MARAHANG gumalaw si Tallulah mula sa kaniyang pagkakahiga. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang sakit at hapdi sa pagitan ng kaniyang mga hita. Direkta rin niyang naramdaman ang malamig na hangin sa katawan niya.
Kapagkuwa'y nagmulat siya ng kaniyang mga mata at sumalubong sa kaniya ang maliwanag na paligid, senyales na mataas na ang sikat ng araw. Ganoon na lang ang gulat niya nang mapansing wala siyang saplot at may matigas na bisig siyang inuunan habang may matipunong braso na nakayakap sa kaniya.Natigilan siya nang maalala kung ano'ng ginawa niya nang nagdaang gabi. Natampal niya ang kaniyang noo at nakagat ang pang-ibabang labi. Bigla niyang na-realize ang kagagahang ginawa niya. Dahan-dahan siyang humarap sa binata at tumambad sa kaniya ang gwapo nitong mukha kahit tulog ito. Dama niya ang init ng katawan nitong nakayakap sa kaniya."Ano ba 'tong ginawa mo, Tali?" gusot ang mukhang tanong niya sa kaniyang sarili. Ano pang mukhang maihaharap niya sa binata gayong ibinaba niya ang kaniyang pagkababae para lang makuha ito?Kapagkuwa'y marahan siyang gumalaw. May pagkakataon pa siya para takasan ang kahihiyang ginawa niya. Matindi ang tama ng alak kay Gael nang nagdaang gabi at kung magigising itong wala siya, hindi nito iisiping may nangyari sa kanila.Dahan-dahan niyang inalis ang braso nitong nakayakap sa kaniya at nagawa naman niya. Mahinang ungol ang naging tugon nito. Utay-utay din niyang inalis ang kumot sa parteng paanan niya habang pigil ang kaniyang paghinga dahil baka magising si Gael. Hindi niya alam ang magagawa nito sakaling malaman nito ang ginawa niya."Gael!""Kuya Gael!"Bababa na sana siya sa kama nang matigilan siya kasunod ng paglaki ng kaniyang mga mata. Boses iyon ng kaniyang ama na si Gilberto at ni Brielle. Paano sila nakapasok sa bahay ni Gael?Nataranta siya at hindi alam ang gagawin nang gumalaw si Gael at uminat ito. Papalapit nang papalpit ang mga yabag mula sa labas. Bumaling siya sa pinto ng silid at nakita niyang hindi iyon naka-lock."Tali," narinig naman niyang tawag ng kaniyang ina na si Caroline.Mas binalot siya ng kaba. Hindi niya alam ang gagawin dahil siguradong kahihiyan ang matatanggap niya mula sa kaniyang mga magulang. Tiyak na magagalit ito sa kaniya. Napalunok siya at ilang beses na kumurap. Palipat-lipat ang tingin niya kay Gael at sa pinto ng silid.Akmang tatayo na sana siya para maghanap nang matataguan nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Para iyong slow motion sa paggalaw. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pag-awang ng kaniyang mga bibig. Niluwa ng pinto ang kaniyang mga magulang kasama si Brielle at Kendric na tila nakakita sila ng multo dahil sa nasaksihan nila."W-what is this, Tali?" hindi makapaniwalang tanong ni Caroline habang sapo ang bibig. Tulala naman si Brielle at agad umiwas si Kendric. Seryoso namang nakatingin si Gilberto sa kanila na bakas ang pagkadismaya sa mukha."Gael, gising!" malakas na sigaw ni Gilberto.Mabilis na napabalikwas ng bangon ang binata at ganoon na lang ang gulat nito ng makita ang pamilya niya at si Brielle at Kendric pero mas nagulat ito at animo'y tinakasan ng kaluluwa nang makita nito ang sariling walang saplot at bumaling sa kaniya. Namumutla ito at halos hindi makapagsalita."W-what's happening here?" tanging naging tanong ni Gael na naguguluhan sa nangyari."Hindi ba't ikaw ang dapat naming tanungin kung ano'ng nangyari? Bakit n*******d ka kasama ang anak ko? A-ano'ng ibig sabihin nito?" kompronta ni Gilberto kay Gael ba bakas ang galit at pagkagulo sa boses nito.Hindi agad nakasagot ang binata. Hindi pa rin ito makapaniwalang tumingin sa kaniya at sa sarili nito. Umiling ito. "I-I don't know, T-tito. H-hindi ko po alam ang nangyari, nagising na lang akong ganito. She's in my bed next to me. W-wala akong alam," paliwanag nito na bakas doon ang labis na pagkadismaya at pagkabahala.Yumuko siya dahil hindi niya alam ang sasabihin sa mga magulang niya. Alam niyang isang malaking kahihiyan iyon pero desperada na siya. Binaba na rin niya ang kaniyang sarili kaya itutuloy na lang niya ang plano niya"Tali, anak why you're in Gaels' bed? B-bakit—My God, Tali what did you do." Halos mahimatay na si Caroline dahil sa nakita nito."Tita, calm down." Mabuti na lang at nandoon si Brielle para alalayan ito."I-I'm sorry, Mommy, Daddy p-pero...K-Kuya Gael did this to me," lakas loob na sabi niya habang nakayuko."W-what? Tallulah, are you crazy? W-wala akong ginagawa sa 'yo. W-wala akong maalala," agad na depensa ni Gael na bakas ang confusion sa mukha.Kumuha siya ng lakas ng loob. Nag-angat siya ng tingin sa mga magulang niya habang umiiyak. Mahigpit na napahawak siya sa kumot na nakabalot sa katawan niya. "Kagabi, tumawag sa akin ang waitress kung saan nag-inom si Kuya Gael dahil lasing na lasing daw siya kaya pinuntahan ko siya roon para iuwi. Nang maiuwi ko na siya at aalis na ako, bigla na lang niya akong hinila at hiniga sa kama. I was weak to push him, Daddy. He was with an influence of alcohol kaya wala akong nagawa," pagsisinungalin niya habang umiiyak. Humagulhol pa siya.Lahat ay nagulat sa naging rebelasyon niya. Alam niyang paniniwalaan siya ng mga naroon dahil babae siya.Napasinghap si Gael dahil hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. "W-what are you saying, Tallulah? I-I can't do that. Kahit lasing ako alam ko ang ginagawa ko and I know I don't do anything like that." Nababahala nitong tiningnan si Gilberto. "Tito, look Tallulah is like a sister for me at hindi ko kayang gawin ang sinabi niya," paliwanag nito.Kumunot ang noo ng ama niya habang matalim na nakatingin kay Gael. "And do you think nagsisinungalin ang anak ko? Sa tingin mo ba sasabihin niya iyon nang wala lang? You raped her!""T-Tito, h-hindi po totoo ang sinabi ni Tallulah. I didn't rape her dahil parang kapatid na ang turing ko sa kaniya. Alam niyo ang pagtingin niya sa akin at lahat gagawin niya para makuha ang atensyon ko, ang pagmamahal ko. She can do everything just to get what she wants." Binalingan siya nito na bakas doon ang galit. "Please, Tallulah tell them the truth. Alam mong hindi ko iyon gagawin sa iyo. Why you're doing this, huh? Ito ba talaga ang gusto mong mangyari? Pwes, you're wrong if you think that you'll gonna get me with your trick and play," madiing anito."I was telling the truth, Kuya Gael.""Stop lying!" pagsigaw na sagot ni Gael habang hawak siya nito sa braso. Dama niya ang higpit niyon. "Can you please stop messing up with me? I know you're doing this para makuha ako pero hindi iyon mangyayari, Tallulah dahil mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa mapunta sa 'yo," puno ng galit na sabi nito."Gael, stop!" sigaw naman ni Gilberto. "Kung ano man ang totoo sa nangyari, it doesn't matter dahil hindi niyon maitatanggi ang katotohanang may nangyari sa inyo ng anak ko and you should take the responsibility, Gael," segunda nito na naging malumanay na.Ngumisi si Gael at marahas siyang binitawan. "Responsibility?" Umiling ito. "No, Tito wala akong responsibilidad sa nangyari. She did it to me, she's desperate to get me kaya ginawa niya ito pero hindi ko siya pananagutan. Just file a case for me, that's fine, haharapin ko iyon. Mas gugustuhin kong makulong kaysa ang magpakasal sa babaeng 'yan," pagmamatigas nito.Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya dahil sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay tila talim na direktang tumatarak sa dibdib niya. Mas pinatindi lang niya ang galit ng binata sa kaniya.Nasapo ni Gilberto ang noo nito. "Hindi ako papayag na hindi mo panagutan ang anak ko, Gael hindi kita idedemanda, panagutan mo ang anak ko sa ayaw at sa gusto mo," madiinig anito.Kumiling si Gael at ngumisi. "Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa pakasalan ang anak ninyo. I'm sorry, Tito pero hindi ko kayang gawin ang gusto ninyo." Inalis nito ang kumot sa katawan at bumaba ng kama na suot lang ay boxer."Loko ka pala, pre, eh! Gag* ka pala, matapos mong kunin si Tali, iiwan mo na lang? Damn you!" Bigla na lang tumama ang kamao ni Kendric sa mukha ni Gael kaya bumagsak ito sa sahig. Lahat sila'y nagulat sa ginawa nito."K-Kuya, Gael," nag-aalalang aniya. Bumaba siya ng kama habang nakabalot ang kumot sa katawan niya. Dinaluhan niya si Gael. "O-ok ka lang ba, Kuya Gael?""Just leave me alone!" Tinabig nito ang kamay niya, daan para mapaupo siya sa sahig. Tumayo ito at kita niya ang nanlilisik nitong mga mata. "Kasalanan mong lahat ng ito, Tallulah! You ruin my life at hindi kita mapapatawad. Kahit pa ano'ng gawin mo, hinding-hindi kita mamahalin. Hindi ko kayang magmahal ng desperadang babaeng katulad mo!" Dinuro pa siya nito."Hay*p ka, Gael!" Susugod pa sana si Kendric pero pinigilan na ito ni Brielle at Caroline."Kuya, stop! Hindi makakatulong kung magiging bayolente ka," saway ni Brielle."Aayusin natin 'to, Gael. Kailangan nating mag-usap," mahinahong ani ng kaniyang ama."I'm sorry, Tito pero hindi ko ho kayo kayang pagbigyan. Hindi ko kayang makasama ang babaeng katulad ng anak ninyo," matigas nitong sagot, saka lumabas ng silid na iyon.Napapikit siya nang mariin kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata dahil sa labis na kahihiyan at sakit. Hindi niya alam na hahantong ang lahat sa ganito. Gusto lang naman niyang makasama si Gael. Pakiramdam niya'y dinurog ng binata ang puso niya at hindi niya alam kung paano iyon mabubuo ulit."Daddy, please gawin niyo ang lahat para pakasalan ako ni Kuya Gael," pagmamakaawa niya sa kaniyang ama. Bakas ang labis na awa sa mukha ni Brielle at Kendric para sa kaniya. Dinaluhan siya ng kaibigan at ng kaniyang ina. "I can't live without him, Daddy. I love Kuya Gael so much!" Patuloy niya sa pag-iyak."WHETHER you like it or not, Gael you should take your responsibility to my daughter," malumanay pero may diing sabi ni Gilberto sa binata habang kaharap ito at ang pamilya ni Tallulah."Gilberto is right, hijo hindi ka na bata kaya alam mo ang responsibility at ang consequence sa ginawa mong action. You're matured enough to understand everything," segunda naman ng ina niyang si Caroline."Pero Tito, wala akong ginawa. I don't know what happened last night but I know I didn't do anything to her at wala akong gagawin sa anak ninyo. Kahit pa maghubad siya sa harap ko, hindi-hindi ako papatol sa kaniya," balik ni Gael habang magkasalikop ang mga palad nito. Bakas ang frustration sa mukha nito. "Isa pa, I don't love your daughter, parang kapatid na ang turing ko sa kaniya," dagdag pa nito.Nagkatinginan ang mag-asawa habang nanatili lang siyang nakayuko at pinaglalaruan ang sariling mga kamay. Natatakot siyang baka walang magawa ang mga magulang niya at tuluyang iwan siya ni Gael."H-hind
"BAKIT kasi hindi pa ako nabuntis ni Kuya Gael? 'Di sana wala na siyang kawala at mapipilitan siyang pakasalan ako—Aray!" Nasapo ni Tallulah ang batok niya na tinamaan ng kamay ni Brielle habang masama ang tingin nito sa kaniya."Nahihibang ka na ba talaga, Tali? Seriously, gusto mong mabuntis ka ni Kuya Gael." Kulang na lang ay sapakin siya nito para magising siya sa katotohanan. "Remember, nag-aaral pa tayo at ganoon din si Kuya Gael, graduating na siya this year at masisira lahat ng pangarap ninyo kapag nagkataon," anito.Ngumuso siya at marahang hinimas ang ulo. "I don't care, Brielle dahil kaya naman kaming buhayin ng pamilya ko, 'di ba? Pwede niyang manahin ang kompanya ni Dad because he's my husband kaya hindi na namin kailangang mangarap dahil ako, si Kuya Gael lang ang pangarap ko," masaya niyang sabi.Napailing si Brielle. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Tali? Jusko! Mababaliw ako sa iyo!" hagas nitong sabi at nauna na itong naglakad patungo sa sasakyan nito. Katatapos lan
"DALA mo ba ang pinabili ko sa 'yo, Brielle?" pabulong na tanong ni Tallulah nang makapasok ang kaibigan niya sa kaniyang silid. Pinapunta kasi niya ito roon para bilhan siya ng pregnancy test at nang ma-confirm niya kung bakit palagi siyang nasusuka at nanghihina.Tumango si Brielle. "Hindi ko na alam ang gagawin sa 'yo, Tali! My God! Ako ang kinakabahan sa pinagagawa mong kagagahan. Paano kung totoong buntis ka? Paano na ang buhay mo, you're too young to be a mother, ni wala kang alam sa pag-aalaga ng bata. Paano ang pag-aaral mo?" hagas na anito. Binigay nito ang Pregnancy Test sa kaniya at agad niya iyong kinuha.Umirap siya sa kaibigan. "Don't overreact, ok? Kung buntis man ako, eh, 'di good dahil magagamit ko ang bata para pakasalan ako ni Kuya Gael. Saka, napag-aaralan naman ang pagiging ina, 'no? Sumilay ang excitement at saya sa mga ngiti niya. "Hindi na ako makapaghintay na pakasalan siya, Brielle dahil simula noon, ito lang naman talaga ang pangarap ko. I want to be Mrs. Ra
"BAKIT niyo ho ako pinatawag, Tito?" basag ni Gael sa katahimikan sa pagitan nilang lahat habang nakaupo sila sa sofa sa sala. Ni isa walang gustong umimik habang labis na kinakabahan si Tallulah sa mangyayari.Tumikhim si Gilberto at hindi magawang tumingin kay Gael dahil kilala nito ang binata at ang buhay nitong puno ng pangarap at ayaw sana nitong sirain iyon. "H-hijo, I'm sorry sa biglang pagpapatawag ko sa 'yo but we need to discuss an important matters," simula nito. Ngumiti si Gilberto sa binata. "Gael, matagal na kitang kilala at alam ko ang lahat ng pangarap mo sa buhay at ang kabutihan mo." Saglit itong natigilan. "And I always support you whatever you wants to do."Nag-angat siya ng tingin kay Gael at kita niyang naguguluhan ito sa mga sinabi ng kaniyang ama. Tahimik lang sila ng kaniyang ina.Nag-aalangang ngumiti ang binata. "S-salamat po, Tito pero bakit ho sinasabi ninyo sa akin ito?"Bahagyang umiwas si Gilberto ng tingin at bumaling sa kaniyang anak pero agad din siy
