"INAY ester!" wika ni Isabella ng Marating niya ang ospital. "Ano po ang ginagawa ninyo rito, ang buong akala ko ay umuwi na kayo sa bahay kaya 'di ako nag-alala. Saan po ba kayo nanggaling at nakarating kayo sa lugar na ito?" Nag-aalalang tanog ni Isabella sa matanda.
Nanatili lamang itong tahimik, kaya hindi na ito kinulit pa nang dalaga. Hindi nagtagal, nai-uwi rin ni Isabella si aling Ester ng araw na iyon, kaya ng makarating sila sa bahay nito, muli itong tinanong nang dalaga. "Inay Ester, alam ko po na nag-aalala kayo kay Evren, pero hindi na kayo dapat pang mag-alala, dahil ginagawa ko po ang lahat para sa kaniya. Mayroon na tayong abugado na maaring makatulong sa atin. Magtiwala kayo, makakalaya din si Evren at mapapatunayan na wala siyang kasalanan." Aniya ni Isabella habang hawak ang kamay ng matanda, ngumiti lang ito at yumakap sa kaniya. "Salamat, hija. wala na akong ibang tao na maaaring asahan bukod sa iyo. Napakaswerte talaga ni Evren dahil nakilala ka niya." Anito habang hawak ang pisngi ng dalaga. "Huwag mo siyang pababayaan, hayaan mong ikaw ang maging lakas niya upang makayanan ang bawat pagsubok na kaniyang mararanasan." anito saka tumayo at nagtungo sa silid nito.
Nakatingin lang si Isabella sa matanda habang naglalakad ito palayo sa kaniya, ngunit sinundan niya ito at inalalayan na makapasok sa silid at maingat na inalalayang makahiga sa kama. Nang makahiga ito, agad itong nagpasalamat sa kaniya. "Salamat, ang mabuti pa ay umuwi ka na at magpahinga, Alam ko na napagod ka din sa pag- asikaso sa akin at kay Evren." wika nito na may ngiti sa mga labi. "Wala pong anuman, Inay. Darating ang araw na magiging isang pamilya tayo, kaya hindi ko kayo pababayaan." malambing na aniya nito sa matanda. Kaya naman kinumutan na niya ito at hinayaan na itong makatulog at makapagpahinga. Maingat siyang lumabas ng silid at lumabas nang bahay. nagdesisyon na siyang umuwi upang makapaligo at makatulog. bukas na ang paglilitis ukol sa kaso ni Evren, kailangan niyang maghanda. Kaya naman naligo na muna siya bago siya natulog. KINABUKASAN... Maaga pa lang ay gising na si Isabella, kaya naman nag-asikaso na siya ng kaniyang sarili upang pumunta sa kulungan upang dalawing muli si Evren bago ang oras ng Hearing. Nagluto siya nang masarap na agahan para sa kaniyang kasintahan. Matapos makapagluto ay agad niya itong inilagay sa mga lagayan at inilagay sa isang paper bag. Matapos nuon ay inasikaso naman niya ang kaniyang sarili. Isang oras din ang lumipas, Handa na siyang umalis ng makita siya ng kaniyang mama. Kaya agad itong nagtanong sa kaniya. "Saan ang punta mo, Hija?" tanong nito na may bakas ng pag-aalala sa kaniya. kaya lumapit siya rito at binati muna bago sinagot ang tanong nito. "Good morning, Mama! maaga kong pupuntahan si Evren sa kulungan, nais ko muna siyang dalawin bago ang Hearing." paliwanag niya sa kaniyang ina. tumango naman ito at niyakap siya. "Mag-iingat ka, Hija. Gamitin mo na ang sasakyan ko para naman Agad kang makarating doon." Wika nito habang iniaabot sa kaniya ang susi ng sasakyan. Natuwa naman si Isabella sa alok ng kaniyang Ina, kaya napayakap siya rito ng