(ARIELLE’S POV)Ang biyahe pauwi ay isa sa pinakanakakainis na karanasan ko. Ginawa ni Sofia ang lahat ng posibleng gawin para galitin ako, sa pagiging malandi kay Jared. Kung hindi siya naglalapit ng panyo sa mukha niya, o kaya mapaglaro na nagtatantrum na yumayakap sa kanya. At habang ginagawa iyon, sinisiguro niyang titingin siya sa akin mula sa rearview mirror ng nakangiti.“Puwede ka ba magplay ng kanta, Jared? Nababagot ako,” narinig ko bigla ang malakas niyang boses, natapos ang katahimikan sa sasakyan.“Anong gusto mo pakinggan?”“Ang kanta na pinapakinggan natin noon sa high school, ‘I will always love you,’ ni Whitney Houston,” sambit ni Sofia.“Wala na sa akin ang kantang iyon,” sambit ni Jared, ang mga mata niya ay nakatutok sa kalsada.“Bakit wala na sa iyo ang kantang iyon kung napakahalaga nito sa atin?” ngumuso si Sofia, nagmukha siyang nasaktan.Nagkibit balikat siya at tumawa, at nakaramdam ako ng sakit. Mukhang lagi siyang relaxed sa paglidi niya, may kakaiba
(ARIELLE’S POV)Naguguluhan ko na tinignan si Jared, umaasa na bibigyan niya ako ng paliwanag, pero isinawalangbahala lang niya ako.Tang ina? Huwag mo sabihin na pagbibigyan niyang tumira si Sofia sa bahay namin ng hindi ipinapaalam sa akin at hindi ako kinakausap tungkol dito?“Kasunduan?” Inulit ko, sa pagkakataong ito, mas madiin ang boses ko at nanghihingi ng paliwanag. “Sabihin mo, anong kasunduan, Jared.”“Ingat ka sa tono mo, wifey.” Sumingkit ang mga mata ni Jared sa akin bago tinignan si Sofia. “Pinagusapan na natin ito kanina.”“Pinagusapan ang ano?” paubos na ang pasensiya ko. “Hindi ka puwede mag-imbita na lang ng tao na titira dito ng hindi ako kinakausap muna. Asawa mo ako!”Tumayo si Sofia, ang kamay niya ay nasa tiyan pa din niya. Para makakuha siguro ng simpatya. “Jared, sabihin mo sa kanya,” sambit niya, hawak ang kamay niya. “Napagkasunduan natin na puwede ako tumira dito hanggang sa makabangon na ako sa sarili kong mga paa, at makakuha ng sarili kong lugar na
(ARIELLE’S POV)Nagising ako mula sa pagkakatulog ko dahil sa mahinang tapik. Bumukas ang mga mata ko at nakita ko si Jared na nakatingin sa akin pababa.“Handa na ang hapunan, Mrs. Smith,” sambit niya, mainit ang kanyang boses at mapaglarong humalik sa noo ko.“Hapunan?” Nagulat ako at napaupo. “Anong oras na?” tanong ko, nakatingin ako sa labas, napagtanto ko na madilim na pero ang kuwarto ay maliwanag dahil sa ilaw.Natawa si Jared. “Apat na oras kang tuog. Kung iisipin, hindi ka natutulog ng ganito katagal. Okay ka lang ba?”“Okay lang ako,” sagot ko agad at bumangon ako mula sa kama. Sigurado ako na ang kahinaan ko at tagal ng tulog ay dahil sa pagdadalantao ko, pero hindi ko iyon aaminin kay Jared.“Sige,” sambit ni Jared at tumango siya. “Tara na?”Tumango ako pabalik, at pareho kaming naglakad palabas ng kuwarto. Habang naglalakad kami papunta sa dining room, nagtanong ako, “So, anong hapunan?”“Inihaw na patatas, broccoli at manok,” sagot ni Jared ng nakangiti.Napati
(ARIELLE’S POV)Alam ko na ang gagawin ko ay mali, dahil kontra ito sa prinsipyo ko, pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. Gumalaw ng kusa ang mga kamay ko habang tinatype ko ang password. Sinabi ni Jared sa may sasakyan na ang password ay pangalan ko, tama? Well, oras na para malaman.Tinype ko ang pangalan ko, at nagulat ako, dahil nabuksan ang phone. Pinindot ko ang message box, at nakita ko ang message ni Sofia.“Hoy, tapos ka na ba maligo?”“Puwede mo ba ako samahan kapag tapos ka na?”“Bakit hindi ka sumasagot? Gising ba si Arielle?”“Hindi mo ba ako pinapansin?”“Jared!!!!”“Hindi ako makatulog. Bumaba ka, lumabas tayo at panoorin ang mga bituwin, tulad noong ginagawa natin noong teenagers pa tayo.”“Nangako ka sa hardin ng ospital na mag stargazing tayo, naalala mo?”Galit ko na minute ang phone at inilagay ito muli sa couch. Gaano ba kawalanghiya si Sofia? dapat tulog na siya, at hindi tinetext ang lalakeng may asawa na para mag stargaze kasama siya.Bumalik ako
(ARIELLE’S POV)Naramdaman ko na naging tense ang katawan ni Jared sa tabi ko, nanigas ang mga bisig niya. Alam ko na may sinabi ko na hindi ko mababawi. Ang tanong ay, paano siyang sasagot?“Oh, baka aksidente ko na nagamit ang shampoo mo,” sambit ni Jared, sinusubukan na walang emosyon ang dating niya.Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Laging masakit kapag nagsisinungaling si Jared sa akin, at mas nasasaktan ako dahil alam ko na nagsisinungaling siya sa akin.Ang halimuyak ng shampoo ay vanilla, pero hindi ako gumagamit ng vanilla shampoo. Lavender ang gamit ko. Ang halimuyak na iyon ay walang ibang pagmumulan kung hindi si Sofia. Marahil nakuha niya ito ng sumandal siya sa kanyang balikat.“May problema ba, Arielle?” sambit ni Jared. Mahina ang boses niya.Anong masasabi ko? Ano pa ba ang dapat ko sabihin? Halos naririnig ko ang boses niya sa isip ko kapag naglakas loob ako na itanong. Mahinang pagmamakaawa, umisip siya ng palusot—kahit ano maliban sa katotohanan. Pagod na
(ARIELLE’S POV)Natapos ang trabaho, at naghihintay na sa labas ng restaurant si Jared para ihatid ako pauwi.“Ang Mr. Perfect mo ay nandito na,” anunsiyo ni Rebecca, nakasilip ang ulo niya sa pinto ng opisina ko.“Umalis ka na, Rebecca,” sagot ko habang nakangiti.“Sige, sige,” natawa si Rebecca at umalis.Nagmamadali akong nag-impake ng gamit dahil ayaw ko paghintayin sa labas si Jared. Habang naglalakad palabas, nakita ko siyang nakasandal sa sasakyan niya, hinihintay ako.“At kumusta ang trabaho ngayon, Mrs. Smith?” tanong niya, sa oras na nakalapit ako sa kanya.“Hectic pa din tulad ng dati.”“Hindi ka naman titig kapag sinabi ko, hindi ba?” biro niya habang kinukuha ang handbag ko.“Hindi sa mundong ito,” sagot ko. Ang trabaho ko ay buhay ko, at hindi ko maisip ang buhay ng wala ito.“Heto, hayaan mo akong tulungan ka na sumakay,” sambit niya, nakaabot ang kamay niya. Kinuha ko ito at naupo sa driver’s seat.Naupo si Jared sa tabi ko, isinuot niya ang seatbelt niya. In
(ARIELLE’S POV)Galit akong pumasok sa bahay, at nakaupo so Sofia sa living room at nanonood ng reality show sa TV.Tinitigan niya ako sandali bago ibinalik ang atensyon sa TV. Kung gusto niya maglaro at hindi ako pansinin, gusto ko rin iyon gawin. Nagpatuloy ako sa hindi pagbibigay ng pansin sa kanya, habang paakyat ako ng hagdan. Aakyat na sana ako ng marinig ko siyang sabihin bigla, “Jared!”Tumigil ako sa pag-akyat at tumalikod para harapin sila. Kakapasok lang ni Jared sa living room at tumayo siya mula sa couch para lumapit at yumakap sa kanya.“Namiss kita. Okay ka lang ba? Stressed ka ba?” sambit niya, ang mga kamay niya ay humahawak sa buong katawan niya.Hindi kumilos si Jared. Ang boses niya ay matalas, parang utos. “Tumigil ka, Sofia. Ingat ka sa mga kilos mo.”Pero ang hindi niya pagkilos ay pinalala ang sitwasyon—hindi niya itinutulak palayo si Sofia. Hindi rin niya ito tinatanggihan. Sumama ang pakiramdam ko.Nakakadiri ito at nakakasakal. Nagkatinginan kami ni Ja
(ARIELLE’S POV)Hanga!Iyon ang naramdaman ko ng dumating kami ni Jared sa hotel. Habang nakatingin ako mula sa loob ng sasakyan, hindi ko mapigilan na mapahinga ng malalim. Ang building ay literal na kumikislap sa dashboard light na nagpapailaw nito.Natawa si Jared ng patayin niya ang makina ng sasakyan. Bumaba siya at binuksan ang pinto para sa akin. Tinanggap ko ang kamay na inabot niya bilang suporta noong bumaba ako.Hindi ko mapigilan habang tinitignan ko ang mga detalye ng paligid ng hotel ng maayos. Ang gusali ay mataas, mainaw ito at kumikislap ang salamin. Ang entrance ay malawak na arko, may dekrasyon ng kumikintab na fountains at metikulosong maintained na mga flower lawns. Overall, ang labas ng hotel ay sinasabi kung gaano ito kayaman at kasopistikada.“Hindi… hindi ko alam na pagmamayari ng pamilya ninyo ang hotel na ito,” nautal ako, hindi ko mapigilan ang gulat ko.“Point of correction, nasa ilalim ito ng Smiths corporation, pero akin ito,” sambit ni Jared, may k
(ARIELLE’S POV)Sa oras na lumabas si Jared, tumulo ang mga luha ko. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko, at nanginig din ang katawan ko. Masyado itong mabigat. Ang makita siya ay parang pagpapalala pa sa pinsala ko na tinamo. Sobrang sakit.“Huy, okay lang. Iiyak mo lahat,” bulong ni Ashley, pinipiga ang kamay ko. Tahimik siya buong oras sa palitan namin ni Jared, at gusto niyang makielam sana kung hindi lang ako sumenyas na manatili siyang kalamado.Habang umiiyka ako, tumindi lalo ang emosyon ko. Galit, kalungkutan, at pagsisisi. Bakit ba kumapit ako ng matagal? Bakit ba isinawalangbahala ko ang pagiging malayo ni Jared, iniisip na parte lang ito ng ugali niya kung senyales na ito?Umiyak ako lalo, dahil sa kahangalan ko, at pagtataksil ni Jared. Pero habang umiiyak ako, may nagbago sa loob ko. Napagtanto ko na hindi ko ito puwedeng patuloy na gawin sa sarili ko. Hindi ko puwede patuloy na mahalin ang isang tao na hindi ako mahal.Hinding hindi ako pipiliin ni Jared kaysa k
(JARED’S POV)Masyado itong masakit na tanggapin lahat—ang masakit na katotohanan na narinig ko sa kuwarto.Naglakad ako ng hindi maayos sa hallway ng ospital, kumikilos ang mga paa ko ng kusa. Hindi alam pero nakarating ako sa elevator na pababa sa first floor. Ang mga salamin ay may ipinakita na imahe, isang tao na hindi ako nagulat na makita. Isang maputla, heartbroken at baluktot na tao.Sa labas, ang mainit na araw ay masakit sa mata at balat, pero wala akong pakielam. Masyado kong ramdam ang mga emosyon ko para mag-alala sa sunburn o mangitim.Nakarating ako sa sasakyan ko, hinawakan ko ang hawakan ng pinto. Ang bakal ay malamig sa palad ko, kabaliktaran ng nararamdaman ng nag-aalab ko na puso.Umupo ako sa driver’s seat, kumapit ako ng mahigpit as manibela. “Pinatay ninyong dalawa ang anak ko!” Nag-echo sa utak ko ang mga salita ni Arielle. Masakit ang bintang niya dahil anak ko din iyon.Naging mapula ang mga mata ko, bilang resulta ng mga hindi tumutulong luha, at naipon
