Revenge of the Billionaire

Revenge of the Billionaire

last updateLast Updated : 2024-07-23
By:   Alliyahmae22  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
72Chapters
4.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Evren Morales, mabait at masipag, ngunit dahil sa kahirapan, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nagtrabaho siya para kumita ng pera at para na rin sa kaniyang ina. Ngunit pinagbintangan siya sa kasalanang 'di naman niya ginawa. Habang nasa kulungan nakilala niya ang isang matandang lalaki, nalaman nito na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, kaya tinulungan at tinuruan siya nito. Dumating ang araw ng paglaya nito, kaya nangako ito kay Evren na tutulungan nito ang binata na makalaya. Isang buwan ang nakalipas, tulad ng pangako ng matanda tinulungan nito si Evren na makalaya, gamit ang pera at sa tulong ng mga matataas na kakilala nito. Sa tulong ni Don Ronaldo, malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Evren, siya'y naging makisig, guwapo at may pinag-aralan. Upang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng dating amo, muli itong pina-imbestigahan ng binata. Doon niya nalaman na planado ang kaniyang pagkakakulong at laking gulat niya ng malaman kung sino ang may pakana. Kaya naman nais niyang maghiganti, sa tulong ni Don Ronaldo, ibinigay sa kaniya ang isa sa mga negosyo nito. Pinalitan din niya ang kaniyang pangalan at ipinaiilala sa publiko bilang si Calvin Del Fierro. CEO nang isang sikat na magazine, ang CDF magazines. Ngunit paano niya gagawin ang balak kung ang asawa ng tao na kaniyang paghihigantihan ay asawa na ng dati niyang kasintahan. Magawa ba niyang maghiganti, kung malalaman niya na mahal pa rin siya nito?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter One

“EVREN tayo na!” sigaw ng kanyang kaibigan na si Andrew. “Siguro’y sapat na itong nakuha natin.” Wika nito. “Mabuti pa nga, baka naghihintay na din sa akin si Inay.” Aniya “Pupunta pa ako ng palengke pagkagaling natin ng junkshop,” wika nito habang papalapit sa kaibigan. “Kailangan kong bumili ng dagdag na gamot ni inay at bigas.” saad niya rito habang buhat-buhat ang mga kalakal na kanilang nakolekta. “Ikaw ang bahala kapag may sobra akong pera ibibigay ko na lang sa iyo para maipang dagdag na pambili ng gamot ng iyong inay,” anito sa kanya. "Salamat, Andrew.” Sabay tapik niya sa balikat nito. “Kailangan n’yo rin ang pera kaya sa mas mahalaga mo na lang ilaan. Sapat naman na siguro ang pera na makukuha ko rito sa kalakal na nakolekta natin." aniya kay Andrew. "Ikaw ang bahala, Maglakad na tayo para makabili ka na ng mga kailangan mo." Nagtungo na sila sa junk shop kung saan ibibenta ang lahat ng kanilang nakolektang kalakal. Matapos kilu...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
72 Chapters
Chapter One
“EVREN tayo na!” sigaw ng kanyang kaibigan na si Andrew. “Siguro’y sapat na itong nakuha natin.” Wika nito. “Mabuti pa nga, baka naghihintay na din sa akin si Inay.” Aniya “Pupunta pa ako ng palengke pagkagaling natin ng junkshop,” wika nito habang papalapit sa kaibigan. “Kailangan kong bumili ng dagdag na gamot ni inay at bigas.” saad niya rito habang buhat-buhat ang mga kalakal na kanilang nakolekta. “Ikaw ang bahala kapag may sobra akong pera ibibigay ko na lang sa iyo para maipang dagdag na pambili ng gamot ng iyong inay,” anito sa kanya. "Salamat, Andrew.” Sabay tapik niya sa balikat nito. “Kailangan n’yo rin ang pera kaya sa mas mahalaga mo na lang ilaan. Sapat naman na siguro ang pera na makukuha ko rito sa kalakal na nakolekta natin." aniya kay Andrew. "Ikaw ang bahala, Maglakad na tayo para makabili ka na ng mga kailangan mo." Nagtungo na sila sa junk shop kung saan ibibenta ang lahat ng kanilang nakolektang kalakal. Matapos kilu
last updateLast Updated : 2022-04-28
Read more
Chapter Two
MAG-AALAS kuwatro na nang umaga, nakahanda na si Evren upang umalis. Sinilip muna niya ang kanyang ina, nakita niyang tulog na tulog pa ito, kaya hindi na niya inabala pang gisingin ito upang magpaalam. Muli niyang binalikan ang mga inasikaso niya. maaga siyang gumising upang ipagluto muna ang ina ng almusal, Inilagay na rin niya sa mesa ang mga gamot nito na iinumin. Nang masiguro niya na maayos na ang lahat, binuhat na niya ang kanyang mga gamit. Paglabas niya ay nakita niya ang kanyang kaibigan na si Andrew na naghihintay sa labas ng kanilang bahay. "Tayo na Evren, baka naghihintay na si manong." wika ni Andrew sa kanya. "Sandali na lang Andrew, daan muna tayo sa bahay ni Aling Ason," aniya sa kaibigan. kaya naglakad si Evren patungo sa bahay na sinasabi niya. lumapit siya sa pinto at bahagya siyang kumatok. "Tao po, Aling Ason!" tawag niya. ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang matandang babae na ka-edaran
last updateLast Updated : 2022-04-28
Read more
Chapter Three
SA ISANG bar naglagi si Andrew matapos niyang magpaalam sa kaibigan. "Malas, malas talaga!" wika niya sa sarili, sabay ininom ang alak na nasa baso na kanyang hawak. "Bakit ba lagi na lang siya? masipag din naman ako at dedikado sa trabaho!" lalagok pa sana ulit siya, ngunit napansin niya na wala nang laman ang basong hawak. Kaya tinawag niya ang Bartender at humingi na nang isang bote ng alak. "Bigyan mo ako ng isang bote ng Whisky, at wala akong paki-alam kung mahal ang isa niyan," wika niya. Nang bigyan siya, agad niya itong kinuha at binuksan, hindi na siya nagsalin sa baso, doon na niya mismo ininom ang alak sa bote . Agad siyang napangiwi ng gumapang ang pait nang alak sa kanyang lalamunan. "Buwiset! naghirap din ako sa trabaho bakit ba puro na lang siya ang nakikita?""EVREN, hijo!" tawag ng isang matandang lalaki kay Evren na kaagad naman nitong ikinalingon. "Mister Martinez! kmusta po, maayos na po ba ang kalagayan n'yo?" tanong niya sa matanda habang inaalalayan n
last updateLast Updated : 2022-04-28
Read more
Chapter Four
"EVREN!” tawag ni Isabella sa kasintahan matapos niyang maligo. Nais ni Evren na makasama siya bago ito bumabalik sa trabaho, alam niya na matatagalan muli ito bago maka-uwi. Pumayag na rin naman siya, dahil hindi naman niya kayang tumanggi sa kasintahan. Mahal na mahal niya si Evren, alam din ng kanyang magulang ang kanilang relasyon dahil sa bahay nila mismo nanligaw ang binata. Nakita nang mga magulang ni Isabella ang sinseridad ni Evren kaya mabilis na napapayag nito ang kanyang mga magulang na manligaw sa dalaga. “Mahal, narito lang ako!” nang marinig ni Isabella ang tinig ng kasintahan ay agad siyang lumabas ng banyo. Paglabas pa lang niya ng pinto ay agad na naamoy ni evren ang bango na nagmumula sa kanyang kasintahan. Kaya lumapit siya rito at niyakap ang dalaga. “Ang bango mo naman, payakap nga ako!" Aniya ng yakapin ng binata si Isabella. "Evren, ano ka ba naman, maligo ka na rin, ang lagkit nang katawan mo." wik
last updateLast Updated : 2022-04-28
Read more
Chapter Five
NAKARATING si Andrew sa laguna, naisip niya na bumalik na lamang sa trabaho upang doon na lang siya magpahinga. Hindi niya magawang magpahinga sa kanilang bahay dahil sa ingay ng kanyang ina, lagi itong galit, kahit wala naman siyang ginagawa. Marahil ganoon talaga kapag hindi ka tunay na anak, "Kahit ginagawa mo naman ang lahat, hindi pa rin sapat." Wika ni Andrew sa sarili. Pagkarating ni Andrew sa kanyang trabaho, agad siyang pumasok sa kanyang silid at inihiga ang kanyang likod. “Ahh! ang sarap talagang ilapat ang likod sa higaan.” wika niya habang hinuhubad ang sapatos gamit din ang kaniyang mga paa. Matapos niyang mahubad ay umayos siya nang higa at pinag krus ang mga braso sa likod nang kanyang ulo at ginawang unan. Mas gusto pa ni Andrew na naroon na lamang siya, ayaw niyang umuwi sa kanila sa sampaloc, dahil hindi na siya komportable, lalo na noong mamatay ang kanyang ama-amahan. Kaya na obliga na siya na suportahan ang pag-aaral nang kanyang mga itinur
last updateLast Updated : 2022-04-28
Read more
Chapter six
"Mahal ko, aalis na ako bukas." Wika ni Evren habang naglalakad na sila pauwi. "Matatagalan na naman bago ako muling maka-uwi. Ngayon na ako na ang mamamahala nang pabrika, siguradong mas maraming trabaho ang maaatang sa akin." Ani Evren sa kasintahan. Tumigil si Isabella sa paglalakad at tumingin ito kay Evren, at saka hinawakan nito ang kamay nang binata. "Narito lang naman ako, maghihitay, huwag mo lang tatagalan dahil baka mainip ako." At pagak silang natawa at niyakap ang isa't isa. "Konting paghihintay na lang mahal ko. kapag naka-ipon na ako, magpapakasal na tayo sa simbahan. At maaari na tayong magtapat sa kanila. Maari na nating sabihin sa kanila na kasal na tayo kapag mayroon na akong maipagmamalaki sa kanila. Gusto kong maibigay sa iyo ang pinapangarap ng magulang mong kasal." Ani Evren habang mahigpit na nakayakap sa kasintahan. Dahil sa sinabi nang kasintahan, bahagyang inilayo ni Isabella ang sarili kay Evren. "Evren, hindi ko naman kailangan nang marangy
last updateLast Updated : 2022-06-15
Read more
Chapter Seven
"ANO! paanong nangyari?" Tanong ni Evren sa kausap sa kabilang linya. "Hindi namin alam, nakita na lang siyang patay sa loob nang kaniyang opisina. Narito na ang mga pulis, para imbestigahan kung ano ang tunay na nangyari." Paliwanang nito sa kaniya. "tigil ang operasyon nang pabrika ngayon dahil sa nangyari. Kaya diyan ka na muna tatawagan na lang kita kapag may mga impormasyon nang nakuha ang mga pulis." anito, Tumango lang si Evren at tinapos na ang tawag. Dahil doon napa-upo na lamang siya. Ilang saglit pa ay nakarinig siya nang marahang pagkatok sa kanilang pintuan. Kaya lumapit siya sa pinto upang pagbuksan ang kumakatok. "Andrew!" Aniya, sa kaibigan, at inaya niya itong pumasok muna sa kanilang bahay. Nang makapasok ito ay ibinalita niya ang nangyari sa pabrika, at katulad niya, nagulat din ito. "Paano yan, paano na ang operasyon nang pabrika.?" Tanong ni Andrew kay Evren. "Tigil muna hanggang sa matapos ang imbestigasyon nang
last updateLast Updated : 2022-06-17
Read more
Chapter Eight
"ANAK, handa na ba ang pagkain, nagugutom na ako," tanong nang kanyang ina ngunit nakita niyang tila may kausap si Evren kaya nilapitan niya ito, hindi inaasahan nang ina ni evren ang nakita. Ngunit sa halip na magalit ay masaya pa niya itong pinapasok na ikinagalit naman ni Evren. "Inay, ano ito, bakit mo siya pinapasok?" Aniya sa kanyang ina. "Evren, anak. Paki-usap hayaan mo muna kami ng iyong ama na mag-usap." Seryosong aniya nang kanyang ina sa kanya. Kaya lumabas si Evren at naglakad-lakad na muna. Hanggang dalhin siya nang kanyang mga paa sa bahay sa tapat ng isang gate. Kaya naupo muna siya at nakayukong nag-isip. Ilang saglit lang ay may tumabi sa kanya at yumakap. "May nangyari ba?" tanong ni Isabella sa kaniya. "Dumating si itay, gusto ni inay na mag-usap muna sila. Ayoko sana siyang patuluyin sa bahay kanina, kaya lang nirespeto ko na lang ang gusto ni inay" saad ni Evren. "Tama naman ang nanay mo, hayaan mo muna,
last updateLast Updated : 2022-06-18
Read more
Chapter nine
"Ikaw ba ang kamag-anak ni nanay?" Tanong nang isang doktor kay isabella. "Opo, biyenan ko po siya, asawa ko po ang anak niya, bakit po?" Aniya ni Isabella. "Ako ang doktor na laging sumusuri sa kaniya. Nais ko lang ipaalam na may malubhang sakit si nanay at hindi na ito kaya pang lunasan pa, dahil hindi ito kaagad nagamot, Sorry to say this pero, hindi na magtatagal pa si Mrs. Morales." Saad ng doktor, napatutop na lang si Isabella sa nalaman. "Pero malakas pa siya, paanong hindi na siya magtatagal?" Tanong niya. "Well, choice ni nanay na hindi magpa-chemotheraphy." anito, "magastos daw ito at ayaw na raw niyang makadagdag pa sa problema nang kaniyang anak. Nuong nakaraan lang ay hinimatay siya kaya dinala siya ng anak niya," paliwanag ng doktor kay Isabella. "Mariin niyang sinabi na huwag sasabihin sa kaniyang anak ang tunay niyang kalagayan." saad pa ng doktor. "May taning na ang buhay ni nanay, dahil hindi naagapan ang pagkalat nang cancer cells sa kanyang k
last updateLast Updated : 2022-06-23
Read more
Chapter Ten
"INAY ester!" wika ni Isabella ng Marating niya ang ospital. "Ano po ang ginagawa ninyo rito, ang buong akala ko ay umuwi na kayo sa bahay kaya 'di ako nag-alala. Saan po ba kayo nanggaling at nakarating kayo sa lugar na ito?" Nag-aalalang tanog ni Isabella sa matanda. Nanatili lamang itong tahimik, kaya hindi na ito kinulit pa nang dalaga. Hindi nagtagal, nai-uwi rin ni Isabella si aling Ester ng araw na iyon, kaya ng makarating sila sa bahay nito, muli itong tinanong nang dalaga. "Inay Ester, alam ko po na nag-aalala kayo kay Evren, pero hindi na kayo dapat pang mag-alala, dahil ginagawa ko po ang lahat para sa kaniya. Mayroon na tayong abugado na maaring makatulong sa atin. Magtiwala kayo, makakalaya din si Evren at mapapatunayan na wala siyang kasalanan." Aniya ni Isabella habang hawak ang kamay ng matanda, ngumiti lang ito at yumakap sa kaniya. "Salamat, hija. wala na akong ibang tao na maaaring asahan bukod sa iyo. Napakaswerte talaga ni Evren da
last updateLast Updated : 2022-06-23
Read more
DMCA.com Protection Status