Ilang oras din ang nakalipas nang makauwi si Hiraya sa apartment ni Jack, balak niya kasing kunin ang mga gamit niya sa apartment nito at maghanap ng ibang malilipatan. Nang mabuksan niya ang pintuan ay bumungad ang sigaw ng isang babae sa loob.
“Kuya Jack, ikaw ba ‘yan? Pinaghandaan kita ng masarap na chocolate cake—”
Bago pa man matapos ni Rosamie ang sasabihin ay nakita nito si Hiraya. Nawala ang masayang mukha ng dalaga at napalitan iyon ng kakaibang ekspresyon, halatang hindi ito natutuwa na naroon siya. “Ikaw… Bakit ka pa narito?” kunot noong tanong ni Rosamie sa kan’ya.
Napataas ng kilay si Hiraya at tiningnan lamang ng malamig na ekspresyon ang dalaga. Si Rosamie ay childhood sweetheart ni Jack, simula noong dumating ang babaeng ito galing sa abroad ay nagkanda-letse-letse na ang relasyon nila ng kan’yang fiance.
Hindi pinansin ni Hiraya si Rosamie at dire-diretsong pumasok sa kwarto nila ni Jack at kinuha ang maleta niya roon. Pumunta rin siya sa kusina upang kunin ang mga sangkap at kagamitan niya sa pag-b-bake pati na ang oven. Ngunit laking gulat niya nang bumungad sa kan’ya ang matinding basura sa kusina’t lahat ng kagamitan niya ay nakakalat lang kung saan. Pati na ang oven niya ay nakabukas at hindi man lang sinarhan. May mga balat din ng chichirya na nakakalat at bote-boteng inumin sa sahig, sa madaling salita chaos ang bumungad sa kan’ya sa loob ng kusina. Kinuyom niya ang kamao at pinipigilan mainis kay Rosamie.
Paano nito nagawang pakialaman ang lahat ng mga gamit niya!?
“Sabi ni Kuya Jack, pwede ko naman daw gamitin ang mga iyan, saka nagpaalam naman ako sa kan’ya,” paliwanag ni Rosamie. “Hindi kasi ako matiis ni Kuya Jack kung kaya’t lahat ng gusto ko ay sinusunod nito. Sabi pa nga niya ay pwede rin akong tumambay rito at isiping nasa bahay lang ako. Wala namang problema sa’yo ‘yun ‘di ba?”
Napaingos si Hiraya, “Wala naman akong pakialam.” Kinuha na lamang ni Hiraya ang kan’yang maleta at balak ng umalis. Siguro i-te-text na lamang niya si Jack na linisan lahat ng kagamitan niya at babalik ulit siya upang kunin ito. “Wala na akong pakialam kung sino mang babae ang papapasukin ni Jack sa apartment niya. Lahat ng gagawin niya ay labas na ako roon.”
Kahit naman engage na sila ni Jack, hindi naman siya palagiang natutulog sa apartment nito, palagi kasi siyang tumatambay sa ospital at binabantayan ang kan’yang inang may sakit.
Aalis na sana siya nang pigilan siya ni Rosamie. “Hiraya, gusto ko lang sabihin sa’yo na kaya hindi kita inimbitahan sa birthday ko dahil hindi naman tayo malapit sa isa’t-isa, baka ma-out of place ka lang doon. Kahit naman pumunta ka ay hindi ka pa rin nababagay sa ganong okasyon at sisirain mo lang ang masayang araw ko. Pero bakit nga ba pumunta ka pa? Nag-away pa kayo ni Kuya Jack at gumawa ka pa talaga ng eksena, nakakahiya ka. Kulang na kulang sa pansin?”
Humigpit ang hawak ni Hiraya sa maleta at napaharap kay Rosamie. “Alam mo ba kung bakit hindi maka-hindi sa’yo si Jack? Sino naman ang hindi makakatiis sa isang kagaya mong mukhang aso? Napaka-cute! Parang gusto nga kitang yakapin eh… yakapin sa leeg hanggang sa ikaw ay mag-violet.” Gustong matawa ni Hiraya dahil sa mukha ni Rosamie ngayon, namumula ang mukha nito at gigil na gigil sa kan’ya.
Nang sasarhan na sana niya ang pinto upang lumabas bumungad sa kan’yang harapan ang nag-aalalang mukha ni Jack. “Hiraya, anong ginagawa mo kay Rosamie?”
“Alalang-alala, Jack? Kinuha ko lang naman ang mga gamit ko, hindi ba’t hiwalay na tayo?” inis na sambit niya sa ex. “Wala naman akong masamang ginawa sa pinakamamahal mong kababata.”
Hindi nagustuhan ni Jack ang sagot ni Hiraya. “Pwede ba itigil mo na itong kadramahan mo, Hiraya? Sinabi ko naman sa’yo na walang namamagitan sa amin ni Rosamie, para ko na siyang kapatid. Bakit hindi mo iyon maintindihan?”
Tumawa ng mahina si Hiraya at napailing. “Wala na akong pakialam, Jack. Sabi ko naman sa’yo noong una mo akong nilagawan, ayaw ko ng may kahati sa relasyon? Ayaw ko rin ng paulit-ulit na pinagsisinungalingan at niloloko. Binigyan na kita ng pagkakataon ng ilang beses, last na iyon at hindi na mauulit pa. I had enough with your bullshit, Jack! Hindi mo ba napapansin na nilalandi ka ng Rosamie na iyan? I saw her sitting on your lap and even kissed you on your lips kagabi sa party. Hindi ko nga alam baka may nangyari na sa inyong dalawa. Wala lang sa’yo yun??” galit na tanong niya kay Jack.
“Hiraya, hindi naman sinasadya iyon ni Rosamie—”
“Bullshit! Ngayon tatanungin kita, sa isang taon nating pagsasama— Oo isang taon na kagabi at hindi mo iyon alam. Nakita mo bang may kasama akong lalaki? Hindi ba wala?”
Napangisi lamang si Jack at sinamaan siya ng tingin. May kinuha ito sa bulsa at inilahad iyon sa kan’ya.
“Minahal kita, Hiraya. Alam kong iba ka sa mga babaeng nakilala ko kaya nga gusto kitang pakasalan e. Hindi ba dapat na ako ang magalit sa’yo ngayon? Tingnan mo muna ang sarili mo bago mo ako husgahan. Sino sa atin ang nakikipagtalik sa ibang lalaki?”
Napakurap-kurap si Hiraya nang makita niya ang mga larawan niya kasama si Reyko. Nasa kwarto sila at nakayakap ng walang saplot. Mabuti na lamang at nakasubsob siya sa leeg ng binata kung kaya’t hindi kita ang mukha niya. Kitang-kita rin sa larawan ang isang tattoo-ng paru-paro sa balikat niya.
Hindi makapagsalita si Hiraya at tiningnan lamang ang larawan. Nilukot niya ang larawang iyon at napapikit ng mariin.
Paanong nagkaroon sila ng larawan ni Reyko?
“Hiraya, ipaliwanag mo sa akin iyan, ikaw ba ang babaeng nasa larawan??”
Hindi makapagsalita si Hiraya, pinagsisihan niya kung bakit pumunta pa siya roon sa apartment ni Jack kagabi. Kung sana’y pumunta na lamang siya sa ospital at doon tumambay ngunit ayaw rin naman niyang makita siya ng mga magulang nito na umiiyak at nagpapakalasing dahil sa paghihiwalay nila ng lalaki. Pero sinasabi ng isip niya na hindi niya dapat pagsisihan ang lahat dahil ginusto niya ang lahat ng nangyari sa kanila ni Reyko. Nasarapan din siya sa mga oras na iyon at hanggang ngayon hinahanap-hanap pa rin ng katawan niya ang halik at mga haplos ni Reyko. Siguro ito na ang tamang panahon na tuluyan na siyang kumawala kay Jack, ito na rin ang huli nilang pagkikita. Wala siyang nararamdaman sa mga oras na iyon gusto niya lamang na mawala sa harap ng lalaki. “Uulitin ko, Hiraya, nakipagtalik ka ba sa kaibigan kong si Reyko? Sagutin mo ako!” galit na tanong ni Jack sa kan’ya kaya napapikit siya. Huminga ng malalim si Hiraya at nagsalita, “Ano naman kung nakipagtalik ako sa kan’ya, Ja
Nakatanggap ng tawag si Hiraya kung kaya’t agad niya itong sinagot, ang kaibigan niya pa lang nars na si Alena. “Hello—”“Hello, Hiraya!? Nasaan ka ba? Inatake na naman ng sakit ang nanay, pumunta ka rito sa ospital ngayon din! Kailangan ka niya at hinahanap ka!” Labis ang pagkagimbal ng dalaga nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Tumulo ang luha niya at agad na nagpara ng taxi upang makapunta sa ina. Kakatapos lamang ng chemotherapy ng ina noong nakaraang linggo ngunit bakit inatake ulit ito ng sakit? Hinigpitan niya ang hawak sa supot na naglalaman ng gamot na ibinigay sa kan’ya ni Dr. Reyko, dugo, pawis at kaluluwa ang kan’yang ginamit upang makuha lamang ito kung kaya’t dapat lang na maging magaling ang ina niya kapag nainom na ito. Pipi siyang nanalangin hanggang sa makarating siya sa ospital. “Hintayin mo ako, inay. Parating na ako upang iligtas ka!” bulong niya sa sarili. Nang sandaling makita siya ni Alena ay agad itong lumapit sa kan’ya. Halatang umiiyak din ito dahil nam
“Happy Birthday Rosamie!” bungad na bati ni Hiraya sa kababata ng fiance niyang si Jack. Lahat ng mga tao sa selebrasyong iyon ay nag sitinginan kay Hiraya, may pandidiri at panunuya ang mga tingin ng mga tao sa loob ngunit walang pakialam ang dalaga. Malaki ang pagtampo niya kay Jack, pinakiusapan siya nito na mag-bake ng cake at i-deliver iyon sa isang lokasyon. Ginawa niya iyon dahil ang akala niya ay may gagawing surprise sa kan’ya ang binata dahil ngayon ang 1st anniversary nila bilang magkasintahan ngunit ito lang pala ang madadatnan niya. Hawak-hawak ni Jack ang cake na ginawa niya habang nasa harap nito si Rosamie na sobrang saya. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jack nang mapatingin sa direksyon ni Hiraya. “Hiraya, bakit narito ka? You shouldn’t be here,” nag-aalala at kinakabahan na wika ni Jack at nilapitan ang dalaga. Hindi naman makapaniwala si Hiraya sa sinabi ng kan’yang fiance, “Jack, ako ang fiance mo bakit hindi ako pwedeng dumalo sa birthday ng kababata mo? Bakit
Nagising si Hiraya dahil sa matinding sakit ng kan’yang katawan. Kagabi ay naging marahas sa kan’ya si Doktor Reyko. Halos lahat ata ng posisyon ay ginawa nila hanggang sa magsawa ito sa kan’ya. Alam niyang marami ring mga kalmot sa katawan nito dahil sa sobrang intense ng pagtatalik nila. Ayaw pa sana niyang bumangon ngunit may client siyang i-me-meet ngayon. Ilang minuto rin siyang nag-ayos at umalis sa apartment ni Jack. Napalingon pa siya sa katabing kwarto kung saan ang silid ni Reyko ngunit nakasara na ito, nangangahulugang wala ng tao roon sa loob. Napahinga siya ng malalim at napailing. Mabilis siyang lumabas sa building at pumunta sa UP University kung saan naroon ang client niya. She is a full time baker, photographer and event decorator. May event daw ngayon sa university kung kaya’t siya ang nataasang mag-decorate sa venue nito. Tinanggap naman niya iyon dahil kailangan na kailangan niya ng pera. Hindi naman niya inaasahan na makakasalubong niya si Dr. Reyko Takahashi