TAHIMIK na pumasok si Gael sa bahay na inuupahan niya. Pasalpak siyang umupo sa sofa at sumandal doon. Nasapo pa niya ang kaniyang noo habang nakatuon sa tuhod niya ang kaniyang mga siko. "Gael, ano ba? Can you please listen to me? Hindi kita iiwan dahil hindi na kita mahal, I still love you pero kailangan kong gawin ito para sa iyo. K-kung maging ok ako, b-babalik ako, promise! Babalikan kita at sana sa pagkakataong iyon, ako pa rin ang mahal mo." Pinilig niya ang kaniyang ulo nang muli na namang bumalik doon ang alaala ng nakaraan niya. Pitong taon na ang nakaraan simula nang iwan siya ni Lilliana Ruiz, ang babaeng tanging minahal niya sa buong buhay niya at hanggang ngayon, umaasa at naghihintay pa rin siya sa pagbabalik ng dalaga. Palaisipan pa rin kasi sa kaniya ang dahilan ng pag-alis nito. Mas lalo lang niyang naalala si Lilliana nang kumain sila ni Tallulah sa sisig restaurant dahil ganoon din ang ginagawa nito sa kaniya kapag kumakain sila ng paborito niyang sisig. "F*ck!
PASADO alas-syete na nang gabi pero hindi pa rin dumarating si Gael. Kanina pang naghihintay si Tallulah sa binata dahil umaasa siyang pagbibigyan siya nito kahit hindi ito sumagot sa pakiusap niya. Wala kasi ang kaniyang ama at ang ina naman niya, tinawagan niya ito na huwag na muna umuwi dahil sinabi niyang pupunta roon si Gael pero mukhang mali siya ng akala dahil wala pa ito."Yaya Dang, sa tingin mo po darating pa si Kuya Gael?" malungkot niyang tanong sa katulong nila na malapit sa kaniya dahil ito na rin halos ang nag-alaga sa kaniya simula nang ipanganak siya. Hindi rin dito lingid ang tungkol sa labis niyang pagmamahal kay Gael.Lumapit sa kaniya ang matandang babae at umupo sa tabi nito at marahang hinimas ang balikat niya. "Ano sa tingin mo, Tali?" Ngumiti ito. "Hindi sa gusto kitang saktan pero minsan kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng bagay na gusto nating mangyari, mangyayari. Less expectation, less pain," anito na bakas ang comfort doon.Mas lumungkot ang mukha
MAS MALIWANAG pa sa sikat nang araw ang ngiting sumilay kay Tallulah nang magising siya kinaumagahan. Napuno ng galak at ligaya ang kaniyang puso dahil sa pag-alaga at pag-aalalang pinadama sa kaniya ni Gael nang nagdaang gabi. Natulog siyang may saya at ngiti sa labi dahil alam niyang nasa tabi lang niya ito. Iyon na yata ang pinakamasayang araw niya. Ngunit bahagya siyang nalungkot at nadismaya nang malamang wala na mansyon ang binata dahil maaga raw itong umalis. "Nagising kaming wala na siya pero mukhang siya ang nagluto ng lugaw na nasa dining kasi hindi naman ako nagluto kanina, eh," hinuha ni Dang habang nasa sala siya. Kumunot ang noo niya. "Lugaw? So, you mean Kuya Gael cooked for me?" hindi makapaniwalang tanong niya dahil malabo pa sa sabaw ng pusit ang ipagluto siya nito. Nagmadali siyang naglakad patungo sa dining area at namangha siya sa nakita dahil totoo ang sinabi ni Dang, mayroong lugaw doon. Kung sinabi ng katulong na hindi ito ang nagluto, sino pa ang ibang gag
"I'M SORRY, Gael pero alam naming ikaw lang ang magpapalambot sa anak namin kaya pinapunta kita rito. Sigurado akong makikinig siya sa iyo," bungad ni Gilberto kay Gael nang makapasok siya sa malaking bahay ng mga Lopez. Hindi man niya gustong pumunta roon at makita si Tallulah, wala siyang magawa dahil sa request ni Gilberto at sa pag-aalala niya para sa bata. Nalaman kasi niyang hindi raw kumakain at lumalabas ng silid si Tallulah at marahil dahil iyon sa nangyari sa boutique nang nagdaang araw na labis niyang kinagalit.Bumuntong-hininga siya. Napakamot na lang siya sa noo at napailing. "Nasaan ho siya?" walang emosyong tanong niya."She's in her room. Kanina pa namin siyang kinakatok para kumain pero hindi siya lumalabas. Gael, please alam kong makikinig sa 'yo si Tali, kaya sana kahit ngayon lang maging mabait ka sana sa kaniya," paalala naman ni Caroline.Hindi siya umimik. Bumakas ang pagkairita niya dahil sa ginagawa ni Tallulah na alam naman niyang may agenda na naman ito sa
"WHY you're here, Tallulah?" masungit na bungad ni Brielle kay Tallulah nang pumunta siya sa bahay nito para bigyan ang kaibigan ng invitation para sa kasal nila ni Gael sa susunod na araw. Alam niyang galit ito sa kaniya dahil sa sinabi niya rito nang huli silang magkita at alam niyang mali siya roon.Yumuko siya para itago ang hiya niya sa kaniyang mukha. "I-I'm sorry, Brielle sa mga nasabi ko sa iyo. I was just mad because I always felt like you're not happy for me," dahilan niya. Naiisip niya sa huli, kaibigan pa rin niya ito at marami na silang pinagsamahan na hindi niya kayang itapon dahil lang hindi sila nagkaintindihan.Narinig niyang bumuntong-hininga ito habang nakahalukipkip. "That's good, that you know you were wrong, Tali. Alam mong palagi akong masaya sa lahat ng achievements mo dahil kaibigan kita pero alam mong hindi sa ganitong paraan." Suminghap ito. "Pero dahil wala na rin naman akong magagawa at nandiyan na iyan, susuportahan na lang kita dahil magkaibigan pa rin n
"ANO'NG giangawa mo rito?" walang emosyong tanong ni Gael kay Tallulah nang tumambad siya sa harap ng bahay nito nang bumukas ang pinto niyon.Yumuko siya dahil alam niyang galit ito sa kaniya dahil sa nangyari kahapon. Bukas na ang kasal nila pero hindi niya maramdaman iyon dahil bukod sa pamilya lang naman niya ang abala, hindi niya maramdaman kay Gael ang excitement. Bakit pa nga ba siya naghahanap ng ganoon sa binata, gayong alam niyang ayaw nito sa kaniya?"K-Kuya Gael, alam kong paulit-ulit na itong sinasabi ko sa tuwing nagkakamali ako, pero I'm sorry. Sorry sa nangyari kahapon sa inyo ni Kuya Kendric." Nag-angat siya rito ng tingin at wala siyang makapang emosyon sa gwapo nitong mukha. "Bukas na ang kasal natin at ayaw kong ikasal tayo na may galit ka sa akin kaya nandito ako para humingi ng sorry sa ginawa kong gulo," patuloy niya.Nanliit ang mata ni Gael. "Ayaw mong ikasal na may galit ako sa iyo? Then, don't marry me dahil hindi mawawala ang galit ko sa 'yo hangga't hindi
MATAMANG tinitigan ni Gael ang cupcakes na nasa harap niya na binili ni Tallulah para sa kaniya. Sa kabila ng galit at poot niya rito, hindi pa rin niya maiwasang hindi makonsensiya at ma-guilty sa mga ginagawa niya sa dalaga dahil may pinagsamahan pa rin naman sila. Alam niya kung gaano kabuti si Tallulah at alam din niyang nabulag lang ito sa labis na pag-ibig para sa kaniya kaya naging ganito ito.Napailing siya at napangiti, saka kumuha ng isang cupcakes. Tumango-tango siya dahil masarap iyon, marahil dahil paborito talaga niya ang vanilla flavor ng kahit ano'ng matatamis na pagkain.Bumuntong-hininga siya at napawi ang ngiti nang maalalang bukas na pala ang kasal nila ni Tallulah pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya naghahanda man lang para roon, 'ni hindi niya iyon iniisip at kung sana nga lang huwag nang mag-umaga pa. Binitawan niya ang cupcakes at nilagay ulit iyon sa lalagyan. Hindi pala siya dapat maawa o ma-guilty sa ginagawa niya kay Tallulah dahil ito dapat ang makara
Nakita niya ang pagbuhos ng luha sa mga mata ni Tallulah habang bakas ang sakit at labis na lungkot sa mukha nito pero wala na siyang makitang awa o kaunting simpatiya para sa dalaga dahil sa galit niya.Sinubukan nitong hawakan siya pero marahas niyang piniksi ang kamay nito. "Hindi kita pakakasalan, Tallulah dahil hindi kita mahal. Alam mo kung ano'ng nararamdaman ko sa iyo? Pagkamuhi! Galit at poot na hindi mo na matatanggal pa kahit lumuhod ka sa harap ko. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ginawa mo na naging dahilan ng pagkasira ng lahat!" sigaw niya rito. Halos lumabas na ang mga ugat sa leeg niya dahil sa galit.Tumalikod siya at akmang hahakbang palabas ng bahay nang yakapin siya ni Tallulah mula sa kaniyang likod. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at marahas na inalis ang mga braso nito sa katawan niya."Nagkamali ka ng lalaking minahal, Tallulah dahil wala kang mararamdamang pagmamahal mula sa akin. Poot at galit ko ang ipapadama ko sa iyo!" Kahit pa paano'y nakontrol pa
NIYAKAP NI Tali ang sarili nang umihip ang malamig na hangin mula sa dalampasigan. Palubog na ang araw kaya naisip niyang maglakad muna sa tabi ng dagat bago magsimula ang bonfire ng pamilya.Nasa isang resort sila sa Cavite para roon magdiwang ng birthday ni Callum at ng isang pang magandang balita para sa kanila ni Gael.Ilang buwan na ang nagdaan, marami nang nagbago pero ang pagbabagong iyon ay naging mabuti para sa lahat. Tuluyang nakulong si Serum dahil sa mga kasalanan nito at gayon din ang ama ni Kendrick na siyang sumalo ng lahat. Hindi siya masaya sa nangyari pero kailangan niyang itama ang lahat. Bumuntonghininga siya at lumingon sa palubog na araw. Napangiti siya dahil sa napakaganda niyon. Kumalat ang kulay kahel na ulap habang sumasabay ang alon ng dagat na nagbibigay ng magandang tanawin.Nagpatuloy siya sa paglalakad pero agad siya nagulat nang bigla na lang may yumakap sa kaniyang tela."You should wear jacket, baka malamigan si baby." Napangiti siya nang makilala si
MABILIS na nilapitan ni Gael si Serum at ginawaran ito ng suntok. Natumba ang binata at dahil sa galit niya, pumaibabaw siya at ginawaran ito ng sunod sunod na suntok. Bawat tama ng kamao niya, bitbit niyon ang galit.Ngunit mabilis din niyang pinigilan ng mga naroon. Duguan ang labi ni Serum habang nakalupasay ito at hindi na halos makatayo. Binalingan niya si Hiro na namimilipit sa sakit."H-Hiro! Hiro, are you ok?" Nababahala niyang tanong.Mayamaya pa, dumating na rin ang mga pulis agad nilang inaresto si Serum. Nilapitan niya si Hiro. "I-I'm fine, Sir," sabi nito. Nagawa pa nitong ngumiti."I'm sorry, Serum," ani naman ng kaniyang ina."It's my duty to protect you and Sir Gael, Madam."Ilang saglit pa at may dumating na rin na medical team para kunin doon si Hiro at dalhin sa hospital."A-ano'ng nangyari?"Kapwa napalingon si Gael at Donna nang makita si Tali at Callum na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-ina. Lumapit si Tali at agad siyang niyakap."Ok lang po ba kay
"SIR, NAGHIHINTAY na ang mga board," ani Hiro habang hindi mapakali si Gael sa kinatatayuan niya. Kinakabahan siya at hindi niya mawari ang nararamdaman. Natatakot siyang matalo at mapunta kay Serum ang lahat ng dapat sa kaniya."Hiro, ano'ng gagawin natin? I-I know most of the boards are now in Serum's hand at wala na tayong magagawa roon," frustrated niyang sambit. "Kahit ano'ng panliligaw ang gawin natin sa kanila, hindi na sila papanig sa atin."Malungkot na yumuko si Hiro. "Sir, hindi pa tapos ang laban and we need to fight no matter what. Kailangan ninyong magtiwala sa kakayahan mo, sa mommy mo at sa mga board na nagtitiwala sa iyo.""Tama si Hiro, Gael at naniniwala akong hindi ang pera o suhol ang rason para iboto ka nila, kung 'di dahil sa kakayahan mo, sa talino mo sa paghawak ng kompanya at sa kaya mo pang gawin. We believe in you, kami ng anak mo at alam kong ganoon din sila sa iyo." Ngumiti si Tali na kakapasok lang silid, akay si Callum.Napangiti si Gael at mabilis na n
MASAYANG ngumiti si Tallulah habang pinagmamasdan niya ang pagkaing niluto niya para kay Gael. Balak niya iyong dalhin sa kompanya para makakain ito dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado itong busy sa trabaho at dahil na rin sa nalalapit na board meeting kaya kailangan nitong maghanda para sa pwedeng ibato sa kaniya ni Serum.Matapos niyang ilagay sa lunch box ang pagkain, masaya siyang lumabas na ng bahay. Nasa school naman si Callum at dadaanan na lang niya ito mamaya pag-uwi niya. Nag-commute na lang siya dahil wala namang available na sasakyan sa bahay.Nang makarating siya sa kompanya, agad siyang nagbayad at bumaba sa taxi. Ngumiti siya at tiningnan muli ang dalang lunch bag. Siguradong magugustuhan iyon ni Gael dahil pinuno niya ng pagmamahal ang pagkaing inihanda niya para rito.Naglakad na siya papasok sa ground floo ng building. Ngumiti siya sa guard at ganoon din ito. Kilala na rin naman kasi siya sa kompanya bilang girlfriend ni Gael kaya hindi na rin nakakapagtaka na
"HIRO, how's the investigation?" tanong ni Gael habang nakaupo siya sa kaniyang opisina."We need more time to gather all the evidence we needed, Sir. Hindi pa matibay na evidence ang ilang email and texts mula sa ilang boards para idiin si Serum at ang ilang kasabwat nito," ani Hiro na nakatayo sa tapat niya.Pinatong niya ang siko sa table at marahang hinaplos ang labi niya. "I can't wait any longer, Hiro kailangan nating makahanap ng matibay na evidence para makulong si Serum at mapagbayaran niya lahat ng anomalyang ginagawa niya sa kompanya," galit niyang sabi."Don't worry, Sir gumagawa na tayo ng paraan para makakuha pa ng mas matibay na ebedensiya at hindi magtatagal magagamit natin 'yon para ipakulong si Serum."Bumuntonghininga siya. Hindi siya matatahimik hanggat alam niyang nandiyan pa sa kompanya si Serum. Alam niya ang gusto nitong gawin sa negosyo ng pamilya niya at alam niyang utay-utay na nitong kinakain ang kompanya para tuluyang mapasakaniya ang lahat ng pinaghirapan
"I-I'M sorry, Tali," simula ni Kendrick habang nakaupo ito sa sofa kung saan katapat nito siya. "Sorry for what?" nagtataka niyang tanong. Nagulat na lang siya nang sumulpot ito sa tapat ng bahay nila matapos ang ilang linggo na hindi ito nagparamdam sa kaniya. Si Callum naman ay hinayaan muna niyang maglaro sa labas."Sorry for everything that I've done, sa mga pagkakamali ko, sa mga kasalanan ko." Bumuntonghininga ito, saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nangyari sa ating dalawa. Nahirapan ako, nasaktan ako ng sobra dahil akala ko, ikaw na ang babaeng makakasama ko buong buhay ko." Umiling ito. "I-I don't know how to start again without you, without Callum sa buhay ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko, ang pangarap ko dahil kayo lang naman ang bumuo niyon and it's so hard for me to accept everything." Malungkot itong ngumiti.Hindi siya nakakibo. Kumurap siya at marahang yumuko dahil na
HINDI rin naitago ang saya ng mga magulang ni Tallulah nang malaman nito ang estado nila ni Gael dahil para sa kanila, iyon ang mas mabuti para kay Callum at sa kanilang dalawa dahil nagmamamahalan naman sila."I can't believe it's happening, Tali." Bakas pa rin ang saya sa boses ni Gael na animo'y hindi pa rin makapaniwala sa pagtanggap niya sa pagmamahal nito. "Alam kong nasaktan kita, nagtiis ka sa kagag*han ko, sa lahat ng ginawa ko at alam kong hindi ganoon kadaling tanggapin muli ako. I-I don't know how to explain how happy I am right now."Natawa siya habang nakahawak siya sa braso nitong nakayakap sa katawan niya mula sa kaniyang likod. "Nasaktan ako because that was my choice, Gael dahil kung hindi ko piniling ipilit ang sarili ko sa iyo noon, hindi ako masasaktan, wala tayo sa ganoong sitwasyon. Matagal ko nang tinanggap na lahat ng sakit at hirap na naranasan ko, dahil iyon sa mga naging desisyon ko noon pero hindi ko iyon lahat pinagsisihan dahil kung hindi ko ginawa iyon,
HANGGANG ngayon iniisip pa rin ni Tallulah ang maraming tanong sa isip niya na gusto niyang masagot pero hindi niya alam kung paano. Naguguluhan siya, hindi niya maintindihan ang lahat ng sinabi ni Braille sa kaniya na kahit anong gawin niya para unawain iyon, hindi niya magawa.Bumuntonghininga siya habang naglalakad patungo sa school ni Callum. Kakagaling lang niya sa trabaho at doon na dumeretso.Dahil sa lalim ng iniisip niya, dumeretso siya sa pagtawid sa kalsada nang hindi namamalayang mayroong sasakyan na daaraan. Ukupado kasi ng maraming bagay ang isip niya na kahit tunog sa paligid at pagtingin doon ay hindi na niya nabigyan pa ng pansin. Narinig na lang niya ang malakas na pagbusena ng sasakyang padaan at doon lang bumalik ang huwisyo niya. Nanlaki ng mga mata niya nang makita ang papalapit na sasakyan. Huli na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi na rin gumana pa ang isip niya para makaiwas. Iyon na ba ang katapusan ng buhay niya? Pero hindi pa pwede.Sunod na lang niyan
"KENDRICK, a-anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan?" gulat na salubong ni Tali nang madatnan niya ang binata sa harap ng bahay nila, nakaupo sa gilid ng bakod.Mabilis itong tumayo at hinarap siya. Ngumiti agad ito. "Ahm! G-gusto ko sanang ihatid ka sa trabaho mo since 'di naman ako busy today," tila nahihiya nitong sabi. Napakamot pa ito sa batok.Ngumiti siya. "Hindi na kailangan, Kendrick. Magko-commute na lang ako. Malapit lang din naman iyon.""No, Tali hassle mag-commute at isa pa, nandito na rin naman ako kaya pumayag ka na."Bumuntonghininga siya. "Kendrick, hindi mo 'to kailangang—""No, I insist, Tali. Gusto kong gawin 'to, pagsilbihan ka ulit...makasama." Bumakas ang labis na lungkot sa mukha nito."Pero hindi na tayo gaya ng dati. If you keep on doing this, mas mahihirapan kang kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin.""Dahil ayaw kong kalimutan ka, Tali dahil mahal kita.""Pero hindi na tayo pwede, Kendrick. We need to live our own life dahil iyon ang mas makabu