KAAWAY. Isang salita na sa bokabularyo ni Rajinah ay siyang naglalarawan sa isang taong wala nang ginawa kung hindi ang painitin ang ulo niya—si Kenzo Martinez. Para bang hindi magiging buo ang araw kapag hindi siya nito naasar. Isang araw, nagulat na lang ang dalaga sa kakaibang damdamin na sumibol sa kanyang dibdib para sa binata na ni sa panaginip ay hindi niya naisip na magiging espesyal para sa kanya. That drastic changed happened when Kenzo suddenly showed the other side of him which was sweet, caring and genuinely tender. But she should not be confused, right? Her heart already belonged to another man. A man that she cherished in her heart for years now. A man who she thought was the total opposite of Kenzo. Pero bakit isang halik lang ni Kenzo ay nanlambot na kaagad ang tuhod niya at natunaw kaagad ang resolba niya na panghabang-buhay itong ituturing na kaaway?
view moreNAKAPANGALUMBA si Rajinah habang mag-isang nakaupo sa lamesa na kani-kanina lamang ay inookupa ng buong pamilya niya. Pagkadating pa lamang nila sa party ay halos hindi na mapakali ang mga ito. She knew that they were all excited. But for what? She found their actions a little weird because it’s not the first time to attend Kenzo’s birthday party. Isa pa, hindi lang naman tuwing kaarawan ni Kenzo nagkakaroon ng ganitong pagdiriwang sa tahanan ng mga Martinez. Sa lahat ng okasyon sa buhay ng mga ito ay kabilang sila. Kaya ganoon na lang ang pagtataka niya kung bakit parang bagong karanasan ang gabing ito para sa pamilya niya. Lalo na para sa kanyang mga magulang.Isang buntong-hininga na naman ang kanyang pinakawalan.Kahit hindi siya tumingin sa salamin, alam niyang hindi maganda ang timpla ng kanyang mukha. Pansin niya iyon sa mga dumadaan sa harap niya na may nakahandang ngiti ngunit agad dinnamang hahakbang paatras, palayo sa kanya, kapag nabistahan na ang kanyang mukha. Wala na si
“DO I REALLY need to attend that party? Kailangan ba ako roon? Ano ba’ng magandang maidudulot ng pagpunta ko sa party na ‘yon? Mas dapat kong unahin ang trabaho ko.”Sa totoo lang ay inis na inis na siya. And being ‘annoyed’ was not enough a word to describe what she felt. She was beyond ‘annoyed’. Hindi mahagip ng isip niya kung ano ang puntong lohikal sa ginagawang pangungulit ng mommy niya sa kanya. Alam naman nitong marami siyang kailangan na tapusin ngayon sa kanyang trabaho, pero parang bingi at bulag ito sa mga pakiusap niya. Idagdag pa na para bang nag-aasal ‘bata’ na ito sa ginagawa nito. At iyon ang lalong hindi niya maunawaan.Her mother’s hand frozed midway as she was about to apply lipstick on her lips. Nakapamaywang na hinarap siya nito. “Bakit ba ang dami mong dahilan, Rajinah? Pwede mo namang gawin ‘yang pagsusulat mo bukas. Napakaraming alternatives ang pwede mong pagpilian para hindi ka magahol sa oras.”“Kung meron nga po ba akong naiisip, eh, ‘di sana nagawa ko na
NAPAISMID siya.Nakalimutan niya na ngayon ang birthday ng pinakakinaiinisan niyang tao sa buong mundo, ang mortal niyang kaaway—si Kenzo Tanaka Martinez. Ito ang mayabang at palikerong inaanak ng mommy niya sa matalik nitong kaibigan mula pa noong highschool na si Karina Tanaka Martinez.Marahil sa sobrang dami ng ginagawa niya kaya nawala na sa isip niya ang araw ng kaarawan ng binata. But who cares? Ano ba ang pakialam ko kung birthday ngayon ng mokong na iyon? He can always celebrate it anytime he wants to. Kahit araw-araw pa. As if namang aabangan ko iyon with open arms ‘no. Hmp! “Halika nga rito.” Napukaw ng tinig ng kanyang ina ang kanyang diwa. Ikinawit nito sa direksyon niya ang hintuturo nito. “Ang mabuti pa, tulungan mo akong ilagay sa box ang cupcakes na ito, habang nagpapahinga ka.”Napamulagat siya sa ina. “What? Mommy naman! Paano ako makakapagpahinga n’yan kung may ipapagawa naman kayo sa akin,”“Don’t fuss anymore, Rajinah. Wala ka rin namang magagawa kundi ang sumun
Tahimik pa rin siyang lumabas ng kanyang kwarto at tinahak ang hagdan pababa ng kanilang tahanan.Nahagip ng kanyang mata ang bilog na orasan na nakasabit sa dulo ng hagdan malapit sa pasilyo papunta sa kanilang kusina. It was past 2 o’clock in the afternoon. Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan. Humpak na humpak iyon. Dalawang oras pala ng pagkain ang nalipasan niya? Yet, surprisingly, she couldn’t feel any hunger—As if on cue, her stomach grumbled like it was protesting its own sentiments.Mahina siyang napatawa. Oops! I didn’t know I was this hungry.“I heard that my dear daughter,”Napapitlag siya nang biglang may magsalita. Pagkatapos ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.She loved to hear that voice—always. Bigla siyang nakaramdam ng pagbukal ng sari-saring emosyon sa kanyang dibdib. Emotions that she never thought she kept inside because she was agitated that she couldn’t even write a single sentence to start her story.Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Bigla niya
HALOS magli-limang oras na siyang nakaharap sa monitor ng kanyang personal computer pero sa malas ay wala pa ring pumapasok kahit na kaunting ideya sa utak niya. Kung naiba lamang ang pagkakataon, siguradong hindi ganito ang sitwasyon niya. Normally, she would have already written, at least, half of the pages of the whole book with the same given amount of time. At best, she could even be finished the whole book.Ngunit tila yata may ibang ‘plano’ ang tadhana para sa kanya.Ano ba’ng nangyayari sa akin? Bakit blangko ang isip ko ngayon? Hindi pwedeng mangyari ito! Hindi pwede! Nagngingitngit ang kanyang kalooban. “Think, Rajinah! Think!” utos niya sa sarili, mariing magkalapat ang kanyang mga ngipin dahil sa gigil na nararamdaman niya para sa kanyang sarili. At kung maaari lang, gusto niya ring kutusan ang sarili. “You can’t go on like this! You have a deadline that you have to meet! Hindi pwede itong nangyayari sa’yo! Kailangang gumana ng utak mo ngayon! You need to focus! F
HALOS magli-limang oras na siyang nakaharap sa monitor ng kanyang personal computer pero sa malas ay wala pa ring pumapasok kahit na kaunting ideya sa utak niya. Kung naiba lamang ang pagkakataon, siguradong hindi ganito ang sitwasyon niya. Normally, she would have already written, at least, half of the pages of the whole book with the same given amount of time. At best, she could even be finished the whole book.Ngunit tila yata may ibang ‘plano’ ang tadhana para sa kanya.Ano ba’ng nangyayari sa akin? Bakit blangko ang isip ko ngayon? Hindi pwedeng mangyari ito! Hindi pwede! Nagngingitngit ang kanyang kalooban. “Think, Rajinah! Think!” utos niya sa sarili, mariing magkalapat ang kanyang mga ngipin dahil sa gigil na nararamdaman niya para sa kanyang sarili. At kung maaari lang, gusto niya ring kutusan ang sarili. “You can’t go on like this! You have a deadline that you have to meet! Hindi pwede itong nangyayari sa’yo! Kailangang gumana ng utak mo ngayon! You need to focus! F...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments