“Happy Birthday Rosamie!” bungad na bati ni Hiraya sa kababata ng fiance niyang si Jack.
Lahat ng mga tao sa selebrasyong iyon ay nag sitinginan kay Hiraya, may pandidiri at panunuya ang mga tingin ng mga tao sa loob ngunit walang pakialam ang dalaga. Malaki ang pagtampo niya kay Jack, pinakiusapan siya nito na mag-bake ng cake at i-deliver iyon sa isang lokasyon. Ginawa niya iyon dahil ang akala niya ay may gagawing surprise sa kan’ya ang binata dahil ngayon ang 1st anniversary nila bilang magkasintahan ngunit ito lang pala ang madadatnan niya.
Hawak-hawak ni Jack ang cake na ginawa niya habang nasa harap nito si Rosamie na sobrang saya. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jack nang mapatingin sa direksyon ni Hiraya.
“Hiraya, bakit narito ka? You shouldn’t be here,” nag-aalala at kinakabahan na wika ni Jack at nilapitan ang dalaga.
Hindi naman makapaniwala si Hiraya sa sinabi ng kan’yang fiance, “Jack, ako ang fiance mo bakit hindi ako pwedeng dumalo sa birthday ng kababata mo? Bakit hindi mo sinabing para pala kay Rosamei ang pinagawa mong cake sa akin?”
Naghihinagpis ang puso ni Hiraya dahil sa uri ng tingin na binibigay sa kan’ya ni Jack. Para ba itong nahihiya na naroon siya. “Hiraya, not today okay? I’ll explain everything to you. Umuwi ka na at huwag ka ng magtangka pang sirain ang birthday ni Rosamei, we spent days to prepare—”
Malakas na sampal ang pinakawalan ni Hiraya sa kan’yang kasintahang si Jack. “You asshole! Kaya pala ilang araw ka ng hindi nagpaparamdam sa akin dahil naghahanda ka pala ng birthday ng hitad na babaeng iyan— Aray!”
Napa-aray si Hiraya ng hilahin ni Jack ng marahas ang kan’yang braso at inilayo sa madla. “Umuwi ka na sa apartment natin, Hiraya, please!” naiiritang sambit ni Jack sa kan’ya kaya napangiwi ang dalaga.
Huminga ng malalim si Hiraya dahil kunting-kunti na lang ay tutulo na ang kan’yang mga luha sa pisngi. Rinig pa niya ang mga nagbubulungang mga tao sa paligid kaya nakaramdam siya ng panliliit. Siya ang fiance, bakit siya ngayon ang pinapauwi?
“Hindi mo man lang ako isinama rito, Jack, bakit? Para ba hindi ko makita ang ka-sweet-an niyo ng kababata mo? Akala ko ba hindi ko napapansin ‘yon?” Napahilamos ng mukha si Jack dahil sa konsumisyon.
“Tangina naman, Hiraya. Ano ba sa salita ko ang mahirap intindihin? Umuwi ka na muna sa apartment at hintayin akong umuwi!”
Napailing si Hiraya sa sinabi ng kan’yang kasintahan. “Mamili ka, ako o ‘yang kababata mo? Kapag pinili mo ako ay uuwi na tayo at kapag pinili mo si Rosamie maghihiwalay tayong dalawa,” seryosong sambit ni Hiraya. Ayaw na ayaw pa naman niya ang niloloko at pinagsisinungalingan siya.
“You’re speaking nonsense, Hiraya,” nammroblemang sagot ni Jack sa kan’ya ngunit nanitili lamang siyang nakatingin sa lalaki at hinihintay ang sagot nito.
“Kuya Jack! Halika na, mag-bl-blow na ako ng cake!” Walang lingong-lingong hinila ni Rosamie si Jack, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at nagpasalamat dahil dumalo siya sa birthday nito. Tumawa siya ng mahina, bakit nga ba magpapasalamat ito, eh ayaw nga siya nitong imbitahin sa birthday ng dalaga.
“I’m sorry, Hiraya. Babawi ako sa’yo!” pahabol ni Jack at nagpahila sa kababatang si Rosamie.
Sa puntong iyon ay bumuhos ang luha ni Hiraya, isa lang ang ibig sabihin ng nangyayari ngayon, hindi siya ang pinili ni Jack. Pinunasan niya ang luha sa pisngi saka tumawa ng mahina. Bago siya lumabas ay kumuha muna siya ng isang boteng wine, lahat naman nagsitinginan sa kan’ya.
“Ibalato niyo sa akin ito, broken eh,” natatawang sambit niya sa mga tao.
Nang makapasok siya sa apartment ni Jack, ang dating pamilyar na paligid ay naging malamig at malungkot. Ang pagmamahal na pinanghahawakan niya kay Jack ay nawala’t nasira, napalitan ito ng matinding sakit at pagkabigo.
Alam niya sa mga oras na iyon— tapos na ang relasyon nila ng binata.
Nang matapos maligo at makapagpalit ng night gown ay mabilis na tinungga ni Hiraya ang isang bote ng wine. Gumuhit ang mapait na lasa sa kan’yang lalamunan kaya napapikit siya ng mariin. Ilang minuto lamang ay agad na naubos niya ang boteng hawak-hawak n’ya. Tumawa siya at pasuray-suray na pumunta sa kwarto ni Jamari ngunit nang papasok pa lamang siya ay nahagip ng kan’yang mga mata ang katabing kwarto nito.
Doon natutulog ang matalik na kaibigan ni Jack na si Dr. Reyko Takahashi. Wala naman sigurong tao kaya mas mabuting doon na lamang siya magpapahinga. Minsanan lang naman kasing natutulog doon ang doktor dahil halos palagi itong nasa trabaho.
Nang makapasok siya ay laking gulat niya nang may makitang isang pigura na nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. Ang mga damit nito ay nagkalat sa paligid, tanging ang suot lamang ng lalaki ay ang boxer short nito.
Napalunok ng mariin si Hiraya at sandaling naglaway dahil sa magandang tanawing nakita niya.
“Anong ginagawa mo sa kwarto ko?” malamig na tanong ng binata sa kan’ya. Tumaas pa ang kilay nito na nagpadagdag ng kiliti kay Hiraya.
“Uhmm. Sorry, namali lang ako ng pasok—” Aalis na sana si Hiraya nang biglang isinara ni Reyko ang pinto at ni-lock pa iyon.
“Where do you think you’re going??” Sa sandaling iyon, ang pinipigilang emosyon ni Hiraya ay unti-unti niyang pinakawalan. Nakaramdam siya ng sobrang init dahil sobrang lapit ng lalaki sa kan’ya. Kitang-kita pa niya ang naglalakihang muscle nito at mala-pandesal na abs.
“Natatakot ka ba sa akin?” naglalarong tanong ni Reyko kung kaya’t napailing siya.
“H-Hindi…”
“Iyon naman pala, kung gusto mong makasama ako ngayong gabi, pwede mo na bang sabihin iyon sa akin, willing naman kong ibigay sa’yo ang gusto mo. I can cooperate.”
“Hindi iyon ang ibig kong iparating–”
“Shhh… Naghiwalay ba kayo ng lalaking iyon?” kalmadong tanong ni Reyko habang pinapalandas ang mga daliri nito sa kan’yang balikat. Nakakaramdam si Hiraya ng kiliti kung kaya’t napaawang ang kan’yang labi.
Hindi pamilyar ang nararamdaman ngayon ni Hiraya, first time niyang makaramdam ng gano’ng emosyon. Para bang may gusto siyang gawin at hindi niya iyon matukoy kung ano.
“Naghiwalay ba kayo ni Jack?” ulit pa ni Reyko, ang boses nito ay nahahaluan ng malambing at pagka-agresibo.
Tumango si Hiraya sa binata, hindi niya namalayang naluluha pala siya at nakita iyon ni Reyko. “Kakahiwalay lang.”
Nang marinig iyon ay hindi na nagsalita pa ang binata, bigla siyang binuhat at inihiga sa kama.
Hindi siya iyong tipong babaeng basta-basta na lamang nagpapakana sa ibang lalaki, mismo ngang si Jack ay hirap makuha ang kan’yang pagka-birhen. Ngunit itong lalaking nasa harapan niya, ang isang lalaking mala-adonis ang mukha, sexy, hot and definitely out of her league ay malayang ginagawa kung ano ang gusto nitong gawin sa katawan niya.
Ano ang nangyayari sa kan’ya?
Hindi niya alam kung epekto ba ito ng alak o talagang gan’to ang epekto ng lalaking ito sa kababaihang tulad niya.
Hindi namalayan ni Hiraya na napapaungol siya sa ginagawa ng binata. Sinakop na rin ni Rekyo ang kan’yang labi at hinalikan iyon ng mariin. Pinalandas ng binata ang dila nito papasok sa kan’yang bibig kung kaya’t tinanggap niya iyon ng buong puso. She moaned at the taste of him. May konting tamis at mint flavor na nalalasahan siya.
Nagmistulang apoy na nagliliyab ang kanilang mga katawan. Alam ni Hiraya na sa sandaling iyon ay hindi na nila mapipigilan ang nararamdaman sa isa’t-isa kung kaya’t buong puso niyang inalay ang katawan sa binata.
Para bang sumasayaw sila’t umiindayog sa musika. Pareho na ring hubo’t-hubad ang dalawa’t sabay na napapaungol sa loob ng madilim na silid. Baliw na baliw si Hiraya sa unang karansanan niya. Punong-puno ang kaloob-looban niya hanggang sa naramdaman nilang malapit na sila kasukdulan, mas mabilis at mas marahas ang mga galaw ni Reyko hanggang sa impit itong napaungol at naramdaman niyang may sumirit sa kaloob-looban niya.
Hindi mapaliwanag ni Hiraya ang nararamdaman, sobrang satisfied at abot langit ang saya niya. This was her first time and felt like she was in a cloud nine. Napangiti si Hiraya at yayakapin sana ang katawan ng binata nang mabilis itong tumayo.
Pinulot ng lalaki ang mga damit niya at inihagis iyon sa kan’ya.
“Umalis ka na sa kwarto ko.”
Napaawang ang labi ni Hiraya sa sinabi ng binata ngunit hindi siya natinag.
“Pwede ba akong tumambay muna sa kwarto mo?” nakangusong sambit ni Hiraya kay Reyko.
“Hindi pwede.” Isa-isang kinuha rin ni Reyko ang mga damit nito at nagbihis. Ilang minuto ring naghintay si Hiraya sa kwarto ng lalaki ngunit hindi man lang siya pinansin nito. Napahinga ng malalim si Hiraya at napailing. Kahit na masakit pa rin ang pang-ibaba niya ay pinilit niya pa ring umalis sa silid ng binata.
Kanina lamang ay hagkan-hagkan siya nito na parang ayaw siya nitong pakawalan ngunit ngayon ay nag-iba ang ugali ni Reyko sa kan’ya.
“Hiraya…”
Biglang bumalik ang kasiyahan sa loob niya nag marinig niyang tinawag siya ng lalaki. Sa sandaling iyon ay namumungay niyang tiningnan si Reyko.
Nagulat siya ng ihagis nito ang panty niya sapol na sapol iyon sa kan’yang mukha.
“Naiwan mo. Too cheap, it's not worth it to keep it.” Halata sa boses ng binata ang pagka sarkastiko at panunuya.
Napangiti na lamang si Hiraya ng mapait, hindi na nagtangkang magsalita pa’t umalis sa silid.
Sa mga mata ni Reyko Takahashi, hindi lang ang underwear niya ang cheap, kung ‘di siya rin.
Nagising si Hiraya dahil sa matinding sakit ng kan’yang katawan. Kagabi ay naging marahas sa kan’ya si Doktor Reyko. Halos lahat ata ng posisyon ay ginawa nila hanggang sa magsawa ito sa kan’ya. Alam niyang marami ring mga kalmot sa katawan nito dahil sa sobrang intense ng pagtatalik nila. Ayaw pa sana niyang bumangon ngunit may client siyang i-me-meet ngayon. Ilang minuto rin siyang nag-ayos at umalis sa apartment ni Jack. Napalingon pa siya sa katabing kwarto kung saan ang silid ni Reyko ngunit nakasara na ito, nangangahulugang wala ng tao roon sa loob. Napahinga siya ng malalim at napailing. Mabilis siyang lumabas sa building at pumunta sa UP University kung saan naroon ang client niya. She is a full time baker, photographer and event decorator. May event daw ngayon sa university kung kaya’t siya ang nataasang mag-decorate sa venue nito. Tinanggap naman niya iyon dahil kailangan na kailangan niya ng pera. Hindi naman niya inaasahan na makakasalubong niya si Dr. Reyko Takahashi
Ilang oras din ang nakalipas nang makauwi si Hiraya sa apartment ni Jack, balak niya kasing kunin ang mga gamit niya sa apartment nito at maghanap ng ibang malilipatan. Nang mabuksan niya ang pintuan ay bumungad ang sigaw ng isang babae sa loob. “Kuya Jack, ikaw ba ‘yan? Pinaghandaan kita ng masarap na chocolate cake—”Bago pa man matapos ni Rosamie ang sasabihin ay nakita nito si Hiraya. Nawala ang masayang mukha ng dalaga at napalitan iyon ng kakaibang ekspresyon, halatang hindi ito natutuwa na naroon siya. “Ikaw… Bakit ka pa narito?” kunot noong tanong ni Rosamie sa kan’ya. Napataas ng kilay si Hiraya at tiningnan lamang ng malamig na ekspresyon ang dalaga. Si Rosamie ay childhood sweetheart ni Jack, simula noong dumating ang babaeng ito galing sa abroad ay nagkanda-letse-letse na ang relasyon nila ng kan’yang fiance. Hindi pinansin ni Hiraya si Rosamie at dire-diretsong pumasok sa kwarto nila ni Jack at kinuha ang maleta niya roon. Pumunta rin siya sa kusina upang kunin ang mga
Hindi makapagsalita si Hiraya, pinagsisihan niya kung bakit pumunta pa siya roon sa apartment ni Jack kagabi. Kung sana’y pumunta na lamang siya sa ospital at doon tumambay ngunit ayaw rin naman niyang makita siya ng mga magulang nito na umiiyak at nagpapakalasing dahil sa paghihiwalay nila ng lalaki. Pero sinasabi ng isip niya na hindi niya dapat pagsisihan ang lahat dahil ginusto niya ang lahat ng nangyari sa kanila ni Reyko. Nasarapan din siya sa mga oras na iyon at hanggang ngayon hinahanap-hanap pa rin ng katawan niya ang halik at mga haplos ni Reyko. Siguro ito na ang tamang panahon na tuluyan na siyang kumawala kay Jack, ito na rin ang huli nilang pagkikita. Wala siyang nararamdaman sa mga oras na iyon gusto niya lamang na mawala sa harap ng lalaki. “Uulitin ko, Hiraya, nakipagtalik ka ba sa kaibigan kong si Reyko? Sagutin mo ako!” galit na tanong ni Jack sa kan’ya kaya napapikit siya. Huminga ng malalim si Hiraya at nagsalita, “Ano naman kung nakipagtalik ako sa kan’ya, Ja
Nakatanggap ng tawag si Hiraya kung kaya’t agad niya itong sinagot, ang kaibigan niya pa lang nars na si Alena. “Hello—”“Hello, Hiraya!? Nasaan ka ba? Inatake na naman ng sakit ang nanay, pumunta ka rito sa ospital ngayon din! Kailangan ka niya at hinahanap ka!” Labis ang pagkagimbal ng dalaga nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Tumulo ang luha niya at agad na nagpara ng taxi upang makapunta sa ina. Kakatapos lamang ng chemotherapy ng ina noong nakaraang linggo ngunit bakit inatake ulit ito ng sakit? Hinigpitan niya ang hawak sa supot na naglalaman ng gamot na ibinigay sa kan’ya ni Dr. Reyko, dugo, pawis at kaluluwa ang kan’yang ginamit upang makuha lamang ito kung kaya’t dapat lang na maging magaling ang ina niya kapag nainom na ito. Pipi siyang nanalangin hanggang sa makarating siya sa ospital. “Hintayin mo ako, inay. Parating na ako upang iligtas ka!” bulong niya sa sarili. Nang sandaling makita siya ni Alena ay agad itong lumapit sa kan’ya. Halatang umiiyak din ito dahil nam