MATAPOS ang kanilang masayang pagkain, nagtungo sila sa hardin kung saan doon sila nagkuwentuhan. “Isabella, salamat at tinanggap mo ang imbitasyon ko, gusto ko sanang maka-usap ka yung tayo lang.” pagkasabi nuon ay, nagsalita si Don Ronaldo. “Reece, hijo. Ang mabuti pa iwanan na muna natin sila rito. Doon muna tayo sa study room, hayaan na muna natin na makapag-usap silang dalawa.” Wika ng Don kay Reece. “Sige po, “ sang-ayon naman nito sa Don. Kaya naman tumayo na ito at sinundan ang Don papasok sa loob ng bahay. “Evr—, I mean calvin. Hindi nga pala ikaw siya.” Pagdidiin nito sa salitang ‘siya’saka ito tumaikod at humarap sa magagandang bulaklak sa kanilang likuran. “Isabella, sorry if I hurt and say dumb things to you, nasabi ko iyon dahil galit ako at masama ang loob.” Saad ni Calvin rito. “It’s okay, wala na sa akin iyon.” Sagot naman nito. “Pero alam ko na nasaktan kita sa mga nasabi ko,” wika ni Calvin habang nakatingin sa nakatalikod na si Isabe
“KUMUSTA sila?”“Sinundan namin sila ayon sa utos mo, wala naman pong kakaiba, ayon sa driver nila, may importante daw na pina-usapan si Ma’am at Yung Calvin Del Fierro. Hindi naman po sila nagtagal after lunch naka-uwi na sila.” Saad ng isang lalaki.“Wala bang kakaiba sa pinuntahan nila.”“As of my observation, wala naman po akong nakitang kakaiba, nag-uusap lang sila.” Muling pahayag nito.“That’s good. Sige na, makaka-alis ka na, kug may makikita kayong kakaiba, sabihan niyo ako kaagad.” Utos nito, naglakad na palabas ng kuwarto ang lalaki matapos mag-report kay Andrew. “Hindi ko alam kung may itinatago ka sa akin, Isabela. And I will gonna find it out what it is.”aniya sa seryosong mukha.“I love you,” wika niya. Matapos niyang humalik sa labi ni Isabella tinapos na niya ang pagbibihis at agad na lumabas ng silid, ngunit may nakalimutan siya kaya naman bumalik sa silid. Ngunit sa hindi inaasahan narinig niya ang asawa na may kausap. Kaya naman idinikit niya ang kaniyang tainga sa
NAGING abala ang buong maghapon ni Calvin, pinilit niyang abalahin ang sarili upang hindi niya isipin ang kaniyang mag-ina. Kabi-kabilang meetings ang kaniyang dinaluhan, upang hindi niya maisip na puntahan si Isabella. Lalo na ngayon na nagka-ayos na silang dalawa. Naisip niya napadahan na lamang ito ng bulaklak, at regalo para sa kaniyang anak na si Reece. Hanggang sa nagpadala ito ng mensahe na nagpapasalamat. Dahil doon naging masaya si Calvin. “kahit sa ganitong paraan, nais kong makabawi sa kanila.” Wika ni Calvin sa sarili.Natapos ang kaniyang araw, pagod sa pakikipag-usap sa iba’t ibang klase ng tao, pagkauwi niya, hinanap niya ang kaniyang tito, naabutan niya itong may kausap, at laking tuwa niya nang makita kung sino ang kausap nito. “Reece!” masaya niyang pagtawag rito. “Tito! Mabuti naman at dumating ka na, kanina pa ako rito.” anito, matapos yumakap sa kaniyang tito Calvin. “Bakit ka narito? Alam ba nang mommy mo na pupunta ka rito?” nag-aalalang tanong nito
“KUMUSTA naman ang pag-aaral mo, Reece? Ginagawa mo ba ang lahat nang sinabi ko sa iyo? Itinigil mo na ba ang pagguhit nang mga kung anu-ano? Tandaan mo na hindi bagay sa iyo ang ganoong mga bagay, ituon mo ang sarili mo sa pagiging Architech, pangarap ko na makapagtapos ka sa ganoong kurso.” Seryosong wika ni Andrew sa binatilyo. Tumango lang si Reece habang ipinagpapatuloy ang pagkain.Matapos ang kanilang family date, nagbalik na sila sa kanilang bahay. Hindi sila nagkikibuan hanggang sa makapasok sila sa kanilang mga silid,Nais magwala ni Reece dahil sa galit sa kaniya ama. “Hindi ko talaga maatim na kasama ko ang demonyong iyon, napakasama niya!” gigil na gigil siya rito, dahil alam niya na sinaktan na naman nito ang kaniyang ina. Kanina habang kumakain sila ay nakita niya na may pasa ito sa braso, napansin naman nang kaniyang ina na nakatingin siya rito kaya naman pilit nitong tinakpan ang pasa sa braso. Wala siyang magawa, nais niyang lumayas ngunit hindi naman niya kayang i
PALABAS na nang eskuwelahan si Reece ng makita niya ang nakaparadang sasakyan ng kaniyang Daddy sa labas nang gate. Nakita niyang lumabas ito at sumandal nang sasakyan. “You’re here, sumakay ka na may pupuntahan tayo.” Anito kay reece. Wala naman itong nagawa kung ‘di sumakay nang sasakyan. Habang nasa loob nang sasakyan, tahimik lang si Reece habang nakatingin sa labas nang bintana. “Hey, minsan lang ito, naisip ko na kailangan na natin mag-bonding, alam ko naman na marami akong pagkukulang sa iyo, gusto ko lang makabawi.” Wika ni Andrew kay Reece ngunit hindi naman ito kumikibo o kahit tapunan siya nang tingin ay hindi nito ginagawa. “I don’t care, your f*****g crazy, and I hate you!” aniya ni Reece sa sarili. Hindi niya ito kinikibo o pinapansin hanggang sa makarating sila sa isang restaurant. Pumasok sila at saka naupo, kung saan nakapagpa-reaserved na si Andrew. Nang maka-upo na sila, nilapitan sila nang isang waiter at tinanong ang kanilang order. Matapos makuha ang nai
DINALA muna ni Calvin si Reece sa kanilang bahay, upang makapagpahinga. Nilaanan na niya ito nang silid upang sa tuwing pupunta ito roon ay may silid ito na mapagpapahingahan. Tuwang tuwa naman si Reece nang makita ang loob dahil kumpleto na ito sa kagamitan. “Salamat po, Tito.” Pasasalamat nito, habang nakayakap kay Calvin. “Sige na, magpahinga ka na muna. Mamaya ka na umuwi. Tatawagan ko ang mommy mo para alam niya na narito ka.”wika ni Calvin. tumango naman si Reece at saka pumasok nang silid. Pagkasara ni Reece ng pinto, kinuha ni Calvin ang kaniyang cellphone at tinawagan si Isabella. Mabilis naman itong sumagot. “Hello,” anito.“Isabella, narito si Reece sa mansyon, mamaya ko na siya papauwiin. Nagkasagutan sila ni Andrew mabuti na lamang at naroon ako. Huwag mong sasabihin kay Andrew na alam mo na ang nangyari.” Bilin nito sa dating kasintahan.Tila lumuwag ang paghinga ni Isabella nang marinig na nasa piling ni Calvin ang kaniyang anak. “Mabuti naman, ikaw na muna ang
“ANNIE SALVACION!” tawag nang isang nurse. Kaya naman agad na lumapit si Annie rito. Ilang Araw na kasing masama ang pakiramdam niya kaya naman nagpa-check up na siya. Pagpasok niya sa loob nang silid ay naghihintay na sa kaniya ang doctor. “Miss Salvacion?” tanong nito, tumango siya saka siya nito pina-upo. “So, ayon dito sa iyong mga lab test, wala naman problema sa iyo. Normal naman lahat sa iyo,” paliwanag nito.“Mabuti kung ganoon, pero bakit po lagi masama ang sikmura ko? Lalo na sa umaga, parang hinahalukay kaya napapatakbo ako sa banyo dahil bigla na lang akong nasusuka. Pero kapag naroon na ako, wala naman akong nailalabas. Iniisip ko nab aka dahil sa mga kinakain ko this past few weeks dahil may ga kinakain kasi ako ngayon na hindi ko naman talaga normally kinakain. Yng ayaw kong kainin noon, gustong gusto kong kainin ngayon.” Saad naman ni Annie. Bahagya niyang narinig na tumawa ang doctor at saka ipinaliwanag ang lahat.“Miss, normal ang mga iyan, cause your seven weeks p
“EVERTHINGS ready, Sir.” Wika nang isang lalaki kay Calvin.“Maraming salamat sa lahat.” Pasasalamat nito, matapos makipag-kamay rito. “hindi ito maisasakatuparan kung wala ang tulong mo.”“Ako po ang dapat na magpasalamat, Sir Calvin. naging maayos ang buhay nang pamilya ko dahil sa tulong mo. Maraming salamat po.” Anito, “Ang mabuti pa umalis na po tayo, sigurado na naghihintay na sila.” Tumango lang si Calvin at saka sila sumakay nang sasakyan. Hindi nagtagal nakarating sila sa isang sikat na restaurant kung saan doon magaganap ang importanteng meeting ni Calvin.“Dito muna po kayo, sir. Ako muna po ang kakausap sa kaniya.” anito nang makapasok sila sa VIP room. Tumango lang si Calvin at naupo.Lumabas ito nang VIP room at pumasok sa kabilang silid kung saan may taong naghihintay sa kaniya. Pagpasok nito, agad na tumayo ang lalaki upang salubungin ito.“Good morning, Mr. Sanchez.” Bati nito.“And to you, too. Mr. Dela Cruz. Pag-usapan na natin ang tungkol sa negosyo.” Anito. Nan
“Ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ni Andrew sa dalawang matanda.“About the business,” sagot ni Juanito sa anak. “We decided to merge th two Company, sa ganoon ay magiging mas malakas ito, sigurado na wala nang tatalo kapag pinagsama ang Del Fierro at Lopez.” Masayang pagbabalita ni Juanito sa dalawa.“Pero Papa, sigurado na ba kayong dalawa sa desisyon niyo?” tanong ni Andrew.“Oo nga, siguradong magiging malaking usapin ito lalo na sa mga board of directors.” Dagdag ni Calvin. Alam nilang magkapatid na malaking katanungan ito lalo na sa mga empleyado nang dalawang kumpaniya.“Andrew, Calvin. Kayong dalawa ang magiging tagapamahala ng lahat. Oo nga at pagsasamahin natin ang dalawang kumpaniya, pero hindi iyon nangangahulugan na isa lang ang mamamahala.” Ani Ronaldo, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“Ilang araw na rin namin pinag-uusapan at maiging pinag isipan ang lahat ni Ronaldo, matanda na kami at gusto na naming mag-enjoy sa buhay.” Wika ulit ni Juanito kasunod
“Pupunta ba talaga si Del fierro at Lopez?” tanong ni Nyx nang mapansin ang magkapatid na lang ang wala sa grupo.“Ang sabi ni Calvin, magsasabay na silang magkapatid sa pagpunta rito.” Sagot ni Ricardo.Ilang saglit pa ay nakita na nilang papasok ang magkapatid kasunod si Mark at Maynard.“Wow, para kayong nag-usap a! sabay pa talaga kayong apat na dumating!” ani Nyx na may pagkairita sa tinig.“Nyx the Grumpy, hindi ka ba naka score sa Girlfriend mo kaya ka ganiyan?” birong wika ni Ben sa kaibigan.“Shut up, Ben!” inis na sambit ni Nyx. “Tumigil na kayo, ang importante narito na kami atleast hindi kami nahuli.” Ani Mark ng makaupo.“Anong hindi nahuli? Huli kayong pumasok ni Gutierrez kaya sagot niyo lahat ang iinumin natin ngayon.” Nakangising wika ni Ricardo sa kaibigan.“Iyon lang ba, walang problema kung gusto niyo dagdagan niyo pa,” natatawang sagot ni Mark.Agad na naghiyawan ang grupo matapos nang sinabi ni Mark, kaya naman um-order sila ng isang expensive na whiskey. “Ngay
“Calvin, sa tingin mo ba na ito na ang tamang oras ka kausapin ang anak mo?” nag-aalangan na tanong nito sa kapatid.“Kuya, ikaw na ang nagsabi hindi matatapos ang problema kung hindi pag-uusapan.” Sagot naman ni Calvin. Kaya muli itong kumatok.“Anak, papasok na ako.” Pagbukas niya nang pinto nakita niya si Reece na abala sa pagpipinta. “bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag,” aniya sa anak,“Sorry dad, wala lang po akong gana kumain,” sagot nito habang nananatili ang atensyon sa ginagawa.“Reece, tell me, is it about your tito Andrew?” Malakas na napabuntong hininga si Reece nang mabanggit nang ama ang pangalan na ayaw na niyang marinig kahit kailan.“Dad, bakit ba siya narito? Alam ko na kailangan ko siyang respetuhin, pero hindi ko maiwasan na magalit sa kaniya.” Anito, na kaagad na binitawan ang paint brush at pallet na hawak.Naglakad ito at naupo sa gilid nang kama, “Dad, ang totoo, ayoko siyang Makita. Galit ako sa kaniya lalo na kapag naiisip ko ang mga masas
Maagang nagising si Calvin dahil sa pagtawag nang kapatid na si Andrew.“Calvin, may gagawin ka ba mamaya?” seryosong wika ng nasa kabilang linya.“Oo, may mga appointment ako ngayong araw. And by the way good morning!” natatawang wika naman ni Calvin sa kausap. Pagak na natawa naman ang nasa kabilang linya. “Sorry for waking you up this early.” Hingi naman nito nang paumanhin. “Nah! Kailangan ko rin naman gumising nang maaga, nakatoka akong magluto ngayon, kailangan kong ipagluto nang almusal ang pamilya ko. Maaga ang pasok ni Reece ngayon dahil may Exam sila, at ayoko naman abalahin ang asawa ko dahil puyat siya sa pag-aasikaso kay Anikha.” Paliwanag nito habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo.“Okay, ayos lang ban a magkita tayo mamaya, dinner?” “Kuya, magpunta ka na lang dito, magpapaluto ako kay manang isama mo si Itay, total Saturday bukas, mag-bonding tayo.” Aya naman nito na saglit namang ikinatigil nang nasa kabilang linya.“Still there, kuya?” “Yeah, sige.” Sagot
“Mukhang nagkakatuwaan kayong magkapatid,” wika nang bagong pasok sa pintuan.“Isabella!” masayang pagbati ni Calvin at Andrew rito.“Mahal ko!, mabuti naman at naisipan mo nang dalawin ang mokong na ito. Kanina pa nagtatanong ito kung kailan ka dadalaw sa kaniya.” Pagsusumbong nito sa asawa.“Ano ba naman iyan, tol! Para kang bata kung magsumbong sa asawa mo!” natatawang biro ni Andrew sa kapatid.Agad na lumapit si Calvin kay Isabella at yumakap rito. “Sa kaniya lang naman ako ganito,” nakalabing wika naman nito.“Tumigil na nga kayong dalawa.” Natatawang awat naman ni Isabella. “nakakatuwa lang na nagbalik na kayo sa dati, masaya ako para sa inyong dalawa.”“Mabuti naman at napadalaw ka, iniisip ko tuloy na baka ayaw mo na akong makita, dahil sa mga nagawa kong pagkakasala sa inyong mag ina.” Malungkot ang mukhang wika ni Andrew, habang nakayuko ang ulo.Nagkatinginan ang mag-asawa kaya naman lumapit si Isabella at nagsalita, “Nagawa kang patawarin nang asawa ko, dapat ganoon rin a
Abala si Juanito sa pagbabasa nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang ospital. Agad na nagmadali sa pagbibihis si Juanito. Mabilis siyang sumakay nang kaniyang sasakyan at agad na sinabi sa kaniyang driver kung saan ospital. Hindi nagtagal nakarating siya kaagad kung saan ospital dinala ang anak. Kinakabahang nagtanong siya sa isang nurse na kaagad naman nitong sinagot. Mabilis ang mga hakbang na nagtungo siya sa operating room. Papalapit na siya nang makita niya ang isang pamilyar na tao, “Calvin, anak, anong ginagawa mo rito?” tanong nito. “Tay, ikaw, anong ginagawa mo rito?” balik tanong nito sa ama. “Tumawag sa akin ang ospital na 'to, ang sabi narito ang anak kong si Andrew.” sagot nito. Agad na bumakas ang pagtataka at pagkagulat sa mukha ni Calvin sa sinabi ng ama. “What? Anak mo si Andrew?” Tila nagkagulatan pa ang mag-ama sa nalaman kaya naman humarap si Juanito sa anak. “Anak, sabihin mo sa akin ang mga nangyari, makik
CHAPTER Sixty-Six“Mahal, may appointment ako ngayon kay Doktora magpapahatid na lang ako kay Manong Reynante” wika ni Isabella sa asawa habang kumakain ng agahan.“Okay, ibilin mo na lang kay Manang si Anikha. Baka gabihin na rin ako nng uwi mamaya Dahil may mga meetings na kailangan kong puntahan.” sagot naman ni Calvin sa asawa.Kaya naman nng matapos ang mag-anak na mag-agahan, agad silang nag-asikaso. Bago umalis si Isabella binilinan niya ang anak na si Reece na umuwi nang maaga.“Opo, may mga projects akong tatapusin sa studio ni Dad mamaya.” anito, habang inilalagay ang ibang gamit sa bag.“Maiingat ka,” bilin ni Isabella sa anak “ikaw rin po,” nakangiting sagot naman nito sa ina.Nakasakay na nang sasakyan si Isabella at medyo malayo na sila nang mapansin niyang biglang nag-iba ang direksyon na tinatahak nila.“Manong Reynante, bakit dito tayo dumaan?” nagtatakang tanong ni Isabella sa kaniyang driver.“Pasensya na po, Mam.” napapakamot ng batok na sagot nito. “ito po kasi a
Nang maka-uwi si Juanito sa kaniyang tahanan, masaya ito mahabang mahinang sumisipol. Iyon ang nakita ni Andrew sa ama habang minamasdan ito papasok. “Look who’s happy! Is it about the business?” tanong nito.“Well, more than that!” masayang sagot nito saka ito umupo sa sofa.“Bakit nanalo ka ba sa lotto?” pabirong wika ni Andrew sa ama.Mas lalong lumapad ang ngiti ni Juanito, nais man niyang sabihin kaagad dito ang nangyari sa muli nilang pagkikita nang anak na si Evren, ngunit nanatili na lamang siyang nakangiti at minabuti na huwag na lang munang sagutin ang tanong nang anak.“Dad, I’m curious like a cat, why don’t you tell me?” ani Andrew.Alam ni Juanito na hindi titigil ang anak sa pagtatanong kaya naman sinagot niya ito, “Andrew, sasagutin ko ang tanong mo na iyan sa takdang oras, sa ngayon. Masaya ako at wala nang sasaya pa sa arawna ito.” nakangiting wika ni Juanito.Tumayo ito at nagtungo sa sarili nitong silid.Naiwan naman sa salas si Andrew habang nagtataka sa ikinikilo
Ang usapan nila na dapat ay sa negosyo, naging isang masayang kuwentuhan sa mag-ama. “I’m sure Ronaldo will be surprise, when he will find out that you are my son.” Wika ni Juanito sa anak, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“About that, I’m planning to tell him, what if, sumama ka lang sa akin para magkasama natin sabihin sa kaniya.” mungkahi nito sa ama.“Mabuti pa nga,” sagot naman nito. Saka nito tinapos ang pagkakape at tumayo na mula sa pagkaka-upo. “Nais ko rin maka-usap ang iyong tito tungkol sa iyong ina, gusto kong magpaliwag.” Anito, na seryoso ang mukha. Agad naman tumayo si Calvin, at sinundan ang ama.Nagkasundo sila na duon na lang magkita dahil may mga dala silang sariling sasakyan.Abala si Ronaldo sa pag-aalaga ng kaniyang apo nang makarinig ng sasakyan sa labas. “Nagsabi ba sa ‘yo si Calvin na uuwi siya nang maaga?” Tanong nito kay Isabella na abala ring nag-aasikaso sa kusina. “Hindi po, Tito.” Sagot nito.Kaya naman nagtungo siya sa pinto upang salubungin i