Share

Kabanata 5| Sugal

Nakatanggap ng tawag si Hiraya kung kaya’t agad niya itong sinagot, ang kaibigan niya pa lang nars na si Alena. 

“Hello—”

“Hello, Hiraya!? Nasaan ka ba? Inatake na naman ng sakit ang nanay, pumunta ka rito sa ospital ngayon din! Kailangan ka niya at hinahanap ka!” 

Labis ang pagkagimbal ng dalaga nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Tumulo ang luha niya at agad na nagpara ng taxi upang makapunta sa ina. Kakatapos lamang ng chemotherapy ng ina noong nakaraang linggo ngunit bakit inatake ulit ito ng sakit? Hinigpitan niya ang hawak sa supot na naglalaman ng gamot na ibinigay sa kan’ya ni Dr. Reyko, dugo, pawis at kaluluwa ang kan’yang ginamit upang makuha lamang ito kung kaya’t dapat lang na maging magaling ang ina niya kapag nainom na ito. 

Pipi siyang nanalangin hanggang sa makarating siya sa ospital. “Hintayin mo ako, inay. Parating na ako upang iligtas ka!” bulong niya sa sarili. 

Nang sandaling makita siya ni Alena ay agad itong lumapit sa kan’ya. Halatang umiiyak din ito dahil namamaga rin ang mga mata ng dalaga. Niyakap siya ng kaibigan saka hinawakan ang kan’yang mga kamay. “Hiraya, sabi ng doktor kailangan na raw maoperahan si Tita. Kahit kalahati lamang ang bayaran mo ay okay na iyon. Dalawang milyon ang kakailangan natin, may pera ka ba riyan? Kahit isang milyon ay okay na. Oh my God! Saan tayo kukuha ng perang—” 

“Alena! May dalawang milyon na ako, mayroon din akong nakuhang gamot galing kay Dr. Reyko, naalala mo ang kiniwento mo sa akin na isang special medicine? Ibinigay iyon sa akin at mayroon akong tatlong box dito. Lahat ay nakahanda na, sabihin mo kay Dr. Smith, operahan na ang nanay ngayon din!” seryosong saad niya kay Alena kaya naman tumango ito kahit na hirap na hirap iproseso ang sinabi ng dalaga. 

Napaka-imposibleng makuha ng medisinang iyon lalo pa’t napakahigpit ng pamilyang Takahashi. Halos espesyal na tao lamang ang nakakatanggap doon, napakalaking halaga rin nito kaya nahihirapang mabili iyon ng isang norma na tao. 

Mahirap paniwalaan na magkakaroon si Hiraya ng isang napakahalaga at napakamahal na medisina. Gayunpaman, dali-dali siyang pumunta sa doktor at sinabing operahan na ang ina ni Hiraya.

Habang nasa operasyon ang ina, hindi napigilan ni Alena na magtanong kay Hiraya. “Saan mo nakuha ang dalawang milyon at paano mo nakuha ang medisinang iyon, Hiraya?” tanong ni Alena sa dalaga. 

Sandaling nataigilan si Hiraya nang marinig ang tanong ng kaibigan. Tiningnan niya ang kaibigan at naluluhang nagsalita, “Naalala mo iyong kiniwento mo sa akin? Iyong special medicine na ginawa ni Dr. Reyko Takahashi at sumikat na nagpapagaling ito ng sakit na cancer? Ibinigay iyon sa akin ni Dr. Reyko…” 

Kumunot ang noo ni Alena, kilala niya si Dr. Reyko Takahashi, kilala ito sa pagiging babaero at papalit-palit ng kasintahan. Halos lahat ng magagandang babae sa kanilang syudad ay naikama na ng lalaki at agarang hihiwalayan ito kapag nagsawa na. Biglang nakaramdam ng hindi maganda si Alena patungkol sa kan’yang kaibigan na si Hiraya. 

“Oo, naalala ko nga ngunit bakit binigyan ka ng doktor na iyon ng medisina at talong box pa? Huwag mong sabihing galing din ang dalawang milyon sa lalaking iyon? Hiraya!” nag-aalalang tanong ni Alena, maluha-luha nitong tiningnan si Hiraya na ngayon ay nakayuko lamang. 

“G-Galing nga sa lalaki ang pera, kailangan na kailangan ko ito, Alena. Alam mo namang malubha na ang kalagayan ng nanay ko, isa pa, hindi na tayo matutulungan ni Jack ngayon dahil naghiwalay na kaming dalawa. Kaya naman ako na lamang ang gumawa ng paraan upang makakuha ng medisina sa doktor na iyon. Alam mong gagawin ko ang lahat upang maging okay lamang ang kalagayan ng nanay ko. Naiintindihan mo naman ako ‘di ba?”  maluha-luhang katwiran ni Alena sa kaibigan. 

“Ngunit hindi iyon ang plano natin, Hiraya! Sabi ni Jack ay siya na ang bahalang kumausap sa kaibigan nito— ano ang ibinigay mo sa lalaking iyon kapalit ng pera at medisina? Huwag mong sabihing—” 

Tuluyang napahagulhol si Hiraya at napaupo sa sahig. Sa puntong iyon alam na ni Alena kung ano ang ibinigay ni Hiraya sa malupit na lalaking iyon. Hindi siya makapaniwala at umiling-iling. 

“Diyos ko, tulongan niyo ho ang kaawa-awan kong kaibigan,” piping bulong niya sa Diyos at niyakap ng mahigpit ang dalaga. 

Dangal, katawan at kaluluwa ang inalay ng kaibigan sa demonyong iyon. Sinugal nito ang mga iyon upang maging mabuti lamang ang kalagayan ng ina at sobrang awang-awa siya kay Hiraya. At kapag naubos ang medisina, alam niyang babalik at babalik pa rin ito sa demonyong iyon para sumugal ulit. 

“Magiging okay na ang nanay, iyon naman ang mahalaga sa akin, Alena. Kahit na maubos ako ay okay lang, kahit mawalan ako ng dangal at dignidad ay lulunukin ko. Pipilitin kong bumangon ulit para sa aking ina. Hinding-hindi ako papayag na mawala siya. Kahit isugal ko man sa demonyo ang kaluluwa ko para maging okay lang siya ay gagawin ko! Magiging okay siya ‘di ba? Alena?” tanong ni Hiraya habang umiiyak sa mga bisig ng kaibigan. 

Wala namang nagawa si Alena kung ‘di ang tumango, “Oo, Hiraya. Magiging okay na ang Tita dahil naoperahan na ito at mayroon na siyang gamot.” 

Ilang oras din ang nakalipas nang lumabas ang doktor sa silid. 

Ngumiti si Dr. Smith sa kanila at tumango, “Successful ang operation ng inay mo, Hiraya. Nakadagdag din ang medisinang binigay mo sa akin. Hindi ko na tatanungin kung saan niyo iyon nakuha subalit tatlong box lamang iyon, hindi pa iyon sapat para tuluyang gumaling ang inay mo. Kailangan pa rin nitong mag-maintenance ng gamot ng ilang buwan upang tuluyang matunaw ang cancer nito sa katawan.” 

Nagkatinginan naman si Alena at Hiraya, “Ilang box ba ang kakailanganin ng inay ko hanggang sa tuluyang mawala ang cancer nito sa katawan at hindi na bumalik pa?” seryosong tanong ni Hiraya at napalunok ng mariin. 

“Siguro isang dosena pa ang kakailangan niyo Hiraya. Subalit huwag mo munang isipin iyon, may dalawang box ka pang natitira’t may dalawang buwan ka pa upang makabili ulit nito. Mayamaya lamang ay magigising na ang inay mo subalit hindi pa ito malakas at kakailanganin pa ng pahinga at medisina.” 

Tumango naman si Alena at Hiraya ng maintindihan ang sinabi ng doktor. Napahinga ng malalim si Hiraya saka napayakap sa kaibigan. 

“Mabuti naman at okay na ang Tita subalit paano ulit tayo makakakuha ng gamot? Isang dosena pa ang kakailanganin upang tuluyang maging okay ang inay mo?” nammroblemang tanong ni Alena sa kaibigan. 

Nanatili lamang na kampante si Hiraya at napangiti ng matamis sa kaibigan, “Huwag kang mag-alala, Alena, gagawa ako ng paraan upang makakuha ulit ng box na iyon.” 

Kumunot ang noo ni Alena at umiling sa dalaga, “Huwag mong sabihing iaalay mo na naman ang katawan mo sa demonyong iyon!?” galit na wika ni Alena, “Hindi na ako papayag diyan, Hiraya!” 

Umiling naman si Hiraya sa kaibigan at hinawakan ang kamay nito, “Hindi na, last na iyon, promise ko sa’yo. Naisip kong may dalawang buwan pa ako para makapag-ipon kung kaya’t alam kong makakabili na ako ng gamot ng nanay kahit pa-isa-isang box lamang . Isa pa may utang pang dalawang box sa akin ang doktor na iyon kaya sisingilin ko ulit siya.” 

Nakahinga ng maluwag si Alena nang marinig iyon sa kaibigan, “Huwag na huwag mo ng gagawin iyon, Hiraya, okay??” 

Tumango naman si Hiraya saka nginitian ng pilit si Alena. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mysaria
Ms. Mayfeee salamat at narito kaaaa super happy ako na nandito ka sa new story ko hehehe (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠... Opo medyo bad nga si Reyko rito hihihi
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
nice story author medyo bad d2 si dr.reyko khit sya pa nakauna kay hiraya,,,more update please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status