Home / Romance / Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo / Kabanata 3 Kapag nagsimula ang pagdududa

Share

Kabanata 3 Kapag nagsimula ang pagdududa

Author: Gabby Emmanuel
last update Last Updated: 2024-12-02 17:05:21
(ARIELLE’S POV)

“Ashley, kailangan ko na umalis. Salamat sa impormasyon. Tatawagin kita mamaya.”

Matapos ko makausap si Ashley sa phone, sinubukan ko na gawin ang lahat ng makakaya ko para asikasuhin ang isipan ko na kung ano-ano ang iniisip.

Si Jared ay elegante, considerate, at metikuloso. Ang akala ko kilala ko na ang taong ito makalipas ang tatlong taong pagsasama. Pero, hindi ko pa siya nakikitang depensahan ang isang tao sa harap ko, lalo na ang sumira ng dalawang beses sa pangako.

Bumuntong hininga ako at bumaba mula sa sasakyan.

Pagkatapos dumating sa bahay, walang nakapaghanda sa akin sa nakita ko. Nakaupo ng kumportable si Sofia sa sitting room, at hindi siya mag-isa. Kasama niya ang nanay ni Jared, nag-uusap sila at masayang tumatawa. Habang si Jared ay nakaupo sa single sofa sa tabi nila.

“Anong nangyayari dito?” nagawa kong itanong, may bara sa lalamunan ko.

Habang palapit ako, tumayo si Jared at inabot ang coat ko. “Isinama ko si Sofia dito dahil gusto siyang makita ni Ina,” paliwanag niya, kalmado ang tono niya.

“Dapat sinabi mo muna ito sa akin,” mahina ko na sinabi, “At ito ang tinatawag mo na ‘pag-aasikaso sa sitwasyon’?”. Nagkatinginan kami sandali ni Jared, kita ang pahinga ng tawad sa mga mata niya bago siya umakyat dala ang coat ko.

Ang galing. Ngayon kailangan ko itong asikasuhin mag-isa.

Humarap sa akin si Sofia ng walang inaalala, tila ba siya ang may-ari ng bahay. “Oh, uy, Ariele. Masaya ako na nakauwi ka na. Nagkukuwentuhan kami ng nanay ni Jared.”

Ang mga mata ko ay naghinala habang sinusubukan ko na hindi titigan ng masama si Sofia. Anong ginagawa niya dito? Bakit palakaibigan ang biyenan ko sa kanya?

Ang nanay ni Jared ay tumingala sa akin, ang ekspresyon niya ay neutral, hindi kasing init ng pagtanggap niya kay Sofia. “Welcome back,” sambit niya, pagkatapos ang atensyon niya ay bumalik na kay Sofia. “Sige na, dear, ano ulit ang sinasabi mo?”

Nasaktan ako at napahiya haabng nakatayo doon, pakiramdam ko outsider ako sa sarili kong bahay.

Ang akala ko kilala ko na ng husto si Jared, pero ngayon natatakot ako na baka hindi niya sinabi sa akin ang buong katotohanan tungkol sa relasyon niya kay Sofia. Dahil, paanong kaibigan lang siya pero sobrang lapit ng relasyon niya sa kanyang ina?

“Oh, ang sinasabi ko,” nagulo ang iniisip ko ng matinis na boses ni Sofia. Bakit sa tingin ko sadya niyang nilalakasan ang boses niya para marinig ko?

“Bumalik ako galing abroad para gunitain ang kaarawan ni Jared, nakilala ko si Arielle kanina sa restaurant. Unang beses namin na nagkakilala,” patuloy ni Sofia.

Ngumisi ako sa kanyang pilit na pagiging masayahin. Sana sabihin din niya sa nanay ni Jared kung gaano siya kabastos, kung paano niya ako tinakot na tatanggalin sa trabaho, at kung paano niyang sinabi na asawa niya si Jared.

“Oh, ganoon ba? Ang galing,” sambit ng nanay ni Jared, malinaw na naintriga sa pag-uusap nila.

“Hindi ako makapaniwala na ikinasal si Jared sa hamak na chef. Ang ibig ko sabihin, huwag sana mali ang pagkakaintindi mo, pero hindi ito ang prestihiyosong trabaho na nababagay sa isang bilyunaryo.”

Nakangiti siya ng husto, pero kita ko ang hamon sa mga mata niya. Gusto niyang magreact ako.

Tumaas ang kilay ko at tumawa ng kaunti. “Totoo. Laging nagrereklamo si Jared na nagluluto ako para sa bisita, at hindi para sa kanya. Kailangan talaga ng tunay na abilidad para makuntento ang panlasa ng bilyunaryo araw-araw.”

Kumibot ang mga labi ni Sofia, kita ko na hirap siyang manatili na kalmado. “Oh, hindi sa nilalait ko ang abilidad ko o trabaho. Sa tingin ko lang na… puwedeng pumili ng iba si Jared.”

Nagkibit balikat ako. “Ginawa niya. Ako ang pinili niya.”

Nasamid si Sofia.

“Sige na, sige na. Arielle. Sinasabi lang ni Sofia ang opinyon niya,” sambit ng nanay ni Jared.

“Oo nga,” sarcastic niyang sagot.

Pagkatapos, humarap siya kay Sofia, “Okay Sofia, dear, huwag na natin pag-usapan si Ariella at magfocus tayo sa pinaguusapan natin kanina. Ikuwento mo sa akin ang lakad mo.”

Umirap ako at naupo. Pero, napukaw ang atensyon ko sa sinabi ni Sofia: “Ayun na nga, dumating ako kagabi sa lungsod…”

Kagabi. Parehong oras na dapat nagtatrabaho si Jared.

Ang karamihan sa pag-uusap nila ay hindi ko na narinig habang mabilis ang takbo ng isip ko, sinusubukan pagsama-samahin ang impormasyon.

Umiwas ng tingin si Sofia, mukhang hindi siya nababagabag sa katahimikan ko.

Habang napapagtagpi-tagpi ko ang lahat, napagtanto ko ito bigla: ang tawag na natanggap ni Jared kagabi ay hindi para sa trabaho, dahil sinundo niya is Sofia sa airport.

Nanlumo ako. Bakit kinailangan niya na magsinungaling?

Unti-unti, nagsimula akong magduda. Kilala ko ba talaga ang lalake na pinakasalan ko, o may mga bagay tungkol sa kanya na kailangan ko pa na malaman?

Ang nanay ni Jared ay biglaang humarap sa akin, nakangiti siya.

“Arielle, kung napapaisip ka kung paano ko nakilala si Sofia, sasabihin ko sa iyo ito ngayon. Si Sofia at Jared ay matagal ng magkaibigan. May espesyal silang koneksyon, at ang hiling ko sana ay makasundo mo siya tulad ni Jared.”

Pinilit ko na ngumiti, hindi nagtitiwala sa akin na magsalita. Makasundo si Sofia? Hindi ko nga matiis na makasama siya sa iisang kuwarto.

“Ihahanda ko muna ang mga paborito ninyo, mga iha,” sambit ng nanay ni Jared, tumayo siya at tumungo sa kusina.

Sa oras na umalis siya, humarap sa akin si Sofia, masama ang kinang ng mga mata niya.

“Oh, Arielle, nasabi ko na ba na matagal na kaming magkaibigan ni Jared?” ang boses niya ay kaswal ang dating. “Hindi? Well, nagkakilala kami sa kindergarten. Naniniwala ka ba? Dalawampung taon na niya akong hinahabol.”

Nalukot ang sikmura ko, pero nanatiling neutral ang ekspresyon ko. Dalawampung taon? Hindi sinabi ni Jared ang bagay na ito kailanman sa akin!

