"Ano ang ibig mong sabihing na kay Nida ang cellphone mo?" nagtatakang tanong ni Tyron.
"Hindi ba at pinakuha mo ang cellphone ko at ayaw akong pahawakin?" Malungkot niyang sagot sa binata. "Tyron, sa tingin ko ay nagha-hallucinate na naman siya. Dapat siguro ay hindi muna siya pinayagang makalabas." Nag aalala at mukhang takot na kumapit muli si Emily sa braso ni Tyron. Inalis ni Tyron ang kamay ni Emily at nag aalalang lumapit kay Jesabell. Kasalanan niya kung lumala ang sakit ng dalaga dahil iniwan niya ito. "Jesabell, halika at kumain ka muna upang gumanda ang pakiramdam mo then iinum ng gamot." Inis na sinamaan ni Emily ng tingin si Jesabell at ang bilis lumambot ng puso ni Tyron para dito. Muli siyang humakbang palayo sa binata. "No, hindi ako baliw kung iyan ang iniisip mo. Masama bang bawiin na ang cellphone ko?" Malungkot niyang tanong sa binata. "Jesabell, bakit kay Nida mo hinahanap ang cellphone mo? Nasa silid mo lang iyon at hindi kinukuha sa iyo." Malumanay na kausap ni Emily sa dalaga. "Tama po si Senyorita Emily, wala sa akin ang cellphone mo. Kung gusto niyo po ay kukunin ko sa room mo." Pagmamagandang loob ni Nida. "Pasuyo na at ibigay mo na sa kaniya." Utos ni Tyron sa katulong. "Hindi na kailangan." Pigil ni Jesabell sa katulomg. "Jesabell, huwag mo nang pahirapan pa si Tyron. Kukunin na ni Nida ang cellphone mo upang mapanatag na ang kalooban mo." Concern na ani Emily. "Thank you sa concern pero huwag mo nang pagurin ang katulong. Pahiram na lang ng cellphone at ipa ring ko ang sariling numero." Inilahad niya ang kamay sa harapan ni Nida. Biglang nag alinlangan si Nida na ipahiram ang cellphone kay Jesabell. Malakas ang kutob niyang may balak itong hindi maganda lalo na at ang kalmado nito. "Bakit hindi mo ako mapahiram ng cellphone? Natatakot ka ba na baka biglang tumunog ang cellphone ko sa iyong silid?" Sarkastikong tanong ni Jesabell sa katulong. "Jesabell, bakit mo ginaganyan si Nida? Alam kong hindi mo siya gusto dahil ang tingin mo sa kaniya ay kakampi ko. Pero hindi pa rin tama na pagbintangan mo siyang magnanakaw." Sermon ni Emily. "May sinabi ba akong ninakaw niya?" Sarkastikong tugon ni Jesabell. Napipilan si Emily, nainis siya sa sarili at napasobra yata ang sinabi niya para lang palabasing masama ang ugali ni Jesabell. "Ako na ang tatawag sa cellphone mo upang matigil na ito." Mukhang naiirita nang turan ni Tyron. Nakangiting sinalubong ni Emily ang tingin ni Jesabell. Pinararating niya sa babae na magmumukha lang itong baliw sa paningin ni Tyron. Ngunit natigilan siya nang sumilay naman ang makahulugang ngiti sa labi nito. Pati ang mga mata ay banaag ang nagsasayaw na kagalakan kaya kinabahan siya. Bigla siyang napatingin sa suot na apron ni Nida. Gusto niyang pigilan si Tyron ngunit huli na ang lahat. Daig pa ni Nida ang natuklaw ng ahaw nang may tumunog na cellphone sa kaniyang apron. Napaurong siya ng hakbang nang tumingin sa kaniya ang binatang amo. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ilabas ang cellphone at magkunwaring walang narinig. Mabilis na nilapitan ni Emily si Nida at hinawakan sa kamay. "Nida, ang akala ko ba ay ibinalik mo na ang cellphone ni Jesabell?" May kasamang panenermon na aniya sa katulong. "So-sorry po, senyorita. Nakalimutan kong ibinigay niya sa akin ito kanina at pinahawakan." Kinakabahang tugon ni Nida kay Emily at iniiwasang mapatingin kay Tyron. Pinigilan ni Jesabell ang sarili na mainis dahil nakagawa agad ng palusot ang dalawa. Well, nakita niya kanina ang cellphone sa kaniyang silid at narinig ang utos ni Emily. Nagawa niyang ilagay sa naiwang apron kanina ni Nida ang sariling cellphone upang mag backfire sana ang plano ng dalawa. Si Emily na ang kumuha ng cellphone na nasa apron ni Nida at humarap sa kaagaw. "Jesabell, pagpasensyahan mo na si Nida at naging malimutin. Here's your phone." Napaismid si Jesabell at tiningnan ang hawak ni Emily. Kinuha niya ang cellphone at nakangiting ibinalik kay Nida. "Napalitan mo naman na ang password nito kaya sa iyo na ito." Gulat at napahiyang nagyuko ng ulo si Nida. Hindi niya alam kung ano na ang sunod na gagawin. "Jesabell, ano ang ginagawa mo? That's is your favourite phone." Sita ni Tyron sa dalaga. Pilit na pinigilan ni Jesabell ang pagsilay ng mapait na ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi manlang nagtaka ang binata kung bakit na kay Nida ang phone niya. Marahan siyang nagbuntong hininga bago masayang ngumiti sa binata. "Hindi na ngayon. Isa pa ay hindi ko na kailangan iyan dahil walang importanteng tao na tatawag na diyan." Mabilis na siyang tumalikod at umakyat sa hagdan upang bumalik sa kaniyang silid. Kumurap kurap siya upang hindi tumuloy ang pagpatak ng butis ng luha sa kaniyang mga mata. Totoong hindi na importante sa kaniya ang cellphone na si Tyron mismo ang bumili para sa kaniya. Mula nang baliwalain ng binata ang tawag niya nang gabing iyon ay wala nang kuwenta sa kaniya ang contact na nasa cellphone. Saulo naman niya ang number ni Jason kung kailangan niya itong kontakin. Alam na rin ng kaibigan na wala sa kaniya ang cellphone kaya hindi na iyon doon tatawag. Nang makapasok sa silid ay saka lang pinakawalan ni Jesabell ang luha na kanina pang namuo sa gilid ng mga mata niya. Ang akala niya ay wala na siyang mararamdamang pait, lungkot at sakit sa puso sa isiping wala na siyang halaga sa buhay ni Tyron. Nang makarinig ng mga yabag palapit sa silid niya ay nagmamadaki siyang pumasok sa banyo. Ayaw niyang makita siya ng kahit sino pa na umiiyak. Napabuntong hininga si Tyron nang makitang pumasok sa banyo si Jesabell. Sinundan niya ito at kinatok ang pinto ng banyo. "Kung ayaw mo na sa cellphone na ito ay papalitan ko ng bagong brand new na iphone." Lalo lamang nagpupuyos sa galit ang puso ni Jesabell nang marinig ang sinabi ng binata. "Hindi na kailangan." Malamig niyang tugon at naghilamos upang alisin ang bakas ng luha sa mga mata. "Look, alam kong nagtatampo ka at binaliwala ko ang tawag mo namg gabing iyon. Hindi na mauulit kaya huwag mo nang palitan ang iyong number." Mahinahon na turan ni Tyler at pilit na sinusuyo ang dalaga. Hindi niya sinagot ang binata. Mariing naglapat ang mga labi niya at kuyom ang mga kamay. Nagagalit siya sa sarili dahil lumalambot ang puso sa panunuyo ng binata. Dapat manaig ang galit niya sa puso upang makalaya na ang sarili sa heartache. "Alalahanin mo, hindi na ikaw ang priority niya at walang tiwala sa iyo. Kaya ka niyang abandunahin ano mang oras para kay Emily!" kausap niya sa sarili habang nakipagtitigan sa salamin. Unti unting humulma ang ngiti sa labi niya ar tumango tango habang nanatiling nakatingin sa sariling reflection. "Tama, mula ngayon ay mag isa na lang ako. Narito lamang ako para gumanti sa bruhildang iyon!" bulong ni Jesabell sa sarili bago muling naghilamos. Ang laki ng ibinagsak ng katawan niya dahil walang maayos na kain nang nasa hospital siya. Pakiramdam niya ay biglang tumanda ang mukha niya. Hindi niya dapat pabayaan ang sarili. Tama na ang maging talunan at durog ang kalooban. Sa panlabas na anyo ay makabawi manlang. Pinalipas pa niya ang ilang minuto at inayos ang sarili. Nang masiguro na mukha na siyang fresh muli ay saka lang siya nagpasyang lumabas ng silid.Nagulat pa siya nang madatnang nakaupo si Tyron sa kaniyang kama at abala sa hawak nitong cellphone. Nang mag angat ito ng mukha ay mabilis siyang nag iwas ng tingin dito. "May kailangan ka pa ba?" Napabuntong hininga si Tyron dahil sa malamig na pakitungo ng dalaga sa kaniya. Tumayo siya at lumapit sa display table nito. Parang may kulang sa table nito. Nang hindi makita ang picture nilang dalawa ay nalungkot siya. Malaki nga ang tampo ng dalaga at lahat ng may kaugnayan sa kaniya ay gusto nang itapon. Napatiim bagang siya nang maalala ang sinabi nito sa kay Jason noong nasa hospital. Pinatigas niya ag anyo at iniharap sa kaniya ang dalaga.Kinagat ni Jesabell ang loob ng labi upang pigilan ang sariling damdamin. Gusto niyang puriin ang sarili nang magawa niyang salubungin ang nang aarok na tingin sa kaniya ng binata. Hindi na siya nagulat o nagtaka kung galit sa kaniya ito ngayon. Nanatiling tikom ang bibig niya at nalasahan na niya ang dugo na nagmula sa loob ng labing kagat niya.
Ginulo ni Jesabell ang kaniyang buhok nang may kumatok na sa pinto. Alam niyang nagmukha na siya na wala sa sarili at hawak niya ang unan na nilalaro.Nagulat si Lory pagkakita sa kaibigan. Hindi ito ang inaasahan niyang madatnan. Nagmamadali siyang lumapit kay Jesabell at umupo sa tabi nito. "Besh, ano ang nangyari sa iyo? Bakit mukhang totoong nawala ka sa sarili?"Lumabi si Jesabell at naiiyak na tumingin sa kaibigan. "Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang wala akong kakampi?"Naaawang niyakap ni Lory ang kaibigan. "Sorry, hindi ko alam na hospitak ka. Ano ang ginawa sa iyo ng bruhang iyon?""Kinuha ni Jesabell ang unan at niyakap iyon sa halip na sagutin ang kaibigan. Kung hindi niya lang alam na ang katotohanan ay isipin niyang lahat ay kayang gawin ni Lory para sa kaniya bilang kaibigan"Don’t worry, makakaganti ka rin sa kaniya." Mariing naglapat ang mga labi ni Lory matapos makapagsalita."How?" Mukhang inosinte niyang tanong kay Lory.Napangisi si Lory at tiyak na magkaroon ng m
Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jesabelle at naiiyak na tumingin kay Tyron. "Pero ang sabi ni Lory ay ikaw ang bumili nito at pinabigay mo sa kaniya?" Bumaba ang tingin niya at tiningnan ang damit. "Gusto ko lang e appreciate ang bigay mo kaya ko sinuot bilang pasalamat sa pag alaga mo sa akin sa hospital."Nanlaki ang mga mata ni Lory at hindi iyon ang napag usapan nila ni Jesabell. Pagtingin niya kay Emily ay mukhang bubugahan na siya ng apoy dahil sa galit.Mabilis na lumapit si Jesabell kay Emily at hinawakan ito sa kamay. "Emily, galit ka pa rin ba sa akin dahil pinahirapan kita ng ilang araw?""Ano ang pinagsasabi mo?" halos pabulong lang na turan ni Emily at binabawi ang kamay na hawak ng dalaga ngunit humigpit ang hawak nito doon."Emily, tanggap ko nang ikaw ang mahal ni Tyron. Huwag kang mag alala at aalis na ako rito upang—ahhhh!" Tumilqpon siya sa sahig dahil malakas siyang tinulak ni Emily."Jesabell!" Dumagundong ang boses ni Tyron sa apat na sulok ng dinning room da
Huminga nang malalim si Lory at may simpatyang tumingin kay Emily. "Walang magagawa ang galit mo sa kaniya ngayon. Ayusin mo ang iyong sarili at hindi ka dapat magmukhang kontrabida sa mata ni Tyron."Isang malalim na buntong hininga ang pikawalan ni Emily at inayos ang sarili. Nag isip siya ng ibang dahilan upang mapaniwala si Tyron na hindi niya sinadya ang nangyari kay Jesabell na siya namang totoo. Si Lory ay kailangab niya ring tulungan upang malinis sa mga mata ng binata. Nauna si Lory na pumasok ng silid upang kumustahin ang babae."Tyron, kumusta ang kaibigan ko?" nag aalalang tanong ni Lory sa binata. Nakagat niya ang ibabang labi nang sa halip na sagutin suya ng binata ay ang doctor ang kinausap."Sigurado ka ba na mababaw lang ang sugat sa ulo niya?" Hindi mapakaling tanong muli ni Tyron sa doctor. Mabuti at malapit lang ang clinic nito sa bahay niya kaya nakarating agad."Sadyang madugo lang dahil ulo. Binigyan ko na siya ng painkiller at nalinis ang sugat." Sagot ng doct
"Be careful." Maingat na inalalayan ni Tyron ang dalaga upang makabangon at pinasandal sa headboard. "Ano ang nangyari? Bakit ang sakit ng ulo ko?" Inosinteng tanong niya at hinawakan ang ulo."Jesabell, sorry! Hindi ko sinasadyang tabigin ka kanina nang hawakan mo nang mariin ang kamay ko. May sugat kasi ako sa kamay na kagagawan mo rin noong nasa hospital ka." Itinaas ni Emily ang kamay at ipinakita ang sugat doon na sinadya niya upang lalabas pa rin na si Jesabell ang may kasalanan sa nangyari rito.Napaismid si Jesabell nang makitang lumambot ang aura ng mukha ni Tyron nang makita ang sugat sa kamay ni Emily. "Mukhang mas sariwa pa ang sugat mo kaysa sugat ko sa ulo." Sarkastiko niyang puna at gustong matawa nang nang mawala ang composure nito.Mabilis na naibaba ni Emily ang kamay at naiiyak na nagyuko ng ulo. "Jesabell, alam kong nag iisip ka na nagdadahilam lamang ako. Pero saksi ang nurse mo noong sugatan mo ako sa kamay.""Kaibigan mo iyon at kuwento mo iyan kaya ikaw ang bi
Pilit na ngumiti si Lory sa kaibigan at nilapitan ito. "Hindi ka ba naaawa sa kaniya?""Bakit naman ako maawa sa kaniya? Sa akin ba ay naawa siyang gawan ako ng masama?" Nakatikwas ang kilay na balik tanong niya kay Lory."Pero—""Kung mas naawa ka sa kaniya ay siya na kaibiganin mo." Mataray niyang putol sa pagsasalita ni Lory.Mabilis na umupo si Lory sa tabi ng kaibigan at ikinawit ang kamay sa braso nito. "Excuse me, alam mong hate ko rin siya dahil kaaway mo. Naawa lang ako nang lumuhod siya kanina. Hindi ko akalaing kaya niyang gawin iyon upang mapatawad mo.""At sa tingin mo ay ginawa niya iyon para sa akin?" Sarkastiko niyang tanong kay Lory.Sandaling natigilan si Lory at umiwas ng tingin sa kaibigan. Ilang sandali pa ay nakangiting hinawakan niya ito sa kamay. "Huwag na nga natin siya pag usapan. Masakit ba talaga ang ulo mo?"Nakasimangot na sumandal si Jesabell sa headbord. "Try mong sugatan ang ulo mo at tingnan kung hindi masakit."Humulma ang hilaw na ngiti sa labi ni L
Napatingin siya sa kamay na nagkaroon ng pasa. Mukhang hindi na mawala ang marka doon kaya habambuhay na naman siyang huntingin ng karanasang iyon. Malungkot siyang tumingin muli sa salamin. Napapagod na siya sa buhay niyang walang kabulohan. Pero takot naman siyang mamatay. Siguro nga ay nababaliw na siya at kung ano na lang ang pumapqsok sq isipan niya."Maging masaya ka lang kapag nagmahal ka na ng iba." Kausap niya sa sarili at pinandilatan pa ang reflection sa salamin."Kaya kailangan mo nang makaalis dito upang mabilis kang maka move on!" Pinagdiinan pa niya sa sarili ang laman ng isipan. May isang oras din ang lumipas mula nang mapag isa siya bago nagpasyang lumabas ng silid nang kumalam ang sikmura. Pagsilip niya sa dinning room ay malinis na iyon. Tiyak na pinamigay na ang pagkain sa labas at ayaw ni Tyron na may natitira sa pagkain after kumain. Nakagat niya ang daliri at nag isip paano malamnan ang sikmura. Wala sa sariling naglakad siya hanggang sa makarating sa sala. Nag
"Jesabell, alam ko na masaya ka kapag nakikita akong may sakit at naghihirap. Pero puwede bang tama na ang pagpapanggap? Kung gusto mong ikaw ang makasama ni Tyron na kumain sa labas ay handa naman akong magpaubaya para sa iyo. Sabihin mo lang at—""Ang dami mo namang sinasabi." Putol niya sa paglilitanya ni Emily. "Umalis na kayo at baka ako na naman masisi kapag lumala iyang sakit mo! Lalo lang ako natatae dahil sa drama mo!" Patakbo na siyang lumayo kay Tyron habang sapo ang tiyan at umakyat sa haggan. Nahihiyang nagyuko ng ulo si Emily at nauwi sa walang kuwenta ang drama niya. Kita din sa mukha ni Tyron na parang nasaktan ito sa ginawang pambabaliwala na dito ni Jesabell "Let's go." Malamig na turan ni Tyron at nagpatiuna na sa paglalakad palabas ng bahay.Nagmamadaling sumunod siya sa binata. Hindi niya kayang sabayan ito sa mabilis na paglalakad dahil mataas ang takong ng suot na sandals.Hinahapong napaupo si Jesabell sa sahig at sumandal sa nakasarang pinto. Pansin niyang
Binuhat ni Timothy ang anak at inilapit sa natutulog na kapatid nito."Daddy, she looks like me." Manghang pinakatitigan ni Trix ang batang natutulog. "Ok lang po ba siya?" Bigla naman siya nalungkot nang makita ang ilang bandage sa pisngi at noo ng bata."Of course because she's your sister. And as of now, nagpapagaling pa ang kapatid mo kaya tutok kami ni Mommy sa pagbabantay sa kaniya." Nakangiting paliwanag ni Timothy sa anak."Don’t worry about me po, mommy and daddy. I'm strong po at hindi kailangan ng alaga. Lahat din po ng sasabihin ninyo at ni Tita Minche ay susund8j ko upang hindi kayo mag alala sa akin!"Nagpapasalamat ang tinging ipinukol ni Janina kay Minche. Nagpasalamat siya dito dahil sa tamang paggabay sa anak niya. Lumaki ito na amy malawak na unawa at mapagmahal. "Mula ngayon ay huwag ka nang sumama sa Mommy Jona mo okay? Huwag kang humiwalay sa tita at yaya mo kahit ano ang mangyari." Paalala dito ni Timothy. "Opo, ayaw ko rin po sa kaniya sumama at baka ilayo n
"Head namin siya at huwag mo nang dagdagan ang issue ngayon at ayaw kong matanggal sa trabaho." Halos pabulong na ani ng lalaki.Pagtingin muli ni Paul sa lalaking nasa unahan ay wala na ito roon. Inis na umalis na siya at binalikan sa sasakyan si Jona."Ano ang nangyari?" tanong agad ni Jona kay Paul."Bulshit, mukhang may alam na nga si Timothy sa tunay na ina ni Trix!" Naihampas ni Paul ang nakakuyom na kamay sa manibela."Ano na ang gagawin natin ngayon?" Kabadong tanong ni Jona sa binata. "Bumalik ka sa bahay ni Timothy at gumawa ng paraan na maitakas si Trix. Ikaw pa rin ang ina sa papel ng bata kaya maari mo siyang isalay sa eroplabo at ilayo pansamantala. Kailangan natin ng alas upang hindi pareho mapahamak." Utos ni Paul sa dalaga.Nakagat ni Jona ang ibabang labi. "Saan ko naman siya dadalhin upang itago?""Doon muna kayo sa bagong nabili kong property sa isang isla. Walang nakakaalam sa lugar na iyon mula sa kaanak ko dahil gusto ko iyon gawin private place ko sana.Hindi
"Ano ang sinasabi mo?" pabulyaw na tanong ni Paul sa lalaking kausap mula sa kabilang linya."Hinahanap ako ngayon ng kapulisan at hindi ko alam kung paano nila ako nakilalang bumangga sa batang iyon."Napamura si Paul at nagmamadaling lumabas ng shop dahil napapatingin na sa kaniya ang mga taong naroon. Nang masigurong wala nang ibang tao sa paligid ay muli siyang napamura. "Pota, hindi ka nag iingat!""Kailangan ko nang pera upang makalayo dahil kapag ako ang naguli ay hindi ko naipangakong mananahimik lang ako at makulong mag isa." May kasamang panakot na ani ng lalaki."Son of a bitch!" Nangalit ang bagang ni Paul at napahigpit ang hawak sa cellphone. Ang isang kamay ay nakakuyom at gustong manuntok kung kaharap lang ang kausap ngayon. "Hintayik ko ang padala mo ngayon sa bangko ko upang makaalis na mamayang madaling araw.""Siguraduhin mo lang na hindi ka mahuli at hindi na rin makipag ugnayan sa akim after this! Dahil kapag ako ang nagalit ay kaya kong tapusin ang buhay mo!" B
"Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Timothy ang manggagamot."By the way, ok na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng doctor sa binata."Yes, doc, salamat muli."Ngumiti ang doctor sa binata saka sa dalaga. Narahan hinaplos ang braso ng bata bago umalis."Da-daddy..." namamaos ang tinig ng bata sa pagtawag ng ama.Mabilis na lumapit si Timothy sa bata ay naiiyak na naman sa tuwa dahil sa tawag sa kaniya ng bata. "Yes, My Princess? Mwy gusto kq bang kainin o may masakit sa iyo? Sabihin mo sa daddy ay gagawa ko ng paraan upang mawala ang sakit."Napaluha na si Janina at ramdam niyang mahal din ni Timothy ang ampon niya."I'm fine po, thank you po at nahanap ka na ni monmy."Nakangiting hinaplos ni Timothy ang pisngi ng bata na walang gasgas na natamo mula sa aksidente. "I love you! Babawi ang daddy sa iyo okay?"Umiiyak na niyakap ni Janina ang binata mula sa likod. Sobrang saya niya at lahat ay tanggap sa kaniya ng binata."I love you too, daddy! Please always protect my mom!"Nakangit
Nangunot ang noo ni Jona nang harangin diya ng lalaki bago pa siya makarating sa pinto ng room kung saan naka confine ang ampon ni Janina. Alam niyang naroon din si Timothy at gusto niyang makita."Sorry po, ma'am, pero mahigpit ang bilin na bawal magpapasok ng bisita na walang pirmiso nila." Magalang na ani ng lalaking humarang sa pinto."Asawa ko ang nasa loob kaya bakit mo ako pinagbabawalan?" Singhal ni Jona sa lalaki."Ipaalam ko po na narito kayo." Magalang pa rin ani ng lalaki saka tumalikod.Gusto sanang sumilip ni Jona sa pinto ngunit ang bilis na naisara iyon ng bantay. Gusto niya rin sanang makita ang bata dahil kahit larawan ay wala siyang makita na ipinagtataka niya. Curious kasi siya at mukhang pinangangalagaan na rin ni Timothy. Ilang sandali pa ay lumabas na ang bantay kasunod si Timothy. "Ano ang ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo na tanong ni Timothy sa babae."Honey—""Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa iyo na stop calling me honey? Huwag mo ring gamitin a
Napabuntong hininga si Timothy saka hinawakan sa palad ang dalaga. "Noong malaman ko na sinasaktan ni Jona ang anak ko ay nagduda ako kaya pina DNA test ko ang bata nang wala na siya."Biglang kumabog ang dibdib ni Janina at kinakabahang marinig ang sunod pang sasabihin ng binata."Tama nga ang hinala ni Ate Minche noon na hindi siya ang tunay na ina ni Trix."Napatukod ang kamay ni Janina sa gilid ng kama at parang bigla siyang nahilo sa narinig. "Na-nahanap mo na ba ang tunay niyang ina?"Inabot ni Timothy ang palad ng dalaga at hinila ito palapit sa kaniya. Niyakap niya ito sa baywang bago nagsalita. "I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sa iyo.""A-ang alin?" Garalgal na ang tinig niya at pinigilan ang mapaiyak."First of all, unang kita ko pa lang sa iyo ay nagustohan na kita." Confess ni Timothy sa dalaga. Paluhod siyang humarap sa binata upang magpantay sila nito. Napangiti siya nang makitang kabado ito."May tiwala ka sa akin di ba?" Kabadong tanong ni Timothy, nang tumango an
Napangiti si Timothy nang makita ang pagdaloy ng dugo mula sa kaniya patungo sa maliit na plastic bag at mula doon naman ay ililipat sa bata. Dalawang bag din ang kinuha sa kaniya pero hindi siya nakaramdam ng panghihina. Tinawag niya ang nurse at may inutos dito upang makasiguro siya.Sa labas ng operating room, hindi mapakali si Janina at nag aalala sa anak at kay Timothy. May isang na ang nakalipas ay hindi pa rin lulamabas kahit nurse."Maupo ka muna at baka ikaw naman sa mapaano." Pinilit na ni Danny ang dalaga na mapaupo."Nahuli na ba ang driver ng sasakyan na siyang bumangga sa anak ko?" "Hindi pa at mukhang planado ang lahat dahil walang plaka ang sasakyan at iniwan sa isang lugar na malayo sa kabahayan."Napabuntong hininga si Janina. "Kapag nalaman kong may kinalaman sila sa lahat ng ito ay siguraduhin kong mabubulok na sila sa bilangoan!" Nangangalit ang mga ngipin ni Janina dahil sa galit at ang tinutukoy ay sina Jona at Paul."Maiba tayo, hindi mo ba napapansin na kamuk
"Sino po ang parents ng pasyente?" tanong agad ng nurse sa mga naroon."Ako ang ina ng bata. Kumusta na po ang anak ko?" tarantang tanong ni Janina sa huli."Narami po ang dugong nawala sa bata at still in critical condition. Kailangan din siyang salinan ng dugo ngayon din."Muling nanlambot ang mga paa ni Janina dahil sa narinig. May pinapipirmahan sa kaniya ang nurse at wala sa sarili kinuha ang pen.Naging abala si Danny sa pagtawag sa mga kakilala at sa inutusang tao na maghanap ng donor sa dugo ni Marian."Ano po ang blood type ng bata?" tanong ni Timothy sa nurse at hindi na niya makausap ang dalawa dahil abala na sa pagtawag ng kung kanino para sa dugo."RhD negative, po."Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Timothy nang marinig ang sinabi ng nurse. "I'm willing to donate!"Sabay na napatigil sina Janina at Danny sa pakipag usap sa katawagan nang marinig ang sinabi ni Timothy. "Wala nang oras pa, kahit ano ang mangyari ay iligtas ninyo ang buhay ng anak ko!" Matigas na utos ni T
"Where are you?" tanong ni Timothy sa dalaga at kahit papaano ay nakahinga nang maluwag dahil sumagot ang dalaga sa tawag niya."Papunta ako ngayon sa hospital!" Garalgal ang tinig na ani Janina at nakilala agad si Timothy na nasa kabilang linya."What? Are you hurt? Saang hospital at puntahan kita ngayon din!" Sobrang nag aalala na ani Timothy. Ibinigay ni Janina ang pangalan ng hospital sa binata. Alam niyang malapit sa kompanya ng binata ang naturang hospital. Hindi na siya nagpaliwanag dito at nasa on call si Danny.Napamura si Timothy nang biglang naputol ang tawag sa dalaga. Halos takbuhin niya ang daan patungo sa kinaparkingan ng kotse niya. Mabuti na lang at malapit lang ang hospital. Wala pang twenty minutes ay narating niya iyon.Hilam ng luha ang mga mata ni Janina habang papalapit sa kaibigang bakla. Tulad niya ay namumula din ang mga mata nito dahil sa pag iyak. "Danny, ano ang nangyari? Kumusta na ang anak ko?" Niyakap ni Danny ang dalaga at pinigilan ang mapaiyak dah