Nang sandaling malaman ni Hiraya ang pagtataksil at pagsisinungaling ng kan’yang nobyo na si Jack sa kababata nitong si Rosamie, labis na nasaktan si Hiraya ng sobra tila ba nadurog ng pino ang kan’yang puso nang piliin pa ng kasintahan ang kababata nito kaysa sa kan’ya. Dahil sa epekto ng alak ay naglakas-loob siyang puntahan ang kwarto ng kaibigan ng kan’yang nobyo na si Reyko Takahashi, isang sikat at magaling na doktor sa buong Asya. Matapos ang mainit na gabing pagtatalik, alam ni Hiraya na sa mga mata ng lalaki ay isa siyang maruming babae at hitad na kumakapit sa iba’t-ibang lalaki. Pinulot ng lalaki ang mga damit niya at inihagis iyon sa kan’ya. “Umalis ka na sa kwarto ko.” Nagulat si Hiraya ng ihagis nito ang panty niya’t sapol na sapol iyon sa kan’yang mukha. “Naiwan mo. Too cheap, it's not worth it to keep it.” Halata sa boses ng binata ang pagka sarkastiko at panunuya.
View More“Sa akin ka galit kung kaya't huwag mong idadamay ang mga taong gusto lang naman akong tulongan at makaahon sa buhay! Sa buhay kong pilit mong nilulugmok!” patuloy pa niya. Mas lalong kumunot si Reyko, napayuko ito sa babae upang tingnan. Kitang-kita nito ang pagtulo ng luha sa pisngi nito kung kaya’t mas lalong kumirot ang kanyang dibdib. Hindi pa rin niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Hindi niya masabi kung ano ito. At ayaw na ayaw niya itong maramdamn. Dumilim ang paningin niya sa babae, huminga ng malalim at nagsalita, "Bumalik ka sa bahay natin, gusto kong bago pa man balutin ng kadiliman ang paligid ay naroon ka na sa mansyon."Napaiwas siya ng tingin sa babae at pilit na nagpaliwanag kay Hiraya, "Ang anak ni Mayari..."Hindi niya natapos ang sasabihin nang umiling si Hiraya, “Wala akong paki.” Napataas ng kilay si Reyko at tinitigan ang mukha ng asawa.Mahinang tumawa si Hiraya, ngunit patuloy pa rin ang luha nito sa magkabilang pisngi. "Mula ngayon, hindi na ako
Tumitig lamang sa kanya si Reyko at hindi man lang siya sinagot sa tanong niya. Ang ginawa na lamang niya ay maipiling at nagsalita ulit. “A-Ano makikipag-deal ka ba sa akin o hindi? Kung hindi, I am just wasting my time here…” “Talaga bang mapilit ka?” matigas na sabi ni Reyko sa kanya. Nakita niyang dahan-dahang bumaba ang kamay ng lalaki, dahan-dhang hinaplos nito ang kanyang makinis na pisngi, "Hiraya, alam mong pwede kitang saktan sa mga oras na ito ngunit dahil asawa kita ay nagpipigil ako. Alam mo naman kung ano ang magiging kahihinatnan mo kung maghihiwalay tayo ‘di ba? Hindi pa rin kita tatantanan at mas sisirain ko pa ang buhay mo, tandaan mo ‘yan!” Nanlaki ang mga mata ni Hiraya, hindi siya makapaniwalang tumingin sa lalaking nasa harapan.Kinuyom niya ang kamao at kinagat ng mariin ang kanyang labi.“Pumunta ka sa mansyon at nagsumbong sa lolo ko na buntis ka, itinatak mo sa utak ng matanda na ako ang may kasalanan ng lahat, na binuntis kita at kinuha ang virginity mo.
Napahilamos si Hiraya dahil sa narinig, hindi niya alam kung ano nga ba ang pumasok sa isip ng kanyang kaibigan bakit nito nagawang bungguin ang sasakyan ng kanyang asawa. Gets niyang galit ito pero binalaan naman niya ang dalawa na huwag ng makisali sa away nila ng mag-asawa dahil alam niyang madadamay lang ang mga ito. Nang makita ni Mayumi ang pag-aalala sa mukha ni Hiraya ay napangiti ito ng matamis at hinawakan ang kamay niya. "Huwag kang mag-alala, Hiraya may CCTV naman na magpapatunay na binangga ko lang ang kotse ng asawa mo, gusto ko lang talagang makabawi sa kanya, hindi naman siya nasaktan, aayusin ko lang ang magiging piyansa at makakalabas na rin ako."Tahimik lang si Hiraya habang nakikinig kay Mayumi. Alam niyang hindi ganoon kasimple iyon, kilala niya ang asawa hindi nito papalampasin ang nangyari sa ngayon. Lalo pa't hinamak at kinalaban ng kaibigan niya si Reyko. Kung talagang mapipiyansahan ang babae bakit tinawag pa siya ng kapulisan? Kung kaya naman pala niton
Subalit bago pa man lumabas ang resulta ng check-up ni Hiraya, nakatanggap ng tawag si Reyko kaya naman kinailangan niyang umalis ng ospital. Pero dahil sobrang nag-aalala siya sa asawa ay tinawagan niya si Alena at sinabi kung ano ang nangyari sa kaibigan. Sa loob ng itim na Sedan na kotse, nakaupo ang assistant ni Reyko sa driver's seat, tinitingnan ang lalaki sa rearview mirror, "Dr. Reyko, wala naman po sigurong sakit si Miss Hiraya, ‘no..."Napalingon si Reyko sa assistant niya, nagtama ang tingin nila ng binata, kaya natakot na itong magsalita pa at nag maneho na lang.Samantala si Hiraya ay nagising ng bandang alas tres na ng hapon. Lumingon siya sa nakakasilaw na liwanag, napapipikit-pikit pa siya ng kanyang mga mata na para bang nag-a-adjust ang kanyang mga mata sa liwanag. Hindi niya masyadong maaninag ang paligid kung kaya't tinakpan niya ang kanyang mata."Hiraya, sa wakas gising ka na!" Nang makitang dumilat ang kaibigan, agad na tumayo si Alena sa pagkakaupo sa tabi n
Naiwan si Reyko na nakaupo sa mahabang bench sa gilid ng hallway. Napayuko lamang siya habang nakatitig sa sahig at malalim ang isip. Talagang nandidilim ang mga mata nito at napapakunot pa ang mga mata. Kahit sino naman ang makakakita sa lalaki ay talagang matatakot sa madilim na aura nito. Makalipas ang ilang sandali, ay napahinga siya ng maluwag at napagpasyahang pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan ang kanyang asawa. Kakapasok pa lang ni Reyko nang tumunog ang kanyang telepono dahil doon ay dali-dali niya itong kinuha at sinagot, sa takot na magising ang kanyang asawa. Pumunta sa may bintana upang hindi maisturbo sa pagpapahinga ang babae. Nakatanaw siya sa labas ng bintana kung kaya't kitang-kita niya ang madilim na kalangitan sa labas. Mula sa kabilang linya, ay narinig niya ang iyak ng isang babae. Napakunot ang kanyang noo, tiningnan niya ulit kung sino ang tumatawag baka namamalikmata lamang siya subalit si Marco naman iyon. “Sino ‘to? Nasaan si Marco?” Mayamaya ay sumago
Takot na takot si Marco dahil sa nangyari, kapag nalaman kasi ng Lolo nila ang nangyari kay Hiraya ay talaga malilintikan siya. At kapag nalaman din ng matanda na mayroon siyang nilalanding iba ay katapusan na ng mana niya. Si Chloe naman pati na ang mga kababaihan kasama na roon si Reyko ay natulala lamang dahil sa nangyari. Si Maria na ang lumapit kay Reyko, isa sa kaibigan ni Chloe at Mayari. "Dr. Reyko, huwag kang mag-alala, hindi na ulit ito mauulit. Hindi na rin magpapakita sa'yo si Chloe, aalis na rin kami!” Pagkasabi ng dalag ay hinila na nito si Chloe at agad na umalis sa loob, sumunod na rin ang iba.Naiwan na lamang sa loob si Reyko at ang isa nitong pinsan na si Walter. "Hindi mo ba susundan ang asawa mo? Hindi ba't buntis ito? Hindi ka ba nag-aalala, Reyko?” mahinang sabi ni Walter sa kanya. Tumaas ang kilay ni Reyko at napakunot pa ng noo. “Ano?” "Anong ano? Wala ka na bang pakialam sa magiging anak mo? Bakit hindi mo sundan ang asawa mo, masama ang kalagayan nit
Halos mabulunan si Marco dahil sa sinabi ni Chloe kay Hiraya. Hindi rin ng lalaki inaasahan na sasabihin ni Chloe iyon lalo nasa loob lamang ang asawa ni Hiraya na si Reyko. Hindi ba nag-iisip si Chloe? Bakit nasabi ng babae ito sa harap na naroon lamang si Reyko, kahit na walang pakialam ang lalaki sa asawa nito ay alam niyang magagalit ito kapag may taong bumu-bully sa asawa. Napasulyap si Marco kay Reyko na kanina pa'y tahimik. Hindi niya talaga mabasa ang nasa isip ng lalaki. Hindi rin niya alam kung galit ba ito o ano. Wala talagang pakialam ang lalaki sa asawa nito. Pero kahit na gano'n mali pa rin ang ginawa ni Chloe sa isip-isip niya. Tiningnan lamang ni Hiraya si Chloe at sa wakas nagsalita na ang babae, "Hindi ba't isa ka lang sa mga babae ni Marco? Bakit naman kita papansin? Hindi ka naman kagalang-galang at isa pa, close ba tayong dalawa? Kung gusto niyong makasama si Mayari— so what?? Wala naman akong pakialam. At mayabang? Hindi ako mayabang, ayaw ko lang makipag-close
Lahat ng tao sa loob ay nagsilakihan ang mga mata dahil sa sobrang gulat. Kung tutuusin kilala ng mga kapinsanan ni Reyko ang mukha ni Hiraya dahil lahat ng pinsan ng lalaki ay um-attend sa kanilang kasal pati na ang mga kaibigan nito. Hindi nga lang siya close dahil alam ng mga ito ang ginawa niya kay Reyko. Ngunit kasalanan ba niyang mabuntis siya ng lalaki? Ni hindi naman niya ginawa ang anak nila ng siya lang ‘di ba? Iyon ang palagi niyang punto kapag nakikita niyang galit na galit ang mga ito sa kanya at kinukutya-kutya pa siya. "Si Hiraya ba 'yan??” bulong na sabi ng isang pinsan ni Reyko. “Hindi ba't ang asawa ng pinsan natin ‘yan?" bulong din ng isa. Alam ng mga ito na hindi tinuturing na asawa ni Reyko ang asawa dahil hindi na rin sa kanila bago ang masamang pakikitungo ng lalaki sa asawa noon. Naiintindihan naman nila kung bakit dahil napag-alaman ng lalaki na pinikot ni Hiraya si Reyko. Halos bukambibig din ng nanay ng lalaki na iyon nga ang ginawa ng babae at pinilit n
Sa kabilang banda, nakaparada ang isang itim na limited edition na Sedan sa kabilang kalsada. Bahagyang nakababa ang bintana sa likurang upuan nito. Sa madilim na kalangitan at liwanag ng buwan ay kitang-kita sa loob ng kotse si Reyko kasama nito ang pinsan na si Marco. Nakatingin lamang si Marco kay Reyko habang humihithit pa rin ng sigarilyo ang lalaki. "Ang korni mo naman habang nakatingin kay Hiraya! Kanina pa tayo narito, ilang oras na ba? Bagot na bagot na ako, kung kinita mo na lang sana ang asawa mo, eh ‘di sana nasa bar na tayo kanina pa! Huwag mong sabihing nagkakagusto ka na sa babaeng iyon?"Hindi sumagot si Reyko, talagang nakatitig lamang ito sa babaeng naghihintay ng taxi sa harap ng ospital na pagmamay-ari nila. "But seriously speaking…" Napaayos ng upo si Marco at ibinuga ang sigarilyo sa labas ng bintana matapos no'n ay tinapon nito ang upos ng sigarilyo sa labas, "Talaga bang sinadya mong papuntahin si Dr. Rhob sa ibang ospital? To think na walang ka-signal-signa
“Happy Birthday Rosamie!” bungad na bati ni Hiraya sa kababata ng fiance niyang si Jack. Lahat ng mga tao sa selebrasyong iyon ay nag sitinginan kay Hiraya, may pandidiri at panunuya ang mga tingin ng mga tao sa loob ngunit walang pakialam ang dalaga. Malaki ang pagtampo niya kay Jack, pinakiusapan siya nito na mag-bake ng cake at i-deliver iyon sa isang lokasyon. Ginawa niya iyon dahil ang akala niya ay may gagawing surprise sa kan’ya ang binata dahil ngayon ang 1st anniversary nila bilang magkasintahan ngunit ito lang pala ang madadatnan niya. Hawak-hawak ni Jack ang cake na ginawa niya habang nasa harap nito si Rosamie na sobrang saya. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jack nang mapatingin sa direksyon ni Hiraya. “Hiraya, bakit narito ka? You shouldn’t be here,” nag-aalala at kinakabahan na wika ni Jack at nilapitan ang dalaga. Hindi naman makapaniwala si Hiraya sa sinabi ng kan’yang fiance, “Jack, ako ang fiance mo bakit hindi ako pwedeng dumalo sa birthday ng kababata mo? Bakit...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments