Home / Romance / Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo / Kabanata 5 Ang kailangan tiisin ang babaeng third wheel

Share

Kabanata 5 Ang kailangan tiisin ang babaeng third wheel

Author: Gabby Emmanuel
last update Huling Na-update: 2024-12-02 17:05:21
(ARIELLE’S POV)

Bago ko pa mailabas ang galit ko, naging matigas ang ekspresyon ni Jared. May kakaibang talim ang boses niya. “Sofia, ang mga bulaklak na ito ay hindi para sa iyo.” Binawi niya ang bouquet ng madiin, iniabot ito sa akin.

“Para ito sa mga asawa ko,” sambit niya, nakatingin sa mga mata ko.

Namula si Sofia sa hiya. Samantala, ako naman ay hindi mapigilan ang kuntentong ngiti ko.

Pero, walang naghanda sa akin para makita si Sofia na lumuha at humarap kay Jared. “Jared, Jay-jay. Patawad talaga at nagulo ko ang pribado ninyong oras, pero… ang mga bulaklak ay para sa akin, tama? Natatandaan mo ba noong high school, dinadalan mo ako lagi ng lavender flowers, lalo na kapag prom nights?”

Mukhang nahihirapan si Jared, habang tinignan niya ako at si Sofia. Talaga? Pinagiisipan pa niya? Ang bulaklak na iyon ay para sa akin, pambihira naman, dapat sabihin na lang niya na iabot ito sa akin, ang tunay na nagmamayari.

“Arielle,” kalmadong sinabi ni Jared, “hayaan mo muna na kanya na ito ngayong gabi. Ikukuha na lang kita ng mas espesyal bukas, pangako.”

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. “Hindi ako makapaniwala sa iyo, Jared!” sambit ko.

Humarap sa akin si Sofia, nakangiti siya ng tagumpay. Alam niya kung paanong mamanipulahin ang sitwasyon. Pero ako lang ang nakakita sa ngiti niya—walang alam si Jared, stuck siya sa makaluma niyang sense ng pagiging gentleman na responsable!

“Hindi ko ito matiis,” sambit ko, itinaas ko ang mga kamay ko na tila sumusuko ako. “Inyo ng dalawa ang bahay, maghahanap ako ng hotel na matutuluyan.”

Tumalikod ako at galit na pinuntahan kung saan ko inilagay ang bag ko, handa ng umalis. Tulad ng inaasahan, nagpakita si Jared sa tabi ko, humihingi ng tawad ang kanyang ekspresyon.

“Arielle, patawad. Hindi mo kailangan na magalit. Buntis siya, narinig ko na ang pagdadalantao ay nakakaapekto ng husto sa ugali ng babae.”

Gusto ko na sumigaw at tanungin siya na paano ako? Hindi din ba ako buntis? At ang mapait na realidad ay napagtanto ko na naman, ang pagkakataon ko para ibalita sa kanya ang pagdadalantao ko ay nasira na naman.

“Wala akong pakielam sa kahit na anong palusot mo ngayon. Aalis ako,” sambit ko, halos bulong ang boses ko. Nilampasan ko siya, pero humarang si Jared sa daanan ko.

“Pakiusap huwag ka umalis, Wifey. Hayaan mo na bumawi ako sa iyo. Ganito na lang—ako ang magluluto ng dinner ngayong gabi. Ayaw mo na nagluluto ng gabi na, at ako na din ang maghuhugas ang mga plato.”

Bumuntong hininga ako, habang ikinukunsidera ang alok niya. Ayaw ko na nagluluto ng dinner ng gabi na, at ayaw ko din ng kumakain sa labas. Kung matutulog ako sa hotel ngayong gabi, siguradong kakain ako sa labas.

Nag-aalinlangan kong tinanggap ang alok ni Jared. Ang pagluluto ng dinner ay perpektong parusa para kay Jared, dahil kakailanganin niyang hugasan ang mga plato pagkatapos. Bukod pa doon, hindi ko gusto na maiwan ang asawa ko ng mag-isa kasama si Sofia.

Bago ap ako makasagot, narinig ko ang boses ni Sofia mula sa likod ko.

“Bakit mo aalukin na ikaw na ang magluluto, Jared? Ang pagluluto ay gawaing bahay, at para sa mga babae lang. Nakikita mo, buong araw akong nagtrabaho, nilinis ko ang buong bahay at itinabi ang mga dekorasyon na nakita kong makaluma at hindi na uso. Pagod na ako at hindi makabuhat ng kahit na ano, kung hindi, ako na sana ang mag-aalok na magluluto. Para sa iyo, Jared, sigurado ako na pagod ka na din. Ang pagiging bilyunaryong CEO ay hindi madali, at pagkatapos ang mahabang oras sa trabaho, kailangan mo magpahinga. Si Arielle ang dapat na magluto. Mukhang ganado pa siya at handa pa makipagaway, ang enerhiya niya ay makakatulong kung gagamitin niya ito sa pagluluto ng dinner natin. Bukod pa doon, domestic worker siya at nagluluto bilang trabaho.”

Natanga ako habang nakikinig sa mga sinasbai ni Sofia. Sa paraan ng pagsasalita niya, mapagkakamalan siyang maybahay.

Marahil napagtanto ito ni Jared na sumosobra na si Sofia dahil agad siyang nakielam.

“Tama na, Sofia. Huwag mo kausapin ng ganyan ang asawa ko, hindi nandito si Arielle para pagsilbihan tayo.” Sambit ni Jared.

Kahit na hindi ako masyadong kuntento sa tono niya, masaya ako na nagsalita na si Jared sawakas at inilagay si Sofia sa lugar niya. Sawakas, oras na para ako naman ang mag make face sa kanya.

Agad na nasaktan ang ekspresyong ipinakita ni Sofia. “Hindi ako makapaniwala dito, Jared. Hindi naman ako bastos sa kanya, sinasabi ko lang ang totoo. Nagbago ka na ng husto simula ng ikasal ka, Jared. Nakalimutan mo na ang pinagsamahan natin,”

“Sofia, iba na ngayon. Patawad kung nasaktan kita. Pero…”

Hindi ko na hinintay si Jared na matapos ng maglakad ako palayo, iniwan ko na sila. Disappointed ako kay Jared. Sa oras na pagalitan siya, pinapagaan niya ang kanyang loob. Anong problema niya? Kailangan ba niyang babaan ang IQ niya sa tuwing nakikipagkita siya ang “matagal na niyang kaibigan”?

Dumating ako sa kusina at nagsimula na ihanda ang mga sangkap na kailangan sa paghahanda ng hapunan. Balak ko na magluto ng macaroni, chicken at cheese.

Makalipas ang ilang minuto, sumama sa akin si Jared, mukhang nagsisisi siya. “Gusto ko tumulong sa pagluluto ng dinner, Arielle.”

Hindi ako sumagot noong una, pero matapos ko mapansin ang determinado niyang ekspresyon, bumuntong hininga ako at tumango. Kung gusto niya tumulong, hindi ko siya pipigilan.

“Anong kakainin natin,” tanong ni Jared.

Alam ko na sinusubukan niyang simulan na mag-usap kami dahil isang tingin lang sa mga sangkap at batid na kung anong kakainin namin. Kumplikado ang mood ko, at hindi ako interesadong makipagusap sa kanya.

Ang katahimikan sa pagitan namin ay tumagal, matindi ang tensyon. Pagkatapos, walang sabi-sabi, naramdaman ko ang presensiya niyang yumakap sa akin—ang amoy niya, matapang at lalakeng-lalake na bumalot sa akin na parang mahika. Ang mga braso niya ay pumalupot sa bewang ko, hinatak ako palapit sa kanya, dumikit ng kaunti sa batok ko ang mga labi niya, mainit at tila nanunukso.

“Sino kaya ang galit pa din,” bulong niya, ang mainit niyang hininga ay naramdaman ko sa balat ko.

“Jared, tumigil ka,” kontra ko, pero mas malambot ito kaysa sa inaasahan ko. Ang mga labi niya ay muling dumampi sa leeg ko, at naramdaman ko na humina ang determinasyon ko. Lumambot ang bewang ko bigla, ipinagkanulo ako.

“Ma… Makati,” dagdag ko, ang boses ko ay halos bulong, walang diin ang sinabi ko.

“Talaga ba?” bulong niya pabalik, ang boses niya ay mahina ng kaunti, malalim at puno ng kapilyohan.

“Jared,” sambit ko ulit, mas madiin ngayon, pero ang katawan ko ay hindi madiin. Alam niya kung paano ako pakakalmahin, kung paano akong matutunaw ng isang hawak lang.

Tumigil siya sawakas, umatras siya ng nakangiti, pero ang mga kamay niya ay nakahawak pa din sandali, kung saan kinilabutan ako.

Humarap ako muli sa lutuan, sinusubukan ko na kumalma. Matapos ihanda ang mga sangkap at ilagay ang macaroni sa burner, hinarap ko siya, mas seryoso ngayon.

“Sa huling beses, Jared,” sambit ko, nakatitig sa mga mata niya, “anong eksaktong namamagitan sa inyo ni Sofia?”

Bumuntong hininga si Jared, pinadaan ang kanyang kamay sa buhok niya bago hinawakan ang kamay ko, ang mga daliri niya ay mahinhin na umiikot sa balat ko. “Pangako ko sa iyo, Arielle. Magkaibigan lang kami ni Sofia na may nakaraang matagal na.”

“Huwag mo ako bigyan ng mga palusot ulit. Mayroon pa. Sabihin mo kung bakit kakaiba siya para sa iyo.”

“Hindi siya kakaiba mahal,” buntong hininga ni Jared, “Kung mapilit ka, may isa lang.”

Tumaas ang kilay ko. “Ituloy mo.”

“Noong maliit pa kami,” tumigil sandali si Jared bago nagsimula, mas mahina ang boses niya ngayon, “Iniligtas ako ng isang beses ni Sofia. Inaapi ako ang mga senior, at nakielam siya. Sila ang klase ng mga tao na gagawing miserable ang buhay ng kahit na sinong mas mahina sa kanila, at si Sofia… ano, hindi siya natakot na ipagtanggol ako. Nakita mo ang ugali niya ngayon. Ganoon lang siya na klase ng tao na walang kinakatakutan at magmamatapang para gumawa ng gulo.”

Kumurap ako, pinoproseso ang bigat ng mga salita niya. Side ito ni Jared na hindi ko alam.

Ngumiti siya, “Siyempre, sa huli pareho kaming nagulpi at sinuportahan ang isa’t isa habang pauwi. Galit na galit ang ama ko at sabay kaming lumipat ng school.”

“Hindi ko alam iyon,” mahina kong sinabi. May kaunting selos sa dibdib ko, pero panibagong pagkakaintindi din.

Ang tono ni Jared ay naging sinsero. “Pero iyon lang iyon lahat, Ari. Tinulungan niya ako ng minsan, at naappreciate ko iyon. Pero asawa kita. Ikaw ang mahalaga sa akin ngayon.”

Tumango ako ng mabagal. “Okay.”

Ngumiti si Jared, ang karisma niya ay bumalik. “Ngayon, tapusin na natin ang dinner na ito. Ako na ang bahala sa iba, at ikaw ay magrelax na. At sige, ako maghuhugas ng mga plato, tulad ng pangako ko.”

Hindi ko mapigilan na tumawa ng mahina, umiiling-iling ako. Kahit na pagkatapos ng lahat, nakakahanap pa din siya ng paraan para mapatawa ako.

Makalipas ang isang oras, handa na sawakas ang dinner. Inihanda ko ang lamesa, habang nililinis ni Jared ang kusina.

“Tatawagin ko si Sofia,” sambit niya sa akin, habang pumunta ako sa dining room para kumain ng dinner.

Tumango ako, ng hindi tumitingala, ang atensyon ko ay nasa pagkain. Makalipas ang ilang segundo, nakarinig ako ng mga yabag at alam ko na si Sofia ito at si Jared.

Hindi ako tumingala, nagfocus ako sa pagkain. Narinig ko na hinatak ni Sofia ang upuan sa tapat ko at naupo doon.

“Ang bango, sana masarap din ito,” sambit ni Sofia, sa oras na buksan niya ang pagkain.

Naupo si Jared sa tabi ko. Panandalian kaming kumain lahat ng tahimik—tense, hindi kumportableng katahimikan. Pagkatapos, biglaang maririnig ang tunog ng lalamunan na nasasamid kay Sofia, nalukot ang mukha niya sa sakit. Napatayo siya bigla, kung saan kumaskas ang upuan niya ng madiin sa sahig, nagmamadali siyang umalis ng dining room.

“Anong—” sambit ko, naguguluhang kumukurap habang tumayo si Jared bigla at hinabol siya.

Hindi ko na kailangan mapaisip ng matagal dahil bumalik si Jared at Sofia makalipas ang ilang minuto, kung saan si Jared ay mukhang nag-aalala, at si Sofia ay maputla.

“Anong nangyari?” tanong ko, nakatingin ako kay Jared at kay Sofia.

“Ang nangyari ay sinubukan mo akong lasunin, kung saan pangalawang beses na ito. Ang una, doon sa restaurant, at ngayon, sa bahay mo. Ano ba ang ginawa ko sa iyo?” sambit ni Sofia, nagkukunwaring lumuluha.

“Hindi ko maintindihan. Bakit kita lalasunin? Si Jared ay nasa kusina kasama ko, at pareho ang pagkain na inihanda ko para sa lahat,” defensive ko na sinabi.

“Nilagyan mo ng gatas ang macaroni, at allergic ako sa gatas!” sigaw ni Sofia.

“Tama, Arielle. Allergic siya sa gatas. Hindi mo iyon dapat isinama sa pagkain,” sambit ni Jared.

Tinitigan ko siya, natulala ako. “Jared,” mabagal ko na sinabi, pinipilit ang sarili ko na kumalma. “Kasama kita sa kusina. Nakita mo ang lahat ng ginamit natin. Hindi parte ang gatas.”

Ang ekspresyon niya ay nanginig. Tumayo ako, nawalan ako ng gana.

“Just for the record, Sofia, hindi ako gumamit ng gatas sa putahe. Sa totoo lang, iyan ang milk-free recipe ko. Puwede mo tanungin ang mga customer ko sa restaurant. Pero anong ipinagkaiba nito? Napagdesisyunan mo na na nilason kita. Good night,” sambit ko, ngumiti ako ng malamig bago nilisan ang dining room.

Kaugnay na kabanata

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 6 Noong pinili siya kaysa ako

    (ARIELLE’S POV)Nagpahinga ako sa kuwarto sa itaas, pumipintig ang ulo ko sa migraine.Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa dining room. Hindi man lang pinagalitan ni Jared si Sofia sa pagsasabi na nilason ko siya. Masyado niya akong kilala, hindi ako mananakit ng langaw, lalo na ng tao.Hindi ko gusto si Sofia, oo, pero ang huli kong gagawin ay saktan siya. Hindi ko nga alam na allergic siya sa gatas, lalo na ang ilagay ito sa pagkain para lang saktan siya.Siguro nagdidiwang na siya ngayon, alam niya na ang plano niya na gumawa ng problema sa pagitan namin ni Jared ay nagtagumpay. Hindi na kami makapagdinner ng payapa ngayon. Ang presensiy niya ay ginugulo lagi ang kapayapaan ng pagsasama namin.Bumuntong hininga ako at natulog sa kama,iniisip kung anong kailangan ko gawin para alisin si Sofia sa buhay namin ni Jared.Dahil napansin ko na inaantok ako, bumangon ako mula sa kama at pumasok sa banyo para sa aking night shower. Pagkatapos, nagsuot ako ng kumportableng night robe

    Huling Na-update : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 7 Noong Nagalit Siya

    Beep!Beep!(ARIELLE’S POV)Unti-unting namulat ang mga mata ko, tinitignan ko ang paligid ng malabo ang aking paningin. Ang maliwanag na florescent lights sa itaas ay nasilaw ang mag mata ko, nagsignal sa utak ko, at pumintig ang ulo ko. Napapikit ako, itinaas ko ang kamay ko para takpan ang aking mga mata, pero matinding sakit ang narmadaman ko sa bewang ko, at sumigaw ako para magcollapse pabalik sa unan.Habang malabo ang paningin ko, nakita ko si Ashley na nagmamadaling pumunta sa tabi ko. “Okay ka lang ba? Oh Diyos ko, gising ka na!”“Ash…ley?” sinubukan ko siyang tawagin, pero tumindi ang sakit, at hindi ko mailabas ang gusto ko sabihin.“Shhh, relax. Huwag mo subukan na magsalita.”Tumango ako, at habang nagrerelax, nabawasan ang sakit. Dahil medyo stable na ako, nagtanong ako, “Nasaan ako?”“Nasa ospital ka,” sagot ni Ashley, mahinhin ang boses niya.Tumingin ako sa paligid pagkatapos niyang magsalita, at nakita ko ang malinis na kuwarto. Malawak ito, puti ang kulay n

    Huling Na-update : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 8 Nasaktan

    (ARIELLE’S POV)Matapos umalis si Ashley, tinignan ni Jared ang pinto at siniguro na hindi na niya maririnig ang pag-uusap nila bago humarap sa akin, mababa ang boses niya. “Anong nangyayari?”“Anong ibig mo sabihin?”“Ang bagay na ito na isinasawalangbahala ka para kay Sofia. Anong bumabagabag sa iyo? Ang akala ko naayos na natin ito.” Nagsalubong ang mga kilay niya, pero walang inis sa boses niya—naguguluhan lang.Tinitigan ko siya ng masama. “Alam mo dapat kung anong ibig ko sabihin, Jared. Matindi ang pagbagsak ko, at salamat ito kay Sofia, at kaysa tulungan ako, siya ang pinuntahan mo. At pagkatapos nito? Iniwan mo ako kay Ashley para makasama siya. Ano ba ako sa iyo, Jared? Kalokohan?”Smingkit ang mga mata ni Jared habang naguguluhan. “Arielle, makinig ka,” sambit niya, mas kalmado ngayon na tila pinipili niya angk anyang mga salita ng maayos.”Buntis si Sofia. Hindi ko puwede isugal na may mangyari sa kanya o kaya sa baby. Kaya una ko siyang pinuntahan. Pero siniguro ko na

    Huling Na-update : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 9 Gusto ko siyang mawala

    (ARIELLE’S POV)“Pakiramdam ko may itinatago ka mula sa akin, Arielle,” sambit ni Ashley, ang tono niya ay seryoso at kumokontra.Bumuntong hininga ako, at umiwas ng tingin dahil totoo ang sinasabi niya. Kami lang ang nasa hospital room. At ngayon, mas malakas ang pakiramdam ko dahil nakapagfreshenup ako, nakapagbihis sa isa sa mga dress na dala ni Jared, nakapag-almusal at nainom ang mga gamot ko.“Alam mo, hindi tama na tawagin mo akong best friend at maglihim ka mula sa akin—”“Sige,” sambit ko ng sumusuko. “Anong gusto mo malaman?”“Una sa lahat, sino ang Sofia na iyon? Buntis siyang babae na sinabi ko na nakita kong kasama ni Jared na umuwi. Bakit nandoon siya sa bahay ninyo, at anong relasyon niya kay Jared dahil sobra ang malasakit niya sa kanya?”Bumuntong hininga ako muli, sa hindi mabilang na beses ngayon, bago ko ipagpatulyo na sabihin kay Ashley ang tungkol kay Sofia at kung paano siyang dumating na lang sa buhay namin ni Jared. Sinabi ko ang lahat, siniguro ko na ang

    Huling Na-update : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 10 Puwede ba na magkaibigan lang ang lalake at babae

    (ARIELLE’S POV)Tumingala ako para titigan ang tong nakasalubong ko. Nagkataon na binatang lalake ito, at sa sandaling nakita ko ang mukha niya, hindi ko mapigilan na mapansin kung gaano siya nakakaakit. Ang mga mata niya ay emerald green ang kulay, matipuno ang hulma ng mukha niya, panandalian akong walang masabi.Umiling-iling ako, nahimasmasan sa pagkatulala. “Pasensiya na talaga,” agad akong humingi ng tawad.Napatingin ako sa malapit, at nakakita ako ng phone sa sahig. “Phone mo ba iyon?” tanong ko, hindi na ako naghintay ng sagot at nagmadali akong lumapit doon, pinulot ito, at inabot ito pabalik sa kanya. “Mabuti na lang, hindi nasira ang phone. Pasensiya na ulit.”Sa buong oras na ito, ang lalake ay hindi nagsalita. At noong nagsalita siya, natutuwa siyang nakangiti. “Hindi mo kailangan humingi ng tawad, totoo. Ako dapat ang humihingi ng tawad.”Umiling-iling ako, “Hindi, ako ang hindi nakatingin noong nakabangga kita.”Natawa siya ng mahina, mababa at tunog. “Sabihin na

    Huling Na-update : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 11 Pakiramdam ko dalawa ang asawa niya

    (ARIELLE’S POV) *****Makalipas ang tatlong araw*****“Magnadang umaga, Arielle,” ngumiti si Doctor Wade sa akin ng pumasok siya sa kuwarto. “Natutuwa akong ipaalam sa iyo na okay ka na at fit na para madischarge. Kailangan na lang pirmahan ng asawa mo ang discharge slip, at puwede ka ng umuwi.”Agad na napangiti ang mukha ko. “Salamat, Doctor Wade.”Tumango siya at tumalikod para lisanin ang kuwarto. “Ingat ka, Arielle. Maging maayos sana ang pagpapagaling mo sa bahay.”Si Ashley, na nakaupo sa tabi ko sa kama, ay ngumiti at hinawakan ang kamay ko. “Babalik ka na rin sawakas sa bahay, Arielle. Masaya ako para sa iyo.”Ngumiti ako pabalik. “Masaya din ako, Ashley.”Sa oras na iyon, pumasok si Jared dala ang maliit na paper bag, “Good morning, Love. May dala akong almusal para sa iyo.”“Salamat.” Sagot ko na parang wala lang.Nakakailang ang nakalipas na tatlong araw. Para kaming estranghero sa isa’t isa. Bihira ko siya makita, maliban na lang sa routine checkup niya na hindi

    Huling Na-update : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 12 Anong kasunduan?

    (ARIELLE’S POV)Ang biyahe pauwi ay isa sa pinakanakakainis na karanasan ko. Ginawa ni Sofia ang lahat ng posibleng gawin para galitin ako, sa pagiging malandi kay Jared. Kung hindi siya naglalapit ng panyo sa mukha niya, o kaya mapaglaro na nagtatantrum na yumayakap sa kanya. At habang ginagawa iyon, sinisiguro niyang titingin siya sa akin mula sa rearview mirror ng nakangiti.“Puwede ka ba magplay ng kanta, Jared? Nababagot ako,” narinig ko bigla ang malakas niyang boses, natapos ang katahimikan sa sasakyan.“Anong gusto mo pakinggan?”“Ang kanta na pinapakinggan natin noon sa high school, ‘I will always love you,’ ni Whitney Houston,” sambit ni Sofia.“Wala na sa akin ang kantang iyon,” sambit ni Jared, ang mga mata niya ay nakatutok sa kalsada.“Bakit wala na sa iyo ang kantang iyon kung napakahalaga nito sa atin?” ngumuso si Sofia, nagmukha siyang nasaktan.Nagkibit balikat siya at tumawa, at nakaramdam ako ng sakit. Mukhang lagi siyang relaxed sa paglidi niya, may kakaiba

    Huling Na-update : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 13 Pagbigyan Siya

    (ARIELLE’S POV)Naguguluhan ko na tinignan si Jared, umaasa na bibigyan niya ako ng paliwanag, pero isinawalangbahala lang niya ako.Tang ina? Huwag mo sabihin na pagbibigyan niyang tumira si Sofia sa bahay namin ng hindi ipinapaalam sa akin at hindi ako kinakausap tungkol dito?“Kasunduan?” Inulit ko, sa pagkakataong ito, mas madiin ang boses ko at nanghihingi ng paliwanag. “Sabihin mo, anong kasunduan, Jared.”“Ingat ka sa tono mo, wifey.” Sumingkit ang mga mata ni Jared sa akin bago tinignan si Sofia. “Pinagusapan na natin ito kanina.”“Pinagusapan ang ano?” paubos na ang pasensiya ko. “Hindi ka puwede mag-imbita na lang ng tao na titira dito ng hindi ako kinakausap muna. Asawa mo ako!”Tumayo si Sofia, ang kamay niya ay nasa tiyan pa din niya. Para makakuha siguro ng simpatya. “Jared, sabihin mo sa kanya,” sambit niya, hawak ang kamay niya. “Napagkasunduan natin na puwede ako tumira dito hanggang sa makabangon na ako sa sarili kong mga paa, at makakuha ng sarili kong lugar na

    Huling Na-update : 2024-12-02

Pinakabagong kabanata

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 50 Pagbabago ng isip

    (ARIELLE’S POV)Sa oras na lumabas si Jared, tumulo ang mga luha ko. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko, at nanginig din ang katawan ko. Masyado itong mabigat. Ang makita siya ay parang pagpapalala pa sa pinsala ko na tinamo. Sobrang sakit.“Huy, okay lang. Iiyak mo lahat,” bulong ni Ashley, pinipiga ang kamay ko. Tahimik siya buong oras sa palitan namin ni Jared, at gusto niyang makielam sana kung hindi lang ako sumenyas na manatili siyang kalamado.Habang umiiyka ako, tumindi lalo ang emosyon ko. Galit, kalungkutan, at pagsisisi. Bakit ba kumapit ako ng matagal? Bakit ba isinawalangbahala ko ang pagiging malayo ni Jared, iniisip na parte lang ito ng ugali niya kung senyales na ito?Umiyak ako lalo, dahil sa kahangalan ko, at pagtataksil ni Jared. Pero habang umiiyak ako, may nagbago sa loob ko. Napagtanto ko na hindi ko ito puwedeng patuloy na gawin sa sarili ko. Hindi ko puwede patuloy na mahalin ang isang tao na hindi ako mahal.Hinding hindi ako pipiliin ni Jared kaysa k

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 49 Pagdadalamhati

    (JARED’S POV)Masyado itong masakit na tanggapin lahat—ang masakit na katotohanan na narinig ko sa kuwarto.Naglakad ako ng hindi maayos sa hallway ng ospital, kumikilos ang mga paa ko ng kusa. Hindi alam pero nakarating ako sa elevator na pababa sa first floor. Ang mga salamin ay may ipinakita na imahe, isang tao na hindi ako nagulat na makita. Isang maputla, heartbroken at baluktot na tao.Sa labas, ang mainit na araw ay masakit sa mata at balat, pero wala akong pakielam. Masyado kong ramdam ang mga emosyon ko para mag-alala sa sunburn o mangitim.Nakarating ako sa sasakyan ko, hinawakan ko ang hawakan ng pinto. Ang bakal ay malamig sa palad ko, kabaliktaran ng nararamdaman ng nag-aalab ko na puso.Umupo ako sa driver’s seat, kumapit ako ng mahigpit as manibela. “Pinatay ninyong dalawa ang anak ko!” Nag-echo sa utak ko ang mga salita ni Arielle. Masakit ang bintang niya dahil anak ko din iyon.Naging mapula ang mga mata ko, bilang resulta ng mga hindi tumutulong luha, at naipon

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 48 Buntis siya

    (JARED’S POV)Dumating ako sa ospital, at nagmadali patungo sa reception area. Isang babae ang nasa likod ng counter at agad ko na sinabi ang misyon ko doon.“Sandali lang, titignan ko ang records,” sambit ng babae at naglabas siya ng malaking libro mula sa drawer.Tumango ako at hindi makapaghintay na tinapik ang marmol na counter habang binabasa niya ang libro.“Oo, isang Arielle Smith ang dinala dito kahapon. Aksidente ang nangyari at nasa room 95 siya sa wing C, second floor ng ospital…”Iyon lang ang kailangan ko marinig at pinasalamatan ko sandali ang babae bago nagmadali na umalis. Sumakay ako sa elevator at sinuntok ang number 2 at umakyat ito. Bumaba ako ng makarating sa floor at sumenyas sa nurse para magtanong. Sumagot siya, at habang dala ang impormasyon, tumungo ako sa kuwarto.Sa oras na dumating ako, tumigil ako sa harap ng pinto na may nakasulat na numero 95. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko, hindi ako sigurado sa aasahan ko. Pero binuksan ko pa din ang pinto, at

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 47 Mga sagot

    (JARED’S POV)Dumating ako sa bahay at nagmadali na umuwi. Noong pumasok ako sa living room, nakita ko si Sofia na nakahiga sa couch at kumakain ng junk food habang malakas ang TV sa background. Disappointed ako sa nakita ko.“Sofia, anong nangyayari dito? tanong ko, kinuha ko ang remote at pinatay ang TV.Sumimangot siya sa akin. “Anong problema mo? Bakit mo pinatay ang TV?”“Kailangan natin mag-usap,” sambit ko ng madiin.Nainis siya at naupo sa couch, nakakrus ang mga braso niya ng defensive. “Tungkol saan? Nilisan mo ang bahay ng hindi mo sinasabi sa akin kung saan pupunta, at ngayon gusto mo mag-usap?”Huminga ako ng malalim at sinubukan ko na kumalma at hindi magwala. “Sofia, wala munang mga tantrums, pakiusap. May kailangan ako itanong sa iyo.”Tumitig siya sa akin ng masama bago umirap. “Sige, makikinig ako.”“Kahapon, nakita mo na umuwi si Arielle ng maaga, tama?”“Bakit mo ako tinatanong ng ganito? Sinabi ko sa iyo na nahuli niya tayo sa akto,” sambit ni Sofia, defen

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 46 Ang pahanap ng sagot

    (JARED’S POV)Pinindot ko ang doorbell sa tabi ng pinto at naghintay ng sagot, pero makalipas ang ilang minuto, walang dumating. Pinindot ko ito ulit, pero wala pa din sagot. Matapos makumpirma ang hinala ko, hinawakan ko ang door knob, at tama ang inaasahan ko, nakalock ito.Sinapok ko ang sarili ko sa isip ko, “Siyempre,” bulong ko. Anong inaasahan ko sa 10 am ng araw ng trabaho? Si Ashley, na nagtatrabaho ng propesyunal ay marahil nasa trabaho.Bigla ko napagtanto ang bagay na ito. Kung nasa trabaho si Ashley, maaaring pinuntahan siya ni Arielle kahapon, at maaaring nasa trabaho din si Arielle.Matapos itong mapagdesisyunan, bumalik ako sa sasakyan. Hahanapin ko si Arielle sa restaurant. Habang nagmamaneho, lumipad ang isip ko. Sana willing makinig si Arielle, alam ko pa naman kung gaano katigas ang ulo niya kapag galit siya.Dahil paghingi na din ng tawag ang pinaguusapan, hindi ako dapat humingi ng tawad ng walang dala. Napagdesisyunan ko na bumili ng paborito niyang bulaklak

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 45 Maling akala

    (SOFIA’S POV)Pinanood ko si Jared na tinawagan ang numero ni Arielle, mabilis akong nag-iisip sa inis, at walang hinihiling kung hindi agawin ang phone niya. Bakit ba nag-aabala pa din siya sa kanya? Hindi ba niya naiintindihan na ginawan ko siya ng pabor sa pagpapalayas sa kanya? Hindi ba dapat nagpapasalamat siya?Naalala ko ang mga nangyari para umabot sa puntong ito. Noong sinabi ni Jared na wala siyang dahilan para hiwalayan si Arielle, alam ko na may dapat akong gawin. Kailangan ko makaisip ng dahilan. Alam ko na naghihinala si Arielle sa pagkakaibigan namin, kailangan ko padaanin ang plano ko doon para mas kapanipaniwala ito.Kaya noong nakaraang araw, nagawa ko na kumuha ng dokumento na sa tingin ko ay mahalaga kay Jared mula sa briefcase niya. Tulad ng hula ko, umuwi siya para hanapin ito. Umakyat ako sa kuwarto niya dala ang inumin na may hinalo ako para ialok sa kanya.Tinanggap niya ito at ilang minuto ang nakalilipas, tinablan na siya. Isinama ko siya sa kama, at gina

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 44 Nabigo ko siya

    (JARED’S POV)Unti-unti ko na iminulat ang mga mata ko, at nakita ko na nakahiga ako. Noong tumingin ako sa paligid, napansin ko na nakahiga ako sa kama, sa kuwarto pa din. Pero pakiramdam ko may mali. Sinubukan ko na umupo, pero matinding sakit ng ulo ang naramdaman ko, at napapikit ako. Pero, nilabanan ko ang sakit ng ulo ko at naupo, minamasahe ang mga sentido ko.Nasaan si Arielle? Anong oras na? Napatingin ako sa orasan at nakita na 9 am na. Bakit nasa bahay pa din ako at wala sa trabaho? Bakit hindi ako ginising ni Arielle para sa trabaho?Dagdag pa dito, kakaiba ang pakiramdam ko. Mapait ang panlasa ko at pagod ang pakiramdam kahit na kakagising ko lang. Sinubukan ko na mag-isip, pero sumasakit lang ang ulo ko sa bawat lumilipas na sandali.Ano ba ang nangyari?Sa oras na iyon, bumukas ang pinto, at pumasok si Sofia, may dala siyang tray. Ngumiti siya sa akin. “Magandang umaga, antukin.”Pinilit ko ngumiti, naguguluhan pa din. “Magandang umaga. Anong nangyayari?” tanong ko

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 43 Ang tunay na mga salarin

    (ARIELLE’S POV)Nag-alinlangan si Ashley, napatingin siya sa baba sandali bago ako tinignan sa mga mata.“Hindi,” sambit niya ng mahina. “Kinokontak ko na siya ng matagal na, pero hindi ko siya matawagan. Balak ko sana pa puntahan siya at hanapin pero…” humina ang boses niya habang piga ng mahina ng kamay ko. “Wala kang malay, at hindi kita gustong iwan ng matagal.”Tumango ako, matinding sakit ang nararamdaman ko sa puso ko. Ano ba ang inaasahan ko? Na iiwan ni Jared ang piling ng mahal niya—si Sofia, at hahanapin ako? Kahit na nawala ang anak ko at ganito ang estado ko dahil sa kanila?Nakaramdam ako ng mapait na tawa sa lalamunan ko, pero nawala na ito bago makalabas.Nagulo ni Ashley ang iniisip ko. “Susubukan ko siyang tawagan ulit,” sambit niya, inabot niya ang kanyang phone. “Kung hindi pa din siya mareach sa phone, hahanapin ko siya. Kakaiba na hindi ka niya hinahanap sa buong oras na ito.”“Huwag,” bulong ko.Tumigil si Ashley at tinignan ako ng napapaisip, pero umiling

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 42 Ang katotohanan niya

    (ARIELLE’S POV)Umungol ako at sinubukan na maupo sa kama, habang sumusulyap sa paligid. Nasa hospital room ako, pero hindi ko alam kung paano ako napunta doon. Sinubukan ko na maalala, pero magulo ang isip ko.Doon ko siya nakita, si Ashley. Nakaupo siya sa tabi ko, nakapahinga ang ulo sa kama.“Ashley?” sambit ko, tuyo ang boses ko.Tumingala siya, at agad na hinawakan ang kamay ko, nanggigilid ang mga luha niya. “Sawakas, gising ka na. Okay ka lang ba?”Tumango ako. “Anong nangyari? Nasaan ako?”“Nasa ospital ka. Dapat ko puntahan ang doktor,” sambit ni Ashley at tumayo siya.“Ospital?” sinubukan ko na alalahanin, pero malabo ang lahat. At doon ko napagtanto bigla; ang baby ko! Naaalala ko na naaksidente ako, dinugo, at napahawak ako sa tiyan ko.“Ang baby ko,” bulong ko, natataranta na ako.Umiwas ng tingin si Ashley, at napapaisip ako na tumingin sa kanya. “Magsalita ka. Okay lang ba ang baby ko?”Napapikit si Ashley, ayaw pa din akong tignan sa mga mata, pero nakikita k

DMCA.com Protection Status