Home / Romance / Nabuntis Ako ng Bilyonaryo / Kabanata 1: Confession

Share

Nabuntis Ako ng Bilyonaryo
Nabuntis Ako ng Bilyonaryo
Author: Totoy

Kabanata 1: Confession

Author: Totoy
last update Huling Na-update: 2022-12-13 14:29:47

"HI, Kuya Gael," nahihiyang bati ni Tallulah Lopez sa binatang si Gael Ramirez, isang lalaking ubod ng gwapo na lahat ng babaeng kilala niya'y natitipuhan ito dahil sa napakatipuno nitong katawan at sa makakapal nitong kilay kaya paanong hindi rin niya magugustuhan ito?

Dahan-dahang humarap sa kaniya si Gael pero imbis na ngiti ang kumawala sa gwapo nitong mukha, tumaas lang ang kilay nito at bumakas ang tila pagkadismaya nito na makita siya.

Bumaling ito sa paligid na tila naghahanap ng kasama niya pero walang itong nakita dahil iniwanan niya ang magkapatid na si Brielle at Kendric na nandoon sa malayong table mula sa kinaroroonan niya. Sinadya niya iyon dahil ito na ang naisip niyang tamang panahon para umamin sa binata at ipahayag ang pagkagusto niya rito. Kasalukuyan silang nasa party ni Brielle dahil 18th birthday nito. Maraming tao sa paligid at rinig na rinig ang malakas na tunog ng musika.

"P-pwede ba tayong mag-usap, Kuya Gael?" halos mautal na tanong niya na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

Bahagya itong kumiling at pinakita sa kaniya ang kawalan nito ng interest sa kaniya. "No," walang emosyong sagot nito.

"P-pero saglit lang naman, eh, may sasabihin—"

"Well, I'm not interested, Tallulah," sambit nito sa totoo niyang pangalan na alam nitong ayaw niyang marinig dahil hindi iyon kaaya-aya sa pandinig niya. Mas gusto niyang tawagin siyang Tali.

Hindi na bago sa kaniya ang pagsusuplado ni Gael, dahil matagal na nilang kilala ang isa't isa at noon pa man, ganito na siya nito itrato. He's handsome but he's cold as ice. Masungit ito at parang walang pakialaman sa nararamdaman ng iba.

"Kuya Gael, please kahit ngayon lang kausapin mo naman ako ng maayos. I have to say this to you kasi...k-kasi alam kong aalis ka na." Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan iyon ng lungkot.

Bumuntong-hininga ito at pumamulsa. Bahagya itong nagtaka nang marinig ang sinabi niya. "Paano mo nalamang aalis na ako?"

"Kendric told me," pag-amin niya. Kaibigan kasi nito ang kapatid ni Brielle na kaibigan din niya.

Napansinghap ito at halatang nadismaya pero agad ding sumeryoso ng mukha nito. "Yeah, he's right I'm leaving kaya please stop chasing me like a dog," direktang sabi nito na bakas ang inis sa mukha.

Natigilan siya. Dog? Mukha ba siyang asong naghahabol? Ang ganda niya kaya para maging aso. "W-what? You're too much, Kuya Gael grabi ka naman magsalita sa akin. Nakita mo ba kung gaano ako kaganda tonight? I mean, everyday? Sana man lang makita mo ako bilang babae," giit niya. Kahit sa loob niya'y ramdam niya ang sakit, hindi niya iyon pinahalata.

Napailing ito, saka tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "I'm sorry but I thought you're a man courting a girl because of what you're doing right now, Tallulah. Hindi gawain ng matinong babae ang maghabol sa isang lalaki."

Naramdaman niya ang pagkibot ng mga labi niya dahil sa sinabi nito. Ganoon ba ang tingin nito sa kaniya? Isang desperadang babae? "Can you please stop calling me Tallulah?" balik niya na bahagyang napataas ang boses. "Kuya Gael, kahit minsan naman tingnan mo ako bilang babae. Hindi ba ako attractive para sa 'yo? Kulang pa ba 'yong pagpapaganda ko para mapansin mo?" Naramdaman niya ang panunubig ng paligid ng kaniyang mga mata.

Pakiramdam niya'y nanliit siya sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya. "Sa tingin mo gusto ko ang babaeng katulad mo? You're desperate to get my attention at hindi ko gustong palagi kang nakasunod sa akin it's... it's annoying!"

Akala niya'y hindi na siya kayang saktan ni Gael dahil manhid na siya sa araw-araw nitong pangbabalewala sa kaniya pero may kaya pa pala itong sabihin para durugin ang nagmamahal niyang puso.

"G-ginagawa ko lang naman 'yon para mapansin mo ako, eh, kasi kahit ano'ng gawin ko hindi mo ako nakikita. Kahit nasa harap mo na ako, parang hangin lang ako sa 'yo. H-hindi naman ako magiging ganito kung pinapansin mo ako, kung kahit konting atensyon mo binibigay mo sa akin," hinaing niya sa binata.

Hindi na niya alintana ang mga taong nasa paligid niya na nakakarinig sa kanila. Nakatingin na ang mga ito na animo'y hinuhusgahan siya pero wala siyang pakialam.

Nasapo ni Gael ang noo at nakagat ang pang-ibabang labi bago humarap sa kaniya. "Hindi ba obvious, Tallulah? I don't love you! Hindi kita mahal kaya hindi ko binibigay ang atenyson ko sa 'yo! Huwag ka namang tanga!" inis nitong balik sa kaniya.

Pakiramdam niya'y sinuntok ang dibdib niya nang paulit-ulit dahil sa masasakit na salitang binitawan nito. Hindi naman niya inaasahang iyon ang maririnig niya sa binata. Mas masungit at mas masakit pala ito magsalita kaysa sa pagkakakilala niya rito.

"Tanga na kong tanga, Kuya Gael, wala akong pakialam! Gusto kita, mahal kita at kahit hindi tayo pareho nang nararamdaman, wala akong pakialam. I can do anything for you to love me!"

"Walang kang dapat gawin, dahil kahit kailan hindi kita mamahalin. Kahit ano'ng gawin mo, hindi-hindi kita mamahalin. I don't like a woman like you, Tallulah."

Naramdaman na lang niya ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata dahil sa labis na sakit na nararamdaman niya. Pasimple siyang yumuko at tumingin sa paligid. Nagsimula nang makiusyuso ang ilan sa nakapaligid sa kanila. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa long gown na suot niya para kumuha roon ng lakas ng loob. Wala na siyang pakialam kung mapahiya siya.

Pinahid niya ang luha sa mga mata niya. Nag-angat siya ng tingin sa binata at ngumiti na tila nanghahamon. "Nagkakamali ka, Kuya Gael dahil I will make sure na mahuhulog ka sa akin, na mapapasakin ka rin," buong tapang niyang sambit.

Ngumisi si Gael at marahas na umiling. Nasa mukha nito ang inis dahil sa kaniya. Nabahala siya nang tumalikod ito at naglakad palayo.

"Kuya Gael! Kuya Gael, wait!" sigaw niya kaya halos lahat nang nasa paligid niya napatingin na sa kaniya. Inangat niya ang laylayan ng suot niyang dress at mabilis na tumakbo para habulin ang binata. "Kuya Gael, please don't leave me like this!" Mabilis niyang niyakap ang binata nang maabutan niya ito kaya napahinto ito. Nagulat naman ang karamihan nang nakakakita sa kanila.

"What are you doing, Tallulah? Nagbabaliw ka na ba?" Marahas nitong inalis ang braso niyang nakapulupot sa katawan nito at tinulak siya kaya napaupo siya sa sahig. Lalo nilang naagaw ang atensyon ng mga tao roon.

Nahihiyang napatingin siya sa mga taong nakatingin sa kaniya at tila ba hinuhusgahan siya sa mga tingin pero hindi siya nagpaapekto, tiningnan niya ng nagmamakaawa si Gael. "Kuya Gael, I love you! Mahal na mahal kita at hindi ako papayag na...na hindi ka magiging akin," desperadang sabi niya.

Napansinghap si Gael at hindi makapaniwalang napangiti. "What? You're crazy, Tallulah! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Mahiya ka naman, hindi lang ikaw at ako ang nandito," madiin at pabulong nitong sabi.

Umiling-iling siya habang umiiyak. "W-wala akong pakialam sa kanila Kuya Gael, mahal na mahal kita kaya please mahalin mo rin ako," pagmamakaawa niya.

Tumayo siya sa pagkakaupo habang hawak ang laylayan ng long gown na suot niya. Lumapit siya sa binata at pilit itong niyayakap pero pinipigilan siya nito. "Tallulah, stop!" madiing anito.

"Mahal na mahal kita Kuya Gael, please love me back! H-hindi ko alam kung paano pa ako magmamahal kung hindi ikaw," patuloy niya.

"Tali, Tali ano'ng ginagawa mo?" gulat na sabi ng kaibigan niyang si Brielle nang makarating ito sa kinaroroonan niya dahil sa nagtipon na roon ang mga bisita at nakiusyoso sa nangyayari. "Stop it, Tali!"

Hindi niya pinansin ang kaibigan. Nagpumilit siyang yakapin si Gael dahil wala siyang ibang gusto kung 'di ang gawin iyon sa binata. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin kapag nawala si Gael at tuluyan siyang iwanan. Mahal na mahal niya ito.

"Stop!" galit at madiing sabi ni Gael kasabay nang malakas na pagtulak nito sa kaniya, dahilan para muli siyang mapaupo sa sahig. Hindi niya ininda ang sakit ng puwet niya sa pagbagsak. "I said I don't love you! Hindi mo ba maintindihan ang sinabi ko, Tallulah? Don't be immature! Not everything you want, you'll get it, hindi ako katulad ng mga bagay na gusto mo at kaya mong kunin just because you're rich."

"Tali!" Mabilis siyang dinaluhan ni Brielle na bakas ang simpatiya at awa sa kaniya.

"F*ck, pre!" Nagulat na lang siya nang sumulpot si Kendric sa kung saan at sinuntok si Gael. Napakiling ito dahil sa lakas ng impact niyon. "I do understand if you really don't love her, pero, pre huwag ka namang masyadong manakit ng babae. She's too young that's why she act like that," sabi pa nito.

Kahit halos mag-blurry na ang paningin niya dahil sa luha, walang siyang pakialam, tumayo siya at nilapitan si Gael. "K-Kuya Gael, ok—"

"I don't need your care!" Tinabig nito ang kamay niya at matalim siyang tiningnan. "Just leave me alone!" Tumalikod ito at naglakad palayo sa kaniya habang sapo ang pisngi nito.

"Kuya Gael—" Sunod-sunod na bumagsak ang luha sa mga mata niya dulot ng labis na sakit na nararamdaman niya. Hindi niya alam na ganito ang mangyayari. Gusto lang naman niyang umamin kay Gael.

"Are you ok, Talu?" tanong ni Kendric sa kaniya. Bukod sa Tali, Talu rin ang isa sa palayaw niya pero si Kendric lang ang tumatawag niyon sa kaniya.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Why did you hurt him, Kuya Kendric?" tanong niya rito. Panganay ito sa kanila ni Brielle. Eighteen na rin siya habang twenty four naman si Kendric at Gael.

Napabuntong-hininga si Kendric. Marahan nitong ginulo ang buhok niya. "I just want to avenge you, little Talu." Ngumiti ito sa kaniya. Noon pa man ito na ang tagapagtanggol niya sa tuwing may nang-aapi sa kaniya.

Ngumuso siya at parang batang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata. "Sinaktan mo si Kuya Gael, eh. Ayaw kong nasasaktan siya."

"Eh, siya hindi ba niya gustong nasasaktan ka? Come on, Tali stop being fool. He hurt you and yet you're still concerned to him?" sabat naman ni Brielle na bakas ang inis para kay Gael.

Natahimik siya at bahagyang yumuko dahil alam niyang totoo ang sinabi ng kaibigan. Bumaling sila sa paligid at nakita niya ang gulong ginawa niya.

Binalingan niya ang kaibigan. "I'm sorry, Brielle nasira ko ang party mo," malungkot niyang sabi. "Natakot lang ako na aalis na si Kuya Gael kaya naglakas-loob na akong umamin sa kaniya."

"Sira! Araw-araw mo namang inaamin 'yang pagkagusto mo sa kaniya, eh, pero ano'ng nangyayari? Hays! Kung hindi lang kita kaibigan, baka binatukan na kita ng paulit-ulit." Sa huli'y tumawa na rin si Brielle at niyakap siya.

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
James Pielago Borromeo
Ang panget nmn Ng story
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hay naku wag mo nang ipilit Ang sarili mo Tali sa ayaw sa iyo,
goodnovel comment avatar
Babz07aziole
buti mababait mga friends mo Tali
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 2: Desperate

    "HUH? Nahihibang ka na ba, Tali? Ganiyan ka na ba ka-desperada kay Kuya Gael para gawin mo 'yang binabalak mo?" gulat na reaction ni Brielle nang sabihin ni Tallulah na handa siyang ibigay ang sarili sa binata para lang makuha ito.Yumuko siya. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya pero wala siyang ibang maisip na paraan para hindi ito tuluyang umalis. "Pero aalis na siya, Brielle? He will leave me! Paano na ako kapag nawala siya? Hindi ko alam kung paano ako kapag tuluyan siyang nawala," aniya na naiiyak na naman dahil iniisip pa lang niyang iiwan siya ni Gael, pakiramdam niya'y mababaliw na siya.Nasapo ni Brielle ang noo nito. Mabuti na lang at nasa silid sila ng dalaga dahil kung marinig ni Kendric ang sinabi niya, baka nabatukan na siya nito."My God, Tali! You're out of your mind at hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang mawala si Kuya Gael dahil kinid-nap mo," naiiling nitong sabi. "Can you please think before you decide, Tali dahil hindi mo alam ang pwede

    Huling Na-update : 2022-12-13
  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 3: Tali's Plan

    MARAHANG gumalaw si Tallulah mula sa kaniyang pagkakahiga. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang sakit at hapdi sa pagitan ng kaniyang mga hita. Direkta rin niyang naramdaman ang malamig na hangin sa katawan niya.Kapagkuwa'y nagmulat siya ng kaniyang mga mata at sumalubong sa kaniya ang maliwanag na paligid, senyales na mataas na ang sikat ng araw. Ganoon na lang ang gulat niya nang mapansing wala siyang saplot at may matigas na bisig siyang inuunan habang may matipunong braso na nakayakap sa kaniya.Natigilan siya nang maalala kung ano'ng ginawa niya nang nagdaang gabi. Natampal niya ang kaniyang noo at nakagat ang pang-ibabang labi. Bigla niyang na-realize ang kagagahang ginawa niya. Dahan-dahan siyang humarap sa binata at tumambad sa kaniya ang gwapo nitong mukha kahit tulog ito. Dama niya ang init ng katawan nitong nakayakap sa kaniya."Ano ba 'tong ginawa mo, Tali?" gusot ang mukhang tanong niya sa kaniyang sarili. Ano pang mukhang maihaharap niya sa binata gayong ibinaba niya a

    Huling Na-update : 2022-12-13
  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 4: Responsibility

    "WHETHER you like it or not, Gael you should take your responsibility to my daughter," malumanay pero may diing sabi ni Gilberto sa binata habang kaharap ito at ang pamilya ni Tallulah."Gilberto is right, hijo hindi ka na bata kaya alam mo ang responsibility at ang consequence sa ginawa mong action. You're matured enough to understand everything," segunda naman ng ina niyang si Caroline."Pero Tito, wala akong ginawa. I don't know what happened last night but I know I didn't do anything to her at wala akong gagawin sa anak ninyo. Kahit pa maghubad siya sa harap ko, hindi-hindi ako papatol sa kaniya," balik ni Gael habang magkasalikop ang mga palad nito. Bakas ang frustration sa mukha nito. "Isa pa, I don't love your daughter, parang kapatid na ang turing ko sa kaniya," dagdag pa nito.Nagkatinginan ang mag-asawa habang nanatili lang siyang nakayuko at pinaglalaruan ang sariling mga kamay. Natatakot siyang baka walang magawa ang mga magulang niya at tuluyang iwan siya ni Gael."H-hind

    Huling Na-update : 2022-12-15
  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 5: Positive?

    "BAKIT kasi hindi pa ako nabuntis ni Kuya Gael? 'Di sana wala na siyang kawala at mapipilitan siyang pakasalan ako—Aray!" Nasapo ni Tallulah ang batok niya na tinamaan ng kamay ni Brielle habang masama ang tingin nito sa kaniya."Nahihibang ka na ba talaga, Tali? Seriously, gusto mong mabuntis ka ni Kuya Gael." Kulang na lang ay sapakin siya nito para magising siya sa katotohanan. "Remember, nag-aaral pa tayo at ganoon din si Kuya Gael, graduating na siya this year at masisira lahat ng pangarap ninyo kapag nagkataon," anito.Ngumuso siya at marahang hinimas ang ulo. "I don't care, Brielle dahil kaya naman kaming buhayin ng pamilya ko, 'di ba? Pwede niyang manahin ang kompanya ni Dad because he's my husband kaya hindi na namin kailangang mangarap dahil ako, si Kuya Gael lang ang pangarap ko," masaya niyang sabi.Napailing si Brielle. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Tali? Jusko! Mababaliw ako sa iyo!" hagas nitong sabi at nauna na itong naglakad patungo sa sasakyan nito. Katatapos lan

    Huling Na-update : 2022-12-16
  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 6: Confirmed!

    "DALA mo ba ang pinabili ko sa 'yo, Brielle?" pabulong na tanong ni Tallulah nang makapasok ang kaibigan niya sa kaniyang silid. Pinapunta kasi niya ito roon para bilhan siya ng pregnancy test at nang ma-confirm niya kung bakit palagi siyang nasusuka at nanghihina.Tumango si Brielle. "Hindi ko na alam ang gagawin sa 'yo, Tali! My God! Ako ang kinakabahan sa pinagagawa mong kagagahan. Paano kung totoong buntis ka? Paano na ang buhay mo, you're too young to be a mother, ni wala kang alam sa pag-aalaga ng bata. Paano ang pag-aaral mo?" hagas na anito. Binigay nito ang Pregnancy Test sa kaniya at agad niya iyong kinuha.Umirap siya sa kaibigan. "Don't overreact, ok? Kung buntis man ako, eh, 'di good dahil magagamit ko ang bata para pakasalan ako ni Kuya Gael. Saka, napag-aaralan naman ang pagiging ina, 'no? Sumilay ang excitement at saya sa mga ngiti niya. "Hindi na ako makapaghintay na pakasalan siya, Brielle dahil simula noon, ito lang naman talaga ang pangarap ko. I want to be Mrs. Ra

    Huling Na-update : 2022-12-17
  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 7: Pananagutan

    "BAKIT niyo ho ako pinatawag, Tito?" basag ni Gael sa katahimikan sa pagitan nilang lahat habang nakaupo sila sa sofa sa sala. Ni isa walang gustong umimik habang labis na kinakabahan si Tallulah sa mangyayari.Tumikhim si Gilberto at hindi magawang tumingin kay Gael dahil kilala nito ang binata at ang buhay nitong puno ng pangarap at ayaw sana nitong sirain iyon. "H-hijo, I'm sorry sa biglang pagpapatawag ko sa 'yo but we need to discuss an important matters," simula nito. Ngumiti si Gilberto sa binata. "Gael, matagal na kitang kilala at alam ko ang lahat ng pangarap mo sa buhay at ang kabutihan mo." Saglit itong natigilan. "And I always support you whatever you wants to do."Nag-angat siya ng tingin kay Gael at kita niyang naguguluhan ito sa mga sinabi ng kaniyang ama. Tahimik lang sila ng kaniyang ina.Nag-aalangang ngumiti ang binata. "S-salamat po, Tito pero bakit ho sinasabi ninyo sa akin ito?"Bahagyang umiwas si Gilberto ng tingin at bumaling sa kaniyang anak pero agad din siy

    Huling Na-update : 2022-12-17
  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 8: Pagpayag

    DAHAN-DAHAN binukas ni Tallulah ang mga mata niya pero agad niyang nasapo ang kaniyang ulo dahil sa pagkirot niyon. Naramdaman din niya ang pagkahilo at bigat ng katawan niya."M-Mom," tawag niya sa kaniyang ina. Inaninag niya ang paligid at halos puti ang nakita niya. Kinabahan siya. Nasa langit na ba siya? "M-Mom, D-Dad? K-Kuya Gael?" muli niyang tawag. Mayamaya'y mas luminaw na ang paningin niya at napagtanto niyang nasa silid siya at nakahiga sa hospital bed."T-Tali, anak!" narinig niyang boses ni Caroline. Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya.Bumaling siya sa kaniyang ina at tumambad ito sa kaniya habang nasa likod nito si Gilberto. Kapwa bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya tinuloy nang maramdaman niya ang hilo at sakit ng kaniyang ulo. "Just rest, Tali huwag ka munang magparagalaw dahil sabi ng Doctor, kailangan mong magpahinga para bumalik ang lakas mo," paliwanag ni Caroline sa kaniya. Ngumiti ito na bakas doon ang

    Huling Na-update : 2022-12-18
  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 9: Decision

    "GAEL, I'm sorry kung nandito ulit ako para pilitin kang pakasalan ang anak naming si Tallulah pero wala kaming ibang maisip na paraan para tapusin ang kahihiyang ito. Hindi rin kami papayag na lumaking walang ama ang apo namin at maging disgrasyada si Tali. Kailangan ka niya, Gael kailangan ka ng bata lalo't maselan ang pagbubuntis niya at narinig mo lahat mula sa Doctor. Kaya please, marry my daughter. I'll do everything to support your dreams. You just need to be my daughter's husband. Manatili ka lang sa tabi niya," pagmamakaawa ni Gilberto kay Gael na halos lumuhod na ito sa harap niya.Kasalukuyan silang nasa cafe malapit sa hospital para kausapin siya nito at alam niyang tungkol iyon kay Tallulah.Umiwas siya ng tingin. Kilala niya si Gilberto at alam niyang mabuti itong tao at ginagawa lang din nito ang lahat para sa anak nito. Hindi agad siya umimik dahil kahit mauntog siya, hinding-hindi niya mamahalin si Tallulah dahil sa lahat ng ginawa nito. Ayaw niyang magtagumpay ito sa

    Huling Na-update : 2022-12-18

Pinakabagong kabanata

  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Epilogue

    NIYAKAP NI Tali ang sarili nang umihip ang malamig na hangin mula sa dalampasigan. Palubog na ang araw kaya naisip niyang maglakad muna sa tabi ng dagat bago magsimula ang bonfire ng pamilya.Nasa isang resort sila sa Cavite para roon magdiwang ng birthday ni Callum at ng isang pang magandang balita para sa kanila ni Gael.Ilang buwan na ang nagdaan, marami nang nagbago pero ang pagbabagong iyon ay naging mabuti para sa lahat. Tuluyang nakulong si Serum dahil sa mga kasalanan nito at gayon din ang ama ni Kendrick na siyang sumalo ng lahat. Hindi siya masaya sa nangyari pero kailangan niyang itama ang lahat. Bumuntonghininga siya at lumingon sa palubog na araw. Napangiti siya dahil sa napakaganda niyon. Kumalat ang kulay kahel na ulap habang sumasabay ang alon ng dagat na nagbibigay ng magandang tanawin.Nagpatuloy siya sa paglalakad pero agad siya nagulat nang bigla na lang may yumakap sa kaniyang tela."You should wear jacket, baka malamigan si baby." Napangiti siya nang makilala si

  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 80: Arrested

    MABILIS na nilapitan ni Gael si Serum at ginawaran ito ng suntok. Natumba ang binata at dahil sa galit niya, pumaibabaw siya at ginawaran ito ng sunod sunod na suntok. Bawat tama ng kamao niya, bitbit niyon ang galit.Ngunit mabilis din niyang pinigilan ng mga naroon. Duguan ang labi ni Serum habang nakalupasay ito at hindi na halos makatayo. Binalingan niya si Hiro na namimilipit sa sakit."H-Hiro! Hiro, are you ok?" Nababahala niyang tanong.Mayamaya pa, dumating na rin ang mga pulis agad nilang inaresto si Serum. Nilapitan niya si Hiro. "I-I'm fine, Sir," sabi nito. Nagawa pa nitong ngumiti."I'm sorry, Serum," ani naman ng kaniyang ina."It's my duty to protect you and Sir Gael, Madam."Ilang saglit pa at may dumating na rin na medical team para kunin doon si Hiro at dalhin sa hospital."A-ano'ng nangyari?"Kapwa napalingon si Gael at Donna nang makita si Tali at Callum na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-ina. Lumapit si Tali at agad siyang niyakap."Ok lang po ba kay

  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 79: New CEO

    "SIR, NAGHIHINTAY na ang mga board," ani Hiro habang hindi mapakali si Gael sa kinatatayuan niya. Kinakabahan siya at hindi niya mawari ang nararamdaman. Natatakot siyang matalo at mapunta kay Serum ang lahat ng dapat sa kaniya."Hiro, ano'ng gagawin natin? I-I know most of the boards are now in Serum's hand at wala na tayong magagawa roon," frustrated niyang sambit. "Kahit ano'ng panliligaw ang gawin natin sa kanila, hindi na sila papanig sa atin."Malungkot na yumuko si Hiro. "Sir, hindi pa tapos ang laban and we need to fight no matter what. Kailangan ninyong magtiwala sa kakayahan mo, sa mommy mo at sa mga board na nagtitiwala sa iyo.""Tama si Hiro, Gael at naniniwala akong hindi ang pera o suhol ang rason para iboto ka nila, kung 'di dahil sa kakayahan mo, sa talino mo sa paghawak ng kompanya at sa kaya mo pang gawin. We believe in you, kami ng anak mo at alam kong ganoon din sila sa iyo." Ngumiti si Tali na kakapasok lang silid, akay si Callum.Napangiti si Gael at mabilis na n

  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 78: Singko Family

    MASAYANG ngumiti si Tallulah habang pinagmamasdan niya ang pagkaing niluto niya para kay Gael. Balak niya iyong dalhin sa kompanya para makakain ito dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado itong busy sa trabaho at dahil na rin sa nalalapit na board meeting kaya kailangan nitong maghanda para sa pwedeng ibato sa kaniya ni Serum.Matapos niyang ilagay sa lunch box ang pagkain, masaya siyang lumabas na ng bahay. Nasa school naman si Callum at dadaanan na lang niya ito mamaya pag-uwi niya. Nag-commute na lang siya dahil wala namang available na sasakyan sa bahay.Nang makarating siya sa kompanya, agad siyang nagbayad at bumaba sa taxi. Ngumiti siya at tiningnan muli ang dalang lunch bag. Siguradong magugustuhan iyon ni Gael dahil pinuno niya ng pagmamahal ang pagkaing inihanda niya para rito.Naglakad na siya papasok sa ground floo ng building. Ngumiti siya sa guard at ganoon din ito. Kilala na rin naman kasi siya sa kompanya bilang girlfriend ni Gael kaya hindi na rin nakakapagtaka na

  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 77: CEO

    "HIRO, how's the investigation?" tanong ni Gael habang nakaupo siya sa kaniyang opisina."We need more time to gather all the evidence we needed, Sir. Hindi pa matibay na evidence ang ilang email and texts mula sa ilang boards para idiin si Serum at ang ilang kasabwat nito," ani Hiro na nakatayo sa tapat niya.Pinatong niya ang siko sa table at marahang hinaplos ang labi niya. "I can't wait any longer, Hiro kailangan nating makahanap ng matibay na evidence para makulong si Serum at mapagbayaran niya lahat ng anomalyang ginagawa niya sa kompanya," galit niyang sabi."Don't worry, Sir gumagawa na tayo ng paraan para makakuha pa ng mas matibay na ebedensiya at hindi magtatagal magagamit natin 'yon para ipakulong si Serum."Bumuntonghininga siya. Hindi siya matatahimik hanggat alam niyang nandiyan pa sa kompanya si Serum. Alam niya ang gusto nitong gawin sa negosyo ng pamilya niya at alam niyang utay-utay na nitong kinakain ang kompanya para tuluyang mapasakaniya ang lahat ng pinaghirapan

  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 76: Pregnant

    "I-I'M sorry, Tali," simula ni Kendrick habang nakaupo ito sa sofa kung saan katapat nito siya. "Sorry for what?" nagtataka niyang tanong. Nagulat na lang siya nang sumulpot ito sa tapat ng bahay nila matapos ang ilang linggo na hindi ito nagparamdam sa kaniya. Si Callum naman ay hinayaan muna niyang maglaro sa labas."Sorry for everything that I've done, sa mga pagkakamali ko, sa mga kasalanan ko." Bumuntonghininga ito, saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nangyari sa ating dalawa. Nahirapan ako, nasaktan ako ng sobra dahil akala ko, ikaw na ang babaeng makakasama ko buong buhay ko." Umiling ito. "I-I don't know how to start again without you, without Callum sa buhay ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko, ang pangarap ko dahil kayo lang naman ang bumuo niyon and it's so hard for me to accept everything." Malungkot itong ngumiti.Hindi siya nakakibo. Kumurap siya at marahang yumuko dahil na

  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 75: Happiness

    HINDI rin naitago ang saya ng mga magulang ni Tallulah nang malaman nito ang estado nila ni Gael dahil para sa kanila, iyon ang mas mabuti para kay Callum at sa kanilang dalawa dahil nagmamamahalan naman sila."I can't believe it's happening, Tali." Bakas pa rin ang saya sa boses ni Gael na animo'y hindi pa rin makapaniwala sa pagtanggap niya sa pagmamahal nito. "Alam kong nasaktan kita, nagtiis ka sa kagag*han ko, sa lahat ng ginawa ko at alam kong hindi ganoon kadaling tanggapin muli ako. I-I don't know how to explain how happy I am right now."Natawa siya habang nakahawak siya sa braso nitong nakayakap sa katawan niya mula sa kaniyang likod. "Nasaktan ako because that was my choice, Gael dahil kung hindi ko piniling ipilit ang sarili ko sa iyo noon, hindi ako masasaktan, wala tayo sa ganoong sitwasyon. Matagal ko nang tinanggap na lahat ng sakit at hirap na naranasan ko, dahil iyon sa mga naging desisyon ko noon pero hindi ko iyon lahat pinagsisihan dahil kung hindi ko ginawa iyon,

  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 74: Acceptance

    HANGGANG ngayon iniisip pa rin ni Tallulah ang maraming tanong sa isip niya na gusto niyang masagot pero hindi niya alam kung paano. Naguguluhan siya, hindi niya maintindihan ang lahat ng sinabi ni Braille sa kaniya na kahit anong gawin niya para unawain iyon, hindi niya magawa.Bumuntonghininga siya habang naglalakad patungo sa school ni Callum. Kakagaling lang niya sa trabaho at doon na dumeretso.Dahil sa lalim ng iniisip niya, dumeretso siya sa pagtawid sa kalsada nang hindi namamalayang mayroong sasakyan na daaraan. Ukupado kasi ng maraming bagay ang isip niya na kahit tunog sa paligid at pagtingin doon ay hindi na niya nabigyan pa ng pansin. Narinig na lang niya ang malakas na pagbusena ng sasakyang padaan at doon lang bumalik ang huwisyo niya. Nanlaki ng mga mata niya nang makita ang papalapit na sasakyan. Huli na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi na rin gumana pa ang isip niya para makaiwas. Iyon na ba ang katapusan ng buhay niya? Pero hindi pa pwede.Sunod na lang niyan

  • Nabuntis Ako ng Bilyonaryo    Kabanata 73: Friendship

    "KENDRICK, a-anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan?" gulat na salubong ni Tali nang madatnan niya ang binata sa harap ng bahay nila, nakaupo sa gilid ng bakod.Mabilis itong tumayo at hinarap siya. Ngumiti agad ito. "Ahm! G-gusto ko sanang ihatid ka sa trabaho mo since 'di naman ako busy today," tila nahihiya nitong sabi. Napakamot pa ito sa batok.Ngumiti siya. "Hindi na kailangan, Kendrick. Magko-commute na lang ako. Malapit lang din naman iyon.""No, Tali hassle mag-commute at isa pa, nandito na rin naman ako kaya pumayag ka na."Bumuntonghininga siya. "Kendrick, hindi mo 'to kailangang—""No, I insist, Tali. Gusto kong gawin 'to, pagsilbihan ka ulit...makasama." Bumakas ang labis na lungkot sa mukha nito."Pero hindi na tayo gaya ng dati. If you keep on doing this, mas mahihirapan kang kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin.""Dahil ayaw kong kalimutan ka, Tali dahil mahal kita.""Pero hindi na tayo pwede, Kendrick. We need to live our own life dahil iyon ang mas makabu

DMCA.com Protection Status