mahigpit. "Salamat, Mama." saka siya humalik dito sa pisngi at nagmamadaling lumabas ng bahay. Isinakay niya ang kaniyang dalang paper bag na may mga laman na pagkain para sa kaniyang kasintahan at saka siya nagtungo sa driverseat. Binuhay niya ang makina at saka pinaandar ito. Dahil naka kotse siya, mabilis lang siyang nakarating sa kulungan, matapos i-park ang sasakyan, mabilis siyang bumaba bitbit ang mga dalang pagkain, nang makapasok siya sa loob, pinaghintay siyang saglit sa isang lamesa. Ilang minuto lang ang lumipas nakita na niya si Evren na lumalabas mula sa selda nito. Nakita nitong tumingin ito sa kaniya at agad na sumilay ang matatamis na ngiti ng kasitahan kaya kumaway siya rito. Nang makalabas at makalapit sa kaniya ay agad silang nagyakap, saka siya hinalikan nito sa mga labi. Matapos nuon ay ngumiti siya rito. "Akala ko mamaya pa ang punta mo," wika ni Evren kay Isabella. "Gusto ko kasing dalawin ka bago ang hearing mo. Siguradong hindi ka na naman makakakain, Dahil mag-aalala ka na naman sa mga mangyayari mamaya. Ginagawa ni attorney ang lahat para matulungan ka sa kaso mo." Saad ni Isabella Kay Evren. "Sana nga, pero kahapon, nakatanggap ako nang tawag mula sa kaniya." Anito na may bakas ng pag-aalala sa mukha. Agad naman itong napansin ni Isabella, kaya tinanong niya ito. "Bakit, anong sinabi niya sa iyo?" seryosong wika niya rito habang hawak ang mga kamay nito. "Nagpunta ang mga pulis sa planta, hinalukat nila ang mga personal kong gamit, at may nakita sila roon." Agad na bumakas ang galit sa mukha ng binata. "Hindi ko alam kung paano iyon napunta doon, pero sinisiguro ko sa iyo hindi akin ang mga gamit na iyon!" aniya ni Evren sa kasintahan. "Bakit ano ba ang mga iyon?" muling tanong ni Isabella kay Evren. "Mga ebidensya, mga gamit na may bahid ng mga dugo ni Mister Martinez!" Bulalas ni Evren. Napapahilamos na siya ng kaniyang mukha dahil sa inis na nararamdaman. "Ipina-test na nila ang mga gamit at nakumpirma na ang mga dugo na naroon ay kay boss, nalaman ko din na may nagtip sa mga pulis na naroon ang mga gamit. Isabella, nasisiguro ko na isa sa mga kasamahan ko sa trabaho ang gumawa noon, marahil ay naiinggit ito dahil sa pagiging malapit ko sa matanda." "Sa tingin mo sino naman sa kanila ang may kagagawan nito?" Aniya ng dalaga. "Ayokong magbintang, Isabella. Hahayaan ko na lang na ang diyos ang magparusa sa kaniya." Wika ni Evren kay Isabella. Kaya naman nagyakap silang dalawa. Ilang saglit pa ay inaya na ni Isabella si Evren na kumain. Kaya naman nag- agahan sila habang nagku-kuwentuhan. Hindi na binanggit ni Isabella ang nangyari sa ina nito dahil alam ng dalaga na lalo itong mag-aalala. Ayaw na niyang idagdag pa ito sa mga problema. Kaya naman sinarili na lamang niya ang pangyayari. Matapos ang kanilang agahan ay nagpaalam na si Isabella kay Evren. Iniwan na niya rito ang mga pagkain na hindi nila naubos. "Kainin mo para mamaya, ayoko pa naman na nagugutom ka." Nakangiting wika nito kay Evren. Agad naman itong nagpasalamat sa kaniya at muling yumakap.NASA loob na sila ng hukuman, tahimik ang lahat habang tinatanong ng isang abugado ang misis nang boss ni Evren.
"Ano po ba sa palagay ninyo ang tunay na dahilan ng nasasakdal, kung bakit niya nagawa iyon sa iyong asawa?" anito sa ginang. "Hindi ko nga po maintindihan sa kaniya, lahat ng kabutihan ay ginawa naming mag-asawa sa kaniya" "Kung ganoon, sa tingin ninyo ay kayang gawin iyon ng nasasakdal ang karumal dumal na pagpatay sa iyong asawa?" muling tanong ng abugado kay Mrs. Martinez. "Opo, dahil nais niyang siya na ang mag may-ari ng negosyo ng aking asawa!" Anito na may kalakip na galit. "Paano po ninyo ito nasabi, maaari po ba ninyong sabihin sa amin ng malinaw." wika ng abugado sa ginang. "Opo, Isang gabi seryoso akong kinausap ng aking mister sa aming silid. Sinabi niya na napapagod na siya sa kaniyang trabaho. kaya napag-isip niya na marahil ay oras na upang ipamahala na sa iba ang kaniyang negosyo, sa taong kaniyang pinagkakatiwalaan. kaya sinagot ko siya, kung sigurado siya sa desisyon niyang iyon. tinanong ko siya kung sino ang nais niyang mamahala. Sinabi niya na nais niyang si Evren ang nais niya ipalit sa kaniya, dahil marami na itong alam sa pasikot sikot sa kaniyang negosyo, kilala na din nito ang lahat ng mga kasosyo at mga retailers. Magaling siya sa pakikipag negosasyon. Kaya mabilis niyang nakuha ang interes ng aking asawa. pumayag ako dahil nakikita kong mabuti siyang tao." tila naiiyak na ito habang kinukuwento ang lahat. "Isang Gabi nagpaalam siya sa akin na pupunta siya ng planta dahil mayroon daw siyang gagawin. kaya pinayagan ko siya kahit gabi na. Nakahiga ako sa kama ng mayroong tumawag sa akin, isang lalaki sinabi nito na papatayin niya ako pati ang aking asawa. tinanong ko kung sino siya pero pinatay nito kaagad ang tawag. kinabukasan nalaman ko na lang na patay na ang asawa ko," saad nito habang umiiyak. Magkasalikop ang mga kamay ni Evren habang nakikinig lang sa mga pahayag ng Ginang. Alam niya na totoo lahat ang sinasabi nito. pero ang patayin ang taong naging mabuti sa kaniya ay hindi niya kayang gawin. marunong siyang tumanaw ng utang na loob, kaya ginagawa niya ang lahat para mabayaran ang kabutihan ng mag-asawa sa kaniya. Matapos ang tanungan, ibinigay na nila ang schedule ng susunod na paglilitis, kaya naman nag uwian na ang lahat ng naroon. Si Evren naman ay ibabalik na sa kaniyang kulungan, ngunit bago pa ito makalabas ay hinarang muna ito ni Isabella at niyakap ang kasintahan. "Matatapos din ang lahat ng ito, Evren." malambing nitong wika at saka tumango lang ang binata. Naglakad na ito kasabay ang maga pulis na umaalalay sa kaniya. DUMAAN ang maraming palilitis, padami na nang padami ang lumalabas na testigo laban kay Evren, hindi niya kilala ang mga iyon ni hindi nga niya kilala ang mga taong nagdidiin sa kaniya sa kaso. marahil ay mga nabayaran upang mas lalo itong madiin sa kaso. Samantalang sila ay walang ibang makuhang tetestigo upang mapatunayan na siya ay inosente, bukod tanging si Isabella lang ang nag-iisang tumestigo sa kaniya na siya ay inosente. ngunit hindi sapat ang mga sinabi nito.Matapos ang maraming paglilitis, oras na ng paghuhukom. dumating na ang araw na sisintensyahan na si Evren. kahit kinakabahan alam ni Evren na hindi sila mananalo, dahil sa dami ng mga ebidensya at mga testigo na hinarap ng kabilang kampo.
"Ikaw, Evren Morales ay hinahatulang guilty sa pagpatay kay Reynaldo Martinez." wika ng isang babae sa harap ng korte. Umiiyak naman si Isabella habang naririnig ang paghatol sa kasintahan, nanginginig na ang kaniyang mga kamay dahil nais na niyang humagulgol. Matapos ibigay ang hatol, agad na inilabas si Evren sa loob ng korte, nakita niyang humahagulgol na ng iyak si Isabella pati na rin ang kaniyang ina. Wala na siyang magagawa, kung ito ang kaniyang kapalaran matapos ang lahat ng paghihirap niya. tatanggapin na lamang niya dahil kapag lumaban pa siya, siguradong doble ang magiging balik nito sa kaniya. Dinala siya sa isang provincial jail kung saan naroon ang mga matitinik na kriminal. Habang ipinapasok siya sa loob ay sinusundan siya ng tingin ng mga preso na naroon. kaya napapikit siya at nagdasal "kayo na po ang bahala sa akin, protektahan po ninyo ako!" usal dasal ni evren.HALOS dalawang linggo nang nakakulong si Evren, madalas din siyang dalawin ni Isabella. Kaya kahit paano ay hindi siya ganoon nalulungkot. Isang araw, muling dumalaw ang kaniyang kasintahan. Ngunit malungkot ito ng sila'y magkita. Namamaga ang mga mata ni Isabella na tila kaga-galing lang sa pag-iyak. Kaya nag-aalala nagmadali siyang lumapit dito at niyakap ito. “Anong nangyari?” tanong niya rito, “sabihin mo, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Evren habang nakatingin sa mga mata ng kasintahan. "E-evren," wika nito at tila nagbabanta na naman bumagsak ang mga luha sa mata. "S-si Inay E-ester, evren..." Anito, na tuluyan ng dumaloy sa pisngi ang mga luha. "Hindi kita maintindihan, Isabella. Linawin mo anong nangyari kay inay?" Kinakabahan na si Evren dahil sa nagiging reaksyon ng kaniyang kasintahan. "Wala na siya Evren, wala na si Inay Ester, kaninang umaga pumunta ako sa bahay niyo, ipagluluto ko sana s'ya, pagpasok ko sa bahay n'yo 'di ko s
ARAW-ARAW na tinuturuan ni Ronald si Evren, simula sa pagsusulat at maayos na pagbabasa, buong araw nila itong ginagawa kahit na mayroon silang ginagawa sa loob ng kulungan, patuloy pa din siyang tinuturuan ng matanda. mathematics, history, at iba pang maaring maituro sa binata. Dahil determinado si Evren na matuto, nakikinig siya ng maigi sa mga itinuturo sa kaniya ni Ronaldo, kaya isang linggo pa lang ay hasa na siya sa pagbabasa ng tagalog at ingles. tuwing dumadalaw ang matalik na kaibigan ni Ronaldo sa kaniya, nagpapadala siya ng iba't ibang libro na maaring ituro at ipabasa kay Evren. marami pa itong bagay na itinuro rito, Habang nakahiga, at bago matulog, binabasa ni Evren ang mga libro na ipinahiram sa kaniya ng matanda. Isinasaulo niya ang lahat ng mga ito, at kinabukasan, tinatanong siya ni Ronaldo ukol sa libro na kaniyang nabasa. "Magaling, Evren." Masayang wika ni Ronaldo sa kaniya. Abala pa sila sa pag-aaral ng tawagin siya ng isang pulis, "Del
Isang buwan na ang lumipas, simula ng makalabas ang kaibigan niyang si Ronaldo, madalas siya nitong padalhan ng iba't ibang libro, upang mabasa niya ito at mahasa siya sa pagbabasa. Lahat ng oras niya ay ginugol niya sa pag-aaral nang iba't ibang uri nang asignatura,at sa bawat libro na ipinadadala sa kaniya ay may mga tanong na inilalagay si Ronaldo. Sinasagot ito ng binata at ibinabalik niya ito ng may sagot na. Labis na nasisiyahan si Ronaldo sa mabilis na pagkatuto ng binata, habang binabasa niya ang papel na may mga tanong na galing sa kaniya, napapangiti siya, dahil sa maayos na nasasagot ito ng binata. “Magaling, Evren.” aniya, habang abala siya sa pagrebisa ng mga papel, nakarinig siya ng marahan na pagkatok sa pintuan ng kaniyang opisina. “Tuloy!” aniya, marahan na bumukas ang pinto at nakita niyang ang matalik niyang kaibigan ang naroon. “Ronaldo, i have a good news!” masayang wika nito sa kaniya. Lumapit ito sa lamesa kung saan naroon ang kaibigan. Inilab
“MAGANDANG umaga po!” masayang pagbati ni Evren kay Don Ronaldo, nasa salas ito at nagkakape. “Magandang umaga rin, kumusta ang pagtulog mo?” tanong nito sa binata, habang ito’y pa-upo sa katapat na upuan. “Medyo naninibago, nasanay na po kasi ako sa tinuulugan ko sa kulungan.” ani Evren habang napapakamot sa kaniyang batok. bahagya namang natawa ang si Ronaldo sa sinabi ng binata.“Well, dapat masanay ka na sa bago mong buhay, dahil simula ngayon dito ka na titira, mamaya darating ang kaibigan ko na nagtuturo sa isang sikat na unibersidad, tutulungan ka niyang matuto sa ibang asignatura. Huwag kang mag-alala mabait iyon at hindi mahigpit, siguradong magkakasundo kayo” paliwanag ng matanda kay Evren. “Sige po, tito.” magalang nitong sagot. “Maaga kang gising, ang mabuti pa mag-sabay na tayong kumain ng almusal.” anito, tumayo ito sa upuan saka binitawan ang diyaryo na hawak. Patungo na sila nang kusina nang lumapit sa kanila ang isang katulong. “Don Ronaldo, nari
NAG-ARAL nang mabuti si Evren, Sinikap niyang matuto at pag-aralan lahat, kahit ang pamamalakad ng mga negosyo ni Don Ronaldo. Natutuwa naman ang matanda sa kanyang nakikita sa pamangkin. at kapag may libre siyang araw, wala siyang ibang ginagawa ay kundi ang magbasa ng libro. Tahimik siyang naka-upo sa may veranda nang lumapit sa kaniya ang kaniyang guro. “Evren, bakit narito ka? hindi ba dapat nasa gym ka ngayon?” tanong nito sa binata na nakatutok pa rin sa pagbabasa. “Kagagaling ko lang doon. kumusta si Tito?” tanong niya sa dalaga, naupo muna ito saka nito sinagot ang tanong ng binata, “He’s upstairs, nagpapahinga, medyo masama raw ang pakiramdam niya,” wika ni Annie, nakaramdam naman ng pag-aalala si Evren kaya tumayo siya mula sa kanyang upuan at mabilis na naglakad patungo sa silid ng kaniyang tiyuhin. pagtapat niya sa pintuan ng silid nito, marahan siyang kumatok at bahagya niya itong binksan. “Tito, can i come in?” aniya, habang nakasilip sa naka-awan
MATAPOS ang pagpapakilala kay Evren, nakita niya na nagbubulungan ang karamihan sa board member. kaya naman bahagya siyang tumikhim upang makuha ang atensyon ng iba. “Everybody, I know most of you are skeptical about me, I am Calvin Del Fierro, the only heir of Mr. Ronaldo Del Fierro, I promise to do everything, and do all my responsibilities, as your CEO and chairperson of this company. all i wish is to trust me, all of you.” aniya, “pagkatiwalaan n’yo ako tulad ng pagtitiwala n’yo sa aking Tito Ronald.” wika niya “Why do we do that? You just came out from nowhere and now you're going to be the new CEO and Chairperson of the company?” tanong ng isa sa board member, ngunit hindi nagpatalo si Evren sa kaniya. “Why, are you afraid of me Mr. Calixto Ybañez? I know you're schemes here in the company. Well let us say, all of you have a dark schemes here at hindi ako natatakot na alisin kayo mismo diyan sa kina-uupuan n'yo.” matapang niyang pananalita. “Alam ko rin kung ano
KINABUKASAN nagtungo si Evren at Don Ronaldo sa isaisanng negosyo na nais nitong ibigay sa binata, pagpasok nila ng gusali, agad silang sinalubong ng isang empleyado. “Good morning Mr. Del Fierro, I’m glad you’re already here,” anito, habang sumasabay sa paglalakad ni Don Ronaldo at Evren, “Clarisse, gather everybody at the conference room.” utos ni Don Ronaldo rito. “Now, Sir?” nag-aalangan na tanong nito. “I said it clearly, Miss Flores, And i don’t want to say it again.” “Okay, Sir, Immediately.” sagot nito. kaya lumihis na ito ng lakad. Pagpasok ng mag tito sa opisina, naroon na ang abugado ng kumpanya. “Attorney Velasquez, naayos mo na ba ang lahat?” Tanong ng matanda sa binatang Abugado. “Yes, Mr. Del Fierro. Signature mo na lang at ng iyong pamangkin ang kailangan.” Lahad nito, Inabot nito ang isang Folder sa matanda at ipinakita ang mga dokumento. “Evren, once i sign this, Automatic na ikaw na ang bagong owner ng Company, we will renamed it
ILANG araw na lang bago dumating ang pinakahihintay ng lahat, ang pinakamalaking pagtitipon na gaganapin sa mansion ng Del Fierro. Samantalang si Evren naman ay abala sa pagma-manage ng CDF magazines. “Sir Calvin, we already ship na Magazines to Cebu, natapos na rin po ang interview sa actress na napili mo, now weare heading to the photoshoot, tomorrow at nine in the morning. Tumawag din po pala si Sir Ronaldo, nasa kabilang company siya, ang sabi niya alam daw niya na abala ka ngayon ditto kaya siya na muna raw ang bahala.” Saad ng kaniyang sekretarya na si Clarisse. “Salamat, Miss Flores. Tatawagan ko na lang siya mamaya. Is that all?” tanong niya rito. “Yes, Sir. Kung may kailangan po kayo, nasa labas lang po ako.” Anito saka naglakad palabas ng opisina ni Evren. Dahil unang araw niya sa CDF kinailangan niyang tutukan ito, at dahil nakuha nito ang kaniyang interes lalo na sa Fashion, hindi niya mapigilan ang sarili na maging abala rito. Gabi na pala ng mapansin n
“Ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ni Andrew sa dalawang matanda.“About the business,” sagot ni Juanito sa anak. “We decided to merge th two Company, sa ganoon ay magiging mas malakas ito, sigurado na wala nang tatalo kapag pinagsama ang Del Fierro at Lopez.” Masayang pagbabalita ni Juanito sa dalawa.“Pero Papa, sigurado na ba kayong dalawa sa desisyon niyo?” tanong ni Andrew.“Oo nga, siguradong magiging malaking usapin ito lalo na sa mga board of directors.” Dagdag ni Calvin. Alam nilang magkapatid na malaking katanungan ito lalo na sa mga empleyado nang dalawang kumpaniya.“Andrew, Calvin. Kayong dalawa ang magiging tagapamahala ng lahat. Oo nga at pagsasamahin natin ang dalawang kumpaniya, pero hindi iyon nangangahulugan na isa lang ang mamamahala.” Ani Ronaldo, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“Ilang araw na rin namin pinag-uusapan at maiging pinag isipan ang lahat ni Ronaldo, matanda na kami at gusto na naming mag-enjoy sa buhay.” Wika ulit ni Juanito kasunod
“Pupunta ba talaga si Del fierro at Lopez?” tanong ni Nyx nang mapansin ang magkapatid na lang ang wala sa grupo.“Ang sabi ni Calvin, magsasabay na silang magkapatid sa pagpunta rito.” Sagot ni Ricardo.Ilang saglit pa ay nakita na nilang papasok ang magkapatid kasunod si Mark at Maynard.“Wow, para kayong nag-usap a! sabay pa talaga kayong apat na dumating!” ani Nyx na may pagkairita sa tinig.“Nyx the Grumpy, hindi ka ba naka score sa Girlfriend mo kaya ka ganiyan?” birong wika ni Ben sa kaibigan.“Shut up, Ben!” inis na sambit ni Nyx. “Tumigil na kayo, ang importante narito na kami atleast hindi kami nahuli.” Ani Mark ng makaupo.“Anong hindi nahuli? Huli kayong pumasok ni Gutierrez kaya sagot niyo lahat ang iinumin natin ngayon.” Nakangising wika ni Ricardo sa kaibigan.“Iyon lang ba, walang problema kung gusto niyo dagdagan niyo pa,” natatawang sagot ni Mark.Agad na naghiyawan ang grupo matapos nang sinabi ni Mark, kaya naman um-order sila ng isang expensive na whiskey. “Ngay
“Calvin, sa tingin mo ba na ito na ang tamang oras ka kausapin ang anak mo?” nag-aalangan na tanong nito sa kapatid.“Kuya, ikaw na ang nagsabi hindi matatapos ang problema kung hindi pag-uusapan.” Sagot naman ni Calvin. Kaya muli itong kumatok.“Anak, papasok na ako.” Pagbukas niya nang pinto nakita niya si Reece na abala sa pagpipinta. “bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag,” aniya sa anak,“Sorry dad, wala lang po akong gana kumain,” sagot nito habang nananatili ang atensyon sa ginagawa.“Reece, tell me, is it about your tito Andrew?” Malakas na napabuntong hininga si Reece nang mabanggit nang ama ang pangalan na ayaw na niyang marinig kahit kailan.“Dad, bakit ba siya narito? Alam ko na kailangan ko siyang respetuhin, pero hindi ko maiwasan na magalit sa kaniya.” Anito, na kaagad na binitawan ang paint brush at pallet na hawak.Naglakad ito at naupo sa gilid nang kama, “Dad, ang totoo, ayoko siyang Makita. Galit ako sa kaniya lalo na kapag naiisip ko ang mga masas
Maagang nagising si Calvin dahil sa pagtawag nang kapatid na si Andrew.“Calvin, may gagawin ka ba mamaya?” seryosong wika ng nasa kabilang linya.“Oo, may mga appointment ako ngayong araw. And by the way good morning!” natatawang wika naman ni Calvin sa kausap. Pagak na natawa naman ang nasa kabilang linya. “Sorry for waking you up this early.” Hingi naman nito nang paumanhin. “Nah! Kailangan ko rin naman gumising nang maaga, nakatoka akong magluto ngayon, kailangan kong ipagluto nang almusal ang pamilya ko. Maaga ang pasok ni Reece ngayon dahil may Exam sila, at ayoko naman abalahin ang asawa ko dahil puyat siya sa pag-aasikaso kay Anikha.” Paliwanag nito habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo.“Okay, ayos lang ban a magkita tayo mamaya, dinner?” “Kuya, magpunta ka na lang dito, magpapaluto ako kay manang isama mo si Itay, total Saturday bukas, mag-bonding tayo.” Aya naman nito na saglit namang ikinatigil nang nasa kabilang linya.“Still there, kuya?” “Yeah, sige.” Sagot
“Mukhang nagkakatuwaan kayong magkapatid,” wika nang bagong pasok sa pintuan.“Isabella!” masayang pagbati ni Calvin at Andrew rito.“Mahal ko!, mabuti naman at naisipan mo nang dalawin ang mokong na ito. Kanina pa nagtatanong ito kung kailan ka dadalaw sa kaniya.” Pagsusumbong nito sa asawa.“Ano ba naman iyan, tol! Para kang bata kung magsumbong sa asawa mo!” natatawang biro ni Andrew sa kapatid.Agad na lumapit si Calvin kay Isabella at yumakap rito. “Sa kaniya lang naman ako ganito,” nakalabing wika naman nito.“Tumigil na nga kayong dalawa.” Natatawang awat naman ni Isabella. “nakakatuwa lang na nagbalik na kayo sa dati, masaya ako para sa inyong dalawa.”“Mabuti naman at napadalaw ka, iniisip ko tuloy na baka ayaw mo na akong makita, dahil sa mga nagawa kong pagkakasala sa inyong mag ina.” Malungkot ang mukhang wika ni Andrew, habang nakayuko ang ulo.Nagkatinginan ang mag-asawa kaya naman lumapit si Isabella at nagsalita, “Nagawa kang patawarin nang asawa ko, dapat ganoon rin a
Abala si Juanito sa pagbabasa nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang ospital. Agad na nagmadali sa pagbibihis si Juanito. Mabilis siyang sumakay nang kaniyang sasakyan at agad na sinabi sa kaniyang driver kung saan ospital. Hindi nagtagal nakarating siya kaagad kung saan ospital dinala ang anak. Kinakabahang nagtanong siya sa isang nurse na kaagad naman nitong sinagot. Mabilis ang mga hakbang na nagtungo siya sa operating room. Papalapit na siya nang makita niya ang isang pamilyar na tao, “Calvin, anak, anong ginagawa mo rito?” tanong nito. “Tay, ikaw, anong ginagawa mo rito?” balik tanong nito sa ama. “Tumawag sa akin ang ospital na 'to, ang sabi narito ang anak kong si Andrew.” sagot nito. Agad na bumakas ang pagtataka at pagkagulat sa mukha ni Calvin sa sinabi ng ama. “What? Anak mo si Andrew?” Tila nagkagulatan pa ang mag-ama sa nalaman kaya naman humarap si Juanito sa anak. “Anak, sabihin mo sa akin ang mga nangyari, makik
CHAPTER Sixty-Six“Mahal, may appointment ako ngayon kay Doktora magpapahatid na lang ako kay Manong Reynante” wika ni Isabella sa asawa habang kumakain ng agahan.“Okay, ibilin mo na lang kay Manang si Anikha. Baka gabihin na rin ako nng uwi mamaya Dahil may mga meetings na kailangan kong puntahan.” sagot naman ni Calvin sa asawa.Kaya naman nng matapos ang mag-anak na mag-agahan, agad silang nag-asikaso. Bago umalis si Isabella binilinan niya ang anak na si Reece na umuwi nang maaga.“Opo, may mga projects akong tatapusin sa studio ni Dad mamaya.” anito, habang inilalagay ang ibang gamit sa bag.“Maiingat ka,” bilin ni Isabella sa anak “ikaw rin po,” nakangiting sagot naman nito sa ina.Nakasakay na nang sasakyan si Isabella at medyo malayo na sila nang mapansin niyang biglang nag-iba ang direksyon na tinatahak nila.“Manong Reynante, bakit dito tayo dumaan?” nagtatakang tanong ni Isabella sa kaniyang driver.“Pasensya na po, Mam.” napapakamot ng batok na sagot nito. “ito po kasi a
Nang maka-uwi si Juanito sa kaniyang tahanan, masaya ito mahabang mahinang sumisipol. Iyon ang nakita ni Andrew sa ama habang minamasdan ito papasok. “Look who’s happy! Is it about the business?” tanong nito.“Well, more than that!” masayang sagot nito saka ito umupo sa sofa.“Bakit nanalo ka ba sa lotto?” pabirong wika ni Andrew sa ama.Mas lalong lumapad ang ngiti ni Juanito, nais man niyang sabihin kaagad dito ang nangyari sa muli nilang pagkikita nang anak na si Evren, ngunit nanatili na lamang siyang nakangiti at minabuti na huwag na lang munang sagutin ang tanong nang anak.“Dad, I’m curious like a cat, why don’t you tell me?” ani Andrew.Alam ni Juanito na hindi titigil ang anak sa pagtatanong kaya naman sinagot niya ito, “Andrew, sasagutin ko ang tanong mo na iyan sa takdang oras, sa ngayon. Masaya ako at wala nang sasaya pa sa arawna ito.” nakangiting wika ni Juanito.Tumayo ito at nagtungo sa sarili nitong silid.Naiwan naman sa salas si Andrew habang nagtataka sa ikinikilo
Ang usapan nila na dapat ay sa negosyo, naging isang masayang kuwentuhan sa mag-ama. “I’m sure Ronaldo will be surprise, when he will find out that you are my son.” Wika ni Juanito sa anak, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“About that, I’m planning to tell him, what if, sumama ka lang sa akin para magkasama natin sabihin sa kaniya.” mungkahi nito sa ama.“Mabuti pa nga,” sagot naman nito. Saka nito tinapos ang pagkakape at tumayo na mula sa pagkaka-upo. “Nais ko rin maka-usap ang iyong tito tungkol sa iyong ina, gusto kong magpaliwag.” Anito, na seryoso ang mukha. Agad naman tumayo si Calvin, at sinundan ang ama.Nagkasundo sila na duon na lang magkita dahil may mga dala silang sariling sasakyan.Abala si Ronaldo sa pag-aalaga ng kaniyang apo nang makarinig ng sasakyan sa labas. “Nagsabi ba sa ‘yo si Calvin na uuwi siya nang maaga?” Tanong nito kay Isabella na abala ring nag-aasikaso sa kusina. “Hindi po, Tito.” Sagot nito.Kaya naman nagtungo siya sa pinto upang salubungin i