyayari sa kahit na sinong miyembro ng pamilya ko.
“P-puwede na ba akong umuwi? Saka anong oras na ba?” tanong ko sa kaniya.
“You’re going to sleep here, and you should call your mom now to inform her that,” dominanteng utos nito.
“D-dito ako matutulog? P-pero–”
“Do as I say because I don’t want any more arguments. I am tired and hungry already,” he demanded authoritatively. Wala akong nagawa kung hindi tawagan ang mommy ko at sabihing bukas na ako uuwi. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa ng kung ano-ano. Maganda rin na lumaki kang mabuting anak dahil malaki ang tiwala sa iyo ng mga magulang mo na hindi ka gagawa ng kalokohan. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang kalagayan ko ngayon? Napabuntong hininga na lang ako at biglang napahawak sa tiyan ko nang tumunog ito. Hindi pa nga pala ako kumakain.
Bahagya pa akong nagulat nang bumukas ang pinto at iluwa niyon ang isang may edad na babae. Naka-uniform ito ng pangkatulong at tumingin sa akin.
“Ipinatatawag po kayo ni sir. Kakain na raw po,” magalang na sabi nito.
“Ho? Ay, sige po!” medyo nauutal na sagot ko. Tumango lang ito at saka tumalikod upang umalis. Nasa taas pala kami. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki ng bahay na ito. Isa itong literal na mansyon! Napakalawak at napakalaki rin ng hagdanan na ang dulo ay natatapatan ng higanteng chandelier. Carpeted ang hagdan na kulay Maroon habang ang kabuuan ng marangyang sala ay puti at beige ang kulay. Lumingon pa sa akin ang katulong dahil siguro napahinto ako sa gitna ng hagdan. Kinabahan tuloy ako kaya binilisan ko ang pagbaba. Mula sa hagdan ay lumiko kami pakanan hanggang marating namin ang glass na pintuan. At pagbukas niyon ay bumungad sa akin ang maluwang na dining area. Ang haba ng lamesa! Parang bente o higit pang tao yata ang kaya nitong makarga. Nasa dulo noon si Lance na nakatingin sa akin na seryoso ang mukha. Sinenyasan niya akong maupo sa kanang bahagi niya. Tahimik lang akong sumunod.
“Y-your house is nice,” hindi ko napigilang papuri. Tipid siyang ngumiti sa akin.
“This is the biggest among my ten mansions. I’m glad you like it,” he said. Grabe mayroon siyang sampung mansyon? Gano’n siya kayaman? Kaya siguro puwede niyang gawin ang lahat ng gusto niya dahil marami siyang pera. At kasama na nga roon ay ang pumatay ng tao. Nanghilakbot na naman ako sa isiping iyon kaya bahagyang nanginig ang mga labi ko.
“Kumain na tayo. Then, I will take you to your room. You can redecorate it soon if you want,” kasuwal na sabi nito. Tumango lang ako at nagsimula nang sumandok ng pagkain. Dahan-dahan lang ang bawat kilos ko dahil natatakot akong magkamali. Baka kasi magalit siya at kung ano pang gawin niya sa akin kapag. Kaya nga naiyang pumatay, manakit pa kaya.
“Tell me more about yourself,” sabi nito. Napapitlag pa ako dahil nakasentro lang ang isip ko sa pagkain.
“Ahm… pangalawa ako sa aming tatlong magkakapatid at kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo,” kiming sagot ko. nahihirapan akong huminga dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko sa kaniya.
“And then?” he asked, while chewing his food.
“A-ano pang gusto ninyong malaman, sir?” alanganing tanong ko.
“Call me Lance. Do you have a boyfriend?” diretsahang tanong niya. Kinabahan na naman ako dahil ang seryoso ng mukha niya sa tanong na iyon. Umiling ako.
“Wala na ngayon. Naghiwalay na kami two months ago,” tugon ko. tumango-tango lang ito.
“Based on my research, you have two parttime jobs right now. Is that correct?” patuloy niyang tanong. Dumagundong ang dibdib ko. Pinaimbestigahan na pala niya ako. Mabuti na lang hindi ako marunong magsinungaling, kung hindi baka nalintikan na ako.
“Yup! Kailangan ko kasing tulungan ang mommy ko sa mga gastusin sa bahay at sa pag-aaral ko,” sabi ko. Patagilid ko siyang tiningnan para makita ang reaksyon niya. Maliban sa naka-kunot ang noo niya ay blangko ng kahit anong emosyon ang mga mata niya.
“Beginning tomorrow, quit your jobs and let me handle all the finances that you need,” he declared. Nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw? Siya na ang bahala sa lahat ng gastos ko? Ano ako sa tingin niya p****k?
“What? But–”
“No buts! You will only be serving me and nothing else,” he said with finality. Sa tono ng boses niya ay wala ng makapagpapago ng desisyon niya.
Bigla akong nanliit dahil doon. Mula ngayon ay isa na akong babaeng bayaran. Gagamitin niya ang katawan ko at pagkatapos ay bibigyan niya ako ng pera. Gusto ko na namang maiyak dahil bigla akong naawa sa sarili ko. Bakit parang biglang ang lupit ng kapalaran sa akin? May nagawa ba akong masama dati? May naagrabyado ba akong tao noon?
Kahit nagbabadya na ang pagpatak ng mga luha ko ay pinigilan ko ang sariling umiyak. Ayokong magmukhang mahina sa harapan niya dahil lalo lang niyang mamaliitin ang pagkatao ko. Ang kailangan ko ngayon ay lalong magpakatatag at huwag ang umiyak at maging mahina.
Alas onse na pala ng gabi nang matapos kaming mag-dinner. Sa totoo lang halos hindi ko rin naman malunok iyong kinakain ko kanina dahil kinakabahan ako sa presensiya ni Lance. Panaka-naka ay may mga tinatanong siya sa akin at sa awa ng Diyos ay nasagot ko naman ng maayos. Ngayon ay papunta kami sa sinasabi niyang kuwartong tutulugan ko ngayong gabi. So, ibig kayang sabihin nito ay hindi pa niya ako gagalawin? Mabuti naman kung ganon dahil talagang hindi pa ako handa. Isa pa lang ang naging boyfriend ko at maliban sa halikan ay wala pa kaming ginawang lumampas doon. Kaya nga kami naghiwalay dahil habang tumatagal noon ay halos iyon na lang ang pinag-aawayan namin. “So, this will be your room,” narinig kong sabi niya kaya naputol ang pag-iisip ko. Pumasok kami at agad kong iginala ang mata sa loob nito. Maganda at maluwang ang kuwarto. May maliit na lamesang may dalawang upuan na malapit sa glass wall at ang malaking kama ay may puti at beige na kobre at mga unan. Simple lan
Napahinto ako sa may hagdan dahil hindi ako sigurado kung saan ako pupunta. Mabuti na lang at may paakyat na isang kasambahay at sinabihan akong pumunta na ngayon sa dining room dahil naghihintay na raw doon si Lance. Hindi kagaya noong may edad na maid kagabi, parang medyo masungit ang isang ito. Ni hindi man lang ako binati tapos nakasimangot pa na tila naiimbyernang makita ako. Pero masiyado na akong maraming iniisip para dumagdag pa siya kaya binalewala ko na lang. Siguro ay may pinagdadaanan ito o kaya baka may period. Pagkatapos namin mag-almusal ay nagtungo na kami sa mall. Isang store for branded and high-end apparels ang pinuntahan namin. Halatang kilala ng mga staff si Lance base sa klase ng ngiti at pagbati ng mga ito sa kaniya. Siguro ay dito niya ipinamimili ang lahat ng mga babae niya kaya sanay na sanay na sila sa kaniya. Pagkatapos ay may lumabas na isang babae sa may pinto sa tabi ng counter. Sa itsura nito ay mukhang siya ang may-ari ng store.
Pumunta kami sa isang Japanese restaurant dahil gusto raw niyang kumain ng mga pagkaing hapon ngayon. Nagpatianod na lang ako dahil sa nararamdaman kong gutom na rin ako at ayoko nang pumili pa ng kakainin. Basta kung ano’ng mayroon na malinis at maayos kainin, iyon na. “I saw the apparels you bought, and I’m impressed. I think I like your choice of clothing,” komento nito matapos makuha noong crew ang orders namin. Medyo naiilang lang ako dahil titig na titig siya sa akin habang nakangiti. Sa totoo lang ang guwapo-guwapo ni Lance. Napakaamo ng mukha niya at kahit sinong babae ay talagang maaakit sa kaniya. Hindi mo talaga iisiping kayang-kaya niyang pumatay ng tao, lalo na ng isang babaeng walang kalaban-laban. Hindi mawala-wala sa puso ko ang matinding takot sa kaniya. Natatakot ako na kapag magalit siya sa akin ay baka patayin niya rin ako. “Thanks!” tipid na sagot ko. “Actually, mahilig din ako sa mga magagandang gamit lalo na noong malakas pang kumita si
“Sino iyong ka-text mo at para kang biglang nawala sa sarili mo?” usisa ni Lea. Nakalimutan ko na rin na katabi ko lang pala siya. Mabuti na lang at hindi niya nabasa ang laman ng convo namin ni Lance. “Iyong bagong boss ko. Pinaalalahanan lang ako na mag-resign na sa mga dati kong trabaho para makapagsimula na raw ako sa kanila,” pagsisinungaling ko. Tumango-tango ito at bahagyang nalungkot ang mukha. Ako man ay nalulungkot na hindi ko na siya makakasama sa trabaho araw-araw. “Sayang naman. Kasi hindi na tayo madalas magkikita niyan,” malungkot na sambit nito. Ngumiti lang din ako nang malungkot sa kaniya. “Kailangan e. Saka puwede naman tayo mag-chat anytime ‘di ba? Basta kapag may problema ka at makatutulong naman ako, huwag kang mag-atubiling magsabi, okay?” paalala ko sa kaniya. Huminga ito nana malalim at hindi inalis ang tingin sa mga mata ko. “Sabagay. Pero kapag may opening diyan sa bago mong work irekomenda mo ako ha?” nakan
Ngayong araw ang uwi ni Lance at hindi ko malaman kung bakit excited ako. Dapat ay galit ako sa kaniya dahil sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon ngunit hindi ko maunawaan ang sarili ko. Inulit namin kagabi ang ginawa namin noong isang araw at pakiramdam ko ay inihahanda na niya ako sa maaari pa naming gawin nang totohanan. Ngunit sinikap kong alisin muna iyon sa isip ko dahil may exam kami ngayong araw. Hanggang bandang hapon ay isa ako sa mga pinakahuling lumabas ng classroom dahil sadyang naglaan ako ng sapat na oras para magkaroon ng mataas na iskor sa lahat ng mga test ko ngayon araw. Kinahapunan ay tumatawag na sa akin si Lance. Mabuti na lang at nakapagpaalam na ako sa mommy ko na hindi ako makakauwi ngayon dahil sa trabaho. Huminto ako sa paglalakad upang sagutin ang tawag. “Hi, where are you?” bungad niya nang sagutin ko na ang tawag. Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ang malalim niyang boses. Tumikhim ako bago sumagot.
“Kanina ka pa ba?” mahinang tanong ko. Tinanggal niya ang suot na salamin at isinuksok sa harapan ng t-shirt niya.“Maybe ten or fifteen minutes,” aniya at tinungo ang kabilang bahagi ng sasakyan upang buksan ang pintuan nito. Sinenyasan na niya akong sumakay kaya mabilis akong sumunod.“Thanks,” nasabi ko pa bago niya isinara ang pinto saka patakbong tinungo ang driver’s seat. Tinulungan pa niya akong ayusin ang seatbelt ko kahit kaya ko naman. Bakit ang gentleman niya? Balak niya yata talagang baliwin ako.Tahimik lang kami habang nagbibiyahe. Gustong-gusto kong itanong kung saan kami pupunta pero naunahan naman ako ng hiya. Hahayaan ko na lang kung saan man kami pupunta.Pumasok kami sa isang underground parking lot ng isang sikat na residential area. Nang maayos na mai-park ang sasakyan niya ay mabilis siyang bumaba. Nabuksan ko na rin ang pintuan sa tabi ko kaya wala na siyang nagawa nang makababa na ako. Ipagbubukas ba sana niya ako ng pinto? Hindi siguro. Assuming lang ako.Ngun
Kinabukasan ay hindi ako makagalaw sa bigat ng katawan ko. Nananakit ang bawat bahagi nito, lalo na ang ibabang bahagi. Isang beses lang namin ginawa iyon pero para akong binugbog sa pananakit ng buong katawan ko. Nilingon ko ang kama at napagtantong nag-iisa na lang pala ako rito. Hindi ko na naalala ang sumunod na nangyari dahil pagkatapos niyang makapagpalabas kagabi ay hinila na agad ako ng matinding antok at nakatulog. Bakit doon sa mga kuwentong nabasa ko, ilang beses pa nilang ginagawa ang sex kahit first time noong babae. Pero ako, kulang na lang maiyak ako sa sobrang hapdi ng pagitan ng mga hita ako. Pakiramdam ko nga ay may sugat iyon at namamaga. Ang laki ba naman ng ipinasok ni Lance doon at halos isang oras na binayo, sino’ng hindi susuko? Ganito kaya palagi pagkatapos o ngayon lang dahil first time? Mukhang hindi ko kakayanin kung palaging ganito kahirap ang dadanasin ko sa tuwing matatapos. Ang sakit at ang hirap. Masarap lang habang ginagawa, pero kapag tapos na pala a
“Hoy, girl, may good news ako sa iyo!” patiling salubong sa akin ni Leah pagkatapos ng huling klase namin ng hapon. May isa pa sana kaming subject kaya lang may faculty meeting daw ang lahat ng mga instructors namin. Nangniningning ang mga mata ng kaibigan ko at halatang excited siya. Kulang na nga lang ay mamilipit na siya sa tindi ng kilig niya kaya hindi ko maiwasang matawa sa hitsura niya. “Ano namang good news iyan at kulang na lang mangisay ka na sa tuwa riyan?” natatawang tanong ko. Naupo kami sa isang bench na nalililiman ng malaking puno. Hindi ko alam kung anong puno ito pero natutuwa ako dahil mayabong at makapal ang mga dahon. “Naaalala mo pa ba si Terrence La Cuesta? Iyong ultimate crush mo noong high school na biglang nag-transfer sa ibang bansa dahil doon na tumira iyong buong pamilya niya? Natatandaan mo?” kinikilig na tanong niya. Saglit akong natigilan at nag-isip. Oo, naalala ko si Terrence. Paano ko ba naman makakalimutan iyon, eh, sa kaniya lang talaga ako totoon
Farah’s POVHindi ako nakatulog buong magdamag dahil sa matinding pag-aalala kay Lance. Mula noong umalis ito kahapon ay hindi pa ito bumabalik at hindi ko rin naman siya makontak. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero hindi ko naman ito mapigilan dahil hindi mawala-wala ang matinding kaba sa dibdib ko.Lumipas pa ang buong maghapon ay wala pa rin akong anumang balita mula kay Lance. Kahit ano pang pangungulit ko sa mga naiwan niyang tauhan dito ay ayaw naman nilang magsalita. Ni hindi nga rin ako makakain ng maayos dahil sa matinding pag-aalala.“Ma’am, magandang gabi po, gusto daw po kayong makausap ng tauhan ni Sir,” tawag-pansin sa akin ni Butler Jimmy. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement.“Nasaan po siya?” may pagmamadaling tanong ko. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil baka may balita na ito tungkol kay Lance.“Naroroon po sa sala, Ma’am,” magalang na tugon ni Jimmy. Mabilis akong tumango at nagpaalam na sa kaniya para puntahan ang sinasabi niyang naghihintay sa akin.
“Bakit? Bakit mo iyon nagawa kay Papa? Alam mo bang nag-aagaw buhay si Mama Angela sa ospital ngayon? Dahil hindi siya makapaniwalang ang batang minahal at inalagaan niya ay hindi pala tao kun‘di isang demonyo!” malakas kong sigaw sa kaniya. Pero ipinagpatuloy lang niya ang pagtungga ng alak mula sa boteng hawak niya. “Bakit? Dahil epal ka! Lahat na lang, gusto mo sa iyo! Lahat na lang, dapat ikaw ang bida! Pero okay na sana, eh. Okay na sana kung kahit konti may inilaan si Papa para sa akin. Ako ang nasa tabi niya sa lahat ng oras, habang ikaw, nagpapakakasarap sa buhay mo. Maging ang pagpasok niya sa illegal na negosyo at sindikato, sinuportahan ko. Pero ano ang ending? Lahat ng kayamanan, pera at posisyon niya, sa iyo lang pala niya iiwan! Ulol ba siya? Ako ang pinahirapan niya tapos lahat ng pakinabang sa iyo mapupunta? Hell, no!” parang nahihibang na sabi niya. Para siyang wala sa sariling katinuan habang nagsasalita. “Papatay ka dahil lang sa pera? Napaka
The next day, I spent almost the whole day sleeping and whining about my whole body being sore. Kinailangan ko pang uminom ng gamot para lang kahit papaano ay maibsan ang pananakit ng buong katawan ko. Bigla tuloy akong nakonsensya sa baby ko. “Sorry, baby, na-diet kasi nang husto si Daddy, kaya iyon ayaw paawat!” hinging paumanhin ko sa anak ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Madilim na sa labas at katatapos ko pa lamang maligo. Ilang beses akong napapangiwi habang nagsasabon at nagbabanlaw kanina dahil sa hapdi ng pagkababae ko. Parang namamaga na nga yata iyon at maging ang pag-ihi ay isang malaking pagsubok! Napaangat ako ng paningin nang biglang bumukas nag pintuan ng kuwarto. Inaasahan kong si Lance ang papasok pero bumagsak ang balikat ko nang dalawang katulong na parehong may dalang tray ng pagkain at mga prutas ang pumasok. “Nasaan ang Sir ni’yo?” nakangiting tanong ko nang maupo na ako sa harap ng mga nakahaing pagkain. “Um
“Ha? Bakit? May nangyari ba sa kanila?” nahihintakutang tanong ko. Bigla kasi akong kinabahan sa ibinalita niya sa akin. “Nagsiguro lang ako dahil alam ko kung gaano na kadesperado si Darwin na mahanap ka. At alam kong ikaw ang gagamitin niya para mapasunod ako sa anumang iba pang binabalak niya. Kaya inunahan ko na siya bago pa niya maidamay ang pamilya mo. Kahit ang mga kaibigan mo ay pinababantayan ko na rin. Konting-konti na lang ay mahuhuli na rin namin ang hayop na iyon!” asar na tukoy ni Lance kay Darwin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. “Salamat, Lance. Salamat at hindi mo sila pinabayaan.” “Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako pa nga ang dapat humingi ng dispensa dahil nadadamay kayo sa gulo ng pamilya ko,” may lungkot niyang sabi. “Hindi ka nag-iisa, Lance. Nandito lang ako. Magkasama nating harapin ang lahat ng problema,” sinserong sambit ko sa kaniya. “Hirap ka ba sa paglilihi? O kaya ay may mga gusto ka
“Lance, ano ba kasing klaseng buhay ito? Mabuti nga at ‘yang braso lang ang tinamaan sa iyo. Paano kung sa susunod ang ulo mo na o iyong parte ng katawan mo na pwede mong ikamatay?!” may pag-aalalang panunumbat ko. Nasubukan ko nang maranasan ang mapaulanan ng bala at pasabugan pa ang sinasakyan. Doon ko rin nakita kung gaano kagaling makipagbarilan ni Lance. Maliksi siya at sigurado ang bawat kilos nito. Pero kasabay din noon ang katotohanang napakadelikado ng mga ganoong sitwasiyon. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap nang mahigpit. Noong una ay nalito ako kung ano ang gagawin pero parang kusa namang umangat ang mga kamay ko para tugunin ang yakap niya. “I’m very sorry for putting you in danger, Farah. Akala ko, matatapos ko ang lahat ng ito bago ko maipagtapat sa iyo na hindi totoong nakalimutan kita. Pero sakim si Darwin. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napapatay. At natatakot ako dahil pati ikaw ay gusto niyang idamay,” madamdaming saa
“Hindi mo naman kasalanan iyon dahil may sakit ka. Kaya naiintindihan ko kung hindi ka naniniwala sa ak–” “I never lost my memory, or any memory at all!” naagaw ang atensiyon ko at napatunganga ako sa pagputol niya sa pagsasalita ko. “What?” naguguluhang tanong ko. “I was just pretending that time,” mababa ang boses na pag-amin niya. Doon na tuluyang umawang ang bibig ko. Para bang sa isang segundo lang pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminto sa pagtibok ang puso ko. Ang kalituhan ko ay biglang napalitan ng galit at paghihinakit. Matalim ko siyang tiningnan at doon ko napansin ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng kaniyang Adam’s apple. “Why?” may diin at nagtatagis ang mga ngiping tanong ko. Kagyat na nanubig ang mga mata ko dahil isa-isang nagbalik sa isip ko ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin. Ang mga pang-iinsultong halos pumatay na sa akin at dumurog sa lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa pag-ibig at mga p
Dahil sa nangyari sa nagdaang gabi ay halos hindi ako nakatulog. Bigla-bigla na lang akong nagugulat at kinakabahan. Kahit konting ingay lang ay madali akong naaalimpungatan mula sa pagkakaidlip ko. Kaya hanggang ngayon, kahit mag-aalas- nuwebe na ay naririto pa rin ako sa kuwarto at tulala. Naagaw lang ang atensiyon ko nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. “Ate, gising ka na daw ba? Tinatawag ka na nina Mommy at Daddy. Kumain ka na raw po!” narinig kong tawag sa akin ng kapatid ko. Huminga ako ng malalim at napilitang bumangon na rin. “Oo, sige. Pakisabi susunod na ako,” sagot ko. Pilit kong pinasisigla ang boses ko para hindi siya makahalata. Naligo ako at nagbihis bago lumabas ng silid ko. Naabutan ko sa sala sina Mommy at Daddy. Seryoso ang pag-uusap ng dalawa kaya hindi nila napansin ang paglapit ko. “Mom, Dad, good morning po!” bati ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sa akin at ngumiti. “Anak, tinanghali ka, ah? Hindi ka rin kumain kagabi. Akala ko nga ay may s
Tumikhim si Darwin na umagaw sa atensiyon ng dalawa. Si Lance lang ang lumingon habang si Hailey ay patuloy lang sa paghalik sa kaniya. Pinigil niya ito at kunot’noong tumingin sa akin.“Ano na namang ginagawa ng babaeng iyan dito?” mataray na tanong ni Hailey. Pero hindi ko siya tiningnan dahil nanatiling nakapako ang paningin ko kay Lance.Inilabas ko ang kaheta mula sa bag ko at walang imik na lumapit sa kinanaroroonan niya.“Huwag kayong mag-aalala, hindi ko kayo guguluhin. Pasensya na sa abala,” buong katatagan kong saad kahit parang sinusuntok ang puso ko sa sakit.“Kung gano’n, bakit ka nandito?” malamig na tanong ni Lance.Iniabot ko sa kaniya ang kaheta at may pagtataka niya iyong tiningnan.“Ibabalik ko lang ito, sa iyo. Nakalimutan kong ibigay noong huling palayasin mo ako rito,” walang-buhay na sabi ko. Inabot naman niya iyon kaya agad na akong tumalikod upang lumabas.“Sana nga hindi na kita makitang muli,” nanunuyang saad ni Lance. Napapikit ako at marahang pinagdikit an
“Lance… hindi mo ba talaga ako naaalala?” halos pumiyok nang tanong ko. Muli akong napalunok upang pigilan ang sariling maiyak dahil bahagya na ring nanginig ang mga labi ko. Gusto kong maging matapang sa kabila nang paghilab ng dibdib ko dahil sa malamig na trato niya sa akin.“Makulit ka rin talaga, eh, ano? Ilang beses ko nang sinagot iyang tanong mo! Ikaw lang itong hindi makaintindi dahil ipinipilit mo ang sarili mo sa akin! Bakit? Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo na ako?” nang-iinsultong tanong niya. Napanganga ako sa sinabi niya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pa ang maiyak.“Lance, buntis ako…” umiiyak kong sambit. “Miss na miss na kita…” pagpapatuloy ko pa. Pero hindi nagbago ang malamig na tingin nito sa akin. Dahil doon ay lalo akong napahikbi sa sobrang sakit na dinaranas ng puso ko. Para itong patuloy na dinudurog at tinatapakan pa nang paulit-ulit.“Ah… iyon naman pala! Buntis ka rin at gusto mong ipaako sa akin?” nagulat ako nang pagak siyang