HALOS hindi na makita ni Naomi ang paligid niya dahil sa walang tigil ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. Sa halos isang taong pagsasama nila ni Owen, palagi nilang kasama si Ivy dahil tinuring na niyang kapatid ang babae. Akala niya'y totoo ito sa kaniya, yon pala'y inaahas na nito ang asawa niya. Kailan pa? Matagal na ba siyang niloloku ng mga ito?
Pinahid niya ang kaniyang luha. Nanghihina ang mga tuhod niya habang palabas siya ng kompanya ng kaniyang asawa.
"Let's get divorce!"
Paulit-ulit na naririnig niya iyon sa kaniyang isip habang mas nadudurog siya sa lahat ng nalaman niya.
Napakapit siya sa handrail ng hagdan palabas ng kompanya ng makaramdam siya ng pagkahilo. Dahil ba sa labis niyang pag-iyak o dahil sa matinding sama ng loob? Dahan-dahan siyang humakbang habang humihikbi. Wala na siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya kahit para siyang pinagtakluban ng tadhana sa histura niya. Gulo-gulo ang buhok at tila wala sa sarili habang umiiyak.
"Miss tabi!"
Bago pa man siya makaiwas, nabangga na siya ng lalaking nagmamadali. Wala siyang pakialam, dire-diretso lang siya ng lakad at hindi namalayang nasa kalsada na siya.
"Hoy! Magpapakamatay ka ba?" sigaw ng lalaking sakay ng kotse. Nasa gitna na siya kalsada pero ang isip niya, ukupado ng pagtataksil ni Owen.
"Baliw ba 'yon?"
"Tabi!"
"Kung magpapakamatay ka, huwag ka nang mangdamay!"
Nakakabinging mga bosena at sigaw pero parang wala siyang naririnig.
Tuluyan na siyang nawala sa sarili. Hindi niya mapagana ang isip niya dahil sa matinding epekto ng pagtataksil ni Owen at ng kabigan nila sa kaniya.
Dumidilim na rin ang pakiramdam niya. Nahihilo at sumasakit ang kaniyang ulo. Nawawalan na rin siya ng lakas para humakbang. Kailangan niya ng makakpitan pero wala siyang mahawakan.
"Miss!" Malakas na bosena ang huling narinig niya bago siya tuluyang bumagsak sa gitna ng kalsada. Halo-halong emosyon. Sakit at pagtataksil.
"Miss are you ok? Miss!" boses ng lalaking nilapitan agad siya. Nagkagulo na ang lahat.
—
NAPANGIWI si Naomi nang imulat niya ang kaniyang mga mata dahil sa naramdaman niyang pagkirot ng kaniyang ulo at bahagyang pagkahilo. Kumurap-kurap siya hanggang sa makita niya kung nasaan siya.
"Naomi, you're awake." Agad siyang dinaluhan ni Luna Galvez, ang kaibigan niya simula pa noong nag-aaral siya. "K-kumusta ang pakiramdam mo?"
"A-anong nangyari? Bakit nandito ako?" nagtatakang tanong niya. Napaisip siya at biglang natulala nang maalala ang nangyari bago siya mawalan ng malay.
"Naomi! Naomi, ok ka lang ba?"
Hindi na naman niya napigilan ang sariling umiyak. Bumalik ang imaheng nakita niya sa opisina ni Owen. Para siyang sinasaksak paulit-ulit. Napahagulhol na lang siya sa sobrang sakit.
"Naomi! B-bakit ka umiiyak? Ano bang nangyari?" Habang inaalo siya ng kaibigan na nag-aalala sa kaniya. "May nangyari ba kay Nonoy? Nag-away ba kayo ni Owen? Bakit?" Si Nonoy ay ang nakababata niyang kapatid na mayroon karamdaman sa puso at hindi normal ang paglaki nito.
Hindi siya umimik. Sinubsob niya ang sarili sa kaibigan niya habang humahagulhol dahil iyon ang kailangan niya.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal humagulhol hanggang sa maubos ang luha sa kaniyang mga mata pero ang sakit at sugat, nandoon pa rin.
Hinarap siya ni Luna. "Now, tell me what happened, Naomi."
"L-Luna..." Magsasalita pa lang siya pero hindi niya magawa dahil pakiramdam niya'y bubuhos na naman ang luha sa kaniyang mga mata. "S-si Owen..."
"Si Owen? Bakit?"
Magsasalita pa sana ulit siya nang biglang dumating ang doctor at isang nurse sa silid.
"Gising na po pala kayo, Misis kumusta po ang pakiramdam ninyo?" bungad ng doctor.
"M-medyo ok na po, doc," sagot niya.
"Wala ka bang ibang nararamdaman bukod sa pagkahilo? Sakit ng ulo at pagsusuka?"
Umiling siya. "Ok na po ako, doc." Pilit pa siyang ngumiti.
Ngumiti ang doctor na parang masaya pa ito para sa kaniya. Praning ba 'to? Durog na durog na nga siya.
"May I know, Misis, where's your husband?"
Napatingin siya kay Luna.
"Oo nga, nasaan ba si Owen? Kailangan mo siya pero bakit wala pa siya? Sabi pa ng doctor, tinawagan daw nila ang numero niya pero hindi raw ito makakapunta dahil busy sa trabaho kaya ako ang tinawagan ng hospital," nagtatakang ani Luna.
Hinawakan niya ang kaibigan sa braso na nagsisimula nang magtaka at magduda.
"Busy po kasi sa trabaho ang asawa ko kaya hindi po makakapunta rito," pagsisinungalin niya. Muntik pang mabasag ang boses niya.
"Ah ganoon ba? Hindi ba 'yong lalaking nagdala sa iyo ang asawa mo?" nagtatakang tanong ng doctor.
"Lalaking nagdala sa akin? May lalaking nagdala sa akin dito?" gulat na tanong niya. Maging si Luna ay gulat din.
"Sino po ang lalaking iyon?" ani Luna
"I don't know pero hindi niya binigay ang pangalan o number niya. Siya rin ang nagbigay ng mga gamit mo sa nurse. Umalis din agad siya at sinabing siya na ang magbabayad ng bills mo."
Mas nagulat silang dalawa. Si Owen ba iyon? Imposible dahil alam niyang wala nang pakialam sa kaniya ang lalaki.
"Well, since wala ang husband mo, sasabihin ko na ang good news."
Kumunot ang noo niya at nagkatinginan sila ni Luna. Good news? May good news pa ba para sa kaniya 'pagkatapos siyang pagtaksilan ng asawa niya?
"Good news? Anong good news, doc?" tanong ni Luna.
Masayang ngumiti ang doctor. "I'm Happy to announce that you're three weeks pregnant, Misis. Kaya ka nahilo at nawalan ng malay dahil iyon sa iyong pagdadalang tao. Kaya for now, you need to take care of yourself dahil malaking epekto sa pagbubuntis mo ang mental and physical health mo."
Hindi niya alam ang mararamdaman sa narinig. Matutuwa ba siya o mas lalong malulungkot.
"Let's get divorce!"
May magbabago pa ba?
—
DAHAN-DAHANG bumaba ng taxi si Naomi sa tapat ng bahay nila ni Owen. Nang payagan siyang ma-discharge ng doctor, agad siyang umuwi mag-isa. Sa tatlong araw niya sa hospital, hindi man lang siya nagawang puntahan ni Owen doon. Hindi rin nito sinasagot ang tawag niya. Ganoon na ba siya kawalang halaga sa asawa niya?
"M-Ma'am!" gulat na sabi ng katulong nila. "Bakit ngayon lang po kayo umuwi? Iyak nang iyak po si Nonoy dahil hinahanap kayo."
"Yaya, nandiyan ba si Owen?"
"Si Sir po? Kakauwi lang po kagabi, kasama po si Ma'am Ivy."
Hindi na siya nagulat pero panibagong sakit ang dulot niyon sa kaniya.
"Sige, 'Ya. Si Nonoy kumusta?" Umakto siyang normal ang lahat.
"Kakatulog lang po. Iyak pa rin iyak at hinahanap kayo. Ipaghahain ko po—"
"Hindi na, 'Ya magpapahinga na muna ako." Dumeretso siya sa silid nila ni Owen. Nabalot agad siya ng kaba at takot sa pwede niyang makita. Pumikit siya ng mariin bago pinihit ang pinto.
Pagpasok niya, agad tumambad sa kaniya si Owen at Ivy na parehong walang saplot. Tanging kumot lang ang nakabalot sa kanilang mga katawan. Nakayakap pa si Ivy sa asawa niya.
Para siyang naestatwa. Pumikit siya ng mariin. Nanginginig na naman ang katawan niya sa galit. Ganoon na ba kakapal ang mukha nila? Ginawa pa ng mga ito ang kababuyan nila sa sarili nilang kamang mag-asawa.
Bumuntong-hininga siya. Paulit-ulit na pinipiga ni Owen ang puso niya. Bakit? Anong maling nagawa niya.
Lumabas muli siya ng silid at pumunta ng kusina. Kumuha siya ng malamig na tubig sa refrigerator at nilagay iyon sa maliit na palanggana, saka bumalik sa kanilang silid.
Walang pasabing sinabuyan niya ng malamig na tubig ang dalawang taksil na nakahiga sa kama niya.
Kapwa sila nagulat at napabangon sa kama sa ginawa niya at mas nagulat pa sila nang makita siyang walang emosyong nakatingin lang sa kanila. Napasigaw pa si Ivy.
"Naomi!"
"How dare you, Naomi!" ani Ivy.
"Masarap ba? Masarap bang magtaksil sa sarili pa nating silid at kama?" malumanay pero puno ng galit na sabi niya.
"Naomi, can you please stop your damn drama? Hindi ba't nilinaw ko na sa iyo. I just used you. Ginamit lang kita and now that I don't need you, let's divorce."
Ngumisi siya. Hindi man lang ba magpapakita ng konsensiya si Owen? O kahit konting awa sa kaniya?
"Wala ka ba talagang pagsisisi sa ginagawa mo sa akin? Kahit anong sabibin mo, asawa mo pa rin ako at pinagtaksilan niyo akong dalawa. Saan ninyo kinukuha ang kapal ng mukha ninyo?" Suminghap siya. "No! Hindi ako makikipag-divorce sa iyo. Hindi ko ibibigay ang kalayaang gusto ninyong dalawa."
"Hindi ka makikipag-divorce? Sige, panoorin mo na lang kung paano kita pagtataksilan araw-araw."
"Hindi ka naawa sa sarili mo, Naomi? Pinagtaksilan ka na ni Owen and yet you're still holding on to your marriage with him? Nakakaawa ka!"
"Bakit ako maaawa sa sarili ko? Ikaw ang dapat maawa sa sarili mo dahil hanggat hindi kami legally divorce ni Owen, isa ka pa ring kabit. Kereda."
"How dare you!"
"Bakit masakit ba ang katotohanan? Mananatili kang kabit, Ivy!"
Nilapitan siya ni Ivy at agad hinawakan ang kaniyang buhok. Napangiwi siya sa sakit. Hinawakan niya ang braso nito.
"Kabit? Ok, fine I'm the mistress pero sinong mahal? Ako, Naomi! Ikaw? Ginamit ka lang. Inubos ka lang at ngayon na wala ka na, para ka na lang basura na itatapon ni Owen."
"Ivy, nasasaktan ako!" daing niya.
Tinulak siya ni Ivy kaya napaupo siya sa sahig. Saka niya naalala ang pagbubuntis niya. Nasapo niya ang kaniyang tiyan at nabahala.
Tiningnan niya si Owen. "Owen, papanoorin mo lang bang sinasaktan kami ng kabit mo?"
Kumunot ang noo ni Owen. "Kayo? W-what do you mean kayo?"
"I-I'm pregnant, Owen. Buntis ako kaya ako na-hospital," pag-amin niya.
"B-buntis? Buntis ka?" Biglang umamo ang mukha ni Owen. Nagbago bigla ang expression ng mukha nito.
Lalapit na sana ito sa kaniya pero pinigilan ito ni Ivy. "Talaga bang naniniwala ka diyan? Niloloku ka lang niyan para maawa ka sa kaniya at balikan mo siya."
Tila nalito agad si Owen sa kung sinong paniwalaan nito. Napangisi siya sa sobrang pagkadismaya. Hindi pa rin pala siya nito pipiliin kahit na sinabi niyang buntis siya.
"Ma'am! Sir! Si Nonoy!"
Agad siyang nabahala nang marinig ang sigaw ng katulong. Kahit nahihirapan, tumayo siya at mabilis na lumabas ng silid.
"N-Nonoy! Anong nangyari kay Nonoy?!"
"WE need to do the operation as soon as possible before it's too late. We need to prepare 30 million for the operation."Natulala na lang si Naomi sa isang tabi. Saan siya kukuha ng 30 million para sa operasyon ng Kapatid niya? Kahit ata ibenta niya ang lahat ng lamang loob niya, hindi pa rin sasapat. Buntis pa siya.Pero hindi niya hahayaang mawala rin si Nonoy sa kaniya dahil ito na lang ang mayroon siya. Nang mawala ang kaniyang ina, siya na ang tumayong magulang para kay Nonoy."Naomi, kailangan mong magpahinga. Alam kong maraming nangyari pero kailangan mo ring isipin ang bata diyan sa sinapupunan mo," ani Luna."L-Luna, saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera? Kahit buong buhay ko pagtrabahuhan ko, hindi ko kayang ipunin ang 50 million pesos.""Hindi ko rin alam pero hayaan mo, gagawa tayo ng paraan. Kung kailangan nating lapitan lahat ng pwede nating lapitan, lalapitan natin."Naipunas na lang niya ang kaniyang palad sa mukha dahil mababaliw na lang siya kakaisip sa pwede niya
"10 MILLION? tinanggap mo ang pera kapalit ng pakikipag-divorce mo sa kaniya?" gulat na reaction ni Luna.Para siyang lantang gulay na hindi makausap. Wala siyang ganang magsalita. Hindi na niya alam kung saan pa siya kukuha ng lakas para magpatuloy sa buhay. Walang-wala siya. Saan sila titira ni Nonoy gayong wala naman silang sariling bahay."Hayop talaga yang Ivy na 'yan. Napaka-demonyita niya. Iba na talaga ang panahon ngayon, kung sino pang kabit, siya pa ang matapang." Tiningnan niya si Nonoy na mahimbing na natutulog. Nagising na ito kahapon pero kailangan pa rin nitong manatili sa hospital para obserbahan at ihanda para sa operasyon. Pero paano kung wala pa siyang pera pangpa-opera?"L-Lahat gagawin ko para kay Nonoy, Luna. Hindi ko kayang mawala rin siya sa akin dahil siya na lang ang meron ako. K-kahit sa anumang paraan, basta mapa-opera ko siya, gagawin ko. Lulunukin ko ang pride ko, ibababa ko na ang pagkatao ko para lang gumaling siya." Sunod-sunod na tumulo ang luha niya
"HUH!? Paano ka nakakuha ng ganoon kalaking pera sa loob ng isang gabi, Naomi?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luna sa kaniya nang makabalik siya sa hospital. "Huwag mong sabihing—No! Hindi mo ginawa 'yon, 'di ba? Alam kong desperada ka na pero—"Natigil ito nang takpan niya ang bibig nito. "Huwag kang OA! Muntik ko lang gawin pero hindi ko naman ginawa," pag-amin niya."So, ano nga? Saan ka kumuha ng 20 million?"Bumuntong-hininga siya. Marahan siyang yumuko. "Sa totoo lang hindi ko alam, Luna. Sobrang bilis ng mga nangyari at namalayan ko na lang ang sarili ko na pumayag sa alok ng isang hindi ko naman kilalang lalaki.""Huh? A-anong alok?""A stranger asked me to marry him kapalit ng perang kailangan ko sa operasyon ni Nonoy," pag-amin niya.Napaawang ang bibig ni Luna. "So, you mean inalok ka ng kasal ng stranger at pumayag ka? W-wait! Iniisip ko pa ang lahat. Remember, kaka-divorce mo lang and now you're going to marry a stanger? Oh my god, Naomi! I can't!" Nasapo pa nito ang noo
NAPAAWANG na lang ang bibig ni Naomi nang makarating sila sa mansyon na sinasabi ng driver na sumundo sa kanila. Sino ba namang hindi mapapangaga dahil sa sobrang laki ng bahay at halos lahat ng gamit ay kumikinang."Wow!" manghang sabi ni Nonoy habang magkasalikop ang mga kamay nito."This way, Miss Naomi, naghihintay na po sa inyo si Mr. Alcantara," ani ng driver at iginiya siya papasok sa isang silid. Mas namangha pa siya sa napakalaking silid na halos kasing laki na ng living room ng bahay ni Owen."Mr. Alcantara, nandito na po sila." Nag-bow pa ang driver bago tumalikod at lumabas ng silid.Kumunot ang noo niya at tumingin sa kausap ng driver. Nakita niya ang lalaking nakatayo sa bintanang salamin habang nakapamulsa. Pamilyar na bulto."H-hello po," alangan niyang bati.Hindi niya alam kung slow mo ba ang galaw ng lalaki o ganoon ang effect ng pagharap nito sa kaniya. Natulala siya at napaawang ang bibig. Anghel ba ang nasa harap niya?"A-ate, sino po siya?" Saka lang siyang nap
HUMUGOT ng malalim na hininga si Naomi nang dalhin siya ng maid sa magiging kwarto nila ni Nonoy."A-ate dito na tayo titira?" tila inosenteng tanong ni Nonoy.Binalingan niya ito saka nilapitan. Bahagya siyang lumuhod para pumantay sa kapatid na naka-wheelchair pa rin."Nonoy, pasensiya na, huh!" Napakagat labi siya at bahagya yumuko nang bigla na namang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. "I-I'm sorry! Hindi ka naprotektahan ng ate." Kapag naaalala niya ang mga dinanas ni Nonoy, mas nadudurog siya. Napakainosente nito para maranasan lahat ng iyon."Ate, ok na si Nonoy, huwag ka na iyak." Mas bumuhos ang luha niya nang maramdaman niya ang palad nitong humaplos sa balikat niya. Paano nila nagawang saktan ang katulad ni Nonoy?Pinahid niya ang luha. "Hayaan mo, Noy simula ngayon, kasama mo na palagi ang ate, ok ba 'yon?" Tumango ito at ngumiti. "Hindi na hahayaan ni ate na saktan ka ng kahit sino. Puprotektahan ka na ng ate." Niyakap niya ito ng mahigpit.Nagsimula na siyang mag-ayo
NASAPO ni Naomi ang kaniyang ulo at napangiwi nang maramdaman niya ang pagkirot niyon. Minulat niya ang mga mata at nakita niya kung nasaan siya. Nilibot niya ang paningin at nakita niya si Grayson na kausap ang doctor na lalaki. Bigla siyang nabahala. Malalaman nito ang tungkol sa pagdadalang tao niya."Thank you, doc," ani Grayson, saka bumaling sa kaniya. Bahagya lang itong nagulat nang makitang gising na siya. Tiningnan din siya ng doctor at agad siyang nilapitan."Misis, kumusta ang pakiramdam ninyo?" nag-aaalang ani ng doctor.Hindi siya makatingin kay Grayson na nasa gilid at nakahalukipkip lang habang blangko ang mukha. Alam na ba nito?"O-ok na po ako, doc. Baka dahil sa pagod kaya po ako nawalan ng malay."Nagkatinginan ang doctor at si Grayson. Suminghap ang manggagamot. "No, hindi lang dahil sa pagod kaya ka nahilo at nawalan ng malay, misis. You're pregnant."Nalaglag ang panga niya. Agad niyang tiningnan si Grayson pero hindi pa rin nagbago ang expression ng gwapo nitong
"KAILANGAN ba talagang magkasama tayo sa iisang kwarto? Paano si Nonoy?" alangan at nahihiyang sabi ni Naomi kay Grayson habang nasa silid siya nito na sa sobrang laki, parang isang bahay na iyon.Nakahalukipkip lang ito habang nakasandal sa gilid ng pinto. "May mag-asawa bang hindi magkasama sa iisang kwarto? Paano sila maniniwala na tunay tayong mag-asawa kung magkaiba tayo ng room? And about Nonoy, pinalipat ko na rin siya sa katabing kwarto para madali mo siyang mapuntahan," sabi nito. Kahit namimilosopo ito, napakaseryoso pa rin. Hindi pa nga niya ito nakitang ngumiti o kung marunong ba ito ngumiti man lang."P-pero bakit ba kailangang magkatabi? Malawak naman ang kwarto mo. Pwede ka sa sofa o sa sahig..." saka niya na-realize ang sinabi. Napangiwi siya at umiwas ng tingin kay Grayson. "I mean ako...p-pwede ako sa sofa o kaya sa sahig. Ayaw mo rin naman na katabi ako, 'di ba?" Alangan siyang ngumiti.Napakamot sa noo si Grayson. "Magkatabi tayong matutulog, Naomi. May reklamo k
ABALA si Naomi sa pag-aayos ng mga gamit ni Nonoy nang may kumatok sa pinto. Lumipat din si Nonoy ng silid, sa tabi ng magiging kwarto nila ni Grayson."Grayson," gulat na banggit niya sa pangalan nito nang buksan niya ang pinto. Walang emosyon ang mukha."Tatayo ka na lang ba diyan?" masungit na anito."B-bakit? Dapat ba humiga ako?" pamimilosopo niya kaya nangunot ang noo nito. Alangan siyang ngumiti. "I mean, bakit may ipapagawa ka ba sa akin?"Napailing ito. "Nakalimutan mo bang check up mo ngayong araw?" Kumunot ang noo niya at saka naalala ang araw ngayon. "Oo nga pala. I'm sorry, Grayson nakalimutan ko," aniya.Suminghap ang lalaki. "Get yourself ready. Ayaw kong naghihintay ako ng matagal."Tumango siya, saka mabilis na naglakad papuntang bathroom.Habang nasa bathroom siya, pumasok si Grayson sa loob at tiningnan si Nonoy na naglalaro ng mga laruan nito. Napansin siya nito."K-kayo po ba 'yong mabait na may-ari ng house na ito?" inosenteng tanong ni Nonoy. Tumayo ito sa pagk
"ARE YOU ok?" tanong ni Grayson kay Naomi nang huminto ang sasakyan nito sa garahe ng mansyon. Kadarating lang nila mula sa libingan ng kaniyang anak Tiningnan niya ito pero walang ngiting gumuhit mula sa labi niya. "Nandito pa rin 'yong bigat at paghihinagpis, Grayson pero I'm feeling better now dahil kahit papaano, nadalaw ko ang anak ko at nakita ko siya kahit sa picture man lang." Bahagya siyang yumuko at nakagat ang pang-ibabang labi dahil pakiramdam niya'y tutulo na naman ang luha sa kaniyang mga mata. "Everything will be ok, Naomi. I'm just here," pag-alo nito sa kaniya at inangat ang kaniyang mukha. Kita niya sa gwapo nitong mukha ang pag-aalala sa kaniya at ramdam niya iyon mula rito. "You can cry, you can rant on me, pwede kang lumapit sa akin whenever you feel like you're not ok or you need someone to lean on." Marahan nitong pinahid ang luha na kumawala sa kaniyang mga mata. Napatitig siya sa mga mata nito. Bakit? Bakit napakabuti ni Grayson sa kaniya at kahit alam nila
"WHERE WE going, Grayson?" tanong ni Naomi habang seryoso itong nagmamaneho at hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. "Somewhere where you can find your soul, Naomi," makahulugan nitong sabi. Kumunot ang noo niya. "What do you mean?" "Malalaman mo rin kung saan tayo pupunta. It's a big part of you, of your past at alam kong matagal mo ng tinatanong ang bagay na iyon and now it's the time, Naomi." Tiningnan lang niya si Grayson. Gusto pa niyang magtanong pero mukhang hindi naman siya nito sasagutin ng diretso kaya nanahimik na lang siya. Saan kaya siya nito dadalhin na malaking parte ng nakaraan niya? Hindi niya alam kung ma-e-excite siya o kakabahan, halo-halo ang emosyong nararamdaman niya. Habang tahimik at seryosong nagmamaneho si Grayson, mataman niya itong tinitigan at habang tumatagal she's enjoying the view ng hindi niya namamalayan. Napakagwapo nito at tila ba anghel na bumaba mula sa langit. Bahagyang may pagka-fierce pero hindi ito ang tipong katatakutan, in fact,
NAPAPITLAG si Naomi nang maramdaman niyang may yumakap mula sa likod niya. Alam niyang hindi si Grayson iyon dahil umalis na ito ng bahay kanina pa. Nasa kusina siya at nagluluto ng pagkain para kay Nonoy."O-Owen," aniya. Kahit hindi niya ito kita, alam niyang si Owen ito dahil bukod sa amoy nito, alam niya ang presensiya ng binata.Aalis na sana siya sa pagkakayakap nito nang mas lalo siya nitong hapitin. Ramdam niya ang mahigpit na yakap nito, ang matigas nitong katawan."Let me hug you like this, Naomi," marahan nitong sabi at pinatong ang baba sa kaniyang balikat."P-pero baka may makakita sa atin," aniya at sinubukang alisin ang braso nito sa kaniyang baywang."I don't care if somebody sees us, Naomi.""P-pero hindi tama na makita tayo ng iba na yakap mo ako dahil alam ng lahat na si Grayson ang asawa ko. Hindi ito tama, Owen," dahilan niya. Ayaw din niyang magkaroon ng issue sa bahay, higit lalo sa pamilya ni Grayson.Naalis niya ang braso nito at agad siyang dumistansiya sa bi
HABANG nasa terrace si Naomi kasama si Grayson na abala sa binabasang newspaper, nakatingin lang siya rito at hindi niya maiwasang hindi humanga sa gwapo nitong mukha kahit seryoso at walang expression ang mukha. Simula nang magising siya mula sa aksidente, ang daming nangyari pero sa isang iglap, pakiramdam niya'y si Grayson ang matagal na niyang nakasama at lahat ng mga narinig niyang kwento patungkol dito, ngayon ay hindi na niya kayang paniwalaan dahil sa kabutihan nito at sa lahat pinararamdam nito sa kaniya. Na mabuting tao pala ito hindi lang sa kaniya, pati kay Nonoy. Hanggang ngayon nga ay nagpapasalamat pa rin siya dahil kung hindi dahil kay Grayson, hindi niya alam kung kasama pa niya hanggang ngayon si Nonoy. Ngayon, mas naiintindihan na niya ang ginawa nito sa kaniya at ang kabutihan nito."Hey! You're staring at me, I'm not used to it," pukaw ni Grayson na nakatingin na sa kaniya at nakangiti. Mas lalo lang lumabas ang taglay nitong gandang lalaki dahil doon na parang r
HINDI MAALIS sa isip ni Naomi ang mga sinabi ni Divine tungkol sa aksidenteng nangyari sa kaniya noon. Wala siyang maalalang kahit ano at kung hindi nga lang niya narinig ang tungkol doon, hindi niya malalaman iyon. Kanina pa niyang hinihintay si Grayson para tanungin ito tungkol sa bagay na iyon dahil hindi siya mapakali. Alam niyang maaring totoo iyon pero sa loob niya hindi niya kayang paniwalaang kayang gawin ni Grayson ang bagay na iyon. Pakiramdam nga niya'y matagal na niyang kilala ang lalaki at hindi nito magagawa ang paratang na iyon o baka iyon lang ang gusto niyang paniwalaan. "Ma'm Naomi." Napapitlag siya nang marinig niya ang boses ni Joan. Nilingon niya ito mula sa terrace kung saan siya nakatayo at nag-iisip. Lumapit ito sa kaniya kasama si Merry. "May kailangan ba kayo?" seryosong tanong niya. Nagkatinginan ang dalawa na para bang may gustong sabihin sa kaniya at tila ba nagdadalawang-isip pa ang mga ito. Nagtaka siya. "A-ano po kasi...k-kasi—Joan, ikaw na
ISANG KALSADA, sa may pedestrian, nakikita ni Naomi ang sarili niyang naglalakad doon. Tahimik ang paligid, walang sasakyang dumadaan at mula roon, kita niya si Nonoy na nakangiti sa kaniya at nag-aabang sa kabilang bahagi ng kalsada. Kumakaway pa ito sa kaniya. Ngumiti siya at patuloy sa paglalakad ngunit nang nasa gitna na siya, napahinto siya nang may sasakyang padating. Napapikit siya sa nakakasilaw na ilaw mula rito. Hindi siya nakagalaw at kita niya ang papalapit na kotse na para bang sa kaniya talaga ang punta niyon. Nanlaki ang mga mata niya, nakita niya si Nonoy na nakatingin lang sa kaniya at umiiyak na ito hanggang sa malakas na bosena at tila may matigas na bagay ang sumalpok sa kaniya at ramdam niya ang pagtilapon niya dulot ng malakas na impact ng pagbangga sa kaniya ng sasakyan. Kita niya ang sarili na nakahandusay sa kalsada, duguan pero may malay pa rin siya at tila pilit inaabot ang isang batang nakahandusay din sa daan, duguan at patuloy na umiiyak. Walang sap
"HEY! YOU ok?" Napalingon si Naomi nang marinig niya ang boses ni Martin. Sumalubong agad sa kaniya ang nakangiti nitong mukha. Sa totoo nga lang, gwapo ito at kapag nakangiti, 'tila ba endorser ito ng isang brand ng toothpaste or toothbrush dahil sa ganda ng mga ngipin at ng mga ngiti nito. Marahil nga maraming babae ang nahuhulog sa kumbaga killer smile na mayroon ito. Lumapit ito sa kaniya habang nakatayo siya sa terrace ng Hospital kung saan siya naka-confine. Lalabas na rin naman siya kinabukasan. Nagpasiya lang siyang magpahangin at tumingin sa paligid kahit puro building ang nakikita niya. "Ok na ako, Martin," nakangiting sabi niya at muling bumaling sa paligid. "Salamat nga pala sa pagdala mo sa akin sa hospital." Bumuntong-hininga siya dahil may lungkot pa rin sa kaniyang kalooban. "For some reason, nalulungkot ako dahil hindi si Grayson ang nagdala sa akin dito at iniwan niya ako sa ibang tao." Bahagya siyang yumuko. Kahit alam na niya ang totoo kung bakit sila nagpakas
DAHAN-DAHAN minulat ni Naomi ang mga mata niya at agad niyang nasapo ang kaniyang sentido nang kumirot iyon at para siyang nahihilo. Napapikit ulit siya ng mariin at napangiwi. "Dad, she's awake," narinig niyang sabi ng batang babae. "N-Naomi." Mabilis na lumapit sa kaniya si Martin at naramdaman niyang hinawakan siya nito sa balikat. "Kumusta ang pakiramdam mo?" n,ababahalang sabi nito. Dahan-dahan siyang nagmulat at nakita niya si Martin na bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang hawak siya nito. "M-Martin?" banggit niya sa pangalan nito. Nagtaka siya nang hindi si Grayson ang bumungad sa kaniya. Napaisip siya at sa hindi niya malamang dahilan biglang nakaramdam siya ng kirot at pagkadismaya nang maalala ang huling nangyari. "W-wala pa ba si Grayson?" malungkot niyang tanong. Umiwas sa kaniya ng tingin si Martin at bahagyang lumayo. "H-he's not here yet, Naomi," sabi nito na tila ba may kung ano sa boses nito. "Hindi pa siya dumarating." "Hindi ba siya tumawag sa akin?" Gust
"SA NGAYON, maaaring hindi pa bumabalik ang alaala niya dahil sa maraming dahilan and we can't tell when she will remember everything from her past," sabi ng doctor kay Naomi at Grayson. Nagkatinginan sila habang hawak nito ang balikat niya. Kita niya ang lungkot sa mukha ni Grayson pero ngumiti pa rin ito sa kaniya. Bahagya nitong pinisil ang balikat niya. Dahil sa mga sinabi nito sa kaniya, pakiramdam niya'y nakukuha na nito ang loob niya. Sa hindi niya malamang dahilan, tila ba nagbabago na ang pagkakakilala niya rito. "Doc, may magagawa ba tayo para mas mabilis siyang makaalala?" Grayson asked the doctor. Regular siyang dinadala roon ni Grayson para sa check up at treatment niya. "Well, based on her case maaring mahihirapan siyang makaalala because of the accident pero we're trying to help her to get her back her memories by doing medical treatment that will help her to remember her past. But again, walang kasiguraduhan kung kailan babalik ang alaala niya." Lumungkot ang doct