Share

Kabanata 2 Ang third wheel

Author: Gabby Emmanuel
last update Last Updated: 2024-12-02 17:05:21
(ARIELLE POV)

Grabe naman, nagulat ako!

Kumurap ako ng ilang beses para masiguro na hindi ako nagkakamali ng nakikita. Nanlaki sa gulat ang mga mata ko, ang isip ko ay sinusubukan na iproseso ang eksena sa harap ko. Ang asawa ko, na si Jared, ay nakatayo sa tabi ng ibang babae, isang buntis na babae na sinasabing asawa siya nito, sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho.

Narinig ko muli ang mga salitang sinambit ng babae kanina “tatanggalin ka ng asawa ko!” Bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong nahirapan huminga.

Pakiramdam ko sinuntok ako sa sikmura. Humakbang ako palapit, ang boses ko ay paos at halos bulong, “Jared?”

Tinignan ako ni Jared, hindi natinag ang pagiging kalmado niya. “Hi, Arielle,” sambit niya ng kaswal ang boses, tila ba pangkaraniwan na makita siyang nasa restaurant kung saan nagtatrabaho ang asawa niya habang may kasama siyang babae na sinasabing asawa daw siya.

Sumingkit ang mga mata ko, hinihintay siya na magsabi ng kanyang paliwanag.

Bago pa makapagsalita si Jared, humakbang palapit si Sofia, ang ekspresyon niya ay gulat. “Oh, ikaw pala si Arielle! Pasensiya na sa kaguluhan. Ako si Sofia, matagal ng kaibigan ni Jared.”

Habang nakatingin sa mukha ko na walang ekspresyon, nagpatuloy si Sofia, ang boses niya ay matamis, “Ang bait ni Jared sa pagtulong sa akin na tumira ng maayos sa lungsod. Kakabalik ko lang galing abroad at may pinagdadaanan akong mga hirap. Napakagaling niyang sumuporta.”

Ang mga mata ko ay hindi nilisan ang mukha ni Jared, ang titig ko ay hindi nawala. “Suporta?” tanong ko, hindi maitago ang hindi makapaniwala kong tono.

Tumango si Jared. “Oo, suporta. Buntis siya at bago dito, wala siya halos kayang gawin. Kailangan niya ng kaibigan na makakausap. Nagiging kaibigan lang ako.”

Pero, hindi pa din ako kumbinsido, at ang mga mata ko ay nalipat kay Sofia, na nakatayo doon kung saan mahina ang dating niya, ang mga mata niya ay tila nagmamakaawa na intindihin siya. “At ang bata?”

Sumimangot si Jared at ang boses niya ay naging seryoso, “Siyempre hindi! Hindi akin ang bata, Arielle.”

Nagrelax ako ng kaunti, napagdesisyunan na magtiwala sa asawa ko. Sa oras na iyon, nilinaw ni Sofia ang lalamunan niya para makuha ang atensyon ko

“Umm… Arielle, tama? Pasensiya na sa ugali ko kaina. Sumosobra na ako, mahirap maging buntis na babae at mag-isa sa lungsod. Kailangan ko ng suporta, at maaaring nagmalabis ako kanina sa papel ni Jared. Naiintindihan mo, hindi ba? Kung paano minsan gusto natin na maramdaman nating na pinoprotektahan tayo?” sambit niya, at batid ko na ang paghingi niya ng tawad ay hindi sinsero.

Umiwas ng tingin, nag-aalinlangan na tanggapin ang paghingi niya ng tawad. Bastos siya, inaangkin ang asawa ko, at tinakot pa ako na tatanggalin ako. Pero napansin ni Jared ang alinlangan ko, at sumenyas sa akin na patawarin siya.

“Okay lang, pinapatawad kita,” bulong ko ng makita ko bigla ang kinang ng bughaw na gem sa braso niya.

Sandali lang, iyon ang Blue Diamond limited edition? Ang nakita ko sa bag ni Jared kagabi? Ang akala ko anniversary gift niya ito para sa akin!

Malinaw na nakita ni Sofia ang titig ko.

Humarap siya sa akin, nagpapaawa ang mga mata. “Oh, ang bracelet na ito? Galing ito kay Jared. Arielle, sigurado nama na okay lang sa iyo na bigyan ni Jay-Jay ang bestfriend niya ng munting regalo sa pagbabalik nito?”

Jay-Jay? Seryoso ba siya? Ngumiti ako ng malamig, ang mga labi ko ay manipis na nakadiretso. Hindi na ako sumagot sa tanong ni Sofia, sa halip, humarap ako kay Jared at sinabi ko, “Kailangan kita makausap ng pribado, sa opisina ko.”

Habang hindi naghihintay ng sagot, tumalikod ako at naglakad palayo. Noong umalis ako, narinig ko ang boses ni Sofia na matamis, “Jay-jay, hindi ko alam na ganito pala kasensitibo ang asawa mo.”

Sumunod sa akin si Jared, nag-eecho ang mga yabag namin sa hallway papunta sa opisina ko. Itinulak ko pabukas ang pinto at pumasok, nakasunod si Jared sa akin.

Dahil kami na lang ngayon, humarap ako sa kanya, kita sa ekspresyon ko na hindi ako natutuwa.

“Anong nangyayari, Jared? Bumibili ka ng regalo para sa buntis na babaeng sinasabi na asawa ka niya sa harap ng lahat?”

Huminga siya ng mabagal. “Arielle, mali ka ng intindi. Ang bracelet ay para sa iyo. Pero maselan ang lagay ni Sofia ngayon at hindi ko gusto na magalit siya.”

“Inaasahan mo ba na maniniwala ako dyan? Namiss mo ang anniversary dinner natin, ipinangako ang bracelet sa akin, at ngayon makikita ko na suot niya ito. Paano mo naisip na okay lang ito?”

Sumimangot ng kaunti si Jared at alam ko na senyales ito na paubos na ang pasensiya niya. “Love, si Sofia ay hindi ka sinusubukan na saktan. Taon ko na siyang kilala. Impulsive siya, medyo spoiled pero hindi masamang tao. Sinusubukan ko lang padaliin ang mga bagay para sa isang kaibigan.”

Tumawa ako ng mapait. “So, mas okay sa iyo na unahin ang nararamdaman niya kaysa sa akin? Na asawa mo?”

“Alam mo na mahalaga ka sa akin, Arielle. Pero hindi ko naisip na masasaktan ka ng ganito. Inaasikaso ko ang sitwasyon.”

Nagkrus ang mga braso ko, pagod na sa mga sagot niya para ayusin ang sitwasyon. “Ang masasabi ko ay hindi maayos tulad ng iniisip mo ang pag-aasikaso mo.” Bago pa siya makasagot, may naisip ako. “Jared, umuwi ka man lang ba kagabi pagkatapos mo umalis?”

“Oo,” sagot niya ng walang alinlangan. “Tulog ka sa couch Hindi kita gusto na istorbohin kaya bumalik na ako sa opisina.”

Sobrang busy niya, pinapatakbo ang kumpanya at inaasikaso ang walang tigil na demand. Nakaramdam ako ng kaunting guilt pero isinantabi ko muna ito, nagfocus sa kung anong mahalaga. “Uuwi ka ba ngayong gabi?”

“Oo.”

“Sige, magkita tayo mamaya at pag-usapan ito.”

Lumapit si Jared, humalik sa noo ko. Nakaugalian na niya ito, parang kilos na dating nagpapagaan sa loob ko. Pero ngayon, pakiramdam ko closing statement na lang ito.

Huminga ako ng malalim matapos umalis si Jared. Sinubukan ko muling kontrolin ang emosyon ko, napagdesisyunan na huwag isipin masyado si Jared at Sofia.

Matapos kumalma, lumabas ako ng opisina para ipagpatuloy ang trabaho ko. Sa oras na matapos ang shift ko, lumubog na ang araw. Naglilinis ako ng tumunog ang phone ko. Tinginan ko ito at nadiskubre na si Ashley ito, ang kaibigan ko.

Napangiti ako, at sinagot ko ang tawag.

“Huy, nasaan ka?” ang boses ni Ashley ay maririnig mula sa kabilang linya.

Nabigla ako sa hindi karaniwan niyang seryoso na boses. Hindi ako tinatawagan ni Ashley ng direkta sa trabaho, bakit siya nagtatanong?

“Nasa trabaho pa, pero paalis na. Anong nangyayari? Mukha kang nag-aalala.” Tanong ko.

Kinilabutan ako sa sumunod na sinabi ni Ashley. “Arille, nakita ko si Jared at isang buntis na babaeng umuwi ng magkasama…”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gina Cortez
good story...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 3 Kapag nagsimula ang pagdududa

    (ARIELLE’S POV)“Ashley, kailangan ko na umalis. Salamat sa impormasyon. Tatawagin kita mamaya.”Matapos ko makausap si Ashley sa phone, sinubukan ko na gawin ang lahat ng makakaya ko para asikasuhin ang isipan ko na kung ano-ano ang iniisip.Si Jared ay elegante, considerate, at metikuloso. Ang akala ko kilala ko na ang taong ito makalipas ang tatlong taong pagsasama. Pero, hindi ko pa siya nakikitang depensahan ang isang tao sa harap ko, lalo na ang sumira ng dalawang beses sa pangako.Bumuntong hininga ako at bumaba mula sa sasakyan.Pagkatapos dumating sa bahay, walang nakapaghanda sa akin sa nakita ko. Nakaupo ng kumportable si Sofia sa sitting room, at hindi siya mag-isa. Kasama niya ang nanay ni Jared, nag-uusap sila at masayang tumatawa. Habang si Jared ay nakaupo sa single sofa sa tabi nila.“Anong nangyayari dito?” nagawa kong itanong, may bara sa lalamunan ko.Habang palapit ako, tumayo si Jared at inabot ang coat ko. “Isinama ko si Sofia dito dahil gusto siyang makit

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 4 Gulo sa paraiso

    (ARIELLE’S POV)Habang saradoang bibig ni Sofia, nagulat ako sa biglaang pagpapakita ni Jared, unti-unti akong tumayo mula sa kainauupuan ko, gulat pa din sa mga narinig ko.Sumakit ang puso ko—hindi lang sa sinabi ni Sofia, dahil sa bagay na narinig ko ito mula sa kanya, hindi mula kay Jared.Nakarating ako kay Jared at hindi ko siya binigyan ng pansin ng daanan ko siya, pero sinubukan niya kaong kausapin.“Arielle, pakiusap makinig—” sambit niya, sinusubukan akong abutin.Inalis ko ang kamay niy at umakyat ng hagdan, lumuha ang mga mata ko. Nakarating ako sa kuwarto at bumagsak sa kama, manhid, pagod at disappointed.Sa oras na iyon, may text na dumating sa phone ko. Galing ito kay Jared. “Patawad,” ang nakasulat dito.Tinitigan ko sandali ang screen, pagkatapos ay pinatay ko ang phone, hindi ko kayang asikasuhin muna ang paghingi niya ng tawad. Hindi ako dinalaw agad ng antok, at noong dumating na ito, hindi ako mapakali at gulong-gulo.Sa sumunod na umaga, nagising ako ng w

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 5 Ang kailangan tiisin ang babaeng third wheel

    (ARIELLE’S POV)Bago ko pa mailabas ang galit ko, naging matigas ang ekspresyon ni Jared. May kakaibang talim ang boses niya. “Sofia, ang mga bulaklak na ito ay hindi para sa iyo.” Binawi niya ang bouquet ng madiin, iniabot ito sa akin.“Para ito sa mga asawa ko,” sambit niya, nakatingin sa mga mata ko.Namula si Sofia sa hiya. Samantala, ako naman ay hindi mapigilan ang kuntentong ngiti ko.Pero, walang naghanda sa akin para makita si Sofia na lumuha at humarap kay Jared. “Jared, Jay-jay. Patawad talaga at nagulo ko ang pribado ninyong oras, pero… ang mga bulaklak ay para sa akin, tama? Natatandaan mo ba noong high school, dinadalan mo ako lagi ng lavender flowers, lalo na kapag prom nights?” Mukhang nahihirapan si Jared, habang tinignan niya ako at si Sofia. Talaga? Pinagiisipan pa niya? Ang bulaklak na iyon ay para sa akin, pambihira naman, dapat sabihin na lang niya na iabot ito sa akin, ang tunay na nagmamayari.“Arielle,” kalmadong sinabi ni Jared, “hayaan mo muna na kanya

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 6 Noong pinili siya kaysa ako

    (ARIELLE’S POV)Nagpahinga ako sa kuwarto sa itaas, pumipintig ang ulo ko sa migraine.Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa dining room. Hindi man lang pinagalitan ni Jared si Sofia sa pagsasabi na nilason ko siya. Masyado niya akong kilala, hindi ako mananakit ng langaw, lalo na ng tao.Hindi ko gusto si Sofia, oo, pero ang huli kong gagawin ay saktan siya. Hindi ko nga alam na allergic siya sa gatas, lalo na ang ilagay ito sa pagkain para lang saktan siya.Siguro nagdidiwang na siya ngayon, alam niya na ang plano niya na gumawa ng problema sa pagitan namin ni Jared ay nagtagumpay. Hindi na kami makapagdinner ng payapa ngayon. Ang presensiy niya ay ginugulo lagi ang kapayapaan ng pagsasama namin.Bumuntong hininga ako at natulog sa kama,iniisip kung anong kailangan ko gawin para alisin si Sofia sa buhay namin ni Jared.Dahil napansin ko na inaantok ako, bumangon ako mula sa kama at pumasok sa banyo para sa aking night shower. Pagkatapos, nagsuot ako ng kumportableng night robe

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 7 Noong Nagalit Siya

    Beep!Beep!(ARIELLE’S POV)Unti-unting namulat ang mga mata ko, tinitignan ko ang paligid ng malabo ang aking paningin. Ang maliwanag na florescent lights sa itaas ay nasilaw ang mag mata ko, nagsignal sa utak ko, at pumintig ang ulo ko. Napapikit ako, itinaas ko ang kamay ko para takpan ang aking mga mata, pero matinding sakit ang narmadaman ko sa bewang ko, at sumigaw ako para magcollapse pabalik sa unan.Habang malabo ang paningin ko, nakita ko si Ashley na nagmamadaling pumunta sa tabi ko. “Okay ka lang ba? Oh Diyos ko, gising ka na!”“Ash…ley?” sinubukan ko siyang tawagin, pero tumindi ang sakit, at hindi ko mailabas ang gusto ko sabihin.“Shhh, relax. Huwag mo subukan na magsalita.”Tumango ako, at habang nagrerelax, nabawasan ang sakit. Dahil medyo stable na ako, nagtanong ako, “Nasaan ako?”“Nasa ospital ka,” sagot ni Ashley, mahinhin ang boses niya.Tumingin ako sa paligid pagkatapos niyang magsalita, at nakita ko ang malinis na kuwarto. Malawak ito, puti ang kulay n

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 8 Nasaktan

    (ARIELLE’S POV)Matapos umalis si Ashley, tinignan ni Jared ang pinto at siniguro na hindi na niya maririnig ang pag-uusap nila bago humarap sa akin, mababa ang boses niya. “Anong nangyayari?”“Anong ibig mo sabihin?”“Ang bagay na ito na isinasawalangbahala ka para kay Sofia. Anong bumabagabag sa iyo? Ang akala ko naayos na natin ito.” Nagsalubong ang mga kilay niya, pero walang inis sa boses niya—naguguluhan lang.Tinitigan ko siya ng masama. “Alam mo dapat kung anong ibig ko sabihin, Jared. Matindi ang pagbagsak ko, at salamat ito kay Sofia, at kaysa tulungan ako, siya ang pinuntahan mo. At pagkatapos nito? Iniwan mo ako kay Ashley para makasama siya. Ano ba ako sa iyo, Jared? Kalokohan?”Smingkit ang mga mata ni Jared habang naguguluhan. “Arielle, makinig ka,” sambit niya, mas kalmado ngayon na tila pinipili niya angk anyang mga salita ng maayos.”Buntis si Sofia. Hindi ko puwede isugal na may mangyari sa kanya o kaya sa baby. Kaya una ko siyang pinuntahan. Pero siniguro ko na

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 9 Gusto ko siyang mawala

    (ARIELLE’S POV)“Pakiramdam ko may itinatago ka mula sa akin, Arielle,” sambit ni Ashley, ang tono niya ay seryoso at kumokontra.Bumuntong hininga ako, at umiwas ng tingin dahil totoo ang sinasabi niya. Kami lang ang nasa hospital room. At ngayon, mas malakas ang pakiramdam ko dahil nakapagfreshenup ako, nakapagbihis sa isa sa mga dress na dala ni Jared, nakapag-almusal at nainom ang mga gamot ko.“Alam mo, hindi tama na tawagin mo akong best friend at maglihim ka mula sa akin—”“Sige,” sambit ko ng sumusuko. “Anong gusto mo malaman?”“Una sa lahat, sino ang Sofia na iyon? Buntis siyang babae na sinabi ko na nakita kong kasama ni Jared na umuwi. Bakit nandoon siya sa bahay ninyo, at anong relasyon niya kay Jared dahil sobra ang malasakit niya sa kanya?”Bumuntong hininga ako muli, sa hindi mabilang na beses ngayon, bago ko ipagpatulyo na sabihin kay Ashley ang tungkol kay Sofia at kung paano siyang dumating na lang sa buhay namin ni Jared. Sinabi ko ang lahat, siniguro ko na ang

    Last Updated : 2024-12-02
  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 10 Puwede ba na magkaibigan lang ang lalake at babae

    (ARIELLE’S POV)Tumingala ako para titigan ang tong nakasalubong ko. Nagkataon na binatang lalake ito, at sa sandaling nakita ko ang mukha niya, hindi ko mapigilan na mapansin kung gaano siya nakakaakit. Ang mga mata niya ay emerald green ang kulay, matipuno ang hulma ng mukha niya, panandalian akong walang masabi.Umiling-iling ako, nahimasmasan sa pagkatulala. “Pasensiya na talaga,” agad akong humingi ng tawad.Napatingin ako sa malapit, at nakakita ako ng phone sa sahig. “Phone mo ba iyon?” tanong ko, hindi na ako naghintay ng sagot at nagmadali akong lumapit doon, pinulot ito, at inabot ito pabalik sa kanya. “Mabuti na lang, hindi nasira ang phone. Pasensiya na ulit.”Sa buong oras na ito, ang lalake ay hindi nagsalita. At noong nagsalita siya, natutuwa siyang nakangiti. “Hindi mo kailangan humingi ng tawad, totoo. Ako dapat ang humihingi ng tawad.”Umiling-iling ako, “Hindi, ako ang hindi nakatingin noong nakabangga kita.”Natawa siya ng mahina, mababa at tunog. “Sabihin na

    Last Updated : 2024-12-02

Latest chapter

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 50 Pagbabago ng isip

    (ARIELLE’S POV)Sa oras na lumabas si Jared, tumulo ang mga luha ko. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko, at nanginig din ang katawan ko. Masyado itong mabigat. Ang makita siya ay parang pagpapalala pa sa pinsala ko na tinamo. Sobrang sakit.“Huy, okay lang. Iiyak mo lahat,” bulong ni Ashley, pinipiga ang kamay ko. Tahimik siya buong oras sa palitan namin ni Jared, at gusto niyang makielam sana kung hindi lang ako sumenyas na manatili siyang kalamado.Habang umiiyka ako, tumindi lalo ang emosyon ko. Galit, kalungkutan, at pagsisisi. Bakit ba kumapit ako ng matagal? Bakit ba isinawalangbahala ko ang pagiging malayo ni Jared, iniisip na parte lang ito ng ugali niya kung senyales na ito?Umiyak ako lalo, dahil sa kahangalan ko, at pagtataksil ni Jared. Pero habang umiiyak ako, may nagbago sa loob ko. Napagtanto ko na hindi ko ito puwedeng patuloy na gawin sa sarili ko. Hindi ko puwede patuloy na mahalin ang isang tao na hindi ako mahal.Hinding hindi ako pipiliin ni Jared kaysa k

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 49 Pagdadalamhati

    (JARED’S POV)Masyado itong masakit na tanggapin lahat—ang masakit na katotohanan na narinig ko sa kuwarto.Naglakad ako ng hindi maayos sa hallway ng ospital, kumikilos ang mga paa ko ng kusa. Hindi alam pero nakarating ako sa elevator na pababa sa first floor. Ang mga salamin ay may ipinakita na imahe, isang tao na hindi ako nagulat na makita. Isang maputla, heartbroken at baluktot na tao.Sa labas, ang mainit na araw ay masakit sa mata at balat, pero wala akong pakielam. Masyado kong ramdam ang mga emosyon ko para mag-alala sa sunburn o mangitim.Nakarating ako sa sasakyan ko, hinawakan ko ang hawakan ng pinto. Ang bakal ay malamig sa palad ko, kabaliktaran ng nararamdaman ng nag-aalab ko na puso.Umupo ako sa driver’s seat, kumapit ako ng mahigpit as manibela. “Pinatay ninyong dalawa ang anak ko!” Nag-echo sa utak ko ang mga salita ni Arielle. Masakit ang bintang niya dahil anak ko din iyon.Naging mapula ang mga mata ko, bilang resulta ng mga hindi tumutulong luha, at naipon

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 48 Buntis siya

    (JARED’S POV)Dumating ako sa ospital, at nagmadali patungo sa reception area. Isang babae ang nasa likod ng counter at agad ko na sinabi ang misyon ko doon.“Sandali lang, titignan ko ang records,” sambit ng babae at naglabas siya ng malaking libro mula sa drawer.Tumango ako at hindi makapaghintay na tinapik ang marmol na counter habang binabasa niya ang libro.“Oo, isang Arielle Smith ang dinala dito kahapon. Aksidente ang nangyari at nasa room 95 siya sa wing C, second floor ng ospital…”Iyon lang ang kailangan ko marinig at pinasalamatan ko sandali ang babae bago nagmadali na umalis. Sumakay ako sa elevator at sinuntok ang number 2 at umakyat ito. Bumaba ako ng makarating sa floor at sumenyas sa nurse para magtanong. Sumagot siya, at habang dala ang impormasyon, tumungo ako sa kuwarto.Sa oras na dumating ako, tumigil ako sa harap ng pinto na may nakasulat na numero 95. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko, hindi ako sigurado sa aasahan ko. Pero binuksan ko pa din ang pinto, at

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 47 Mga sagot

    (JARED’S POV)Dumating ako sa bahay at nagmadali na umuwi. Noong pumasok ako sa living room, nakita ko si Sofia na nakahiga sa couch at kumakain ng junk food habang malakas ang TV sa background. Disappointed ako sa nakita ko.“Sofia, anong nangyayari dito? tanong ko, kinuha ko ang remote at pinatay ang TV.Sumimangot siya sa akin. “Anong problema mo? Bakit mo pinatay ang TV?”“Kailangan natin mag-usap,” sambit ko ng madiin.Nainis siya at naupo sa couch, nakakrus ang mga braso niya ng defensive. “Tungkol saan? Nilisan mo ang bahay ng hindi mo sinasabi sa akin kung saan pupunta, at ngayon gusto mo mag-usap?”Huminga ako ng malalim at sinubukan ko na kumalma at hindi magwala. “Sofia, wala munang mga tantrums, pakiusap. May kailangan ako itanong sa iyo.”Tumitig siya sa akin ng masama bago umirap. “Sige, makikinig ako.”“Kahapon, nakita mo na umuwi si Arielle ng maaga, tama?”“Bakit mo ako tinatanong ng ganito? Sinabi ko sa iyo na nahuli niya tayo sa akto,” sambit ni Sofia, defen

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 46 Ang pahanap ng sagot

    (JARED’S POV)Pinindot ko ang doorbell sa tabi ng pinto at naghintay ng sagot, pero makalipas ang ilang minuto, walang dumating. Pinindot ko ito ulit, pero wala pa din sagot. Matapos makumpirma ang hinala ko, hinawakan ko ang door knob, at tama ang inaasahan ko, nakalock ito.Sinapok ko ang sarili ko sa isip ko, “Siyempre,” bulong ko. Anong inaasahan ko sa 10 am ng araw ng trabaho? Si Ashley, na nagtatrabaho ng propesyunal ay marahil nasa trabaho.Bigla ko napagtanto ang bagay na ito. Kung nasa trabaho si Ashley, maaaring pinuntahan siya ni Arielle kahapon, at maaaring nasa trabaho din si Arielle.Matapos itong mapagdesisyunan, bumalik ako sa sasakyan. Hahanapin ko si Arielle sa restaurant. Habang nagmamaneho, lumipad ang isip ko. Sana willing makinig si Arielle, alam ko pa naman kung gaano katigas ang ulo niya kapag galit siya.Dahil paghingi na din ng tawag ang pinaguusapan, hindi ako dapat humingi ng tawad ng walang dala. Napagdesisyunan ko na bumili ng paborito niyang bulaklak

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 45 Maling akala

    (SOFIA’S POV)Pinanood ko si Jared na tinawagan ang numero ni Arielle, mabilis akong nag-iisip sa inis, at walang hinihiling kung hindi agawin ang phone niya. Bakit ba nag-aabala pa din siya sa kanya? Hindi ba niya naiintindihan na ginawan ko siya ng pabor sa pagpapalayas sa kanya? Hindi ba dapat nagpapasalamat siya?Naalala ko ang mga nangyari para umabot sa puntong ito. Noong sinabi ni Jared na wala siyang dahilan para hiwalayan si Arielle, alam ko na may dapat akong gawin. Kailangan ko makaisip ng dahilan. Alam ko na naghihinala si Arielle sa pagkakaibigan namin, kailangan ko padaanin ang plano ko doon para mas kapanipaniwala ito.Kaya noong nakaraang araw, nagawa ko na kumuha ng dokumento na sa tingin ko ay mahalaga kay Jared mula sa briefcase niya. Tulad ng hula ko, umuwi siya para hanapin ito. Umakyat ako sa kuwarto niya dala ang inumin na may hinalo ako para ialok sa kanya.Tinanggap niya ito at ilang minuto ang nakalilipas, tinablan na siya. Isinama ko siya sa kama, at gina

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 44 Nabigo ko siya

    (JARED’S POV)Unti-unti ko na iminulat ang mga mata ko, at nakita ko na nakahiga ako. Noong tumingin ako sa paligid, napansin ko na nakahiga ako sa kama, sa kuwarto pa din. Pero pakiramdam ko may mali. Sinubukan ko na umupo, pero matinding sakit ng ulo ang naramdaman ko, at napapikit ako. Pero, nilabanan ko ang sakit ng ulo ko at naupo, minamasahe ang mga sentido ko.Nasaan si Arielle? Anong oras na? Napatingin ako sa orasan at nakita na 9 am na. Bakit nasa bahay pa din ako at wala sa trabaho? Bakit hindi ako ginising ni Arielle para sa trabaho?Dagdag pa dito, kakaiba ang pakiramdam ko. Mapait ang panlasa ko at pagod ang pakiramdam kahit na kakagising ko lang. Sinubukan ko na mag-isip, pero sumasakit lang ang ulo ko sa bawat lumilipas na sandali.Ano ba ang nangyari?Sa oras na iyon, bumukas ang pinto, at pumasok si Sofia, may dala siyang tray. Ngumiti siya sa akin. “Magandang umaga, antukin.”Pinilit ko ngumiti, naguguluhan pa din. “Magandang umaga. Anong nangyayari?” tanong ko

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 43 Ang tunay na mga salarin

    (ARIELLE’S POV)Nag-alinlangan si Ashley, napatingin siya sa baba sandali bago ako tinignan sa mga mata.“Hindi,” sambit niya ng mahina. “Kinokontak ko na siya ng matagal na, pero hindi ko siya matawagan. Balak ko sana pa puntahan siya at hanapin pero…” humina ang boses niya habang piga ng mahina ng kamay ko. “Wala kang malay, at hindi kita gustong iwan ng matagal.”Tumango ako, matinding sakit ang nararamdaman ko sa puso ko. Ano ba ang inaasahan ko? Na iiwan ni Jared ang piling ng mahal niya—si Sofia, at hahanapin ako? Kahit na nawala ang anak ko at ganito ang estado ko dahil sa kanila?Nakaramdam ako ng mapait na tawa sa lalamunan ko, pero nawala na ito bago makalabas.Nagulo ni Ashley ang iniisip ko. “Susubukan ko siyang tawagan ulit,” sambit niya, inabot niya ang kanyang phone. “Kung hindi pa din siya mareach sa phone, hahanapin ko siya. Kakaiba na hindi ka niya hinahanap sa buong oras na ito.”“Huwag,” bulong ko.Tumigil si Ashley at tinignan ako ng napapaisip, pero umiling

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 42 Ang katotohanan niya

    (ARIELLE’S POV)Umungol ako at sinubukan na maupo sa kama, habang sumusulyap sa paligid. Nasa hospital room ako, pero hindi ko alam kung paano ako napunta doon. Sinubukan ko na maalala, pero magulo ang isip ko.Doon ko siya nakita, si Ashley. Nakaupo siya sa tabi ko, nakapahinga ang ulo sa kama.“Ashley?” sambit ko, tuyo ang boses ko.Tumingala siya, at agad na hinawakan ang kamay ko, nanggigilid ang mga luha niya. “Sawakas, gising ka na. Okay ka lang ba?”Tumango ako. “Anong nangyari? Nasaan ako?”“Nasa ospital ka. Dapat ko puntahan ang doktor,” sambit ni Ashley at tumayo siya.“Ospital?” sinubukan ko na alalahanin, pero malabo ang lahat. At doon ko napagtanto bigla; ang baby ko! Naaalala ko na naaksidente ako, dinugo, at napahawak ako sa tiyan ko.“Ang baby ko,” bulong ko, natataranta na ako.Umiwas ng tingin si Ashley, at napapaisip ako na tumingin sa kanya. “Magsalita ka. Okay lang ba ang baby ko?”Napapikit si Ashley, ayaw pa din akong tignan sa mga mata, pero nakikita k

DMCA.com Protection Status