"Ano ang kailangan mo?" malamig na tanong ni Jesabell kay Emily nang pumasok ito sa silid kung saan siya naka confine. Hindi niya alam na nakabalik na ito pero wala si Tyron.
"Binibisita ka at tinitingnan kung buhay pa ba." Ngumiti si Emily. "Hayop ka, ano ang sinabi mo kay Tyron at ayaw pa akong palabasin dito?" galit niyang singhal sa babae. Kahapon pa sana siya lalabas ngunit biglang sinabi ng doctor na utos ni Tyron. Ngumisi si Emily at dahan-dahang lumapit sa dalaga. "Oh dear, kawawa ka naman at hindi na mahal ni Tyron at pinaniniwalaan. Ako na lang ngayon ay pinaniniwalaan niya at lahat ng sabihin ko ay sinusunod niya." "Bitch! Ginagalit mo talaga akong hayop ka!" Hindi na niya napigilan ang sarili at mabilis na bumaba ng kama. "Ahh bitiwan mo ang buhok ko! Baliw ka na talaga!" Sigaw ni Emily at pilit na inaalis ang kamay ni Jesabell na sumasabunot sa buhok niya. "Ito ang gusto mo ang ipakita kay Tyron na baliw ako then panindigan ko na, hayop ka!" Lalo niyang hinila ang buhok ni Emily at kinalmot pa ang mukha nito. Kung wala pang dumating na staff ay hindi niya ito titigilan. Tumawa siya nang makitang may kalmot ito sa pisngi at sabog ang buhok. "Turukan niyo siya nang pampakalma." Utos ng doctor sa nurse. Hindi na siya nanlaban sa nurse at lalo lang siyang sasaktan. Alam niyang na video siya ng alalay ni Emily at mukha talaga siyang baliw habang tumatawa. Hindi kasi niya mapigilan ang sarili na huwag matawa sa mukha ni Emily. She deserve it at pagbigyan niya ito. Tingnan niya lang kung sino sa kanilang dalawa ang tuluyang mabaliw. Inis na lumabas ng silid si Emily at pinagamot agad ang sugat sa pisngi at baka magkaroon ng piklat. Ang sakit pa rin ng anit niya at ang tagal dumating ng rescue. Akala niya ay siya na ang nakaisa sa babaeng iyon. Ilang sandali pa ay tumawag si Tyron. Lalo niyang ginulo ang buhok at umiyak bago sinagot ang video call. "What happen? Nasaan na si Jesabell?" Nag aalalang tanong ni Tyron. Sandaling tumigil sa pag iyak si Emily at nainis sa binata. Halatang mas nag alala ito kay Jesabell kaysa kaniya gayong nakikita nitong umiiyak siya at magulo ang buhok. "Bakit lumala ang sakit niya? Ang akala ko ba ay ok na siya kanina?" Hindi mapakali si Tyron at tumayo pa mula sa kinaupuang kama. Nasa hotel room pa siya at mamaya ay may meeting kasama ang maging kasosyo sa itatayong branch sa lugar na iyon. "Hindi ko alam, see what she did to me?" Napaiyak na naman si Emily. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi iyak bilang pagkukunwari lamang. Talagang naiyak siya sa sama ng loob dahil mas concern si Tyron kay Jesabell kaysa kaniya. Ang inaasahan niya ay lalo itong magalit sa babae dahil sinaktan siya. Napabuntong hininga si Tyron bago pinagmasdan ang mukha ng dalaga. "I'm sorry, ako na ang humihingi ng apology sa ginawa niya sa iyo. Tulad sa sinabi mo, mukhang nawawala na siya sa sarili niya kaya hindi alam ang ginagawa." Mariing naglapat ang mga labi ni Emily at pinigilan ang sarili na makapgsalita. Sa halip na ma dissapoint si Tyron or ikahiya si Jesabell ay kabaliktaran ang nangyari. "Tatapusin ko agad ang trabaho ko dito upang makauwi na at ako mismo ang mag aasikaso kay Jesabell. Sa ngayon ay pasensya na kung sa iyo ko siya pinauubaya." "Alam mo namang lahat ay gagawin ko para sa iyo, kahit nasasaktan na niya ako." Malungkot at makahulugang turan ni Emily. Sandalint natigilan si Tyron. "Babawi ako sa iyo pag uwi ko." Ngumiti si Emily at tumango-tango. Ang saya niya at babawi sa kaniya ang binata. Excited na siya sa pag uwi nito at kung ano ang gagawin upang makabawi sa kabutihang ginagawa niya para dito. Matapos magamot ang kalmot sa pisngi niya ay bumalik siya sa silid ni Jesabell. Gusto niyang gumanti dito. Napabalikwas ng bangon si Jesabell kahit nanghihina nang maramdamang may nakahawak sa isa niyang kamay. Nanghihina siya dahil naturukan kanina ng gamot. "Ano ang ginagawa mo?" tanong niya sa lalaking nurse na ngayon lang nakita. "Huwag po kayong malikot at kailangan ninyong maitali upang hindi na makapanakit pa. "P*ta, tatandaan ko iyang mukha mong gago ka." Hindi na siya muling nanlaban at mauubos lang ang lakas niya. Pagtingin niya sa pinto ay naroon si Emily at nakangisi na naman. Nadedemonyo talaga ang utak niya kapag nakikita ang babae. Pero wala siyang laban ngayon at pinagtutulungan siya. Ayaw niyang maturukan pa ng kung anong gamot at baka tuluyan na talaga siyang mabaliw. Nang masiguro ni Emily na hindi na talaga siya magantihan ni Jesabell ay bilapitan niya ito. Ilang ulit niya ring sinampal ito sa pisngi at hinila ang buhok. Ngunit hindi manlang dumadaing ito sa sakit kaya lalo lamang siya nagagalit. Tinawanan ni Jesabell ang babae sa halip na ipakitang basasaktan siya. "Kawawa ka naman, kailangan mo pa akong itali para lang makaganti. Sige lang, samantalahin mo ang pagkakataon na ito pero ihanda mo ang iyong sarili. Bibilangin ko ang bilang ng sampal mo sa akin at pananabunot dahil doble kong ibabalik iyan sa iyo kapag nakawala rito." Biglang naibaba ni Emily ang kanang kamay at hindi na itinuloy ang pagsampal pa dito. Alam niyang hindi nagbibiro ang babae. Sa ugali nito, kung masama ang ugali niya ay mas m*****a ito at brutal mag isip upang makaganti. Kung wala lang si Tyron na naniniwala sa kasinungalingan niya ay kawawa siya rito. "Oh, bakit ka tumigil?" Natatawang tanong ni Jesabell sa babae. "Hindi pa namumula nang husto ang pisngi ko kaya ituloy mo lang." Nakangisi niyang udyok sa babaeng halatang natakot sa banta niya. "Bitch! Tumawag si Tyron kanina at nakita ang sugat sa pisngi ko kaya huwag mo akong takutin! Lalong hindi ka paniniwalaan ni Tyron kung magsumbong ka man na sinasaktan kita dahil ang pagkakaalam niya ay nasisiraan ka na ng bait!" Tumawa si Emily at masaya sa mga naisip. Pero biglang nabura ang ngiti sa labi niya nang biglang tumawa rin si Jesabell. Halos mamilipit siya dahil sa pagtawa nang makita ang reaction sa mukha ni Emily nang tumawa siya. Ang tingin nito sa kaniya ay talagang nasisiraan din ng bait. Mas enjoy pala ang ganito. Less stress ang sabayan ang kademonyohan nitong ginagawa sa kaniya. "Ano ang nakakatawa?" Galit na singhal ni Emily kay Jesabell. "Nakakatawa ang mukha mo!" Muli siyang tumawa at kung wala lang tali ang mga kamay niya ay naturo na niya ang mukha nito. "Hindi bagay sa iyo ang maging sugo ni Satanas at ang weak mo!" "You bitch!" Tangkang sasampalin niyang muli si Jesabell ngunit pinigilan siya ni Carlo, ang baklang nurse na kaibigan niya. "Tama na at hindi siya maaring magkapasa sa mukha. Ang mabuti pa ay umuwi ka na at ako na ang bahala sa kaniya." Napabuga ng hangin sa bibig si Emily at sinamaan ng tingin si Jesabell. "Sa pagbalik ni Tyron, siguraduhin kong siya mismo ang maglalagay sa iyo sa mental hospital!" Nagkibit balikat si Jesabell at hindi natatakot sa banta ng babae. Kailangan niyang makaisip ng paraan na mailayo sa kaniya ang nurse na bakla. Galit siya kay Tyron pero naipagdasal niya na sana ay makabalik na ito upang makalabas siya sa hospital. Kapag nakalabas siya ay talagang gagawa siya nang paraang makaalis sa poder nito. Hangga't nasa bahay kasi siya ni Tyron at hindi niya magawang mahalin ang sarili. Ayaw na niyang isiksik ang sarili sa taong ayaw sa kaniya at maging hadlang sa dalawang taong nagmamahalan."Maari ka nang lumabas, wala bang magsusundo sa iyo?" tanong ng doctor habang nakatingin sa chart ng dalaga.Ngumiti si Jesabell at umiling. Kailangan niyang maging mabait upang pakawalan na siya. Itinatali kasi siya ng mga ito at laging tinuturukan ng pampatulog. Hindi siya dinadalaw ng binata mula nang iwan siya sa hospital. Mukhang sinadya nitong manatili lang siya sa hospital ng isang lingo habang nasa business trip ito sa takot siguro na kung ano ang gawin niya kay Emily habang wala ito. Grabe ang ginawa sa kaniya ng binata kaya dapat talagang makaalis na siya sa poder nito. Nawawala din ang cellphone niya at alam niyang itinago iyon ng nurse na siyang nag aalalaga kuno sa kaniya para hindi makahingi ng tulong kahit kanino.Mariing naglapat ang mga labi ni Jesabell habang inaayos ang sarili. Talagang kontrolado na ni Emily si Tyron pati ang mga katulong. Talo siya kapag ganitong masama pa rin ang impression sa kaniya ni Tyron. Alam niya ring hindi siya basta pakawalan ni Tyron da
"Ano ang ibig mong sabihing na kay Nida ang cellphone mo?" nagtatakang tanong ni Tyron. "Hindi ba at pinakuha mo ang cellphone ko at ayaw akong pahawakin?" Malungkot niyang sagot sa binata."Tyron, sa tingin ko ay nagha-hallucinate na naman siya. Dapat siguro ay hindi muna siya pinayagang makalabas." Nag aalala at mukhang takot na kumapit muli si Emily sa braso ni Tyron.Inalis ni Tyron ang kamay ni Emily at nag aalalang lumapit kay Jesabell. Kasalanan niya kung lumala ang sakit ng dalaga dahil iniwan niya ito. "Jesabell, halika at kumain ka muna upang gumanda ang pakiramdam mo then iinum ng gamot."Inis na sinamaan ni Emily ng tingin si Jesabell at ang bilis lumambot ng puso ni Tyron para dito.Muli siyang humakbang palayo sa binata. "No, hindi ako baliw kung iyan ang iniisip mo. Masama bang bawiin na ang cellphone ko?" Malungkot niyang tanong sa binata."Jesabell, bakit kay Nida mo hinahanap ang cellphone mo? Nasa silid mo lang iyon at hindi kinukuha sa iyo." Malumanay na kausap ni
Nagulat pa siya nang madatnang nakaupo si Tyron sa kaniyang kama at abala sa hawak nitong cellphone. Nang mag angat ito ng mukha ay mabilis siyang nag iwas ng tingin dito. "May kailangan ka pa ba?" Napabuntong hininga si Tyron dahil sa malamig na pakitungo ng dalaga sa kaniya. Tumayo siya at lumapit sa display table nito. Parang may kulang sa table nito. Nang hindi makita ang picture nilang dalawa ay nalungkot siya. Malaki nga ang tampo ng dalaga at lahat ng may kaugnayan sa kaniya ay gusto nang itapon. Napatiim bagang siya nang maalala ang sinabi nito sa kay Jason noong nasa hospital. Pinatigas niya ag anyo at iniharap sa kaniya ang dalaga.Kinagat ni Jesabell ang loob ng labi upang pigilan ang sariling damdamin. Gusto niyang puriin ang sarili nang magawa niyang salubungin ang nang aarok na tingin sa kaniya ng binata. Hindi na siya nagulat o nagtaka kung galit sa kaniya ito ngayon. Nanatiling tikom ang bibig niya at nalasahan na niya ang dugo na nagmula sa loob ng labing kagat niya.
Ginulo ni Jesabell ang kaniyang buhok nang may kumatok na sa pinto. Alam niyang nagmukha na siya na wala sa sarili at hawak niya ang unan na nilalaro.Nagulat si Lory pagkakita sa kaibigan. Hindi ito ang inaasahan niyang madatnan. Nagmamadali siyang lumapit kay Jesabell at umupo sa tabi nito. "Besh, ano ang nangyari sa iyo? Bakit mukhang totoong nawala ka sa sarili?"Lumabi si Jesabell at naiiyak na tumingin sa kaibigan. "Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang wala akong kakampi?"Naaawang niyakap ni Lory ang kaibigan. "Sorry, hindi ko alam na hospitak ka. Ano ang ginawa sa iyo ng bruhang iyon?""Kinuha ni Jesabell ang unan at niyakap iyon sa halip na sagutin ang kaibigan. Kung hindi niya lang alam na ang katotohanan ay isipin niyang lahat ay kayang gawin ni Lory para sa kaniya bilang kaibigan"Don’t worry, makakaganti ka rin sa kaniya." Mariing naglapat ang mga labi ni Lory matapos makapagsalita."How?" Mukhang inosinte niyang tanong kay Lory.Napangisi si Lory at tiyak na magkaroon ng m
Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jesabelle at naiiyak na tumingin kay Tyron. "Pero ang sabi ni Lory ay ikaw ang bumili nito at pinabigay mo sa kaniya?" Bumaba ang tingin niya at tiningnan ang damit. "Gusto ko lang e appreciate ang bigay mo kaya ko sinuot bilang pasalamat sa pag alaga mo sa akin sa hospital."Nanlaki ang mga mata ni Lory at hindi iyon ang napag usapan nila ni Jesabell. Pagtingin niya kay Emily ay mukhang bubugahan na siya ng apoy dahil sa galit.Mabilis na lumapit si Jesabell kay Emily at hinawakan ito sa kamay. "Emily, galit ka pa rin ba sa akin dahil pinahirapan kita ng ilang araw?""Ano ang pinagsasabi mo?" halos pabulong lang na turan ni Emily at binabawi ang kamay na hawak ng dalaga ngunit humigpit ang hawak nito doon."Emily, tanggap ko nang ikaw ang mahal ni Tyron. Huwag kang mag alala at aalis na ako rito upang—ahhhh!" Tumilqpon siya sa sahig dahil malakas siyang tinulak ni Emily."Jesabell!" Dumagundong ang boses ni Tyron sa apat na sulok ng dinning room da
Huminga nang malalim si Lory at may simpatyang tumingin kay Emily. "Walang magagawa ang galit mo sa kaniya ngayon. Ayusin mo ang iyong sarili at hindi ka dapat magmukhang kontrabida sa mata ni Tyron."Isang malalim na buntong hininga ang pikawalan ni Emily at inayos ang sarili. Nag isip siya ng ibang dahilan upang mapaniwala si Tyron na hindi niya sinadya ang nangyari kay Jesabell na siya namang totoo. Si Lory ay kailangab niya ring tulungan upang malinis sa mga mata ng binata. Nauna si Lory na pumasok ng silid upang kumustahin ang babae."Tyron, kumusta ang kaibigan ko?" nag aalalang tanong ni Lory sa binata. Nakagat niya ang ibabang labi nang sa halip na sagutin suya ng binata ay ang doctor ang kinausap."Sigurado ka ba na mababaw lang ang sugat sa ulo niya?" Hindi mapakaling tanong muli ni Tyron sa doctor. Mabuti at malapit lang ang clinic nito sa bahay niya kaya nakarating agad."Sadyang madugo lang dahil ulo. Binigyan ko na siya ng painkiller at nalinis ang sugat." Sagot ng doct
"Be careful." Maingat na inalalayan ni Tyron ang dalaga upang makabangon at pinasandal sa headboard. "Ano ang nangyari? Bakit ang sakit ng ulo ko?" Inosinteng tanong niya at hinawakan ang ulo."Jesabell, sorry! Hindi ko sinasadyang tabigin ka kanina nang hawakan mo nang mariin ang kamay ko. May sugat kasi ako sa kamay na kagagawan mo rin noong nasa hospital ka." Itinaas ni Emily ang kamay at ipinakita ang sugat doon na sinadya niya upang lalabas pa rin na si Jesabell ang may kasalanan sa nangyari rito.Napaismid si Jesabell nang makitang lumambot ang aura ng mukha ni Tyron nang makita ang sugat sa kamay ni Emily. "Mukhang mas sariwa pa ang sugat mo kaysa sugat ko sa ulo." Sarkastiko niyang puna at gustong matawa nang nang mawala ang composure nito.Mabilis na naibaba ni Emily ang kamay at naiiyak na nagyuko ng ulo. "Jesabell, alam kong nag iisip ka na nagdadahilam lamang ako. Pero saksi ang nurse mo noong sugatan mo ako sa kamay.""Kaibigan mo iyon at kuwento mo iyan kaya ikaw ang bi
Pilit na ngumiti si Lory sa kaibigan at nilapitan ito. "Hindi ka ba naaawa sa kaniya?""Bakit naman ako maawa sa kaniya? Sa akin ba ay naawa siyang gawan ako ng masama?" Nakatikwas ang kilay na balik tanong niya kay Lory."Pero—""Kung mas naawa ka sa kaniya ay siya na kaibiganin mo." Mataray niyang putol sa pagsasalita ni Lory.Mabilis na umupo si Lory sa tabi ng kaibigan at ikinawit ang kamay sa braso nito. "Excuse me, alam mong hate ko rin siya dahil kaaway mo. Naawa lang ako nang lumuhod siya kanina. Hindi ko akalaing kaya niyang gawin iyon upang mapatawad mo.""At sa tingin mo ay ginawa niya iyon para sa akin?" Sarkastiko niyang tanong kay Lory.Sandaling natigilan si Lory at umiwas ng tingin sa kaibigan. Ilang sandali pa ay nakangiting hinawakan niya ito sa kamay. "Huwag na nga natin siya pag usapan. Masakit ba talaga ang ulo mo?"Nakasimangot na sumandal si Jesabell sa headbord. "Try mong sugatan ang ulo mo at tingnan kung hindi masakit."Humulma ang hilaw na ngiti sa labi ni L
"Gusto ko po ng mommy na kasing bait at ganda mo!" Maktol ni Trix at mukhang paiyak na."May kilala akong na ganiyan!" Pumitik pa sa hangin si Jesabell at napangiti."Talaga po?" Biglang umaliwalas ang mukha ng bata at excited sa narinig."Yes, ipakilala ko siya sa iyo kapag may time na siya." Pangumbinsi niya sa bata.Napangiti si Timothy nang biglang sumigla ang anak at hindi na ipinilit ang gusto. Hindi na niya inalam kung sino ang ipakilala ng dalaga sa anak dahil alam naman niyang inuuto lang nito ang anak niya. Napatingin siya kay Jason, talagang sinulit nito ang libreng pagkain at ang daming order saka mga mamahalin pa. "Buddy na ba tayo?" Nakangiting ginulo ni Tyron ang buhok ng bata."Kapag nag anak kayo dapat po ay babae at ako ang mag aalaga sa kaniya." Demand ni Trix.Natawa si Tyron at tumango sa bata saka bumulong sa dalaga. "Mukhang kailangan nating agahan ang pagagawa ng baby girl." Biro niya sa dalaga.Namula ang pisngi ni Jesabell ar bumilis ang tibok ng puso niya d
Wala pang twenty minutes ang nakalipas ay nakabalik agad si Tyron. Ang bilis pa nitong maglakad na para bang takot maiwan."Hindi ko itatanan si Jesabell kaya relax." Pang aasar ni Jason kay Tyron. Sinamaan lang ni Tyron ng tingin si Jason bago nilapitan ang dalaga na nakasandal sa headboard. "Puwede na daw kita ilabas ngayon kung wala ka nang ibang nararamdaman?" Kung siya ang masunod ay ayaw pa niyang lumabas ito ng hospital. Ngunit ayaw niyang sumama ang loob o ipilit ang ayaw nito. Natuto na siya at nasasaktan ang kalooban nito nang hindi sinasadya.Natuwa si Jesabell sa narinig. Ayaw na talaga niyang mag stay sa isang hospital at pakiramdam niya ay lalo siyang magkasakit."Mabuti naman, mauna na ako ng alis at nag aaya ang anak kong kumain sa labas ngayon. Baka gusto ninyong sumama?" ani Timothy. "Libre mo?" sabik na tanong ni Jason."May choice ba ako eh wala ka namang pera."Napangiti si Jesabell habang nakikinig. Katuwa at parang barkada na lang ni Jason si Timothy at Tyron.
"Maging si Lory ay hindi ko palalampasin ang ginawa niyang pangta traidor sa iyo!" Dumilim ang anyo ni Tyron at napatiim bagang.Namilog ang mga mata ni Jesabell at hindi akalaing maging si Lory ay na discover ng binata. Inabot niya ang palad nito at hinila palapit sa kaniya. "Hayaan mo na si Lorry nagantihan ko naman siya nang hindi niya alam."Napabuga ng hangin sa bibig si Tyron. "Kailan mo pa alam na traidor siya? At bakit hinayaan mo pa rin siyang kaibigan ka niya?""Noong masaksak ako. Bago ako nawalan ng malay noon ay narinig ko ang boses niya na akala ko ay iniwan na ako. Doon ko napagtanto na sinamantala niya ang pagrerebelde ko sa iyo. Ang akala ko ang pagganti ko kay Emily na turo niya ay makakabawi ako. Hindi ko naisip na naglilikha lamang ng panibagong gap sa pagitan natin at misunderstanding."Naaawang niyakap niya ang dalaga at hinalikan ito sa itultok ng ulo nito. "I'm sorry!""Si Jason, huwag mo na sanang pag initan dahil tunay ko siyang kaibigan." Humilig siya sa bal
"Hey, its alright. Ngumiti si Tyron nang masalubong ang natatakot na mga titig ng dalaga. Dahan dahan siyang humakbang palapit. Ang akala niya ay mahirapan pa siyang pakalmahin ito pero nagulat siya nang salubungin siya ng yakap."I'm scared!" Umiiyak na ani Jesabell habang yakap ng mahigpit ang binata."Sorry if I'm late. But I promise, everything will be ok from now on." Hinaplos niya ang buhok ng dalaga at hinayaan lang itong kagatin ang balikat niya. Napangiti siya habang naluluha. Masaya siya at bumalik na ang kilala niyang bata noon. Ganito kasi ang ginagawa nito kapag natatakot noon. Alam niyang hindi magtatagal at kakalma na ito. Massage niya ang mga braso, nalita at paa nito at nakakatulong iyon upang mawala na ang panginginig ng kalamnan nito.Mukhang nanghihinang isinubsob ni Jesabell ang ulo sa matigas na dibdib ng binata nang bumalik na sa wisyo ang pag iisip niya at nawala na ang takot. "I'm sorry, nawala na naman ako sa sarili ko.""It's not your fault. C'mon, give me
Napasimangot si Jesabell nang masalubong ang mukhang gulat at takot na mga tingin ng dalawa. "Mukha ba akong white lady?"Sabay na napaurong ng hakbang sina Timothy at Jason habang nanlalaki ang mga mata na mukhang nakakita ng multo."Kanina ka pa gising?" Mukhang hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Jason.Mukhang inaantok na tumango si Jesabell. Natawa siya nang makitang mukhang Nahihiyang tumingin sa kaniya si Timothy dahil narinig niya ang kuwento ng buhay nito. "Basta chismis talaga ay active ang braincells mo. Mabuti naman gising ka na at parang mabaliw na si Tyron sa pag alala sa iyo." Buska ni Jason sa dalaga.Biglang nabura ang mapanuksong ngiti sa labi ni Jesabelle at tumingin sa paligid. Nagtataka din siya kung bakit naroon siya sa hospital. "Nasaan siya?""Pinaparusahan ang mga taong involved sa nangyari sa iyo." Si Timothy na ang sumagot at ngumiti sa dalaga. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"Parang biglang nilamig si Jesabell pagkaalala sa nangyari sa kaniya kanina. Ang
"Emily, hindi ka dapat dito pumunta kung totoong tumakas ka lang kay Tyron." Kinakabahang turan ni Dory."Itinatakwil mo na ba ako dahil wala ka nang maasahan mula sa akin?" Galit na panunumbat ni Emily sa matalik na kaibigan."Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ayaw ko lamang na madamay. Isa pa kung pareho tayong makulong, paano natin matulungan ang isa't isa?" Paliwanag niya kay EmilyNaiinis at naglikot ang mga mata ni Emily. Tama naman ang kaibigan, wala siyang ibang maasahan ngayon kupndi ito lang. "Hanapan mo ako nang pansamantalang matuluyan."Nakahinga nang maluwag si Dory at nakinig ang kaibigan. Kaagad niyang ibinigay ang susi ng nabili niyang apartment sa kabilang bayan. "Sa bahay ng tiyahin ko iyan at nasa ibang bansa siya kaya ipinagtakatiwala niya muna sa akin." Pagsisinungaling niya. Hindi maaring malaman ni Emily na siya na ang may ari niyon dahil tiyak aagawin sa kaniya. Pera kasi nito ang ginamit niya na hindi nito alam.Nagmamadali nang umalis si Emily dala ang susi
Nanging tahimik ang lahat pero hindi maka focus sa trabaho after ng incident. Ang katahimikan ay nagdudulot kay Lory ng kakaibang kaba. Ilang oras na ang nakalipas ay wala pa ring balita kung ano na ang nangyari kay Jesabell. Hindi rin nila nakikita si Ms. Katibag. Naiinis siya kay Jesabell pero hindi naman niya gustong mamatay ito dahil sa ginawa niya. Oras ng uwian, nagmamadaling pinuntahan ni Lory si Emily . Ngunit wala ang babae sa opisina nito. Hindi niya rin mahanap ang kaibigan nitong si Katibag na ipinagtataka niya. Pagbalik niya sa area upang kunin ang bag ay nagulat siya nang makitang may mga lalaking nakabantay sa pinto."Ms. Lory?" tanong ng lalaki."Ako nga po, ano ang kailangan nila?" Kinakabahang tanong ni Lory sa lalaki."Pinatatawag po kayo ni Mr. CEO."Nagdududa ang tingin niya sa lalaki. Nang makita si Ruth at kasama din ang isa pang lalaki ay lalo siyang kinabahan. Wala siyang magawa kundi ang sumama kasama si Ruth. Dinala nga sila nito sa opisina ng CEO. Nang mak
Shit, Jesabell!" Halos itaob ni Tyron ang working table upang makuha agad ang dalaga. Pagkabuhat dito ay patakbo siyamg lumabas upang dalhin sa hospital ang dalaga."Ano ang nangyari?" Parang wala sa sariling tanong ni Ruth habang humahabol ang tingin sa mga lumabas na sa area."Tingin ko ay dahil sa patalim kaya siya nagkaganoon." Halos pabulong lang na ani ng isa sa empleyada.Dumoble ang kaba na nadaram ni Ruth at napatingin kay Lory. "Alam mong may takot siya sa patalim?" Namg uusig niyang tanong dito. "At ginamit mo ako upang e trigger ang takot niya sa patalim?" "Hey, magdahan dahan ka ng pananalita mo at wala akong kinalaman sa nangyari!" Galit na pagkaila ni Lory sa babae.Napatiim bagang si Ruth at masama ang tinging ipinukol kay Lory. Ito ang nagmagandang loob sa kaniya kanina na nagpahiram ng kutsilyo upang mabalatan niya ang apple. Break time kasi nila ngayon for meyenda kaya puwedeng gawin ang nais lalo na ang kumain. Inalok lang naman siya ni Lory na gamitin ang nakitan
"Emily, stand up." Matigas na utos ni Tyron sa babae nang matumba ito sa halip na tulungan. Alam niyang nagpapanggap lamang ito na hinimatay upanv takasan ang ang nakaambang na interrogation. Mariing naglapat ang mga labi ni Emily at nanatiling nakapikit. Katapusan na niya ang lahat ng ito at alam niyang kahit anong kasinungalingan ang sasabihin niya ay hindi na siya paniwalaan ni Tyron. Mabuti na lang at napindot na niya ang go signal kanina kay Lory. Lahat ay gagawin niya, kung hindi mapasa kaniga si Tyron, then siguraduhin niyang hindi rin maging masaya ang binata."Dalhin na sila sa bodega at gusto kong ako mismo ang magbibigay ng parusa sa kanila!" Galit na utos ni Tyron sa tauhan at turo ang dalawang lalaking nanakit kay Jesabell. "Si-sir, maawa po kayo sa akin. Hindi ko po sinasadyang e bully si Ms. Jesabell at hindi ko siya sinaktan kaya patawarin niyo na po ako!" Nanginginig na pakiusap ni Katibag sa binata at lumuhod sa harapan nito."Kapag nagawa mong gisingin ang babaeng