Share

Chapter Three

Author: Alliyahmae22
last update Last Updated: 2022-04-28 00:59:41

SA ISANG bar naglagi si Andrew matapos niyang magpaalam sa kaibigan. "Malas, malas talaga!" wika niya sa sarili, sabay ininom ang alak na nasa baso na kanyang hawak. "Bakit ba lagi na lang siya? masipag din naman ako at dedikado sa trabaho!" lalagok pa sana ulit siya, ngunit napansin niya na wala nang laman ang basong hawak. Kaya tinawag niya ang Bartender at humingi na nang isang bote ng alak. "Bigyan mo ako ng isang bote ng Whisky, at wala akong paki-alam kung mahal ang isa niyan," wika niya.

           Nang bigyan siya, agad niya itong kinuha at binuksan, hindi na siya nagsalin sa baso, doon na niya mismo ininom ang alak sa bote . Agad siyang napangiwi ng gumapang ang pait nang alak sa kanyang lalamunan. "Buwiset! naghirap din ako sa trabaho bakit ba puro na lang siya ang nakikita?"

           

"EVREN, hijo!" tawag ng isang matandang lalaki kay Evren na kaagad naman nitong ikinalingon. "Mister Martinez! kmusta po, maayos na po ba ang kalagayan n'yo?" tanong niya sa matanda habang inaalalayan niya itong maka-upo sa sofa ng kanyang kuwarto. "Alam ko kasing uuwi ka ngayon sa inyo, nais ko sanang ipahatid na kayo ni Andrew kay Manong pilo, para naman menos na sa pamasahe." saad nito sa kaniya.

           "Nakakahiya naman po, hindi na po kayo dapat mag-abala." aniya. "Maiging magbiyahe na lang kami, kawawa naman po si mang pilo, pagod din naman po siya sa kakamaneho, lalo na kapag may biyahe kayo sa malayo." paliwanag niya sa matanda. pagak lamang itong natawa sa kaniyang sinabi. "napaka maalalahanin mo talagang bata ka," wika nito habang pasandal sa sofa. kaya tumabi rito si Evren. "ayus lang po ba kayo? dapat po kasi nagpahinga na lang kayo."' aniya habang nagsasalin ng tubig sa baso. at saka inabot sa matanda.

            "Maayos lang naman ako, kaya ako napa rito ay mayroon akong importanteng sasabihin sa iyo." Kaya umayos muli ito ng pag-upo at humarap sa binata. "kina-usap ko ang madam mo tungkol sa iyo." saad nito sa kanya. dahil doon medyo napa-isip si Evren na ikinatawa naman ng matanda sa kanya.

            "Hijo, h 'wag kang mag-alala, ang sasabihin ko sa iyo—" hindi pa man natatapos ang sasabihin ng matanda ay biglang lumuhod si Evren sa harap ng matanda at humingi ng tawad. "Sorry po, kung mayroon man po akong nagawang mali, sisikapin ko po na hindi na mauulit ano man iyon!" wika niya habang nakayuko. agad naman siyang pinatayo ng matanda at muling pina-upo sa sofa.

            "Ano ka bang bata ka! ano ba ang mga pinasasabi mo? walang kinalaman ang bagay na yan sa sasabihin ko, kung may nagawa kang kasalanan, pinapatawad na kita." sabay hawak sa ulo ni Evren. "Tungkol sa sasabihin ko, napag-usapan namin na ikaw ang nais namin na humalili sa akin sa pabrika," saad nito. "Matanda na ako at nagiging sakitin na, hindi ko na din kaya pa ang magtrabaho. Kaya napagkasunduan namin ng iyong madam na ikaw ang papalit sa akin. dahil marami ka na din alam lalo na sa pasikut-sikot sa pabrika, kilala mo na din ang mga kliyente natin at kaya mo rin makipag-negosasyon pagdating sa mga produkto natin. ikaw ang nababagay sa posisyon." paliwanag nito sa kanya, "matatanggap mo ba ang inaalok ko sa iyo?" tanong ng matanda sa kanya.

            "Sino po ba ako para tumanggi sa alok n'yo." Sabay yakap sa matandang lalaki. "Maraming salamat po!" wika niya.

            Habang masayang nag-uusapsi Evren at ang kanyang amo, palihim palang nakikinig si Andrew sa kanilang usapan. kuyom ang kanyang mga kamay dahil sa galit sa kaibigan.

KUMUHA si Andrew ng pera sa kanyang wallet at padabog na inilapag sa ibabaw ng mesa. "Iyan ang bayad ko!" wika niya, sabay tayo dala ang bote nang alak. "Ako ang nararapat sa posisyong iyon, ako dapat!" sigaw ni Andrew, habang palabas nang bar, pasuraysuray na siyang maglakad, mayroon siyang nakabangga ngunit hindi niya itong pinansin kahit siya'y minura. Alam niya na malayo na ang kanyang nalakad, ngunit ayaw pa niyang tumigil. Nang maubos na niya ang alak sa bote na kanyang hawak. ibinato niya ito, at saka muling naglakad habang nakapamulsa. Hindi pa rin mawala ang galit na kanyang nararamdaman. hanggang sa mayroon siyang napansin na dalawang tao, na papatawid sa kabilang kalye,  nang makita kung sino, sinundan niya ang mga ito.

"ANG mabuti pa, mauuna na ako sa inyong dalawa," wika nang ina ni Evren sa kanila ni Isabella. "Ituloy n'yo na lang ang pamamasyal, ako naman ay uuwi na." saad nito habang inaayos ang bag at isinukbit sa balikat.

              "Sigurado po ba kayo, inay?" tanong ni evren sa ina. "kung gusto n'yo po uuwi na rin po kami para may kasabay kayo sa pag-uwi." wika niya, habang papatayo na rin upang ihatid ang kanyang ina, ngunit pinigil lamang siya nito. "kaya ko na, anak. Maiging ilaan mo na lang kay Isabella ang araw na ito, sapat na sa akin ang naipasyal at naibili mo ako ng mga bagong damit." at ngumiti lang ito sa kanya, kaya humalik ito sa pisngi nang magkasintahan at nagpaalam.

            "Talaga itong si inay," wika ni Evren habang tinatanaw ang ina habang papalayo. napayakap naman si Isabella sa kanya. dahil doon yumakap na rin si Evren sa kasintahan. "Ang mabuti pa manood tayo ng sine, may magandang palabas akong nakita kanina." matamis na ngumiti si Isabella kay Evren at agad na iginiya patungo sa sinehan ng mall.

            Masaya ang buong araw ng magkasintahan, matapos nilang manood ng sine, nilibot nila ang buong mall. Nang mapagod, kumain sila sa isang fastfood chain. Habang masayang kumakain, nakakita si Isabella ng mag-asawa na naglalambingan.

            "Mahal, ikaw kailan tayo magpapakasal?" tanong ni Isabella sa kasintahan. napatitig lang si Evren kay Isabella. itinigil ni Evren ang kanyang kinakain at hinawakan ang dalawang kamay ng kasintahan.

            "Malapit na mahal ko. kahit ang pinapangarap mong kasal ay malapit ko nang maibigay sa 'yo." wika niya rito. ngumiti lang si Isabella at humalik kay Evren. "Kahit simpleng kasal lang, ang mahalaga lang naman sa akin ay ang makasal taong dalawa." saad niya na ikinangiti ng binata.

            "Basta pangako, ikakasal tayo konting hintay na lang, mahal ko." wika niya kay Isabella. Dahil sa kanyang sinabi, agad siyang niyakap ni Isabella at dinampian ng halik sa kanyang labi. Dahil sa ginawa ni Isabella may naisip si Evren.

            "Mahal ko, bilisan mong kumain may pupuntahan tayo!" excited na wika ni Evren. Hindi na nagtanong pa si Isabella, sinunod niya ang sinabi ni Evren sa kanya.

            "ANONG ginagawa natin dito?" tanong ni Isabella ng marating nila ang lugar na nais puntahan ni Evren. Alam ni Evren na magagalit ito sa kanya, kaya hindi niya sinabi sa kasintahan ang kanilang pupuntahan. Dahil gabi na, ninais ni Evren na matulog sa isang motel kasama ang kasintahan.

            "Mahal ko, nandito lang tayo para matulog, nais kong magpahinga kasama ka, wala akong balak na kung ano sa iyo." Paliwanag niya sa kasintahan, ngunit nakasimngot pa din ito. kaya niyakap niya ito. "Sorry kung hindi ko sinabi sa iyo, alam ko kasi na hindi ka papayag. Mahal, sigurado kasi na matatagalan akong muli bago bumalik kaya nais ko sanang lubusin na ang mga pagkakataong magkasama tayo." Dahil sa sinabi ni Evren, agad na lumambot ang mukha ni Isabella. Kaya kumapit siya sa braso ng kasintahan at inaya na niya sa kanilang kuwarto.

            Lingid sa kanilang kaalaman, may isang tao na lihim silang sinusundan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
may Galit pala Si Andrew Kay Evren
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Four

    "EVREN!” tawag ni Isabella sa kasintahan matapos niyang maligo. Nais ni Evren na makasama siya bago ito bumabalik sa trabaho, alam niya na matatagalan muli ito bago maka-uwi. Pumayag na rin naman siya, dahil hindi naman niya kayang tumanggi sa kasintahan. Mahal na mahal niya si Evren, alam din ng kanyang magulang ang kanilang relasyon dahil sa bahay nila mismo nanligaw ang binata. Nakita nang mga magulang ni Isabella ang sinseridad ni Evren kaya mabilis na napapayag nito ang kanyang mga magulang na manligaw sa dalaga. “Mahal, narito lang ako!” nang marinig ni Isabella ang tinig ng kasintahan ay agad siyang lumabas ng banyo. Paglabas pa lang niya ng pinto ay agad na naamoy ni evren ang bango na nagmumula sa kanyang kasintahan. Kaya lumapit siya rito at niyakap ang dalaga. “Ang bango mo naman, payakap nga ako!" Aniya ng yakapin ng binata si Isabella. "Evren, ano ka ba naman, maligo ka na rin, ang lagkit nang katawan mo." wik

    Last Updated : 2022-04-28
  • Revenge of the Billionaire   Chapter Five

    NAKARATING si Andrew sa laguna, naisip niya na bumalik na lamang sa trabaho upang doon na lang siya magpahinga. Hindi niya magawang magpahinga sa kanilang bahay dahil sa ingay ng kanyang ina, lagi itong galit, kahit wala naman siyang ginagawa. Marahil ganoon talaga kapag hindi ka tunay na anak, "Kahit ginagawa mo naman ang lahat, hindi pa rin sapat." Wika ni Andrew sa sarili. Pagkarating ni Andrew sa kanyang trabaho, agad siyang pumasok sa kanyang silid at inihiga ang kanyang likod. “Ahh! ang sarap talagang ilapat ang likod sa higaan.” wika niya habang hinuhubad ang sapatos gamit din ang kaniyang mga paa. Matapos niyang mahubad ay umayos siya nang higa at pinag krus ang mga braso sa likod nang kanyang ulo at ginawang unan. Mas gusto pa ni Andrew na naroon na lamang siya, ayaw niyang umuwi sa kanila sa sampaloc, dahil hindi na siya komportable, lalo na noong mamatay ang kanyang ama-amahan. Kaya na obliga na siya na suportahan ang pag-aaral nang kanyang mga itinur

    Last Updated : 2022-04-28
  • Revenge of the Billionaire   Chapter six

    "Mahal ko, aalis na ako bukas." Wika ni Evren habang naglalakad na sila pauwi. "Matatagalan na naman bago ako muling maka-uwi. Ngayon na ako na ang mamamahala nang pabrika, siguradong mas maraming trabaho ang maaatang sa akin." Ani Evren sa kasintahan. Tumigil si Isabella sa paglalakad at tumingin ito kay Evren, at saka hinawakan nito ang kamay nang binata. "Narito lang naman ako, maghihitay, huwag mo lang tatagalan dahil baka mainip ako." At pagak silang natawa at niyakap ang isa't isa. "Konting paghihintay na lang mahal ko. kapag naka-ipon na ako, magpapakasal na tayo sa simbahan. At maaari na tayong magtapat sa kanila. Maari na nating sabihin sa kanila na kasal na tayo kapag mayroon na akong maipagmamalaki sa kanila. Gusto kong maibigay sa iyo ang pinapangarap ng magulang mong kasal." Ani Evren habang mahigpit na nakayakap sa kasintahan. Dahil sa sinabi nang kasintahan, bahagyang inilayo ni Isabella ang sarili kay Evren. "Evren, hindi ko naman kailangan nang marangy

    Last Updated : 2022-06-15
  • Revenge of the Billionaire   Chapter Seven

    "ANO! paanong nangyari?" Tanong ni Evren sa kausap sa kabilang linya. "Hindi namin alam, nakita na lang siyang patay sa loob nang kaniyang opisina. Narito na ang mga pulis, para imbestigahan kung ano ang tunay na nangyari." Paliwanang nito sa kaniya. "tigil ang operasyon nang pabrika ngayon dahil sa nangyari. Kaya diyan ka na muna tatawagan na lang kita kapag may mga impormasyon nang nakuha ang mga pulis." anito, Tumango lang si Evren at tinapos na ang tawag. Dahil doon napa-upo na lamang siya. Ilang saglit pa ay nakarinig siya nang marahang pagkatok sa kanilang pintuan. Kaya lumapit siya sa pinto upang pagbuksan ang kumakatok. "Andrew!" Aniya, sa kaibigan, at inaya niya itong pumasok muna sa kanilang bahay. Nang makapasok ito ay ibinalita niya ang nangyari sa pabrika, at katulad niya, nagulat din ito. "Paano yan, paano na ang operasyon nang pabrika.?" Tanong ni Andrew kay Evren. "Tigil muna hanggang sa matapos ang imbestigasyon nang

    Last Updated : 2022-06-17
  • Revenge of the Billionaire   Chapter Eight

    "ANAK, handa na ba ang pagkain, nagugutom na ako," tanong nang kanyang ina ngunit nakita niyang tila may kausap si Evren kaya nilapitan niya ito, hindi inaasahan nang ina ni evren ang nakita. Ngunit sa halip na magalit ay masaya pa niya itong pinapasok na ikinagalit naman ni Evren. "Inay, ano ito, bakit mo siya pinapasok?" Aniya sa kanyang ina. "Evren, anak. Paki-usap hayaan mo muna kami ng iyong ama na mag-usap." Seryosong aniya nang kanyang ina sa kanya. Kaya lumabas si Evren at naglakad-lakad na muna. Hanggang dalhin siya nang kanyang mga paa sa bahay sa tapat ng isang gate. Kaya naupo muna siya at nakayukong nag-isip. Ilang saglit lang ay may tumabi sa kanya at yumakap. "May nangyari ba?" tanong ni Isabella sa kaniya. "Dumating si itay, gusto ni inay na mag-usap muna sila. Ayoko sana siyang patuluyin sa bahay kanina, kaya lang nirespeto ko na lang ang gusto ni inay" saad ni Evren. "Tama naman ang nanay mo, hayaan mo muna,

    Last Updated : 2022-06-18
  • Revenge of the Billionaire   Chapter nine

    "Ikaw ba ang kamag-anak ni nanay?" Tanong nang isang doktor kay isabella. "Opo, biyenan ko po siya, asawa ko po ang anak niya, bakit po?" Aniya ni Isabella. "Ako ang doktor na laging sumusuri sa kaniya. Nais ko lang ipaalam na may malubhang sakit si nanay at hindi na ito kaya pang lunasan pa, dahil hindi ito kaagad nagamot, Sorry to say this pero, hindi na magtatagal pa si Mrs. Morales." Saad ng doktor, napatutop na lang si Isabella sa nalaman. "Pero malakas pa siya, paanong hindi na siya magtatagal?" Tanong niya. "Well, choice ni nanay na hindi magpa-chemotheraphy." anito, "magastos daw ito at ayaw na raw niyang makadagdag pa sa problema nang kaniyang anak. Nuong nakaraan lang ay hinimatay siya kaya dinala siya ng anak niya," paliwanag ng doktor kay Isabella. "Mariin niyang sinabi na huwag sasabihin sa kaniyang anak ang tunay niyang kalagayan." saad pa ng doktor. "May taning na ang buhay ni nanay, dahil hindi naagapan ang pagkalat nang cancer cells sa kanyang k

    Last Updated : 2022-06-23
  • Revenge of the Billionaire   Chapter Ten

    "INAY ester!" wika ni Isabella ng Marating niya ang ospital. "Ano po ang ginagawa ninyo rito, ang buong akala ko ay umuwi na kayo sa bahay kaya 'di ako nag-alala. Saan po ba kayo nanggaling at nakarating kayo sa lugar na ito?" Nag-aalalang tanog ni Isabella sa matanda. Nanatili lamang itong tahimik, kaya hindi na ito kinulit pa nang dalaga. Hindi nagtagal, nai-uwi rin ni Isabella si aling Ester ng araw na iyon, kaya ng makarating sila sa bahay nito, muli itong tinanong nang dalaga. "Inay Ester, alam ko po na nag-aalala kayo kay Evren, pero hindi na kayo dapat pang mag-alala, dahil ginagawa ko po ang lahat para sa kaniya. Mayroon na tayong abugado na maaring makatulong sa atin. Magtiwala kayo, makakalaya din si Evren at mapapatunayan na wala siyang kasalanan." Aniya ni Isabella habang hawak ang kamay ng matanda, ngumiti lang ito at yumakap sa kaniya. "Salamat, hija. wala na akong ibang tao na maaaring asahan bukod sa iyo. Napakaswerte talaga ni Evren da

    Last Updated : 2022-06-23
  • Revenge of the Billionaire   Chapter Eleven

    HALOS dalawang linggo nang nakakulong si Evren, madalas din siyang dalawin ni Isabella. Kaya kahit paano ay hindi siya ganoon nalulungkot. Isang araw, muling dumalaw ang kaniyang kasintahan. Ngunit malungkot ito ng sila'y magkita. Namamaga ang mga mata ni Isabella na tila kaga-galing lang sa pag-iyak. Kaya nag-aalala nagmadali siyang lumapit dito at niyakap ito. “Anong nangyari?” tanong niya rito, “sabihin mo, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Evren habang nakatingin sa mga mata ng kasintahan. "E-evren," wika nito at tila nagbabanta na naman bumagsak ang mga luha sa mata. "S-si Inay E-ester, evren..." Anito, na tuluyan ng dumaloy sa pisngi ang mga luha. "Hindi kita maintindihan, Isabella. Linawin mo anong nangyari kay inay?" Kinakabahan na si Evren dahil sa nagiging reaksyon ng kaniyang kasintahan. "Wala na siya Evren, wala na si Inay Ester, kaninang umaga pumunta ako sa bahay niyo, ipagluluto ko sana s'ya, pagpasok ko sa bahay n'yo 'di ko s

    Last Updated : 2022-11-20

Latest chapter

  • Revenge of the Billionaire   Chapter seveny-two

    “Ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ni Andrew sa dalawang matanda.“About the business,” sagot ni Juanito sa anak. “We decided to merge th two Company, sa ganoon ay magiging mas malakas ito, sigurado na wala nang tatalo kapag pinagsama ang Del Fierro at Lopez.” Masayang pagbabalita ni Juanito sa dalawa.“Pero Papa, sigurado na ba kayong dalawa sa desisyon niyo?” tanong ni Andrew.“Oo nga, siguradong magiging malaking usapin ito lalo na sa mga board of directors.” Dagdag ni Calvin. Alam nilang magkapatid na malaking katanungan ito lalo na sa mga empleyado nang dalawang kumpaniya.“Andrew, Calvin. Kayong dalawa ang magiging tagapamahala ng lahat. Oo nga at pagsasamahin natin ang dalawang kumpaniya, pero hindi iyon nangangahulugan na isa lang ang mamamahala.” Ani Ronaldo, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“Ilang araw na rin namin pinag-uusapan at maiging pinag isipan ang lahat ni Ronaldo, matanda na kami at gusto na naming mag-enjoy sa buhay.” Wika ulit ni Juanito kasunod

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Seventy-one

    “Pupunta ba talaga si Del fierro at Lopez?” tanong ni Nyx nang mapansin ang magkapatid na lang ang wala sa grupo.“Ang sabi ni Calvin, magsasabay na silang magkapatid sa pagpunta rito.” Sagot ni Ricardo.Ilang saglit pa ay nakita na nilang papasok ang magkapatid kasunod si Mark at Maynard.“Wow, para kayong nag-usap a! sabay pa talaga kayong apat na dumating!” ani Nyx na may pagkairita sa tinig.“Nyx the Grumpy, hindi ka ba naka score sa Girlfriend mo kaya ka ganiyan?” birong wika ni Ben sa kaibigan.“Shut up, Ben!” inis na sambit ni Nyx. “Tumigil na kayo, ang importante narito na kami atleast hindi kami nahuli.” Ani Mark ng makaupo.“Anong hindi nahuli? Huli kayong pumasok ni Gutierrez kaya sagot niyo lahat ang iinumin natin ngayon.” Nakangising wika ni Ricardo sa kaibigan.“Iyon lang ba, walang problema kung gusto niyo dagdagan niyo pa,” natatawang sagot ni Mark.Agad na naghiyawan ang grupo matapos nang sinabi ni Mark, kaya naman um-order sila ng isang expensive na whiskey. “Ngay

