Lumaki si Dylan na walang kinatatakutan at ayaw na may ibang taong kumukontrol sa kaniyang buhay. Hindi rin siya friendly at hindi marunong magpakumbaba. Ngunit wala siyang choice nang ipasa sa kaniya ng ama ang trabaho nito—ang bantayan ang heartless at dominanteng anak ng isang Chairman na dati ay pinuno ng isang organization. Hindi gusto ni Alexander ang buhay na mayroon siya. Tinitingala siya ng lahat maliban sa isang taong may magaspang na pag-uugali. Dahil sa kagustuhang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kaniyang ina, pinagbigyan niya ang gusto ng ama. At ipakita niya rin sa antipatikong lalaking kaniyang bodyguard kung ano ang kaya niyang gawin upang mabawasan ang kasungitan nito. Sa paglalaro ng emosyon ng bawat isa, sino ang unang susuko at mahuhulog sa bitag nang mapaglarong tadhana? Sino ang top at bottom sa dalawa?
View MoreMabilis na nilapitan nila Troy ang ginang at sinuri kung may sugat ito. Si Racar ay tinalian nila kahit nanghihina na ito. "Dalhin niyo na sa hospital ang gagong iyan at hindi puwedeng mamatay!" matigas na utos ni Laurenzo sa tauhan. Kararating lang nila at ito ang kanilang naabutan.Gulat na napatingin si Romana sa mga bagong datimg. Nang masalubong ang malamig na tingin ng asawa ay lalo siyang namutla at hinimatay.Nangangalit ang bagang ni Dylan at hindi natuwa sa pagdating ng kanilang ama. Ang plano niya ay sunugin ng buhay ang katawan ni Racar. Inis na itinulak niya si Alexander at ito ang sinisisi dahil da pangingialam sa kaniyang lakad. Ngunit niyakap siya ng ng mahigpit at ramdam niya ang takot na nadarama nito."I'm sorry, please huwag ka nang magalit. Ayaw ko lang na mawala ka sa akin!" Pagsusumamo ni Alexander sa nobyo."Tsss, lalong sumasakit ang sugat ko sa iyo!" Hinahapo na daing ni Dylan at nakaramdam na rin ng panghihina."Ah shit, I'm sorry!" Lalong nataranta si Alex
Hinintay ni Alexander na e clear ni Dante ang paligid bago gumawa ng sunod na hakbang."Young Master, sa nakikita ko ay may limang lalaking nakasunod sa loob ng sirang gusali. Ang lima pa ay nagkalat sa paligid ng gusali." Pagbabalita ni Dante gamit ang earpiece."Copy, lalapit kami sa building. Ikaw na ang bahalang magpatumba sa taong hindi namin nakikita." Utos ni Alexander kay Dante bago suminyas kina Troy. Lima lamang silang sumugod doon at baliwala sa kaniya ang bilang ng kalaban. Alam niyang parating na rin ang kanilang ama.Itinutok ni Dante ang dalang sniper gun sa isang taong malapit sa daang tinatahak nila Alexander. Siya ang nagbibigay instructions sa mga ito kung titigil na ba o hindi. "Standby!" Tumigil sina Troy nang marinig ang tinig ni Dante mula sa earpiece. Nakita niya ang isang anino at sa kabila ay may isa pa. "Kailangang sabay nating mapatumba ang dalawa. Ako ang bahala sa taong nasa kaliwa mo at ikaw naman sa kanan." Instruction ni Dante kay Troy.Sabay na inu
Kalmado lang na pinanood ni Dylan ang dalawa habang nag-aagawan ng baril. Patuloy siya sa paghakbang hanggang sa makalapit sa mga ito."Ahhh, bitiwan mo ako!" Galit na nagpupumiglas si Romana at nabaliktad na ang sitwasyon sa pagitan nila ni Racar. Pasakal ang isang braso nitong nakapulupot sa kaniyang leeg. Ang isang kamay ay hawak na ang baril at nakatutok sa kaniyang ulo.Ngumisi si Racar sa lalaking nasa harapan na niya ngayon. Nakatutok din sa kaniya ang de kalibring hawak nitong baril. "Bitawan mo ang baril mo kung ayaw mong mabasag ang bungo ng babaeng ito!" Pananakot niya sa. binata habang nakangisi."Go ahead, para naman maipaghiganti mo ang ginawa niyang pagsunog ng buhay sa iyong anak." Udyok ni Dylan sa lalaki.Sabay na nanlaki ang mga mata nila Romana at Racas dahil sa narinig mula kay Dylan. Hindi akalain ni Romana na ibunyag iyon ni Dylan sa ganitong sitwasyon. Si Racar ay halatang guilty sa pagkaalala sa anak nitong namayapa na. Guilty dahil ang sarili mismo ang nagha
Napangisi si Racar nang mamataan ang parating na sasakyan. Nakapwesto ang tauhan niya sa paligid upang makasigurong hindi siya malinlang ng babae. Napaniwala niya si Romana na mag-uusap lamang sila at kailangan nilang magtulungan upang mawala ang dapat alisin na tinik sa kanilang buhay. Pagkababa ni Romana sa sasakyan ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Naroon sila ngayon sa lugar kung saan namatay ang ina ni Dylan. Si Dylan ay nagpaiwan sa loob ng sasakyan at hindi ito maaring makita ni Racar. Tama ang lalaki, hindi siya nakakasigurong hindi siya gagawan ng masama ni Racar. Binigyan siya ni Dylan ng kundisyon kaya napasunod siya nito."Mabuti naman at dumating ka na. Doon tayo sa loob." "Huwag na at hindi rin ako magtatagal. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dito." Nang-aarok ang tingin ni Racar sa babae. Sininyasan niya ang isang tauhan na tingnan ang loob ng sasakyan ni Romana at baka may iba itong kasama."Ganoon na ba ako kalakas at kailangan mo pa ng alalay sa pakipagk
Nagising si Alexander na wala na sa tabi si Dylan. Kagabi ay sa tabi niya ito natulog pero nagkasya lang itong nakayakap sa kaniya at ganoon din siya. Agad niyang hinanap ang cellphone at binasa ang mensahe ng tiyahin."Nasaan ka na? Malapit na ako sa tagpuan namin ni Racar."Napabalikwas ng bangon si Alex matapos mabasa ang text ng tiyahin. May missed call din ito at mukhang may naunang message itong ipinadala sa kaniya ngunit hindi niya makita. Malakas ang kutob niyang si Dylan ang nakabasa niyon. Nagmamadaling nagpalit siya ng damit habang tinatawagan ang tiyahin."Shit, sagutin mo!" kinabahan lalo si Alexander nang biglang namatay ang cellphone ng tiyahin. Halos patakbo siyang lumabas ng silid at hinanap ang ama."What's wrong?" tanong ni Laurenzo sa anak at halos mabingi siya sa lakas ng boses nito habang tinatawag siya."Dad, tawagan mo po si Tito Conrad at alamin kung nasaan si Tita Romana!""Ano ba ang problema?" Tumayo si Laurenzo at kinuha ang cellphone na nakapatong sa isa
Nang makita kung saan siya dadalhin ni Dylan ay mabilis na tumanggi si Alexander. Wala talaga siyang ganang kumain ngayon kahit naging ok na sa kaniya ang nobyo.Hindi pinakinggan ni Dylan ang binata. Umupo siya sa upuang inalisan nito kanina kasama ito. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na hindi makakain.Inis na ninguya ni Alexander ang pagkaing isinubo sa kaniya ni Dylan. Hindi rin siya makaalis mula sa pagkaupo sa kandungan nito dahil ang higpit ng pagkayakap ng isang kamay sa kaniyang beywang."Stay!" matigas na utos ni Dylan nang kumiskis na ang ang pang-upo nito sa kaniyang harapan.Napangisi si Alexander nang maramdaman ang paglalim ng hinga ng nobyo. Walang nanganagahas na pumasok sa living room kapag naroon sila ng nobyo. Ilang gabi na rin naman siyang nangungulila dito kaya grab na niya ang pagkakataong ito. "Shit!" napamura na si Dylan nang mag-iba ng upo si Alexander. Ito ang iniiwasan niya kaya inilalayo ang sarili sa binata. Nakakalimot siya at hindi kayang pigila
Ramdam ni Alexander na naka focus na lang ang isipan ni Dylan sa ibang bagay. Lumipas ang ilang araw ay madalas itong umaalis na hindi nagpapaalam sa kaniya. Nag-aalala na siya at baka mawala na rin ang pagmamahal nito sa kaniya dahil sa galit nito sa kaniyang pamilya."What's wrong?" malamig na tanong ni Dylan sa binata nang mapansin na hindi nito ginagalaw ang pagkain.Tikom ang bibig na umiling si Alexander habang nilalaro ng tinidor ang hotdog na nasa plato nito.Walang salitang tinapos ni Dylan ang pagkain at nauna nang tumayo. Ayaw niyang magtagal sa harapan ng binata at nawawala siya sa focus.Inis na ibinagsak ni Alexander ang hawak na tinidor at tumayo na rin. Hindi na tumatalab ang kahinaan niya kay Dylan ngayon. Pero hindi siya nag-iinarte kaya nawalan siya ng ganang kumain nitong mga huling araw. Sadyang hindi niya kayang kumain dahil nag-aalala ng husto sa relasyon nila ni Dylan. Kahit sa gabi ay ramdam niya ang panlalamig sa kaniya ni Dylan. Ayaw din nitong makatabi siya
"I'm sorry!"Naikuyom ni Conrad ang kamao dahil sa salitang binitiwan ni Laurenzo. Hindi pa naman ito tapos magsalita ngunit nanghihina na siya dahil sa galit dito at pangungulila sa anak."Ginawa ko lamang ang sa tingin ko ay nakabubuti sa lahat," mahinang paliwanag ni Laurenzo.Galit na kinuwelyohan ni Conrad ang kaibigan. "Tama? Tama ba ang itago mo ang anak ko at paniwalain akong patay na siya?"Galit na tinabig ni Laurenzo ang kamay ng kaibigan at parehong nagbabaga sa galit ang kanilang mga mata. "Kung hindi ko siya itinago, sa tingin mo ba ay kaya mo siyang protektahan sa taong gusto siyang mawala sa mundong ito?""Ano ang ibig mong sabihin? Ganoon na ba kahina ang tingin mo sa akin?" Galit na sinugod ni Conrad ito at pahaklit na hinawakan ang kuwelyo nito."Oo, kung hindi ka naging mahina ay hindi sana nasira ang pamilya mo!" galat niyang bulyaw kay Conrad.Parang napapasong binitiwan ni Conrad ang kuwelyo ng kaibigan at humakbang palayo rito."Alam mong kapatid ko si Romana a
Sa bahay nila Conrad, hindi siya mapakali dahil sa mga binitiwang salita ni Dylan. Ang isa pa sa nagpapabagabag sa kaniyang isipan ngayon ay nang alisin nito ang suot na salamin kanina. Ang mga mata nitong katulad sa namayapa na niyang asawa."Hindi maari, kasama ang katawan niya sa nasunog sa bodega!" kausap ni Conrad sa sarili.Mariing naipikit ni Conrad ang mga mata nang maalala ang nakaraang trahedya. Huli na nang makarating siya sa bodega kung saan itinago ng mga kidnaper ang anak nilang magkaibigan. Ang masakit pa ay nakasama ang kaniyang asawa at anak dahil sinunog ng kidnaper ang naturang lugar. Hindi alam ni Conrad na kumilos mag-isa ang asawa at inunahan siyang humarap sa mga kriminal. Halos hindi niya ito makilala noon at alam niyang patay na ito bago pa masunog. Kasama ang anak ni Racar noon at may tama rin ng bala. Ang anak niya ay yakap ng kaniyang asawa nang matagpuan niya ang katawan nito.Biglang sumakit ang ulo ni Conrad habang pilit nililinaw sa isipan ang lahat. H
"YOUNG MASTER, dumating na po ang inyong ama."Lalong nagusot ang matangos na ilong ni Alexander sa ibinalita ng kaniyang personal bodyguard. Naiinis siya dito ngayon at lahat ng taong nakapaligid sa kaniyang ama ay kinaiinisan niya. Gusto niyang tumayo mula sa kinahigaan upang makaiwas sa ama ngunit hindi niya magawa. "Young Master, please huwag niyo na pong piliting kumilos at lalo lamang nagdudurugo ang inyong sugat." Pakiusap ni Tibor sa binata. Kahit may malubha itong sugat na natamo mula sa kaaway nito ay ang lakas pa rin ng lalaki. "Tsss, you're worthless! mangani-nganing batuhin ni Alexander si Tibor at dito ibinunton ang inis na nadarama."I'm sorry, Young Master!" Nakayuko ang ulo at kulang na lang ay lumuhod si Tibor sa harapan ni Alexander upang patawarin na siya.Alam ni Tibor na ang pinakaayaw ng binata ay ang makita ito ng ama nito sa ganoong kalagayan. Lagi na lang siyang naiipit sa mag-amang amo dahil parehong ma-pride at ayaw magpatalo sa isa't isa. Kulang na lang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments