Love Me for Who I Am

Love Me for Who I Am

last updateLast Updated : 2024-04-22
By:  Moanah  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
29 ratings. 29 reviews
85Chapters
25.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Siya si Danielle, short for Daniella Marasigan Sandoval. Anak mayaman, kung kayat lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Sa katunayan siya ang nag isang anak ni Eduardo Sandovall, ang nagmamay ari ng pagawaan ng mamahaling sasakyan sa bansa. Maganda, mabait at higit sa lahat mapagmahal sa mga taong itinuturing siyang pamilya. Isa lang ang kulang sa kanyang buhay at ang pinakaasam asam niya, walang iba kundi ang atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama. Lalaki kasi ang gusto ni Eduardo Sandoval na maging anak kung kayat sobra itong nadismaya ng babae ang lumabas noong manganak ang kanyang asawa na si Victoria Marasigan Sandoval. Muntik kasi itong mamatay nang ipanganak siya kung kayat hindi na siya nasundan o di kaya ay nagkaroon pa ng kapatid. Noong kabataan niya ay isa siyang prinsesa ngunit ng nagkaroon ng isip at nalaman ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa kanya ng kanyang ama ay binago niya ang kanyang sarili. Mula sa magagandang bestida ay pinalitan niya ng maluluwang na t-shirts at jeans. Ang laruan niyang manika ay naging barilbarilan at ang pangarap niyang maging model ay naging taga kalikot ng makina ng mga sasakyan. Ang mga activities na kanyang sinasalihan ay para sa mga kalalakihan, kagaya ng karate, taekwando, shooting, motto cross, drag race at kung ano ano pa. Hindi naman iyon sinabi ng kanyang ama bagkus ay sarili niya itong pasya lalo na ng sabihin nito minsan na ayaw niya sa babaeng mahina kung kayat pati ang pagtatago ng emosyon ay praktisado na niya. Ngunit ang lahat ng kanyang effort ay tila hindi nakikita ng kanyang ama, bagkus ay bale wala ang lahat ng ito sa kanya.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

“Braaaaaag!” Sa kalagitnaan ng daan ay bumangga ang isang magarang sasakyan sa poste ng Meralco. Sa lakas ng impak ay nagkayupi yupi ang harapan ng sasakyan, Mabuti na lamang at personalized ang looban nito kung kayat napalibutan ang loob nito ng airbag. Ang mga nakasakay dito na apat na babae ay wala namang natamong mga injuries maliban lamang sa ilang bukol sa ulo dahil sa lakas ng impact. Galing ang mga ito sa night out kung kayat nakainom ang mga ito ng alak, si Danielle na siyang may hawak ng manibela ay konti lang naman ang ininom niyang wine ngunit tila bigla siyang nahilo sa daan kung kayat nawalan siya ng control. Sa bilis niyang magpatakbo ng sasakyan ay halos matumba ang poste ng Meralco sa pagkakabangga ng kanyang sasakyan.“Danielle, what is that?”, isa isang reklamo ng kanyang mga kaibigan ng mahimasmasan sa nangyari.“Sorry guys, we met an accident.”, saad niya sa mga ito na tila ordinary lamang sa dalaga ang nangyari. Hindi kasi naramdaman ang malakas na impact sapagka

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Rolando Romen
hi ..madam lodi...asking your new story....hoping na sana ....ng may kapana panabik na maabangan nman ha..ha.. for me wla ka pang katulad sa pag plot ng story...halos pare parehas na ang content ng story nila....so missed your story......God bless...hoping soon...thanks..have a nice day
2024-05-08 23:24:53
1
user avatar
buj gqab
super ganda ng story ni ms. moana... binasa q ulit from the beginning.. sana story nmn ni dr. leo at kapatid ni tyron alegre..
2024-04-27 14:45:55
1
user avatar
Mayfe de Ocampo
great story,, highly recommended mula umpisa hanggang sa end ng story sobrang ganda,,waiting for another story author
2024-04-23 12:50:36
1
user avatar
Rolando Romen
I love and enjoy while reading your story....thank you..nakakawala ng stress at pagod sa tuwing may update ka ....
2024-04-22 17:10:22
1
user avatar
Rolando Romen
daming inip na sa update ..........
2024-04-19 06:59:40
0
user avatar
buj gqab
sana dalasan po update dear
2024-04-10 05:48:51
0
user avatar
Rolando Romen
madam nakaka ilang ulit kong binabasa ang bawat chapter ng story mo ha..ha.. like na like ko tlaga ...lalo na pag naiinip ako sa update mo ....binabalik balikan ko ang yun previous chapters ha..ha... god bless
2024-04-06 10:43:52
0
user avatar
buj gqab
ang ganda ng story na ito ni ms. author...
2024-03-31 12:37:18
0
user avatar
Rolando Romen
madam lodi...i love the way you plot the story...ikaw na tlaga lodi... ipagpatuloy mo yan your career gone too far...god bless
2024-03-28 14:17:00
1
user avatar
Rolando Romen
madam lodi ... ..what happened stress na kaka wait ng update ha..ha..
2024-03-25 07:47:11
0
user avatar
Rolando Romen
nakaka stress out ang update mo madam lodi...husay ng flow ng story ......nice chapter...more more...pls...
2024-03-21 14:30:25
0
user avatar
buj gqab
sana lng dalasan ang update.. maganda ang story mabagal lng ang pag update.. tnx dear..more power
2024-03-19 18:20:27
0
user avatar
Rolando Romen
madam lodi ....very nice ang update mo ah....sulit ang paghihintay ng update.....more more pls.
2024-03-17 07:40:28
1
user avatar
buj gqab
ms. moanah...ganda ng kwento ni danielle and wolf..
2024-03-17 04:45:44
1
user avatar
Rolando Romen
thank you sa napaka romantic na update madam lodi...more often update pra mas lalong feel ang pagbabasa ng story mo...ha..ha
2024-03-12 12:52:08
0
  • 1
  • 2
85 Chapters

Chapter 1

“Braaaaaag!” Sa kalagitnaan ng daan ay bumangga ang isang magarang sasakyan sa poste ng Meralco. Sa lakas ng impak ay nagkayupi yupi ang harapan ng sasakyan, Mabuti na lamang at personalized ang looban nito kung kayat napalibutan ang loob nito ng airbag. Ang mga nakasakay dito na apat na babae ay wala namang natamong mga injuries maliban lamang sa ilang bukol sa ulo dahil sa lakas ng impact. Galing ang mga ito sa night out kung kayat nakainom ang mga ito ng alak, si Danielle na siyang may hawak ng manibela ay konti lang naman ang ininom niyang wine ngunit tila bigla siyang nahilo sa daan kung kayat nawalan siya ng control. Sa bilis niyang magpatakbo ng sasakyan ay halos matumba ang poste ng Meralco sa pagkakabangga ng kanyang sasakyan.“Danielle, what is that?”, isa isang reklamo ng kanyang mga kaibigan ng mahimasmasan sa nangyari.“Sorry guys, we met an accident.”, saad niya sa mga ito na tila ordinary lamang sa dalaga ang nangyari. Hindi kasi naramdaman ang malakas na impact sapagka
Read more

Chapter II

“O ano, alam mo na ang gagagwin? Basta dito ka lang sa lobby sa baba, bilis bilisan ang kilos. Kailangan bago mag alas ocho ay malinis ang lobby sa baba, naiintindihan?”, pag iinstruct ng team leader ng mga utility sa Wolverine’s.Panay naman ang tango ni Danielle sapagkat para sa kanya ay madali lang ang kanyang gagawin. Mop mop lang at walis walis, although hindi niya iyon ginagawa sa kanilang mansiyon ay sigurado naman siyang hindi iyon mahirap gawin.“Kung ganon, kumuha ka na ng timba sa loob, ganun din ang mop at walis. Pati detergent diyan sa cabinet, alagaan mo ang mga iyan dahil matatagalan ka pa ulit bigyan ng bagong gamit”, turan ng team leader at tumango na naman siya ulit bago sumunod sa instruction nito.Kumuha nga siya ng timba at nilagyan ng tubig, binuhusan din ng detergent at binitbit iyon patungo sa lobby. Maraming palapag ang wolverine tower ngunit sa baba siya nakaasign. Ibinuro niya ang mop sa timbang may sabon at pagkatapos ay nagsimula na siyang mag mop. Ngunit
Read more

Chapter III

Dahil sa pagod sa unang araw ni Danielle sa kanyang trabaho ay hindiniya namalayan ang kanyang alarm clock kung kayat late siyag nagising. Pumasok agad siya sa banyo at kumaripas ng takbo papunta sa Wolverine Tower. Hindi na siya kumain ng agahan, basta na lamang niya binitbit ang inihanda ni yaya na baon niya at daig pa niya ang nakipagkarera sa daan. Pagdating niya sa tower ay halos patakbo niyang pinuntahan ang mga kasama na nooy nakapila na para sa morning exercise bago magsimula sa trabaho.“Marasigan! Pangalawang araw mo palang dito, late kana agad!”, pansin ng kanilang team leader ng mapansin ang pasimple niyang pagpila sa likod. Marasigan pala ang nilagay niyang surname, baka magtaka ang mga ito kung totoong apilyido niya ang ipakilala sa mga ito, sikat pa naman ang apilyidong Sandoval.‘Sorry, chief! Hindi na po mauulit”, nahihiyang turan niya habang nakayuko. Pinagtinginan din kasi sya ng kanyang mga kasamahan.“Talagang hindi na mauulit, last warning mo na ito!”, saad ng te
Read more

Chapter IV

“Marasigan!”, mula sa pagkakatayo sa likod ay tinawag ng team leader ang kanyang pangalan.“Sir, present!”, tugon naman ng Danielle dahil sa pakiwari niya nagchechecked ng attendance ito.“Oo, palagi kang present ngunit hindi ka pumupunta sa iyong assignment!”, tila galit na pahayag ng kanilang team leader.“Sir, nagpalit po kami ng post ni Marasigan!”, agad naming pagtatama ni Marion at napatingin siya dito.“Sinong may sabing nagpalit? Walang palit palit hanggat hindi ko sinasabi”, maktol ng kanilang team leader kung kayat parehong napakagat labi ang dalawa.Maya maya ay lumapit ang tam leader sa kanya.“At dahil matigas ang ulo mo, iaasign kita sa 25th floor. Doon ka sa office ng CEO”, mahina ngunit madiing pahayag nito sa kanya. Bigla naman siyang natakot, bakit naman sa CEO agad eh halos isang lingo palang siyang trainee?“Sigurado po kayo sir, doon ako maasign?”, pag ulit pa niya at minulagatan siya nito.“Bingi ka Marasigan? O nagbibingihan lang?”, turan ng team leader nila kun
Read more

Chapter V

Almost one-month na si Danielle mula ng lumipat siya sa tinutuluyang apartment atbmaging janitor sa Wolverine. Natuto na rin siya sa tamang technique ng paglilinis at nagiging normal na sa kanya ang ganoong gawain. Halos kaibigan na rin niya ang lahat ng mga kasama maging ang mga guard sa tower. Napagkakamalan siyang tibo kung kayat pare, pre, bro at boss ang tawag naman ng mga ito sa kanya na hinayaan na lang din niya upang hindi na magkaroon pa kalituhan sa iba. Hidi lang naman kasi ang kanyang pananamit ang parang lalaki, pati galaw ay kuhang kuha din niya.Pasakay na siya sa kanyang sasakyan ng tumunog ang gamit na cellphone. Iniiwan lang niya ito sa kanyang sasakyan dahil ang kanyang mommy lang naman ang tumatawag dito.“Mom!”, bati niya sa ina ng pindutin ang received button.“Are you not coming home? Baka makalimutan mo, it’s my birthday today!”, turan ng ina at napangiti siya.“Of course, I remember mom! makakalimutan ko ba yun? Paalis na nga ako dito sa trabaho”, pahayag niy
Read more

Chapter VI

Pagkatapos maglinis ni Danielle sa 25th floor ay bumaba siya upang magmiryenda. Hindi siya nakakain ng agahan kanina sapagkat gaya ng dati ay late na naman siyang nagising kung kayat nagmamadali siyang umalis para mahabol ang maaga nilang formation. Halos kalalabas niya lang sa elevator ng salubungin siya ng kanilang chief. “Marasigan! Balik ka sa taas, pinapatawag ka ng CEO”, saad nito habang di maipinta ang mukha. Sa tabas ng mukha nito ay parang may nagawa siyang hindi maganda. “Ha? Bakit daw chief?”, nagaalalang tanong niya dito. “Anong malay ko? Baka may palpak kang ginawa sa taas!”, turan ng kanilang chief at napaisip siya upang alalahanin kung may nagawa siya mali. “Wala naman akong ginawang mali chief”, saad niya dito. “Que meron o wala, bumalik ka sa taas para malaman mo kung anong atraso mo”, turan nito kung kayat tumango na lamang siya dito. “Sige chief, kain lang ako saglit! baka himatayin ako kapag pinagalitan ako ng CEO”, turan niya at pasupladong tumango iyon.
Read more

Chapter VII

“Give me your cellphone number”, turan ni Wolverine kay Danielle pagkatapos niang kumain sa rooftop. Balik na sila sa office nito at naibigay na rin sa kanya ang mga instructions nito.Bigla niyang kinapa ang bulsa, ngunit wala doon ang de keypad niyang cellphone.“Diyahe sir, hindi ko nadala yung aking cellphone. Hindi ko kabisado yung number”, pakamot sa ulo niyang pahayag kay Wolverine.“It’s okey, here’s my calling card. Nandiyan na rin yung address kung saan ako nakatira. Kunin mo na yung mga gamit mo then pumunta ka sa address na nandiyan after. Tawagan mo nalang ako kapag nandoon ka na.”, saad nito kasabay ng pag abot ng card na dinukot mula sa wallet nito.Inabot naman iyon ng dalaga at tumango tango habang binabasa ang laman ng calling card. Hindi na siya nagtaka kung sa isang mamahaling village ito nakatira.“Okey sir, see you!”, turan ni Danielle at sumaludo dito bago tinungo ang pinto. Pangiti ngiti pa siya habang maingat na isinasara ang upisina ng CEO, ngunit halos mapa
Read more

Chapter VIII

“Oops! Saan ka pupunta at pinaglalagay mo sa maleta ang mga gamit mo?”, si Yaya Ninay ng mapasukan siya sa kanyang kuwarto habang nag-iimpake ng gamit. Tinignan lang niya ito kung kayat pinamaywangan siya ng kanyang yaya.“Daniella, hindi ka pwedeng maglakwatsa mas lalong magagalit ang daddy mo. Ibalik mo ang mga iyan!”, patuloy nito.“Ya, napromote na po ako”, saad niya pagkatapos maisira ang kanyang maleta.“Napromote? Talaga ba? Naku, mabuti naman kung ganon anak. Masayang masaya ako para saiyo.”, biglang naging excited si Yaya Ninay dahil sa kanyang sinabi. Niyakap pa siya nito at nakangiting tinapik tapik niya ang balikat ng matanda.‘Thank you, Ya!’, turan niya dito.“Manager kana ba ngayon anak? Naku, tiyak matutuwa ang daddy mo saiyo ngayon”, tuwang tuwa ang kanyang yaya at nahang sa ere ang kanyang pagkakangiti.“Hehehe, hindi po Ya. Pero sa CEO na po ako magtatrabaho ngayon”, saad niya. Unti unting nawala ang excitement sa mukha ni Yaya Ninay ngunit agad ding ngumiti ng mare
Read more

Chapter IX

Kahit napuyat si Danielle dahil hindi nakatulog kagabi ay nagising pa rin siya ng tumunog ang kanyang alarm clock. Hindi siya sanay na natutulog sa ibang bahay kung kayat mag uumaga na ng dalawin siya ng antok. Nag inat inat siya ng ilang minuto bago kinuha ang towel at pumasok sa banyo. Mga ilang minuteo rin ang ginugol niya sa banyo pagkatapos ay naglagay ng moisturizer sa kanyang katawan. Pinasadahan din niya ng kaunting blower ang buhok upang mas madaling matuyo, naiirita kasi siya kapag nababasa ng buhok ang suot na damit. Isinuot naman niya ang puting shirt na sakto lng ang hapit sa katawan na tinuck-in sa kanyang jeans at ipinaris ang biniling leather boots. Pagtingin niya sa salamin ay nag iba ang kanyang aura, nagmukha siyang Lara Croft ng Tomb Raider movie. Napathumbs up siya sa salamin, pang driver talaga ang kanyang get-up.Sakto alasais ay lumabas na siya sa kanyang kuwarto, papainitin pa niya ng kaunti ang gagamitin nilang sasakyan kaya tamang tama kapag bumaba na ang ka
Read more

Chapter X

Pagkatapos nilang kumain ay pinababalot ni Danielle ang mga hindi nagalaw na pagkain, napakarami kasi ang nakahain kahit dadalawa lang naman sila ng kanyang among kumain. Tila natigil lang sa gianagawa ng mapansing nakatingin sa kanya si Wolvrine.“Sayang naman sir, wala namang nang kakain. Dalhin ko na lang sa mga kasamahan ko sa baba”, tila nahuli naman sa aktong saad niya habang idinaan sa labas ngipin na pagkakangiti.“Sure! Dalhin mo ng lahat yan”, turan naman ni Wolverin habang namamangha dito.“Yay! Thank you, sir! siguradong magugustuhan nila ito”, masayang pahayag ni Danielle at excited na pinagbabalot ang lahat ng pagkain. Nang matapos ay nakangiting hinarap ang binata na tila nagulat sa kanyang biglaang paglingon.“Tapos na sir, pwede na ba akong bumaba?”, saad niya dito.“Of course! Pupunta na rin ako sa office ko. Hintayin mo na lang ako sa baba, may pipirmahan lang akong documents then may pupuntahan tayong meeting”, pahayag ni Wolverine at tumango tango ag dalaga.“Sig
Read more
DMCA.com Protection Status