"Ikaw ba ang kamag-anak ni nanay?" Tanong nang isang doktor kay isabella. "Opo, biyenan ko po siya, asawa ko po ang anak niya, bakit po?" Aniya ni Isabella. "Ako ang doktor na laging sumusuri sa kaniya. Nais ko lang ipaalam na may malubhang sakit si nanay at hindi na ito kaya pang lunasan pa, dahil hindi ito kaagad nagamot, Sorry to say this pero, hindi na magtatagal pa si Mrs. Morales." Saad ng doktor, napatutop na lang si Isabella sa nalaman. "Pero malakas pa siya, paanong hindi na siya magtatagal?" Tanong niya. "Well, choice ni nanay na hindi magpa-chemotheraphy." anito, "magastos daw ito at ayaw na raw niyang makadagdag pa sa problema nang kaniyang anak. Nuong nakaraan lang ay hinimatay siya kaya dinala siya ng anak niya," paliwanag ng doktor kay Isabella. "Mariin niyang sinabi na huwag sasabihin sa kaniyang anak ang tunay niyang kalagayan." saad pa ng doktor. "May taning na ang buhay ni nanay, dahil hindi naagapan ang pagkalat nang cancer cells sa kanyang k
Terakhir Diperbarui : 2022-06-23 Baca selengkapnya