Share

Kabanata 2| Kahihiyan

Nagising si Hiraya dahil sa matinding sakit ng kan’yang katawan. Kagabi ay naging marahas sa kan’ya si Doktor Reyko. Halos lahat ata ng posisyon ay ginawa nila hanggang sa magsawa ito sa kan’ya. Alam niyang marami ring mga kalmot sa katawan nito dahil sa sobrang intense ng p********k nila.

Ayaw pa sana niyang bumangon ngunit may client siyang i-me-meet ngayon. Ilang minuto rin siyang nag-ayos at umalis sa apartment ni Jack. Napalingon pa siya sa katabing kwarto kung saan ang silid ni Reyko ngunit nakasara na ito, nangangahulugang wala ng tao roon sa loob. 

Napahinga siya ng malalim at napailing. Mabilis siyang lumabas sa building at pumunta sa UP University kung saan naroon ang client niya. She is a full time baker, photographer and event decorator. 

May event daw ngayon sa university kung kaya’t siya ang nataasang mag-decorate sa venue nito. Tinanggap naman niya iyon dahil kailangan na kailangan niya ng pera. 

Hindi naman niya inaasahan na makakasalubong niya si Dr. Reyko Takahashi roon. 

Sinalubong siya ng isa niyang katrabaho kung kaya’t binati siya nito. 

“Sorry, Boss, medyo na-late ako, sobrang traffic kasi.” Tumango lamang si Hiraya at napasulyap sa gilid. 

Sa gilid nila ay isang grupo at naroon si Dr. Reyko. 

“Mukhang ang aliwalas ng aura mo ngayon, pare! May nagpapatibok na ba sa puso mo?” tanong ng isang lalaki sa gilid ng doktor. Sa tingin ni Hiraya ay magkakatrabaho ang mga ito. 

“Tanga, may hinihintay iyan nakalimutan mo na ba? Ang sabihin mo—sino nga ba ang babaeng nagpapatibok ng ute-n ng kaibigan natin!?” 

Nagsihalakhalkan naman ang grupo kung kaya’t biglang hindi naging komportable si Hiraya. 

Hindi man lang nagsalita si Reyko at nanatili lamang na tahimik sa gilid. 

“Tama! Tama nga! Ang babaeng hinihintay ng ating kaibigan ay ilang taon ng hindi nagpapakita sa kan’ya, hindi naman natin masisisi itong kaibigan natin na maghanap ng iba upang maibsan ang pagkabagot at lungkot nito, alam nating may pangangailangan pa rin tayong mga lalaki. Sabagay, binabayaran mo naman, Dr. Reyko ang mga babaeng nai-kama mo kaya hindi na lugi sa’yo ang babae, tama? So, pare sino ang maswerteng babaeng naikama mo kagabi?” 

Lahat naman ay naghiyawan at tinutukso si Reyko ngunit nanatili lamang itong seryoso. Ilang segundo ang nakalipas ay nagsalita ang binata, “Ang girlfriend ni Jack.” 

Ang grupo ng kalalakihan ay napasinghap dahil sa sinabi ni Reyko. Nanlalaki naman ang mga mata ng mga ito at hindi makapaniwala sa sinabi ng katrabaho. 

“Whoaaa! Ang lupit mo talaga, Dr. Takahashi! Hindi ba’t matalik na kaibigan mo si Jack?” 

Nanatili lamang na sekreto ang relasyon ni Hiraya at Jack kung kaya’t walang nakakakilala kay Hiraya, tanging ang matatalik na kaibigan lamang ni Jack ang nakakilala sa kan’ya kasama na roon si Reyko. 

“Hiraya…” tawag ni Minerva sa kan’ya. 

Hindi na narinig pa ni Hiraya ang pinag-uusapan ng grupo, sa katunayan kanina pa hindi maganda ang nararamdaman niya. 

“Halika na, pumasok na tayo sa building, kanina pa tayo hinihintay ng event coordinator doon.” 

Tumango na lamang si Hiraya bilang sagot, nang mapadaan sila sa grupo ng kalalakihan ay agad na nakita siya ni Reyko. Mabilis siyang yumuko dahil sa sobrang hiya at hindi man lang tiningnan ang lalaki. 

Kahihiyan, iyan ang nararamdaman niya kanina pa. 

“Uy, kayo ba ang event decorator sa event bukas? Sumama na kayo sa amin, alam niyo ba kung saang floor kayo pupunta?” tanong ng isang lalaki sa kanila. Ngumiti naman ng matamis ang kan’yang katrabaho na si Minerva at tumango ng matamis. 

“Oo, kami nga ang event decorator, this is my boss, Hiraya Ferrera, isang baker, photographer and also event decorator, alam kong kilala niyo na siya dahil lagi kaming suki sa mga event niyo,” pakilala ni Minerva kung kaya’t napangiti siya sa mga kalalakihan ngunit hindi niya man lang tinapunan ng tingin si Reyko. 

“Oh, nakalimutan ko, hindi ba’t naghahanap ka ng baker para sa anniversary ng magulang mo, Reyko? Narito na si Ms. Ferrera para tulungan ka,” saad naman ng isang lalaki kung kaya’t mabilis na kinuha ni Minerva ang card nila at inilahad iyon kay Reyko. 

Kahit paano pera na rin iyon. 

“Heto ang business card namin, nariyan na rin ang numero ni Madam Hiraya, pwede mo siyang kontakin diyan.” 

Walang ganang tiningnan ni Reyko ang card, “Sorry, may nakuha na akong baker.” 

Nawala ang ngiti ni Minerva at akmang ibubulsa na nito ang business card nila nang mabilis na kinuha iyon ng isang lalaki sa grupo. 

“Let me keep this, alam kong hindi pa nakakahanap ng baker si Kuya Reyko, nagbibiro lamang ito.” Lumipat ang tingin ng lalaki kay Hiraya saka napangiti ng matamis, “Ms. Ferrera, I’ll contact you about the cake, mag-send ka rin ng sample sa amin para makapili kami ni Kuya.” 

Napangiti si Hiraya sa sinabi ng lalaki at napangiti. Hindi niya napansin na si Raven pala iyon, ang nakakababatang kapatid ni Reyko. 

***

Sobrang pinagsisihan ni Hiraya ang pagsuot ng mataas na heels kung kaya’t ngayon ay sumasakit na ang kan’yang mga paa. Buong hapon ba naman silang nakatayo at nag-aayos ng decor sa stage. Baba roon at baba rito ang peg niya buong hapon. 

Nang matapos sila sa pag-decorate ay nagpaalam na ang team niya sa kan’ya. Naroon siya sa labas ng malaking gate ng paaralan at naghihintay ng masasakyang taxi. Sumingkit ang tingin niya nang may humintong kotse sa kan’yang harapan. 

Kita niya sa loob ang pigura ni Reyko Takahashi habang seryosong nakatingin sa harap ng kalsada. Tila ba nabuhayan ng loob si Hiraya nang mapatingin sa binata, nananakit na talaga ang kan’yang paa’t hindi na niya kayang maghintay pa ng ilang minuto. 

Kinatok niya ng marahan ang bintana ng kotse ng lalaki kung kaya’t napansin siya ni Reyko. Ibinaba ng lalaki ang bintana ngunit kalahati lamang kaya naman napayuko pa si Hiraya at napasilip sa loob. 

“Dr. Reyko, aalis ka na ba? Pwede ba akong sumabay? Sobrang sakit kasi ng mga paa ko kanina pa.” 

Halatang-halata ang paglalambing sa tinig ni Hiraya kailangan niyang akitin ang binata’t iyon lang ang paraan para matulungan siya nito. 

Tiningan lamang siya ni Reyko at napataas ng kilay. “Dr. Reyko, masakit ang paa ko pati na ang katawan ko. Pwede mo ba akong isabay papunta sa apartment since pareho lang naman tayo ng uuwian?” 

Gusto niyang sabihin sa lalaki na ito naman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang katawan niya kaya responsibilidad siya nito subalit wala siyang lakas para sabihin iyon. 

Mas yumuko pa si Hiraya kung kaya’t kitang-kita na ang makinis na dibdib niya’t sinadya niya iyon para mapansin ng lalaki. Naroon pa rin ang mapupulang marka na iniwan ng binata sa kan’ya kagabi. 

Nawala ang matamis na ngiti ni Hiraya nang umiwas ng tingin si Reyko at bumalik ulit sa pagtingin sa kalsada. “Hindi pwede.” 

Matapos na sabihin iyon ay dahan-dahang itinaas ni Reyko ang bintana ng kotse nito. Mabilis namang hinawakan ni Hiraya ang binata upang pahintuin ang pagsara, “Bakit naman hindi pwede?” nakangusong tanong niya sa lalaki. 

Magsasalita pa sana si Hiraya nang marinig niya ang isang malambing na pambabaeng boses sa loob. “Reyko, sino iyan?” 

Lumingon si Reyko sa babaeng nasa likod at napangiti. “Wala, isang pulubi na humihingi lang ng barya.” 

Napangiwi si Hiraya nang marinig ang sinabi ng binata. Sa sobrang gulat niya ay hindi siya makapagsalita. Binawi niya ang kamay niyang nakapatong sa bintana at nanghihinang bumalik kung saan siya nakatayo. 

Unti-unti namang sumara ang bintana at mabilis na humarurot ang kotse paalis sa harap niya. 

Kahit naman makapal ang mukha ni Hiraya, hindi na niya pinilit pang makisabay kay Reyko, hindi siya manhid para isiping ayaw nitong kasabay siya’t may kasama pa itong babae. Bigla s’yang na-curious, hindi kaya iyon ang first love ni Reyko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status