Masarap mahalin ang taong iniidolo mo. Pero hindi akalain ni Jesabell na iyon din ang magdudulot ng pait at lungkot sa kaniyang puso. Umasa siya na higit pa sa alam niyang pagmamahal ang makuha mula kay Tyler, na siyang umaaruga sa kaniya mula nang mamatay ang mga magulang niya. Gusto lang naman niyang mahalin siya ng binata, tulad ng pagmamahal niya rito. Pero hindi nangyari ang inaasam dahil dumating ang tunay na hero sa buhay ni Tyler. Ano ang laban niya sa babaeng ginagaya ang pagkatao niya at mas magaling umakting? Ang sakit at gusto nang palayain ni Jesabell ang sarili mula sa pantasyang binuo sa puso't isipan. Ngunit paano niya takasan ang buhay na mayroon siya ngayon kung ayaw siyang pakawalan ng binata? Habambuhay na lang ba siyang masaktan, at hayaang maging talunan sa mata ng mga taong nagpapanggap upang agawin ang mayroon siya? O ibigay ang gusto ng mga ito at hayaang maging masama ang pagkatao upang makaganti?
View More"Sino po ang parents ng pasyente?" tanong agad ng nurse sa mga naroon."Ako ang ina ng bata. Kumusta na po ang anak ko?" tarantang tanong ni Janina sa huli."Narami po ang dugong nawala sa bata at still in critical condition. Kailangan din siyang salinan ng dugo ngayon din."Muling nanlambot ang mga paa ni Janina dahil sa narinig. May pinapipirmahan sa kaniya ang nurse at wala sa sarili kinuha ang pen.Naging abala si Danny sa pagtawag sa mga kakilala at sa inutusang tao na maghanap ng donor sa dugo ni Marian."Ano po ang blood type ng bata?" tanong ni Timothy sa nurse at hindi na niya makausap ang dalawa dahil abala na sa pagtawag ng kung kanino para sa dugo."RhD negative, po."Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Timothy nang marinig ang sinabi ng nurse. "I'm willing to donate!"Sabay na napatigil sina Janina at Danny sa pakipag usap sa katawagan nang marinig ang sinabi ni Timothy. "Wala nang oras pa, kahit ano ang mangyari ay iligtas ninyo ang buhay ng anak ko!" Matigas na utos ni T
"Where are you?" tanong ni Timothy sa dalaga at kahit papaano ay nakahinga nang maluwag dahil sumagot ang dalaga sa tawag niya."Papunta ako ngayon sa hospital!" Garalgal ang tinig na ani Janina at nakilala agad si Timothy na nasa kabilang linya."What? Are you hurt? Saang hospital at puntahan kita ngayon din!" Sobrang nag aalala na ani Timothy. Ibinigay ni Janina ang pangalan ng hospital sa binata. Alam niyang malapit sa kompanya ng binata ang naturang hospital. Hindi na siya nagpaliwanag dito at nasa on call si Danny.Napamura si Timothy nang biglang naputol ang tawag sa dalaga. Halos takbuhin niya ang daan patungo sa kinaparkingan ng kotse niya. Mabuti na lang at malapit lang ang hospital. Wala pang twenty minutes ay narating niya iyon.Hilam ng luha ang mga mata ni Janina habang papalapit sa kaibigang bakla. Tulad niya ay namumula din ang mga mata nito dahil sa pag iyak. "Danny, ano ang nangyari? Kumusta na ang anak ko?" Niyakap ni Danny ang dalaga at pinigilan ang mapaiyak dah
Sa halip na magalit dahil sa suntok ni Janina ay napangisi si Paul habang sinasalta ang pisngi kung saan tumama ang kamao ng dalaga. "Hayop ka, ano ang ginagawa mo sa bata?" Bulyaw ni Janina sa lalaki at kita niya ang pasa sa braso ng bata. "Kung gusto mong hindi na siya masaktan pa at makuha sa akin ay sundin mo ang iuutos ko sa iyo." Nakangisi pa ring ani Paul. "Damn you, walang kasalanan ang batang iyan para gamitin laban sa akin!" Naikuyom ni Janina ang mga kamay. Kahit hindi niya tunay na anak ang bata ay hindi niya maatim na panayaan ito sa mga kamay ni Paul. Kriminal ang utak ng lalaki at kunsensya niya kapag napahamak sa kamay nito ang batang ipinipilit na anak niya. "Exactly, kaya hindi mo dapat ako kinakalaban upang walang inosinteng bata ang nadadamay." Makahulugang tugon ni Paul sa dalaga. "Hindi mo ako maluko gamit ang batang iyan pero asahan mong makukulong ka sa ginagawa mo sa bata!" Panakot ni Janina sa binata Muling tumawa si Paul sa halip na matakot. "Ba
"U-umalis ka na."Pabulong lamang iyon ngunit malinaw na naririnig ni Janina na sinabi ng ama. Mabilis pa itong pumikit at ayaw siyang tingnan. "Ito na ang inumin mo." Nakangiting ipinatong ni Josie ang dalang maliit na tray sa center table."Manang, asawa mo ba iyong nakaupo sa wheelchair?"Nainsulto na naman si Josie sa tawag sa kaniya ng babae. Para bang sobrang tanda na niya at amoy lupa kung tawagin nang ganoon."Mukhang sa sarili lang kayo maalaga ng iyong anak at ang asawa ninyo ay napapabayaan." Dugtong pa ni Janina at pumalatak."Tama na! Wala kang alam at hindi mo kami kilala para pagsalitaan ng ganiyan!" Galit na niyang angil sa dalaga."Sorry kung na offend kayo pero totoo ang mga sinabi ko. Look at your husband naman oh, mukhang hindi bapapaliguan. "Tinakpan pa ni Janina ang ilong at mukhang nandidiring lumayo sa wheelchair na kinaupuan ng ama.Namula ang pisngi ni Josie dahil sa galit at pagkapahiya. Galit na tinawag niya ang katulong at pinabalik sa silid ang asawa. T
Pabalya niyang isinakay ang ginang sa kaniyang sasakyan. Bago tinawagan ang secretary para sabihin ma late siya ng pasok."Ano ang gagawin mo sa akin at saan mo ako dadalhin?" tanong ni Josie habang binubuksan ang pinto ng sasakyan ngunit naka lock iyon."Nanay kita di ba? Nakakahiya naman kung iwan kita sa labas ng kompanya at baka patuloy kang magkalat doon. Ihahatid nita sa impyernong niyong bahay!"Nanlaki ang mga mata ni Josie at saka matigas na umiling. "No, ibaba mo ako ngayon din!""Tsk, kapag hindi ka pa tumigil ay itapon kita sa ilog!" Panakot niya sa ginang. Naisip niyang oras na rin upang harapin ang walang kuwentang ama.Biglang napatuwid ng upo si Josie at natakot sa banta ng babae. "Sinasabi na nga ba at ikaw si Janine."Inirapan Janina ang ginang mula sa front mirror. "Saan pala ang daan pauwi sa inyo?""Nagdududa ang tingin ni Josie sa babae at hindi ito sinagot. "Kapag hindi mo sinagot ay ibaba na kita dito." Itinigil ni Janina ang sasakyan sa alaganganing lugar at
"Bitch, kasalanan mo ang lahat ng ito!" Sinugod ni Josie ang dalaga upang sampalin sana ngunit nakailang ito na kamuntik na niya ikadapa."Hey, wala akong ginagawa sa iyo, manang. Kasalanan ko ba kung bakit nanunugod ka sa akin na hindi ko alam amg dahilan?" Natatawa pa rin niyang pangatwiran sa ginang."Huwag ka nang magpanggap dahil kahit magsuot ka pa ng mascara ay makilala pa rin kita!" Bulyaw ni Josie sa babae."Oww, mukhang malaki talaga ang galit at inggit ninyong mag ina sa babaing kamukha ko." Amused na pinakatitigan ni Janina ang ginang. Natutuwa siyang paglaruan ang isipan ng mga ito ngayon.Natigilan Josie at biglang nagdalawang isip na kung tama ba talaga ang pagkakilala nila sa babae."Ang mabuti pa ay umuwi ka na po at mukhang pagod na kayo kakaisip. Huwag ninyong pabayaan ang sarili ninyo at baka matulad kayo sa anak ninyo na nababaliw na kakaisip upang maagaw sa akin si Timothy." Pang aasar pa niya sa ginang."Hayop ka, ikaw ang mang aagaw at hindi ang anak ko!" Hal
Mabilis na nagpakatumba si Janina nang makitang bumukas ang pinto. Ilang sandali pa ay iniluwa ng pinto si Timothy. "Honey—" gusto sanang magsumbong ni Jona ngunit mabilis siyang nilampasan ng binata. Pagtingin niya sa likuran ay nagulat siya nang makita naka upo na sa sahig si Janina."Ano ang ginawa mo?" galing na angil ni Timothy kay Jona sa mahinang tinig lamang habang binuhuhat si Janina."Wala akong ginawa sa kaniya. Siya itong nanakit sa akin na walang dahilan." Pinakita ni Jonq ang kamay na namumula.Natimpi si Timothy ng galit at baka nagising ang anak nila. Sinamaan niya ng tingin si Jona bago ito nilampasan. Nang aasar ang ngiti ni Janina kay Jona habang ang tingin ng huli sa kaniya ay para siyang bubugahan ng apoy. Ang sarap sa pakiramdam na makita itong nagagalit dahil wala namang ginawang masama.Lalo lang nasira ang gabi ni Jona at kaunti na lang talaga ay sasabog na siya dahil sa galit. Nagmamadali na siyang lumabas ng silid at dumiritso sa sariling room. Tiyak na h
Napabuga ng hangin sa bibig si Paul at pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi dapat silang dalawa ang nag aaway ngayon. "Huwag ka nang magwala diyan at may naisip na akong paraan upang mapasunod ang babaing iyon!"Kahit papaano ay gumaan ang dibdib ni Jona at may tiwala siya kay Paul. Tanggap nitong si Timothy na ang mahal niya pero kailangan niyang bigyan ito sa kung ano ang natatamasa mula kay Timothy kaya todo suporta ito sa kaniya. Hindi rin siya nito maaring pabayaan sa ganitong sitwasyon at pareho silang makulong kapag umalingasaw ang baho na ginawa nila.Sa banyo, hinahapong niyakap ni Timothy ang dalaga bago pa ito bumagsak dahil nanghina ang mga tuhod. Napangiti siya at hinampas siya nito sa braso."Jerk, kasalanan mo kung bakit nanlambot ang mga tuhod ko." Paninisi niya sa binata."I know, babe, and I'm sorry!" Kinintalan niya ng halik ang dalaga sa noo saka binuhat ito upang ipasok sa bathtub. Hindi siya pumayag na siya lang ang paliguan ng binata. Sinabon niya rin ito sa
'"Ahhh, bitch!" Halos masira ang unan na hawak ni Jona at doon ibinunton ang galit na nadarama. Pakiramdam niya ay nasasakal siya dahil sa galit a naramda at selos. "Bakit hinayaan mong mapagsolo sila gayong nakita mo nang pumasok sa silid?" nairitang bulong ng isang bahaging isipan ni Jona.Inis na binitiwan ni Jona ang unan at nagmamadali nang lumabas ng room. Hindi maaring magsama ang dalawa sa iisang room at sa mismong pamamahay pa kung nasaan rin siya. Pagkatapat niya sa silid ni Timothy at huminga siya nang malalim at pilit na ngumiti bago kumatok sa pinto. Ngunit bakailang katok na siya ay walang sumasagot. Pagpihit niya sa saradura ay hindi iyon naka lock. Pagalit a binuksan iyon ngunit walang tao sa kama."Hayop ka, ang kapal ng mukha mo at sumabay ka pa talaga sa paliligo ni Timothy!" Bulong niya habang matalim ang tinging ipinukol sa nakasarang pinto ng banyo. Alam niyang sinadya ng babae na huwag e lock ang pinto kanina upang makapasok siya. Sigurado talaga siya ngayon
"Huhhhhh!" Hinihingal na napabalikwas ng bangon si Jesabell nang magising. Pero automatic na napahiga muli sa lupa at dumaing sa sakit na nagmula sa tagiliran. Muli siyang hiningal at nahigit ang sariling hininga dahil sa sobrang sakit. "Argh, bakit ang sakit?" daing muli ni Jesabell at sinapo ang tagiliran. Ngunit dahil sa ginawa niya ay kamuntik na siyang mapahiyaw dahil sa takot at sakit nang makapa ang sugat. "Oh my, God... du-dugo?" Hinatakutan niyang bulong nang mapagmasdan ang mga kamay. Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang nawalan ng malay. Pero bakit parang ang babaw lang naman ng sugat niya? Ang alam niya ay may gustong pumatay sa kaniya. Mabilis niyang iginala ang tingin sa paligid at ang dilim, wala ring ibang tao sa paligid. Ang tahimik din ng paligid, gusto niyang humingi ng tulong ngunit natatakot siya na marinig ng mga lalaking nanakit sa kaniya. Hindi niya alam kung nasaan na ang mga ito. Pero bago siya nawalan ng malay kanina dahil sa takot ay narinig pa n...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments