Home / Romance / I NEED YOU / Chapter 4-Takot sa talim

Share

Chapter 4-Takot sa talim

Author: Yeiron Jee
last update Huling Na-update: 2025-02-08 14:06:07

Nagising si Tyron nang makarinig ng mahinang ungol. Nakatulog pala siya habang nakayupyop ang ulo sa kama nang kinahigaan ni Jesabell.

"No... ahhh, kuya, help me!"

Mahigpit niyang hinawakan ang palad ng dalaga at ginising ito. Marahil ay ang kabataan pa nito ang napanaginipan at tinawag siyang kuya. Ganito ito noong dalagita pa at siya ang laging tinatawag kahit sa panaginip.

"Layuan ninyo ako! Ahh huwag!" Nagkakawag na si Jesabell at takot na niyakap ang ano mang mahawakan.

"Jesabell, wake up!" Niyugyog na ni Tyron ang balikat ng dalaga upang gisingin ito.

Mukhang nakakita ng multo nang maimulat ni Jesabell ang mga mata. Lalong humigpit ang kapit niya sa kumot na nasa dibdib at naglikot ang tingin sa paligid. Hindi niya alam kung bakit narito siya sa kama na. Ang alam niya ay nagtatago siya sa ilalim ng kama kanina bago natulog.

"Calm down, narito ako hindi ko hahayang may manakit sa iyo." Masuyong hinaplos ni Tyron ang buhok ng dalaga.

Ang sarap sa pakiramdam at kumakalma na rin ang puso't isipan niya dahil kay Tyron. Yayakapin niya sana ito katulad sa nakagawian kapag takot siya. Pero biglang naalala ang pangako sa sarili. Ang pangako na hindi na dapat aasa pa kay Tyron.

"What's wrong?"

Malungkot siyang ngumiti nang marinig ang masuyong tinig ng binata. Parang hindi ito galit sa kaniya. Marahil ay naawa lamang sa kaniya saka wala sa harapan nila si Emily. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Emily. Tulad ng dati ay nagmamadaling sinalubong ito ni Tyron.

"Bakit ka bumangon na? Maaga pa, baka mabinat ka na naman sa sakit mo." Nag aalalang sita ni Tyron sa dalaga.

"Natakot ako nang magising at wala ka. Naisip ko rin si Jesabell kaya nagmamadali akong pumunta dito." Yumakap si Emily sa binata habang ang tingin ay na kay Jesabell.

Huminga nang malalim si Jesabell at blangko ang tnging ipinukol sa dalawa. Ayaw na niyang maging mahina kasi ginagaya ni Emily.

"Sorry, babalik na ako sa silid ko at baka magalit na naman si Jesabell." Bumitaw si Emily sa pagkayakap sa binata.

"Bakit naman ako magagalit?"

Gulat na napatingin si Emily kay Jesabell. Si Tyron ay nangunot ang noo. "Jesabell, I'm sorry. Alam ko namang nagagalit ka kapag lumalapit ako kay Tyron."

Ngumiti si Jesabell sa babae kahit sa kaloob looban ay gusto itong bugahan ng kamandag na laway kung mayroon lang siya. "Huwag kang mag alala, mula ngayon ay hindi na ako magseselos at mas kailangan mo si Tyron sa iyong tabi. Iwan niyo na ako at wala akong malubhang sakit para alagaan."

Lalong nangunot ang noo ni Tyron at hindi alam kung ano naman ang drama ngayon ni Jesabell dahil pinagtutulakan siya kay Emily.

"Tyron, ano ang nangyari kay Jesabell? Sa tingin mo ay may bago siyang naisip upang mapaalis na ako sa bahay mo?" halos pabulong na tanong ni Emily sa binata at humigpit ang hawak niya sa braso nito.

Napabuntong hininga si Tyron saka tumingin kay Jesabell. "Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo kapalit nitong pagiging mabait mo?"

Gustong matawa ni Jesabell pero pinigilan niya ang sarili. Hindi niya masisi ang binata kung isipin man nito ang ganoong bagay sa kaniya. Tuwid siyang tumingin sa binata at sinalubong ang nang aarok nitong tingin. "Pagkain, gusto kong matikman muli yung luto mo."

Nangalit ang mga ngipin ni Emily at tumalim ang tinging ipinukol kay Jesabell. Sinasabi na nga ba niya at gagawa ito ng paraan upang muling makuha ang loob ni Tyron. Hindi niya alam na marunong sa kusina ang binata at naipagluto pa ang babae.

"Jesabell, alam mong sobrang busy si Tyron para ipagluto ka ng gusto mo. Marami namang katulong—"

"Nagbibiro lang ako." Putol niya sa pagmamagaling ni Emily. "Alam ko namang busy si Tyron at may sakit ka pa. Sige na, puwede niyo na akong iwan dito at baka mahilo ka na naman." Pagtataboy niya sa dalawa saka tumagilid ng higa. Kaso mali direction ang ginawa niya. Nakalimutan niyang may sugat siya sa tagiliran sa side na iyon. Kahit masakit ay hindi siya dumaing. Tiniis niya ang sakit at hinintay na umalis ang dalawa.

Napahawak si Emily sa ulo at gumiwang sa pagkakatayo. "Tyron, nahihilo ako."

"Tsk, wala na bang bago dahilan?" bulong ni Jesabell nang marining ang daing ni Emily.

Walang salitang inalalayan ni Tyron ang dalaga palabas ng silid.

Umikot ang mga mata niya nang wala na ang dalawa saka dahan-dahang gumalaw patihaya. "P*ta ang sakit!" Nahigit pa niya ang paghinga dahil sa sobrang sakit. "Kapag minamalas ka nga naman oh!" Reklamo niya habang marahang kinakapa ang sugat.

"Tyron?" Tawag niya sa binata nang bigla itong tumigil sa paghakbang pagkasara ng pintuan. Nakatingin ito sa parang window glass ng pinto at makikita roon ang pasyenteng nasa loob.

"Bumalik ka na sa silid mo at susunod na lang ako."

Hindi makapaniwalang napatingin si Emily sa kamay ng binata na nakahawak na sa kamay niya at inaalis iyon mula sa pagkakapit dito. Hindi pa nito hinintay na makapagsalita siya at nagmamadali na itong pumasok muli sa silid ni Jesabell. Kuyom ang kamao na sumilip na rin siya kung saan nakatingin kanina ang binata.

"Bitch! Ang akala ko ay nagbago ka na! Gigil na bulong ni Emily sa sarili nang makitang umaaktong nahihirapan sa pagbangon si Jesabell.

Naudlot ang pagkilos niya nang may biglang humawak sa braso niya. Nagulat pa siya nang makilala ang lalaki. Umawang ang bibig niya nang bigla siyang buhatin na parang manika lang at pinahiga patihaya.

"Hindi mo na kailangang saktan ang sarili mo para lang manatili sa tabi ko!" Galit na sita ni Tyron sa dalaga lalo na nang makitang dumugo na naman ang sugat nito. "Ayaw mo bang gumaling iyang sugat mo?"

Nakagat ni Jesabell ang ibabang labi at pinigilan ang mga luhang nais kumawala sa mga mata niya. Mas masakit pa ang makarinig ng ganitong salita mula sa binata kaysa sugat niya. Nag iwas siya ng tingin dito at hindi na nagsalita dahil tiyak na pipiyok lamang ang tinig niya.

Napabuntong hininga si Tyler nang maramdamang nasaktan na naman niya ang damdamin ng dalaga. "Look, alam mong ayaw kong sinasaktan mo ang iyong sarili at—"

"Hindi na maulit, nakalimutan ko lang na sa side kong ito ang may sugat." Malamig niyang putol sa pagsasalita ng binata.

Muling Napabuntong hininga si Tyron at hindi na sinumbatan pa ang dalaga upang hindi lumaki ang tampo sa kaniya. "Alright, ipagluto kita ng pagkain pagkalabas mo ng hospital."

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa narinig. Kahit mukhang napilitan lamang ang binata ay ok na sa kaniya. Gusto niyang matikman sa huling pagkakataon ang luto nito. Dahil sa luto kasi nito kaya nag iba ang tibok ng puso niya para sa binata. Baka sakaling kapag natikman niyang muli iyonay bumalik na sa normal na tibok ang puso niya.

"Ang sabi ng doctor ay kailangan mo pang manatili dito ng ilang araw."

"Ayaw kong mag stay dito ng matagal."

"Huwag matigas ang ulo. Ang katulong ang magbabantay sa iyo habang wala ako dahil aalis ako mamaya upang bisitahin ang branch ng kompanya sa probinsya."

Hindi na lang na siya kumuntra sa gusto ng binata. Ayaw niyang umasa pa at tiyak namang makalimutan na naman siya nito.

"Asikasuhin ko muna si Emily." Paalam ni Tyron habang inaayos ang kumot ng dalaga.

Tumango lang siya bago pumikit. Ramdam niyang ilang segundo ring nakatitig sa kaniya ang binata bago umalis. Saka lang siya nagmulat ng mga mata nang marinig ang pagbukas at sara ng pintuan.

Lumipas ang ilang araw at hindi nakikita ni Jesabell ang binatang kaibigan. Si Tyron ay wala rin siyang balita rito. Hindi nga siya kinakamusta kahit sa tawag. Nabalitaan niya mula sa katulong na kasama nito sa business trip si Emily. Nakalulungkot man pero hindi na dapat siya patatalo sa kaniyang emosyon. Ayaw niyang mamatay dahil sa lungkot. Ang katulong ay one time lang din siya dinalaw at dinalhan ng pagkain. Mabuti na lang at mabait ang nurse niya at dinadalhan siya ng pagkain upang hindi magutom.

Mukhang baliw pala ang tingin sa kaniya ni Tyron dahil may binayaran pang psychiatrist upang e under go siya. Kinabahan siya na baka katulad sa napapanood niya ay bigla siyang ilagay sa mental hospital. Kaya kailangan na talaga niyang magpakabait hanggang sa makaalis sa poder ni Tyron.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
naku pakana ni Emily Yan tlagang bobo at tanga si Tyron mas Naniniwala xa SA Emily na linta Kaysa Kay Jesabell
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • I NEED YOU   Chapter 5-Pananakit

    "Ano ang kailangan mo?" malamig na tanong ni Jesabell kay Emily nang pumasok ito sa silid kung saan siya naka confine. Hindi niya alam na nakabalik na ito pero wala si Tyron."Binibisita ka at tinitingnan kung buhay pa ba." Ngumiti si Emily."Hayop ka, ano ang sinabi mo kay Tyron at ayaw pa akong palabasin dito?" galit niyang singhal sa babae. Kahapon pa sana siya lalabas ngunit biglang sinabi ng doctor na utos ni Tyron.Ngumisi si Emily at dahan-dahang lumapit sa dalaga. "Oh dear, kawawa ka naman at hindi na mahal ni Tyron at pinaniniwalaan. Ako na lang ngayon ay pinaniniwalaan niya at lahat ng sabihin ko ay sinusunod niya.""Bitch! Ginagalit mo talaga akong hayop ka!" Hindi na niya napigilan ang sarili at mabilis na bumaba ng kama. "Ahh bitiwan mo ang buhok ko! Baliw ka na talaga!" Sigaw ni Emily at pilit na inaalis ang kamay ni Jesabell na sumasabunot sa buhok niya."Ito ang gusto mo ang ipakita kay Tyron na baliw ako then panindigan ko na, hayop ka!" Lalo niyang hinila ang buhok

    Huling Na-update : 2025-02-08
  • I NEED YOU   Chapter 6-Kasinungalingan

    "Maari ka nang lumabas, wala bang magsusundo sa iyo?" tanong ng doctor habang nakatingin sa chart ng dalaga.Ngumiti si Jesabell at umiling. Kailangan niyang maging mabait upang pakawalan na siya. Itinatali kasi siya ng mga ito at laging tinuturukan ng pampatulog. Hindi siya dinadalaw ng binata mula nang iwan siya sa hospital. Mukhang sinadya nitong manatili lang siya sa hospital ng isang lingo habang nasa business trip ito sa takot siguro na kung ano ang gawin niya kay Emily habang wala ito. Grabe ang ginawa sa kaniya ng binata kaya dapat talagang makaalis na siya sa poder nito. Nawawala din ang cellphone niya at alam niyang itinago iyon ng nurse na siyang nag aalalaga kuno sa kaniya para hindi makahingi ng tulong kahit kanino.Mariing naglapat ang mga labi ni Jesabell habang inaayos ang sarili. Talagang kontrolado na ni Emily si Tyron pati ang mga katulong. Talo siya kapag ganitong masama pa rin ang impression sa kaniya ni Tyron. Alam niya ring hindi siya basta pakawalan ni Tyron da

    Huling Na-update : 2025-02-09
  • I NEED YOU   Chapter 7-Sama ng loob

    "Ano ang ibig mong sabihing na kay Nida ang cellphone mo?" nagtatakang tanong ni Tyron. "Hindi ba at pinakuha mo ang cellphone ko at ayaw akong pahawakin?" Malungkot niyang sagot sa binata."Tyron, sa tingin ko ay nagha-hallucinate na naman siya. Dapat siguro ay hindi muna siya pinayagang makalabas." Nag aalala at mukhang takot na kumapit muli si Emily sa braso ni Tyron.Inalis ni Tyron ang kamay ni Emily at nag aalalang lumapit kay Jesabell. Kasalanan niya kung lumala ang sakit ng dalaga dahil iniwan niya ito. "Jesabell, halika at kumain ka muna upang gumanda ang pakiramdam mo then iinum ng gamot."Inis na sinamaan ni Emily ng tingin si Jesabell at ang bilis lumambot ng puso ni Tyron para dito.Muli siyang humakbang palayo sa binata. "No, hindi ako baliw kung iyan ang iniisip mo. Masama bang bawiin na ang cellphone ko?" Malungkot niyang tanong sa binata."Jesabell, bakit kay Nida mo hinahanap ang cellphone mo? Nasa silid mo lang iyon at hindi kinukuha sa iyo." Malumanay na kausap ni

    Huling Na-update : 2025-02-10
  • I NEED YOU   Chapter 8-Kaibigan

    Nagulat pa siya nang madatnang nakaupo si Tyron sa kaniyang kama at abala sa hawak nitong cellphone. Nang mag angat ito ng mukha ay mabilis siyang nag iwas ng tingin dito. "May kailangan ka pa ba?" Napabuntong hininga si Tyron dahil sa malamig na pakitungo ng dalaga sa kaniya. Tumayo siya at lumapit sa display table nito. Parang may kulang sa table nito. Nang hindi makita ang picture nilang dalawa ay nalungkot siya. Malaki nga ang tampo ng dalaga at lahat ng may kaugnayan sa kaniya ay gusto nang itapon. Napatiim bagang siya nang maalala ang sinabi nito sa kay Jason noong nasa hospital. Pinatigas niya ag anyo at iniharap sa kaniya ang dalaga.Kinagat ni Jesabell ang loob ng labi upang pigilan ang sariling damdamin. Gusto niyang puriin ang sarili nang magawa niyang salubungin ang nang aarok na tingin sa kaniya ng binata. Hindi na siya nagulat o nagtaka kung galit sa kaniya ito ngayon. Nanatiling tikom ang bibig niya at nalasahan na niya ang dugo na nagmula sa loob ng labing kagat niya.

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • I NEED YOU   Chapter 9-Masamang balak

    Ginulo ni Jesabell ang kaniyang buhok nang may kumatok na sa pinto. Alam niyang nagmukha na siya na wala sa sarili at hawak niya ang unan na nilalaro.Nagulat si Lory pagkakita sa kaibigan. Hindi ito ang inaasahan niyang madatnan. Nagmamadali siyang lumapit kay Jesabell at umupo sa tabi nito. "Besh, ano ang nangyari sa iyo? Bakit mukhang totoong nawala ka sa sarili?"Lumabi si Jesabell at naiiyak na tumingin sa kaibigan. "Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang wala akong kakampi?"Naaawang niyakap ni Lory ang kaibigan. "Sorry, hindi ko alam na hospitak ka. Ano ang ginawa sa iyo ng bruhang iyon?""Kinuha ni Jesabell ang unan at niyakap iyon sa halip na sagutin ang kaibigan. Kung hindi niya lang alam na ang katotohanan ay isipin niyang lahat ay kayang gawin ni Lory para sa kaniya bilang kaibigan"Don’t worry, makakaganti ka rin sa kaniya." Mariing naglapat ang mga labi ni Lory matapos makapagsalita."How?" Mukhang inosinte niyang tanong kay Lory.Napangisi si Lory at tiyak na magkaroon ng m

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • I NEED YOU   Chapter 10-Backfire

    Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jesabelle at naiiyak na tumingin kay Tyron. "Pero ang sabi ni Lory ay ikaw ang bumili nito at pinabigay mo sa kaniya?" Bumaba ang tingin niya at tiningnan ang damit. "Gusto ko lang e appreciate ang bigay mo kaya ko sinuot bilang pasalamat sa pag alaga mo sa akin sa hospital."Nanlaki ang mga mata ni Lory at hindi iyon ang napag usapan nila ni Jesabell. Pagtingin niya kay Emily ay mukhang bubugahan na siya ng apoy dahil sa galit.Mabilis na lumapit si Jesabell kay Emily at hinawakan ito sa kamay. "Emily, galit ka pa rin ba sa akin dahil pinahirapan kita ng ilang araw?""Ano ang pinagsasabi mo?" halos pabulong lang na turan ni Emily at binabawi ang kamay na hawak ng dalaga ngunit humigpit ang hawak nito doon."Emily, tanggap ko nang ikaw ang mahal ni Tyron. Huwag kang mag alala at aalis na ako rito upang—ahhhh!" Tumilqpon siya sa sahig dahil malakas siyang tinulak ni Emily."Jesabell!" Dumagundong ang boses ni Tyron sa apat na sulok ng dinning room da

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • I NEED YOU   Chapter 11-Paghingi ng tawad

    Huminga nang malalim si Lory at may simpatyang tumingin kay Emily. "Walang magagawa ang galit mo sa kaniya ngayon. Ayusin mo ang iyong sarili at hindi ka dapat magmukhang kontrabida sa mata ni Tyron."Isang malalim na buntong hininga ang pikawalan ni Emily at inayos ang sarili. Nag isip siya ng ibang dahilan upang mapaniwala si Tyron na hindi niya sinadya ang nangyari kay Jesabell na siya namang totoo. Si Lory ay kailangab niya ring tulungan upang malinis sa mga mata ng binata. Nauna si Lory na pumasok ng silid upang kumustahin ang babae."Tyron, kumusta ang kaibigan ko?" nag aalalang tanong ni Lory sa binata. Nakagat niya ang ibabang labi nang sa halip na sagutin suya ng binata ay ang doctor ang kinausap."Sigurado ka ba na mababaw lang ang sugat sa ulo niya?" Hindi mapakaling tanong muli ni Tyron sa doctor. Mabuti at malapit lang ang clinic nito sa bahay niya kaya nakarating agad."Sadyang madugo lang dahil ulo. Binigyan ko na siya ng painkiller at nalinis ang sugat." Sagot ng doct

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • I NEED YOU   Chapter 1-Banta sa buhay

    "Huhhhhh!" Hinihingal na napabalikwas ng bangon si Jesabell nang magising. Pero automatic na napahiga muli sa lupa at dumaing sa sakit na nagmula sa tagiliran. Muli siyang hiningal at nahigit ang sariling hininga dahil sa sobrang sakit. "Argh, bakit ang sakit?" daing muli ni Jesabell at sinapo ang tagiliran. Ngunit dahil sa ginawa niya ay kamuntik na siyang mapahiyaw dahil sa takot at sakit nang makapa ang sugat. "Oh my, God... du-dugo?" Hinatakutan niyang bulong nang mapagmasdan ang mga kamay. Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang nawalan ng malay. Pero bakit parang ang babaw lang naman ng sugat niya? Ang alam niya ay may gustong pumatay sa kaniya. Mabilis niyang iginala ang tingin sa paligid at ang dilim, wala ring ibang tao sa paligid. Ang tahimik din ng paligid, gusto niyang humingi ng tulong ngunit natatakot siya na marinig ng mga lalaking nanakit sa kaniya. Hindi niya alam kung nasaan na ang mga ito. Pero bago siya nawalan ng malay kanina dahil sa takot ay narinig pa n

    Huling Na-update : 2025-02-07

Pinakabagong kabanata

  • I NEED YOU   Chapter 11-Paghingi ng tawad

    Huminga nang malalim si Lory at may simpatyang tumingin kay Emily. "Walang magagawa ang galit mo sa kaniya ngayon. Ayusin mo ang iyong sarili at hindi ka dapat magmukhang kontrabida sa mata ni Tyron."Isang malalim na buntong hininga ang pikawalan ni Emily at inayos ang sarili. Nag isip siya ng ibang dahilan upang mapaniwala si Tyron na hindi niya sinadya ang nangyari kay Jesabell na siya namang totoo. Si Lory ay kailangab niya ring tulungan upang malinis sa mga mata ng binata. Nauna si Lory na pumasok ng silid upang kumustahin ang babae."Tyron, kumusta ang kaibigan ko?" nag aalalang tanong ni Lory sa binata. Nakagat niya ang ibabang labi nang sa halip na sagutin suya ng binata ay ang doctor ang kinausap."Sigurado ka ba na mababaw lang ang sugat sa ulo niya?" Hindi mapakaling tanong muli ni Tyron sa doctor. Mabuti at malapit lang ang clinic nito sa bahay niya kaya nakarating agad."Sadyang madugo lang dahil ulo. Binigyan ko na siya ng painkiller at nalinis ang sugat." Sagot ng doct

  • I NEED YOU   Chapter 10-Backfire

    Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jesabelle at naiiyak na tumingin kay Tyron. "Pero ang sabi ni Lory ay ikaw ang bumili nito at pinabigay mo sa kaniya?" Bumaba ang tingin niya at tiningnan ang damit. "Gusto ko lang e appreciate ang bigay mo kaya ko sinuot bilang pasalamat sa pag alaga mo sa akin sa hospital."Nanlaki ang mga mata ni Lory at hindi iyon ang napag usapan nila ni Jesabell. Pagtingin niya kay Emily ay mukhang bubugahan na siya ng apoy dahil sa galit.Mabilis na lumapit si Jesabell kay Emily at hinawakan ito sa kamay. "Emily, galit ka pa rin ba sa akin dahil pinahirapan kita ng ilang araw?""Ano ang pinagsasabi mo?" halos pabulong lang na turan ni Emily at binabawi ang kamay na hawak ng dalaga ngunit humigpit ang hawak nito doon."Emily, tanggap ko nang ikaw ang mahal ni Tyron. Huwag kang mag alala at aalis na ako rito upang—ahhhh!" Tumilqpon siya sa sahig dahil malakas siyang tinulak ni Emily."Jesabell!" Dumagundong ang boses ni Tyron sa apat na sulok ng dinning room da

  • I NEED YOU   Chapter 9-Masamang balak

    Ginulo ni Jesabell ang kaniyang buhok nang may kumatok na sa pinto. Alam niyang nagmukha na siya na wala sa sarili at hawak niya ang unan na nilalaro.Nagulat si Lory pagkakita sa kaibigan. Hindi ito ang inaasahan niyang madatnan. Nagmamadali siyang lumapit kay Jesabell at umupo sa tabi nito. "Besh, ano ang nangyari sa iyo? Bakit mukhang totoong nawala ka sa sarili?"Lumabi si Jesabell at naiiyak na tumingin sa kaibigan. "Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang wala akong kakampi?"Naaawang niyakap ni Lory ang kaibigan. "Sorry, hindi ko alam na hospitak ka. Ano ang ginawa sa iyo ng bruhang iyon?""Kinuha ni Jesabell ang unan at niyakap iyon sa halip na sagutin ang kaibigan. Kung hindi niya lang alam na ang katotohanan ay isipin niyang lahat ay kayang gawin ni Lory para sa kaniya bilang kaibigan"Don’t worry, makakaganti ka rin sa kaniya." Mariing naglapat ang mga labi ni Lory matapos makapagsalita."How?" Mukhang inosinte niyang tanong kay Lory.Napangisi si Lory at tiyak na magkaroon ng m

  • I NEED YOU   Chapter 8-Kaibigan

    Nagulat pa siya nang madatnang nakaupo si Tyron sa kaniyang kama at abala sa hawak nitong cellphone. Nang mag angat ito ng mukha ay mabilis siyang nag iwas ng tingin dito. "May kailangan ka pa ba?" Napabuntong hininga si Tyron dahil sa malamig na pakitungo ng dalaga sa kaniya. Tumayo siya at lumapit sa display table nito. Parang may kulang sa table nito. Nang hindi makita ang picture nilang dalawa ay nalungkot siya. Malaki nga ang tampo ng dalaga at lahat ng may kaugnayan sa kaniya ay gusto nang itapon. Napatiim bagang siya nang maalala ang sinabi nito sa kay Jason noong nasa hospital. Pinatigas niya ag anyo at iniharap sa kaniya ang dalaga.Kinagat ni Jesabell ang loob ng labi upang pigilan ang sariling damdamin. Gusto niyang puriin ang sarili nang magawa niyang salubungin ang nang aarok na tingin sa kaniya ng binata. Hindi na siya nagulat o nagtaka kung galit sa kaniya ito ngayon. Nanatiling tikom ang bibig niya at nalasahan na niya ang dugo na nagmula sa loob ng labing kagat niya.

  • I NEED YOU   Chapter 7-Sama ng loob

    "Ano ang ibig mong sabihing na kay Nida ang cellphone mo?" nagtatakang tanong ni Tyron. "Hindi ba at pinakuha mo ang cellphone ko at ayaw akong pahawakin?" Malungkot niyang sagot sa binata."Tyron, sa tingin ko ay nagha-hallucinate na naman siya. Dapat siguro ay hindi muna siya pinayagang makalabas." Nag aalala at mukhang takot na kumapit muli si Emily sa braso ni Tyron.Inalis ni Tyron ang kamay ni Emily at nag aalalang lumapit kay Jesabell. Kasalanan niya kung lumala ang sakit ng dalaga dahil iniwan niya ito. "Jesabell, halika at kumain ka muna upang gumanda ang pakiramdam mo then iinum ng gamot."Inis na sinamaan ni Emily ng tingin si Jesabell at ang bilis lumambot ng puso ni Tyron para dito.Muli siyang humakbang palayo sa binata. "No, hindi ako baliw kung iyan ang iniisip mo. Masama bang bawiin na ang cellphone ko?" Malungkot niyang tanong sa binata."Jesabell, bakit kay Nida mo hinahanap ang cellphone mo? Nasa silid mo lang iyon at hindi kinukuha sa iyo." Malumanay na kausap ni

  • I NEED YOU   Chapter 6-Kasinungalingan

    "Maari ka nang lumabas, wala bang magsusundo sa iyo?" tanong ng doctor habang nakatingin sa chart ng dalaga.Ngumiti si Jesabell at umiling. Kailangan niyang maging mabait upang pakawalan na siya. Itinatali kasi siya ng mga ito at laging tinuturukan ng pampatulog. Hindi siya dinadalaw ng binata mula nang iwan siya sa hospital. Mukhang sinadya nitong manatili lang siya sa hospital ng isang lingo habang nasa business trip ito sa takot siguro na kung ano ang gawin niya kay Emily habang wala ito. Grabe ang ginawa sa kaniya ng binata kaya dapat talagang makaalis na siya sa poder nito. Nawawala din ang cellphone niya at alam niyang itinago iyon ng nurse na siyang nag aalalaga kuno sa kaniya para hindi makahingi ng tulong kahit kanino.Mariing naglapat ang mga labi ni Jesabell habang inaayos ang sarili. Talagang kontrolado na ni Emily si Tyron pati ang mga katulong. Talo siya kapag ganitong masama pa rin ang impression sa kaniya ni Tyron. Alam niya ring hindi siya basta pakawalan ni Tyron da

  • I NEED YOU   Chapter 5-Pananakit

    "Ano ang kailangan mo?" malamig na tanong ni Jesabell kay Emily nang pumasok ito sa silid kung saan siya naka confine. Hindi niya alam na nakabalik na ito pero wala si Tyron."Binibisita ka at tinitingnan kung buhay pa ba." Ngumiti si Emily."Hayop ka, ano ang sinabi mo kay Tyron at ayaw pa akong palabasin dito?" galit niyang singhal sa babae. Kahapon pa sana siya lalabas ngunit biglang sinabi ng doctor na utos ni Tyron.Ngumisi si Emily at dahan-dahang lumapit sa dalaga. "Oh dear, kawawa ka naman at hindi na mahal ni Tyron at pinaniniwalaan. Ako na lang ngayon ay pinaniniwalaan niya at lahat ng sabihin ko ay sinusunod niya.""Bitch! Ginagalit mo talaga akong hayop ka!" Hindi na niya napigilan ang sarili at mabilis na bumaba ng kama. "Ahh bitiwan mo ang buhok ko! Baliw ka na talaga!" Sigaw ni Emily at pilit na inaalis ang kamay ni Jesabell na sumasabunot sa buhok niya."Ito ang gusto mo ang ipakita kay Tyron na baliw ako then panindigan ko na, hayop ka!" Lalo niyang hinila ang buhok

  • I NEED YOU   Chapter 4-Takot sa talim

    Nagising si Tyron nang makarinig ng mahinang ungol. Nakatulog pala siya habang nakayupyop ang ulo sa kama nang kinahigaan ni Jesabell. "No... ahhh, kuya, help me!"Mahigpit niyang hinawakan ang palad ng dalaga at ginising ito. Marahil ay ang kabataan pa nito ang napanaginipan at tinawag siyang kuya. Ganito ito noong dalagita pa at siya ang laging tinatawag kahit sa panaginip."Layuan ninyo ako! Ahh huwag!" Nagkakawag na si Jesabell at takot na niyakap ang ano mang mahawakan. "Jesabell, wake up!" Niyugyog na ni Tyron ang balikat ng dalaga upang gisingin ito.Mukhang nakakita ng multo nang maimulat ni Jesabell ang mga mata. Lalong humigpit ang kapit niya sa kumot na nasa dibdib at naglikot ang tingin sa paligid. Hindi niya alam kung bakit narito siya sa kama na. Ang alam niya ay nagtatago siya sa ilalim ng kama kanina bago natulog."Calm down, narito ako hindi ko hahayang may manakit sa iyo." Masuyong hinaplos ni Tyron ang buhok ng dalaga.Ang sarap sa pakiramdam at kumakalma na rin

  • I NEED YOU   Chapter 3-Phobia

    "Sino ang kausap mo? Di ba ang sabi ko ay magpahinga ka na?"Nakagat ni Emily ang ibabang labi at mahamig sa tinig ni Tyron na hindi ito natutuwa sa naabutan kanina. "Sorry, tumawag kasi ang kaibigan ko at kinakamusta ako."Mula ngayon ay iwasan mo si Jesabell upang hindi na siya magrerebelde." Pag iiba ni Tyron sa usapan. "Sa tingin mo ba ay dahil sa akin kaya niya ginagawa ito sa sarili niya?" Nagtatampong tanong ni Emily."Pinagseselosan ka niya kaya intindihin mo na lang. Ayaw kong maulit pa ito sa kaniya.""Gusto mo bang umalis na ako sa bahay mo upang hindi na siya magselos?"Hindi nakasagot si Tyron at mukhang pinag iisipan pa ang sinabi ni Emily. Mabilis na bumangon si Emily at tangkang bababa na ng kama ngunit pinigilan ni Tyron. "Where are you going?""Naging pabigat na ako sa iyo at naging dahilan pa nang kapahamakan ng babaeng mahal mo kaya aalis na ako." Umiiyak na aniya at pilit na kumawala sa hawak ng binata sa braso niya upang mapigilan siya sa pagbaba ng kama."Hi

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status