The Sugar Baby

The Sugar Baby

last updateLast Updated : 2023-07-26
By:   Covey Pens  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
64Chapters
1.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Afam hunter kung tawagin, sugar baby para sa iilan. Nilulon niya ang pride at kumapit sa patalim para sa pera, para mabuhay sila. All for her dreams and her family. Pakiramdam ni Xylca Romero ay siya na ang pinakamalas na nilalang sa buong mundo. Ang ama niya ay lasenggero at ang ina ay dakilang sugarol sa kanilang lugar. Nakapisan naman sa kanila ang dalawang may-asawa ng mga kapatid karay-karay ang mga anak at mga ka-live in nilang palamunin din sa kanilang bahay. Sa murang edad niya ay naatang na sa kaniyang balikat ang responsibilidad sa mga nakababatang kapatid at ang pagbabayad sa mga pinagkakautangan ng kaniyang mga magulang. Gustuhin man niyang makawala sa lahat ng ito pero hindi siya binigyan ng mapagpipilian ng tadhana. And so she entered the world of dating foreigners online for her dreams. Sapat na ang lahat ng pasanin niya sa buhay to last her a lifetime. The burden is too heavy for her alone. Kaya mas nainis siya nang umentra sa buhay niya ang guwapong adik na tricycle driver na may dinosaur na tattoo sa katauhan ni Pierce. He stalked her, swoon over her, and made her fall in love with him. Is love enough for the two hungry souls? Or will reality only slap them hard in the face? In the end, their choices will define if they will choose love or goodbye.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Madilim na nang makalabas ako sa university. Hinintay ko pa kasi ang professor ni Pariah sa minor subject para ipasa ang project nitong ilang araw nang late sa deadline. Buti na lang at binigyan pa siya ng professor ng extended time nang malaman ang nangyari. Humigit ako ng hininga pagkaalala kay Pariah. Nakakaawa ang kaniyang kaibigan. Sunud-sunod ang dagok na dumating sa kaniyang buhay. Sana makayanan niya ang lahat ng ito. Hindi kasi biro ang mga naganap dito. Umihip ang malamig na hangin dala ng parating na bagyo. Niyakap ko ang sarili. Tumingala ako sa maitim na ulap na nasisinagan ng ilaw galing sa mga nakasinding lampposts. Mukhang uulan. Binilisan ko ang paglalakad. Nilampasan ko ang mga driver ng tricycles na nagtatawag ng mga pasahero. Sakto na lang ang barya ko sa bulsa pambayad sa jeep kaya wala akong choice kundi lakarin ang may kalayuan ding distansiya mula sa eskwelahan hanggang sa kanto. Inilabas ko ang ear pods at ikinonekta sa Iphone ko. Isinaksak ko ang mga ito ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
64 Chapters
Prologue
Madilim na nang makalabas ako sa university. Hinintay ko pa kasi ang professor ni Pariah sa minor subject para ipasa ang project nitong ilang araw nang late sa deadline. Buti na lang at binigyan pa siya ng professor ng extended time nang malaman ang nangyari. Humigit ako ng hininga pagkaalala kay Pariah. Nakakaawa ang kaniyang kaibigan. Sunud-sunod ang dagok na dumating sa kaniyang buhay. Sana makayanan niya ang lahat ng ito. Hindi kasi biro ang mga naganap dito. Umihip ang malamig na hangin dala ng parating na bagyo. Niyakap ko ang sarili. Tumingala ako sa maitim na ulap na nasisinagan ng ilaw galing sa mga nakasinding lampposts. Mukhang uulan. Binilisan ko ang paglalakad. Nilampasan ko ang mga driver ng tricycles na nagtatawag ng mga pasahero. Sakto na lang ang barya ko sa bulsa pambayad sa jeep kaya wala akong choice kundi lakarin ang may kalayuan ding distansiya mula sa eskwelahan hanggang sa kanto. Inilabas ko ang ear pods at ikinonekta sa Iphone ko. Isinaksak ko ang mga ito
last updateLast Updated : 2022-11-26
Read more
Chapter 1
Mabilis ang pagtipa ko sa mga teklado ng laptop. Umagos ang mga salita mula sa utak ko papunta sa mga daliring nagmamadaling mapindot na ang sent button. Ilang oras na rin kaming nag-uusap pero hindi ko pa rin nakukuha ang perfect timing para ipasok ang usapang gusto ko. Binasa ko ang reply niya. Nagtatanong kung ano ang gagawin ko ngayong araw.Just doing classes today babe. How bout u? Am driving to work. How are you today, babe? Kinda sad, babe. You know problems in life. Pls u take care while drivin. Problems again? Tell me bout itOh i don't want you feeling bad about it. I'll feel bad if u don't tell me. My mom is in hospital right nowOh.. How is she? She's in bad state right now. I know ur atheist but pls can i ask for prayers from u?Matagal muna bago niya ako sinagot.I have transferred money to your paypal account babe. I hope it'll help u. Babe! U don't have to! I'm not that kind of girl! Nag-notify sa paypal account ko ang pinadala nitong pera. Napahagikhik ako.
last updateLast Updated : 2022-11-26
Read more
Chapter 2
"Magiging kamukha mo na si Sheki sa bigat ng eyebags mo. Natutulog ka pa bang babae ka?" Mahina akong sinuntok ni Barbie sa balikat habang papalabas kami ng university.Kakatapos lang ng last subject namin. Afternoon shift ako kaya ganitong mga oras ang labasan ko. Pinindot ko ang cellphone para tingnan ang oras. Alas-otso na at malapit na rin akong ma-lowbat. "Ang sagwa naman ng reference mo. Mas nagsusuklay naman ako kaysa kay Sheki 'no at natutulog ako ng eight hours a day para healthy. Hindi ako gaya niyang dilat ang mata magdamag kaya ang itim na ng undereyes."Marahan akong naghikab. Inaantok na talaga ako. Kanina pa to mula sa second subject ko. Tinakpan ko ang bibig. Kumapit ako sa braso ni Barbie at naglalambing na inilapit ang sarili rito. "Barbs, antok na ako. Piggy ride mo ako, please." Lumabi ako at nagpapa-cute na ikinurap-kurap ang mga mata.Nanghihilakbot na pilit na inalis ni Barbie ang pagkakahawak ko rito. Animoy diring-diri sa akin. "Umalis ka nga! Nakakadiri
last updateLast Updated : 2022-11-26
Read more
Chapter 3
"Kuya, pakibilisan lang ang pagpapatakbo, ha. May hinahabol kasi akong exam. Hindi pwedeng ma-late ako. Mahal po ang tuition. Nag-promissory na nga lang ako dahil medyo kapos sa budget." Hindi lumilingong sabi ko sa driver habang sumasampa sa front area ng tricycle. Busy kasi ako sa pagte-text sa cellphone. Kausap ko ang kaklase ko. Nandoon na raw ang prof namin at inaaliw na lang nila para makaabot pa ako. Walang kibong umandar na ang tricycle."Kuya, pakibilisan nang kaunti."Naramdaman ko ang pagbilis nang takbo namin pero hindi ako nakontento. "Kuya, sige pa. Nagdi-distribute na ng test papers si sir. Hindi pa naman iyon nagpapapasok ng late students," sigaw ko na. "Miss, madidisgrasya tayo sa gusto mo. Kung balak mong magpakamatay, tumalon ka na. Wag mo na akong idamay. Mahal ang pagtubos ng lisensya sa LTO," sigaw din nito. Nakuha nito ang buong atensiyon ko sa kaniyang mga sinabi. "Attitude si kuya. Kung mamamatay ka, mamamatay ka. Kahit saang lupalop ka man naroroon, ku
last updateLast Updated : 2022-11-26
Read more
Chapter 4
"O Pierce! Sa iyo na to si miss byutipul! Miss, sa kaniya ka na sumakay." Inis na tinaliman ko ng sulyap ang driver ng tricycle na sasakyan ko sana. Hindi na ako lumingon pa para tingnan si Pierce. Masisira lang ang araw ko. Good mood pa naman ako ngayon dahil nakapasa ako sa exam last week. "Seryoso ka mama? Di ba ikaw ang nakatorno dito? Bakit mo ako ipapasa sa iba?" nagtitimpi kong saad. Nagsipulan at nagkantiyawan ang mga driver na nakarinig. "Ang taray.""Palaban.""Bagay sa bata natin.""Kasi miss byutipul, may pupuntahan pa pala ako diyan sa kabila." Ininguso nito ang hardware sa tapat ng paradahan."May bibilhin pa pala akong piyesa nitong motor. Sige na, kay Pierce ka na sumakay." Inihampas-hampas nito sa likod ang t-shirt na nakasampay sa hubad na balikat. Saglit na sinulyapan ko ang lalaking prenteng nakaupo sa motor nito pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa may edad na lalaking wala na sigurong pinagkatandaan sa pang-aalaska."Sino po ba ang sunod na lalarga? Hindi
last updateLast Updated : 2022-11-30
Read more
Chapter 5
"Bruha, tingnan mo ang picture ni sinend sakin ng isang afam ko. Bongga talaga ang katawan, day! Naku! Sarap pisilin! Pariah! Tingnan mo dali."Kinalabit ko si Pariah na nakatunganga lang sa monitor."Pahinga ka muna, gaga. Kalahating araw ka nang nakaharap diyan. Relax din. O, eto. Magmeryenda ka muna ng pan de sal at itlog." Iniumang ko sa kaniya ang hawak na cellphone. "Ano ba kasi iyan."Tumayo ito mula sa silya at tumabi sa akin sa kama. Kinuha nito ang cellphone at tinitigan. Binatukan niya ako. "Walanghiya ka talaga. Ari iyan ng lalaki, eh."Humagalpak ako ng tawa. "Oo fren. It's a long, hard and hairy dick. Grabe no, ang laki pala talaga ng mga penis ng mga Amerikano. Ganito rin ba ang kay Owen?"Inirapan niya ako at tinuktukan sa ulo."Doon ka nga sa labas! Binubwisit mo ako, eh. Nagre-review iyong tao. Doon ka kay Barbie!""Ito naman! Para joke lang. Pikon agad." Humiga ako sa kama at tiningnan uli ang picture. "Di nga, Pariah. Malaki ba?"Iniumang nito ang nadampot na
last updateLast Updated : 2022-11-30
Read more
Chapter 6
"Hay, buhay! Parang life!" Itinaas ko ang mga kamay sa ulo habang naghihikab. Antok na antok ako. Gusto ko nang itapon ang sarili sa kama at matulog. "Bakit ba kasi ako nagyaya na mag-kala kami. Ayan tuloy, hanggang ngayon, may hangover pa ako." Ako kasi ang nag-initiate na mag-inuman kami habang naka-OT pa ang papa ni Pariah. Doon na rin kami natulog ni Sheki at Barbie dahil halos hindi na kami makabangon dahil sa kalasingan. Ikaw ba naman ang tumira ng The Bar at Bacardi, magpa-pass out ka talaga. Iginala ko ang tingin sa labas ng university, naghahanap ng masasakyan. "Tingnan mo 'tong mga 'to. Kapag wala kang pera pamasahe, ang dami nila na nagkalat pero ngayong gusto mo namang sumakay, hindi mo sila mahagilap. Eto namang si Pierce, kung kailan kailangang-kailangan ko ang kaniyang pagka-stalker saka naman nawala nang parang bula. Maglalakad na naman ako." Hinapit ko ang jacket sa katawan at tinawid ang daan. Marahan akong naglakad habang pinipilit na ibuka ang aandap-andap na
last updateLast Updated : 2022-11-30
Read more
Chapter 7
"Pst, Chupapi. Hoy! 'To naman, alam kong naririnig mo ako." Nilakihan ko ang mga hakbang para maabutan si Pierce na parang walang narinig na tuloy-tuloy ang paglalakad sa sidewalk. Inagahan ko talaga kaysa sa usual ang pagpasok ko. Ala-una pa ang klase ko at alas-onse pa lang sa relo."Hoy! 'To naman. Ignore ignore ang drama galore."Naabutan ko siya at pabirong hinampas sa balikat. Kumapit ako sa braso niya at sinilip ang mukha nito. Ang gwapo talaga ni kuya lalo na sa ilalim ng sikat ng araw. Lumalabas ang pagka-tisoy nito. Inalis niya ang kamay ko sa braso nito at bahagya akong tiningnan."Wag mo akong hawakan." Ininguso nito ang mga tricycle na nadaanan namin. "Sakay ka na. Baka ma-late ka pa sa klase mo."Hindi ko pinansin ang sinabi niya at ibinalik ang kapit sa matipunong bisig nito. Ang tigas teh. Pinigilan ko ang tangka nitong pagtanggal sa kamay ko. "One pa ang class ko. Sinadya ko talagang magpunta ng maaga ngayon para sa iyo. May utang akong lunch, remember? Tara. Kai
last updateLast Updated : 2022-11-30
Read more
Chapter 8
"Saan na ba ang babaitang iyon?"Nagpalinga-linga ako sa loob ng cafeteria ng eskwelahan para hanapin ang demonyitang nagkatawang lupa na si Barbie. Dalawang oras na niya akong pinaghintay sa court para sa usapan naming food trip pero hindi sumipot ang gaga kaya wala na akong nagawa kundi hanapin siya sa campus. Nanggaling na ako kanina sa criminology building at sa paboritong tambayan nito sa computer lab dahil nga may aircon pero ni anino ng hitad ay wala akong nakita."Saan ka na Annabelle! Makakalbo na talaga kita! Kanina pa ako nagugutom!" maktol niya nang hindi makita si Barbie sa canteen. Binuksan ko ang messenger para tingnan kung may reply na ba ito pero sineen lang ako ng gaga. Offline na rin ito. "Anak ng sandaang afam, ikaw talaga ang makakakain ko Barbie. Pambihira kang babae ka, saan ka na!" Lumiko ako sa isang building para pumunta sa library. Last place na talaga ito. Magbabakasakali lang akong makita doon ang kaibigan. Inutangan kasi niya ako noong isang buwan at
last updateLast Updated : 2022-11-30
Read more
Chapter 9
Humahangos na tinakbo ko ang entrance sa loob ng regional hospital. Hinahanap ko si Jun na siyang nagdala kay papa dito. Nilibot ko na ang buong tatlong palapag ng building para mahanap ang kapatid pero hindi ko pa rin siya makita. Nagpa-panic na tinawagan ko siya sa cellphone pero hindi na naman nito sinagot. Huli kong pinuntahan ang canteen ng ospital. Doon ko nakita si Jun sa isang tabi na umiinom ng kape. May dugo pa ito sa damit."Jun!"Lumingon siya sa akin. Umupo ako sa kaniyang tabi at agad itong niyakap. Umiiyak na gumanti rin ito ng yakap. Pinigilan ko ang sariling umiyak. Hindi makakatulong sa amin ngayon ang mga luha ko."Ano ang nangyari kay tatay? Sino ang sumaksak sa kaniya?""Si Mang Gado."Suminghot ito. "Nagkainitan kasi sila dahil sa baraha. Ayun, tinaga niya si papa," umiiyak na paliwanag nito. "Tumakas na rin siya noong puntahan ng mga pulis sa kanilang bahay sabi ni nanay.""Saan si nanay? Bakit ikaw lang ang nandito? Si tatay, kamusta?" Pigil ko ang hininga h
last updateLast Updated : 2022-11-30
Read more
DMCA.com Protection Status