Synopsis Si Luigi Mondragon, isang multi-billionaire at matagumpay na negosyante, ay kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig at sa mga babae. Sa likod ng kanyang marangyang pamumuhay, maraming naiinggit at nagtatangkang pabagsakin siya dahil sa kanyang kasikatan at tagumpay sa iba't ibang bansa. Sa isang gabi ng kasiyahan na iniayos ng kaibigan niya sa isang sikat na bar, hindi inaasahan ni Luigi na magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Doon niya nakilala si Leona Suarez, isang babaeng lasing at sugatan ang puso, nag-iisa habang naglalasing sa sakit ng pag-iwan sa kanya ng dating kasintahan—pinagpalit ito sa isang bakla. Kaya balis ito nasaktan dahil sa dina-daming pwede ipalit ay bakla pa. Habang umiiyak at sinisigaw ni Leona ang kanyang galit sa mga lalaki, hindi mapigilan ni Luigi ang mabighani sa kanyang tapang at pagiging totoo. Ngunit sa mundo ni Luigi na puno ng intriga, selos, at mga lihim, magagawa ba niyang makuha ang puso ng babaeng pilit iniiwasan ang pagmamahal? O magiging isa lamang si Leona sa mga nadamay sa mapanganib na laro ni Luigi? Isang kwentong puno ng pighati, galit, at pagmamahalan.
View MoreChapter 05 Nag-angat siya ng kilay, at ang ekspresyon niya ay puno ng kabigatan. "Hindi ko nasasabing kalimutan mo ang nakaraan mo, Miss. Ang gusto ko lang ay ipakita sa’yo na hindi lahat ng tao ay may masamang layunin. Hindi ko nais maging bahagi ng sakit mo, nais ko lang maging kasangga," seryoso nitong sabi. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ko'y may malalim na ugat ng koneksyon na nagsimulang tumubo sa pagitan namin. Hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin ang lahat ng sinabi niya, ngunit may nararamdaman akong hindi ko kayang ipaliwanag. Baka ito na ang pagkakataon na magkaroon ako ng pagkakataong magbago, hindi lang para sa kanya, kundi para sa sarili ko. "Sabihin mo lang kung anong layunin mo," sagot ko sa kanya, ang tinig ko ay malambot, "At baka magbago ang lahat," mapait kong tugon. Tumayo siya at ngumiti, ngunit ang ngiti ay hindi nanggagaling sa labis na kasiyahan kundi sa isang matinding pag-unawa. "Ang layunin ko, Miss," sagot niya, "ay maging bahagi ng iyong p
Chapter 04 Leona POV Hindi ko na kayang tiisin pa ang presensya ng lalaki na ito. Puno na ako ng galit, at parang may kung anong unti-unting bumabalot sa aking isipan. Hindi ko alam kung bakit siya patuloy na nagpupumilit na makialam. Parang ang sakit lang na laging may mga tao na nagtatangkang magpakita ng malasakit, ngunit sa katapusan, sila rin pala ang magdudulot ng pinakamatinding pagkabigo. Nais ko mapag-isa at lunurin ang sarili ko sa alak upang maibsan ang sakit na aking nararamdaman sa puta kong nobyo. Sinong hindi masaktan kung ipagpalit ka lamang ay sa isang bakla. "Pabayaan mo ako dito," lasing kong sabi, sabay tapik sa mesa, hindi kayang itago ang pagka-irita sa bawat salitang lumabas sa aking bibig. Hindi ko kayang hayaan ang sarili ko na magpatalo pa sa mga ito. Hindi ko kailangan ng kahit anong tulong, lalo na mula sa isang estranghero tulad niya. Hindi ko kaya ang mabigo muli. Hindi ko na kayang muling magtiwala. Tinutok ko ang tingin ko sa baso, at habang ang a
Chapter 03 Ang bawat salita na binanggit niya ay may kasamang matinding emosyon, at sa kabila ng lahat ng galit na ipinapakita niya, hindi ko kayang maniwala na ganito lang ang lahat. Parang may mas malalim pang dahilan sa kanyang mga galit, mga sugat na hindi ko pa nakikita. "Miss," sabi ko, ang boses ko ay malumanay, ngunit puno ng determinasyon. "Hindi ko inaasahan na tatanggapin mo agad ang lahat ng sinasabi ko. Hindi ko nga kayang ipaliwanag kung bakit ako nandito, pero gusto ko lang malaman mo—hindi ko ikaw itinuturing na isang laro. Hindi ko sisirain ang tiwala mo." Sa mga salitang iyon, nag-angat siya ng mata at hinarap ako nang matagal. May halong pagsisisi, galit, at takot sa mga mata niya, at sa mga sandaling iyon, alam ko na hindi ito madali para sa kanya. Ang mga sugat na hindi nakikita, ang mga pagluha na matagal nang natago, at ang mga alaala na nag-iiwan ng matinding sakit—lahat iyon ay bumabalik sa kanya sa bawat galak at bawat pasakit na nararamdaman niya. "Hindi
Chapter 02 "Luigi Mondragon," sabi ko muli, mas matigas ang tinig. "Hindi ako interesado sa laro, Miss. Hindi ako para sa mga babaeng nag-aaksaya ng oras sa mga lalaki na hindi kayang makita ang tunay na halaga nila. Pero hindi ko rin kayang ipagwalang-bahala ka lang, lalo na kung sa tingin ko may mga bagay na mas malalim pa sa galit na nararamdaman mo ngayon." Pinagmamasdan ko siya habang dahan-dahang iniiwas ang mga mata. Iniiwas ang sarili, at sa bawat galaw, para bang may parte ng kanyang puso na hindi ko pa nakikita. May pagka-tigmang magulo sa mga mata niya, at alam kong hindi basta-basta ang mga bagay na hinahanap niya. "Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nagsasalita sa’yo," sagot niya, tumaas ang kilay at tiningnan ako. "Wala ka namang pakialam sa’kin, di ba? Kaya huwag mo akong gawing isa sa mga laruan mo dito," tugon niya sa akin. "Hindi ganyan ang nais ko sayo, Miss." Tumagal ang mga sandali bago ako sumunod na nagsalita. "Wala akong plano na lukuhin at gawing par
Chapter 01 Luigi POVPagdating ko sa naturang bar ay agad bumungad sa akin ang tunog ng malalakas na tugtog ay bumalot sa buong bar, kasabay ng tawanan ng mga tao at tunog ng mga basong nagkakabanggaan at nagkasiyahan sa gitna na parang walang pakialam na sumasabay sa tugtog. Isang gabi ng kasiyahan ang inihanda ng aking matalik na kaibigan, si Marco, na tila ba nagmimistulang hari ng gabi habang pinapalibutan ng mga babae. "Luigi, ayos ka lang ba? Mukhang masyado kang seryoso diyan," tanong ni Marco habang iniabot ang isang baso ng whiskey. "Relax ka naman, pre. Minsan lang tayo magkaganto." Ngumisi ako, pilit na pinapasan ang ngiting matagal nang nagtatago. "Siyempre, nag-eenjoy ako. Alam mo namang hindi mawawala ang fun kapag kasama kita." Ngunit sa totoo lang, ang dami kong iniisip. Ang negosyo, ang mga taong nais akong pabagsakin, at ang walang katapusang pakikibaka upang manatili sa itaas. Napakabigat ng mundo ng tagumpay, pero hindi ko iyon ipapakita. Habang iniinom k
Chapter 01 Luigi POVPagdating ko sa naturang bar ay agad bumungad sa akin ang tunog ng malalakas na tugtog ay bumalot sa buong bar, kasabay ng tawanan ng mga tao at tunog ng mga basong nagkakabanggaan at nagkasiyahan sa gitna na parang walang pakialam na sumasabay sa tugtog. Isang gabi ng kasiyahan ang inihanda ng aking matalik na kaibigan, si Marco, na tila ba nagmimistulang hari ng gabi habang pinapalibutan ng mga babae. "Luigi, ayos ka lang ba? Mukhang masyado kang seryoso diyan," tanong ni Marco habang iniabot ang isang baso ng whiskey. "Relax ka naman, pre. Minsan lang tayo magkaganto." Ngumisi ako, pilit na pinapasan ang ngiting matagal nang nagtatago. "Siyempre, nag-eenjoy ako. Alam mo namang hindi mawawala ang fun kapag kasama kita." Ngunit sa totoo lang, ang dami kong iniisip. Ang negosyo, ang mga taong nais akong pabagsakin, at ang walang katapusang pakikibaka upang manatili sa itaas. Napakabigat ng mundo ng tagumpay, pero hindi ko iyon ipapakita. Habang iniinom k...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments