“Kung pareho tayong nasa panganib, sino sa tingin mo ang unang ililigtas ni Jared?” Bigla niyang tanong. “Ano?” Wala akong pagkakataon na iproseso ang mga salita niya dahil sa sumunod na sandali, nakaramdam ako ng pagtulak sa likod ko at nawalan ako ng balanse, gumulong ako sa hagdan at bumagsak sa ibaba. ***************** Na kay Arielle na ang lahat–magandang career bilang talentadong chef at tagumpay na pagsasama kasama ang isang Bilyunaryo. Habang ang asawa niya ay malayo, naniniwala siyang nagmamalasakit ito sa kanya ng husto. Kuntento na siya sa kanilang relasyon, at naappreciate niya ang napagsamahan nila. Isang araw bago ang ikatlo nilang wedding anniversary, nadiskubre niya na buntis siya at sabik na sabik at puno ng pag-asa. Umaasa siyang maibabalita niya ito sa kanyang asawa, sigurado siya na magdadala ito ng positibong pagbabago sa pamilya at maaari pang lumambot ang ugali niya. Pero, iba ang plano ng tadhana. Bago pa niya maisiwalat ang pagdadalangtao niya, isang hindi inaasahang tao ang nagpakita mula sa nakaraan ng asawa niya–”ang dati niyang kaibigan”. Habang papasok ang bagong dating na ito sa buhay nila, lingid sa kaalaman ni Arielle, ang hindi inaasahang pagdating ay hahamunin ang lahat ng alam niya tungkol sa kanyang pagsasama, sa asawa niya, at kanyang sarili.
Lihat lebih banyak(ARIELLE’S POV)Ang restaurant ko, ang A and M, na initials para sa Arielle at Maverick, ay nagbukas na sawakas ang mga pinto para sa publiko noong nakaraang araw, at ngayon, para maghost ng meeting sa potensyal na mga shareholders ng restaurant ko. Ang sagot nila at turnout ay overwhelming, at nasabik akong pag-usapan ang hinaharap ng business ko sa mga indibidwal na interesado.Marami sa kanila ang dumating, at ang iba ay papunta na. Hindi magsisimula ang meeting ng wala sila, at bukod pa doon, hindi pa oras ng meeting, kaya worth it ang paghihintay.Ang entrance ay bumukas, at alam ko na isa ito sa mga interesadong indibidwal na papasok, kaya inihanda ko ang sarili ko at ngumiti, handa na iwelcome ang kahit na sino ng nakangiti, tulad ng ginawa ko sa iba.Pumasok ang pigura sa loob, at nanghina ang ngiti ko. Nanigas ako, nanlaki ang mga mata ko at napanganga. Anong pambihirang nangyayari dito? Sambit ko sa isip ko, nakipagtitigan ako sa bagong dating.Hindi maaari! Jared?Kahi
(JARED’S POV)Tumunog ang phone ko, nabasag ang katahimikan sa aking opisina. Sinulyapan ko ang screen at nakita ang pangalan ng imbestigador ko.“Sabihin mo,” sagot ko. “May update ka na?”“Oo,” sagot niya at nag-alinlangan siya“Sige,” udyok ko.“Sa kasamaang palad, hindi ko siya masundan hanggang sa bahay. Napansin niya na sinusundan ko siya at gumawa siya ng paraan para hindi ko siya mahabol.”Sumarado ng mahigpit ang panga ko at humigpit ang kapit sa phone. “Puro palusot na lang ba ang mabibigay mo?” galit ko na sinabi.“Kumalma ka, sir. Pakiusap, makinig ka sa akin,” makaawa niya.Huminga ako ng malalim, pinilit ko ang sarili ko na manatiling tahimik at hayaan siyang magpatuloy.“Hindi ko siya nagawang sundan sa kanyang bahay tulad ng plano ko kahapon, pero nagawa ko na makuha ang address ng restaurant niya.”“Restaurant niya?” inulit ko, naging interesado ako.“Oo, mayroon siyang building restaurant, at sa isang linggo ito magbubukas.”Naupo ako ng diretso ngayon. “I
(ARIELLE’S POV)Matapos magmaneho pa, itinigil ko ang sasakyan sa isang lugar na maikukunsidera ko na ligtas at sinubukas na maghabol ng hininga. Nanginig ako ng hindi makontrol ang kamay ko sa manibela, habang ang puso ko ay malakas ang tibok na parang lalabas ng dibdib ko.Sinubukan ko kumalma, kung hindi, hindi ako makakapagmaneho pauwi. Huminga ako ng malalim at mabagal, sinubukan ko na ayusin ang aking sarili. Nagpanic ako, pero isinantabi ko ang nararamdaman ko. Hindi ako puwede magpanic attack, hindi, hindi dito.Makalipas ang ilang minuto, naging normal ng unti-unti ang tibok ng puso ko, at naging steady ang aking kamay. Dahil kuntento na ako na puwede na akong magmaneho ulit, sinindihan ko muli ang makina ng sasakyan, nagmaneho ako pauwi, alerto na ang aking senses.Habang nagmamaneho, lalo akong nabalisa, habang sinusubukan ko alamin kung bakit ako susundan ng kahit na sino. Hindi ko ito maintindihan, at patingin tingin ako pa din ako sa salamin para masiguro na wala na a
(ARIELLE’S POV)Nakabalik ako sawakas sa bahay, pagod pero fulfilled. Ang nanay ko at anak ay naghihintay na sa sitting room, at yumakap sila sa akin habang ipinapakita ang tuwa ng pumasok ako.“Nakita namin ang balita!” sambit ni Maverick, tumalon siya sa akin. “Sikat ka na ngayon, Mama.”“Congrats, darling ko. Sobrang proud ako sa iyo,” sambit ng aking nanay.Ngumiti ako, masaya rin dahil masaya sila. “Salamat.”Naglakad ako patungo sa couch at naupo kaming lahat at ikinuwento ko sa kanila na mga nasasabik kung anong nangyari sa araw ko. Pero siyempre, siniguro ko na hindi kasama ang aksidente at engkuwentro kay Sofia, para hindi sila mataranta.Pagkatapos ko magkuwento, nagpaalam ako dahil gusto ko na hubarin ang damit ko at accessories sa aking katawan. “Pasensiya na sa inyong dalawa, sambit ko,” tumayo ako. “Kailangan ko maligo at magpahinga ng kaunti.”“Malapit na maging handa ang dinner,” paalala ng nanay ko.Tumango ako, nagpapasalamat sa kaunting pahinga. Sa oras na na
(ARIELLE’S POV)Unang araw ko simula ng makauwi ako, at nakaramdam ako ng sabik at kaba. Ngayon, bibisita ako sa restaurant site ko at dadalo sa isang mahalagang meeting kasama ang mga delegates mulas a Paradiso Culinary Academy—ang alma mater ko—para sa ambassador endorsement na nagpakahirap ako para masigurong makuha.Pagkakataon ito para hubugin ang culinary world sa paraan na ninanais ko sa mga panahon ng mahahabang taon sa Italy.Nasabik ako habang iniisip ko ang mga benepisyo na kaakibat ng posisyon—mamahaling sasakyan, fully funded insurance, malaking sahod na magpapayaman sa akin. Napakaganda ng mga benepisyo.Pero ang pinakaninanais ko ay ang mag-iwan ng marka sa menu ng Paradiso, sa pagkakakilanlan nito, sa kanilang mga patron. Ito ang entablado ko, at handa na akong angkinin ito.Isinuot ko ang aking itim na dress, ang fabric ay nakakapit sa lahat ng mga tamang lugar. Simple, elegante. Walang makeup para mahighlight ang itsura ko at mabilis na pagpapa unat ng buhok ko,
(JARED’S POV)Kumurap ako at tinignan muli ang headline, sinisiguro na hindi mali ang nabasa ko. Pero hindi nawala ang mga salita. Nandoon sila, nakasulat pa din.Pagkatapos ay napalunok ako ng madiin, pinilit ko ang sarili ko na tumingin pababa, at nahirapan akong huminga. Siya nga. Si Arielle.Ang parehong babae sa airport.Ang parehong babae sa sasakyan ni Ashley. Kaya pala naaakit ako sa sasakyan kanina.Paano ako naging ganito kabulag?Dalawang beses, makalipas lang ang ilang araw. Sa airport, kung saan naramdaman ko ang kakaibang hatak sa akin pero isinawalangbahala ko. Sa sasakyan, noong sinubukan ko siyang makita, pero naglaho siya bago ko siya tunay na masulyapan. Sa parehong beses, hinayaan ko siyang makaalis.Pagkatapos, tinamaan ako ng napagtanto ko na parang tone-toneladang mga simento, nadurog ang puso ko. Paano ako nagagawang biruin ng tadhana ng ganito?Hindi ko naisip na makikita ko siya ulit. Pero heto siya.Tinitigan ko ang litrato, mabilis ang tibok ng akin
(JARED’S POV)Babad ako sa trabaho ng marinig ko ang ingay ng phone ko sa katahimikan, hinatak ako nito mula sa aking focus.Ok, anong nangyari ngayon? Kailan ba siya titigil sa pag likha ng gulo? Bumuntong hininga ako at pinigil ang galit ko habang nakikinig ako sa pag-iyak niya mula sa kabilang side ng phone. Nakatira siya sa ilalim ng bahay ko; ang kaligtasan niya ay hindi ko maisawalangbahala. Ngayon alam ko na na karma ko ito. Pinatay ko ang laptop ko, kinuha ang sasakyan, at umalis.Habang nagmamaneho ako, tahimik akong nagdarasal na sana ang aksidente ay hindi kasing tindi ng kanyang paglalarawan sa phone.Habang malapit na ako doon, tumigil ako sa stop light. Kinakain ako ng inis habang tinatapik ko ang manibela, hinihintay ito na magbago. Nalipat ang tingin ko at napunta sa pagsuri sa mga sasakyan sa paligid. Dito ko napansin ang grey Audi sa tabi ko.Hindi ito bibihirang modelo, pero mukhang pamilyar ito.May naramdaman ako sa loob ko—sasakyan ni Ashley? Pero bakit ito
(SOFIA’S POV)Dumating ako sa “Elegance,” isang sikat na unisex fashion clothing shop kung saan mga mayayaman lamang ang bumibili. Dahil regular ako dito, maganda ang trato sa akin sa oras na pumasok ako sa female section ng shop para sa mga bagong dating.“Welcome back, Sofia,” sambit ni Jenna, ang sales manager, na lumapit habang nakangiti.“Hi, Jenna. Kakatapos ko lang tignan ang bagong mga dating,” sagot ko, sinusuri ang mga bagong dating na damit.“May mga magaganda kaming damit mula sa latest collection,” sambit niya, isinama ako sa designer section.Pagkatapos pumili ng ilang mga dress at sukatin ito, nakapagdesisyon ako sawakas. Sa checkout counter, tinotal ni Jenna ang mga binili ko.“Ang suma total ay $10,000,” anunsiyo niya.Inabot ko ang itim ko na card, at winithdraw niya ang halaga. Pagkatapos, naglabas ako ng mga perang papel at inabot sa kanya. “Heto, sa pagiging mabait na babae.”“Salamat. Paalam,” sambit niya.Tumango ako at naglakad palabas, dala ang mga sho
(JARED’S POV)Habang nahihirapan ako na manatiling gising at labanan si Sofia, nagsimula na lumipad ang isip ko sa parang panaginip na estado.At pagkatapos, tila ba may bumukas na pinto sa aking isip, nakita ko ang sarili ko sa ibang lugar—mainit, at malinawag na ilaw na iniimbitahan ako. Pakiramdam ko pamilyari to, bagay na matagal ng nawala pero hindi ako tumigil sa paghahanap.Nandoon si Arielle, nakatayo sa tabi ko, kumikinang ang mga mata niya, ang mga labi niya ay nakangiti ng mahinhin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita siya. Totoo siya. Dito. Kasama ko.“Love,” bulong ko, nanginginig ang boses ko sa matinding halo ng saya at hindi makapaniwala.“Yes, Jared,” sagot niya, ang boses niya ay parang hele na nakalimutan ko na. Ang boses niya ay binalot ako, at panandalian, ang sakit sa puso ko ay naglaho.Nararamdaman ko ang bilis ng pintig sa tenga ko, naghahalo ang aking mga emosyon—sobrang saya ko na halos madurog ako. Nandito siya. Mahal pa din niya ako. At lahat ng si
(ARIELLE’S POV)Ang amoy ng hapunan ay pumasok sa kuwarto, habang nakafocus ako sa asawa ko, na si Jared. Ang itim na buhok niya ay tama lang ang bagsak, bagay sa diretso niyang ilong at matalas na jawline. Kahit na suot ang kaswal na damit, ang lalake ay hindi maitatanggi ang presensiya—malapad na mga balikat at magandang hulma na dibdib. Puwedeng kakalabas lang niya sa magazine, pero heto siya, kasama ko.Anniversary namin, at bilang pag gunita nito, ang ideya ko ay magkaroon kami ng indoor dinner—ng kaming dalawa lang.Kahit na malayo siya, si Jared ay naglaan ng oras sa abala niyang works schedule, at natutuwa talaga ako sa ginawa niyang ito. Lalo na kapag tumitingin siya sa akin gamita ng nag-aalab niyang mga mata, mahirap na manatiling galit.Pinili ko na maupo sa tapat niya kaysa sa karaniwan namin posisyon kapag kumakain—sa tabi niya dahil gusto ko na makita ang lahat ng mga reaksyon niya kapag sinabi ko na sa kanya ang magandang balita.Kasi, nadiskubre ko na buntis ako k...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen