Walang ibang hinangad si Leil Salvador kung hindi ang mabigyan nang maayos at matiwasay na buhay ang kanyang pamilya, lalong-lalo na ang kanyang kapatid. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay biglaang naglaho, pati na rin ang kanyang pinakaiingatang trabaho. Kasabay ng kanyang paglugmok ay ang pagbabalik ni Roscoe Villafuerte, ang kaniyang dating kaibigan. Siya ang may-ari ng pinakamalaking construction company sa buong Pilipinas. Sa kanilang pagkikita, umusbong ang galit na mayroon si Roscoe kay Leil at dahil nasisiguro niyang nangangailangan ng pera ang babae, inalok niya ito ng kasal, kapalit ng bagay na sigurado siyang hinding-hindi matatanggihan ng babae.
View MoreAlam ni Leil na kahit na maliit na kompanya lamang ang pinagtratrabahuan niya, hindi niya pa rin ito kakayanin. Lalo na at wala siyang perang maaaring gamitin para magsampa ng kaso. Alam niya ring hindi gano’n kadali iyon. “At ano’ng gusto niyong gawin ko?! Ang hayaan at kalimutan na lang ang lahat?!” Isang malakas na tunog ang nagpatigil sa dalawa. Hinampas ng kanilang boss ang lamesa at saka tumayo. “Wala kang sasabihing makasisira sa akin o kahit sa kompanyang ito! Hindi ka magsasalita! Isasarado mo ang bibig mo, Leil!” namumula ang mukha ng lalaki dahil sa sobrang galit. Hindi pwedeng lumabas ang issue na ito. Siguradong siya ang malilintikan ng mga higher bosses kung nagkataon. At baka mawalan pa siya ng trabaho. Trabahong ilang taon niyang pinagsikapang abutin. Hindi siya pwedeng masira dahil lamang sa issue na ito at mas lalong hindi pwedeng maalis siya sa pwesto! Kung kailangang patayin niya si Leil upang mapatahimik ito, gagawin niya. Sinugod ng lalaki si Leil at
Sa higit isang oras na paghihintay ng masasakyan, sa wakas ay nakapara na rin si Leil ng isang taxi. Sinabi niya ang address ng inuupahang condo sa driver. Buti naman at mabilis silang nakarating doon. Nanghihinang umakyat si Leil sa loob at dumeretso sa banyo. Binuksan niya ang shower at hinayaang mabasa ang kanyang buong katawan. ‘Bakit nangyayari ito sa atin, Roscoe? Bakit sobra-sobra ang galit mo sa akin? Bakit ayaw mo akong paniwalaan? Dati naman ay ikaw pa ang pumoprotekta sa akin hindi ba? Ikaw ang nagtatanggol at nagpapasaya sa akin. Bakit ngayon ay nag-iba na ang lahat? Bakit ikaw na ang nananakit sa akin?’Umagos ang luha sa mga mata ni Leil habang nakasandal sa dingding ng banyo. Sila ni Roscoe ay dating magkaibigan at pareho sila ng pinapasukang paaralan. Si Roscoe ang nagtatanggol sa kanya kung may nagtatangkang mangbully dito. Hindi niya hinahayaang masaktan si Leil at lalong laging pinapatawa at pinapasaya ng lalaki ang babae. Pero nagbago ang lahat dahil sa isang t
Parang paulit-ulit na sinaksak si Leil ng mga salita ni Roscoe. Tumagos ito sa kanyang puso at nag-iwan ng marka. Ganito ba talaga ang tingin niya sa akin? Na gagamitin ko ang aking katawan para makuha ang aking gusto?Ngunit hindi ko siya masisisi sapagkat alam kong ako rin ang may kasalanan nito. Galit siya sa akin. Limang taon na ang lumipas nang may nagawa akong kasalanan sa kanya. Kaya’t hindi ko siya pwedeng sisihin kung ganito na lamang ang pag-iisip niya sa akin. Pero… nasasaktan pa rin ako. Isang luha ang pumatak sa mata ni Leil habang iniisip ang mga iyon. Wala na ang kanyang dating Roscoe.“Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko’t masaktan kita! Umalis ka na!” padabog na pinakawalan ni Roscoe si Leil. Umalis siya sa ibabaw ng babae at tiningnan na lamang ito nang masama. ‘Saktan? Nasaktan mo na ako.’ sa isip ni Leil. Kahit nanginginig sa takot si Leil ay dali-dali siyang tumakbo palabas ng suit na iyon. Kilala niya ang lalaking kaharap niya at nasisiguro niyang hind
Dahan-dahang minulat ni Leil ang kanyang mata, may bahid ng pagtataka at takot ang mga ito. Isang malawak at engrandong Presidential Suit ang bumungad sa kanya. Napalilibutan ito ng mga paintings at ibang gamit na sigurado siyang mamahalin. ‘Ano’ng nangyari kagabi at bakit ako narito?’ Tanong niya sa kanyang sarili. Hindi niya batid kung paano siya napunta sa ganito kagandang silid.Nalukot ang kanyang mukha nang subukan niyang gumalaw. Halos buong parte ng kanyang katawan ay kumikirot sa tuwing siya ay gumagalaw, para bang dinaganan siya ng isang napakalaking truck. Sinilip niya ang sarili sa ilalim ng puting kumot at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang hubad siya!Wala ni isang saplot siyang suot! She is an open naked to everybody’s eyes if only not on the cushion over her body. “Hmmm…”Isang mababaw na ungol ang kanyang narinig. Paglingon niya sa kanyang tabi, nanlaki ang kanyang mga mata sa takot nang makita kung sino ito!Walang iba kung hindi si Roscoe Villafuerte!
Nanghihina at nahihilo si Leil na nakahiga sa isang malambot na kama. Tanging ang puting kumot lamang ang nakatakip sa kanyang katawan. Hindi niya batid kung nasaan siya at kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid. Tanging ang init na dumadaloy sa kanyang lalamunan hanggang sa buong katawan ang kanyang ramdam. Gusto man niyang tumayo ngunit hindi niya magawa. “May tao ba riyan? Maaari bang makahingi ako—”Bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin, kumalabog ang pintuan kasabay ng pagpasok ng isang makisig na lalaki. Hindi man niya maaninag nang maayos ang lalaki dahil sa dim na ilaw, batid niyang matangkad ito at kaakit-akit. Kasabay ng kanyang paghakbang palapit sa kama ay ang pagtanggal nito sa kanyang necktie. Matapos matanggal ay hinagis niya ito sa kung saan bago inumpisahang isa-isahing tanggalin ang butones ng kanyang polo. Ang kanyang morenong kutis at eight-pack abs ay bumagay sa dim na ilaw ng silid.Siya si Roscoe Villafuerte, may-ari ng pinakamalaking construction c
Nanghihina at nahihilo si Leil na nakahiga sa isang malambot na kama. Tanging ang puting kumot lamang ang nakatakip sa kanyang katawan. Hindi niya batid kung nasaan siya at kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid. Tanging ang init na dumadaloy sa kanyang lalamunan hanggang sa buong katawan ang kanyang ramdam. Gusto man niyang tumayo ngunit hindi niya magawa. “May tao ba riyan? Maaari bang makahingi ako—”Bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin, kumalabog ang pintuan kasabay ng pagpasok ng isang makisig na lalaki. Hindi man niya maaninag nang maayos ang lalaki dahil sa dim na ilaw, batid niyang matangkad ito at kaakit-akit. Kasabay ng kanyang paghakbang palapit sa kama ay ang pagtanggal nito sa kanyang necktie. Matapos matanggal ay hinagis niya ito sa kung saan bago inumpisahang isa-isahing tanggalin ang butones ng kanyang polo. Ang kanyang morenong kutis at eight-pack abs ay bumagay sa dim na ilaw ng silid.Siya si Roscoe Villafuerte, may-ari ng pinakamalaking construction c...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments