"GAEL, I'm sorry kung nandito ulit ako para pilitin kang pakasalan ang anak naming si Tallulah pero wala kaming ibang maisip na paraan para tapusin ang kahihiyang ito. Hindi rin kami papayag na lumaking walang ama ang apo namin at maging disgrasyada si Tali. Kailangan ka niya, Gael kailangan ka ng bata lalo't maselan ang pagbubuntis niya at narinig mo lahat mula sa Doctor. Kaya please, marry my daughter. I'll do everything to support your dreams. You just need to be my daughter's husband. Manatili ka lang sa tabi niya," pagmamakaawa ni Gilberto kay Gael na halos lumuhod na ito sa harap niya.Kasalukuyan silang nasa cafe malapit sa hospital para kausapin siya nito at alam niyang tungkol iyon kay Tallulah.Umiwas siya ng tingin. Kilala niya si Gilberto at alam niyang mabuti itong tao at ginagawa lang din nito ang lahat para sa anak nito. Hindi agad siya umimik dahil kahit mauntog siya, hinding-hindi niya mamahalin si Tallulah dahil sa lahat ng ginawa nito. Ayaw niyang magtagumpay ito sa
"P-PO? NEXT week? Pero Tito, hindi ho ba masyado naman ata kayong nagmamadali na makasal kami ni Tallulah?" gulat na ani Gael nang sabihin ng ama ni Tallulah na gusto nitong ikasal agad sila sa susunod na linggo.Tumango si Gilberto habang tahimik lang siyang nakaupo sa sala nang bahay niya. Kahapon pa siya lumabas ng hospital at hindi man lang siya pinuntahan doon ni Gael para samahan siya sa pag-uwi. Tanging si Kendric at ang kaibigan niyang si Brielle ang dumating doon."Gael, ilang linggo na lang at mahahalata na ang tiyan ni Tali at bago pa mangyari iyon, dapat makasal na kayo para maiwasan ang mas malaking kahihiyan ng anak ko," dahilan ng kaniyang ama."Tama si Gilbert, hijo mas maaga mas maganda para mabawasan ang maraming isseus tungkol sa inyong dalawa," segunda naman ni Caroline.Bumuntong-hininga si Gael at bakas ang labis na pagtutol sa mukha nito sa maagang kasal nilang dalawa na kabaligtaran sa nararamdaman niya dahil hindi na siya makapaghintay na ikasal silang dalawa.
"SIGURADO ka na ba talaga, Talu na gusto mong pakasalan si Gael?" tanong ni Kendric kay Tallulah na hindi lang iyon ang unang beses na narinig niya ang tanong na iyon sa binata. Tila ba tutol ito sa pagpapakasal niya.Bumuntong-hininga si Brielle. Kasalukuyan silang nasa silid niya. "Sa tingin mo, Kuya magbabago pa ang isip ni Tali? That's what her ultimate dreams kaya paanong magbabago ang isip niya, eh, para sa kaniya dreams come true ang pagpapakasal nilang dalawa." Itinaas pa nito ang dalawang kamay na naka-peace at ginalaw-galaw iyon. Umirap pa ang kaibigan niya.Hindi niya alam kung bakit may lungkot siyang nabasa sa mukha ni Kendric. "Ano ba kayong dalawa, of course hindi na magbabago ang isip ko dahil mahal ko si Kuya Gael at magkaka-baby na kami.""Wala kang pakialam kahit hindi ka mahal ni Kuya Gael? Tali, hindi ba't unfair ka naman sa kaniya? Ikaw lang ang masaya sa kasal ninyo at siya magdurusa habang buhay at magtitiis na makisama sa 'yo. Masasaktan ka lang," giit ni Brie
"SO, YOU'RE Tallulah's fiance, right? Mr. Lopez told me about you," ani Doctor Reyes, ang OB Gynecologist ni Tallulah. "It's better for the mother and of course for the baby na kasama ka palagi sa check up para updated ka rin sa current situation ng mag-ina mo," anito pa habang nakangiti.Ngumiti siya sa doktora. "Tama po kayo, Doc he's my fiance at father po ng anak ko. He's Gael, Doc." pagkumpirma niya."That's good that you're here, Mr. Gael para masubaybayan mo rin ng maayos ang health ng baby," baling nito sa binata, ngumiti ito pero seryoso lang si Gael. Kapagkuwa'y bumaling ito sa record niya na nakapatong sa mesa nito. "Well, base on your record you're 7 weeks pregnant and you're in your first trimester of your pregnancy." Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "And for today's check up, we must do the maternal blood testing to measure if there's a possibility of chromosomal abnormality," paliwanag nito sa kaniya.Tumango lang siya habang nakaupo sa tapat ng table nito. Nakikinig
TAHIMIK na pumasok si Gael sa bahay na inuupahan niya. Pasalpak siyang umupo sa sofa at sumandal doon. Nasapo pa niya ang kaniyang noo habang nakatuon sa tuhod niya ang kaniyang mga siko. "Gael, ano ba? Can you please listen to me? Hindi kita iiwan dahil hindi na kita mahal, I still love you pero kailangan kong gawin ito para sa iyo. K-kung maging ok ako, b-babalik ako, promise! Babalikan kita at sana sa pagkakataong iyon, ako pa rin ang mahal mo." Pinilig niya ang kaniyang ulo nang muli na namang bumalik doon ang alaala ng nakaraan niya. Pitong taon na ang nakaraan simula nang iwan siya ni Lilliana Ruiz, ang babaeng tanging minahal niya sa buong buhay niya at hanggang ngayon, umaasa at naghihintay pa rin siya sa pagbabalik ng dalaga. Palaisipan pa rin kasi sa kaniya ang dahilan ng pag-alis nito. Mas lalo lang niyang naalala si Lilliana nang kumain sila ni Tallulah sa sisig restaurant dahil ganoon din ang ginagawa nito sa kaniya kapag kumakain sila ng paborito niyang sisig. "F*ck!
PASADO alas-syete na nang gabi pero hindi pa rin dumarating si Gael. Kanina pang naghihintay si Tallulah sa binata dahil umaasa siyang pagbibigyan siya nito kahit hindi ito sumagot sa pakiusap niya. Wala kasi ang kaniyang ama at ang ina naman niya, tinawagan niya ito na huwag na muna umuwi dahil sinabi niyang pupunta roon si Gael pero mukhang mali siya ng akala dahil wala pa ito."Yaya Dang, sa tingin mo po darating pa si Kuya Gael?" malungkot niyang tanong sa katulong nila na malapit sa kaniya dahil ito na rin halos ang nag-alaga sa kaniya simula nang ipanganak siya. Hindi rin dito lingid ang tungkol sa labis niyang pagmamahal kay Gael.Lumapit sa kaniya ang matandang babae at umupo sa tabi nito at marahang hinimas ang balikat niya. "Ano sa tingin mo, Tali?" Ngumiti ito. "Hindi sa gusto kitang saktan pero minsan kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng bagay na gusto nating mangyari, mangyayari. Less expectation, less pain," anito na bakas ang comfort doon.Mas lumungkot ang mukha
MAS MALIWANAG pa sa sikat nang araw ang ngiting sumilay kay Tallulah nang magising siya kinaumagahan. Napuno ng galak at ligaya ang kaniyang puso dahil sa pag-alaga at pag-aalalang pinadama sa kaniya ni Gael nang nagdaang gabi. Natulog siyang may saya at ngiti sa labi dahil alam niyang nasa tabi lang niya ito. Iyon na yata ang pinakamasayang araw niya. Ngunit bahagya siyang nalungkot at nadismaya nang malamang wala na mansyon ang binata dahil maaga raw itong umalis. "Nagising kaming wala na siya pero mukhang siya ang nagluto ng lugaw na nasa dining kasi hindi naman ako nagluto kanina, eh," hinuha ni Dang habang nasa sala siya. Kumunot ang noo niya. "Lugaw? So, you mean Kuya Gael cooked for me?" hindi makapaniwalang tanong niya dahil malabo pa sa sabaw ng pusit ang ipagluto siya nito. Nagmadali siyang naglakad patungo sa dining area at namangha siya sa nakita dahil totoo ang sinabi ni Dang, mayroong lugaw doon. Kung sinabi ng katulong na hindi ito ang nagluto, sino pa ang ibang gag
"I'M SORRY, Gael pero alam naming ikaw lang ang magpapalambot sa anak namin kaya pinapunta kita rito. Sigurado akong makikinig siya sa iyo," bungad ni Gilberto kay Gael nang makapasok siya sa malaking bahay ng mga Lopez. Hindi man niya gustong pumunta roon at makita si Tallulah, wala siyang magawa dahil sa request ni Gilberto at sa pag-aalala niya para sa bata. Nalaman kasi niyang hindi raw kumakain at lumalabas ng silid si Tallulah at marahil dahil iyon sa nangyari sa boutique nang nagdaang araw na labis niyang kinagalit.Bumuntong-hininga siya. Napakamot na lang siya sa noo at napailing. "Nasaan ho siya?" walang emosyong tanong niya."She's in her room. Kanina pa namin siyang kinakatok para kumain pero hindi siya lumalabas. Gael, please alam kong makikinig sa 'yo si Tali, kaya sana kahit ngayon lang maging mabait ka sana sa kaniya," paalala naman ni Caroline.Hindi siya umimik. Bumakas ang pagkairita niya dahil sa ginagawa ni Tallulah na alam naman niyang may agenda na naman ito sa
NIYAKAP NI Tali ang sarili nang umihip ang malamig na hangin mula sa dalampasigan. Palubog na ang araw kaya naisip niyang maglakad muna sa tabi ng dagat bago magsimula ang bonfire ng pamilya.Nasa isang resort sila sa Cavite para roon magdiwang ng birthday ni Callum at ng isang pang magandang balita para sa kanila ni Gael.Ilang buwan na ang nagdaan, marami nang nagbago pero ang pagbabagong iyon ay naging mabuti para sa lahat. Tuluyang nakulong si Serum dahil sa mga kasalanan nito at gayon din ang ama ni Kendrick na siyang sumalo ng lahat. Hindi siya masaya sa nangyari pero kailangan niyang itama ang lahat. Bumuntonghininga siya at lumingon sa palubog na araw. Napangiti siya dahil sa napakaganda niyon. Kumalat ang kulay kahel na ulap habang sumasabay ang alon ng dagat na nagbibigay ng magandang tanawin.Nagpatuloy siya sa paglalakad pero agad siya nagulat nang bigla na lang may yumakap sa kaniyang tela."You should wear jacket, baka malamigan si baby." Napangiti siya nang makilala si
MABILIS na nilapitan ni Gael si Serum at ginawaran ito ng suntok. Natumba ang binata at dahil sa galit niya, pumaibabaw siya at ginawaran ito ng sunod sunod na suntok. Bawat tama ng kamao niya, bitbit niyon ang galit.Ngunit mabilis din niyang pinigilan ng mga naroon. Duguan ang labi ni Serum habang nakalupasay ito at hindi na halos makatayo. Binalingan niya si Hiro na namimilipit sa sakit."H-Hiro! Hiro, are you ok?" Nababahala niyang tanong.Mayamaya pa, dumating na rin ang mga pulis agad nilang inaresto si Serum. Nilapitan niya si Hiro. "I-I'm fine, Sir," sabi nito. Nagawa pa nitong ngumiti."I'm sorry, Serum," ani naman ng kaniyang ina."It's my duty to protect you and Sir Gael, Madam."Ilang saglit pa at may dumating na rin na medical team para kunin doon si Hiro at dalhin sa hospital."A-ano'ng nangyari?"Kapwa napalingon si Gael at Donna nang makita si Tali at Callum na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-ina. Lumapit si Tali at agad siyang niyakap."Ok lang po ba kay
"SIR, NAGHIHINTAY na ang mga board," ani Hiro habang hindi mapakali si Gael sa kinatatayuan niya. Kinakabahan siya at hindi niya mawari ang nararamdaman. Natatakot siyang matalo at mapunta kay Serum ang lahat ng dapat sa kaniya."Hiro, ano'ng gagawin natin? I-I know most of the boards are now in Serum's hand at wala na tayong magagawa roon," frustrated niyang sambit. "Kahit ano'ng panliligaw ang gawin natin sa kanila, hindi na sila papanig sa atin."Malungkot na yumuko si Hiro. "Sir, hindi pa tapos ang laban and we need to fight no matter what. Kailangan ninyong magtiwala sa kakayahan mo, sa mommy mo at sa mga board na nagtitiwala sa iyo.""Tama si Hiro, Gael at naniniwala akong hindi ang pera o suhol ang rason para iboto ka nila, kung 'di dahil sa kakayahan mo, sa talino mo sa paghawak ng kompanya at sa kaya mo pang gawin. We believe in you, kami ng anak mo at alam kong ganoon din sila sa iyo." Ngumiti si Tali na kakapasok lang silid, akay si Callum.Napangiti si Gael at mabilis na n
MASAYANG ngumiti si Tallulah habang pinagmamasdan niya ang pagkaing niluto niya para kay Gael. Balak niya iyong dalhin sa kompanya para makakain ito dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado itong busy sa trabaho at dahil na rin sa nalalapit na board meeting kaya kailangan nitong maghanda para sa pwedeng ibato sa kaniya ni Serum.Matapos niyang ilagay sa lunch box ang pagkain, masaya siyang lumabas na ng bahay. Nasa school naman si Callum at dadaanan na lang niya ito mamaya pag-uwi niya. Nag-commute na lang siya dahil wala namang available na sasakyan sa bahay.Nang makarating siya sa kompanya, agad siyang nagbayad at bumaba sa taxi. Ngumiti siya at tiningnan muli ang dalang lunch bag. Siguradong magugustuhan iyon ni Gael dahil pinuno niya ng pagmamahal ang pagkaing inihanda niya para rito.Naglakad na siya papasok sa ground floo ng building. Ngumiti siya sa guard at ganoon din ito. Kilala na rin naman kasi siya sa kompanya bilang girlfriend ni Gael kaya hindi na rin nakakapagtaka na
"HIRO, how's the investigation?" tanong ni Gael habang nakaupo siya sa kaniyang opisina."We need more time to gather all the evidence we needed, Sir. Hindi pa matibay na evidence ang ilang email and texts mula sa ilang boards para idiin si Serum at ang ilang kasabwat nito," ani Hiro na nakatayo sa tapat niya.Pinatong niya ang siko sa table at marahang hinaplos ang labi niya. "I can't wait any longer, Hiro kailangan nating makahanap ng matibay na evidence para makulong si Serum at mapagbayaran niya lahat ng anomalyang ginagawa niya sa kompanya," galit niyang sabi."Don't worry, Sir gumagawa na tayo ng paraan para makakuha pa ng mas matibay na ebedensiya at hindi magtatagal magagamit natin 'yon para ipakulong si Serum."Bumuntonghininga siya. Hindi siya matatahimik hanggat alam niyang nandiyan pa sa kompanya si Serum. Alam niya ang gusto nitong gawin sa negosyo ng pamilya niya at alam niyang utay-utay na nitong kinakain ang kompanya para tuluyang mapasakaniya ang lahat ng pinaghirapan
"I-I'M sorry, Tali," simula ni Kendrick habang nakaupo ito sa sofa kung saan katapat nito siya. "Sorry for what?" nagtataka niyang tanong. Nagulat na lang siya nang sumulpot ito sa tapat ng bahay nila matapos ang ilang linggo na hindi ito nagparamdam sa kaniya. Si Callum naman ay hinayaan muna niyang maglaro sa labas."Sorry for everything that I've done, sa mga pagkakamali ko, sa mga kasalanan ko." Bumuntonghininga ito, saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nangyari sa ating dalawa. Nahirapan ako, nasaktan ako ng sobra dahil akala ko, ikaw na ang babaeng makakasama ko buong buhay ko." Umiling ito. "I-I don't know how to start again without you, without Callum sa buhay ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko, ang pangarap ko dahil kayo lang naman ang bumuo niyon and it's so hard for me to accept everything." Malungkot itong ngumiti.Hindi siya nakakibo. Kumurap siya at marahang yumuko dahil na
HINDI rin naitago ang saya ng mga magulang ni Tallulah nang malaman nito ang estado nila ni Gael dahil para sa kanila, iyon ang mas mabuti para kay Callum at sa kanilang dalawa dahil nagmamamahalan naman sila."I can't believe it's happening, Tali." Bakas pa rin ang saya sa boses ni Gael na animo'y hindi pa rin makapaniwala sa pagtanggap niya sa pagmamahal nito. "Alam kong nasaktan kita, nagtiis ka sa kagag*han ko, sa lahat ng ginawa ko at alam kong hindi ganoon kadaling tanggapin muli ako. I-I don't know how to explain how happy I am right now."Natawa siya habang nakahawak siya sa braso nitong nakayakap sa katawan niya mula sa kaniyang likod. "Nasaktan ako because that was my choice, Gael dahil kung hindi ko piniling ipilit ang sarili ko sa iyo noon, hindi ako masasaktan, wala tayo sa ganoong sitwasyon. Matagal ko nang tinanggap na lahat ng sakit at hirap na naranasan ko, dahil iyon sa mga naging desisyon ko noon pero hindi ko iyon lahat pinagsisihan dahil kung hindi ko ginawa iyon,
HANGGANG ngayon iniisip pa rin ni Tallulah ang maraming tanong sa isip niya na gusto niyang masagot pero hindi niya alam kung paano. Naguguluhan siya, hindi niya maintindihan ang lahat ng sinabi ni Braille sa kaniya na kahit anong gawin niya para unawain iyon, hindi niya magawa.Bumuntonghininga siya habang naglalakad patungo sa school ni Callum. Kakagaling lang niya sa trabaho at doon na dumeretso.Dahil sa lalim ng iniisip niya, dumeretso siya sa pagtawid sa kalsada nang hindi namamalayang mayroong sasakyan na daaraan. Ukupado kasi ng maraming bagay ang isip niya na kahit tunog sa paligid at pagtingin doon ay hindi na niya nabigyan pa ng pansin. Narinig na lang niya ang malakas na pagbusena ng sasakyang padaan at doon lang bumalik ang huwisyo niya. Nanlaki ng mga mata niya nang makita ang papalapit na sasakyan. Huli na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi na rin gumana pa ang isip niya para makaiwas. Iyon na ba ang katapusan ng buhay niya? Pero hindi pa pwede.Sunod na lang niyan
"KENDRICK, a-anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan?" gulat na salubong ni Tali nang madatnan niya ang binata sa harap ng bahay nila, nakaupo sa gilid ng bakod.Mabilis itong tumayo at hinarap siya. Ngumiti agad ito. "Ahm! G-gusto ko sanang ihatid ka sa trabaho mo since 'di naman ako busy today," tila nahihiya nitong sabi. Napakamot pa ito sa batok.Ngumiti siya. "Hindi na kailangan, Kendrick. Magko-commute na lang ako. Malapit lang din naman iyon.""No, Tali hassle mag-commute at isa pa, nandito na rin naman ako kaya pumayag ka na."Bumuntonghininga siya. "Kendrick, hindi mo 'to kailangang—""No, I insist, Tali. Gusto kong gawin 'to, pagsilbihan ka ulit...makasama." Bumakas ang labis na lungkot sa mukha nito."Pero hindi na tayo gaya ng dati. If you keep on doing this, mas mahihirapan kang kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin.""Dahil ayaw kong kalimutan ka, Tali dahil mahal kita.""Pero hindi na tayo pwede, Kendrick. We need to live our own life dahil iyon ang mas makabu