Home / Romance / I NEED YOU / Chapter 3-Phobia

Share

Chapter 3-Phobia

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2025-02-07 07:46:01

"Sino ang kausap mo? Di ba ang sabi ko ay magpahinga ka na?"

Nakagat ni Emily ang ibabang labi at mahamig sa tinig ni Tyron na hindi ito natutuwa sa naabutan kanina. "Sorry, tumawag kasi ang kaibigan ko at kinakamusta ako.

"Mula ngayon ay iwasan mo si Jesabell upang hindi na siya magrerebelde." Pag iiba ni Tyron sa usapan.

"Sa tingin mo ba ay dahil sa akin kaya niya ginagawa ito sa sarili niya?" Nagtatampong tanong ni Emily.

"Pinagseselosan ka niya kaya intindihin mo na lang. Ayaw kong maulit pa ito sa kaniya."

"Gusto mo bang umalis na ako sa bahay mo upang hindi na siya magselos?"

Hindi nakasagot si Tyron at mukhang pinag iisipan pa ang sinabi ni Emily.

Mabilis na bumangon si Emily at tangkang bababa na ng kama ngunit pinigilan ni Tyron. "Where are you going?"

"Naging pabigat na ako sa iyo at naging dahilan pa nang kapahamakan ng babaeng mahal mo kaya aalis na ako." Umiiyak na aniya at pilit na kumawala sa hawak ng binata sa braso niya upang mapigilan siya sa pagbaba ng kama.

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Nagkamali ka ng iniisip, hindi ka pabigat sa akin at hindi rin kita pinapaalis ng bahay." Niyakap ni Tyron ang dalaga upang tumigil na sa pagpupumiglas.

Lihim na napangiti si Emily at ayaw siyang pakawalan ng binata. Hindi siya nito matikis. Pero nang maalala na hindi nito pinabulaanan ang sinabi niyang mahal nito si Jesabell ay napasimangot siya. Para na ring inamin ng binata na mahal nga nito ang babaeng iyon. Humigpit ang yakap niya sa binata at hindi matanggap ang laman ng kaniyang isipan.

Pinalipas muna ni Tyron ang ilang minuto bago bumitaw na sa dalaga. Inalalayan niya itong bumalik sa pagkahiga.

"Please, dito ka lang." Paglalambing at pakiusap ni Emily sa binata habang hawak ng mahigpit ang isa nitong palad.

"Matulog ka na at dito lang ako." Parang napilitang turan ni Tyron.

"Thank you!" Nakangiting pumikit na siya. Pero nagkunwari lang siyang natutulog at nilalabanan ang antok. Pinakikiramdaman ang lalaki kung talaga bang tutupad na hindi siya iiwan. Dapat nasa tabi niya lang ito at hindi magkaroon ng chance si Jesabell na masolo ang binata.

Hinintay ni Tyron na makalipas ang maraming minuto bago dinukot ang cellphone na nasa bulsa. Tinawagan niya ang kaniyang assistant na siya nag aasikaso sa lahat kapag may pinatrabaho siya.

"Sir?" sagot ni Luis mula sa kabilang linya.

"Paimbistigahan mo ang nangyari kay Jesabell. Gusto kong mahuli ang taong nanaksak sa kaniya!"

Napadaklot sa kubre kama ang kanang kamay ni Emily nang marinig ang utos ni Tyron. Ang buong akala niya ay naniwala na ang binata na si Jesabelle lang ang may gawa na ikinapahamak ng sarili nito. Pilit niyang pinakalma ang sarili. Gumalaw siya at tumagilid ng higa patalikod sa binata. Ayaw niyang makita ng binata ang tinitimpi niyang galit sa lalooban.

Napatingin si Tyron kay Emily nang gumalaw ito. Tinapos na niya ang tawag at nilapitan ang dalaga. Sinalat niya ang noo nito at nakahinga siya nang maluwag dahil hindi na ito mainit.

Lihim na napangiti si Emily at hindi umalis ang binata. Pero nag aalala pa rin siya. Alam niyang walang ebedensyang iniwan ang nanaksak kay Jesabell, pero hindi pa rin siya mapakali dahil mismong si Tyron ang nagpapaimbistiga.

Sa kabilang silid, pinipilit ni Jesabell na makatulog. Nakaalis na si Jason at iyon ang gusto niya. Nilalabanan niya ang takot na nadarama dahil hindi mawala ang nakikitang hawak na patalim ng isang lalaki. Kailangan niyang malampasan ang phobia sa patalim dahil wala nang yayakap sa kaniya upang pawiin ang takot na nadarama.

Kusang tumulo ang luha sa mga mata niya at mabilis niyang pinunasan iyon. Paulit-ulit pinaalala sa sarili na walang ibang tutulong sa kaniya kundi ang sarili. Wala na siyang halaga kay Tyron. Hindi na nito inaalala ang sakit niya.

"Kaya mo yan!" kausap ni Jesabell sa sarili habang yakap nang mahigpit ang unan at doon kumukuha ng dagdaga lakas ng loob. Ngunit habang tumatagal ay hindi niya ma control ang sarili. Nanginginig na siya at gusto niyang magtago sa dilim upang hindi na nakikita sa isipan ang kumikislap na talim ng kutsilyo.

"Miss, are you ok?" tanong ng nurse na kapapasok lang at baabutan ang pasyente na nanginginig.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ang hindi pamilyar na boses ng isang babae. "Please, stay away from me!"

"Miss, nurse po ako at kailangan kong tingnan ang kundisyon mo. May hindi ba maganda kang nararamdaman?" Mahinahon na kausap ng nurse sa dalaga at humakbang palapit dito.

"Ahhh, please... go away!" Takot na ibinato niya sa babae ang yakap na unan at nagsumiksuk sa headboard ng kinahigaan habang yakap ang sarili.

Naghalo ang takot at pag aalala ng nurse sa pasyente kaya nagmamadali itong lumabas ng silid upang tawagin ang doctor.

Tarantang bumaba ng kama si Jesabell at mabilis na pinatay ang ilaw. Nanginginig ang mga tuhod at kamay niya. Wala na siyang makita sa paligid kaya gumapang siya papunta sa ilalim ng kama. Muling isiniksik ang sarili sa isang sulok. Dahil mababa lang ang kama, bumaluktot na lang siya ng higa at pinagkasya ang sarili roon.

Kahit papaano ay naiibsan ang takot na nadarama at nawawala sa balintataw ang patalim na hawak ng lalaki kanina. Ayaw niyang makakita ng liwanag o ibang tao kapag nasa ganito siyang stage. Walang ibang nakakaunawa sa kaniya kundi si Tyron lang ngunit ayaw na nito sa kaniya ngayon. Kaya kailangan niyang gamutin ang sarili upang maging normal na ang sariling buhay.

Naalimpungatan si Tyron nang may pumasok na nurse. Hindi niya pala namalayang nakatulog siya. Pagtingin niya sa orasang pambisig ay ay may kalahating oras din pala siyang nakatulog. Ang kamay ni Emily ay nakahawak pa rin sa kaniya pero mahimbing na ang tulog. Bigla siyang napatayo nang maalala si Jesabell.

"Tyron?" Naalimpungatan din si Emily dahil biglang nawala ang hawak na kamay ng binata.

"Silipin ko lang si Jesabell." Pagkasabi niyon ay iniwan na niya ang dalaga.

Inis na sumunod na lang ang tingin niya sa binata. Ang nurse na tumitingin sa dextrose niya ay tahimik lang.

Nagmamadaling humakbang si Tyron nang makitang may lumabas na dalawang nurse sa room ni Jesabell. Patakbo ang mga ito sa gallway na para bang may hinahanap. Pagbungad niya sa pinto ay nakasalubong niya ang doctor. "May problema po ba, doc?"

"Ikaw po ba ang pamilya ng pasyente?"

Biglang binundol ng kaba ang dibdib ni Tyron dahil sa tanong ng doctor. Agad niyang tiningnan ang kama at wala roon ang dalaga. "Nasaan ang pasyente dito?" Sa halip ay tanong niya rin sa manggagamot.

"Nawawala siya."

"What?" Parang nabinging tanong ni Tyron.

"Ahm, sir, narito pa siya kanina nang unang pasok ko. Naabutan ko po siyang gising pero mukhang takot at ayaw akong palapitin. Binato niya pa po ako ng unan. Lumabas lang ako upabg tawagin sana ang doctor ngunit pagbalik ko ay patay ang ilaw at wala na siya sa kama." Kabadong paliwang ng nurse sa binata.

Ngamamadaling binuksan ni Tyron ang banyo na naroon lang din sa silid sa pag aakala na naroon ang dalaga. Gusto niyang murahin ang sarili, hindi niya naisip na maaring bumalik ang phobia ng dalaga dahil sa nangyari dito.

"Huwag kang mag alala at pinahahanap ko na siya sa buong building at siguradong hindi pa siya nakakalayo," ani ng doctor kay Tyron.

"Hindi siya lumabas ng silid."

Nagtatakang parehong napatingin ang nurse at doctor kay Tyron.

Sa halip na magpaliwanag pa ay lumuhod si Tyron sa paanan ng kama at sinilip ang ilalim niyon. And there, hindi nga siya nagkamali ng naisip. Nangyari na ito noong unang buwan ni Jesabell sa poder niya. Mas gusto nitong magtago sa dilim kapag na trigger ang phobia nito sa isang patalim.

Halos madurog ang puso niya nang makita ang dalagang nakabaluktot ng higa sa ilalim ng kama. Mabilis siyang gumapang upang maabot ito. Nahirapan pa siya dahil mababa ang kama. Tulog ang dalaga at hindi manlang naramdaman ang paggalaw niya sa katawan nito. Nang mailabas ay maingat niya itong binuhat ay inihiga sa kama.

"Kunin mo ang panlinis sa sugat. Utos ng doctor sa nurse.

Napatiim bagang si Tyron nang makita ang mantsa ng dugo sa tagilirang damit ng dalaga. Mukhang kanina pa iyon dumugo dahil sa ginawa nitong pamamaluktot.

"May history of phobia ba ang pasyenteng?" tanong ng doctor habang sinusuri ang pulso ng pasyente.

Tumango si Tyron at sinabi ang nakaraan ng dalaga. Bata pa lang noon ang dalaga ay kilala na niya. Kuya pa noon ang tawag sa kaniya ni Jesabell. Ngunit nang siya na ang guardian nito ay ayaw na siyang tawaging kuya. Noong maliit pa ito ay mayroong nanloob sa bahay ng mga ito at nakitang sinaksang ang yaya nito. Hindi napansin ng parents na nagkaroon ng phobia ito na lumala dahil napabayaan at parehong busy sa work. Kaya nga hindi niya ito pinalalapit sa kusina dahil takot sa patalim ang dalaga.

"I see, mukhang lumala ngayon ang phobia niya dahil siya mismo ang nasugatan ng patalim. Huwag na siyang hayaang mag isa lalo na sa ganitong sitwasyon. Hindi biro ang pinagdadaanan niya ngayon at maaring mauwi sa depression." Mahabang paliwang at payo ng doctor.

"Maraming salamat po, doc!" Tinanggap niya ang bagong resitang bigay ng doctor para kay Jesabell. Tinurukan din ito ng pampatulog upang tuloy-tuloy ang pahinga ng katawan nito at isipan.

Inis na umalis si Emily sa kinatayuan matapos marinig ang sinabi ng doctor. Kung alam lang niya na ganito maging resulta ay nag iba sana ang ginawa niya sa babae. Nakagat niya ang hintuturo at lumalim ang iniisip. Kapagkuwa'y ay napangisi siya dahil may naisip na siyang magandang gagawin upang magalit muli si Tyron kay Jesabell.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Belle Gab Brix
kawawang jessabell ang hirap labanan talaga pg ,y phobia ka na sa patalim NAPAKA TUSO DIN ITING EMILY NA TO.
goodnovel comment avatar
Gigi Galve
tuso si Emily
goodnovel comment avatar
Beth Serrano
kawawa nmn c jesabel.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • I NEED YOU   Chapter 4-Takot sa talim

    Nagising si Tyron nang makarinig ng mahinang ungol. Nakatulog pala siya habang nakayupyop ang ulo sa kama nang kinahigaan ni Jesabell. "No... ahhh, kuya, help me!"Mahigpit niyang hinawakan ang palad ng dalaga at ginising ito. Marahil ay ang kabataan pa nito ang napanaginipan at tinawag siyang kuya. Ganito ito noong dalagita pa at siya ang laging tinatawag kahit sa panaginip."Layuan ninyo ako! Ahh huwag!" Nagkakawag na si Jesabell at takot na niyakap ang ano mang mahawakan. "Jesabell, wake up!" Niyugyog na ni Tyron ang balikat ng dalaga upang gisingin ito.Mukhang nakakita ng multo nang maimulat ni Jesabell ang mga mata. Lalong humigpit ang kapit niya sa kumot na nasa dibdib at naglikot ang tingin sa paligid. Hindi niya alam kung bakit narito siya sa kama na. Ang alam niya ay nagtatago siya sa ilalim ng kama kanina bago natulog."Calm down, narito ako hindi ko hahayang may manakit sa iyo." Masuyong hinaplos ni Tyron ang buhok ng dalaga.Ang sarap sa pakiramdam at kumakalma na rin

    Last Updated : 2025-02-08
  • I NEED YOU   Chapter 5-Pananakit

    "Ano ang kailangan mo?" malamig na tanong ni Jesabell kay Emily nang pumasok ito sa silid kung saan siya naka confine. Hindi niya alam na nakabalik na ito pero wala si Tyron."Binibisita ka at tinitingnan kung buhay pa ba." Ngumiti si Emily."Hayop ka, ano ang sinabi mo kay Tyron at ayaw pa akong palabasin dito?" galit niyang singhal sa babae. Kahapon pa sana siya lalabas ngunit biglang sinabi ng doctor na utos ni Tyron.Ngumisi si Emily at dahan-dahang lumapit sa dalaga. "Oh dear, kawawa ka naman at hindi na mahal ni Tyron at pinaniniwalaan. Ako na lang ngayon ay pinaniniwalaan niya at lahat ng sabihin ko ay sinusunod niya.""Bitch! Ginagalit mo talaga akong hayop ka!" Hindi na niya napigilan ang sarili at mabilis na bumaba ng kama. "Ahh bitiwan mo ang buhok ko! Baliw ka na talaga!" Sigaw ni Emily at pilit na inaalis ang kamay ni Jesabell na sumasabunot sa buhok niya."Ito ang gusto mo ang ipakita kay Tyron na baliw ako then panindigan ko na, hayop ka!" Lalo niyang hinila ang buhok

    Last Updated : 2025-02-08
  • I NEED YOU   Chapter 6-Kasinungalingan

    "Maari ka nang lumabas, wala bang magsusundo sa iyo?" tanong ng doctor habang nakatingin sa chart ng dalaga.Ngumiti si Jesabell at umiling. Kailangan niyang maging mabait upang pakawalan na siya. Itinatali kasi siya ng mga ito at laging tinuturukan ng pampatulog. Hindi siya dinadalaw ng binata mula nang iwan siya sa hospital. Mukhang sinadya nitong manatili lang siya sa hospital ng isang lingo habang nasa business trip ito sa takot siguro na kung ano ang gawin niya kay Emily habang wala ito. Grabe ang ginawa sa kaniya ng binata kaya dapat talagang makaalis na siya sa poder nito. Nawawala din ang cellphone niya at alam niyang itinago iyon ng nurse na siyang nag aalalaga kuno sa kaniya para hindi makahingi ng tulong kahit kanino.Mariing naglapat ang mga labi ni Jesabell habang inaayos ang sarili. Talagang kontrolado na ni Emily si Tyron pati ang mga katulong. Talo siya kapag ganitong masama pa rin ang impression sa kaniya ni Tyron. Alam niya ring hindi siya basta pakawalan ni Tyron da

    Last Updated : 2025-02-09
  • I NEED YOU   Chapter 7-Sama ng loob

    "Ano ang ibig mong sabihing na kay Nida ang cellphone mo?" nagtatakang tanong ni Tyron. "Hindi ba at pinakuha mo ang cellphone ko at ayaw akong pahawakin?" Malungkot niyang sagot sa binata."Tyron, sa tingin ko ay nagha-hallucinate na naman siya. Dapat siguro ay hindi muna siya pinayagang makalabas." Nag aalala at mukhang takot na kumapit muli si Emily sa braso ni Tyron.Inalis ni Tyron ang kamay ni Emily at nag aalalang lumapit kay Jesabell. Kasalanan niya kung lumala ang sakit ng dalaga dahil iniwan niya ito. "Jesabell, halika at kumain ka muna upang gumanda ang pakiramdam mo then iinum ng gamot."Inis na sinamaan ni Emily ng tingin si Jesabell at ang bilis lumambot ng puso ni Tyron para dito.Muli siyang humakbang palayo sa binata. "No, hindi ako baliw kung iyan ang iniisip mo. Masama bang bawiin na ang cellphone ko?" Malungkot niyang tanong sa binata."Jesabell, bakit kay Nida mo hinahanap ang cellphone mo? Nasa silid mo lang iyon at hindi kinukuha sa iyo." Malumanay na kausap ni

    Last Updated : 2025-02-10
  • I NEED YOU   Chapter 8-Kaibigan

    Nagulat pa siya nang madatnang nakaupo si Tyron sa kaniyang kama at abala sa hawak nitong cellphone. Nang mag angat ito ng mukha ay mabilis siyang nag iwas ng tingin dito. "May kailangan ka pa ba?" Napabuntong hininga si Tyron dahil sa malamig na pakitungo ng dalaga sa kaniya. Tumayo siya at lumapit sa display table nito. Parang may kulang sa table nito. Nang hindi makita ang picture nilang dalawa ay nalungkot siya. Malaki nga ang tampo ng dalaga at lahat ng may kaugnayan sa kaniya ay gusto nang itapon. Napatiim bagang siya nang maalala ang sinabi nito sa kay Jason noong nasa hospital. Pinatigas niya ag anyo at iniharap sa kaniya ang dalaga.Kinagat ni Jesabell ang loob ng labi upang pigilan ang sariling damdamin. Gusto niyang puriin ang sarili nang magawa niyang salubungin ang nang aarok na tingin sa kaniya ng binata. Hindi na siya nagulat o nagtaka kung galit sa kaniya ito ngayon. Nanatiling tikom ang bibig niya at nalasahan na niya ang dugo na nagmula sa loob ng labing kagat niya.

    Last Updated : 2025-02-11
  • I NEED YOU   Chapter 9-Masamang balak

    Ginulo ni Jesabell ang kaniyang buhok nang may kumatok na sa pinto. Alam niyang nagmukha na siya na wala sa sarili at hawak niya ang unan na nilalaro.Nagulat si Lory pagkakita sa kaibigan. Hindi ito ang inaasahan niyang madatnan. Nagmamadali siyang lumapit kay Jesabell at umupo sa tabi nito. "Besh, ano ang nangyari sa iyo? Bakit mukhang totoong nawala ka sa sarili?"Lumabi si Jesabell at naiiyak na tumingin sa kaibigan. "Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang wala akong kakampi?"Naaawang niyakap ni Lory ang kaibigan. "Sorry, hindi ko alam na hospitak ka. Ano ang ginawa sa iyo ng bruhang iyon?""Kinuha ni Jesabell ang unan at niyakap iyon sa halip na sagutin ang kaibigan. Kung hindi niya lang alam na ang katotohanan ay isipin niyang lahat ay kayang gawin ni Lory para sa kaniya bilang kaibigan"Don’t worry, makakaganti ka rin sa kaniya." Mariing naglapat ang mga labi ni Lory matapos makapagsalita."How?" Mukhang inosinte niyang tanong kay Lory.Napangisi si Lory at tiyak na magkaroon ng m

    Last Updated : 2025-02-11
  • I NEED YOU   Chapter 10-Backfire

    Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jesabelle at naiiyak na tumingin kay Tyron. "Pero ang sabi ni Lory ay ikaw ang bumili nito at pinabigay mo sa kaniya?" Bumaba ang tingin niya at tiningnan ang damit. "Gusto ko lang e appreciate ang bigay mo kaya ko sinuot bilang pasalamat sa pag alaga mo sa akin sa hospital."Nanlaki ang mga mata ni Lory at hindi iyon ang napag usapan nila ni Jesabell. Pagtingin niya kay Emily ay mukhang bubugahan na siya ng apoy dahil sa galit.Mabilis na lumapit si Jesabell kay Emily at hinawakan ito sa kamay. "Emily, galit ka pa rin ba sa akin dahil pinahirapan kita ng ilang araw?""Ano ang pinagsasabi mo?" halos pabulong lang na turan ni Emily at binabawi ang kamay na hawak ng dalaga ngunit humigpit ang hawak nito doon."Emily, tanggap ko nang ikaw ang mahal ni Tyron. Huwag kang mag alala at aalis na ako rito upang—ahhhh!" Tumilqpon siya sa sahig dahil malakas siyang tinulak ni Emily."Jesabell!" Dumagundong ang boses ni Tyron sa apat na sulok ng dinning room da

    Last Updated : 2025-02-11
  • I NEED YOU   Chapter 11-Paghingi ng tawad

    Huminga nang malalim si Lory at may simpatyang tumingin kay Emily. "Walang magagawa ang galit mo sa kaniya ngayon. Ayusin mo ang iyong sarili at hindi ka dapat magmukhang kontrabida sa mata ni Tyron."Isang malalim na buntong hininga ang pikawalan ni Emily at inayos ang sarili. Nag isip siya ng ibang dahilan upang mapaniwala si Tyron na hindi niya sinadya ang nangyari kay Jesabell na siya namang totoo. Si Lory ay kailangab niya ring tulungan upang malinis sa mga mata ng binata. Nauna si Lory na pumasok ng silid upang kumustahin ang babae."Tyron, kumusta ang kaibigan ko?" nag aalalang tanong ni Lory sa binata. Nakagat niya ang ibabang labi nang sa halip na sagutin suya ng binata ay ang doctor ang kinausap."Sigurado ka ba na mababaw lang ang sugat sa ulo niya?" Hindi mapakaling tanong muli ni Tyron sa doctor. Mabuti at malapit lang ang clinic nito sa bahay niya kaya nakarating agad."Sadyang madugo lang dahil ulo. Binigyan ko na siya ng painkiller at nalinis ang sugat." Sagot ng doct

    Last Updated : 2025-02-11

Latest chapter

  • I NEED YOU   Book 2: Chapter 60-Magkamukha

    Binuhat ni Timothy ang anak at inilapit sa natutulog na kapatid nito."Daddy, she looks like me." Manghang pinakatitigan ni Trix ang batang natutulog. "Ok lang po ba siya?" Bigla naman siya nalungkot nang makita ang ilang bandage sa pisngi at noo ng bata."Of course because she's your sister. And as of now, nagpapagaling pa ang kapatid mo kaya tutok kami ni Mommy sa pagbabantay sa kaniya." Nakangiting paliwanag ni Timothy sa anak."Don’t worry about me po, mommy and daddy. I'm strong po at hindi kailangan ng alaga. Lahat din po ng sasabihin ninyo at ni Tita Minche ay susund8j ko upang hindi kayo mag alala sa akin!"Nagpapasalamat ang tinging ipinukol ni Janina kay Minche. Nagpasalamat siya dito dahil sa tamang paggabay sa anak niya. Lumaki ito na amy malawak na unawa at mapagmahal. "Mula ngayon ay huwag ka nang sumama sa Mommy Jona mo okay? Huwag kang humiwalay sa tita at yaya mo kahit ano ang mangyari." Paalala dito ni Timothy. "Opo, ayaw ko rin po sa kaniya sumama at baka ilayo n

  • I NEED YOU   Book 2: Chapter 59-Banta sa kaligtasan

    "Head namin siya at huwag mo nang dagdagan ang issue ngayon at ayaw kong matanggal sa trabaho." Halos pabulong na ani ng lalaki.Pagtingin muli ni Paul sa lalaking nasa unahan ay wala na ito roon. Inis na umalis na siya at binalikan sa sasakyan si Jona."Ano ang nangyari?" tanong agad ni Jona kay Paul."Bulshit, mukhang may alam na nga si Timothy sa tunay na ina ni Trix!" Naihampas ni Paul ang nakakuyom na kamay sa manibela."Ano na ang gagawin natin ngayon?" Kabadong tanong ni Jona sa binata. "Bumalik ka sa bahay ni Timothy at gumawa ng paraan na maitakas si Trix. Ikaw pa rin ang ina sa papel ng bata kaya maari mo siyang isalay sa eroplabo at ilayo pansamantala. Kailangan natin ng alas upang hindi pareho mapahamak." Utos ni Paul sa dalaga.Nakagat ni Jona ang ibabang labi. "Saan ko naman siya dadalhin upang itago?""Doon muna kayo sa bagong nabili kong property sa isang isla. Walang nakakaalam sa lugar na iyon mula sa kaanak ko dahil gusto ko iyon gawin private place ko sana.Hindi

  • I NEED YOU   Book 2: Chapter 58-Napapraning

    "Ano ang sinasabi mo?" pabulyaw na tanong ni Paul sa lalaking kausap mula sa kabilang linya."Hinahanap ako ngayon ng kapulisan at hindi ko alam kung paano nila ako nakilalang bumangga sa batang iyon."Napamura si Paul at nagmamadaling lumabas ng shop dahil napapatingin na sa kaniya ang mga taong naroon. Nang masigurong wala nang ibang tao sa paligid ay muli siyang napamura. "Pota, hindi ka nag iingat!""Kailangan ko nang pera upang makalayo dahil kapag ako ang naguli ay hindi ko naipangakong mananahimik lang ako at makulong mag isa." May kasamang panakot na ani ng lalaki."Son of a bitch!" Nangalit ang bagang ni Paul at napahigpit ang hawak sa cellphone. Ang isang kamay ay nakakuyom at gustong manuntok kung kaharap lang ang kausap ngayon. "Hintayik ko ang padala mo ngayon sa bangko ko upang makaalis na mamayang madaling araw.""Siguraduhin mo lang na hindi ka mahuli at hindi na rin makipag ugnayan sa akim after this! Dahil kapag ako ang nagalit ay kaya kong tapusin ang buhay mo!" B

  • I NEED YOU   Book 2- Chapter 57-Tears of joy

    "Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Timothy ang manggagamot."By the way, ok na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng doctor sa binata."Yes, doc, salamat muli."Ngumiti ang doctor sa binata saka sa dalaga. Narahan hinaplos ang braso ng bata bago umalis."Da-daddy..." namamaos ang tinig ng bata sa pagtawag ng ama.Mabilis na lumapit si Timothy sa bata ay naiiyak na naman sa tuwa dahil sa tawag sa kaniya ng bata. "Yes, My Princess? Mwy gusto kq bang kainin o may masakit sa iyo? Sabihin mo sa daddy ay gagawa ko ng paraan upang mawala ang sakit."Napaluha na si Janina at ramdam niyang mahal din ni Timothy ang ampon niya."I'm fine po, thank you po at nahanap ka na ni monmy."Nakangiting hinaplos ni Timothy ang pisngi ng bata na walang gasgas na natamo mula sa aksidente. "I love you! Babawi ang daddy sa iyo okay?"Umiiyak na niyakap ni Janina ang binata mula sa likod. Sobrang saya niya at lahat ay tanggap sa kaniya ng binata."I love you too, daddy! Please always protect my mom!"Nakangit

  • I NEED YOU   Book 2: Chapter 56-Bisita sa hospital

    Nangunot ang noo ni Jona nang harangin diya ng lalaki bago pa siya makarating sa pinto ng room kung saan naka confine ang ampon ni Janina. Alam niyang naroon din si Timothy at gusto niyang makita."Sorry po, ma'am, pero mahigpit ang bilin na bawal magpapasok ng bisita na walang pirmiso nila." Magalang na ani ng lalaking humarang sa pinto."Asawa ko ang nasa loob kaya bakit mo ako pinagbabawalan?" Singhal ni Jona sa lalaki."Ipaalam ko po na narito kayo." Magalang pa rin ani ng lalaki saka tumalikod.Gusto sanang sumilip ni Jona sa pinto ngunit ang bilis na naisara iyon ng bantay. Gusto niya rin sanang makita ang bata dahil kahit larawan ay wala siyang makita na ipinagtataka niya. Curious kasi siya at mukhang pinangangalagaan na rin ni Timothy. Ilang sandali pa ay lumabas na ang bantay kasunod si Timothy. "Ano ang ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo na tanong ni Timothy sa babae."Honey—""Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa iyo na stop calling me honey? Huwag mo ring gamitin a

  • I NEED YOU   Book 2: Chapter 55-Pag-amin ng katotohanan

    Napabuntong hininga si Timothy saka hinawakan sa palad ang dalaga. "Noong malaman ko na sinasaktan ni Jona ang anak ko ay nagduda ako kaya pina DNA test ko ang bata nang wala na siya."Biglang kumabog ang dibdib ni Janina at kinakabahang marinig ang sunod pang sasabihin ng binata."Tama nga ang hinala ni Ate Minche noon na hindi siya ang tunay na ina ni Trix."Napatukod ang kamay ni Janina sa gilid ng kama at parang bigla siyang nahilo sa narinig. "Na-nahanap mo na ba ang tunay niyang ina?"Inabot ni Timothy ang palad ng dalaga at hinila ito palapit sa kaniya. Niyakap niya ito sa baywang bago nagsalita. "I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sa iyo.""A-ang alin?" Garalgal na ang tinig niya at pinigilan ang mapaiyak."First of all, unang kita ko pa lang sa iyo ay nagustohan na kita." Confess ni Timothy sa dalaga. Paluhod siyang humarap sa binata upang magpantay sila nito. Napangiti siya nang makitang kabado ito."May tiwala ka sa akin di ba?" Kabadong tanong ni Timothy, nang tumango an

  • I NEED YOU   Book 2: Chapter 54-Result

    Napangiti si Timothy nang makita ang pagdaloy ng dugo mula sa kaniya patungo sa maliit na plastic bag at mula doon naman ay ililipat sa bata. Dalawang bag din ang kinuha sa kaniya pero hindi siya nakaramdam ng panghihina. Tinawag niya ang nurse at may inutos dito upang makasiguro siya.Sa labas ng operating room, hindi mapakali si Janina at nag aalala sa anak at kay Timothy. May isang na ang nakalipas ay hindi pa rin lulamabas kahit nurse."Maupo ka muna at baka ikaw naman sa mapaano." Pinilit na ni Danny ang dalaga na mapaupo."Nahuli na ba ang driver ng sasakyan na siyang bumangga sa anak ko?" "Hindi pa at mukhang planado ang lahat dahil walang plaka ang sasakyan at iniwan sa isang lugar na malayo sa kabahayan."Napabuntong hininga si Janina. "Kapag nalaman kong may kinalaman sila sa lahat ng ito ay siguraduhin kong mabubulok na sila sa bilangoan!" Nangangalit ang mga ngipin ni Janina dahil sa galit at ang tinutukoy ay sina Jona at Paul."Maiba tayo, hindi mo ba napapansin na kamuk

  • I NEED YOU   Book 2; Channel 53-Blood type

    "Sino po ang parents ng pasyente?" tanong agad ng nurse sa mga naroon."Ako ang ina ng bata. Kumusta na po ang anak ko?" tarantang tanong ni Janina sa huli."Narami po ang dugong nawala sa bata at still in critical condition. Kailangan din siyang salinan ng dugo ngayon din."Muling nanlambot ang mga paa ni Janina dahil sa narinig. May pinapipirmahan sa kaniya ang nurse at wala sa sarili kinuha ang pen.Naging abala si Danny sa pagtawag sa mga kakilala at sa inutusang tao na maghanap ng donor sa dugo ni Marian."Ano po ang blood type ng bata?" tanong ni Timothy sa nurse at hindi na niya makausap ang dalawa dahil abala na sa pagtawag ng kung kanino para sa dugo."RhD negative, po."Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Timothy nang marinig ang sinabi ng nurse. "I'm willing to donate!"Sabay na napatigil sina Janina at Danny sa pakipag usap sa katawagan nang marinig ang sinabi ni Timothy. "Wala nang oras pa, kahit ano ang mangyari ay iligtas ninyo ang buhay ng anak ko!" Matigas na utos ni T

  • I NEED YOU   Book 2: Chapter 52-Hospital

    "Where are you?" tanong ni Timothy sa dalaga at kahit papaano ay nakahinga nang maluwag dahil sumagot ang dalaga sa tawag niya."Papunta ako ngayon sa hospital!" Garalgal ang tinig na ani Janina at nakilala agad si Timothy na nasa kabilang linya."What? Are you hurt? Saang hospital at puntahan kita ngayon din!" Sobrang nag aalala na ani Timothy. Ibinigay ni Janina ang pangalan ng hospital sa binata. Alam niyang malapit sa kompanya ng binata ang naturang hospital. Hindi na siya nagpaliwanag dito at nasa on call si Danny.Napamura si Timothy nang biglang naputol ang tawag sa dalaga. Halos takbuhin niya ang daan patungo sa kinaparkingan ng kotse niya. Mabuti na lang at malapit lang ang hospital. Wala pang twenty minutes ay narating niya iyon.Hilam ng luha ang mga mata ni Janina habang papalapit sa kaibigang bakla. Tulad niya ay namumula din ang mga mata nito dahil sa pag iyak. "Danny, ano ang nangyari? Kumusta na ang anak ko?" Niyakap ni Danny ang dalaga at pinigilan ang mapaiyak dah

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status