(JARED’S POV)Dumating ako sa ospital, at nagmadali patungo sa reception area. Isang babae ang nasa likod ng counter at agad ko na sinabi ang misyon ko doon.“Sandali lang, titignan ko ang records,” sambit ng babae at naglabas siya ng malaking libro mula sa drawer.Tumango ako at hindi makapaghintay na tinapik ang marmol na counter habang binabasa niya ang libro.“Oo, isang Arielle Smith ang dinala dito kahapon. Aksidente ang nangyari at nasa room 95 siya sa wing C, second floor ng ospital…”Iyon lang ang kailangan ko marinig at pinasalamatan ko sandali ang babae bago nagmadali na umalis. Sumakay ako sa elevator at sinuntok ang number 2 at umakyat ito. Bumaba ako ng makarating sa floor at sumenyas sa nurse para magtanong. Sumagot siya, at habang dala ang impormasyon, tumungo ako sa kuwarto.Sa oras na dumating ako, tumigil ako sa harap ng pinto na may nakasulat na numero 95. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko, hindi ako sigurado sa aasahan ko. Pero binuksan ko pa din ang pinto, at
(JARED’S POV)Dumating ako sa bahay at nagmadali na umuwi. Noong pumasok ako sa living room, nakita ko si Sofia na nakahiga sa couch at kumakain ng junk food habang malakas ang TV sa background. Disappointed ako sa nakita ko.“Sofia, anong nangyayari dito? tanong ko, kinuha ko ang remote at pinatay ang TV.Sumimangot siya sa akin. “Anong problema mo? Bakit mo pinatay ang TV?”“Kailangan natin mag-usap,” sambit ko ng madiin.Nainis siya at naupo sa couch, nakakrus ang mga braso niya ng defensive. “Tungkol saan? Nilisan mo ang bahay ng hindi mo sinasabi sa akin kung saan pupunta, at ngayon gusto mo mag-usap?”Huminga ako ng malalim at sinubukan ko na kumalma at hindi magwala. “Sofia, wala munang mga tantrums, pakiusap. May kailangan ako itanong sa iyo.”Tumitig siya sa akin ng masama bago umirap. “Sige, makikinig ako.”“Kahapon, nakita mo na umuwi si Arielle ng maaga, tama?”“Bakit mo ako tinatanong ng ganito? Sinabi ko sa iyo na nahuli niya tayo sa akto,” sambit ni Sofia, defen
(JARED’S POV)Pinindot ko ang doorbell sa tabi ng pinto at naghintay ng sagot, pero makalipas ang ilang minuto, walang dumating. Pinindot ko ito ulit, pero wala pa din sagot. Matapos makumpirma ang hinala ko, hinawakan ko ang door knob, at tama ang inaasahan ko, nakalock ito.Sinapok ko ang sarili ko sa isip ko, “Siyempre,” bulong ko. Anong inaasahan ko sa 10 am ng araw ng trabaho? Si Ashley, na nagtatrabaho ng propesyunal ay marahil nasa trabaho.Bigla ko napagtanto ang bagay na ito. Kung nasa trabaho si Ashley, maaaring pinuntahan siya ni Arielle kahapon, at maaaring nasa trabaho din si Arielle.Matapos itong mapagdesisyunan, bumalik ako sa sasakyan. Hahanapin ko si Arielle sa restaurant. Habang nagmamaneho, lumipad ang isip ko. Sana willing makinig si Arielle, alam ko pa naman kung gaano katigas ang ulo niya kapag galit siya.Dahil paghingi na din ng tawag ang pinaguusapan, hindi ako dapat humingi ng tawad ng walang dala. Napagdesisyunan ko na bumili ng paborito niyang bulaklak
(SOFIA’S POV)Pinanood ko si Jared na tinawagan ang numero ni Arielle, mabilis akong nag-iisip sa inis, at walang hinihiling kung hindi agawin ang phone niya. Bakit ba nag-aabala pa din siya sa kanya? Hindi ba niya naiintindihan na ginawan ko siya ng pabor sa pagpapalayas sa kanya? Hindi ba dapat nagpapasalamat siya?Naalala ko ang mga nangyari para umabot sa puntong ito. Noong sinabi ni Jared na wala siyang dahilan para hiwalayan si Arielle, alam ko na may dapat akong gawin. Kailangan ko makaisip ng dahilan. Alam ko na naghihinala si Arielle sa pagkakaibigan namin, kailangan ko padaanin ang plano ko doon para mas kapanipaniwala ito.Kaya noong nakaraang araw, nagawa ko na kumuha ng dokumento na sa tingin ko ay mahalaga kay Jared mula sa briefcase niya. Tulad ng hula ko, umuwi siya para hanapin ito. Umakyat ako sa kuwarto niya dala ang inumin na may hinalo ako para ialok sa kanya.Tinanggap niya ito at ilang minuto ang nakalilipas, tinablan na siya. Isinama ko siya sa kama, at gina
(JARED’S POV)Unti-unti ko na iminulat ang mga mata ko, at nakita ko na nakahiga ako. Noong tumingin ako sa paligid, napansin ko na nakahiga ako sa kama, sa kuwarto pa din. Pero pakiramdam ko may mali. Sinubukan ko na umupo, pero matinding sakit ng ulo ang naramdaman ko, at napapikit ako. Pero, nilabanan ko ang sakit ng ulo ko at naupo, minamasahe ang mga sentido ko.Nasaan si Arielle? Anong oras na? Napatingin ako sa orasan at nakita na 9 am na. Bakit nasa bahay pa din ako at wala sa trabaho? Bakit hindi ako ginising ni Arielle para sa trabaho?Dagdag pa dito, kakaiba ang pakiramdam ko. Mapait ang panlasa ko at pagod ang pakiramdam kahit na kakagising ko lang. Sinubukan ko na mag-isip, pero sumasakit lang ang ulo ko sa bawat lumilipas na sandali.Ano ba ang nangyari?Sa oras na iyon, bumukas ang pinto, at pumasok si Sofia, may dala siyang tray. Ngumiti siya sa akin. “Magandang umaga, antukin.”Pinilit ko ngumiti, naguguluhan pa din. “Magandang umaga. Anong nangyayari?” tanong ko
(ARIELLE’S POV)Nag-alinlangan si Ashley, napatingin siya sa baba sandali bago ako tinignan sa mga mata.“Hindi,” sambit niya ng mahina. “Kinokontak ko na siya ng matagal na, pero hindi ko siya matawagan. Balak ko sana pa puntahan siya at hanapin pero…” humina ang boses niya habang piga ng mahina ng kamay ko. “Wala kang malay, at hindi kita gustong iwan ng matagal.”Tumango ako, matinding sakit ang nararamdaman ko sa puso ko. Ano ba ang inaasahan ko? Na iiwan ni Jared ang piling ng mahal niya—si Sofia, at hahanapin ako? Kahit na nawala ang anak ko at ganito ang estado ko dahil sa kanila?Nakaramdam ako ng mapait na tawa sa lalamunan ko, pero nawala na ito bago makalabas.Nagulo ni Ashley ang iniisip ko. “Susubukan ko siyang tawagan ulit,” sambit niya, inabot niya ang kanyang phone. “Kung hindi pa din siya mareach sa phone, hahanapin ko siya. Kakaiba na hindi ka niya hinahanap sa buong oras na ito.”“Huwag,” bulong ko.Tumigil si Ashley at tinignan ako ng napapaisip, pero umiling
(ARIELLE’S POV)Umungol ako at sinubukan na maupo sa kama, habang sumusulyap sa paligid. Nasa hospital room ako, pero hindi ko alam kung paano ako napunta doon. Sinubukan ko na maalala, pero magulo ang isip ko.Doon ko siya nakita, si Ashley. Nakaupo siya sa tabi ko, nakapahinga ang ulo sa kama.“Ashley?” sambit ko, tuyo ang boses ko.Tumingala siya, at agad na hinawakan ang kamay ko, nanggigilid ang mga luha niya. “Sawakas, gising ka na. Okay ka lang ba?”Tumango ako. “Anong nangyari? Nasaan ako?”“Nasa ospital ka. Dapat ko puntahan ang doktor,” sambit ni Ashley at tumayo siya.“Ospital?” sinubukan ko na alalahanin, pero malabo ang lahat. At doon ko napagtanto bigla; ang baby ko! Naaalala ko na naaksidente ako, dinugo, at napahawak ako sa tiyan ko.“Ang baby ko,” bulong ko, natataranta na ako.Umiwas ng tingin si Ashley, at napapaisip ako na tumingin sa kanya. “Magsalita ka. Okay lang ba ang baby ko?”Napapikit si Ashley, ayaw pa din akong tignan sa mga mata, pero nakikita k