DAHAN-DAHAN binukas ni Tallulah ang mga mata niya pero agad niyang nasapo ang kaniyang ulo dahil sa pagkirot niyon. Naramdaman din niya ang pagkahilo at bigat ng katawan niya."M-Mom," tawag niya sa kaniyang ina. Inaninag niya ang paligid at halos puti ang nakita niya. Kinabahan siya. Nasa langit na ba siya? "M-Mom, D-Dad? K-Kuya Gael?" muli niyang tawag. Mayamaya'y mas luminaw na ang paningin niya at napagtanto niyang nasa silid siya at nakahiga sa hospital bed."T-Tali, anak!" narinig niyang boses ni Caroline. Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya.Bumaling siya sa kaniyang ina at tumambad ito sa kaniya habang nasa likod nito si Gilberto. Kapwa bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya tinuloy nang maramdaman niya ang hilo at sakit ng kaniyang ulo. "Just rest, Tali huwag ka munang magparagalaw dahil sabi ng Doctor, kailangan mong magpahinga para bumalik ang lakas mo," paliwanag ni Caroline sa kaniya. Ngumiti ito na bakas doon ang
"GAEL, I'm sorry kung nandito ulit ako para pilitin kang pakasalan ang anak naming si Tallulah pero wala kaming ibang maisip na paraan para tapusin ang kahihiyang ito. Hindi rin kami papayag na lumaking walang ama ang apo namin at maging disgrasyada si Tali. Kailangan ka niya, Gael kailangan ka ng bata lalo't maselan ang pagbubuntis niya at narinig mo lahat mula sa Doctor. Kaya please, marry my daughter. I'll do everything to support your dreams. You just need to be my daughter's husband. Manatili ka lang sa tabi niya," pagmamakaawa ni Gilberto kay Gael na halos lumuhod na ito sa harap niya.Kasalukuyan silang nasa cafe malapit sa hospital para kausapin siya nito at alam niyang tungkol iyon kay Tallulah.Umiwas siya ng tingin. Kilala niya si Gilberto at alam niyang mabuti itong tao at ginagawa lang din nito ang lahat para sa anak nito. Hindi agad siya umimik dahil kahit mauntog siya, hinding-hindi niya mamahalin si Tallulah dahil sa lahat ng ginawa nito. Ayaw niyang magtagumpay ito sa
"P-PO? NEXT week? Pero Tito, hindi ho ba masyado naman ata kayong nagmamadali na makasal kami ni Tallulah?" gulat na ani Gael nang sabihin ng ama ni Tallulah na gusto nitong ikasal agad sila sa susunod na linggo.Tumango si Gilberto habang tahimik lang siyang nakaupo sa sala nang bahay niya. Kahapon pa siya lumabas ng hospital at hindi man lang siya pinuntahan doon ni Gael para samahan siya sa pag-uwi. Tanging si Kendric at ang kaibigan niyang si Brielle ang dumating doon."Gael, ilang linggo na lang at mahahalata na ang tiyan ni Tali at bago pa mangyari iyon, dapat makasal na kayo para maiwasan ang mas malaking kahihiyan ng anak ko," dahilan ng kaniyang ama."Tama si Gilbert, hijo mas maaga mas maganda para mabawasan ang maraming isseus tungkol sa inyong dalawa," segunda naman ni Caroline.Bumuntong-hininga si Gael at bakas ang labis na pagtutol sa mukha nito sa maagang kasal nilang dalawa na kabaligtaran sa nararamdaman niya dahil hindi na siya makapaghintay na ikasal silang dalawa.
"SIGURADO ka na ba talaga, Talu na gusto mong pakasalan si Gael?" tanong ni Kendric kay Tallulah na hindi lang iyon ang unang beses na narinig niya ang tanong na iyon sa binata. Tila ba tutol ito sa pagpapakasal niya.Bumuntong-hininga si Brielle. Kasalukuyan silang nasa silid niya. "Sa tingin mo, Kuya magbabago pa ang isip ni Tali? That's what her ultimate dreams kaya paanong magbabago ang isip niya, eh, para sa kaniya dreams come true ang pagpapakasal nilang dalawa." Itinaas pa nito ang dalawang kamay na naka-peace at ginalaw-galaw iyon. Umirap pa ang kaibigan niya.Hindi niya alam kung bakit may lungkot siyang nabasa sa mukha ni Kendric. "Ano ba kayong dalawa, of course hindi na magbabago ang isip ko dahil mahal ko si Kuya Gael at magkaka-baby na kami.""Wala kang pakialam kahit hindi ka mahal ni Kuya Gael? Tali, hindi ba't unfair ka naman sa kaniya? Ikaw lang ang masaya sa kasal ninyo at siya magdurusa habang buhay at magtitiis na makisama sa 'yo. Masasaktan ka lang," giit ni Brie
NIYAKAP NI Tali ang sarili nang umihip ang malamig na hangin mula sa dalampasigan. Palubog na ang araw kaya naisip niyang maglakad muna sa tabi ng dagat bago magsimula ang bonfire ng pamilya.Nasa isang resort sila sa Cavite para roon magdiwang ng birthday ni Callum at ng isang pang magandang balita para sa kanila ni Gael.Ilang buwan na ang nagdaan, marami nang nagbago pero ang pagbabagong iyon ay naging mabuti para sa lahat. Tuluyang nakulong si Serum dahil sa mga kasalanan nito at gayon din ang ama ni Kendrick na siyang sumalo ng lahat. Hindi siya masaya sa nangyari pero kailangan niyang itama ang lahat. Bumuntonghininga siya at lumingon sa palubog na araw. Napangiti siya dahil sa napakaganda niyon. Kumalat ang kulay kahel na ulap habang sumasabay ang alon ng dagat na nagbibigay ng magandang tanawin.Nagpatuloy siya sa paglalakad pero agad siya nagulat nang bigla na lang may yumakap sa kaniyang tela."You should wear jacket, baka malamigan si baby." Napangiti siya nang makilala si
MABILIS na nilapitan ni Gael si Serum at ginawaran ito ng suntok. Natumba ang binata at dahil sa galit niya, pumaibabaw siya at ginawaran ito ng sunod sunod na suntok. Bawat tama ng kamao niya, bitbit niyon ang galit.Ngunit mabilis din niyang pinigilan ng mga naroon. Duguan ang labi ni Serum habang nakalupasay ito at hindi na halos makatayo. Binalingan niya si Hiro na namimilipit sa sakit."H-Hiro! Hiro, are you ok?" Nababahala niyang tanong.Mayamaya pa, dumating na rin ang mga pulis agad nilang inaresto si Serum. Nilapitan niya si Hiro. "I-I'm fine, Sir," sabi nito. Nagawa pa nitong ngumiti."I'm sorry, Serum," ani naman ng kaniyang ina."It's my duty to protect you and Sir Gael, Madam."Ilang saglit pa at may dumating na rin na medical team para kunin doon si Hiro at dalhin sa hospital."A-ano'ng nangyari?"Kapwa napalingon si Gael at Donna nang makita si Tali at Callum na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-ina. Lumapit si Tali at agad siyang niyakap."Ok lang po ba kay
"SIR, NAGHIHINTAY na ang mga board," ani Hiro habang hindi mapakali si Gael sa kinatatayuan niya. Kinakabahan siya at hindi niya mawari ang nararamdaman. Natatakot siyang matalo at mapunta kay Serum ang lahat ng dapat sa kaniya."Hiro, ano'ng gagawin natin? I-I know most of the boards are now in Serum's hand at wala na tayong magagawa roon," frustrated niyang sambit. "Kahit ano'ng panliligaw ang gawin natin sa kanila, hindi na sila papanig sa atin."Malungkot na yumuko si Hiro. "Sir, hindi pa tapos ang laban and we need to fight no matter what. Kailangan ninyong magtiwala sa kakayahan mo, sa mommy mo at sa mga board na nagtitiwala sa iyo.""Tama si Hiro, Gael at naniniwala akong hindi ang pera o suhol ang rason para iboto ka nila, kung 'di dahil sa kakayahan mo, sa talino mo sa paghawak ng kompanya at sa kaya mo pang gawin. We believe in you, kami ng anak mo at alam kong ganoon din sila sa iyo." Ngumiti si Tali na kakapasok lang silid, akay si Callum.Napangiti si Gael at mabilis na n
MASAYANG ngumiti si Tallulah habang pinagmamasdan niya ang pagkaing niluto niya para kay Gael. Balak niya iyong dalhin sa kompanya para makakain ito dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado itong busy sa trabaho at dahil na rin sa nalalapit na board meeting kaya kailangan nitong maghanda para sa pwedeng ibato sa kaniya ni Serum.Matapos niyang ilagay sa lunch box ang pagkain, masaya siyang lumabas na ng bahay. Nasa school naman si Callum at dadaanan na lang niya ito mamaya pag-uwi niya. Nag-commute na lang siya dahil wala namang available na sasakyan sa bahay.Nang makarating siya sa kompanya, agad siyang nagbayad at bumaba sa taxi. Ngumiti siya at tiningnan muli ang dalang lunch bag. Siguradong magugustuhan iyon ni Gael dahil pinuno niya ng pagmamahal ang pagkaing inihanda niya para rito.Naglakad na siya papasok sa ground floo ng building. Ngumiti siya sa guard at ganoon din ito. Kilala na rin naman kasi siya sa kompanya bilang girlfriend ni Gael kaya hindi na rin nakakapagtaka na
"HIRO, how's the investigation?" tanong ni Gael habang nakaupo siya sa kaniyang opisina."We need more time to gather all the evidence we needed, Sir. Hindi pa matibay na evidence ang ilang email and texts mula sa ilang boards para idiin si Serum at ang ilang kasabwat nito," ani Hiro na nakatayo sa tapat niya.Pinatong niya ang siko sa table at marahang hinaplos ang labi niya. "I can't wait any longer, Hiro kailangan nating makahanap ng matibay na evidence para makulong si Serum at mapagbayaran niya lahat ng anomalyang ginagawa niya sa kompanya," galit niyang sabi."Don't worry, Sir gumagawa na tayo ng paraan para makakuha pa ng mas matibay na ebedensiya at hindi magtatagal magagamit natin 'yon para ipakulong si Serum."Bumuntonghininga siya. Hindi siya matatahimik hanggat alam niyang nandiyan pa sa kompanya si Serum. Alam niya ang gusto nitong gawin sa negosyo ng pamilya niya at alam niyang utay-utay na nitong kinakain ang kompanya para tuluyang mapasakaniya ang lahat ng pinaghirapan
"I-I'M sorry, Tali," simula ni Kendrick habang nakaupo ito sa sofa kung saan katapat nito siya. "Sorry for what?" nagtataka niyang tanong. Nagulat na lang siya nang sumulpot ito sa tapat ng bahay nila matapos ang ilang linggo na hindi ito nagparamdam sa kaniya. Si Callum naman ay hinayaan muna niyang maglaro sa labas."Sorry for everything that I've done, sa mga pagkakamali ko, sa mga kasalanan ko." Bumuntonghininga ito, saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nangyari sa ating dalawa. Nahirapan ako, nasaktan ako ng sobra dahil akala ko, ikaw na ang babaeng makakasama ko buong buhay ko." Umiling ito. "I-I don't know how to start again without you, without Callum sa buhay ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko, ang pangarap ko dahil kayo lang naman ang bumuo niyon and it's so hard for me to accept everything." Malungkot itong ngumiti.Hindi siya nakakibo. Kumurap siya at marahang yumuko dahil na
HINDI rin naitago ang saya ng mga magulang ni Tallulah nang malaman nito ang estado nila ni Gael dahil para sa kanila, iyon ang mas mabuti para kay Callum at sa kanilang dalawa dahil nagmamamahalan naman sila."I can't believe it's happening, Tali." Bakas pa rin ang saya sa boses ni Gael na animo'y hindi pa rin makapaniwala sa pagtanggap niya sa pagmamahal nito. "Alam kong nasaktan kita, nagtiis ka sa kagag*han ko, sa lahat ng ginawa ko at alam kong hindi ganoon kadaling tanggapin muli ako. I-I don't know how to explain how happy I am right now."Natawa siya habang nakahawak siya sa braso nitong nakayakap sa katawan niya mula sa kaniyang likod. "Nasaktan ako because that was my choice, Gael dahil kung hindi ko piniling ipilit ang sarili ko sa iyo noon, hindi ako masasaktan, wala tayo sa ganoong sitwasyon. Matagal ko nang tinanggap na lahat ng sakit at hirap na naranasan ko, dahil iyon sa mga naging desisyon ko noon pero hindi ko iyon lahat pinagsisihan dahil kung hindi ko ginawa iyon,
HANGGANG ngayon iniisip pa rin ni Tallulah ang maraming tanong sa isip niya na gusto niyang masagot pero hindi niya alam kung paano. Naguguluhan siya, hindi niya maintindihan ang lahat ng sinabi ni Braille sa kaniya na kahit anong gawin niya para unawain iyon, hindi niya magawa.Bumuntonghininga siya habang naglalakad patungo sa school ni Callum. Kakagaling lang niya sa trabaho at doon na dumeretso.Dahil sa lalim ng iniisip niya, dumeretso siya sa pagtawid sa kalsada nang hindi namamalayang mayroong sasakyan na daaraan. Ukupado kasi ng maraming bagay ang isip niya na kahit tunog sa paligid at pagtingin doon ay hindi na niya nabigyan pa ng pansin. Narinig na lang niya ang malakas na pagbusena ng sasakyang padaan at doon lang bumalik ang huwisyo niya. Nanlaki ng mga mata niya nang makita ang papalapit na sasakyan. Huli na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi na rin gumana pa ang isip niya para makaiwas. Iyon na ba ang katapusan ng buhay niya? Pero hindi pa pwede.Sunod na lang niyan
"KENDRICK, a-anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan?" gulat na salubong ni Tali nang madatnan niya ang binata sa harap ng bahay nila, nakaupo sa gilid ng bakod.Mabilis itong tumayo at hinarap siya. Ngumiti agad ito. "Ahm! G-gusto ko sanang ihatid ka sa trabaho mo since 'di naman ako busy today," tila nahihiya nitong sabi. Napakamot pa ito sa batok.Ngumiti siya. "Hindi na kailangan, Kendrick. Magko-commute na lang ako. Malapit lang din naman iyon.""No, Tali hassle mag-commute at isa pa, nandito na rin naman ako kaya pumayag ka na."Bumuntonghininga siya. "Kendrick, hindi mo 'to kailangang—""No, I insist, Tali. Gusto kong gawin 'to, pagsilbihan ka ulit...makasama." Bumakas ang labis na lungkot sa mukha nito."Pero hindi na tayo gaya ng dati. If you keep on doing this, mas mahihirapan kang kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin.""Dahil ayaw kong kalimutan ka, Tali dahil mahal kita.""Pero hindi na tayo pwede, Kendrick. We need to live our own life dahil iyon ang mas makabu