"Be careful." Maingat na inalalayan ni Tyron ang dalaga upang makabangon at pinasandal sa headboard. "Ano ang nangyari? Bakit ang sakit ng ulo ko?" Inosinteng tanong niya at hinawakan ang ulo."Jesabell, sorry! Hindi ko sinasadyang tabigin ka kanina nang hawakan mo nang mariin ang kamay ko. May sugat kasi ako sa kamay na kagagawan mo rin noong nasa hospital ka." Itinaas ni Emily ang kamay at ipinakita ang sugat doon na sinadya niya upang lalabas pa rin na si Jesabell ang may kasalanan sa nangyari rito.Napaismid si Jesabell nang makitang lumambot ang aura ng mukha ni Tyron nang makita ang sugat sa kamay ni Emily. "Mukhang mas sariwa pa ang sugat mo kaysa sugat ko sa ulo." Sarkastiko niyang puna at gustong matawa nang nang mawala ang composure nito.Mabilis na naibaba ni Emily ang kamay at naiiyak na nagyuko ng ulo. "Jesabell, alam kong nag iisip ka na nagdadahilam lamang ako. Pero saksi ang nurse mo noong sugatan mo ako sa kamay.""Kaibigan mo iyon at kuwento mo iyan kaya ikaw ang bi
Pilit na ngumiti si Lory sa kaibigan at nilapitan ito. "Hindi ka ba naaawa sa kaniya?""Bakit naman ako maawa sa kaniya? Sa akin ba ay naawa siyang gawan ako ng masama?" Nakatikwas ang kilay na balik tanong niya kay Lory."Pero—""Kung mas naawa ka sa kaniya ay siya na kaibiganin mo." Mataray niyang putol sa pagsasalita ni Lory.Mabilis na umupo si Lory sa tabi ng kaibigan at ikinawit ang kamay sa braso nito. "Excuse me, alam mong hate ko rin siya dahil kaaway mo. Naawa lang ako nang lumuhod siya kanina. Hindi ko akalaing kaya niyang gawin iyon upang mapatawad mo.""At sa tingin mo ay ginawa niya iyon para sa akin?" Sarkastiko niyang tanong kay Lory.Sandaling natigilan si Lory at umiwas ng tingin sa kaibigan. Ilang sandali pa ay nakangiting hinawakan niya ito sa kamay. "Huwag na nga natin siya pag usapan. Masakit ba talaga ang ulo mo?"Nakasimangot na sumandal si Jesabell sa headbord. "Try mong sugatan ang ulo mo at tingnan kung hindi masakit."Humulma ang hilaw na ngiti sa labi ni L
Napatingin siya sa kamay na nagkaroon ng pasa. Mukhang hindi na mawala ang marka doon kaya habambuhay na naman siyang huntingin ng karanasang iyon. Malungkot siyang tumingin muli sa salamin. Napapagod na siya sa buhay niyang walang kabulohan. Pero takot naman siyang mamatay. Siguro nga ay nababaliw na siya at kung ano na lang ang pumapqsok sq isipan niya."Maging masaya ka lang kapag nagmahal ka na ng iba." Kausap niya sa sarili at pinandilatan pa ang reflection sa salamin."Kaya kailangan mo nang makaalis dito upang mabilis kang maka move on!" Pinagdiinan pa niya sa sarili ang laman ng isipan. May isang oras din ang lumipas mula nang mapag isa siya bago nagpasyang lumabas ng silid nang kumalam ang sikmura. Pagsilip niya sa dinning room ay malinis na iyon. Tiyak na pinamigay na ang pagkain sa labas at ayaw ni Tyron na may natitira sa pagkain after kumain. Nakagat niya ang daliri at nag isip paano malamnan ang sikmura. Wala sa sariling naglakad siya hanggang sa makarating sa sala. Nag
"Jesabell, alam ko na masaya ka kapag nakikita akong may sakit at naghihirap. Pero puwede bang tama na ang pagpapanggap? Kung gusto mong ikaw ang makasama ni Tyron na kumain sa labas ay handa naman akong magpaubaya para sa iyo. Sabihin mo lang at—""Ang dami mo namang sinasabi." Putol niya sa paglilitanya ni Emily. "Umalis na kayo at baka ako na naman masisi kapag lumala iyang sakit mo! Lalo lang ako natatae dahil sa drama mo!" Patakbo na siyang lumayo kay Tyron habang sapo ang tiyan at umakyat sa haggan. Nahihiyang nagyuko ng ulo si Emily at nauwi sa walang kuwenta ang drama niya. Kita din sa mukha ni Tyron na parang nasaktan ito sa ginawang pambabaliwala na dito ni Jesabell "Let's go." Malamig na turan ni Tyron at nagpatiuna na sa paglalakad palabas ng bahay.Nagmamadaling sumunod siya sa binata. Hindi niya kayang sabayan ito sa mabilis na paglalakad dahil mataas ang takong ng suot na sandals.Hinahapong napaupo si Jesabell sa sahig at sumandal sa nakasarang pinto. Pansin niyang
"Ouch, I hate you!" Duro ni Jesabell sa kawali gamit ang sandok. Ang sakit na kasi ng kamay niya kung saan tumama ang tumatalsik na mantika. Tiyak na mag iiwan iyon ng piklat sa braso niya. Dahan dahan siyang lumapit sa kawali habang itinatakip ang malapad na pinggan sa mukha. Hindi dapat madumihan ang mukha niya at ganda na nga lang ang mayroon siya.Tinakpan ni Nida ang sariling bibig upang hinidi makalikha ng ingay nang makita ang hinangong itlog ng dalaga. Sunog iyon at sobrang mamantika. Ni zoom pa niya ang ang nasa plato at tingin niya kahit aso ay hindi kakainin iyon.Napabuntong hininga si Jesabell nang makita ang niluto. Pero kahit palpak ang gawa ay proud pa rin siya sa sarili. Muli siyang tumingin sa cabinet at noodles naman ang hinanap. Napangiti siya nang makitang very easy sundin ang instruction. Lalagyan niya lang ng water at tiyak na hindi masusunog iyon.Napasimangot si Nida at mukhang nakagawa na ng tamang pagkain ang dalaga. Hindi na rin ito napapaso at tantyado an
"I have an urgent meeting kaya ikaw na ang bahala sa kaibigan mo." Inilabas ni Tyron ang isang card at ibinigay kay Dory. "Use this for shopping at ikaw na bahala kay Emily." "Tyron, kahit ang pagkain lang. Huwag mong alalahanin si Jesabell dahil ipinagluto siya ni Nida." Pigil ni Emily sa binata at sinabayan ng tayo..kilala ko si Jesabell, hindi niya kakainin ang luto sa ganitong mood niya. Please understand, higit na nakakaunawa ka sa sitwasyon ngayon." May kasamang pakiusap ni Tyron sa dalaga..Inis na nagyuko na lamang ng ulo si Emily at ayaw niyang makita ng binata na kabaliktaran ang inaasahan nito sa kaniya. Ang tingin sa kaniya ay santa na kayang magpaubaya at maunawain sa lahat ng oras. Kung alam lang nito, kulang na lang ay ipakulam niya si Jesabell upang mawala na ito sa landas niya. Inis na tinabig niya ang table napkin na nakapatong sa taas ng lamesa nang wala na si Tyron."Tama na at gutom ako kakamadali na pumunta dito." Awat ni Dory sa kaibigan. Bumuntong hininga s
"Kailangan pa ba kitang subuan?" Aroganteng tanong ni Tyron sa dalaga habang nanatiling nakatutok ang tingin sa screen ng laptop. Wala sa sariling sumubo siya muli ng pagkain gamit pa rin ang kutsara na ginamit din ni Tyron. Muntik pa siyang nabulunan at mabilis siyang inabutan ng tubig ng binata. "Thank you!" aniya matapod makainum ng tubig at naalis ang bara sa lalamunan."Slow down, order pa ako ng pagkain kung kulangin."Lihim siyang napangiti at kinilig na naman ang tanga niyang puso. Bakit naman kasi ganito ang binata? Napabuntong hininga siya at itinuon na lang ang tingin sa pagkain. Si Tyron kasi ay abala na ito sa kausap nito mula sa zoom meeting. Alam niyang nakikita siya ng mga board member dahil nasa likod siya ni Tyron. Tuwing aangat siya ng tingin ay nahuhuli niyang nakatingin sa kaniya ang ilan sa mga naroon. Marahil ay curious kung sino siya kasama ng CEO sa iisang silid. Matipid siyang gumanti ng ngiti sa isang lalaking mukhang kaidaran lang ni Tyron.Tumikhim si Ty
"Hindi ba at ako ang dapat magsabi niyan sa iyo?" Ngumiti si Emily sa dalaga.Nagkibit balikat lang si Jesabell at pasimpleng sinulyapan si Tyron. Mukhang malalim ang iniisip nito at hindi naririnig ang iringan nila ni Emily. Ayaw niyang magtagal na kasalo si Emily kaya binitbit na niya ang isang tinapay at tumayo." Aalis na ako." Hindi na niya hinintay ang sagot ni Tyron at nagmamadali na siyang umalis. "Tyron, hindi ka pa tapos kumain." Pigil ni Emily nang tumayo na rin ang binata. Hindi nag abalang lumingon si Jesabell kahit narinig niya ang sinabi ni Emily. Kung noon ay walang sawa na naglalambing siya kay Tyron na ihatid siya sa scho, ngayon ay hindi na. Tama na ang halos dalawang taon na pamamalimos ng tunay na pagmamahal mula rito. Bago pa siya kalabas ng gate ay nagulat siya nang may bumusinang sasakyan sa garahe.Naipadyak ni Emily ang kanang paa nang makitang sapilitan na ipinasok ni Tyron si Jesabell sa magarang kotse nito. Ang nakakainis pa ay gamit nito ang dating sasak
"Uhmm... silly, why did you do that?" Sermon niya sa dalaga at hinaplos ang hita nito saka hinalikan sa dibdib upang maibsan ang sakit na nadarama nito."Ka-kaya ko na." Udyok niya sa binata.Saka lang kumilos si Tyron nang masigurong kaya na nga ng dalaga. Sa una ay dahan dahan pa rin ang paggalaw niya hanggang sa makapag adjust sa size niya ito."Uhmm, go on... please faster!" Hiling niya sa binata at lamang na ang sarap na nadarama niya.Pinagbigyan niyang muli ang dalaga at sunod sunod nang ulos ang ginawa niya sa lagusan nito. Nag echo ang halinghing at ungol nilang dalawa sa apat na sulok ng silid. Walang mapagsidlan ng saya ang nadarama niya habang inaangkin ang dalaga dahil siya ang nakauna. Ilang ulos pa ang ginawa niya at kaunti na lang ay sasabog na ang init sa kanilang katawan. "Ahhh shit, I can't withdraw!" Hirap na aniya at hindi magawang hugutin ang sarili na nakabaon sa loob ng pagkababae ng dalaga."Just let it go, handa na akong maging ina ng anak mo." Ipinulupot n
"Shit, ang laki!" Naisatinig ni Jesabell habang nakatitig sa pagkalalaki ng binata na nagyayabang sa harapan niya nang makawala sa pagkakulong ng suot ni Tyron. Nakakita na siya ng ganoon sa napanood niyang porn video. Ibang iba pala kapag sa personal. Bumangon siya at gusto iyon hawakan.Lumalim ang paghinga ni Tyron nang haplusin ng dalaga ang shaft niya. Pakiramdam niya ay nasasakal siya at lalong nanigas ang pagkalalaki sahil sa ginagawa ng dalaga. Mukha itong bata na sabik sa bagong laruan. "Wow ang tigas! First time kong makahawak ng ganito at—""And this is the last one na dapat mo lang makita." Mariin niya putol sa iba pang nais sabihin ng dalaga.Napangiti si Jesabell at nang aakit ang tingin sa binata habang dahan dahang inilalapit ang bibig sa hawak niyang shaft nito.""Argh, baby don't... ahhhh fuck, hindi ganiyan ohhh!" Napangiti si Jesabell nang marinig ang bawat ungol ng binata. Mali nga siguro ang ginawa niya pagdila at amoy sa ulo ng shaft nito. Kakaiba ang amoy niy
Kabadong binuksan ni Nida ang pinto nang makitang dumating na ang amo. Pero nagulat siya nag makitang buhat nito si Jesabell. "Good eve po, sir, hindi pa po umuuwi si Ma'am Emily. Baka—""Mula ngayon ay huwag mo siyang banggitin pa sa akin at itapon ang mga damit niya sa labas!" Matigas na utos ni Tyron sa katulong.Nanlaki ang mga mata ni Jesabell sa narinig. Alam niyang masamang magalit ang binata pero hindi niya akalaing wala itong awa kahit sa taong gumawa dito ng kabutihan. Parang natakot siya bigla para sa sarili. Baka itapon din siya nito kapag nakagawa siya ng kasalanan. "Ang dami mo nang kasalanang nagawa pero hindi ka magawang itakwil." Bulong ng isang bahagi ng isipan.Napangiti si Jesabell at yumakap ng mahigpit sa binata. Iba nga pqlq ang pagmamahal ng binata sa kaniya kaya hindi siya matulad kay Emily. Pagtingin niya kay Nida ay halos mamutla na ito. Malamang natatakot na ito sa isiping wala na ang amo kaya tiyak mapatalsik na rin ito sa trabaho."Ibaba mo na ako at kay
"Gusto ko po ng mommy na kasing bait at ganda mo!" Maktol ni Trix at mukhang paiyak na."May kilala akong na ganiyan!" Pumitik pa sa hangin si Jesabell at napangiti."Talaga po?" Biglang umaliwalas ang mukha ng bata at excited sa narinig."Yes, ipakilala ko siya sa iyo kapag may time na siya." Pangumbinsi niya sa bata.Napangiti si Timothy nang biglang sumigla ang anak at hindi na ipinilit ang gusto. Hindi na niya inalam kung sino ang ipakilala ng dalaga sa anak dahil alam naman niyang inuuto lang nito ang anak niya. Napatingin siya kay Jason, talagang sinulit nito ang libreng pagkain at ang daming order saka mga mamahalin pa. "Buddy na ba tayo?" Nakangiting ginulo ni Tyron ang buhok ng bata."Kapag nag anak kayo dapat po ay babae at ako ang mag aalaga sa kaniya." Demand ni Trix.Natawa si Tyron at tumango sa bata saka bumulong sa dalaga. "Mukhang kailangan nating agahan ang pagagawa ng baby girl." Biro niya sa dalaga.Namula ang pisngi ni Jesabell ar bumilis ang tibok ng puso niya d
Wala pang twenty minutes ang nakalipas ay nakabalik agad si Tyron. Ang bilis pa nitong maglakad na para bang takot maiwan."Hindi ko itatanan si Jesabell kaya relax." Pang aasar ni Jason kay Tyron. Sinamaan lang ni Tyron ng tingin si Jason bago nilapitan ang dalaga na nakasandal sa headboard. "Puwede na daw kita ilabas ngayon kung wala ka nang ibang nararamdaman?" Kung siya ang masunod ay ayaw pa niyang lumabas ito ng hospital. Ngunit ayaw niyang sumama ang loob o ipilit ang ayaw nito. Natuto na siya at nasasaktan ang kalooban nito nang hindi sinasadya.Natuwa si Jesabell sa narinig. Ayaw na talaga niyang mag stay sa isang hospital at pakiramdam niya ay lalo siyang magkasakit."Mabuti naman, mauna na ako ng alis at nag aaya ang anak kong kumain sa labas ngayon. Baka gusto ninyong sumama?" ani Timothy. "Libre mo?" sabik na tanong ni Jason."May choice ba ako eh wala ka namang pera."Napangiti si Jesabell habang nakikinig. Katuwa at parang barkada na lang ni Jason si Timothy at Tyron.
"Maging si Lory ay hindi ko palalampasin ang ginawa niyang pangta traidor sa iyo!" Dumilim ang anyo ni Tyron at napatiim bagang.Namilog ang mga mata ni Jesabell at hindi akalaing maging si Lory ay na discover ng binata. Inabot niya ang palad nito at hinila palapit sa kaniya. "Hayaan mo na si Lorry nagantihan ko naman siya nang hindi niya alam."Napabuga ng hangin sa bibig si Tyron. "Kailan mo pa alam na traidor siya? At bakit hinayaan mo pa rin siyang kaibigan ka niya?""Noong masaksak ako. Bago ako nawalan ng malay noon ay narinig ko ang boses niya na akala ko ay iniwan na ako. Doon ko napagtanto na sinamantala niya ang pagrerebelde ko sa iyo. Ang akala ko ang pagganti ko kay Emily na turo niya ay makakabawi ako. Hindi ko naisip na naglilikha lamang ng panibagong gap sa pagitan natin at misunderstanding."Naaawang niyakap niya ang dalaga at hinalikan ito sa itultok ng ulo nito. "I'm sorry!""Si Jason, huwag mo na sanang pag initan dahil tunay ko siyang kaibigan." Humilig siya sa bal
"Hey, its alright. Ngumiti si Tyron nang masalubong ang natatakot na mga titig ng dalaga. Dahan dahan siyang humakbang palapit. Ang akala niya ay mahirapan pa siyang pakalmahin ito pero nagulat siya nang salubungin siya ng yakap."I'm scared!" Umiiyak na ani Jesabell habang yakap ng mahigpit ang binata."Sorry if I'm late. But I promise, everything will be ok from now on." Hinaplos niya ang buhok ng dalaga at hinayaan lang itong kagatin ang balikat niya. Napangiti siya habang naluluha. Masaya siya at bumalik na ang kilala niyang bata noon. Ganito kasi ang ginagawa nito kapag natatakot noon. Alam niyang hindi magtatagal at kakalma na ito. Massage niya ang mga braso, nalita at paa nito at nakakatulong iyon upang mawala na ang panginginig ng kalamnan nito.Mukhang nanghihinang isinubsob ni Jesabell ang ulo sa matigas na dibdib ng binata nang bumalik na sa wisyo ang pag iisip niya at nawala na ang takot. "I'm sorry, nawala na naman ako sa sarili ko.""It's not your fault. C'mon, give me
Napasimangot si Jesabell nang masalubong ang mukhang gulat at takot na mga tingin ng dalawa. "Mukha ba akong white lady?"Sabay na napaurong ng hakbang sina Timothy at Jason habang nanlalaki ang mga mata na mukhang nakakita ng multo."Kanina ka pa gising?" Mukhang hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Jason.Mukhang inaantok na tumango si Jesabell. Natawa siya nang makitang mukhang Nahihiyang tumingin sa kaniya si Timothy dahil narinig niya ang kuwento ng buhay nito. "Basta chismis talaga ay active ang braincells mo. Mabuti naman gising ka na at parang mabaliw na si Tyron sa pag alala sa iyo." Buska ni Jason sa dalaga.Biglang nabura ang mapanuksong ngiti sa labi ni Jesabelle at tumingin sa paligid. Nagtataka din siya kung bakit naroon siya sa hospital. "Nasaan siya?""Pinaparusahan ang mga taong involved sa nangyari sa iyo." Si Timothy na ang sumagot at ngumiti sa dalaga. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"Parang biglang nilamig si Jesabell pagkaalala sa nangyari sa kaniya kanina. Ang
"Emily, hindi ka dapat dito pumunta kung totoong tumakas ka lang kay Tyron." Kinakabahang turan ni Dory."Itinatakwil mo na ba ako dahil wala ka nang maasahan mula sa akin?" Galit na panunumbat ni Emily sa matalik na kaibigan."Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ayaw ko lamang na madamay. Isa pa kung pareho tayong makulong, paano natin matulungan ang isa't isa?" Paliwanag niya kay EmilyNaiinis at naglikot ang mga mata ni Emily. Tama naman ang kaibigan, wala siyang ibang maasahan ngayon kupndi ito lang. "Hanapan mo ako nang pansamantalang matuluyan."Nakahinga nang maluwag si Dory at nakinig ang kaibigan. Kaagad niyang ibinigay ang susi ng nabili niyang apartment sa kabilang bayan. "Sa bahay ng tiyahin ko iyan at nasa ibang bansa siya kaya ipinagtakatiwala niya muna sa akin." Pagsisinungaling niya. Hindi maaring malaman ni Emily na siya na ang may ari niyon dahil tiyak aagawin sa kaniya. Pera kasi nito ang ginamit niya na hindi nito alam.Nagmamadali nang umalis si Emily dala ang susi