Share

CHAPTER 3

Penulis: Sigrid Maia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-02 22:18:18

NAPAISMID siya.

Nakalimutan niya na ngayon ang birthday ng pinakakinaiinisan niyang tao sa buong mundo, ang mortal niyang kaaway—si Kenzo Tanaka Martinez. Ito ang mayabang at palikerong inaanak ng mommy niya sa matalik nitong kaibigan mula pa noong highschool na si Karina Tanaka Martinez.

Marahil sa sobrang dami ng ginagawa niya kaya nawala na sa isip niya ang araw ng kaarawan ng binata. But who cares? Ano ba ang pakialam ko kung birthday ngayon ng mokong na iyon? He can always celebrate it anytime he wants to. Kahit araw-araw pa. As if namang aabangan ko iyon with open arms ‘no. Hmp!

“Halika nga rito.” Napukaw ng tinig ng kanyang ina ang kanyang diwa. Ikinawit nito sa direksyon niya ang hintuturo nito. “Ang mabuti pa, tulungan mo akong ilagay sa box ang cupcakes na ito, habang nagpapahinga ka.”

Napamulagat siya sa ina. “What? Mommy naman! Paano ako makakapagpahinga n’yan kung may ipapagawa naman kayo sa akin,”

“Don’t fuss anymore, Rajinah. Wala ka rin namang magagawa kundi ang sumunod,” hindi nito pinansin ang kanyang reklamo.

She rolled her eyes. “Bakit ako pa ang magbabalot?” aniya na pabulong-bulong pa.

Napansin ng kanyang ina ang padarag niyang paglalakad palapit dito. Umangat ang isang kilay nito sa gawi niya.

She rolled her eyes inwardly. “Hindi po, kamahalan. Ngayon din ay susundin ko kayo at gagawin ang ipinaguutos n’yo,” yumukod pa siya na parang isang alipin na nagbibigay galang sa kanyang panginoon.

Umalingawngaw ang halakhak ng kanyang ina. “Ano’ng ginagawa mo? Luka-luka ka talagang bata ka! Magsimula ka na at ng matapos ka rin agad, para matapos na rin ako.”

Napangiti rin siya. Niyakap niya ito ng mahigpit, tapos ay nilapitan na niya ang mga cupcakes na itinuro nito kanina. “So, what now?”

“Just put the cupcakes in the box carefully. We don’t want the frosting to be damaged, do we?  A dozen in each box.” Iniabot nito sa kanya ang mga kahon at ribbons. “Gandahan mo, ha. Make it presentable,”

Agad siyang tumalima ngunit ilang saglit lang ay nanulas sa bibig niya ang hindi inaasahang margining ng kanyang ina “Why?”

“I’m sorry, what did you say?” bakas ang pagtataka sa mukha ng ina, na bagama’t may edad na ay nanatili pa ring maganda.

“I said, why?”

“What do you mean, why?”              

“Why do we need to pack it nicely? Masisira rin naman ang mga kahon na ito mamaya. Ang cupcakes naman ang mahalaga ‘di ba.”

“Seriously, Rajinah? Are you seriously asking me that question?” napapantastikuhang tinitigan siya nito.

“Yeah.”

Tumuwid ng tayo ang kanyang ina, tapos ay napakamaywang na hinarap siya. “Palalampasin ko ang walang kakwenta-kwentang tanong mo ngayon dahil alam kong pagod ka sa trabaho mo. But to answer your question, we need to make a packaging that is presentable, beautiful and eye-catching because it’s one of the things that customers use to be the basis of the product’s quality. And, of course, to secure the products if it’s to be transported. That is part of marketing in business. Isa pa, nakakahiya naman sa ninang mo kung basta na lang natin ibabalot ang mga ito. That would be very embarrassing for my part,”

Tumango-tango siya. “Pero mommy, bakit kailangan ganito pa ka-bongga ang lalagyan ng cupcakes ng Kenzo na ‘yan. Akala mo naman, eh, kung sino ng V.I.A,”

Kumunot ang noo ng kanyang ina. “What is V.I.A?”

“V.I.A, Very Important Anim” naputol ang pagpapaliwanag na gagawin niya nang walang sabi-sabi ay biglang sumulpot ang pinakahuling taong gusto niyang makita sa araw na iyon maging sa buong buhay niya.

“Good afternoon!” masiglang bati nito na hinalikan pa ang mommy niya sa pisngi. “Kamusta po, ninang? Pasensiya na po at hindi ko nagagawang dumaan dito. I was just so busy these past few days,” paghingi nito ng dispensa.

Hindi kasi ito pumapalya sa pagpunta sa bahay nila. Whatever he was doing, he would always make it a point to drop by at their house. It was like visiting them was part of his everyday routine.

Saglit siyang natigilan. Wait! Why would I even care about his routine? Pinagalitan niya ang sarili. Her inner self was screaming at her crazily.

It’s okay, hijo. I know that you have more important things to do,” nakangiting tugon ng kanyang ina. Mabait talaga ang kanyang ina at maunawain.

“Thanks for understanding me, ninang. You really are the best that I have got,” then, he flashed his most charming smile.

Naitirik niya ang mga mata. Kung ibang tao lamang siya ay maaari niyang isipin na baka may relasyon ito ang mommy niya. Why? They were very comfortable with each other that sometimes she felt jealous of him because of the attention that her mother was giving him. Idagdag pa na laging pumupunta ang binata sa kanila para bisitahin o kahit batiin lang ang mommy niya ng ‘hi’. Who would do that, right? But knowing her mom and Kenzo, she was sure that they were just really close with each other.

“Hmmp!” hindi niya namalayan na hindi niya lang nasabi ang katagang iyon sa isip niya, base na rin sa biglang pagbaling ng mga ito sa kinatatayuan niya. Unti-unting sumilay ang nakakasuyang ngiti sa labi ni Kenzo.

Oh, god! Iniisip pa yata ng bakulaw na ito na nagpapapansin ako sa kanya. Nais niyang batukan ang sarili sa katangahan niya.

“Oh, hi, Rajinah! Nariyan ka pala. Hindi kita napansin kanina,” sabi nito pagkatapos ay lalo pang nilaparan ang pagngisi sa kanya.

“Whatever!” paingos na bulong niya. Inirapan niya ito at itinuon na muli ang atensiyon sa ginagawa niya.

“Rajinah!” saway sa kanya ng mommy niya.

“What? I didn’t do anything.” Yet. Dagdag ng isang bahagi ng isip niya. Nang dumako ang tingin niya kay Kenzo ay muli niya itong inirapan. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. Naningkit ang mga mata niya. Sinibat niya ito ng matalim niyang tingin. “What’s so funny?”

“Nothing. I’m just feeling a little better today,” nakangisi pa rin ito.

Hindi niya napigilan ang pag-alsa ng kilay niya sa sinabi nito. She was ‘literally’ fuming inside.

“Nah… don’t look at me like that. You’re not the reason why I’m feeling better today.”

Napamulagat siya dito. Aba’t! The nerve of this man. “May sinabi ba ako?” Singhal niya rito.

“You don’t have to say it with your mouth. Your eyes just told me so,” kinidatan pa siya nito. Amusement danced in his eyes. She was sure that he enjoyed every minute that he got to ‘spiked’ her up.

Lalong nagsalubong ang kilay niya. Hindi siya makapapayag na ito lang ang nakakapuntos sa mga pasaring nito sa kanya. “Huh?! At talagang feeling mo ay mapapasama ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa’yo? Over my dead beautiful body!”

Humagalpak ito ng tawa. “And who said that you have a beautiful body? Wala pa ‘yan sa katawan ng mga nagiging girlfriend ko.”

Ang dugo na kanina pa kumukulo sa loob ng kanyang katawan ay dumoble ang temperature at mas lumapot ang inis na dumadaloy sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Nanginginig na hinarap ito.

“You!“ sasagot pa sana siya pero agad siyang pinigilan ng mommy niya.

“Hey, stop that! Both of you. Tumigil na kayong dalawa, ha? Baka magkasakitan na naman kayo n’yan,” awat nito sa kanila.

Alam nitong kapag sobrang naiinis na siya ay ibinabato niya sa lalaki ang kahit na anong bagay na madampot niya na malapit sa kanya. Ngunit minsan lang naman iyon nangyayari. Kapag lang talagang lumampas na sa limitasyon ang pang-aasar nito sa kanya at nasagad na ng husto ang pasensiya niya. Katulad na lang nang minsang dumalaw rin ang lalaki sa kanila. Sa galit niya ay naibato niya rito ang isang vase na naka-display sa living room nila. Mabuti na lamang at agad itong lumabas ng pinto dahil kung hindi ay tiyak na sapol ito sa noo.

“Siya naman ang nagsimula, eh!” kung kuto lamang ang lalaki ay sigurado siya na kanina pa niya ito natiris. Nakakagigil ang ang pagmumukha nito. Gusto niyang palisin ang ngisi na kanina pa nakapaskil sa labi nito.

“Who? Me?” Painosenteng itinuro nito ang sarili. “Ikaw nga riyan ang palaging nang-aaway sa ‘kin,”

“You always started it! And don’t even try to deny it!” gigil ang pagsambit niya sa bawat salitang binitiwan niya. Asar na asar siya rito. Minsan ay naitanong na rin niya sa sarili niya kung bakit ganito ang trato sa kanya ng binata? Hindi na niya maintindihan kung bakit tuwang-tuwa itong sirain ang araw niya lalo na tuwing nakikita nitong namumula ang mukha niya sa sobrang pagkayamot niya rito.

“No, sweetie. It’s you who always started it. Kung hindi ka ba naman palaging nagpapansin sa akin, eh, ‘di sana tahimik ang mundo nating dalawa,”

“No! You did! And don’t call me sweetie! ‘Kapal mo, ha. Hindi ako nagpapapansin sa’yo, ‘no! At kahit kailan hinding-hindi ako magpapapansin sa’yo!” Inismiran niya ito. Tila wala namang epekto iyon sa binata dahil lalo lamang lumakas ang tawa nito.

“Kids, tigilan niyo na ‘yan. Hindi makabubuti para sa ating lahat kung palagi kayong magbabangayan. Hindi na kayo mga bata para mag-asal ng katulad ng mga ginagawa ninyo ngayon. Both of you are already adults, so act like one.” sa puntong iyon ay nakialam na ang kanyang ina. Sa tuwing nag-aaway sila nito ay kaunting saway lang ang ginagawa nito. Siguro sa pagkakataong iyon ay dama nito na talagang nag-iinit na siya sa binata. Kaya pinili na nitong mamagitan sa kanilang dalawa.

“Iyang inaanak niyo, eh!”

“Iyang anak niyo, eh!”

Natawa ang kanyang ina nang nagkasabay sila ni Kenzo ng pagsasalita.

“Now, para talaga kayong mga bata,” naiiling habang natatawang sabi nito sa kanila.

Bab terkait

  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 4

    “DO I REALLY need to attend that party? Kailangan ba ako roon? Ano ba’ng magandang maidudulot ng pagpunta ko sa party na ‘yon? Mas dapat kong unahin ang trabaho ko.”Sa totoo lang ay inis na inis na siya. And being ‘annoyed’ was not enough a word to describe what she felt. She was beyond ‘annoyed’. Hindi mahagip ng isip niya kung ano ang puntong lohikal sa ginagawang pangungulit ng mommy niya sa kanya. Alam naman nitong marami siyang kailangan na tapusin ngayon sa kanyang trabaho, pero parang bingi at bulag ito sa mga pakiusap niya. Idagdag pa na para bang nag-aasal ‘bata’ na ito sa ginagawa nito. At iyon ang lalong hindi niya maunawaan.Her mother’s hand frozed midway as she was about to apply lipstick on her lips. Nakapamaywang na hinarap siya nito. “Bakit ba ang dami mong dahilan, Rajinah? Pwede mo namang gawin ‘yang pagsusulat mo bukas. Napakaraming alternatives ang pwede mong pagpilian para hindi ka magahol sa oras.”“Kung meron nga po ba akong naiisip, eh, ‘di sana nagawa ko na

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-02
  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 5

    NAKAPANGALUMBA si Rajinah habang mag-isang nakaupo sa lamesa na kani-kanina lamang ay inookupa ng buong pamilya niya. Pagkadating pa lamang nila sa party ay halos hindi na mapakali ang mga ito. She knew that they were all excited. But for what? She found their actions a little weird because it’s not the first time to attend Kenzo’s birthday party. Isa pa, hindi lang naman tuwing kaarawan ni Kenzo nagkakaroon ng ganitong pagdiriwang sa tahanan ng mga Martinez. Sa lahat ng okasyon sa buhay ng mga ito ay kabilang sila. Kaya ganoon na lang ang pagtataka niya kung bakit parang bagong karanasan ang gabing ito para sa pamilya niya. Lalo na para sa kanyang mga magulang.Isang buntong-hininga na naman ang kanyang pinakawalan.Kahit hindi siya tumingin sa salamin, alam niyang hindi maganda ang timpla ng kanyang mukha. Pansin niya iyon sa mga dumadaan sa harap niya na may nakahandang ngiti ngunit agad dinnamang hahakbang paatras, palayo sa kanya, kapag nabistahan na ang kanyang mukha. Wala na si

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-06
  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 1

    HALOS magli-limang oras na siyang nakaharap sa monitor ng kanyang personal computer pero sa malas ay wala pa ring pumapasok kahit na kaunting ideya sa utak niya. Kung naiba lamang ang pagkakataon, siguradong hindi ganito ang sitwasyon niya. Normally, she would have already written, at least, half of the pages of the whole book with the same given amount of time. At best, she could even be finished the whole book.Ngunit tila yata may ibang ‘plano’ ang tadhana para sa kanya.Ano ba’ng nangyayari sa akin? Bakit blangko ang isip ko ngayon? Hindi pwedeng mangyari ito! Hindi pwede! Nagngingitngit ang kanyang kalooban. “Think, Rajinah! Think!” utos niya sa sarili, mariing magkalapat ang kanyang mga ngipin dahil sa gigil na nararamdaman niya para sa kanyang sarili. At kung maaari lang, gusto niya ring kutusan ang sarili. “You can’t go on like this! You have a deadline that you have to meet! Hindi pwede itong nangyayari sa’yo! Kailangang gumana ng utak mo ngayon! You need to focus! F

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-02
  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 2

    Tahimik pa rin siyang lumabas ng kanyang kwarto at tinahak ang hagdan pababa ng kanilang tahanan.Nahagip ng kanyang mata ang bilog na orasan na nakasabit sa dulo ng hagdan malapit sa pasilyo papunta sa kanilang kusina. It was past 2 o’clock in the afternoon. Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan. Humpak na humpak iyon. Dalawang oras pala ng pagkain ang nalipasan niya? Yet, surprisingly, she couldn’t feel any hunger—As if on cue, her stomach grumbled like it was protesting its own sentiments.Mahina siyang napatawa. Oops! I didn’t know I was this hungry.“I heard that my dear daughter,”Napapitlag siya nang biglang may magsalita. Pagkatapos ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.She loved to hear that voice—always. Bigla siyang nakaramdam ng pagbukal ng sari-saring emosyon sa kanyang dibdib. Emotions that she never thought she kept inside because she was agitated that she couldn’t even write a single sentence to start her story.Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Bigla niya

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-02

Bab terbaru

  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 3

    NAPAISMID siya.Nakalimutan niya na ngayon ang birthday ng pinakakinaiinisan niyang tao sa buong mundo, ang mortal niyang kaaway—si Kenzo Tanaka Martinez. Ito ang mayabang at palikerong inaanak ng mommy niya sa matalik nitong kaibigan mula pa noong highschool na si Karina Tanaka Martinez.Marahil sa sobrang dami ng ginagawa niya kaya nawala na sa isip niya ang araw ng kaarawan ng binata. But who cares? Ano ba ang pakialam ko kung birthday ngayon ng mokong na iyon? He can always celebrate it anytime he wants to. Kahit araw-araw pa. As if namang aabangan ko iyon with open arms ‘no. Hmp! “Halika nga rito.” Napukaw ng tinig ng kanyang ina ang kanyang diwa. Ikinawit nito sa direksyon niya ang hintuturo nito. “Ang mabuti pa, tulungan mo akong ilagay sa box ang cupcakes na ito, habang nagpapahinga ka.”Napamulagat siya sa ina. “What? Mommy naman! Paano ako makakapagpahinga n’yan kung may ipapagawa naman kayo sa akin,”“Don’t fuss anymore, Rajinah. Wala ka rin namang magagawa kundi ang sumun

  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 2

    Tahimik pa rin siyang lumabas ng kanyang kwarto at tinahak ang hagdan pababa ng kanilang tahanan.Nahagip ng kanyang mata ang bilog na orasan na nakasabit sa dulo ng hagdan malapit sa pasilyo papunta sa kanilang kusina. It was past 2 o’clock in the afternoon. Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan. Humpak na humpak iyon. Dalawang oras pala ng pagkain ang nalipasan niya? Yet, surprisingly, she couldn’t feel any hunger—As if on cue, her stomach grumbled like it was protesting its own sentiments.Mahina siyang napatawa. Oops! I didn’t know I was this hungry.“I heard that my dear daughter,”Napapitlag siya nang biglang may magsalita. Pagkatapos ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.She loved to hear that voice—always. Bigla siyang nakaramdam ng pagbukal ng sari-saring emosyon sa kanyang dibdib. Emotions that she never thought she kept inside because she was agitated that she couldn’t even write a single sentence to start her story.Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Bigla niya

  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 1

    HALOS magli-limang oras na siyang nakaharap sa monitor ng kanyang personal computer pero sa malas ay wala pa ring pumapasok kahit na kaunting ideya sa utak niya. Kung naiba lamang ang pagkakataon, siguradong hindi ganito ang sitwasyon niya. Normally, she would have already written, at least, half of the pages of the whole book with the same given amount of time. At best, she could even be finished the whole book.Ngunit tila yata may ibang ‘plano’ ang tadhana para sa kanya.Ano ba’ng nangyayari sa akin? Bakit blangko ang isip ko ngayon? Hindi pwedeng mangyari ito! Hindi pwede! Nagngingitngit ang kanyang kalooban. “Think, Rajinah! Think!” utos niya sa sarili, mariing magkalapat ang kanyang mga ngipin dahil sa gigil na nararamdaman niya para sa kanyang sarili. At kung maaari lang, gusto niya ring kutusan ang sarili. “You can’t go on like this! You have a deadline that you have to meet! Hindi pwede itong nangyayari sa’yo! Kailangang gumana ng utak mo ngayon! You need to focus! F

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status