Share

Kabanata 002

Author: Queen Inks
last update Last Updated: 2025-01-16 14:25:35

Dahan-dahang minulat ni Leil ang kanyang mata, may bahid ng pagtataka at takot ang mga ito. Isang malawak at engrandong Presidential Suit ang bumungad sa kanya. Napalilibutan ito ng mga paintings at ibang gamit na sigurado siyang mamahalin.

‘Ano’ng nangyari kagabi at bakit ako narito?’

Tanong niya sa kanyang sarili.

Hindi niya batid kung paano siya napunta sa ganito kagandang silid.

Nalukot ang kanyang mukha nang subukan niyang gumalaw. Halos buong parte ng kanyang katawan ay kumikirot sa tuwing siya ay gumagalaw, para bang dinaganan siya ng isang napakalaking truck.

Sinilip niya ang sarili sa ilalim ng puting kumot at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang hubad siya!

Wala ni isang saplot siyang suot! She is an open naked to everybody’s eyes if only not on the cushion over her body.

“Hmmm…”

Isang mababaw na ungol ang kanyang narinig. Paglingon niya sa kanyang tabi, nanlaki ang kanyang mga mata sa takot nang makita kung sino ito!

Walang iba kung hindi si Roscoe Villafuerte!

Natutop niya ang kanyang labi habang pinagmamasdan ang natutulog na si Roscoe. Nakakunot ang kanyang noo na tila ba kahit sa pagtulog ay may kaaway siya, ang kanyang matangos na ilong na mas lalong dumagdag sa kanyang kagwapuhan, at mas lalo ang kanyang mapupulang labi na masarap halikan.

Napalunok siya.

Hindi pwedeng makita ako rito ni Roscoe. Sigurado akong hindi niya ako papaalisin dito ng buhay ‘pag nagkataon.

Napangiti siya nang mapait sa sarili habang inaalala ang galit na mayroon si Roscoe sa kanya.

Si Leil ay isang reporter sa isang hindi masyadong kilalang tv network. Dahil sa patuloy na pagharap ng kanilang kumpanya sa mga losses for the past years, inatasan si Leil na kuhanan ng mga pictures at videos ang isang sikat na aktres kasama ang kanyang patagong nobyo na isang makapangyarihang business man.

Gagamitin nila ang mga pictures na ito para makagawa ng isang headline at news na siguradong gigimbal sa mundo ng showbiz pati na rin sa business world.

Napatigil siya sa pag-iisip nang maalala na hindi siya nag-iisa sa proyekto na iyon. Kasama niya si Princess, isa sa mga reporters na pinadala sa eksklusibong club na iyon.

Posible kayang si Princess ang nagtrap sa kanya rito? Ngunit para saan?

Bago pa magising si Roscoe ay pinilit na na tumayo ni Leil at dali-daling pinulot ang kanyang damit na nagkalat sa sahig.

Posible kayang may nangyari sa amin?

Umiling-iling siyang sinuot ang kanyang mga damit.

Hindi pwede ito. Mas lalong magagalit si Roscoe sa kanya kapag nalaman ng lalaki na may nangyari sa kanila. Mas lalo itong mandidiri at mas lalo lamang siyang kamumuhian.

Balak nang humakbang ni Leil papunta sa pintuan upang makaalis na ngunit bago niya pa magawa iyon ay may isang mainit na kamay ang pumigil sa kanya.

“Saan ka pupunta?” His husky voice sent shiver to her spine.

Napalunok siya at pinilit na huwag lumingon. Ngunit napatili siya nang bigla siyang hilain ng lalaki pabalik sa kama. Hinawakan nang mahigpit ni Roscoe ang kanyang dalawang kamay at sinigurong hindi siya makakaalis.

Nagtama ang kanilang mga mata. Umaapoy sa galit ang mga mata ni Roscoe habang may takot naman sa mga mata ni Leil.

“Sige nga. Sagutin mo ang tanong ko. Bakit ka nandito, hmm? Ano’ng balak mo?”

Ramdam ni Leil ang galit sa bawat salitang binitiwan ni Roscoe. Pati ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang kamay ay nagpapahiwatig sa kanyang galit.

Madiin, mahigpit, at umaapoy.

Tinitigan niya ang mga mata ni Roscoe.

Hindi niya maiwasang malungkot nang maalala na ang mga matang dating nagmamahal at nagproprotekta sa kanya, ay punong-puno ng galit at pandidiri sa kanya ngayon.

“I’m sorry, Roscoe. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam kung paano ako nakarating—”

“Uh-huh? And do you really think I will believe a liar and deceitful like you?” saad ni Roscoe habang nakatiim ang bagang. “Hindi talaga ako nagkamali na isa kang mababang uri ng babae, Leil. Ganyan ka ba talaga? Handang gamitin ang sariling katawan para lang makuha ang kanyang gusto?” mas lalong dinaganan ni Roscoe si Leil dahilan upang masaktan nang kaunti ang babae.

“R-Roscoe… nasasaktan ako…”

Ngumisi nang madilim ang lalaki.

“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyong huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin o kahit na lapitan man lang ako? At talagang nagawa mo pang puntahan ako rito sa aking kama, huh? Para ano? Para akitin ako?” hinaplos ni Roscoe ang pisngi ni Leil.

Namumula na ang mga mata ng babae sa pagpipigil ng luha. Hindi pwedeng magpakita siya ng ibang emosyon kay Roscoe. Baka mas lalong magalit ang lalaki.

Inilapit ni Roscoe ang kanyang mga labi sa tenga ni Leil. Napalunok ang babae nang tumama ang mainit na hininga nito sa kanyang balat.

“Ito ang tatandaan mo, Leil. Sa susunod na makita kitang lapitan ako. Hindi ako magdadalawang-isip na saktan ka. Alalahanin mo ang sinabi ko sa iyo limang taon na ang nakakalipas. I will not keep you alive once you do it next time, hmmm? I will not hesitate to do it, Leil. Remember that.”

Related chapters

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 003

    Parang paulit-ulit na sinaksak si Leil ng mga salita ni Roscoe. Tumagos ito sa kanyang puso at nag-iwan ng marka. Ganito ba talaga ang tingin niya sa akin? Na gagamitin ko ang aking katawan para makuha ang aking gusto?Ngunit hindi ko siya masisisi sapagkat alam kong ako rin ang may kasalanan nito. Galit siya sa akin. Limang taon na ang lumipas nang may nagawa akong kasalanan sa kanya. Kaya’t hindi ko siya pwedeng sisihin kung ganito na lamang ang pag-iisip niya sa akin. Pero… nasasaktan pa rin ako. Isang luha ang pumatak sa mata ni Leil habang iniisip ang mga iyon. Wala na ang kanyang dating Roscoe.“Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko’t masaktan kita! Umalis ka na!” padabog na pinakawalan ni Roscoe si Leil. Umalis siya sa ibabaw ng babae at tiningnan na lamang ito nang masama. ‘Saktan? Nasaktan mo na ako.’ sa isip ni Leil. Kahit nanginginig sa takot si Leil ay dali-dali siyang tumakbo palabas ng suit na iyon. Kilala niya ang lalaking kaharap niya at nasisiguro niyang hind

    Last Updated : 2025-01-16
  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 004

    Sa higit isang oras na paghihintay ng masasakyan, sa wakas ay nakapara na rin si Leil ng isang taxi. Sinabi niya ang address ng inuupahang condo sa driver. Buti naman at mabilis silang nakarating doon. Nanghihinang umakyat si Leil sa loob at dumeretso sa banyo. Binuksan niya ang shower at hinayaang mabasa ang kanyang buong katawan. ‘Bakit nangyayari ito sa atin, Roscoe? Bakit sobra-sobra ang galit mo sa akin? Bakit ayaw mo akong paniwalaan? Dati naman ay ikaw pa ang pumoprotekta sa akin hindi ba? Ikaw ang nagtatanggol at nagpapasaya sa akin. Bakit ngayon ay nag-iba na ang lahat? Bakit ikaw na ang nananakit sa akin?’Umagos ang luha sa mga mata ni Leil habang nakasandal sa dingding ng banyo. Sila ni Roscoe ay dating magkaibigan at pareho sila ng pinapasukang paaralan. Si Roscoe ang nagtatanggol sa kanya kung may nagtatangkang mangbully dito. Hindi niya hinahayaang masaktan si Leil at lalong laging pinapatawa at pinapasaya ng lalaki ang babae. Pero nagbago ang lahat dahil sa isang t

    Last Updated : 2025-01-16
  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 005

    Alam ni Leil na kahit na maliit na kompanya lamang ang pinagtratrabahuan niya, hindi niya pa rin ito kakayanin. Lalo na at wala siyang perang maaaring gamitin para magsampa ng kaso. Alam niya ring hindi gano’n kadali iyon. “At ano’ng gusto niyong gawin ko?! Ang hayaan at kalimutan na lang ang lahat?!” Isang malakas na tunog ang nagpatigil sa dalawa. Hinampas ng kanilang boss ang lamesa at saka tumayo. “Wala kang sasabihing makasisira sa akin o kahit sa kompanyang ito! Hindi ka magsasalita! Isasarado mo ang bibig mo, Leil!” namumula ang mukha ng lalaki dahil sa sobrang galit. Hindi pwedeng lumabas ang issue na ito. Siguradong siya ang malilintikan ng mga higher bosses kung nagkataon. At baka mawalan pa siya ng trabaho. Trabahong ilang taon niyang pinagsikapang abutin. Hindi siya pwedeng masira dahil lamang sa issue na ito at mas lalong hindi pwedeng maalis siya sa pwesto! Kung kailangang patayin niya si Leil upang mapatahimik ito, gagawin niya. Sinugod ng lalaki si Leil at

    Last Updated : 2025-01-16
  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 001

    Nanghihina at nahihilo si Leil na nakahiga sa isang malambot na kama. Tanging ang puting kumot lamang ang nakatakip sa kanyang katawan. Hindi niya batid kung nasaan siya at kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid. Tanging ang init na dumadaloy sa kanyang lalamunan hanggang sa buong katawan ang kanyang ramdam. Gusto man niyang tumayo ngunit hindi niya magawa. “May tao ba riyan? Maaari bang makahingi ako—”Bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin, kumalabog ang pintuan kasabay ng pagpasok ng isang makisig na lalaki. Hindi man niya maaninag nang maayos ang lalaki dahil sa dim na ilaw, batid niyang matangkad ito at kaakit-akit. Kasabay ng kanyang paghakbang palapit sa kama ay ang pagtanggal nito sa kanyang necktie. Matapos matanggal ay hinagis niya ito sa kung saan bago inumpisahang isa-isahing tanggalin ang butones ng kanyang polo. Ang kanyang morenong kutis at eight-pack abs ay bumagay sa dim na ilaw ng silid.Siya si Roscoe Villafuerte, may-ari ng pinakamalaking construction c

    Last Updated : 2025-01-16

Latest chapter

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 002

    Dahan-dahang minulat ni Leil ang kanyang mata, may bahid ng pagtataka at takot ang mga ito. Isang malawak at engrandong Presidential Suit ang bumungad sa kanya. Napalilibutan ito ng mga paintings at ibang gamit na sigurado siyang mamahalin. ‘Ano’ng nangyari kagabi at bakit ako narito?’ Tanong niya sa kanyang sarili. Hindi niya batid kung paano siya napunta sa ganito kagandang silid.Nalukot ang kanyang mukha nang subukan niyang gumalaw. Halos buong parte ng kanyang katawan ay kumikirot sa tuwing siya ay gumagalaw, para bang dinaganan siya ng isang napakalaking truck. Sinilip niya ang sarili sa ilalim ng puting kumot at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang hubad siya!Wala ni isang saplot siyang suot! She is an open naked to everybody’s eyes if only not on the cushion over her body. “Hmmm…”Isang mababaw na ungol ang kanyang narinig. Paglingon niya sa kanyang tabi, nanlaki ang kanyang mga mata sa takot nang makita kung sino ito!Walang iba kung hindi si Roscoe Villafuerte!

  • Contract Marriage With The CEO   Kabanata 001

    Nanghihina at nahihilo si Leil na nakahiga sa isang malambot na kama. Tanging ang puting kumot lamang ang nakatakip sa kanyang katawan. Hindi niya batid kung nasaan siya at kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid. Tanging ang init na dumadaloy sa kanyang lalamunan hanggang sa buong katawan ang kanyang ramdam. Gusto man niyang tumayo ngunit hindi niya magawa. “May tao ba riyan? Maaari bang makahingi ako—”Bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin, kumalabog ang pintuan kasabay ng pagpasok ng isang makisig na lalaki. Hindi man niya maaninag nang maayos ang lalaki dahil sa dim na ilaw, batid niyang matangkad ito at kaakit-akit. Kasabay ng kanyang paghakbang palapit sa kama ay ang pagtanggal nito sa kanyang necktie. Matapos matanggal ay hinagis niya ito sa kung saan bago inumpisahang isa-isahing tanggalin ang butones ng kanyang polo. Ang kanyang morenong kutis at eight-pack abs ay bumagay sa dim na ilaw ng silid.Siya si Roscoe Villafuerte, may-ari ng pinakamalaking construction c

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status