Natagpuan ko ang sarili na nakatulala na nakaupo sa labas ng isang fast food chain. Kanina pa ako nakatitig sa cellphone pero wala pa akong natatawagan ni isa.Wala naman kasi talaga akong mapupuntahan. Ni hindi ko kayang magrenta ng isang kakarampot na silid para matulugan sa gabing ito dahil sa wala na talaga akong pera.Said na said na ako. Wala nang naiwan ni isang patak kaya para na akong pulubi na nakatungko sa labas at kulang na lang ay itaas ang kamay para mamalimos.Kinagat ko ang dila at nagmura. 'Langyang buhay naman ito, ano. Kung akala ko ay naranasan ko na ang nasa pinakaibaba, pinatunayan lang ng sitwasyon ko ngayon na may mas ibababa pa ako."Tangina," bulong ko at tumingala sa madilim na langit. "Lord naman, kotang-kota na ako sa mga problema. Please, chill lang po tayo, ha. Medyo humihina po kasi ang kalaban."Nagbuntunghininga ako at muling tumitig sa cellphone. Hindi ako pwedeng makitulog kay Barbie dahil tulad ko, may family problem din na kinakaharap ang maton na
"Psst Pierce. Gising ka pa?"Hindi gumalaw ang lalake sa pagkakahiga sa sahig na nilatagan ng karton, kutson, at blanket. Nakahiga ito patalikod sa akin at nakakumot hanggang sa ulo."Alam kong gising ka pa. 56 seconds ka pa lang na nakahiga d'yan. Binilang ko."Umusod ako sa gilid ng katre at sinundot ang tagiliran nito gamit ang paa ko. Napabalikwas naman ito ng bangon at tiningnan ako nang masama.Nginisihan ko naman siya at inayos ang kumot sa katawan "Hindi ako makatulog."Bumalik ito sa pagkakahiga at nagbuntunghininga. "Wala akong pakialam kung hindi ka makatulog. Isinakripisyo ko na nga ang kama ko sa iyo tapos pati pagtulog ko ay kukunin mo pa sa akin? 'Wag kang mandamay, Xylc. Matulog ka na.""Hindi nga ako makatulog saka wala ka namang trabaho bukas 'di ba? Sabi mo kakatapos lang ng bahay na ginagawa niyo tapos nasa talyer ulit ang tricycle mo. Tsika muna tayo. Pampaantok lang. Ikaw kasi, ayaw mong patayin ang ilaw. Kalalake mong tao tapos takot kang matulog sa dilim."Pu
"Wala kang pasok?"Napapitlag ako sa pagkakatunganga sa harap ng laptop nang marinig ang boses ni Pierce mula sa pinto. Hindi ko namalayang nakauwi na pala ito.Umayos ako ng upo sa silya sa maliit niyang sala at tiningnan ang lalake na pawis na pawis habang naghuhubad ng t-shirt. Nabilad na naman sa mga mata ko ang magandang katawan nito."Tapos na. Isang subject lang ako ngayon, eh. Kain ka na. Nagluto ako ng ginataang monggo diyan. Pinakialaman ko na ang laman ng kusina mo. Pero ako naman ang bumili ng ibang panakot. Kain ka na."Kumuha ito ng t-shirt sa karton sa ilalim ng kama nito at isinuot. Nakasunod naman agad ang mga mata ko sa toned at tanned na namumutok na muscles nito."Salamat. Tamang-tama. Gutom na gutom ako."Kumuha ito ng plato at nagsandok ng pagkain. Halatang gutom nga ito dahil sa sunud-sunod na pagsubo pero kahit ganoon ay may class pa rin. Hindi katulad kong kumain na parang barumbado sa kanto.Sa ilang araw ko na ring pananatili rito sa bahay niya ay may napapa
Nagising ako mula sa kalabog na nagmumula sa kabilang silid na inookupa ni Pierce. Tiningnan ko ang oras sa cellphone at napailing nang makitang pasado alas dose na ng madaling-araw."Kung kumayod ang gago, parang ilang dosenang anak ang kailangang palamunin," sambit ko at inayos ang pagkakahiga sa banig sa sahig.Lagpas isang buwan na rin akong nakalipat sa katabing silid matapos mabakante ito nang umalis na single mom. Sa loob ng mga araw na iyon ay ilang beses ko na ring napansin si Pierce na halos umaga na kung umuwi.Isa pang kalabog mula sa kabila ay bumangon na ako bitbit ang banig, unan, at kumot. Lumabas ako at tuluy-tuloy na pumasok sa bukas na pinto ng kapitbahay.Balewalang humiga ako sa kama ni Pierce at nakataas ang mga kamay sa ulo na tinitigan ang lalakeng nakahubad-baro na umiinom ng tubig habang nakabalandra sa sahig sa may kusina.Mukhang lasing dahil namumula ang mukha pero alam kong dahil lang ito sa sobrang pagod."Dito ako matutulog, ha. Namamahay pa ako sa kabi
"Ate, kailan ka uuwi sa bahay?"Nawala ang ngiti ko sa tanong na iyon ng kapatid. Umayos ako ng upo sa sahig at isinandal ang ulo sa dingding."Hindi na ba galit si nanay sa akin, Jun?" Hindi ito kumibo sa kabilang linya kaya alam ko na ang sagot. Galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon."Kumakain ba kayo nang maayos ni Missy? Si tatay? Magaling na ba siya?""Ayun, bumabalik na naman sa pag-iinom. 'Te, uwi ka na dito, please. Miss ka na namin."Pumikit ako para pigilan ang pag-iinit ng mga mata."Oo naman. Uuwi rin si ate diyan. Ikaw pa. Malakas ka sa akin. Iyong pag-aaral niyo ni Missy, maayos ba? Binibigyan ba kayo ng baon ni nanay? Iyong pinadala ko sa iyo, tinitipid mo ba? 'Wag mo ring sabihin kay nanay na binibigyan kita ng pera, ha. Para sa inyong dalawa iyon.""Oo, ate. Ikaw, kumakain ka pa ba diyan te?"Tuluyan nang tumulo ang luha ko sa tinuran ng kapatid."Asus at inintindi pa talaga ako. 'Wag mong alalahanin si ate rito. Healthy and pretty pa rin ang ate niyo."Tumawa si
Nakatulala akong nakatunganga sa kawalan habang kagat ang labi. Kanina pa ako nakabalik sa kwarto dahil tinulugan na ako ni Pierce matapos niya akong pagbigyan sa hiling ko na isa pang kiss. Ngumisi lang ito, kinabig ako, at pinatikim ako ng isa na namang makapugto-hiningang halik kaya naman kahit alas-singko na ng umaga ay gising pa rin ako at paulit-ulit na binabalikan sa isip ang pakiramdam kanina."Gaga ka talaga kahit kailan, Xylca. Bakit mo nagawa iyon? Bakit mo na naman pinahiya ang sarili mo."Ibinaon ko ang mukha sa unan at tinadyakan ang mga nakakalat na damit sa sahig. Pinukpok ko ang ulo at ikinulong ang sigaw sa unan."Bakit pa ako humingi ng isa pa? Anong isa pa? Ganoon na ba ako kamanyak na tao? Paano na ang puri ko? Ano na lang ang magiging tingin ni Pierce sa akin?"Natigilan ako sa huling nasabi at tumitig sa nabubulok na na kisame. "Sandali, kailan pa ako nagkaroon ng pake sa iisipin ng ibang tao? Ano naman ngayon kung iisipin ni Pierce na manyak ako? Slight totoo
"Kagabi..."Agad akong tumayo sa pagkakaupo sa batuhan sa labas ng gate ng abandonadong parke para iwan si Pierce. Akala ko ay kung ano na ang problema nito ng mabilis niya akong niyaya na tumambay. "Naku, may sinaing nga pala akong naiwan. Baka masunog," palusot ko pero bago pa ako tuluyang makahakbang ay pinigilan niya ako sa kamay at seryosong tiningnan."It's not about the kiss."Agad akong bumalik sa tabi nito at mabilis na nagpakawala ng tawa. Inayos ko ang pagkakaupo at pabirong hinampas ang braso nito."Luto na pala ang kanin. Naluto ng mag-isa. Bakit, alin tungkol sa kagabi ang sasabihin mo?""The reason why I don't celebrate my birthday anymore."Saglit akong natigilan sa nabanaag na kalungkutan sa boses nito. Kumilos ako papunta rito at iginalaw ang ulo para pag-aralan ang mukha nito. Maliban sa lungkot ay may nababasa akong galit mula rito."Bakit nga ba, Pierce? Uy, willing na siya na mag-share sa akin."Kumuha ako ng tsitsirya at binuksan."It has lost its meaning to me
Hindi na niya ako hinayaang makasagot. Siniil uli niya ako ng halik at ikinulong sa yakap nito. Tinugon ko ang kaniyang mga haplos at kusang nagpaubaya rito. Kahit nang kinarga niya ako papasok sa silid at narinig ko ang pagsara ng pinto ay hindi ako pumalag.Kahit nang ihiga niya ako sa sahig ay hindi ako tumutol. Nang paulanan niya ng halik ang leeg ko ay napasinghap ako sa sensasyon at nakaawang ang labi na tumitig pabalik sa butiki sa bubong na naninilip sa amin.Napaungol ako nang dakutin ni Pierce ang dibdib ko mula sa labas ng suot na t-shirt at panggigilan."Malaki ba?" ang curious na tanong ko habang sinusuklay ko ang buhok niya at nakakagat-labi. "Kasya ba sa kamay mo?" Ngumisi siya sa akin at ipinaloob ang kamay sa t-shirt ko para damhin ito."Tama lang. May ilalaki pa ito sa mga kamay ko."Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi nito."Una at huli natin ito, Pierce. Wala nang susunod pa."Umangat ang sulok ng bibig nito at saglit na tumigil sa panggigigil sa akin para titigan
Hindi pa man namin nabubuksan ang ilaw ay atat na isinandal ako ni Pierce sa pader at sinakop ang mga labi ko. Idinikit ko ang katawan nito at kinagat ang labi nito para makapasok ang dila at paglaruin sa dila nito. Napaungol si Pierce sa ginawa ko at ikiniskis ang katigasan sa hita ko.Nagmamadaling hinubad nito ang barong at isinunod ang inner shirt saka mabilis akong binalikan at pinatagilid para hubarin ang suot kong gown. Dama ko ang init sa bawat dantay ng daliri nito sa balat ko. Ramdam na ramdam ko ang pagnanasa sa bawat hagod nito sa dibdib ko na natatakpan na lang ng bra na wala na halos itinago.“Let’s turn on the lights. I wanna see you,” ani nito sa malat na boses.Pagbaha ng ilaw ay wala na itong inaksayang oras. Binuhat niya ako at idineposito sa kama at agad na kinubabawan at sinimulang hubarin ang bra ko. Naghahabol sa hininga na dumapo sa tiyan ko ang hintuturo nito na pumadausdos pababa hanggang sa makarating sa ibabaw ng panty ko.Kagat ang labi na iginalaw nito iy
Napili naming venue sa kasal ang private island na pagmamay-ari ng Herrera clan. Beach wedding ang gusto ko na mas nagmukhang garden wedding sa dami ng bulaklak. Imbitado ang lahat ng mga kapamilya namin at mga kaibigan. Kahit kakaunti lang ang nagpunta sa side ni Pierce ay masaya pa rin ito lalo na at ang kapatid nitong si Jasper ang tumayong best man samantalang si Missy naman ang maid of honor ko. Pinadalhan din namin ng invitation si Marga pero magalang itong tumanggi. Ang huling balita ko na lang dito ay tumulak ito papunta sa Europe. “Finally! You are getting married too!” Niyakap at hinalikan ako ni Myca na sumugod sa mansion kasama ang mga kaibigan. Pinasadahan niya ako ng tingin. “You have always been so beautiful Xylc but you look more especially glowing now. Congratulations.”“Salamat, Myca.” “O ‘di ba? Sabi ko naman sa iyo bruha, effective ang operation amuin si Fafa Pierce mo,” ani ni Pariah na sunod na yumakap sa akin.“Kaya nga e. Hindi na niya nakaya ang kamandag
"Wyn, nak, tumawag na ba ang papa mo? Ang sabi niya ay pauwi na siya. Tawagan mo nga uli," utos ko rito habang nasa harap ng salamin at nagme-make up.Susunduin niya kami para sa weekly dinner namin sa labas. Alas-sais pa nito sinabing nakalabas na ito ng office pero mag-a-alas siyete na ay wala pa rin ito. Hindi naman traffic ayon sa app na pinagtanungan ko.Naroon naman ang pamilyar na pagbundol ng kaba sa dibdib ko na pilit kong iwinaksi. "Ma, kaka-text lang ni papa. Basahin ko ha. Xylc my goddess, magpahatid na lang kayo kay manong sa resto. Need to reroute due to traffic. Love you. Mwah mwah," basa nito na puno pa ng feelings.Naglagay na ako ng lipstick. "Ganun ba. Replayan mo. Sabihin mo na ok.""Ok lang ang sasabihin ko ma? Walang mwah mwah?"Tinawanan ko si Wyn saka tumayo para tingnan ang sarili sa salamin."Sige, lagyan mo ng mwah mwah. Damihan mo. Mga sampu.""Okay po."Nang makontento sa ayos ay hinila ko na ang kamay ng anak palabas. Naghihintay na ang driver na binuksa
Ilang beses akong huminga nang malalim habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa ospital. Bawat segundong dumadaan ay pasakit sa akin. Makailang beses akong pinangapusan ng hininga pero lumaban ako. Kailangan kong makita si Pierce. Kailangang makita ko siyang buhay.Hindi pa man nakaka-park ang kotse ay binuksan ko na ang pinto at lumabas. Sa entrance pa lang ay nakaramdam na ako ng pagkaliyo. Butil-butil ng pawis ang gumiti sa noo ko. Kahit hindi ko tingnan ang sarili ay alam kong putlang-putla na ako. Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan, ang pakiramdam na parang sinasakal ako habang hinahanap ko noon ang katawan ni Pierce. Nakakasuka sa kaba. Tandang-tanda ko pa ang mukha nito noon. Ang putla nito na parang wala ng buhay. Ayoko na iyong maranasan. Hindi ko kaya.Sinubukan kong humakbang uli pero labis ang panginginig ng tuhod ko kaya sumandal muna ako sa pader at ipinikit ang mata. Habol ang hininga na pilit kong pinayapa ang sarili. “Okay lang po ba kayo, ma’am?” tano
Tanghali na ako nagising kinabukasan. Ikaw ba naman ang madaling-araw na lubayan sa kakakadyot kung hindi ka rin ba tanghaliin ng gising. Iniunat ko ang katawan at napangiwi sa sakit. Para akong binugbog, iyong masarap na klase ng bugbog. Feeling ko nga ay namaga talaga ang lips ng kipay ko sa sobrang gigil nito kagabi. “Ang mokong na iyon. Sinulit talaga.” Pati boses ko ay malat sa kakasigaw at kakaungol. Parang lumantak siya ng sangkaterbang energy drink sa ginawa nito sa akin kagabi. Ito lahat ang tumrabaho. Nakahiga lang ako doon habang kung anu-anong posisyon ang itinuturo niya sa akin. Biniro ko pa nga na baka inubos nito lahat ng porno sa ilang taon na wala itong partner. Tumanggi naman ito. Minsan lang daw. Nagbabasa raw ito nang madalas. Isinuot ko ang roba at kinuha ang cellphone. Message kaagad ni Pierce ang binasa ko.“I cooked something for you. Eat and rest well, Xylc. Thank you so much for last night. I love you.”“Luh, parang tanga,” nangingiting wika ko at paulit-
Buong hapunan ay dama ko ang tensiyon sa aming dalawa ni Pierce. Iniiwasan naming magkadikit dahil baka hindi namin makontrol ang sarili. Gusto na nga naming hilahin ang oras para makatulog na si Wyn. Si Pierce na ang nagpatulog kay Wyn. Ako ay tumalilis na sa kwarto para maligo. Muntik pa akong mapasigaw nang paglabas ko sa banyo ay agad akong hilahin ni Pierce para isandal sa pader. Wala na itong sinayang na oras. Gigil na sinakop niya ang mga labi ko at iniangkla ang hita ko sa bewang nito. Ipinulupot ko ang mga kamay sa leeg nito bago pumikit at ibinuka ang bibig para papasukin ang dila nito na agad naglumikot sa loob. Bumaba ang halik nito sa tenga pababa sa leeg ko at mahinang kinagat ang balat doon. Hindi pa ito nakontento at sinipsip pa ito para mag-iwan ng kiss mark. Marahas na hinaplos at nilamas niya ang puwet ko.Napaungol ako sa sensasyon lalo na nang ikiskis niya sa tiyan ko ang katigasan nito. Hinihingal na tinitigan niya ako habang dahan-dahang hinihila ang tali ng
Lunes ng umaga ay natagpuan ko ang sarili na nasa harap ng opisina ni Pierce dala ang mga nilutong pagkain para sa tanghalian nito. Nagtanong-tanong ako sa mga may-asawa ng mga kaibigan kung paano sila bumabawi sa mga partner nila at ito na nga ang naging payo nila sa akin.“Bisitahin mo sa office tapos dalhan mo ng pagkain,” sabi ni Pariah nang tawagan ko siya. “Iyon lang? Sure ka bang gagana ito? Effective ba ito kay Owen?” tukoy ko sa asawa nito.“Naman! Kahit sardinas at noodles pa ang dalhin ko sa kaniya, inuubos niya.”“Eh kasi naman, patay na patay sa iyo iyang lalaki mo.”“Wow kung makapagsalita o! Parang hindi hinabol-habol ni piercing eyes!”Sunod ko namang tinawagan si Myca para humingi ng tips. “After you visit him in the office to feed and fatten him, give him a blowjob when he comes home. That will surely make him so relaxed and happy.”Namula ang mukha ko. “Blowjob? Teka, hindi ko pa napag-aaralan iyan. Baka sumabit lang sa ngipin ko ang bulbol niya.”Tumawa si Myca s
“Ma, why are you only telling me this now?”Nahinto ako sa pagpasok sa silid nang marinig ang iritableng tono ni Pierce. Tatawagan ko na sana siya para sabihin na aalis na kami dahil tapos na kaming mag-ayos ni Wyn. Pagkatapos ng hapunan sa bahay ay ito naman ang nag-aya ng dinner kasabay ang buong pamilya nito.Natuwa ako dahil patunay iyon na unti-unti nang naayos kahit papaano ang relasyon nito sa pamilya nito. Alam ko kung gaano kasalimuot ang kwento ng buhay nito. Minsan niya rin itong nakwento sa akin at mas naintindihan ko pa ang komplikadong sitwasyon nila nang magkausap ako ng mama nito tungkol sa dahilan kung bakit biglang naglayas si Pierce. “Ma, how can I tell Xylc and Wyn that? They’re expecting to have dinner with you and the rest of the family. Ako ang ang-aya sa kanila kasi akala ko na okay na. Sabi mo okay na ‘di ba? Ang sabi nila pupunta sila? But why would they suddenly cancel it?”Ramdam ko ang frustration sa boses nito at kung hindi ko lang alam na si Pierce ito
“Ahm Pierce?" Kumatok ako sa bukas na pinto. Mula sa pagkakasubsob sa harap ng sangkaterbang papeles ay nag-angat ito ng tingin sa akin.Kinuyumos ng awa ang dibdib ko pagkakita sa pagod nitong mukha.Kanina pa ako nag-aalala rito. Pagkauwi galing sa office ay dito ito agad nagkulong sa home office. Nag-aalala ako dahil hindi ito kumain ng hapunan. Kape lang ang laman ng tiyan nito. Tinanong ko ang sekretarya nito pero wala raw kinain si Pierce sa buong maghapon. Nagka-aberya daw sa project kaya inaayos nito agad. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin ito bumaba kaya inakyat ko na."Xylc, why?""Busy ka pa ng bonggang-bongga?" Nag-aalinlangan akong pumasok dahil baka hindi makaistorbo lang ako. Hinubad nito ang salamin at sumandal sa swivel chair. Pinatay rin nito ang laptop at ibinuka ang braso sa akin."Not that busy anymore. Come here.""Yown."Kinuha ko ang tray na may pagkain na nasa sahig sa labas at pumasok."Kumain ka muna. Masama ang nagpapalipas ng gutom."Inayos ko an