Si Tallulah 'Tali' Lopez, gagawin niya ang lahat para lang makuha at mapaibig ang isang gwapo at masungit na si Gael Ramirez, ang lalaking mahal niya at hindi niya kayang mawala. Desperada na siyang makuha ang binata kaya naman ibinigay niya ang sarili niya rito nang gabing lasing ito para tuluyan itong matali sa kaniya ng habang buhay. Dahil nagbunga ang gabing iyon, wala nang nagawa pa si Gael kung 'di ang pakasalan siya ngunit nang malapit na ang kanilang kasal, bigla na lang naglahong parang bula ang binata at hindi na bumalik. Walong taon ang nakalipas, bumalik si Gael Ramirez na dala ang galit at poot sa kaniya. Bumalik ito bilang isang bulag na bilyonaryo at naging personal caregiver siya ng binata. Babalik pa kaya ang dating pagmamahal ni Tali sa binata gayong ikakasal na siya sa kaibigan nitong si Kendric? Muli pa kaya itong makakakita at matatanggap pa ba siya nito gayong siya ang dahilan kung bakit ito nabulag?
View MoreNIYAKAP NI Tali ang sarili nang umihip ang malamig na hangin mula sa dalampasigan. Palubog na ang araw kaya naisip niyang maglakad muna sa tabi ng dagat bago magsimula ang bonfire ng pamilya.Nasa isang resort sila sa Cavite para roon magdiwang ng birthday ni Callum at ng isang pang magandang balita para sa kanila ni Gael.Ilang buwan na ang nagdaan, marami nang nagbago pero ang pagbabagong iyon ay naging mabuti para sa lahat. Tuluyang nakulong si Serum dahil sa mga kasalanan nito at gayon din ang ama ni Kendrick na siyang sumalo ng lahat. Hindi siya masaya sa nangyari pero kailangan niyang itama ang lahat. Bumuntonghininga siya at lumingon sa palubog na araw. Napangiti siya dahil sa napakaganda niyon. Kumalat ang kulay kahel na ulap habang sumasabay ang alon ng dagat na nagbibigay ng magandang tanawin.Nagpatuloy siya sa paglalakad pero agad siya nagulat nang bigla na lang may yumakap sa kaniyang tela."You should wear jacket, baka malamigan si baby." Napangiti siya nang makilala si
MABILIS na nilapitan ni Gael si Serum at ginawaran ito ng suntok. Natumba ang binata at dahil sa galit niya, pumaibabaw siya at ginawaran ito ng sunod sunod na suntok. Bawat tama ng kamao niya, bitbit niyon ang galit.Ngunit mabilis din niyang pinigilan ng mga naroon. Duguan ang labi ni Serum habang nakalupasay ito at hindi na halos makatayo. Binalingan niya si Hiro na namimilipit sa sakit."H-Hiro! Hiro, are you ok?" Nababahala niyang tanong.Mayamaya pa, dumating na rin ang mga pulis agad nilang inaresto si Serum. Nilapitan niya si Hiro. "I-I'm fine, Sir," sabi nito. Nagawa pa nitong ngumiti."I'm sorry, Serum," ani naman ng kaniyang ina."It's my duty to protect you and Sir Gael, Madam."Ilang saglit pa at may dumating na rin na medical team para kunin doon si Hiro at dalhin sa hospital."A-ano'ng nangyari?"Kapwa napalingon si Gael at Donna nang makita si Tali at Callum na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-ina. Lumapit si Tali at agad siyang niyakap."Ok lang po ba kay
"SIR, NAGHIHINTAY na ang mga board," ani Hiro habang hindi mapakali si Gael sa kinatatayuan niya. Kinakabahan siya at hindi niya mawari ang nararamdaman. Natatakot siyang matalo at mapunta kay Serum ang lahat ng dapat sa kaniya."Hiro, ano'ng gagawin natin? I-I know most of the boards are now in Serum's hand at wala na tayong magagawa roon," frustrated niyang sambit. "Kahit ano'ng panliligaw ang gawin natin sa kanila, hindi na sila papanig sa atin."Malungkot na yumuko si Hiro. "Sir, hindi pa tapos ang laban and we need to fight no matter what. Kailangan ninyong magtiwala sa kakayahan mo, sa mommy mo at sa mga board na nagtitiwala sa iyo.""Tama si Hiro, Gael at naniniwala akong hindi ang pera o suhol ang rason para iboto ka nila, kung 'di dahil sa kakayahan mo, sa talino mo sa paghawak ng kompanya at sa kaya mo pang gawin. We believe in you, kami ng anak mo at alam kong ganoon din sila sa iyo." Ngumiti si Tali na kakapasok lang silid, akay si Callum.Napangiti si Gael at mabilis na n
MASAYANG ngumiti si Tallulah habang pinagmamasdan niya ang pagkaing niluto niya para kay Gael. Balak niya iyong dalhin sa kompanya para makakain ito dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado itong busy sa trabaho at dahil na rin sa nalalapit na board meeting kaya kailangan nitong maghanda para sa pwedeng ibato sa kaniya ni Serum.Matapos niyang ilagay sa lunch box ang pagkain, masaya siyang lumabas na ng bahay. Nasa school naman si Callum at dadaanan na lang niya ito mamaya pag-uwi niya. Nag-commute na lang siya dahil wala namang available na sasakyan sa bahay.Nang makarating siya sa kompanya, agad siyang nagbayad at bumaba sa taxi. Ngumiti siya at tiningnan muli ang dalang lunch bag. Siguradong magugustuhan iyon ni Gael dahil pinuno niya ng pagmamahal ang pagkaing inihanda niya para rito.Naglakad na siya papasok sa ground floo ng building. Ngumiti siya sa guard at ganoon din ito. Kilala na rin naman kasi siya sa kompanya bilang girlfriend ni Gael kaya hindi na rin nakakapagtaka na
"HIRO, how's the investigation?" tanong ni Gael habang nakaupo siya sa kaniyang opisina."We need more time to gather all the evidence we needed, Sir. Hindi pa matibay na evidence ang ilang email and texts mula sa ilang boards para idiin si Serum at ang ilang kasabwat nito," ani Hiro na nakatayo sa tapat niya.Pinatong niya ang siko sa table at marahang hinaplos ang labi niya. "I can't wait any longer, Hiro kailangan nating makahanap ng matibay na evidence para makulong si Serum at mapagbayaran niya lahat ng anomalyang ginagawa niya sa kompanya," galit niyang sabi."Don't worry, Sir gumagawa na tayo ng paraan para makakuha pa ng mas matibay na ebedensiya at hindi magtatagal magagamit natin 'yon para ipakulong si Serum."Bumuntonghininga siya. Hindi siya matatahimik hanggat alam niyang nandiyan pa sa kompanya si Serum. Alam niya ang gusto nitong gawin sa negosyo ng pamilya niya at alam niyang utay-utay na nitong kinakain ang kompanya para tuluyang mapasakaniya ang lahat ng pinaghirapan
"I-I'M sorry, Tali," simula ni Kendrick habang nakaupo ito sa sofa kung saan katapat nito siya. "Sorry for what?" nagtataka niyang tanong. Nagulat na lang siya nang sumulpot ito sa tapat ng bahay nila matapos ang ilang linggo na hindi ito nagparamdam sa kaniya. Si Callum naman ay hinayaan muna niyang maglaro sa labas."Sorry for everything that I've done, sa mga pagkakamali ko, sa mga kasalanan ko." Bumuntonghininga ito, saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nangyari sa ating dalawa. Nahirapan ako, nasaktan ako ng sobra dahil akala ko, ikaw na ang babaeng makakasama ko buong buhay ko." Umiling ito. "I-I don't know how to start again without you, without Callum sa buhay ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko, ang pangarap ko dahil kayo lang naman ang bumuo niyon and it's so hard for me to accept everything." Malungkot itong ngumiti.Hindi siya nakakibo. Kumurap siya at marahang yumuko dahil na
HINDI rin naitago ang saya ng mga magulang ni Tallulah nang malaman nito ang estado nila ni Gael dahil para sa kanila, iyon ang mas mabuti para kay Callum at sa kanilang dalawa dahil nagmamamahalan naman sila."I can't believe it's happening, Tali." Bakas pa rin ang saya sa boses ni Gael na animo'y hindi pa rin makapaniwala sa pagtanggap niya sa pagmamahal nito. "Alam kong nasaktan kita, nagtiis ka sa kagag*han ko, sa lahat ng ginawa ko at alam kong hindi ganoon kadaling tanggapin muli ako. I-I don't know how to explain how happy I am right now."Natawa siya habang nakahawak siya sa braso nitong nakayakap sa katawan niya mula sa kaniyang likod. "Nasaktan ako because that was my choice, Gael dahil kung hindi ko piniling ipilit ang sarili ko sa iyo noon, hindi ako masasaktan, wala tayo sa ganoong sitwasyon. Matagal ko nang tinanggap na lahat ng sakit at hirap na naranasan ko, dahil iyon sa mga naging desisyon ko noon pero hindi ko iyon lahat pinagsisihan dahil kung hindi ko ginawa iyon,
HANGGANG ngayon iniisip pa rin ni Tallulah ang maraming tanong sa isip niya na gusto niyang masagot pero hindi niya alam kung paano. Naguguluhan siya, hindi niya maintindihan ang lahat ng sinabi ni Braille sa kaniya na kahit anong gawin niya para unawain iyon, hindi niya magawa.Bumuntonghininga siya habang naglalakad patungo sa school ni Callum. Kakagaling lang niya sa trabaho at doon na dumeretso.Dahil sa lalim ng iniisip niya, dumeretso siya sa pagtawid sa kalsada nang hindi namamalayang mayroong sasakyan na daaraan. Ukupado kasi ng maraming bagay ang isip niya na kahit tunog sa paligid at pagtingin doon ay hindi na niya nabigyan pa ng pansin. Narinig na lang niya ang malakas na pagbusena ng sasakyang padaan at doon lang bumalik ang huwisyo niya. Nanlaki ng mga mata niya nang makita ang papalapit na sasakyan. Huli na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi na rin gumana pa ang isip niya para makaiwas. Iyon na ba ang katapusan ng buhay niya? Pero hindi pa pwede.Sunod na lang niyan
"KENDRICK, a-anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan?" gulat na salubong ni Tali nang madatnan niya ang binata sa harap ng bahay nila, nakaupo sa gilid ng bakod.Mabilis itong tumayo at hinarap siya. Ngumiti agad ito. "Ahm! G-gusto ko sanang ihatid ka sa trabaho mo since 'di naman ako busy today," tila nahihiya nitong sabi. Napakamot pa ito sa batok.Ngumiti siya. "Hindi na kailangan, Kendrick. Magko-commute na lang ako. Malapit lang din naman iyon.""No, Tali hassle mag-commute at isa pa, nandito na rin naman ako kaya pumayag ka na."Bumuntonghininga siya. "Kendrick, hindi mo 'to kailangang—""No, I insist, Tali. Gusto kong gawin 'to, pagsilbihan ka ulit...makasama." Bumakas ang labis na lungkot sa mukha nito."Pero hindi na tayo gaya ng dati. If you keep on doing this, mas mahihirapan kang kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin.""Dahil ayaw kong kalimutan ka, Tali dahil mahal kita.""Pero hindi na tayo pwede, Kendrick. We need to live our own life dahil iyon ang mas makabu
"HI, Kuya Gael," nahihiyang bati ni Tallulah Lopez sa binatang si Gael Ramirez, isang lalaking ubod ng gwapo na lahat ng babaeng kilala niya'y natitipuhan ito dahil sa napakatipuno nitong katawan at sa makakapal nitong kilay kaya paanong hindi rin niya magugustuhan ito?Dahan-dahang humarap sa kaniya si Gael pero imbis na ngiti ang kumawala sa gwapo nitong mukha, tumaas lang ang kilay nito at bumakas ang tila pagkadismaya nito na makita siya.Bumaling ito sa paligid na tila naghahanap ng kasama niya pero walang itong nakita dahil iniwanan niya ang magkapatid na si Brielle at Kendric na nandoon sa malayong table mula sa kinaroroonan niya. Sinadya niya iyon dahil ito na ang naisip niyang tamang panahon para umamin sa binata at ipahayag ang pagkagusto niya rito. Kasalukuyan silang nasa party ni Brielle dahil 18th birthday nito. Maraming tao sa paligid at rinig na rinig ang malakas na tunog ng musika."P-pwede ba tayong mag-usap, Kuya Gael?" halos mautal na tanong niya na hindi nawawala an...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments