THE BEST MISTAKE
Hindi naging maganda ang karanasan ni Shaina sa mga naunang karelasyon. Ang huling lalaking pinagkatiwalaan at minahal ay nagpaakit sa kaniyang pinsan. Ang malala pa ay nabaliktad ang sitwasyon at siya ang lumalabas na manloloko. Naisumpa niya sa sarili na hindi na muling magmahal at pagbayarin ang dalawang nagwasak sa kaniyang puso.
Ngunit nagbago ang kaniyang isip nang mabuo ang isang gabing pagkakamali. At hindi lang isa ang kaniyang iniluwal kundi dalawang cute na mga bata. Bigla siyang natakot sa isiping hindi lang guwapo ang hindi nakilalang ama ng kambal, kundi genius dahil tiyak dito nagmana ang mga anak.
"Mommy, don't worry, we can help you to find our father." A five-year-old named, Adrian, said.
Pakiramdam ni Shaina ay atakehin siya sa puso sa naging sagot ng bibong anak na lalaki. Sa halip na ma-disappoint dahil hindi niya kilala ang ama ng mga ito, mukhang lalong na-excite ang mga anak na hanapin ang lalaki.
Sa kaniyang pagbabalik kasama ang mga anak ay maraming katanungang kailangang masagot. Pero saan siya magsisimula kung maging ang mukha ng nakabuntis sa kaniya ay hindi niya alam?