"Kuya, pakibilisan lang ang pagpapatakbo, ha. May hinahabol kasi akong exam. Hindi pwedeng ma-late ako. Mahal po ang tuition. Nag-promissory na nga lang ako dahil medyo kapos sa budget."
Hindi lumilingong sabi ko sa driver habang sumasampa sa front area ng tricycle. Busy kasi ako sa pagte-text sa cellphone. Kausap ko ang kaklase ko. Nandoon na raw ang prof namin at inaaliw na lang nila para makaabot pa ako.Walang kibong umandar na ang tricycle."Kuya, pakibilisan nang kaunti."Naramdaman ko ang pagbilis nang takbo namin pero hindi ako nakontento."Kuya, sige pa. Nagdi-distribute na ng test papers si sir. Hindi pa naman iyon nagpapapasok ng late students," sigaw ko na."Miss, madidisgrasya tayo sa gusto mo. Kung balak mong magpakamatay, tumalon ka na. Wag mo na akong idamay. Mahal ang pagtubos ng lisensya sa LTO," sigaw din nito.Nakuha nito ang buong atensiyon ko sa kaniyang mga sinabi."Attitude si kuya. Kung mamamatay ka, mamamatay ka. Kahit saang lupalop ka man naroroon, kung oras mo na, oras mo na," ganti kong sigaw.Bigla nitong piniga ang handle ng motor kaya humaharurot agad ng mabilis ang sasakyan. Impit akong napasigaw sa pagkabigla. Muntik na akong mahulog kung hindi lang ako nakakapit kaagad sa bakal sa may ulunan ko."Grabe ka kuya! Hindi ka man lang nagbigay ng warning! Ikaw ata ang magpapakamatay eh!"Hindi na kumibo pa ang lalaki. Pumikit na lang ako nang mariin at nagdasal. Lord, wag po muna ngayon. Marami pa akong pangarap! Nagmulat ako ng mata para lang makita ang muntikan nang paghagip ng isang truck sa amin. Nag-overtake kasi ang walang modong driver."Kuya! May truck! May malaking truck! Ayy!"Binalewala lang nito ang mga tili ko.Makalipas ang hindi ko na malaman na oras dahil sa kaba ay inihinto ng driver ang sasakyan sa labas ng gate ng university. Mabilis akong bumaba kahit mala-jelly pa ang mga tuhod ko sa kaba. Dumukot ako ng bente sa bulsa at iniwan sa upuan ko kanina."Kuya, ayan ang bayad ko. Bente iyan. Sa iyo na ang sukli. Salamat sa biyaheng kamatayan!"Tumakbo na ako papasok sa eskwelahan. Tiningnan ko ang cellphone. Wala ng reply mula sa kaklase ko."Pucha! Baka nagsisimula na sila! Patay ako neto."Tinakbo ko ang oval ng paaralan para tumawid sa pinakadulong building ng I. T.. Buti nasa first floor kami kaya hindi na ako aakyat pa ng hagdan. Narating ko ang silid namin. Pinihit ko nang mahina ang seradura. Bukas! Salamat!"Kung sino ka mang nag-iwan sa pinto ng bukas, pagpalain ka nawa, kaibigan."Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at walang ingay na ipinasok ang katawan. Umuklo ako at hinubad ang bag saka inilagay sa sahig sa likod ng mga upuan. Sumulyap sa akin ang isa kong kaklase na hawak ang isang answer sheet. Inilagay ko ang isang daliri sa bibig para balaan itong wag gumawa ng ingay. Umismid lang ito.Gumapang ako sa sahig papunta sa bakanteng upuang katabi ni Geraldine. Kalkulado ang kilos ko para hindi mapansin ng prof naming may sinusulat sa board. Sa wakas ay narating ko na ang upuan. Tatayo na sana ako nang biglang dumagundong ang isang boses."Ms. Romero? What are you doing crawling in the floor like that?"Nabitin ang tangka kong pagtayo. Kagat ang labing napapikit na lang ako. Muntikan na eh. Makakaupo na ako, eh. Bakit ngayon pa!"Patay ako nito," bulong ko.Ibinuka ko ang mga mata at itinaas ang mukha. Nakatingin ang lahat ng mga kaklase ko sa akin. Ang iba ay naiinis ang mukha at ang karamihan ay natatawa. Bumalik ang tingin ko sa mukha ng prof namin na naghihintay sa kasagutan ko. Lumunok ako at makailang beses na kumurap. Unti-unti akong tumayo, nakahawak ang kamay sa tiyan."S-sir, kasi..."Kumunot ang noo nito."You know I don't tolerate tardy students especially during exams. I'm sorry Ms. Romero but you have to leave the room. You are distracting your classmates, too," pinal nitong saad.Nag-panic ako. Hindi pwedeng hindi ako maka-take ng exam, no! Ang mahal kaya ng bayad ko tapos wala pang retake ito. Hindi ko rin maatim na mag-take ng summer class dahil wala na akong datung! Pinagana ko ang isip at agad na nag-isip ng dahilan."Sir, I was not actually late. I was here kanina, sir. Lumabas lang po ako para maglabas po ng sama ng loob sa CR. Nagka-LBM po kasi ako, sir. K-kaya rin po ako gumagapang kasi ang sakit pa rin po ng tiyan ko."Pinaawa ko ang mukha at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa tiyan para effective ang acting. Ginalingan ko na ang pag-arte para maawa naman kahit papaano ang prof naming ito."Then you should not be here. Dapat nasa clinic ka. Class, could someone of you here escort Ms. Romero to the clinic?"Wala na. Patay na talaga. Baka mabuko pa ako."Sir, no need po. Kagagaling ko lang po sa clinic kanina kaya nga po ako natagalan. Binigyan na po nila ako ng gamot. Any minute now ay gagana na po ito. No worries na po talaga, sir. Magiging okay na po ako. Okay na po ako."Matagal akong tinitigan ni sir na parang inaarok kung nagsasabi ba ako ng totoo. Gumala ang paningin nito sa mga kaklase ko, umaasang papasinungalingan o patotohanan ang mga sinasabi ko. Buti na lang talaga at walang umimik. Buti na lang!"Okay Ms. Romero. Take your seat now."Tumalikod na ito at bumalik sa pagsusulat.Mabilis na umupo ako sa tabi ni Geraldine na may malapad na ngiti sa labi."Ayos, ah. Nakalusot ka na naman," bulong nito sa akin.Kinindatan ko si Geraldine."Ako pa. Magaling to no.""Buti walang lumaglag sa iyo.""Takot lang nila. Subukan lang nila. May mga kaibigan akong saggano sa lugar namin. Ipapa-hunting ko sila," biro ko."Iba ka talaga, Xylca. O, hetong test paper mo. Pahirapan pa ang pagkuha ko ng extra copy dahil mala-eagle eyes pala si sir." Inabot nito sa akin ang test paper na agad kong kinuha."Salamat. Pahiram na rin ng ekstrang ballpen. Nasa likod ang bag ko. Iniwan ko."Iiling-iling na naglabas ito ng ballpen at ibinigay sa akin."Salamat, Ge. Hayaan mo, sa susunod na makaraket ako, ikaw ang unang ire-recommend ko."Freelancer kasi ang kaibigan kong ito. Gumagawa siya ng art designs, book covers at iba pang mga art on web. Mura lang ang singil niya sa mga customers kahit maipagmamalaki naman talaga ang angking talento at abilidad. Minsan talaga mababa ang tingin ng karamihan sa mga freelancers kaya binababaan din ang bayad.Lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ko."Talaga Xylca? Salamat na agad, ha. Malaking tulong na iyon. Dahil nga sa mga referrals mo sa akin kaya nakabayad ako sa tuition ko.""Sus, wala iyon.""Okay, class. Pay attention for further instructions."Natigil ang pag-uusap namin. Umayos na kami ng upo at nakinig na sa aming professor.PASADO alas-diyes na ako nakalabas ng school. May tinapos pa kasi akong research sa library. Sinadya ko ring magpagabi ng uwi dahil ayoko pang umuwi ng bahay. Ayoko pa munang makarinig ng anumang sigawan ngayon. Quota na ako masyado. Sabihin na nating sanay na ako sa walang hanggang tigil nila na bangayan pero may mga panahong nagsasawa ka rin. Ang gabing ito ang isa sa mga iyon.Wala ng mga tricycle sa labas ng school. Mga iilang pampasaherong motorsiklo ang naka-park sa gilid.Naagaw ang atensiyon ko ng isang lalaki na nakaupo sa gilid ng kalsada ilang metro mula sa kinarooronan ko. Naninigarilyo ito. Nakatingin sa semento at parang malalim na nag-iisip. Hindi ko masyadong kita ang mukha dahil medyo madilim sa lugar na kinauupuan nito. Nakasuot ang lalaki ng shorts, t-shirt na ginupit ang manggas. Walang sapin ang mga paa. Tinitigan ko ng maigi ang lalaki. Ginawa pala nitong sapin sa puwet ang tsinelas.May kung ano rito na dahilan kung bakit hindi ko magawang bawiin ang tingin mula rito. Para bang nakabalot ang lalaki ng misteryo na kailangan kong tuklasin.Sinundan ko ng tingin kung paano nito hithitin ang sigarilyo at ibuga ang usok sa ilong at bibig nito. Hindi ko alam na pwede palang maging ganito ka-elegante ang paninigarilyo. Sa iskwater kasi, ang sagwang tingnan ng mga lalaki at babae doon na naninigarilyo.Parang tangang nakatayo ako doon at nakatitig sa lalaki na animo'y nababatobalani sa paghitit-buga nito ng usok. Sa ilalim ng sinag ng buwan, para akong timang na hinihintay ang lalaking magbaling ng tingin para makita ko ang mukha niya.Natupad ang piping hiling ko nang bahagyang nagtaas ng tingin ang lalaki sa akin. Sinalubong ko ang mga mata nito. Ilang segundo ko pang pinanatili ang tingin sa mga mata niya bago ko naisipang pag-aralan ang ibang bahagi ng mukha nito.Guwapo si kuya. Kahit sa kakarampot na ilaw na nagre-reflect ay masasabi kong may itsura talaga. Aakalain mong afam sa unang tingin. Matangos ang ilong, pangahan, makapal ang kilay, at malamlam ang mapula-pulang mata. Wait! Mapulang mata?Napaatras ako nang kaunti ng tumayo ang lalaki at basta na lang inihagis ang sigarilyo at tinapakan ito. Habang ginagawa niya iyon ay hindi niya ako nilulubayan ng tingin.Tiningala ko ang lalaki. Grabe ang tangkad nga nito. Ibinalik ko ang tingin sa mapulang mata ng lalaki. Sumigid ang takot sa kabuuan ko. Adik si kuyang gwapo. Mabilis na pinutol ko ang tinginan namin at nagkukumahog na tumalikod at nagsimulang maglakad."Sandali, miss!" habol nito.Nanlalaki ang mga matang nagsimula akong tumakbo! Adik na nga, rapist pa si kuya! Naku po!"Miss!"Nakarinig ako ng pagkabuhay ng makina at ang humaharurot na motorsiklo. Diyos ko po! Kidnapper si kuya! Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nagpalinga-linga ako para humingi ng tulong. Napakatahimik na ng daan at wala ng mga taong naglalakad. Nasa kanto ang karamihan sa mga tao sa ganitong oras."Miss! Wag kang tumakbo! Tatanungin lang kita kung gusto mo bang sumakay. Wala pa kasi akong pasahero ngayong gabi," sigaw ng lalaki habang sakay ng motor.Sa kaniyang sinabi ay bigla akong napahinto sa pagtakbo. Hinihingal na hinarap ko ito at binigyan ng matalim na tingin."Walangya ka kuya! Tinakot mo ako! Akala ko kidnapper ka! Bakit mo pa kasi ako hinabol? May pasahero bang tumatakbo? Syempre kung sasakay ako sa iyo, malamang sinabihan na kita! At hindi ako sasakay sa iyo kasi wala na akong pera!" nagpupuyos sa galit na bulyaw ko rito.Nagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa magkahalong kaba, inis, at galit. Idagdag pa ang distracting na mukha ng lalaki na mas lalo pang gumwapo sa paningin ko dahil mas napagmamasdan ko na siya sa malapitan. Mas matangos pala ang ilong ni kuya kaysa sa inaakala ko. At ang mga labi. Ang pupula! Smoker ba talaga ito?"Hindi ako kidnapper, miss. Naghahanap-buhay lang. Nakita kasi kitang tinitingnan ako kanina kaya akala ko pasahero ka. Pasensiya ka na. Hinabol kita kasi nagtaka ako nang bigla kang tumakbo."Binawi ko ang pagkakatitig sa labi nito at inilipat sa mga mata niya."Bakit kasi ang pula ng mata mo? Adik ka ba kuya?"Napatitig uli ako sa mga labi nito nang tumiim ito. Waring nainis sa paraan ng pagtatanong ko."Hindi ako adik, miss. Kakagaling ko lang kanina sa welding kaya ang pula ng mga mata ko," seryosong sabi nito.Natahimik ako."Pasensya na kuya, ha. Natakot lang ako."Nagkibit'balikat ito."Hindi kita masisisi. Iyan din ang sinasabi nila," sabi nito sa pagod na tinig.Nakaramdam ako ng awa sa sinabi niya."Sige kuya. Alis na ako. Bumalik ka na sa pwesto mo. Sorry ulit."Natagpuan ko ang tinig pagkatapos ng ilang sandali.Naglakad na uli ako. Pinayapa ko ang sarili mula sa nangyari kanina. Ang judgemental ko na ba? Hindi rin naman niya ako masisisi. Ang una talagang maiisip mo sa kaniya ay kung adik ba ito o hindi.Napalingon ako uli nang maramdaman kong nakasunod pa rin sa akin ang motor. Tumigil ako at nagtatanong ang matang tiningnan ang lalaki."Iilawan ko ang daan para sa iyo. Sira ang lamppost sa Pluto at Mars street. May nakatiwangwang din na imburnal diyan sa susunod mo na liko. Baka madisgrasya ka pa," sagot nito.Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko sa sinabi ng binata. Uso pa pala ang mga gentleman at matulungin sa panahon ngayon. Akala ko alamat na lang sila. Na-appreciate ko rin ang katotohanang hindi niya ako pinilit na sumakay sa kaniya. May respeto si kuya.Nag-isip ako sandali kung tatanggihan ba ang alok nito o sasang-ayon na lamang. Pinili ko ang huli."Salamat, kuya?""Pierce. Ako si Pierce."Tumango ako. Pierce. Bagay nga sa kaniya ang pangalan niya kasi piercing ito kung tumitig. Chour. Napahagikhik ako sa naisip. Ang landi mo, Xylca.Walang kibong nagpatuloy ako sa paglalakad habang nasa likod ko naman si Pierce na sadiyang pinabagal ang motor para masabayan ako.Isang bloke na lang ang lalakarin ko para marating ang paradahan ng mga jeep nang magsalita ang lalaki."Hindi mo ba sasabihin ang pangalan mo?" basag nito sa katahimikan ko.Umismid ako."Wag na. Baka hanapin mo pa ako at ligawan. May jowa ako ngayon kaya wag ka nang pumorma."Tumawa nang malutong ang lalaki. Maiinsulto na sana ako kung hindi nito dinugtungan ng paliwanag."Sorry. Ganiyan ka ba talaga?""Ang ano?""Conceited. Hindi naman lahat ng lalaking gustong kunin ang pangalan mo ay gusto ka nang ligawan."Tumawa ako."Lumang tugtugin na kasi iyang mga da-moves niyo. Laking looban to no. Alam na alam ko ang karakas ninyo dahil marami na akong mga kaibigan sa amin ang umiyak matapos buntisin ng mga lalaking nakikipagkilala sa kanila. At kahit ayaw mo akong ligawan, hindi ko pa rin ibibigay sa iyo ang pangalan ko. Malay ko ba kung gagamitin mo iyan pang-catfish o pang-troll. Eh di nasira ang magandang image ko? Kaya no name na Kuya Pierce."Napailing ang lalaki, naglalaro ang ngiti sa gwapong mukha nito."Ang layo na nang inabot mo. Advance mong mag-isip.""Sa panahon ngayon, mainam na ang maagap. Ang dami na kasing mga taong nagkalat para manloko lang ng kapwa."Narating na namin ang paradahan ng mga jeep."Salamat sa effort at sa ilaw ng motor mo. Sa susunod, wag mo nang gawin sa akin iyon. Kaya ko na ang sarili ko. At kahit ipilit mo pa, hindi ko ibibigay sa iyo ang pangalan ko. Ang dami ko nang nabasang pocketbooks na ganito ang plot. Gwapo ka kuya pero mas gwapo sa akin ang mga lalaking may datung."Nginitian ko siya."Salamat uli."Kumaway ako bilang pamamaalam bago hinarap ang paghihintay sa jeep. Hindi ko na pinansin ang nakakalokong tawa nito."Miss, ibang klase ka talaga. Nagpasalamat ka nga pero sabay panlalait naman. Oo, ako na ang mahirap para sa standard mo pero at least hindi ako burara."Lumapit ang lalaki sa akin at may idinikit sa noo ko. Napilitan akong tingnan ang lalaki na ngayon ay gahibla na lang ang layo mula sa aking mukha kaya natitigan ko ang deep set na mga mata nito na napalilibutan ng mahahabang pilik-mata. Ang ganda ng mata ni kuya, parang nangungusap."Ah, nga pala, sa susunod na magde-demand ka sa driver na pabilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan, siguraduhin mong mahigpit ang pagkakahawak mo sa mga gamit mo, Xylca Romero."Rumehistro ang pagkagulat sa mukha ko. So siya ang nasakyan ko kanina. Kaya pala parang pamilyar ang boses nito. Hindi na kasi ako nagkaroon ng pagkakataong tingnan man lang ang driver kaninang tanghali dahil sa pagmamadali. Wow. Pagkakataon nga naman, o.Inilayo ng lalaki ang mukha nito sa akin at pinitik ang noo ko gamit ang kung anumang dinikit niya kanina. Napipilitang kinuha ko ito sa kaniya nang akmang bibitawan niya ito.Paatras itong humakbang palayo habang nakapaskil ang ngisi sa mukha. Naisahan ako ng guwapong mama.Binuhay nito ang motor at mabilis na pinaharurot palayo. Naiwan akong nakatitig sa lugar kung saan nakatayo ang lalaki kanina. Itinaas ko ang kamay kung nasaan ang ibinigay nito. It was my SSS ID."O Pierce! Sa iyo na to si miss byutipul! Miss, sa kaniya ka na sumakay." Inis na tinaliman ko ng sulyap ang driver ng tricycle na sasakyan ko sana. Hindi na ako lumingon pa para tingnan si Pierce. Masisira lang ang araw ko. Good mood pa naman ako ngayon dahil nakapasa ako sa exam last week. "Seryoso ka mama? Di ba ikaw ang nakatorno dito? Bakit mo ako ipapasa sa iba?" nagtitimpi kong saad. Nagsipulan at nagkantiyawan ang mga driver na nakarinig. "Ang taray.""Palaban.""Bagay sa bata natin.""Kasi miss byutipul, may pupuntahan pa pala ako diyan sa kabila." Ininguso nito ang hardware sa tapat ng paradahan."May bibilhin pa pala akong piyesa nitong motor. Sige na, kay Pierce ka na sumakay." Inihampas-hampas nito sa likod ang t-shirt na nakasampay sa hubad na balikat. Saglit na sinulyapan ko ang lalaking prenteng nakaupo sa motor nito pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa may edad na lalaking wala na sigurong pinagkatandaan sa pang-aalaska."Sino po ba ang sunod na lalarga? Hindi
"Bruha, tingnan mo ang picture ni sinend sakin ng isang afam ko. Bongga talaga ang katawan, day! Naku! Sarap pisilin! Pariah! Tingnan mo dali."Kinalabit ko si Pariah na nakatunganga lang sa monitor."Pahinga ka muna, gaga. Kalahating araw ka nang nakaharap diyan. Relax din. O, eto. Magmeryenda ka muna ng pan de sal at itlog." Iniumang ko sa kaniya ang hawak na cellphone. "Ano ba kasi iyan."Tumayo ito mula sa silya at tumabi sa akin sa kama. Kinuha nito ang cellphone at tinitigan. Binatukan niya ako. "Walanghiya ka talaga. Ari iyan ng lalaki, eh."Humagalpak ako ng tawa. "Oo fren. It's a long, hard and hairy dick. Grabe no, ang laki pala talaga ng mga penis ng mga Amerikano. Ganito rin ba ang kay Owen?"Inirapan niya ako at tinuktukan sa ulo."Doon ka nga sa labas! Binubwisit mo ako, eh. Nagre-review iyong tao. Doon ka kay Barbie!""Ito naman! Para joke lang. Pikon agad." Humiga ako sa kama at tiningnan uli ang picture. "Di nga, Pariah. Malaki ba?"Iniumang nito ang nadampot na
"Hay, buhay! Parang life!" Itinaas ko ang mga kamay sa ulo habang naghihikab. Antok na antok ako. Gusto ko nang itapon ang sarili sa kama at matulog. "Bakit ba kasi ako nagyaya na mag-kala kami. Ayan tuloy, hanggang ngayon, may hangover pa ako." Ako kasi ang nag-initiate na mag-inuman kami habang naka-OT pa ang papa ni Pariah. Doon na rin kami natulog ni Sheki at Barbie dahil halos hindi na kami makabangon dahil sa kalasingan. Ikaw ba naman ang tumira ng The Bar at Bacardi, magpa-pass out ka talaga. Iginala ko ang tingin sa labas ng university, naghahanap ng masasakyan. "Tingnan mo 'tong mga 'to. Kapag wala kang pera pamasahe, ang dami nila na nagkalat pero ngayong gusto mo namang sumakay, hindi mo sila mahagilap. Eto namang si Pierce, kung kailan kailangang-kailangan ko ang kaniyang pagka-stalker saka naman nawala nang parang bula. Maglalakad na naman ako." Hinapit ko ang jacket sa katawan at tinawid ang daan. Marahan akong naglakad habang pinipilit na ibuka ang aandap-andap na
"Pst, Chupapi. Hoy! 'To naman, alam kong naririnig mo ako." Nilakihan ko ang mga hakbang para maabutan si Pierce na parang walang narinig na tuloy-tuloy ang paglalakad sa sidewalk. Inagahan ko talaga kaysa sa usual ang pagpasok ko. Ala-una pa ang klase ko at alas-onse pa lang sa relo."Hoy! 'To naman. Ignore ignore ang drama galore."Naabutan ko siya at pabirong hinampas sa balikat. Kumapit ako sa braso niya at sinilip ang mukha nito. Ang gwapo talaga ni kuya lalo na sa ilalim ng sikat ng araw. Lumalabas ang pagka-tisoy nito. Inalis niya ang kamay ko sa braso nito at bahagya akong tiningnan."Wag mo akong hawakan." Ininguso nito ang mga tricycle na nadaanan namin. "Sakay ka na. Baka ma-late ka pa sa klase mo."Hindi ko pinansin ang sinabi niya at ibinalik ang kapit sa matipunong bisig nito. Ang tigas teh. Pinigilan ko ang tangka nitong pagtanggal sa kamay ko. "One pa ang class ko. Sinadya ko talagang magpunta ng maaga ngayon para sa iyo. May utang akong lunch, remember? Tara. Kai
"Saan na ba ang babaitang iyon?"Nagpalinga-linga ako sa loob ng cafeteria ng eskwelahan para hanapin ang demonyitang nagkatawang lupa na si Barbie. Dalawang oras na niya akong pinaghintay sa court para sa usapan naming food trip pero hindi sumipot ang gaga kaya wala na akong nagawa kundi hanapin siya sa campus. Nanggaling na ako kanina sa criminology building at sa paboritong tambayan nito sa computer lab dahil nga may aircon pero ni anino ng hitad ay wala akong nakita."Saan ka na Annabelle! Makakalbo na talaga kita! Kanina pa ako nagugutom!" maktol niya nang hindi makita si Barbie sa canteen. Binuksan ko ang messenger para tingnan kung may reply na ba ito pero sineen lang ako ng gaga. Offline na rin ito. "Anak ng sandaang afam, ikaw talaga ang makakakain ko Barbie. Pambihira kang babae ka, saan ka na!" Lumiko ako sa isang building para pumunta sa library. Last place na talaga ito. Magbabakasakali lang akong makita doon ang kaibigan. Inutangan kasi niya ako noong isang buwan at
Humahangos na tinakbo ko ang entrance sa loob ng regional hospital. Hinahanap ko si Jun na siyang nagdala kay papa dito. Nilibot ko na ang buong tatlong palapag ng building para mahanap ang kapatid pero hindi ko pa rin siya makita. Nagpa-panic na tinawagan ko siya sa cellphone pero hindi na naman nito sinagot. Huli kong pinuntahan ang canteen ng ospital. Doon ko nakita si Jun sa isang tabi na umiinom ng kape. May dugo pa ito sa damit."Jun!"Lumingon siya sa akin. Umupo ako sa kaniyang tabi at agad itong niyakap. Umiiyak na gumanti rin ito ng yakap. Pinigilan ko ang sariling umiyak. Hindi makakatulong sa amin ngayon ang mga luha ko."Ano ang nangyari kay tatay? Sino ang sumaksak sa kaniya?""Si Mang Gado."Suminghot ito. "Nagkainitan kasi sila dahil sa baraha. Ayun, tinaga niya si papa," umiiyak na paliwanag nito. "Tumakas na rin siya noong puntahan ng mga pulis sa kanilang bahay sabi ni nanay.""Saan si nanay? Bakit ikaw lang ang nandito? Si tatay, kamusta?" Pigil ko ang hininga h
Mula sa kung saan ay may naglagay ng jacket sa likod ko at payakap akong itinayo mula sa pagkakaupo ko sa kalsada. Nagpaubaya ako rito at humagulhol sa mga bisig ni Pierce."Stop crying. It's okay," anas nito habang hinahagod ang likod ko."Iuuwi na kita."Bumitiw ako sa yakap nito pero hindi niya ako hinayaang makalayo agad."Hindi ko pala kaya. H-hindi ko kayang ibenta ang sarili ko, Pierce. Oo, may kalandian akong taglay pero hindi ko pala kayang ibenta ang katawan ko," umiiyak ko na wika."Masama ba akong anak kasi hindi ko kayang magsakripisyo para sa pamilya ko? P-Pero ginawa ko naman ang lahat. Handa akong gawin ang lahat basta 'wag lang 'to. 'Wag lang 'tong ganito kasi hindi ko talaga kaya."Muli niya akong ikinulong sa yakap nito."Alam namin. And you've done enough. 'Wag ka nang umiyak. Tara na. Umalis na tayo dito."Nagpatianod na ako sa kaniya palayo habang halos buhatin niya na ako. Si Barbie ay tahimik lang sa tabi namin, nakikiramdamn kung kailan magsasalita.Hindi ako
Natagpuan ko ang sarili na nakatulala na nakaupo sa labas ng isang fast food chain. Kanina pa ako nakatitig sa cellphone pero wala pa akong natatawagan ni isa.Wala naman kasi talaga akong mapupuntahan. Ni hindi ko kayang magrenta ng isang kakarampot na silid para matulugan sa gabing ito dahil sa wala na talaga akong pera.Said na said na ako. Wala nang naiwan ni isang patak kaya para na akong pulubi na nakatungko sa labas at kulang na lang ay itaas ang kamay para mamalimos.Kinagat ko ang dila at nagmura. 'Langyang buhay naman ito, ano. Kung akala ko ay naranasan ko na ang nasa pinakaibaba, pinatunayan lang ng sitwasyon ko ngayon na may mas ibababa pa ako."Tangina," bulong ko at tumingala sa madilim na langit. "Lord naman, kotang-kota na ako sa mga problema. Please, chill lang po tayo, ha. Medyo humihina po kasi ang kalaban."Nagbuntunghininga ako at muling tumitig sa cellphone. Hindi ako pwedeng makitulog kay Barbie dahil tulad ko, may family problem din na kinakaharap ang maton na
Hindi pa man namin nabubuksan ang ilaw ay atat na isinandal ako ni Pierce sa pader at sinakop ang mga labi ko. Idinikit ko ang katawan nito at kinagat ang labi nito para makapasok ang dila at paglaruin sa dila nito. Napaungol si Pierce sa ginawa ko at ikiniskis ang katigasan sa hita ko.Nagmamadaling hinubad nito ang barong at isinunod ang inner shirt saka mabilis akong binalikan at pinatagilid para hubarin ang suot kong gown. Dama ko ang init sa bawat dantay ng daliri nito sa balat ko. Ramdam na ramdam ko ang pagnanasa sa bawat hagod nito sa dibdib ko na natatakpan na lang ng bra na wala na halos itinago.“Let’s turn on the lights. I wanna see you,” ani nito sa malat na boses.Pagbaha ng ilaw ay wala na itong inaksayang oras. Binuhat niya ako at idineposito sa kama at agad na kinubabawan at sinimulang hubarin ang bra ko. Naghahabol sa hininga na dumapo sa tiyan ko ang hintuturo nito na pumadausdos pababa hanggang sa makarating sa ibabaw ng panty ko.Kagat ang labi na iginalaw nito iy
Napili naming venue sa kasal ang private island na pagmamay-ari ng Herrera clan. Beach wedding ang gusto ko na mas nagmukhang garden wedding sa dami ng bulaklak. Imbitado ang lahat ng mga kapamilya namin at mga kaibigan. Kahit kakaunti lang ang nagpunta sa side ni Pierce ay masaya pa rin ito lalo na at ang kapatid nitong si Jasper ang tumayong best man samantalang si Missy naman ang maid of honor ko. Pinadalhan din namin ng invitation si Marga pero magalang itong tumanggi. Ang huling balita ko na lang dito ay tumulak ito papunta sa Europe. “Finally! You are getting married too!” Niyakap at hinalikan ako ni Myca na sumugod sa mansion kasama ang mga kaibigan. Pinasadahan niya ako ng tingin. “You have always been so beautiful Xylc but you look more especially glowing now. Congratulations.”“Salamat, Myca.” “O ‘di ba? Sabi ko naman sa iyo bruha, effective ang operation amuin si Fafa Pierce mo,” ani ni Pariah na sunod na yumakap sa akin.“Kaya nga e. Hindi na niya nakaya ang kamandag
"Wyn, nak, tumawag na ba ang papa mo? Ang sabi niya ay pauwi na siya. Tawagan mo nga uli," utos ko rito habang nasa harap ng salamin at nagme-make up.Susunduin niya kami para sa weekly dinner namin sa labas. Alas-sais pa nito sinabing nakalabas na ito ng office pero mag-a-alas siyete na ay wala pa rin ito. Hindi naman traffic ayon sa app na pinagtanungan ko.Naroon naman ang pamilyar na pagbundol ng kaba sa dibdib ko na pilit kong iwinaksi. "Ma, kaka-text lang ni papa. Basahin ko ha. Xylc my goddess, magpahatid na lang kayo kay manong sa resto. Need to reroute due to traffic. Love you. Mwah mwah," basa nito na puno pa ng feelings.Naglagay na ako ng lipstick. "Ganun ba. Replayan mo. Sabihin mo na ok.""Ok lang ang sasabihin ko ma? Walang mwah mwah?"Tinawanan ko si Wyn saka tumayo para tingnan ang sarili sa salamin."Sige, lagyan mo ng mwah mwah. Damihan mo. Mga sampu.""Okay po."Nang makontento sa ayos ay hinila ko na ang kamay ng anak palabas. Naghihintay na ang driver na binuksa
Ilang beses akong huminga nang malalim habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa ospital. Bawat segundong dumadaan ay pasakit sa akin. Makailang beses akong pinangapusan ng hininga pero lumaban ako. Kailangan kong makita si Pierce. Kailangang makita ko siyang buhay.Hindi pa man nakaka-park ang kotse ay binuksan ko na ang pinto at lumabas. Sa entrance pa lang ay nakaramdam na ako ng pagkaliyo. Butil-butil ng pawis ang gumiti sa noo ko. Kahit hindi ko tingnan ang sarili ay alam kong putlang-putla na ako. Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan, ang pakiramdam na parang sinasakal ako habang hinahanap ko noon ang katawan ni Pierce. Nakakasuka sa kaba. Tandang-tanda ko pa ang mukha nito noon. Ang putla nito na parang wala ng buhay. Ayoko na iyong maranasan. Hindi ko kaya.Sinubukan kong humakbang uli pero labis ang panginginig ng tuhod ko kaya sumandal muna ako sa pader at ipinikit ang mata. Habol ang hininga na pilit kong pinayapa ang sarili. “Okay lang po ba kayo, ma’am?” tano
Tanghali na ako nagising kinabukasan. Ikaw ba naman ang madaling-araw na lubayan sa kakakadyot kung hindi ka rin ba tanghaliin ng gising. Iniunat ko ang katawan at napangiwi sa sakit. Para akong binugbog, iyong masarap na klase ng bugbog. Feeling ko nga ay namaga talaga ang lips ng kipay ko sa sobrang gigil nito kagabi. “Ang mokong na iyon. Sinulit talaga.” Pati boses ko ay malat sa kakasigaw at kakaungol. Parang lumantak siya ng sangkaterbang energy drink sa ginawa nito sa akin kagabi. Ito lahat ang tumrabaho. Nakahiga lang ako doon habang kung anu-anong posisyon ang itinuturo niya sa akin. Biniro ko pa nga na baka inubos nito lahat ng porno sa ilang taon na wala itong partner. Tumanggi naman ito. Minsan lang daw. Nagbabasa raw ito nang madalas. Isinuot ko ang roba at kinuha ang cellphone. Message kaagad ni Pierce ang binasa ko.“I cooked something for you. Eat and rest well, Xylc. Thank you so much for last night. I love you.”“Luh, parang tanga,” nangingiting wika ko at paulit-
Buong hapunan ay dama ko ang tensiyon sa aming dalawa ni Pierce. Iniiwasan naming magkadikit dahil baka hindi namin makontrol ang sarili. Gusto na nga naming hilahin ang oras para makatulog na si Wyn. Si Pierce na ang nagpatulog kay Wyn. Ako ay tumalilis na sa kwarto para maligo. Muntik pa akong mapasigaw nang paglabas ko sa banyo ay agad akong hilahin ni Pierce para isandal sa pader. Wala na itong sinayang na oras. Gigil na sinakop niya ang mga labi ko at iniangkla ang hita ko sa bewang nito. Ipinulupot ko ang mga kamay sa leeg nito bago pumikit at ibinuka ang bibig para papasukin ang dila nito na agad naglumikot sa loob. Bumaba ang halik nito sa tenga pababa sa leeg ko at mahinang kinagat ang balat doon. Hindi pa ito nakontento at sinipsip pa ito para mag-iwan ng kiss mark. Marahas na hinaplos at nilamas niya ang puwet ko.Napaungol ako sa sensasyon lalo na nang ikiskis niya sa tiyan ko ang katigasan nito. Hinihingal na tinitigan niya ako habang dahan-dahang hinihila ang tali ng
Lunes ng umaga ay natagpuan ko ang sarili na nasa harap ng opisina ni Pierce dala ang mga nilutong pagkain para sa tanghalian nito. Nagtanong-tanong ako sa mga may-asawa ng mga kaibigan kung paano sila bumabawi sa mga partner nila at ito na nga ang naging payo nila sa akin.“Bisitahin mo sa office tapos dalhan mo ng pagkain,” sabi ni Pariah nang tawagan ko siya. “Iyon lang? Sure ka bang gagana ito? Effective ba ito kay Owen?” tukoy ko sa asawa nito.“Naman! Kahit sardinas at noodles pa ang dalhin ko sa kaniya, inuubos niya.”“Eh kasi naman, patay na patay sa iyo iyang lalaki mo.”“Wow kung makapagsalita o! Parang hindi hinabol-habol ni piercing eyes!”Sunod ko namang tinawagan si Myca para humingi ng tips. “After you visit him in the office to feed and fatten him, give him a blowjob when he comes home. That will surely make him so relaxed and happy.”Namula ang mukha ko. “Blowjob? Teka, hindi ko pa napag-aaralan iyan. Baka sumabit lang sa ngipin ko ang bulbol niya.”Tumawa si Myca s
“Ma, why are you only telling me this now?”Nahinto ako sa pagpasok sa silid nang marinig ang iritableng tono ni Pierce. Tatawagan ko na sana siya para sabihin na aalis na kami dahil tapos na kaming mag-ayos ni Wyn. Pagkatapos ng hapunan sa bahay ay ito naman ang nag-aya ng dinner kasabay ang buong pamilya nito.Natuwa ako dahil patunay iyon na unti-unti nang naayos kahit papaano ang relasyon nito sa pamilya nito. Alam ko kung gaano kasalimuot ang kwento ng buhay nito. Minsan niya rin itong nakwento sa akin at mas naintindihan ko pa ang komplikadong sitwasyon nila nang magkausap ako ng mama nito tungkol sa dahilan kung bakit biglang naglayas si Pierce. “Ma, how can I tell Xylc and Wyn that? They’re expecting to have dinner with you and the rest of the family. Ako ang ang-aya sa kanila kasi akala ko na okay na. Sabi mo okay na ‘di ba? Ang sabi nila pupunta sila? But why would they suddenly cancel it?”Ramdam ko ang frustration sa boses nito at kung hindi ko lang alam na si Pierce ito
“Ahm Pierce?" Kumatok ako sa bukas na pinto. Mula sa pagkakasubsob sa harap ng sangkaterbang papeles ay nag-angat ito ng tingin sa akin.Kinuyumos ng awa ang dibdib ko pagkakita sa pagod nitong mukha.Kanina pa ako nag-aalala rito. Pagkauwi galing sa office ay dito ito agad nagkulong sa home office. Nag-aalala ako dahil hindi ito kumain ng hapunan. Kape lang ang laman ng tiyan nito. Tinanong ko ang sekretarya nito pero wala raw kinain si Pierce sa buong maghapon. Nagka-aberya daw sa project kaya inaayos nito agad. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin ito bumaba kaya inakyat ko na."Xylc, why?""Busy ka pa ng bonggang-bongga?" Nag-aalinlangan akong pumasok dahil baka hindi makaistorbo lang ako. Hinubad nito ang salamin at sumandal sa swivel chair. Pinatay rin nito ang laptop at ibinuka ang braso sa akin."Not that busy anymore. Come here.""Yown."Kinuha ko ang tray na may pagkain na nasa sahig sa labas at pumasok."Kumain ka muna. Masama ang nagpapalipas ng gutom."Inayos ko an