“I WILL be gone for a week,” wika ni Andrew kay Isabella isang umaga, habang nagbibihis at nakaharap sa salamin. “Saan ka naman pupunta? Wala ka namang naka-schedule na mga meeting for today.” Anito, habang nakasandal sa at naka-upo sa kama. Agad namang napatingin si Andrew kay Isabella at lumapit rito, “Kailan ka pa nagkaroon ng paki-alam sa mga pupntahan ko, dati naman kapag aalis ako hindi ka nagtatanong at hinahayaan lang ako, wala tayong paki-alam sa isa’t isa. Bakit ngayon ay nagtatanong?” nagtatakang tanong ni Andrew sa kaniyang asawa. Bahagyang umiling lang si Isabella saka muling nahiga sa kama, “fine, nagtatanong lang naman ako, kung ayaw mo e, ‘di huwag,” anito, saka nagtalukbong nang kumot sa ulo. Namaywang at tumingin si Andrew sa asawa, kaya naman lumapit at naupo siya sa tabi nito at tinanggal niya ang kumot sa mukha nito. “Look, sorry kung minasama ko ang ginawa mong pagtatanong, hindi mo naman maaalis sa akin na magtaka dahil hindi mo naman gawain iyon. Madala
Last Updated : 2022-11-27 Read more