"HUH? Nahihibang ka na ba, Tali? Ganiyan ka na ba ka-desperada kay Kuya Gael para gawin mo 'yang binabalak mo?" gulat na reaction ni Brielle nang sabihin ni Tallulah na handa siyang ibigay ang sarili sa binata para lang makuha ito.
Yumuko siya. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya pero wala siyang ibang maisip na paraan para hindi ito tuluyang umalis. "Pero aalis na siya, Brielle? He will leave me! Paano na ako kapag nawala siya? Hindi ko alam kung paano ako kapag tuluyan siyang nawala," aniya na naiiyak na naman dahil iniisip pa lang niyang iiwan siya ni Gael, pakiramdam niya'y mababaliw na siya.Nasapo ni Brielle ang noo nito. Mabuti na lang at nasa silid sila ng dalaga dahil kung marinig ni Kendric ang sinabi niya, baka nabatukan na siya nito."My God, Tali! You're out of your mind at hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang mawala si Kuya Gael dahil kinid-nap mo," naiiling nitong sabi. "Can you please think before you decide, Tali dahil hindi mo alam ang pwedeng mangyari. He hates you!""I don't care if he hates me, Brielle basta gusto ko siyang pakasalan. Wala akong ibang gustong mapangasawa kung 'di si Kuya Gael lang. I love him so much." Parang mababaliw na siya dahil alam niyang galit sa kaniya ang binata."Tali, stop acting like you're still a child. Hindi ka na bata na kapag gusto mo, makukuha mo. Tama si Kuya Gael, hindi lahat ng gusto natin makukuha natin. Hindi siya Candy na kapag umiyak ka, ibibigay ng Daddy mo," sermon ni Brielle.Natigilan siya habang nakanguso. Pinahid niya ang luhang hindi niya namalayang tumulo na pala. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa kaibigan at hindi na lang umimik. Kahit ano'ng sabihin nila, hindi siya papayag na hindi mapunta sa kaniya si Gael.Kapagkuwa'y napapitlag siya nang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong kinuha. Labis na nagliwanag ang mukha niya nang mabasa ang pangalan ni Gael. Napangiti siya na animo'y nagtagumpay sa laban."He's calling, Brielle. Sabi ko naman sa 'yo, hindi niya ako matitiis, eh," masayang sabi niya bago sinagot ang tawag."Kuya! Kuya Gae—""Hello, Ma'am bartender po ako sa Bar kung nasaan si Sir. Masyado na po kasi siyang lasing at hindi na kayang tumayo. Kayo lang po kasi ang nasa contact niya, eh," sabi ng lalaking nasa kabilang linya."S-si Kuya? S-sige po, papunta na ako," tarantang sabi niya. "I'm sorry again, Brielle sa nangyari pero kailangan ko nang umalis. Happy birthday ulit!""Tali, wait—" Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang mabilis siyang lumabas ng silid nito para puntahan si Gael.Tila umaayon sa kaniya ang tadhana dahil mas madali niyang magagawa ang plano para tuluyang hindi siya iwan ng binata. Desperada na kung desperada pero iyon lang ang alam niyang paraan para hindi mawala ang binata.Ilang sandali pa'y narating niya ang sinabing Bar ng lalaking bartender, agad siyang pumasok doon at nadatnan niya si Gael na nakasubsub sa counter at halatang hindi na nito kayang buhatin ang sarili dahil sa labis na tama ng alak sa katawan nito."Kuya Gael! Kuya Gael!" Napangiti siya nang hindi ito magising. Nagpaalam na siya sa bartender at binayaran na rin ang lahat ng in-orders ng binata. Nagpatulong pa siyang maidala si Gael sa kotse niya dahil 'di hamak na mabigat ito samantalang may kaliitan siya.Agad niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa bahay ni Gael dahil alam naman niya kung saan ito nakatira. Halos kapitbahay lang niya ito at sila Brielle kaya hindi na mahirap sa kaniya kung saan ito dadalhin. Nag-iisa lang din ito sa bahay dahil wala naman itong nababanggit tungkol sa pamilya nito. Basta ang alam niya, kaibigan ito ni