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Seventy

    “Calvin, sa tingin mo ba na ito na ang tamang oras ka kausapin ang anak mo?” nag-aalangan na tanong nito sa kapatid.“Kuya, ikaw na ang nagsabi hindi matatapos ang problema kung hindi pag-uusapan.” Sagot naman ni Calvin. Kaya muli itong kumatok.“Anak, papasok na ako.” Pagbukas niya nang pinto nakita niya si Reece na abala sa pagpipinta. “bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag,” aniya sa anak,“Sorry dad, wala lang po akong gana kumain,” sagot nito habang nananatili ang atensyon sa ginagawa.“Reece, tell me, is it about your tito Andrew?” Malakas na napabuntong hininga si Reece nang mabanggit nang ama ang pangalan na ayaw na niyang marinig kahit kailan.“Dad, bakit ba siya narito? Alam ko na kailangan ko siyang respetuhin, pero hindi ko maiwasan na magalit sa kaniya.” Anito, na kaagad na binitawan ang paint brush at pallet na hawak.Naglakad ito at naupo sa gilid nang kama, “Dad, ang totoo, ayoko siyang Makita. Galit ako sa kaniya lalo na kapag naiisip ko ang mga masas

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-nine

    Maagang nagising si Calvin dahil sa pagtawag nang kapatid na si Andrew.“Calvin, may gagawin ka ba mamaya?” seryosong wika ng nasa kabilang linya.“Oo, may mga appointment ako ngayong araw. And by the way good morning!” natatawang wika naman ni Calvin sa kausap. Pagak na natawa naman ang nasa kabilang linya. “Sorry for waking you up this early.” Hingi naman nito nang paumanhin. “Nah! Kailangan ko rin naman gumising nang maaga, nakatoka akong magluto ngayon, kailangan kong ipagluto nang almusal ang pamilya ko. Maaga ang pasok ni Reece ngayon dahil may Exam sila, at ayoko naman abalahin ang asawa ko dahil puyat siya sa pag-aasikaso kay Anikha.” Paliwanag nito habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo.“Okay, ayos lang ban a magkita tayo mamaya, dinner?” “Kuya, magpunta ka na lang dito, magpapaluto ako kay manang isama mo si Itay, total Saturday bukas, mag-bonding tayo.” Aya naman nito na saglit namang ikinatigil nang nasa kabilang linya.“Still there, kuya?” “Yeah, sige.” Sagot

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-eight

    “Mukhang nagkakatuwaan kayong magkapatid,” wika nang bagong pasok sa pintuan.“Isabella!” masayang pagbati ni Calvin at Andrew rito.“Mahal ko!, mabuti naman at naisipan mo nang dalawin ang mokong na ito. Kanina pa nagtatanong ito kung kailan ka dadalaw sa kaniya.” Pagsusumbong nito sa asawa.“Ano ba naman iyan, tol! Para kang bata kung magsumbong sa asawa mo!” natatawang biro ni Andrew sa kapatid.Agad na lumapit si Calvin kay Isabella at yumakap rito. “Sa kaniya lang naman ako ganito,” nakalabing wika naman nito.“Tumigil na nga kayong dalawa.” Natatawang awat naman ni Isabella. “nakakatuwa lang na nagbalik na kayo sa dati, masaya ako para sa inyong dalawa.”“Mabuti naman at napadalaw ka, iniisip ko tuloy na baka ayaw mo na akong makita, dahil sa mga nagawa kong pagkakasala sa inyong mag ina.” Malungkot ang mukhang wika ni Andrew, habang nakayuko ang ulo.Nagkatinginan ang mag-asawa kaya naman lumapit si Isabella at nagsalita, “Nagawa kang patawarin nang asawa ko, dapat ganoon rin a

  • Revenge of the Billionaire   Chapter sixty-seven

    Abala si Juanito sa pagbabasa nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang ospital. Agad na nagmadali sa pagbibihis si Juanito. Mabilis siyang sumakay nang kaniyang sasakyan at agad na sinabi sa kaniyang driver kung saan ospital. Hindi nagtagal nakarating siya kaagad kung saan ospital dinala ang anak. Kinakabahang nagtanong siya sa isang nurse na kaagad naman nitong sinagot. Mabilis ang mga hakbang na nagtungo siya sa operating room. Papalapit na siya nang makita niya ang isang pamilyar na tao, “Calvin, anak, anong ginagawa mo rito?” tanong nito. “Tay, ikaw, anong ginagawa mo rito?” balik tanong nito sa ama. “Tumawag sa akin ang ospital na 'to, ang sabi narito ang anak kong si Andrew.” sagot nito. Agad na bumakas ang pagtataka at pagkagulat sa mukha ni Calvin sa sinabi ng ama. “What? Anak mo si Andrew?” Tila nagkagulatan pa ang mag-ama sa nalaman kaya naman humarap si Juanito sa anak. “Anak, sabihin mo sa akin ang mga nangyari, makik

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-six

    CHAPTER Sixty-Six“Mahal, may appointment ako ngayon kay Doktora magpapahatid na lang ako kay Manong Reynante” wika ni Isabella sa asawa habang kumakain ng agahan.“Okay, ibilin mo na lang kay Manang si Anikha. Baka gabihin na rin ako nng uwi mamaya Dahil may mga meetings na kailangan kong puntahan.” sagot naman ni Calvin sa asawa.Kaya naman nng matapos ang mag-anak na mag-agahan, agad silang nag-asikaso. Bago umalis si Isabella binilinan niya ang anak na si Reece na umuwi nang maaga.“Opo, may mga projects akong tatapusin sa studio ni Dad mamaya.” anito, habang inilalagay ang ibang gamit sa bag.“Maiingat ka,” bilin ni Isabella sa anak “ikaw rin po,” nakangiting sagot naman nito sa ina.Nakasakay na nang sasakyan si Isabella at medyo malayo na sila nang mapansin niyang biglang nag-iba ang direksyon na tinatahak nila.“Manong Reynante, bakit dito tayo dumaan?” nagtatakang tanong ni Isabella sa kaniyang driver.“Pasensya na po, Mam.” napapakamot ng batok na sagot nito. “ito po kasi a

  • Revenge of the Billionaire   Chapter sixty-five

    Nang maka-uwi si Juanito sa kaniyang tahanan, masaya ito mahabang mahinang sumisipol. Iyon ang nakita ni Andrew sa ama habang minamasdan ito papasok. “Look who’s happy! Is it about the business?” tanong nito.“Well, more than that!” masayang sagot nito saka ito umupo sa sofa.“Bakit nanalo ka ba sa lotto?” pabirong wika ni Andrew sa ama.Mas lalong lumapad ang ngiti ni Juanito, nais man niyang sabihin kaagad dito ang nangyari sa muli nilang pagkikita nang anak na si Evren, ngunit nanatili na lamang siyang nakangiti at minabuti na huwag na lang munang sagutin ang tanong nang anak.“Dad, I’m curious like a cat, why don’t you tell me?” ani Andrew.Alam ni Juanito na hindi titigil ang anak sa pagtatanong kaya naman sinagot niya ito, “Andrew, sasagutin ko ang tanong mo na iyan sa takdang oras, sa ngayon. Masaya ako at wala nang sasaya pa sa arawna ito.” nakangiting wika ni Juanito.Tumayo ito at nagtungo sa sarili nitong silid.Naiwan naman sa salas si Andrew habang nagtataka sa ikinikilo

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-four

    Ang usapan nila na dapat ay sa negosyo, naging isang masayang kuwentuhan sa mag-ama. “I’m sure Ronaldo will be surprise, when he will find out that you are my son.” Wika ni Juanito sa anak, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“About that, I’m planning to tell him, what if, sumama ka lang sa akin para magkasama natin sabihin sa kaniya.” mungkahi nito sa ama.“Mabuti pa nga,” sagot naman nito. Saka nito tinapos ang pagkakape at tumayo na mula sa pagkaka-upo. “Nais ko rin maka-usap ang iyong tito tungkol sa iyong ina, gusto kong magpaliwag.” Anito, na seryoso ang mukha. Agad naman tumayo si Calvin, at sinundan ang ama.Nagkasundo sila na duon na lang magkita dahil may mga dala silang sariling sasakyan.Abala si Ronaldo sa pag-aalaga ng kaniyang apo nang makarinig ng sasakyan sa labas. “Nagsabi ba sa ‘yo si Calvin na uuwi siya nang maaga?” Tanong nito kay Isabella na abala ring nag-aasikaso sa kusina. “Hindi po, Tito.” Sagot nito.Kaya naman nagtungo siya sa pinto upang salubungin i

DMCA.com Protection Status