After Divorce: I Married A Stranger

After Divorce: I Married A Stranger

last updateLast Updated : 2025-04-05
By:  TotoyUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
16 ratings. 16 reviews
60Chapters
4.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pinagtaksilan si Naomi ng kaniyang asawang si Owen. Inalok siya nito ng 10 milyong peso kapalit ng pakikipag-divorce niya rito kahit buntis siya at dahil kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kaniyang kapatid, tinanggap niya ang alok. Pero kulang pa ang pera kaya handa na sana niyang ibenta ang katawan sa mayamang customer pero bigla na lang may stranger na nag-alok sa kaniya ng malaking halaga kapalit ng pagpapakasal niya rito. Saan hahantong ang pagpapakasal niya sa stranger na lalaki kung hanngang ngayon mahal pa rin niya ang nagtaksil na asawa? Kakayanin ba ni Naomi kapag nalaman niya ang tinatagong sikreto ng lalaking pinakasalan niya?

View More

Latest chapter

Free Preview

001

PUNO ng saya ang puso ni Naomi Tamayo habang naglalakad siya sa pasilyo patungo sa opisina ng asawa niyang si Owen Palma. Ngayon kasi ang kanilang first year anniversary bilang mag-asawa kaya naman binilhan niya ito ng mamahaling relo na galing sa pinagtrabahuhan niya. Hindi alam ni Owen na nagpa-part time siya para makabili ng ireregalo niya sa asawa."Sigurado akong matutuwa ka sa gift ko sa iyo, honey." Alam kasi niyang mahilig sa relo si Owen."M-Ma'am Naomi, a-anong pong—""Nandiyan ba ang asawa ko?" masayang tanong niya."P-po? S-si Sir Owen po? H-hindi ko pa po siya nakitang dumating, eh."Kumunot ang noo niya sa sagot ng sekretarya ni Owen. Bakit nauutal ito?"Sige, kung wala pa siya hihintayin ko na lang siya sa loob." Ngumiti siya sa sekretarya at nang hahakbang na siya humarang ito."P-pero baka po nasa meeting pa si Sir. Sarado po kasi ang opisina niya.""May susi ako ng opisina niya, kaya ok lang."Mas namula ang secretary. Kita ang pagkabahala sa mukha nito."P-pero—""S...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Bhie Rambonanza In
excting...
2025-03-30 10:07:31
1
user avatar
leejhen
Highly recommended...️
2025-03-29 11:43:34
1
user avatar
cupkeyks
keep on writing author ang gaganda ng mga story mo.
2025-03-28 09:51:39
2
user avatar
Red Angel1221
Recommended...
2025-03-24 06:58:27
1
user avatar
Athengstersxx
Recommended 🫶🏻
2025-03-20 16:56:56
1
user avatar
Roxxy Nakpil
Highly reccommended ...️
2025-03-19 21:07:11
1
user avatar
Deigratiamimi
highly recommended
2025-03-12 10:47:39
1
user avatar
jhowrites12
Highly Recommended!!!
2025-03-12 01:49:53
1
user avatar
twinkle star
More update po
2025-03-11 12:16:25
1
user avatar
valadhiel
nice, congrats po kuya
2025-03-08 15:39:19
1
user avatar
Dimple
can't wait sa mga next chapters ............
2025-03-07 08:03:10
1
user avatar
Dimple
welcome back my favorite author ......... napapanahon ang story, highly recommended waiting sa twist sa mga susunod na chapter...
2025-03-07 08:02:15
1
user avatar
Docky
magaganda stories ni author basahin niyo naaaaaa
2025-03-07 01:59:29
1
user avatar
Mary Ann Dongaol
Highly recommended. Basahin niyo na at add to cart na 'yan.
2025-03-06 20:20:01
1
user avatar
DAVIROSETIANGSON
Ang Ganda po ng story na ito. ... Highly recommended.
2025-03-06 18:38:45
1
  • 1
  • 2
60 Chapters
001
PUNO ng saya ang puso ni Naomi Tamayo habang naglalakad siya sa pasilyo patungo sa opisina ng asawa niyang si Owen Palma. Ngayon kasi ang kanilang first year anniversary bilang mag-asawa kaya naman binilhan niya ito ng mamahaling relo na galing sa pinagtrabahuhan niya. Hindi alam ni Owen na nagpa-part time siya para makabili ng ireregalo niya sa asawa."Sigurado akong matutuwa ka sa gift ko sa iyo, honey." Alam kasi niyang mahilig sa relo si Owen."M-Ma'am Naomi, a-anong pong—""Nandiyan ba ang asawa ko?" masayang tanong niya."P-po? S-si Sir Owen po? H-hindi ko pa po siya nakitang dumating, eh."Kumunot ang noo niya sa sagot ng sekretarya ni Owen. Bakit nauutal ito?"Sige, kung wala pa siya hihintayin ko na lang siya sa loob." Ngumiti siya sa sekretarya at nang hahakbang na siya humarang ito."P-pero baka po nasa meeting pa si Sir. Sarado po kasi ang opisina niya.""May susi ako ng opisina niya, kaya ok lang."Mas namula ang secretary. Kita ang pagkabahala sa mukha nito."P-pero—""S
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more
002
HALOS hindi na makita ni Naomi ang paligid niya dahil sa walang tigil ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. Sa halos isang taong pagsasama nila ni Owen, palagi nilang kasama si Ivy dahil tinuring na niyang kapatid ang babae. Akala niya'y totoo ito sa kaniya, yon pala'y inaahas na nito ang asawa niya. Kailan pa? Matagal na ba siyang niloloku ng mga ito?Pinahid niya ang kaniyang luha. Nanghihina ang mga tuhod niya habang palabas siya ng kompanya ng kaniyang asawa. "Let's get divorce!" Paulit-ulit na naririnig niya iyon sa kaniyang isip habang mas nadudurog siya sa lahat ng nalaman niya.Napakapit siya sa handrail ng hagdan palabas ng kompanya ng makaramdam siya ng pagkahilo. Dahil ba sa labis niyang pag-iyak o dahil sa matinding sama ng loob? Dahan-dahan siyang humakbang habang humihikbi. Wala na siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya kahit para siyang pinagtakluban ng tadhana sa histura niya. Gulo-gulo ang buhok at tila wala sa sarili habang umiiyak."Miss tabi!" Bago pa m
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more
003
"WE need to do the operation as soon as possible before it's too late. We need to prepare 30 million for the operation."Natulala na lang si Naomi sa isang tabi. Saan siya kukuha ng 30 million para sa operasyon ng Kapatid niya? Kahit ata ibenta niya ang lahat ng lamang loob niya, hindi pa rin sasapat. Buntis pa siya.Pero hindi niya hahayaang mawala rin si Nonoy sa kaniya dahil ito na lang ang mayroon siya. Nang mawala ang kaniyang ina, siya na ang tumayong magulang para kay Nonoy."Naomi, kailangan mong magpahinga. Alam kong maraming nangyari pero kailangan mo ring isipin ang bata diyan sa sinapupunan mo," ani Luna."L-Luna, saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera? Kahit buong buhay ko pagtrabahuhan ko, hindi ko kayang ipunin ang 50 million pesos.""Hindi ko rin alam pero hayaan mo, gagawa tayo ng paraan. Kung kailangan nating lapitan lahat ng pwede nating lapitan, lalapitan natin."Naipunas na lang niya ang kaniyang palad sa mukha dahil mababaliw na lang siya kakaisip sa pwede niya
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more
004
"10 MILLION? tinanggap mo ang pera kapalit ng pakikipag-divorce mo sa kaniya?" gulat na reaction ni Luna.Para siyang lantang gulay na hindi makausap. Wala siyang ganang magsalita. Hindi na niya alam kung saan pa siya kukuha ng lakas para magpatuloy sa buhay. Walang-wala siya. Saan sila titira ni Nonoy gayong wala naman silang sariling bahay."Hayop talaga yang Ivy na 'yan. Napaka-demonyita niya. Iba na talaga ang panahon ngayon, kung sino pang kabit, siya pa ang matapang." Tiningnan niya si Nonoy na mahimbing na natutulog. Nagising na ito kahapon pero kailangan pa rin nitong manatili sa hospital para obserbahan at ihanda para sa operasyon. Pero paano kung wala pa siyang pera pangpa-opera?"L-Lahat gagawin ko para kay Nonoy, Luna. Hindi ko kayang mawala rin siya sa akin dahil siya na lang ang meron ako. K-kahit sa anumang paraan, basta mapa-opera ko siya, gagawin ko. Lulunukin ko ang pride ko, ibababa ko na ang pagkatao ko para lang gumaling siya." Sunod-sunod na tumulo ang luha niya
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more
005
"HUH!? Paano ka nakakuha ng ganoon kalaking pera sa loob ng isang gabi, Naomi?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luna sa kaniya nang makabalik siya sa hospital. "Huwag mong sabihing—No! Hindi mo ginawa 'yon, 'di ba? Alam kong desperada ka na pero—"Natigil ito nang takpan niya ang bibig nito. "Huwag kang OA! Muntik ko lang gawin pero hindi ko naman ginawa," pag-amin niya."So, ano nga? Saan ka kumuha ng 20 million?"Bumuntong-hininga siya. Marahan siyang yumuko. "Sa totoo lang hindi ko alam, Luna. Sobrang bilis ng mga nangyari at namalayan ko na lang ang sarili ko na pumayag sa alok ng isang hindi ko naman kilalang lalaki.""Huh? A-anong alok?""A stranger asked me to marry him kapalit ng perang kailangan ko sa operasyon ni Nonoy," pag-amin niya.Napaawang ang bibig ni Luna. "So, you mean inalok ka ng kasal ng stranger at pumayag ka? W-wait! Iniisip ko pa ang lahat. Remember, kaka-divorce mo lang and now you're going to marry a stanger? Oh my god, Naomi! I can't!" Nasapo pa nito ang noo
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more
006
NAPAAWANG na lang ang bibig ni Naomi nang makarating sila sa mansyon na sinasabi ng driver na sumundo sa kanila. Sino ba namang hindi mapapangaga dahil sa sobrang laki ng bahay at halos lahat ng gamit ay kumikinang."Wow!" manghang sabi ni Nonoy habang magkasalikop ang mga kamay nito."This way, Miss Naomi, naghihintay na po sa inyo si Mr. Alcantara," ani ng driver at iginiya siya papasok sa isang silid. Mas namangha pa siya sa napakalaking silid na halos kasing laki na ng living room ng bahay ni Owen."Mr. Alcantara, nandito na po sila." Nag-bow pa ang driver bago tumalikod at lumabas ng silid.Kumunot ang noo niya at tumingin sa kausap ng driver. Nakita niya ang lalaking nakatayo sa bintanang salamin habang nakapamulsa. Pamilyar na bulto."H-hello po," alangan niyang bati.Hindi niya alam kung slow mo ba ang galaw ng lalaki o ganoon ang effect ng pagharap nito sa kaniya. Natulala siya at napaawang ang bibig. Anghel ba ang nasa harap niya?"A-ate, sino po siya?" Saka lang siyang nap
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more
007
HUMUGOT ng malalim na hininga si Naomi nang dalhin siya ng maid sa magiging kwarto nila ni Nonoy."A-ate dito na tayo titira?" tila inosenteng tanong ni Nonoy.Binalingan niya ito saka nilapitan. Bahagya siyang lumuhod para pumantay sa kapatid na naka-wheelchair pa rin."Nonoy, pasensiya na, huh!" Napakagat labi siya at bahagya yumuko nang bigla na namang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. "I-I'm sorry! Hindi ka naprotektahan ng ate." Kapag naaalala niya ang mga dinanas ni Nonoy, mas nadudurog siya. Napakainosente nito para maranasan lahat ng iyon."Ate, ok na si Nonoy, huwag ka na iyak." Mas bumuhos ang luha niya nang maramdaman niya ang palad nitong humaplos sa balikat niya. Paano nila nagawang saktan ang katulad ni Nonoy?Pinahid niya ang luha. "Hayaan mo, Noy simula ngayon, kasama mo na palagi ang ate, ok ba 'yon?" Tumango ito at ngumiti. "Hindi na hahayaan ni ate na saktan ka ng kahit sino. Puprotektahan ka na ng ate." Niyakap niya ito ng mahigpit.Nagsimula na siyang mag-ayo
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more
008
NASAPO ni Naomi ang kaniyang ulo at napangiwi nang maramdaman niya ang pagkirot niyon. Minulat niya ang mga mata at nakita niya kung nasaan siya. Nilibot niya ang paningin at nakita niya si Grayson na kausap ang doctor na lalaki. Bigla siyang nabahala. Malalaman nito ang tungkol sa pagdadalang tao niya."Thank you, doc," ani Grayson, saka bumaling sa kaniya. Bahagya lang itong nagulat nang makitang gising na siya. Tiningnan din siya ng doctor at agad siyang nilapitan."Misis, kumusta ang pakiramdam ninyo?" nag-aaalang ani ng doctor.Hindi siya makatingin kay Grayson na nasa gilid at nakahalukipkip lang habang blangko ang mukha. Alam na ba nito?"O-ok na po ako, doc. Baka dahil sa pagod kaya po ako nawalan ng malay."Nagkatinginan ang doctor at si Grayson. Suminghap ang manggagamot. "No, hindi lang dahil sa pagod kaya ka nahilo at nawalan ng malay, misis. You're pregnant."Nalaglag ang panga niya. Agad niyang tiningnan si Grayson pero hindi pa rin nagbago ang expression ng gwapo nitong
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more
009
"KAILANGAN ba talagang magkasama tayo sa iisang kwarto? Paano si Nonoy?" alangan at nahihiyang sabi ni Naomi kay Grayson habang nasa silid siya nito na sa sobrang laki, parang isang bahay na iyon.Nakahalukipkip lang ito habang nakasandal sa gilid ng pinto. "May mag-asawa bang hindi magkasama sa iisang kwarto? Paano sila maniniwala na tunay tayong mag-asawa kung magkaiba tayo ng room? And about Nonoy, pinalipat ko na rin siya sa katabing kwarto para madali mo siyang mapuntahan," sabi nito. Kahit namimilosopo ito, napakaseryoso pa rin. Hindi pa nga niya ito nakitang ngumiti o kung marunong ba ito ngumiti man lang."P-pero bakit ba kailangang magkatabi? Malawak naman ang kwarto mo. Pwede ka sa sofa o sa sahig..." saka niya na-realize ang sinabi. Napangiwi siya at umiwas ng tingin kay Grayson. "I mean ako...p-pwede ako sa sofa o kaya sa sahig. Ayaw mo rin naman na katabi ako, 'di ba?" Alangan siyang ngumiti.Napakamot sa noo si Grayson. "Magkatabi tayong matutulog, Naomi. May reklamo k
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more
010
ABALA si Naomi sa pag-aayos ng mga gamit ni Nonoy nang may kumatok sa pinto. Lumipat din si Nonoy ng silid, sa tabi ng magiging kwarto nila ni Grayson."Grayson," gulat na banggit niya sa pangalan nito nang buksan niya ang pinto. Walang emosyon ang mukha."Tatayo ka na lang ba diyan?" masungit na anito."B-bakit? Dapat ba humiga ako?" pamimilosopo niya kaya nangunot ang noo nito. Alangan siyang ngumiti. "I mean, bakit may ipapagawa ka ba sa akin?"Napailing ito. "Nakalimutan mo bang check up mo ngayong araw?" Kumunot ang noo niya at saka naalala ang araw ngayon. "Oo nga pala. I'm sorry, Grayson nakalimutan ko," aniya.Suminghap ang lalaki. "Get yourself ready. Ayaw kong naghihintay ako ng matagal."Tumango siya, saka mabilis na naglakad papuntang bathroom.Habang nasa bathroom siya, pumasok si Grayson sa loob at tiningnan si Nonoy na naglalaro ng mga laruan nito. Napansin siya nito."K-kayo po ba 'yong mabait na may-ari ng house na ito?" inosenteng tanong ni Nonoy. Tumayo ito sa pagk
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status