Kendric.Nang makarating sila sa bahay nito, agad siyang bumaba para alalayan ito palabas ng sasakyan. Nahirapan pa siyang gumalaw dahil nakasuot pa rin siya ng gown dahil hindi na siya nakauwi pa para magpalit."Kung sa tingin mo hindi kita makukuha, nagkakamali ka, Kuya Gael dahil pagkatapos ng gabing ito, magiging akin ka na habang-buhay." May pilyang ngiti ang pumostora sa mga labi niya.Kahit mabigat at nahihirapan siyang alalayan si Gael, pinilit niyang madala ito sa bahay. Nakailang beses pa silang natumba bago nakarating doon. Madali lang niyang nakuha ang susi nito dahil alam niya noon pa kung saan nito iyon nilalagay. Napangiti siya nang tuluyan silang makapasok sa munti nitong tahanan na sa pagkakaalam niya, ni-rent-ahan lang ito ng binata.Agad niyang pinasok sa silid si Gael at sabay pa silang bumagsak sa kama dahil sa bigat nito. Pumaibabaw siya at humagikgik dahil sa kilig. Matagal niyang pinangarap ang mapalapit ng husto sa binata at ngayong gabi, mararamdaman niya ito. Hindi na siya umalis sa ibabaw nito. Pinagmamasdan niya ang gwapo nitong mukha. Ang mapupula nitong mga labi, ang makapal na kilay, ang matangos na ilong. Lahat sa binata'y tila perpekto sa paningin niya."Alam kong hindi mo ako gusto, Kuya Gael pero hindi ko kayang tanggapin iyon. Hindi ko kayang makita kang masaya sa iba. I love you, Kuya Gael," seryosong sabi niya habang marahang hinihimas ang pisngi nito.Umungol naman si Gael na hindi na alam ang nangyayari dahil sa matinding tama ng alak. Nakita niya ang sugat sa gilid ng labi nito dahil sa suntok ni Kendric. Sumimangot siya dahil naaawa siya sa binata dahil nasaktan pa ito.Dahan-dahan siyang pumantay sa mukha nito. "Napaka-cute at napakagwapo mo talaga, Kuya Gael!" Napuno ng masayang ngiti at kilig ang mukha niya. Marahan pa niyang pinisil ang pisngi nito. Pinakatitigan niya ng husto ang kabuuan ng mukha nito na animo'y kinakabisa niya iyon. "I'm sorry, Kuya Gael pero kailangan kong gawin ito. I'm going crazy if you leave me! Hindi ko kaya Kuya Gael. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang maging masaya na wala ka kaya gagawa ako ng paraan para hindi mo ako tuluyang iwan. Sa ayaw at sa gusto mo, mamahalin mo ako."Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa labi ni Gael. Matagal niyang pinangarap na madampian ng kaniyang labi ang labi nito. Binalot siya ng kaba at labis ma excitement."Uhm!"Nagulat siya nang bigla na lang itong tumagilid at hinawakan siya. Tila yakap siya ng binata habang nakapikit pa rin ito. Lalong nagliwanag ang mukha niya dahil ramdam na ramdam niya ang bisig nito habang magkatapat pa rin ang kanilang mga mukha."Why you're so cute!" Hindi niya mapigilang mapahagigik sa tuwa.Ngumuso siya at pumikit habang dahan-dahan nilalapit ang mukha kay Gael hanggang sa tuluyang naramdaman niya ang malambot na labi nito. Kahit naamoy niya ang alak sa bibig nito, hindi pa rin niyon naalis ang mabangong hininga nito. Ninamnam niya ang pakiramdam na mahalikan ito kahit walang tugon mula rito.Niyakap pa niya ang binata. Wala siyang pakialam kung alam nito o hindi ang nangyayari. Gusto niyang i-surprise ito kinaumagahan.Nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa. Bahagya niya itong itinulak para tumihaya ito. Mahinang ungol lang ang naririnig niyang tugon nito. Kapagkuwa'y gumalaw ito para alisin ang butones ng suot nitong white long sleeves dahil marahil sa init na nararamdaman nito dahil sa alak."Uhm!" tanging anito.Napangiti siya, saka pumatong sa ibabaw nito. "I'm sorry, Kuya Gael pero akin ka na pagkatapos ng gabing ito. Wala nang dahilan para ipagtabuyan mo pa ako." Pilya siyang ngumisi.Sinimulan niyang halikan ang binata sa labi nito. Hindi siya tumigil kahit walang tugon mula rito. Inisa-isa na rin niyang alisin ang butones ng suot nito hanggang sa malantad sa kaniya ang maganda nitong katawan na animo'y hinulma ng maayos at maingat para rito. Hindi niya maiwasang hindi mamangha. Dinama niya ang mga abs nito na matagal niyang pangarap. Ilang beses din kasi niya iyong nakita.Habang patuloy siya sa paghalik, nagulat na lang siya nang maramdaman niya ang pagganti ni Gael sa bawat halik niya. Natigilan siya at hindi nakalagaw nang ilang segundo. Nagising ba ang binata? Hindi niya alam. Nang makahuma siya, hindi niya iyon pinansin dahil iyon naman ang hinahanap niya, ang pagganti nito sa bawat halik niya.Hinawakan ni Gael ang batok niya at mas diniin ang ulo niya sa labi nito. Bakit hindi siya nito tinulak kung gising ito? O marahil baka ibang babaeng ang iniisip nito lalo't nasa impluwensiya ito ng alak.Hindi siya nagpatalo sa malalim at marubdob nitong halik na napuno ng pagnanasa. Ginantihan niya iyon habang sinimulan niyang hubarin ang gown na suot niya at nagapapahirap sa kaniya sa paggalaw.Humiwalay siya sa binata at nakita niyang nakapikit pa rin ito pero bakit gumanti ito sa halik niya at hinawakan ang kaniyang leeg? Hindi na lang niya iyon pinansin hanggang sa tuluyang mahubad niya ang suot na gown. Tanging underwear at bra na lang ang nakatakip sa katawan niya pero wala siyang maramdamang hiya. Excited siya na ibigay sa binata ang katawan niya.Muli niyang hinalikan ang binata at sa pagkakataong iyon, mas malalim at marubdob iyon na animo'y sabik na siyang angkinin nito. Walang pagsisisi o pagdadalawang-isip sa kaniya dahil iyon naman ang gusto niya. Wala siyang pakialam sa kahihiyan at dignidad niya bilang babae sa harap ng binata dahil noon pa man, iyon na ang tingin ni Gael sa kaniya.Dumako sa leeg ng binata ang halik niya pababa sa matigas nitong katawan. Pinaglaruan niya ang abs nito na lalong nagpainit pa sa nararamdaman niya. Bumilis pa ang tibok ng puso niya. Dama rin niya ang panghihina ng tuhod niya dahil sa kakaibang nararamdaman niya.Nang dumako ang mga labi niya sa puson nito, natigilan siya dahil sa suot nitong pants. Mabilis niya iyong hinubad hanggang sa malantad ang umbok sa pagitan ng mga hita nito na nakatago sa underwear nito. Na-excite siya na may halong kaba dahil alam niyang masasaktan siya noon lalo't alam niyang may kalakihan ang pag-aari ng binata. Iyon din ang kaunahang ibibigay niya ang kaniyang sarili. Natatakot man siya pero buo na ang desisyon niya.Nang muli siyang pumatong sa ibabaw ng binata, naramdaman niya ang pagkalalak! nito sa pang-upo niya na lalong nagbigay sa kaniya ng init at kakaibang pakiramdam. Kahit nasa impluwensiya ito ng alak, naapektuhan pa rin ito sa binibigay niyang pakiramdam dahil naramdaman niyang mas tumigas ang bagay na iyon.Kapagkuwa'y muli na naman niyang pinagsawaang angkinin ang labi ng binata kasabay ng ganti ng labi nito. Mas naging maalab iyon at pilit inaabot ang dila niya. Halos habol niya ang paghinga dahil doon pero hindi siya huminto. Gusto niyang iparamdam sa binata ang init at pagmamahal niya na hindi nito malilimutan hanggang sa paggising nito.Mayamaya'y pa'y gumalaw ang kamay niya hanggang sa mapunta iyon sa matigas na pagkalalak! ni Gael. Nakasuot pa ito ng brief kaya hinimas niya iyon na halos lumabas na sa garter na suot nito ang dulo niyon dahil sa pagtigas ng bagay na 'yon. Marahan ang bawat paghimas niya hanggang sa tuluyan niyang pinasok ang kamay sa loob niyon. Pakiramdam niya'y napaso siya pero sa kabila niyon, nakadama siya ng ligayang hinahanap niya. Napalunok siya dahil mas malaki iyon sa inaasahan niya.Tuluyan na rin siyang nilamon ng init at kakaibang ligayang bumabalot sa kaniya kaya hindi na niya naisip pang itigil ang ginagawa. Marahan niyang tinaas baba ang kamay niya habang hawak ang pagkalalak! ng binata habang nakaupo siya sa gawing binti nito. Kita niya ang pagkagalit niyo."Uh-oh! F*ck, Lilliana," ungol nito na halos mabaliw na sa ginagawa niya.Natigilan siya sa narinig nitong pangalan. Halatang hindi niya iyon pangalan. Sino ang babaeng iyon? Bakit binanggit nito iyon? Sa matagal na nakilala niya ang binata, hindi niya narinig mula rito ang pangalang iyon. Pakiramdam niya'y piniga ng husto ang puso niya dahil sa katotohanang may ibang lalaking mahal si Gael at hindi siya iyon.Naramdaman niya ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Umiling siya. "No! Walang ibang babaeng pwedeng umagaw sa 'yo, Kuya Gael. Ako lang ang babaeng para sa iyo, walang iba!" madiin at puno ng galit niyang sabi. Pinahid niya ang luha at pinagpatuloy ang ginagawang paglalaro sa pagkalalak! nito. Mas binigyan niya iyon ng masuyong hagod at mas binilisan na nagpaigtad sa binata at nagpapaungol."I'll make sure you will be mine, Kuya Gael!" banta niya.Tuluyan niyang hinubad ang bra at panty na suot niya. Napabuga siya ng hangin para kumuha ng lakas ng loob na gawin ang plano niya. Dahan-dahan siyang sumampa sa ibabaw nito habang hawak ang nagngangalit nitong pagkalalak! na tila sabik sa pagpasok sa bukana niya.Dahil halos hindi makakilos si Gael, siya na lang ang gagawa ng lahat para mapaligaya ito. Dahan-dahan niyang tinutok ang nag-aalab nitong pagkalalak! sa kaniyang bukana. Kinakabahan siya dahil alam niyang masasaktan siya pero wala nang makapipigil pa sa kaniya.Nang maramdaman niya ang dulo niyon sa kaniya, napakagat labi siya at napalunok. Binalot siya ng labis na init at kakaibang pakiramdam. Bahagya siyang tumingala bago dahan-dahan ipinasok sa pagkababa* niya ang ar! nito. Muntik pa siyang mapasigaw pero napigilan niya sa pagkagat ng kaniyang mga labi.Napangiwi si Tallulah dahil sa sakit at hapding nararamdaman niya habang mas binabaon niya iyon sa kaniyang pagkababa*. Tiniis niya dahil alam niyang mapapalitan iyon ng saya at ligaya.Kapagkuwa'y naramdaman niya ang paghawak ni Gael sa balakang niya. Napatuon siya sa matigas nitong dibidb."F*ck!" mura nito habang nakapikit."Uh-uh! K-Kuya Gael! Uh-uh!" Hindi na rin niya napigilan ang mapaungol dahil nagsimula na itong gumalaw. Naramdaman niya ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata, hindi lang dahil sa sakit kung 'di dahil sa ginawa niya para lang makuha ang binata.Sinimulan na rin niya ang paggalaw sa ibabaw nito. Ang hapdi at sakit na nararamdaman niya kanina'y napalitan ng labis na sarap at ligayang hinahanap niya sa piling ni Gael. Sumabay na rin ito sa pag-indayog habang hawak siya sa balakang. Mas bumilis iyon at mas napuno ng init at kakaibang pakiramdam.Pakiramdam niya'y malapit na siya sa langit kasama ang lalaking pinakamamahal niya. Wala siyang pinagsisihan sa ginawa niya dahil alam niyang pagkatapos niyon, matatali na sa kaniya si Gael.MARAHANG gumalaw si Tallulah mula sa kaniyang pagkakahiga. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang sakit at hapdi sa pagitan ng kaniyang mga hita. Direkta rin niyang naramdaman ang malamig na hangin sa katawan niya.Kapagkuwa'y nagmulat siya ng kaniyang mga mata at sumalubong sa kaniya ang maliwanag na paligid, senyales na mataas na ang sikat ng araw. Ganoon na lang ang gulat niya nang mapansing wala siyang saplot at may matigas na bisig siyang inuunan habang may matipunong braso na nakayakap sa kaniya.Natigilan siya nang maalala kung ano'ng ginawa niya nang nagdaang gabi. Natampal niya ang kaniyang noo at nakagat ang pang-ibabang labi. Bigla niyang na-realize ang kagagahang ginawa niya. Dahan-dahan siyang humarap sa binata at tumambad sa kaniya ang gwapo nitong mukha kahit tulog ito. Dama niya ang init ng katawan nitong nakayakap sa kaniya."Ano ba 'tong ginawa mo, Tali?" gusot ang mukhang tanong niya sa kaniyang sarili. Ano pang mukhang maihaharap niya sa binata gayong ibinaba niya a
"WHETHER you like it or not, Gael you should take your responsibility to my daughter," malumanay pero may diing sabi ni Gilberto sa binata habang kaharap ito at ang pamilya ni Tallulah."Gilberto is right, hijo hindi ka na bata kaya alam mo ang responsibility at ang consequence sa ginawa mong action. You're matured enough to understand everything," segunda naman ng ina niyang si Caroline."Pero Tito, wala akong ginawa. I don't know what happened last night but I know I didn't do anything to her at wala akong gagawin sa anak ninyo. Kahit pa maghubad siya sa harap ko, hindi-hindi ako papatol sa kaniya," balik ni Gael habang magkasalikop ang mga palad nito. Bakas ang frustration sa mukha nito. "Isa pa, I don't love your daughter, parang kapatid na ang turing ko sa kaniya," dagdag pa nito.Nagkatinginan ang mag-asawa habang nanatili lang siyang nakayuko at pinaglalaruan ang sariling mga kamay. Natatakot siyang baka walang magawa ang mga magulang niya at tuluyang iwan siya ni Gael."H-hind
"BAKIT kasi hindi pa ako nabuntis ni Kuya Gael? 'Di sana wala na siyang kawala at mapipilitan siyang pakasalan ako—Aray!" Nasapo ni Tallulah ang batok niya na tinamaan ng kamay ni Brielle habang masama ang tingin nito sa kaniya."Nahihibang ka na ba talaga, Tali? Seriously, gusto mong mabuntis ka ni Kuya Gael." Kulang na lang ay sapakin siya nito para magising siya sa katotohanan. "Remember, nag-aaral pa tayo at ganoon din si Kuya Gael, graduating na siya this year at masisira lahat ng pangarap ninyo kapag nagkataon," anito.Ngumuso siya at marahang hinimas ang ulo. "I don't care, Brielle dahil kaya naman kaming buhayin ng pamilya ko, 'di ba? Pwede niyang manahin ang kompanya ni Dad because he's my husband kaya hindi na namin kailangang mangarap dahil ako, si Kuya Gael lang ang pangarap ko," masaya niyang sabi.Napailing si Brielle. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Tali? Jusko! Mababaliw ako sa iyo!" hagas nitong sabi at nauna na itong naglakad patungo sa sasakyan nito. Katatapos lan
"DALA mo ba ang pinabili ko sa 'yo, Brielle?" pabulong na tanong ni Tallulah nang makapasok ang kaibigan niya sa kaniyang silid. Pinapunta kasi niya ito roon para bilhan siya ng pregnancy test at nang ma-confirm niya kung bakit palagi siyang nasusuka at nanghihina.Tumango si Brielle. "Hindi ko na alam ang gagawin sa 'yo, Tali! My God! Ako ang kinakabahan sa pinagagawa mong kagagahan. Paano kung totoong buntis ka? Paano na ang buhay mo, you're too young to be a mother, ni wala kang alam sa pag-aalaga ng bata. Paano ang pag-aaral mo?" hagas na anito. Binigay nito ang Pregnancy Test sa kaniya at agad niya iyong kinuha.Umirap siya sa kaibigan. "Don't overreact, ok? Kung buntis man ako, eh, 'di good dahil magagamit ko ang bata para pakasalan ako ni Kuya Gael. Saka, napag-aaralan naman ang pagiging ina, 'no? Sumilay ang excitement at saya sa mga ngiti niya. "Hindi na ako makapaghintay na pakasalan siya, Brielle dahil simula noon, ito lang naman talaga ang pangarap ko. I want to be Mrs. Ra
"BAKIT niyo ho ako pinatawag, Tito?" basag ni Gael sa katahimikan sa pagitan nilang lahat habang nakaupo sila sa sofa sa sala. Ni isa walang gustong umimik habang labis na kinakabahan si Tallulah sa mangyayari.Tumikhim si Gilberto at hindi magawang tumingin kay Gael dahil kilala nito ang binata at ang buhay nitong puno ng pangarap at ayaw sana nitong sirain iyon. "H-hijo, I'm sorry sa biglang pagpapatawag ko sa 'yo but we need to discuss an important matters," simula nito. Ngumiti si Gilberto sa binata. "Gael, matagal na kitang kilala at alam ko ang lahat ng pangarap mo sa buhay at ang kabutihan mo." Saglit itong natigilan. "And I always support you whatever you wants to do."Nag-angat siya ng tingin kay Gael at kita niyang naguguluhan ito sa mga sinabi ng kaniyang ama. Tahimik lang sila ng kaniyang ina.Nag-aalangang ngumiti ang binata. "S-salamat po, Tito pero bakit ho sinasabi ninyo sa akin ito?"Bahagyang umiwas si Gilberto ng tingin at bumaling sa kaniyang anak pero agad din siy
DAHAN-DAHAN binukas ni Tallulah ang mga mata niya pero agad niyang nasapo ang kaniyang ulo dahil sa pagkirot niyon. Naramdaman din niya ang pagkahilo at bigat ng katawan niya."M-Mom," tawag niya sa kaniyang ina. Inaninag niya ang paligid at halos puti ang nakita niya. Kinabahan siya. Nasa langit na ba siya? "M-Mom, D-Dad? K-Kuya Gael?" muli niyang tawag. Mayamaya'y mas luminaw na ang paningin niya at napagtanto niyang nasa silid siya at nakahiga sa hospital bed."T-Tali, anak!" narinig niyang boses ni Caroline. Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya.Bumaling siya sa kaniyang ina at tumambad ito sa kaniya habang nasa likod nito si Gilberto. Kapwa bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya tinuloy nang maramdaman niya ang hilo at sakit ng kaniyang ulo. "Just rest, Tali huwag ka munang magparagalaw dahil sabi ng Doctor, kailangan mong magpahinga para bumalik ang lakas mo," paliwanag ni Caroline sa kaniya. Ngumiti ito na bakas doon ang
"GAEL, I'm sorry kung nandito ulit ako para pilitin kang pakasalan ang anak naming si Tallulah pero wala kaming ibang maisip na paraan para tapusin ang kahihiyang ito. Hindi rin kami papayag na lumaking walang ama ang apo namin at maging disgrasyada si Tali. Kailangan ka niya, Gael kailangan ka ng bata lalo't maselan ang pagbubuntis niya at narinig mo lahat mula sa Doctor. Kaya please, marry my daughter. I'll do everything to support your dreams. You just need to be my daughter's husband. Manatili ka lang sa tabi niya," pagmamakaawa ni Gilberto kay Gael na halos lumuhod na ito sa harap niya.Kasalukuyan silang nasa cafe malapit sa hospital para kausapin siya nito at alam niyang tungkol iyon kay Tallulah.Umiwas siya ng tingin. Kilala niya si Gilberto at alam niyang mabuti itong tao at ginagawa lang din nito ang lahat para sa anak nito. Hindi agad siya umimik dahil kahit mauntog siya, hinding-hindi niya mamahalin si Tallulah dahil sa lahat ng ginawa nito. Ayaw niyang magtagumpay ito sa
"P-PO? NEXT week? Pero Tito, hindi ho ba masyado naman ata kayong nagmamadali na makasal kami ni Tallulah?" gulat na ani Gael nang sabihin ng ama ni Tallulah na gusto nitong ikasal agad sila sa susunod na linggo.Tumango si Gilberto habang tahimik lang siyang nakaupo sa sala nang bahay niya. Kahapon pa siya lumabas ng hospital at hindi man lang siya pinuntahan doon ni Gael para samahan siya sa pag-uwi. Tanging si Kendric at ang kaibigan niyang si Brielle ang dumating doon."Gael, ilang linggo na lang at mahahalata na ang tiyan ni Tali at bago pa mangyari iyon, dapat makasal na kayo para maiwasan ang mas malaking kahihiyan ng anak ko," dahilan ng kaniyang ama."Tama si Gilbert, hijo mas maaga mas maganda para mabawasan ang maraming isseus tungkol sa inyong dalawa," segunda naman ni Caroline.Bumuntong-hininga si Gael at bakas ang labis na pagtutol sa mukha nito sa maagang kasal nilang dalawa na kabaligtaran sa nararamdaman niya dahil hindi na siya makapaghintay na ikasal silang dalawa.
NIYAKAP NI Tali ang sarili nang umihip ang malamig na hangin mula sa dalampasigan. Palubog na ang araw kaya naisip niyang maglakad muna sa tabi ng dagat bago magsimula ang bonfire ng pamilya.Nasa isang resort sila sa Cavite para roon magdiwang ng birthday ni Callum at ng isang pang magandang balita para sa kanila ni Gael.Ilang buwan na ang nagdaan, marami nang nagbago pero ang pagbabagong iyon ay naging mabuti para sa lahat. Tuluyang nakulong si Serum dahil sa mga kasalanan nito at gayon din ang ama ni Kendrick na siyang sumalo ng lahat. Hindi siya masaya sa nangyari pero kailangan niyang itama ang lahat. Bumuntonghininga siya at lumingon sa palubog na araw. Napangiti siya dahil sa napakaganda niyon. Kumalat ang kulay kahel na ulap habang sumasabay ang alon ng dagat na nagbibigay ng magandang tanawin.Nagpatuloy siya sa paglalakad pero agad siya nagulat nang bigla na lang may yumakap sa kaniyang tela."You should wear jacket, baka malamigan si baby." Napangiti siya nang makilala si
MABILIS na nilapitan ni Gael si Serum at ginawaran ito ng suntok. Natumba ang binata at dahil sa galit niya, pumaibabaw siya at ginawaran ito ng sunod sunod na suntok. Bawat tama ng kamao niya, bitbit niyon ang galit.Ngunit mabilis din niyang pinigilan ng mga naroon. Duguan ang labi ni Serum habang nakalupasay ito at hindi na halos makatayo. Binalingan niya si Hiro na namimilipit sa sakit."H-Hiro! Hiro, are you ok?" Nababahala niyang tanong.Mayamaya pa, dumating na rin ang mga pulis agad nilang inaresto si Serum. Nilapitan niya si Hiro. "I-I'm fine, Sir," sabi nito. Nagawa pa nitong ngumiti."I'm sorry, Serum," ani naman ng kaniyang ina."It's my duty to protect you and Sir Gael, Madam."Ilang saglit pa at may dumating na rin na medical team para kunin doon si Hiro at dalhin sa hospital."A-ano'ng nangyari?"Kapwa napalingon si Gael at Donna nang makita si Tali at Callum na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-ina. Lumapit si Tali at agad siyang niyakap."Ok lang po ba kay
"SIR, NAGHIHINTAY na ang mga board," ani Hiro habang hindi mapakali si Gael sa kinatatayuan niya. Kinakabahan siya at hindi niya mawari ang nararamdaman. Natatakot siyang matalo at mapunta kay Serum ang lahat ng dapat sa kaniya."Hiro, ano'ng gagawin natin? I-I know most of the boards are now in Serum's hand at wala na tayong magagawa roon," frustrated niyang sambit. "Kahit ano'ng panliligaw ang gawin natin sa kanila, hindi na sila papanig sa atin."Malungkot na yumuko si Hiro. "Sir, hindi pa tapos ang laban and we need to fight no matter what. Kailangan ninyong magtiwala sa kakayahan mo, sa mommy mo at sa mga board na nagtitiwala sa iyo.""Tama si Hiro, Gael at naniniwala akong hindi ang pera o suhol ang rason para iboto ka nila, kung 'di dahil sa kakayahan mo, sa talino mo sa paghawak ng kompanya at sa kaya mo pang gawin. We believe in you, kami ng anak mo at alam kong ganoon din sila sa iyo." Ngumiti si Tali na kakapasok lang silid, akay si Callum.Napangiti si Gael at mabilis na n
MASAYANG ngumiti si Tallulah habang pinagmamasdan niya ang pagkaing niluto niya para kay Gael. Balak niya iyong dalhin sa kompanya para makakain ito dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado itong busy sa trabaho at dahil na rin sa nalalapit na board meeting kaya kailangan nitong maghanda para sa pwedeng ibato sa kaniya ni Serum.Matapos niyang ilagay sa lunch box ang pagkain, masaya siyang lumabas na ng bahay. Nasa school naman si Callum at dadaanan na lang niya ito mamaya pag-uwi niya. Nag-commute na lang siya dahil wala namang available na sasakyan sa bahay.Nang makarating siya sa kompanya, agad siyang nagbayad at bumaba sa taxi. Ngumiti siya at tiningnan muli ang dalang lunch bag. Siguradong magugustuhan iyon ni Gael dahil pinuno niya ng pagmamahal ang pagkaing inihanda niya para rito.Naglakad na siya papasok sa ground floo ng building. Ngumiti siya sa guard at ganoon din ito. Kilala na rin naman kasi siya sa kompanya bilang girlfriend ni Gael kaya hindi na rin nakakapagtaka na
"HIRO, how's the investigation?" tanong ni Gael habang nakaupo siya sa kaniyang opisina."We need more time to gather all the evidence we needed, Sir. Hindi pa matibay na evidence ang ilang email and texts mula sa ilang boards para idiin si Serum at ang ilang kasabwat nito," ani Hiro na nakatayo sa tapat niya.Pinatong niya ang siko sa table at marahang hinaplos ang labi niya. "I can't wait any longer, Hiro kailangan nating makahanap ng matibay na evidence para makulong si Serum at mapagbayaran niya lahat ng anomalyang ginagawa niya sa kompanya," galit niyang sabi."Don't worry, Sir gumagawa na tayo ng paraan para makakuha pa ng mas matibay na ebedensiya at hindi magtatagal magagamit natin 'yon para ipakulong si Serum."Bumuntonghininga siya. Hindi siya matatahimik hanggat alam niyang nandiyan pa sa kompanya si Serum. Alam niya ang gusto nitong gawin sa negosyo ng pamilya niya at alam niyang utay-utay na nitong kinakain ang kompanya para tuluyang mapasakaniya ang lahat ng pinaghirapan
"I-I'M sorry, Tali," simula ni Kendrick habang nakaupo ito sa sofa kung saan katapat nito siya. "Sorry for what?" nagtataka niyang tanong. Nagulat na lang siya nang sumulpot ito sa tapat ng bahay nila matapos ang ilang linggo na hindi ito nagparamdam sa kaniya. Si Callum naman ay hinayaan muna niyang maglaro sa labas."Sorry for everything that I've done, sa mga pagkakamali ko, sa mga kasalanan ko." Bumuntonghininga ito, saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nangyari sa ating dalawa. Nahirapan ako, nasaktan ako ng sobra dahil akala ko, ikaw na ang babaeng makakasama ko buong buhay ko." Umiling ito. "I-I don't know how to start again without you, without Callum sa buhay ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko, ang pangarap ko dahil kayo lang naman ang bumuo niyon and it's so hard for me to accept everything." Malungkot itong ngumiti.Hindi siya nakakibo. Kumurap siya at marahang yumuko dahil na
HINDI rin naitago ang saya ng mga magulang ni Tallulah nang malaman nito ang estado nila ni Gael dahil para sa kanila, iyon ang mas mabuti para kay Callum at sa kanilang dalawa dahil nagmamamahalan naman sila."I can't believe it's happening, Tali." Bakas pa rin ang saya sa boses ni Gael na animo'y hindi pa rin makapaniwala sa pagtanggap niya sa pagmamahal nito. "Alam kong nasaktan kita, nagtiis ka sa kagag*han ko, sa lahat ng ginawa ko at alam kong hindi ganoon kadaling tanggapin muli ako. I-I don't know how to explain how happy I am right now."Natawa siya habang nakahawak siya sa braso nitong nakayakap sa katawan niya mula sa kaniyang likod. "Nasaktan ako because that was my choice, Gael dahil kung hindi ko piniling ipilit ang sarili ko sa iyo noon, hindi ako masasaktan, wala tayo sa ganoong sitwasyon. Matagal ko nang tinanggap na lahat ng sakit at hirap na naranasan ko, dahil iyon sa mga naging desisyon ko noon pero hindi ko iyon lahat pinagsisihan dahil kung hindi ko ginawa iyon,
HANGGANG ngayon iniisip pa rin ni Tallulah ang maraming tanong sa isip niya na gusto niyang masagot pero hindi niya alam kung paano. Naguguluhan siya, hindi niya maintindihan ang lahat ng sinabi ni Braille sa kaniya na kahit anong gawin niya para unawain iyon, hindi niya magawa.Bumuntonghininga siya habang naglalakad patungo sa school ni Callum. Kakagaling lang niya sa trabaho at doon na dumeretso.Dahil sa lalim ng iniisip niya, dumeretso siya sa pagtawid sa kalsada nang hindi namamalayang mayroong sasakyan na daaraan. Ukupado kasi ng maraming bagay ang isip niya na kahit tunog sa paligid at pagtingin doon ay hindi na niya nabigyan pa ng pansin. Narinig na lang niya ang malakas na pagbusena ng sasakyang padaan at doon lang bumalik ang huwisyo niya. Nanlaki ng mga mata niya nang makita ang papalapit na sasakyan. Huli na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi na rin gumana pa ang isip niya para makaiwas. Iyon na ba ang katapusan ng buhay niya? Pero hindi pa pwede.Sunod na lang niyan
"KENDRICK, a-anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan?" gulat na salubong ni Tali nang madatnan niya ang binata sa harap ng bahay nila, nakaupo sa gilid ng bakod.Mabilis itong tumayo at hinarap siya. Ngumiti agad ito. "Ahm! G-gusto ko sanang ihatid ka sa trabaho mo since 'di naman ako busy today," tila nahihiya nitong sabi. Napakamot pa ito sa batok.Ngumiti siya. "Hindi na kailangan, Kendrick. Magko-commute na lang ako. Malapit lang din naman iyon.""No, Tali hassle mag-commute at isa pa, nandito na rin naman ako kaya pumayag ka na."Bumuntonghininga siya. "Kendrick, hindi mo 'to kailangang—""No, I insist, Tali. Gusto kong gawin 'to, pagsilbihan ka ulit...makasama." Bumakas ang labis na lungkot sa mukha nito."Pero hindi na tayo gaya ng dati. If you keep on doing this, mas mahihirapan kang kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin.""Dahil ayaw kong kalimutan ka, Tali dahil mahal kita.""Pero hindi na tayo pwede, Kendrick. We need to live our own life dahil iyon ang mas makabu