Share

Chapter 2

Author: Covey Pens
last update Last Updated: 2022-11-26 16:24:29

"Magiging kamukha mo na si Sheki sa bigat ng eyebags mo. Natutulog ka pa bang babae ka?"

Mahina akong sinuntok ni Barbie sa balikat habang papalabas kami ng university.

Kakatapos lang ng last subject namin. Afternoon shift ako kaya ganitong mga oras ang labasan ko. Pinindot ko ang cellphone para tingnan ang oras. Alas-otso na at malapit na rin akong ma-lowbat.

"Ang sagwa naman ng reference mo. Mas nagsusuklay naman ako kaysa kay Sheki 'no at natutulog ako ng eight hours a day para healthy. Hindi ako gaya niyang dilat ang mata magdamag kaya ang itim na ng undereyes."

Marahan akong naghikab. Inaantok na talaga ako. Kanina pa to mula sa second subject ko. Tinakpan ko ang bibig. Kumapit ako sa braso ni Barbie at naglalambing na inilapit ang sarili rito.

"Barbs, antok na ako. Piggy ride mo ako, please."

Lumabi ako at nagpapa-cute na ikinurap-kurap ang mga mata.

Nanghihilakbot na pilit na inalis ni Barbie ang pagkakahawak ko rito. Animoy diring-diri sa akin.

"Umalis ka nga! Nakakadiri kang babae ka!"

Tuluyan ko nang niyakap si Barbie. Ipinulupot ko ang braso sa bewang niya at tinangkang halikan ito. Ngumuso ako at inilabas ang dila para dilaan ang pisngi nito.

"Hoy, Xylca! Ang manyak mo! Di tayo talo!"

Pilit na iniiwas nito ang mukha para hindi ko maisagawa ang binabalak.

"Sige na. Piggy ride na!"

Binatukan niya ako.

"Magtigil ka nga."

Tumatawang binitiwan ko na siya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Maalinsangan ang gabi. Sa tabi ng kalsada ay nadadaanan namin ang mga stalls ng mga nagtitinda ng street foods.

"Barbs, nakita ko kanina ang kuya ni Kay sa canteen."

"Si Gori?"

"Siya na ngang tunay at wala nang iba pa. Iyong number one enemy mo."

Umingos ito.

"Ano naman ngayon?"

"Poging pala iyon no? Ang tangkad niya. Di ba PMAer iyon? Bakit andito?"

Nagkibit'balikat ito.

"Ewan. Bakit ba kasi?"

"Wala lang. Sinasabi ko lang sa iyo."

Tiningnan niya ako ng masama.

"Sinarili mo na lang sana."

"Curious ako Barbs, ano ba talaga ang nangyari sa sinehan last year? Bakit parang umiiwas kang pag-usapan iyon?"

Namula si Barbie sa tanong ko.

"Anong umiiwas? Ako di ba ang unang nagkuwento sa inyo tungkol doon?"

"Oo nga, ikaw nga pero sa tuwing tinatanong ka namin kung ano ba ang nangyari sa loob ng dalawang oras doon, bigla ka na lang mananahimik at iibahin ang topic. So ano nga?"

"Wala naman kasing nangyari. Tigilan mo na nga ako sa kakatanong mo.

"Kitams? Nagba-blush ka na naman e. Ano ba kasi talagang nangyari?"

"Alam mo, mas gusto kita kapag lumalabas iyang pagkabobita mo. Paki-activate nga ng card. Reverse effect."

"Di ako academic intelligent kasi street smart ako. Sige na nga, pagbibigyan kita. Lusot ka ngayon sa aking matanglawin na mga katanungan."

Nanahimik na kami habang binabaybay ang kalsada patungong kanto.

"Nahihirapan ako sa Finance for I.T. na subject ko ngayon, Barbs. Alam mo namang ayaw ko sa mga numero at logic logic na iyan. Mahina ang ulo ko diyan e."

"Paturo ka kina Dean at Pariah."

"Wag na. Ayaw ko silang istorbohin. Busy ang mga iyon sa review para sa boards."

"May naisip ako, Xylca."

"Ano iyon?"

"Maghanap ka ng afam na magaling sa math at logic tapos pa-tutor ka. O di ba? Ang galing ko! Bright idea! Akin iyan, ha."

"Malabo iyan. Ang gusto nila kausap hindi estudyante."

"Edi mag-roleplay ka. Ikaw ang naughty student tapos siya ang ultimate hottie prof mo. Di ba?"

Tinampal ko sa braso si Barbie.

"Tange! Di ko ginagawa iyan, no! Hanggang chika lang ako. Hindi rin naman ako nanghihingi ng pera. Kung magbibigay, eh di salamat. Kung hindi, eh di bye-bye."

"Suggestion ko lang naman."

Naghiwalay na kami nang marating namin ang kanto. Sa kabilang lane kasi mag-aabang si Barbie ng jeep pauwi. Sumakay naman ako sa nakaantabay na jeep. Isinuot ko ang ear pods at nag-sound trip na lang.

Pagbaba ko ay nilakad ko ang makipot na daanan papunta sa amin. Nadaanan ko pa ang mga nagkukumpulang mga tumatagay na tambay sa gilid.

Hindi pa man ako nakakarating ng bahay ay rinig ko na ang mga boses ng mga magulang. Nagsisigawan na naman sila. Nag-aaway na naman sila dahil sa pera. Ano pa ba ang bago?

Magigising ako sa umaga na wala sila tapos madadatnan ko sila pag-uwi ko na nagbubulyawan. Hay, buhay.

Walang kibong pumasok ako ng bahay at dumiretso sa kwarto. Nagbihis ako at kinuha ang pitaka. Chinarge ko ang cellphone pagkuway lumabas ako para pumuntang kusina. Nadaanan ko si mama na prenteng nakaupo sa kahoy na upuan sa sala. Nakataas pa ang dalawang paa nito sa mesita.

"Hoy Xylca! Nagsumbong sa akin ang ate mo kanina. Hindi niya raw nagustuhan ang mga sinabi mo kanina sa kaniya! Ikaw naman kasi! Ang yabang mo nang magsalita. Respetuhin mo naman ang ate mo! Nagmana ka talaga dito sa magaling mong ama!"

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi  ni mama pero sa loob ay labis-labis na ang paghihimagsik na nararamdaman ko. Tiningnan ko si papa na nakalugmok sa sahig. Lasing na naman siya. Panaka-naka ay sinasagot niya ang mga patutsada ni mama.

"Jun," tawag ko sa kapatid na nakaupo sa upuan sa tabi ng mesa sa kusina.

"Bakit 'te?"

"Saan si Missy?"

"Nasa kwarto ni Ate Marize, te. Pinabantay ni ate kay Kikay."

Tumango ako.

"Kumain na kayo?"

Umiling ito.

"Hindi pa ate."

"Sige magluluto ako. Nagsaing ka na?"

"Opo, ate."

"Hindi man lang nila nagawang magluto ng hapunan. Hinintay pa talaga nila akong dumating."

Binuksan ko ang ref at naglabas ng isang whole chicken. Kumuha rin ako ng bawang, sibuyas, luya,toyo, suka, asin, asukal, paminta at bay leaf. Mag-aadobo ako.

"Jun, pakihiwa nga ng mga rekados."

Tumayo ito at kumuha ng kutsilyo at chopping board at nagsimulang maghiwa.

Ibinabad ko naman sa tubig ang manok.

"Jun, may klase na kayo bukas di ba?"

"Opo te."

"May assignments ka ba? Si Missy?"

"Meron, te. Mamaya gagawin ko."

"Jun! Dalhan mo nga ako ng tubig na malamig dito! Bilisan mo!" sigaw ni mama.

Lumapit ako kay Jun at kinuha ang kutsilyo.

"Sige na. Bigyan mo ng tubig."

"Leche! Dalian mo! Ang malas ko talaga sa pamilyang ito! May asawa na nga akong lasenggero, may mga anak pa akong walang kwenta! Nagkandakuba na nga ako sa pagtatrabaho para makapag-aral kayo tapos magpapabuntis lang! Kaya ikaw Xylca, tumigil ka na rin sa pag-aaral mo! Hindi ka rin naman makakatapos! Mabubuntis ka rin gaya ng mga mahaharot mong kapatid! Kung ako sa iyo, pakasalan mo na iyang mga Amerikano mo at nang makatulong ka naman sa amin! Jun, ang tubig ko! Ang kupad mo!"

Parang walang narinig na ipinagpatuloy ko ang paghihiwa. Wala ng epekto sa akin ang mga sinasabi sa akin ni mama. Araw-araw ba naman niyang linya iyan sa loob ng apat na taon, ewan ko na lang kung masaktan ka pa. Wala na. Pinatigas na ako ng panahon. Mas masahol pa sa mga sinabi niya ang mga natatanggap kong mga salita sa ibang tao.

Mabubuntis rin daw ako ng mga maaga gaya ng mga ate ko. Wala raw akong mararating. Magbenta na lang daw ako ng katawan para mapakinabangan naman daw ako. At nang malaman ng buong barangay na may mga ka-chat akong afam, pinagkalat nilang puta daw ako. Na halos lahat ng mga kalalakihan dito sa lugar namin ay natikman na raw ako.

Sa una, siyempre nakakaramdam ako ng sakit pero kalaunan ay nasanay na ako. Wala namang totoo sa mga sinasabi nila so bakit ako magpapaapekto? Hindi naman sila ang nagpapakain sa akin. At hindi rin naman ako magkakapera kung patuloy kong pakikinggan ang mga sinasabi nila. Labas sa tenga lahat ng mga panghahamak nila.

Kinuha ko ang manok at hiniwa ito. Pagkatapos ay nagsalang ako ng kawali sa stove, inilagay ang manok at mga rekados, nilagyan ng mantika at iba pang pampalasa at tinakpan. Pinihit ko ang burner.

Naupo ako sa plastic na silya at tinitigan ang apoy. Dinig ko ang patuloy na talak ni mama. Ang pagsisisi niya na nagpakasal siya kay papa, na naging anak niya kami at ang pagiging walang kuwenta ko raw. As per usual, ako na naman ang nakita niya.

Naghikab ako. Pagod na pagod na ako. Literal na pagod ang katawan ko pati ang utak at puso. Mabigat din ang pakiramdam ko.

Makalipas ang ilang minuto ay hinango ko na ang kawali. Kumuha ako ng plato at nagsalin ng kanin at ulam.

"Jun, tawagin mo na sila. Kakain na. Si Missy, ha."

"Sige, ate."

Bitbit ang plato ay pumunta akong kwarto. Nilagpasan ko lang si mama na nang makita ang plato ko ay pasigaw na tinawag sina ate na buong araw yatang nagpapakasarap sa kanilang mga kwarto.

"Marize! Elise! Kain na kayo! Nakaluto na!"

Pumasok ako sa kwarto at isinara ito. Nagsimula akong kumain. Hinugot ko ang charger at nag-on ng data. May mga messages na galing kay Charles.

Love, I've been sending you messages but u don't reply.

Nag-type ako ng reply.

I'm sorry, love. Just got home from school and guess what? I passed our test. You are really my lucky charm.

I told u u can do it. You're an intelligent girl. It's one of the reasons why I'm smitten by you.

I know. Lol

What a humble girl.

And a beautiful one, too.

Yes, thank you for adding 🤗. Mind if i call u?

Not now, Charles. My place is noisy right now. Very noisy. Lots of people here. I will not hear you.

That's unfortunate. Love, can u send me your smiling photo?

Send yours first

Sumubo ako habang hinihintay ito.

Charles Brown sent a photo.

Halos lumuwa ang mata ko pagkakita sa picture nito. Napasipol ako. Wow!

Naka-topless ito kaya kita ang napaka-toned na abs ng lalaki. Namumurok din ang mala-batong mga braso nito. Hanggang binti ang kuha ng picture nito habang nakahiga sa kama. Nakahawing pababa ang suot na shorts nito. May mga balahibo sa bandang puson nito na kung susundan mo ng tingin ay patungo sa..

"Shucks! Ang laki ng bulge! Anaconda ba ang nasa loob niyan?"

Zinoom-in ko ang crotch area ng lalaki.

"In fairness, biniyayaan si kuya. Blessed sa baba tas pinagpala rin sa mukha. Ang ganda talaga ng blue eyes mo."

Love, it's your turn. Show me your pretty smile.

Nag-scroll ako sa gallery para pumili ng picture ko. Siyempre alam ko na ang karakas ng mga 'to. Araw-araw talaga silang nanghihingi ng mga larawan mo. Ako naman bilang isang matapat na girl scout, nagpho-photoshoot na ako agad para pili-pili na lang tuwing nanghihingi sila gaya ngayon.

Sinend ko ang napili kong photo sa kaniya.

Beautiful as ever, love. I want to call u. Pls let me call u.

Sorry love. I will call u later. Need to do my assignments.

Okay, love. I understand. Study now. Love you.

Love you too.

Pinatay ko ang cellphone at ibinalik sa pagkaka-charge. Hinarap ko ang pagkain at tinapos na ito. Hindi na rin ako lumabas pa. Nag-aaway pa rin kasi si mama at papa. Hinahalungkat na naman nito ang nakaraan. Sana daw pinili na lang nito ang mayamang manliligaw nito kaysa kay papa. Disin sana ay maginhawa ang buhay nito ngayon.

May kumakatok sa pinto. Tumayo ako at binuksan ito. Si Jun. May bitbit na isang baso ng tubig. Sumilay ang ngiti sa labi ko.

"Te, tubig o."

Nakangiting kinuha ko ang baso at ininom.

"Te, akina ang plato mo."

Kinuha ko ang plato sa kama at inabot dito. Ang sweet talaga ng kapatid kong ito.

"Pagkatapos mong maghugas ng plato, dito na kayo sa kwarto dumiretso. Dalhin mo si Missy. Dito na kayo gumawa ng assignments para wala masyadong istorbo."

"Sige, te."

Tumalikod na ito bitbit ang baso at plato. Sinundan ko ng tingin ang kapatid. Ang aga nitong nag-mature sa buhay. Palibhasa naging saksi sa pang-araw-araw na pangit na mga eksena sa bahay.

Bumalik ako sa kama at nahiga. Pumikit ako at hinayaan ang mga luha na kumawala. Sa labas ay naririnig ko na ang pagkabasag ng mga gamit sa sala kasunod ang impit na pag-iyak ni mama. Nakatikim na naman siguro ng sapak mula kay papa.

Kinuha ko ang ear pods at isinalaksak sa tenga. Nagpatugtog ako. Umaasang malulunod ng malakas na kanta ang ingay na gustung-gusto kong patigilin pero hinahayaan ko lang dulot ng kawalang magawa.

Related chapters

  • The Sugar Baby    Chapter 3

    "Kuya, pakibilisan lang ang pagpapatakbo, ha. May hinahabol kasi akong exam. Hindi pwedeng ma-late ako. Mahal po ang tuition. Nag-promissory na nga lang ako dahil medyo kapos sa budget." Hindi lumilingong sabi ko sa driver habang sumasampa sa front area ng tricycle. Busy kasi ako sa pagte-text sa cellphone. Kausap ko ang kaklase ko. Nandoon na raw ang prof namin at inaaliw na lang nila para makaabot pa ako. Walang kibong umandar na ang tricycle."Kuya, pakibilisan nang kaunti."Naramdaman ko ang pagbilis nang takbo namin pero hindi ako nakontento. "Kuya, sige pa. Nagdi-distribute na ng test papers si sir. Hindi pa naman iyon nagpapapasok ng late students," sigaw ko na. "Miss, madidisgrasya tayo sa gusto mo. Kung balak mong magpakamatay, tumalon ka na. Wag mo na akong idamay. Mahal ang pagtubos ng lisensya sa LTO," sigaw din nito. Nakuha nito ang buong atensiyon ko sa kaniyang mga sinabi. "Attitude si kuya. Kung mamamatay ka, mamamatay ka. Kahit saang lupalop ka man naroroon, ku

    Last Updated : 2022-11-26
  • The Sugar Baby    Chapter 4

    "O Pierce! Sa iyo na to si miss byutipul! Miss, sa kaniya ka na sumakay." Inis na tinaliman ko ng sulyap ang driver ng tricycle na sasakyan ko sana. Hindi na ako lumingon pa para tingnan si Pierce. Masisira lang ang araw ko. Good mood pa naman ako ngayon dahil nakapasa ako sa exam last week. "Seryoso ka mama? Di ba ikaw ang nakatorno dito? Bakit mo ako ipapasa sa iba?" nagtitimpi kong saad. Nagsipulan at nagkantiyawan ang mga driver na nakarinig. "Ang taray.""Palaban.""Bagay sa bata natin.""Kasi miss byutipul, may pupuntahan pa pala ako diyan sa kabila." Ininguso nito ang hardware sa tapat ng paradahan."May bibilhin pa pala akong piyesa nitong motor. Sige na, kay Pierce ka na sumakay." Inihampas-hampas nito sa likod ang t-shirt na nakasampay sa hubad na balikat. Saglit na sinulyapan ko ang lalaking prenteng nakaupo sa motor nito pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa may edad na lalaking wala na sigurong pinagkatandaan sa pang-aalaska."Sino po ba ang sunod na lalarga? Hindi

    Last Updated : 2022-11-30
  • The Sugar Baby    Chapter 5

    "Bruha, tingnan mo ang picture ni sinend sakin ng isang afam ko. Bongga talaga ang katawan, day! Naku! Sarap pisilin! Pariah! Tingnan mo dali."Kinalabit ko si Pariah na nakatunganga lang sa monitor."Pahinga ka muna, gaga. Kalahating araw ka nang nakaharap diyan. Relax din. O, eto. Magmeryenda ka muna ng pan de sal at itlog." Iniumang ko sa kaniya ang hawak na cellphone. "Ano ba kasi iyan."Tumayo ito mula sa silya at tumabi sa akin sa kama. Kinuha nito ang cellphone at tinitigan. Binatukan niya ako. "Walanghiya ka talaga. Ari iyan ng lalaki, eh."Humagalpak ako ng tawa. "Oo fren. It's a long, hard and hairy dick. Grabe no, ang laki pala talaga ng mga penis ng mga Amerikano. Ganito rin ba ang kay Owen?"Inirapan niya ako at tinuktukan sa ulo."Doon ka nga sa labas! Binubwisit mo ako, eh. Nagre-review iyong tao. Doon ka kay Barbie!""Ito naman! Para joke lang. Pikon agad." Humiga ako sa kama at tiningnan uli ang picture. "Di nga, Pariah. Malaki ba?"Iniumang nito ang nadampot na

    Last Updated : 2022-11-30
  • The Sugar Baby    Chapter 6

    "Hay, buhay! Parang life!" Itinaas ko ang mga kamay sa ulo habang naghihikab. Antok na antok ako. Gusto ko nang itapon ang sarili sa kama at matulog. "Bakit ba kasi ako nagyaya na mag-kala kami. Ayan tuloy, hanggang ngayon, may hangover pa ako." Ako kasi ang nag-initiate na mag-inuman kami habang naka-OT pa ang papa ni Pariah. Doon na rin kami natulog ni Sheki at Barbie dahil halos hindi na kami makabangon dahil sa kalasingan. Ikaw ba naman ang tumira ng The Bar at Bacardi, magpa-pass out ka talaga. Iginala ko ang tingin sa labas ng university, naghahanap ng masasakyan. "Tingnan mo 'tong mga 'to. Kapag wala kang pera pamasahe, ang dami nila na nagkalat pero ngayong gusto mo namang sumakay, hindi mo sila mahagilap. Eto namang si Pierce, kung kailan kailangang-kailangan ko ang kaniyang pagka-stalker saka naman nawala nang parang bula. Maglalakad na naman ako." Hinapit ko ang jacket sa katawan at tinawid ang daan. Marahan akong naglakad habang pinipilit na ibuka ang aandap-andap na

    Last Updated : 2022-11-30
  • The Sugar Baby    Chapter 7

    "Pst, Chupapi. Hoy! 'To naman, alam kong naririnig mo ako." Nilakihan ko ang mga hakbang para maabutan si Pierce na parang walang narinig na tuloy-tuloy ang paglalakad sa sidewalk. Inagahan ko talaga kaysa sa usual ang pagpasok ko. Ala-una pa ang klase ko at alas-onse pa lang sa relo."Hoy! 'To naman. Ignore ignore ang drama galore."Naabutan ko siya at pabirong hinampas sa balikat. Kumapit ako sa braso niya at sinilip ang mukha nito. Ang gwapo talaga ni kuya lalo na sa ilalim ng sikat ng araw. Lumalabas ang pagka-tisoy nito. Inalis niya ang kamay ko sa braso nito at bahagya akong tiningnan."Wag mo akong hawakan." Ininguso nito ang mga tricycle na nadaanan namin. "Sakay ka na. Baka ma-late ka pa sa klase mo."Hindi ko pinansin ang sinabi niya at ibinalik ang kapit sa matipunong bisig nito. Ang tigas teh. Pinigilan ko ang tangka nitong pagtanggal sa kamay ko. "One pa ang class ko. Sinadya ko talagang magpunta ng maaga ngayon para sa iyo. May utang akong lunch, remember? Tara. Kai

    Last Updated : 2022-11-30
  • The Sugar Baby    Chapter 8

    "Saan na ba ang babaitang iyon?"Nagpalinga-linga ako sa loob ng cafeteria ng eskwelahan para hanapin ang demonyitang nagkatawang lupa na si Barbie. Dalawang oras na niya akong pinaghintay sa court para sa usapan naming food trip pero hindi sumipot ang gaga kaya wala na akong nagawa kundi hanapin siya sa campus. Nanggaling na ako kanina sa criminology building at sa paboritong tambayan nito sa computer lab dahil nga may aircon pero ni anino ng hitad ay wala akong nakita."Saan ka na Annabelle! Makakalbo na talaga kita! Kanina pa ako nagugutom!" maktol niya nang hindi makita si Barbie sa canteen. Binuksan ko ang messenger para tingnan kung may reply na ba ito pero sineen lang ako ng gaga. Offline na rin ito. "Anak ng sandaang afam, ikaw talaga ang makakakain ko Barbie. Pambihira kang babae ka, saan ka na!" Lumiko ako sa isang building para pumunta sa library. Last place na talaga ito. Magbabakasakali lang akong makita doon ang kaibigan. Inutangan kasi niya ako noong isang buwan at

    Last Updated : 2022-11-30
  • The Sugar Baby    Chapter 9

    Humahangos na tinakbo ko ang entrance sa loob ng regional hospital. Hinahanap ko si Jun na siyang nagdala kay papa dito. Nilibot ko na ang buong tatlong palapag ng building para mahanap ang kapatid pero hindi ko pa rin siya makita. Nagpa-panic na tinawagan ko siya sa cellphone pero hindi na naman nito sinagot. Huli kong pinuntahan ang canteen ng ospital. Doon ko nakita si Jun sa isang tabi na umiinom ng kape. May dugo pa ito sa damit."Jun!"Lumingon siya sa akin. Umupo ako sa kaniyang tabi at agad itong niyakap. Umiiyak na gumanti rin ito ng yakap. Pinigilan ko ang sariling umiyak. Hindi makakatulong sa amin ngayon ang mga luha ko."Ano ang nangyari kay tatay? Sino ang sumaksak sa kaniya?""Si Mang Gado."Suminghot ito. "Nagkainitan kasi sila dahil sa baraha. Ayun, tinaga niya si papa," umiiyak na paliwanag nito. "Tumakas na rin siya noong puntahan ng mga pulis sa kanilang bahay sabi ni nanay.""Saan si nanay? Bakit ikaw lang ang nandito? Si tatay, kamusta?" Pigil ko ang hininga h

    Last Updated : 2022-11-30
  • The Sugar Baby    Chapter 10

    Mula sa kung saan ay may naglagay ng jacket sa likod ko at payakap akong itinayo mula sa pagkakaupo ko sa kalsada. Nagpaubaya ako rito at humagulhol sa mga bisig ni Pierce."Stop crying. It's okay," anas nito habang hinahagod ang likod ko."Iuuwi na kita."Bumitiw ako sa yakap nito pero hindi niya ako hinayaang makalayo agad."Hindi ko pala kaya. H-hindi ko kayang ibenta ang sarili ko, Pierce. Oo, may kalandian akong taglay pero hindi ko pala kayang ibenta ang katawan ko," umiiyak ko na wika."Masama ba akong anak kasi hindi ko kayang magsakripisyo para sa pamilya ko? P-Pero ginawa ko naman ang lahat. Handa akong gawin ang lahat basta 'wag lang 'to. 'Wag lang 'tong ganito kasi hindi ko talaga kaya."Muli niya akong ikinulong sa yakap nito."Alam namin. And you've done enough. 'Wag ka nang umiyak. Tara na. Umalis na tayo dito."Nagpatianod na ako sa kaniya palayo habang halos buhatin niya na ako. Si Barbie ay tahimik lang sa tabi namin, nakikiramdamn kung kailan magsasalita.Hindi ako

    Last Updated : 2022-11-30

Latest chapter

  • The Sugar Baby    63

    Hindi pa man namin nabubuksan ang ilaw ay atat na isinandal ako ni Pierce sa pader at sinakop ang mga labi ko. Idinikit ko ang katawan nito at kinagat ang labi nito para makapasok ang dila at paglaruin sa dila nito. Napaungol si Pierce sa ginawa ko at ikiniskis ang katigasan sa hita ko.Nagmamadaling hinubad nito ang barong at isinunod ang inner shirt saka mabilis akong binalikan at pinatagilid para hubarin ang suot kong gown. Dama ko ang init sa bawat dantay ng daliri nito sa balat ko. Ramdam na ramdam ko ang pagnanasa sa bawat hagod nito sa dibdib ko na natatakpan na lang ng bra na wala na halos itinago.“Let’s turn on the lights. I wanna see you,” ani nito sa malat na boses.Pagbaha ng ilaw ay wala na itong inaksayang oras. Binuhat niya ako at idineposito sa kama at agad na kinubabawan at sinimulang hubarin ang bra ko. Naghahabol sa hininga na dumapo sa tiyan ko ang hintuturo nito na pumadausdos pababa hanggang sa makarating sa ibabaw ng panty ko.Kagat ang labi na iginalaw nito iy

  • The Sugar Baby    62

    Napili naming venue sa kasal ang private island na pagmamay-ari ng Herrera clan. Beach wedding ang gusto ko na mas nagmukhang garden wedding sa dami ng bulaklak. Imbitado ang lahat ng mga kapamilya namin at mga kaibigan. Kahit kakaunti lang ang nagpunta sa side ni Pierce ay masaya pa rin ito lalo na at ang kapatid nitong si Jasper ang tumayong best man samantalang si Missy naman ang maid of honor ko. Pinadalhan din namin ng invitation si Marga pero magalang itong tumanggi. Ang huling balita ko na lang dito ay tumulak ito papunta sa Europe. “Finally! You are getting married too!” Niyakap at hinalikan ako ni Myca na sumugod sa mansion kasama ang mga kaibigan. Pinasadahan niya ako ng tingin. “You have always been so beautiful Xylc but you look more especially glowing now. Congratulations.”“Salamat, Myca.” “O ‘di ba? Sabi ko naman sa iyo bruha, effective ang operation amuin si Fafa Pierce mo,” ani ni Pariah na sunod na yumakap sa akin.“Kaya nga e. Hindi na niya nakaya ang kamandag

  • The Sugar Baby    61

    "Wyn, nak, tumawag na ba ang papa mo? Ang sabi niya ay pauwi na siya. Tawagan mo nga uli," utos ko rito habang nasa harap ng salamin at nagme-make up.Susunduin niya kami para sa weekly dinner namin sa labas. Alas-sais pa nito sinabing nakalabas na ito ng office pero mag-a-alas siyete na ay wala pa rin ito. Hindi naman traffic ayon sa app na pinagtanungan ko.Naroon naman ang pamilyar na pagbundol ng kaba sa dibdib ko na pilit kong iwinaksi. "Ma, kaka-text lang ni papa. Basahin ko ha. Xylc my goddess, magpahatid na lang kayo kay manong sa resto. Need to reroute due to traffic. Love you. Mwah mwah," basa nito na puno pa ng feelings.Naglagay na ako ng lipstick. "Ganun ba. Replayan mo. Sabihin mo na ok.""Ok lang ang sasabihin ko ma? Walang mwah mwah?"Tinawanan ko si Wyn saka tumayo para tingnan ang sarili sa salamin."Sige, lagyan mo ng mwah mwah. Damihan mo. Mga sampu.""Okay po."Nang makontento sa ayos ay hinila ko na ang kamay ng anak palabas. Naghihintay na ang driver na binuksa

  • The Sugar Baby    60

    Ilang beses akong huminga nang malalim habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa ospital. Bawat segundong dumadaan ay pasakit sa akin. Makailang beses akong pinangapusan ng hininga pero lumaban ako. Kailangan kong makita si Pierce. Kailangang makita ko siyang buhay.Hindi pa man nakaka-park ang kotse ay binuksan ko na ang pinto at lumabas. Sa entrance pa lang ay nakaramdam na ako ng pagkaliyo. Butil-butil ng pawis ang gumiti sa noo ko. Kahit hindi ko tingnan ang sarili ay alam kong putlang-putla na ako. Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan, ang pakiramdam na parang sinasakal ako habang hinahanap ko noon ang katawan ni Pierce. Nakakasuka sa kaba. Tandang-tanda ko pa ang mukha nito noon. Ang putla nito na parang wala ng buhay. Ayoko na iyong maranasan. Hindi ko kaya.Sinubukan kong humakbang uli pero labis ang panginginig ng tuhod ko kaya sumandal muna ako sa pader at ipinikit ang mata. Habol ang hininga na pilit kong pinayapa ang sarili. “Okay lang po ba kayo, ma’am?” tano

  • The Sugar Baby    59

    Tanghali na ako nagising kinabukasan. Ikaw ba naman ang madaling-araw na lubayan sa kakakadyot kung hindi ka rin ba tanghaliin ng gising. Iniunat ko ang katawan at napangiwi sa sakit. Para akong binugbog, iyong masarap na klase ng bugbog. Feeling ko nga ay namaga talaga ang lips ng kipay ko sa sobrang gigil nito kagabi. “Ang mokong na iyon. Sinulit talaga.” Pati boses ko ay malat sa kakasigaw at kakaungol. Parang lumantak siya ng sangkaterbang energy drink sa ginawa nito sa akin kagabi. Ito lahat ang tumrabaho. Nakahiga lang ako doon habang kung anu-anong posisyon ang itinuturo niya sa akin. Biniro ko pa nga na baka inubos nito lahat ng porno sa ilang taon na wala itong partner. Tumanggi naman ito. Minsan lang daw. Nagbabasa raw ito nang madalas. Isinuot ko ang roba at kinuha ang cellphone. Message kaagad ni Pierce ang binasa ko.“I cooked something for you. Eat and rest well, Xylc. Thank you so much for last night. I love you.”“Luh, parang tanga,” nangingiting wika ko at paulit-

  • The Sugar Baby    58

    Buong hapunan ay dama ko ang tensiyon sa aming dalawa ni Pierce. Iniiwasan naming magkadikit dahil baka hindi namin makontrol ang sarili. Gusto na nga naming hilahin ang oras para makatulog na si Wyn. Si Pierce na ang nagpatulog kay Wyn. Ako ay tumalilis na sa kwarto para maligo. Muntik pa akong mapasigaw nang paglabas ko sa banyo ay agad akong hilahin ni Pierce para isandal sa pader. Wala na itong sinayang na oras. Gigil na sinakop niya ang mga labi ko at iniangkla ang hita ko sa bewang nito. Ipinulupot ko ang mga kamay sa leeg nito bago pumikit at ibinuka ang bibig para papasukin ang dila nito na agad naglumikot sa loob. Bumaba ang halik nito sa tenga pababa sa leeg ko at mahinang kinagat ang balat doon. Hindi pa ito nakontento at sinipsip pa ito para mag-iwan ng kiss mark. Marahas na hinaplos at nilamas niya ang puwet ko.Napaungol ako sa sensasyon lalo na nang ikiskis niya sa tiyan ko ang katigasan nito. Hinihingal na tinitigan niya ako habang dahan-dahang hinihila ang tali ng

  • The Sugar Baby    57

    Lunes ng umaga ay natagpuan ko ang sarili na nasa harap ng opisina ni Pierce dala ang mga nilutong pagkain para sa tanghalian nito. Nagtanong-tanong ako sa mga may-asawa ng mga kaibigan kung paano sila bumabawi sa mga partner nila at ito na nga ang naging payo nila sa akin.“Bisitahin mo sa office tapos dalhan mo ng pagkain,” sabi ni Pariah nang tawagan ko siya. “Iyon lang? Sure ka bang gagana ito? Effective ba ito kay Owen?” tukoy ko sa asawa nito.“Naman! Kahit sardinas at noodles pa ang dalhin ko sa kaniya, inuubos niya.”“Eh kasi naman, patay na patay sa iyo iyang lalaki mo.”“Wow kung makapagsalita o! Parang hindi hinabol-habol ni piercing eyes!”Sunod ko namang tinawagan si Myca para humingi ng tips. “After you visit him in the office to feed and fatten him, give him a blowjob when he comes home. That will surely make him so relaxed and happy.”Namula ang mukha ko. “Blowjob? Teka, hindi ko pa napag-aaralan iyan. Baka sumabit lang sa ngipin ko ang bulbol niya.”Tumawa si Myca s

  • The Sugar Baby    56

    “Ma, why are you only telling me this now?”Nahinto ako sa pagpasok sa silid nang marinig ang iritableng tono ni Pierce. Tatawagan ko na sana siya para sabihin na aalis na kami dahil tapos na kaming mag-ayos ni Wyn. Pagkatapos ng hapunan sa bahay ay ito naman ang nag-aya ng dinner kasabay ang buong pamilya nito.Natuwa ako dahil patunay iyon na unti-unti nang naayos kahit papaano ang relasyon nito sa pamilya nito. Alam ko kung gaano kasalimuot ang kwento ng buhay nito. Minsan niya rin itong nakwento sa akin at mas naintindihan ko pa ang komplikadong sitwasyon nila nang magkausap ako ng mama nito tungkol sa dahilan kung bakit biglang naglayas si Pierce. “Ma, how can I tell Xylc and Wyn that? They’re expecting to have dinner with you and the rest of the family. Ako ang ang-aya sa kanila kasi akala ko na okay na. Sabi mo okay na ‘di ba? Ang sabi nila pupunta sila? But why would they suddenly cancel it?”Ramdam ko ang frustration sa boses nito at kung hindi ko lang alam na si Pierce ito

  • The Sugar Baby    55

    “Ahm Pierce?" Kumatok ako sa bukas na pinto. Mula sa pagkakasubsob sa harap ng sangkaterbang papeles ay nag-angat ito ng tingin sa akin.Kinuyumos ng awa ang dibdib ko pagkakita sa pagod nitong mukha.Kanina pa ako nag-aalala rito. Pagkauwi galing sa office ay dito ito agad nagkulong sa home office. Nag-aalala ako dahil hindi ito kumain ng hapunan. Kape lang ang laman ng tiyan nito. Tinanong ko ang sekretarya nito pero wala raw kinain si Pierce sa buong maghapon. Nagka-aberya daw sa project kaya inaayos nito agad. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin ito bumaba kaya inakyat ko na."Xylc, why?""Busy ka pa ng bonggang-bongga?" Nag-aalinlangan akong pumasok dahil baka hindi makaistorbo lang ako. Hinubad nito ang salamin at sumandal sa swivel chair. Pinatay rin nito ang laptop at ibinuka ang braso sa akin."Not that busy anymore. Come here.""Yown."Kinuha ko ang tray na may pagkain na nasa sahig sa labas at pumasok."Kumain ka muna. Masama ang nagpapalipas ng gutom."Inayos ko an

DMCA.com Protection Status