Hindi tumigil si Sofia. “Totoo! Gustong-gusto ako ni Jared. Ginagawa niya dati ang kahit na anong hilingin ko sa kanya. Magkasama pa kami na pumunta sa prom. Inukit namin ang initials namin sa willow tree—ang romantic hindi ba?” Nagseselos siya ng husto noon, nilalabanan ang kahit sinong lalake na lumalapit sa akin. Ang dami din nagkakagusto sa akin, alam mo ba.”

Habang ikinukuwento niya ang nakaraan, magkahalong selos at napapaisip ang nararamdaman ko sa sikmura ko. Ipinilit ko na hindi ipakita ang nararamdaman ko, pinilit ko na ngumiti. “Nakaraan na iyon, Sofia. Kasal na siya sa akin ngayon at wala ng magbabago doon.”

Nanginig sandali ang ngiti ni Sofia, pero hindi siya tumigil. “Pero, ikinasal siya sa iyo agad matapos ako umalis patungong Europe… interesanteng timing, hindi ba?”

“Tama na, Sofia. Sigurado ako na hindi kailangan ni Arielle ang lahat ng mga detalyeng iyon,” biglaang maririnig ang boses ni Jared mula sa likod, hindi na niya pinatuloy si Sofia.

Noong humarap ako sa kanya, umiwas siya bigla ng tingin.

Related chapters

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 4 Gulo sa paraiso

    (ARIELLE’S POV)Habang saradoang bibig ni Sofia, nagulat ako sa biglaang pagpapakita ni Jared, unti-unti akong tumayo mula sa kainauupuan ko, gulat pa din sa mga narinig ko.Sumakit ang puso ko—hindi lang sa sinabi ni Sofia, dahil sa bagay na narinig ko ito mula sa kanya, hindi mula kay Jared.Nakarating ako kay Jared at hindi ko siya binigyan ng pansin ng daanan ko siya, pero sinubukan niya kaong kausapin.“Arielle, pakiusap makinig—” sambit niya, sinusubukan akong abutin.Inalis ko ang kamay niy at umakyat ng hagdan, lumuha ang mga mata ko. Nakarating ako sa kuwarto at bumagsak sa kama, manhid, pagod at disappointed.Sa oras na iyon, may text na dumating sa phone ko. Galing ito kay Jared. “Patawad,” ang nakasulat dito.Tinitigan ko sandali ang screen, pagkatapos ay pinatay ko ang phone, hindi ko kayang asikasuhin muna ang paghingi niya ng tawad. Hindi ako dinalaw agad ng antok, at noong dumating na ito, hindi ako mapakali at gulong-gulo.Sa sumunod na umaga, nagising ako ng w

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 5 Ang kailangan tiisin ang babaeng third wheel

    (ARIELLE’S POV)Bago ko pa mailabas ang galit ko, naging matigas ang ekspresyon ni Jared. May kakaibang talim ang boses niya. “Sofia, ang mga bulaklak na ito ay hindi para sa iyo.” Binawi niya ang bouquet ng madiin, iniabot ito sa akin.“Para ito sa mga asawa ko,” sambit niya, nakatingin sa mga mata ko.Namula si Sofia sa hiya. Samantala, ako naman ay hindi mapigilan ang kuntentong ngiti ko.Pero, walang naghanda sa akin para makita si Sofia na lumuha at humarap kay Jared. “Jared, Jay-jay. Patawad talaga at nagulo ko ang pribado ninyong oras, pero… ang mga bulaklak ay para sa akin, tama? Natatandaan mo ba noong high school, dinadalan mo ako lagi ng lavender flowers, lalo na kapag prom nights?” Mukhang nahihirapan si Jared, habang tinignan niya ako at si Sofia. Talaga? Pinagiisipan pa niya? Ang bulaklak na iyon ay para sa akin, pambihira naman, dapat sabihin na lang niya na iabot ito sa akin, ang tunay na nagmamayari.“Arielle,” kalmadong sinabi ni Jared, “hayaan mo muna na kanya

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 6 Noong pinili siya kaysa ako

    (ARIELLE’S POV)Nagpahinga ako sa kuwarto sa itaas, pumipintig ang ulo ko sa migraine.Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa dining room. Hindi man lang pinagalitan ni Jared si Sofia sa pagsasabi na nilason ko siya. Masyado niya akong kilala, hindi ako mananakit ng langaw, lalo na ng tao.Hindi ko gusto si Sofia, oo, pero ang huli kong gagawin ay saktan siya. Hindi ko nga alam na allergic siya sa gatas, lalo na ang ilagay ito sa pagkain para lang saktan siya.Siguro nagdidiwang na siya ngayon, alam niya na ang plano niya na gumawa ng problema sa pagitan namin ni Jared ay nagtagumpay. Hindi na kami makapagdinner ng payapa ngayon. Ang presensiy niya ay ginugulo lagi ang kapayapaan ng pagsasama namin.Bumuntong hininga ako at natulog sa kama,iniisip kung anong kailangan ko gawin para alisin si Sofia sa buhay namin ni Jared.Dahil napansin ko na inaantok ako, bumangon ako mula sa kama at pumasok sa banyo para sa aking night shower. Pagkatapos, nagsuot ako ng kumportableng night robe

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 7 Noong Nagalit Siya

    Beep!Beep!(ARIELLE’S POV)Unti-unting namulat ang mga mata ko, tinitignan ko ang paligid ng malabo ang aking paningin. Ang maliwanag na florescent lights sa itaas ay nasilaw ang mag mata ko, nagsignal sa utak ko, at pumintig ang ulo ko. Napapikit ako, itinaas ko ang kamay ko para takpan ang aking mga mata, pero matinding sakit ang narmadaman ko sa bewang ko, at sumigaw ako para magcollapse pabalik sa unan.Habang malabo ang paningin ko, nakita ko si Ashley na nagmamadaling pumunta sa tabi ko. “Okay ka lang ba? Oh Diyos ko, gising ka na!”“Ash…ley?” sinubukan ko siyang tawagin, pero tumindi ang sakit, at hindi ko mailabas ang gusto ko sabihin.“Shhh, relax. Huwag mo subukan na magsalita.”Tumango ako, at habang nagrerelax, nabawasan ang sakit. Dahil medyo stable na ako, nagtanong ako, “Nasaan ako?”“Nasa ospital ka,” sagot ni Ashley, mahinhin ang boses niya.Tumingin ako sa paligid pagkatapos niyang magsalita, at nakita ko ang malinis na kuwarto. Malawak ito, puti ang kulay n

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 8 Nasaktan

    (ARIELLE’S POV)Matapos umalis si Ashley, tinignan ni Jared ang pinto at siniguro na hindi na niya maririnig ang pag-uusap nila bago humarap sa akin, mababa ang boses niya. “Anong nangyayari?”“Anong ibig mo sabihin?”“Ang bagay na ito na isinasawalangbahala ka para kay Sofia. Anong bumabagabag sa iyo? Ang akala ko naayos na natin ito.” Nagsalubong ang mga kilay niya, pero walang inis sa boses niya—naguguluhan lang.Tinitigan ko siya ng masama. “Alam mo dapat kung anong ibig ko sabihin, Jared. Matindi ang pagbagsak ko, at salamat ito kay Sofia, at kaysa tulungan ako, siya ang pinuntahan mo. At pagkatapos nito? Iniwan mo ako kay Ashley para makasama siya. Ano ba ako sa iyo, Jared? Kalokohan?”Smingkit ang mga mata ni Jared habang naguguluhan. “Arielle, makinig ka,” sambit niya, mas kalmado ngayon na tila pinipili niya angk anyang mga salita ng maayos.”Buntis si Sofia. Hindi ko puwede isugal na may mangyari sa kanya o kaya sa baby. Kaya una ko siyang pinuntahan. Pero siniguro ko na

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 9 Gusto ko siyang mawala

    (ARIELLE’S POV)“Pakiramdam ko may itinatago ka mula sa akin, Arielle,” sambit ni Ashley, ang tono niya ay seryoso at kumokontra.Bumuntong hininga ako, at umiwas ng tingin dahil totoo ang sinasabi niya. Kami lang ang nasa hospital room. At ngayon, mas malakas ang pakiramdam ko dahil nakapagfreshenup ako, nakapagbihis sa isa sa mga dress na dala ni Jared, nakapag-almusal at nainom ang mga gamot ko.“Alam mo, hindi tama na tawagin mo akong best friend at maglihim ka mula sa akin—”“Sige,” sambit ko ng sumusuko. “Anong gusto mo malaman?”“Una sa lahat, sino ang Sofia na iyon? Buntis siyang babae na sinabi ko na nakita kong kasama ni Jared na umuwi. Bakit nandoon siya sa bahay ninyo, at anong relasyon niya kay Jared dahil sobra ang malasakit niya sa kanya?”Bumuntong hininga ako muli, sa hindi mabilang na beses ngayon, bago ko ipagpatulyo na sabihin kay Ashley ang tungkol kay Sofia at kung paano siyang dumating na lang sa buhay namin ni Jared. Sinabi ko ang lahat, siniguro ko na ang

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 10 Puwede ba na magkaibigan lang ang lalake at babae

    (ARIELLE’S POV)Tumingala ako para titigan ang tong nakasalubong ko. Nagkataon na binatang lalake ito, at sa sandaling nakita ko ang mukha niya, hindi ko mapigilan na mapansin kung gaano siya nakakaakit. Ang mga mata niya ay emerald green ang kulay, matipuno ang hulma ng mukha niya, panandalian akong walang masabi.Umiling-iling ako, nahimasmasan sa pagkatulala. “Pasensiya na talaga,” agad akong humingi ng tawad.Napatingin ako sa malapit, at nakakita ako ng phone sa sahig. “Phone mo ba iyon?” tanong ko, hindi na ako naghintay ng sagot at nagmadali akong lumapit doon, pinulot ito, at inabot ito pabalik sa kanya. “Mabuti na lang, hindi nasira ang phone. Pasensiya na ulit.”Sa buong oras na ito, ang lalake ay hindi nagsalita. At noong nagsalita siya, natutuwa siyang nakangiti. “Hindi mo kailangan humingi ng tawad, totoo. Ako dapat ang humihingi ng tawad.”Umiling-iling ako, “Hindi, ako ang hindi nakatingin noong nakabangga kita.”Natawa siya ng mahina, mababa at tunog. “Sabihin na

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 11 Pakiramdam ko dalawa ang asawa niya

    (ARIELLE’S POV) *****Makalipas ang tatlong araw*****“Magnadang umaga, Arielle,” ngumiti si Doctor Wade sa akin ng pumasok siya sa kuwarto. “Natutuwa akong ipaalam sa iyo na okay ka na at fit na para madischarge. Kailangan na lang pirmahan ng asawa mo ang discharge slip, at puwede ka ng umuwi.”Agad na napangiti ang mukha ko. “Salamat, Doctor Wade.”Tumango siya at tumalikod para lisanin ang kuwarto. “Ingat ka, Arielle. Maging maayos sana ang pagpapagaling mo sa bahay.”Si Ashley, na nakaupo sa tabi ko sa kama, ay ngumiti at hinawakan ang kamay ko. “Babalik ka na rin sawakas sa bahay, Arielle. Masaya ako para sa iyo.”Ngumiti ako pabalik. “Masaya din ako, Ashley.”Sa oras na iyon, pumasok si Jared dala ang maliit na paper bag, “Good morning, Love. May dala akong almusal para sa iyo.”“Salamat.” Sagot ko na parang wala lang.Nakakailang ang nakalipas na tatlong araw. Para kaming estranghero sa isa’t isa. Bihira ko siya makita, maliban na lang sa routine checkup niya na hindi

    Last Updated : 2024-12-02

Latest chapter

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 50 Pagbabago ng isip

    (ARIELLE’S POV)Sa oras na lumabas si Jared, tumulo ang mga luha ko. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko, at nanginig din ang katawan ko. Masyado itong mabigat. Ang makita siya ay parang pagpapalala pa sa pinsala ko na tinamo. Sobrang sakit.“Huy, okay lang. Iiyak mo lahat,” bulong ni Ashley, pinipiga ang kamay ko. Tahimik siya buong oras sa palitan namin ni Jared, at gusto niyang makielam sana kung hindi lang ako sumenyas na manatili siyang kalamado.Habang umiiyka ako, tumindi lalo ang emosyon ko. Galit, kalungkutan, at pagsisisi. Bakit ba kumapit ako ng matagal? Bakit ba isinawalangbahala ko ang pagiging malayo ni Jared, iniisip na parte lang ito ng ugali niya kung senyales na ito?Umiyak ako lalo, dahil sa kahangalan ko, at pagtataksil ni Jared. Pero habang umiiyak ako, may nagbago sa loob ko. Napagtanto ko na hindi ko ito puwedeng patuloy na gawin sa sarili ko. Hindi ko puwede patuloy na mahalin ang isang tao na hindi ako mahal.Hinding hindi ako pipiliin ni Jared kaysa k

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 49 Pagdadalamhati

    (JARED’S POV)Masyado itong masakit na tanggapin lahat—ang masakit na katotohanan na narinig ko sa kuwarto.Naglakad ako ng hindi maayos sa hallway ng ospital, kumikilos ang mga paa ko ng kusa. Hindi alam pero nakarating ako sa elevator na pababa sa first floor. Ang mga salamin ay may ipinakita na imahe, isang tao na hindi ako nagulat na makita. Isang maputla, heartbroken at baluktot na tao.Sa labas, ang mainit na araw ay masakit sa mata at balat, pero wala akong pakielam. Masyado kong ramdam ang mga emosyon ko para mag-alala sa sunburn o mangitim.Nakarating ako sa sasakyan ko, hinawakan ko ang hawakan ng pinto. Ang bakal ay malamig sa palad ko, kabaliktaran ng nararamdaman ng nag-aalab ko na puso.Umupo ako sa driver’s seat, kumapit ako ng mahigpit as manibela. “Pinatay ninyong dalawa ang anak ko!” Nag-echo sa utak ko ang mga salita ni Arielle. Masakit ang bintang niya dahil anak ko din iyon.Naging mapula ang mga mata ko, bilang resulta ng mga hindi tumutulong luha, at naipon

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 48 Buntis siya

    (JARED’S POV)Dumating ako sa ospital, at nagmadali patungo sa reception area. Isang babae ang nasa likod ng counter at agad ko na sinabi ang misyon ko doon.“Sandali lang, titignan ko ang records,” sambit ng babae at naglabas siya ng malaking libro mula sa drawer.Tumango ako at hindi makapaghintay na tinapik ang marmol na counter habang binabasa niya ang libro.“Oo, isang Arielle Smith ang dinala dito kahapon. Aksidente ang nangyari at nasa room 95 siya sa wing C, second floor ng ospital…”Iyon lang ang kailangan ko marinig at pinasalamatan ko sandali ang babae bago nagmadali na umalis. Sumakay ako sa elevator at sinuntok ang number 2 at umakyat ito. Bumaba ako ng makarating sa floor at sumenyas sa nurse para magtanong. Sumagot siya, at habang dala ang impormasyon, tumungo ako sa kuwarto.Sa oras na dumating ako, tumigil ako sa harap ng pinto na may nakasulat na numero 95. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko, hindi ako sigurado sa aasahan ko. Pero binuksan ko pa din ang pinto, at

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 47 Mga sagot

    (JARED’S POV)Dumating ako sa bahay at nagmadali na umuwi. Noong pumasok ako sa living room, nakita ko si Sofia na nakahiga sa couch at kumakain ng junk food habang malakas ang TV sa background. Disappointed ako sa nakita ko.“Sofia, anong nangyayari dito? tanong ko, kinuha ko ang remote at pinatay ang TV.Sumimangot siya sa akin. “Anong problema mo? Bakit mo pinatay ang TV?”“Kailangan natin mag-usap,” sambit ko ng madiin.Nainis siya at naupo sa couch, nakakrus ang mga braso niya ng defensive. “Tungkol saan? Nilisan mo ang bahay ng hindi mo sinasabi sa akin kung saan pupunta, at ngayon gusto mo mag-usap?”Huminga ako ng malalim at sinubukan ko na kumalma at hindi magwala. “Sofia, wala munang mga tantrums, pakiusap. May kailangan ako itanong sa iyo.”Tumitig siya sa akin ng masama bago umirap. “Sige, makikinig ako.”“Kahapon, nakita mo na umuwi si Arielle ng maaga, tama?”“Bakit mo ako tinatanong ng ganito? Sinabi ko sa iyo na nahuli niya tayo sa akto,” sambit ni Sofia, defen

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 46 Ang pahanap ng sagot

    (JARED’S POV)Pinindot ko ang doorbell sa tabi ng pinto at naghintay ng sagot, pero makalipas ang ilang minuto, walang dumating. Pinindot ko ito ulit, pero wala pa din sagot. Matapos makumpirma ang hinala ko, hinawakan ko ang door knob, at tama ang inaasahan ko, nakalock ito.Sinapok ko ang sarili ko sa isip ko, “Siyempre,” bulong ko. Anong inaasahan ko sa 10 am ng araw ng trabaho? Si Ashley, na nagtatrabaho ng propesyunal ay marahil nasa trabaho.Bigla ko napagtanto ang bagay na ito. Kung nasa trabaho si Ashley, maaaring pinuntahan siya ni Arielle kahapon, at maaaring nasa trabaho din si Arielle.Matapos itong mapagdesisyunan, bumalik ako sa sasakyan. Hahanapin ko si Arielle sa restaurant. Habang nagmamaneho, lumipad ang isip ko. Sana willing makinig si Arielle, alam ko pa naman kung gaano katigas ang ulo niya kapag galit siya.Dahil paghingi na din ng tawag ang pinaguusapan, hindi ako dapat humingi ng tawad ng walang dala. Napagdesisyunan ko na bumili ng paborito niyang bulaklak

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 45 Maling akala

    (SOFIA’S POV)Pinanood ko si Jared na tinawagan ang numero ni Arielle, mabilis akong nag-iisip sa inis, at walang hinihiling kung hindi agawin ang phone niya. Bakit ba nag-aabala pa din siya sa kanya? Hindi ba niya naiintindihan na ginawan ko siya ng pabor sa pagpapalayas sa kanya? Hindi ba dapat nagpapasalamat siya?Naalala ko ang mga nangyari para umabot sa puntong ito. Noong sinabi ni Jared na wala siyang dahilan para hiwalayan si Arielle, alam ko na may dapat akong gawin. Kailangan ko makaisip ng dahilan. Alam ko na naghihinala si Arielle sa pagkakaibigan namin, kailangan ko padaanin ang plano ko doon para mas kapanipaniwala ito.Kaya noong nakaraang araw, nagawa ko na kumuha ng dokumento na sa tingin ko ay mahalaga kay Jared mula sa briefcase niya. Tulad ng hula ko, umuwi siya para hanapin ito. Umakyat ako sa kuwarto niya dala ang inumin na may hinalo ako para ialok sa kanya.Tinanggap niya ito at ilang minuto ang nakalilipas, tinablan na siya. Isinama ko siya sa kama, at gina

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 44 Nabigo ko siya

    (JARED’S POV)Unti-unti ko na iminulat ang mga mata ko, at nakita ko na nakahiga ako. Noong tumingin ako sa paligid, napansin ko na nakahiga ako sa kama, sa kuwarto pa din. Pero pakiramdam ko may mali. Sinubukan ko na umupo, pero matinding sakit ng ulo ang naramdaman ko, at napapikit ako. Pero, nilabanan ko ang sakit ng ulo ko at naupo, minamasahe ang mga sentido ko.Nasaan si Arielle? Anong oras na? Napatingin ako sa orasan at nakita na 9 am na. Bakit nasa bahay pa din ako at wala sa trabaho? Bakit hindi ako ginising ni Arielle para sa trabaho?Dagdag pa dito, kakaiba ang pakiramdam ko. Mapait ang panlasa ko at pagod ang pakiramdam kahit na kakagising ko lang. Sinubukan ko na mag-isip, pero sumasakit lang ang ulo ko sa bawat lumilipas na sandali.Ano ba ang nangyari?Sa oras na iyon, bumukas ang pinto, at pumasok si Sofia, may dala siyang tray. Ngumiti siya sa akin. “Magandang umaga, antukin.”Pinilit ko ngumiti, naguguluhan pa din. “Magandang umaga. Anong nangyayari?” tanong ko

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 43 Ang tunay na mga salarin

    (ARIELLE’S POV)Nag-alinlangan si Ashley, napatingin siya sa baba sandali bago ako tinignan sa mga mata.“Hindi,” sambit niya ng mahina. “Kinokontak ko na siya ng matagal na, pero hindi ko siya matawagan. Balak ko sana pa puntahan siya at hanapin pero…” humina ang boses niya habang piga ng mahina ng kamay ko. “Wala kang malay, at hindi kita gustong iwan ng matagal.”Tumango ako, matinding sakit ang nararamdaman ko sa puso ko. Ano ba ang inaasahan ko? Na iiwan ni Jared ang piling ng mahal niya—si Sofia, at hahanapin ako? Kahit na nawala ang anak ko at ganito ang estado ko dahil sa kanila?Nakaramdam ako ng mapait na tawa sa lalamunan ko, pero nawala na ito bago makalabas.Nagulo ni Ashley ang iniisip ko. “Susubukan ko siyang tawagan ulit,” sambit niya, inabot niya ang kanyang phone. “Kung hindi pa din siya mareach sa phone, hahanapin ko siya. Kakaiba na hindi ka niya hinahanap sa buong oras na ito.”“Huwag,” bulong ko.Tumigil si Ashley at tinignan ako ng napapaisip, pero umiling

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 42 Ang katotohanan niya

    (ARIELLE’S POV)Umungol ako at sinubukan na maupo sa kama, habang sumusulyap sa paligid. Nasa hospital room ako, pero hindi ko alam kung paano ako napunta doon. Sinubukan ko na maalala, pero magulo ang isip ko.Doon ko siya nakita, si Ashley. Nakaupo siya sa tabi ko, nakapahinga ang ulo sa kama.“Ashley?” sambit ko, tuyo ang boses ko.Tumingala siya, at agad na hinawakan ang kamay ko, nanggigilid ang mga luha niya. “Sawakas, gising ka na. Okay ka lang ba?”Tumango ako. “Anong nangyari? Nasaan ako?”“Nasa ospital ka. Dapat ko puntahan ang doktor,” sambit ni Ashley at tumayo siya.“Ospital?” sinubukan ko na alalahanin, pero malabo ang lahat. At doon ko napagtanto bigla; ang baby ko! Naaalala ko na naaksidente ako, dinugo, at napahawak ako sa tiyan ko.“Ang baby ko,” bulong ko, natataranta na ako.Umiwas ng tingin si Ashley, at napapaisip ako na tumingin sa kanya. “Magsalita ka. Okay lang ba ang baby ko?”Napapikit si Ashley, ayaw pa din akong tignan sa mga mata, pero nakikita k

DMCA.com Protection Status